Share

Kabanata 02

PAGKAGISING ko, wala na sa loob ng kuwarto namin si Ohani kaya agad akong napabangon.

Himala! First time nangyari 'to na hindi ko siya naabutan na tulog. Ako kasi lagi ang nagigising ng maaga dahil morning person ako at siya naman ay hindi. Kaya malaking himala talaga na maaga siyang nagising ngayon umaga.

Naghilamos muna ako ng mukha ko bago ako nagbihis ng pang-jogging outfit at saka sinimulan ko nang mag-jogging sa labas.

Pagkatapos kong mag-jogging ay dumiritso na ako sa loob ng dining area upang makapag-agahan na. Pasimple naman akong lumilingon sa paligid. Nagbabakasakali na makita ko si Ohani pero wala akong nakikitang Ohani rito.

Saan naman kaya nagpunta 'yon?

Pagkatapos kong ligpitin ang pinagkainan ko ay dumiritso na ako sa kuwarto upang makaligo na. Marami naman kaming maids dito, pero ayoko na i-utos pa sa kanila ang mga bagay na kaya ko naman na gawin. Simpleng pagliligpit lang naman ng pinagkainan ang gagawin ko. Sobrang maliit na bagay lang.

Simpleng white shirt at black casual pants lang ang suot ko ngayon na may tatak na LV o Louis Vuitton. Binibili kasi ako ni Ohani sa tuwing magshoshopping siya sa ibang bansa.

Palipat-lipat ang tingin ko sa aking relo at sa laptop na nasa harapan ko ngayon. Hindi ako mapakali dahil ilang oras na kasi at hindi ko pa rin nakikita si Ohani.

Dali-dali kong kinuha ang telepono ko sa may table ng biglang itong tumunog. Nang makita kong si Ohani ang tumatawag ay kaagad ko rin itong sinagot.

Hindi pa nga ako nakakasagot ng "hello" ay inutusan kaagad ako nito.

“Pick me up here. I'm at Tana’s condo.” wika nito sa kabilang linya at saka pinantayan kaagad ako ng tawag.

Napailing nalang ako at tumayo na. Ginamit ko nalang ang ducati ko upang sunduin siya.

Nagtext naman kaagad ako sa kanya pagkarating ko.

Me: Nasa labas na ako. Bumaba ka nalang.

Ohani: I need help here. Marami akong dala.

Wala akong nagawa kaya pumasok nalang ako sa loob.

Pagkalabas namin, halos hindi ako makalakad ng maayos. Hindi ko naman in-expect na ganito karami ang dala niya. Kapag isasali ito sa contest na paramihan ng gastos, ay siguradong mananalo si Ohani. Gastadora talaga ito ng pinas.

Napatigil naman ako sa tapat nang makita ang ducati ko. Right. Naka-ducati pala ako.

“Ang macho na ng asawa mo, Hani,” rinig kong bulong ng kaibigan ni Ohani na si Tana kahit nasa likuran ko ang mga ito.

“Gusto mo? Sa 'yo nalang.” tugon naman ni Ohani na nakapagkunot ng noo ko. Ipinamimigay na niya ako ngayon?

“Gaga ka talaga! Ayoko maging kabet 'no.” ani ng kaibigan niya.

Nilingon ko naman silang dalawa dahilan para mapatigil sila sa pagbubulungan nila.

“Naka-ducati lang pala ako,” ani ko.

Sumilip naman sa likuran ko si Ohani. "It's alright,” wika niya.

“What do you mean? Saan ko ilalagay itong ibang mga shopping bag mo?” tanong ko rito.

“Balik-balikan mo nalang.” nakangising sabi niya.

“Papahirapan mo pa ako! Bakit kasi andami mong binili ngayon?... At ang aga mo pang umalis ng mansyon kanina. Hindi ka rin nagpaalam sa 'kin.” wika ko.

“Ano naman ngayon sa 'yo? Stress ako ngayon e!” ani niya at saka inirapan ako.

Ganito talaga siya ma-stress. Nakaka-stress rin siya. Yung kaibigan niya panay lang ang pagngiti habang palipat-lipat ang tingin sa aming dalawa. Hindi pa rin kasi ito umaalis.

“At ano naman ang dahilan na na-stress ka?” curious na tanong ko.

“Andami mong tanong!” saad nito at saka inirapan ulit ako.

Hindi ko talaga nakokontrol ang sarili ko kapag na-sstress siya ng walang dahilan dahil ang gastos niya, at ako rin ang na-sstress sa kanya.

Tinawagan ko nalang si Mang Karding, ang family driver ng mga Zuvittri na sunduin si Ohani rito.

Ewan ko rin ba sa babaeng 'to, kung bakit hindi siya nag-hire ng mga bodyguard niya. Para sana, kahit saan siya magpunta ay kampanti ako na safe lang siya. Sikat pa naman siya at bilyonaryo rin ang kaniyang ama kaya hindi imposibleng hindi siya ma-kidnap... pero huwag naman sana.

Pagkarating ni Mang Karding ay ipinasok na namin sa loob ng kotse ang mga pinamili niya. Tiningnan ko naman ito nang hindi pa siya pumapasok sa loob ng kotse.

“What?!” nakataas ang isang kilay na tanong niya.

“Pumasok ka na sa loob dahil nangangawit na itong kamay ko.” saad ko rito.

“Edi isara mo na yung pintuan ng kotse,” ani niya.

“At paano ka naman uuwi? Maglalakad ka lang?.... Bahala ka sa buhay mo.” inis na sabi ko rito at tinalikuran ko na ito.

“At sinong nagsabi na maglalakad ako pauwi?” saad niya at sumakay sa likuran ko.

“Ohani, bumaba ka nga,” maawtoridad na utos ko rito.

“Sasabay ako sa 'yo pauwi, Mr. Rufus Madrid!” pasigaw niyang sabi sa may bandang tenga ko. Tinakpan ko naman ang bibig niya gamit ang isang kamay ko.

Sa huli ay wala rin akong nagawa. Sumakay nalang ako sa Ducati ko habang pasan ko siya sa likuran. Ang kulit talaga ng babaeng 'to! Para siyang linta kung makakapit. Umayos na rin ito ng upo at saka kinawayan ang kaibigan niyang si Tana. I think si Tana lang ang may alam na may asawa na si Ohani. Oo, hindi isina-publiko ang kasal naming dalawa ni Ohani, dahil biglaan rin naman ang kasal naming dalawa.

Nakauwi na kami ngayon at itong isa naman ay busy sa pag-aayos ng mga pinamili niya kanina.

Bigla naman nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kabuuang pera na ginastos niya ngayong araw. Ngayon ko lang natanggap ang text galing sa mga shop na pinagbilhan niya.

“Ohani, magkano ang ginastos mo ngayong araw?” kaagad na tanong ko rito. Napatayo na rin ako.

“Uhm... Millions?” sagot niya na parang wala lang siyang pake sa winaldas niyang pera.

“Ohani... 200 million ang ginastos mo ngayong araw!” diniinan ko pa talaga ang pagkakabigkas ko ng bawat salita.

“Really?” hindi makapaniwalang tanong niya, at itinuon ulit ang atensyon niya sa mga pinamili niya kanina.

Nilapitan ko naman ito at saka pinantayan. Saglit niya akong binalingan at itinuon ulit ang sarili sa kaniyang mga pinamili. “Simula ngayon, kailangan mo nang magtipid.” seryosong sabi ko.

“Why would I? Marami naman akong pera.” sagot niya habang hindi ito nakatingin sa 'kin.

Napangiwi naman ako sa sinabi nito.

Hinawakan ko ang baba nito at saka inilapit ko ang mukha niya sa mukha ko. “Ang isa sa mga ibinilin sa 'kin ng Daddy mo na kapag nawala na siya ay tuturuan kita kung paano magtipid ng pera.”

“What if I don't want to?” nakataas ang isang kilay na sabi niya.

Hindi talaga natatakot sa 'kin ang babaeng 'to kaya mas inilapit ko pa ang mukha ko sa kanya. Nakita kong napalunok pa ito ng dalawang beses. “W-what a-are you doing?” ramdam ko sa boses nito ang kaba.

Napapikit naman ito ng marahan kong pinisil ang tungki ng kaniyang ilong. “Magtitipid ka sa ayaw at sa gusto mo!” saad ko bago umalis sa harapan niya. “May gagawin lang ako, huwag kang aalis d'yan.” dugtong ko.

Ilang minuto lang akong nawala sa living room ay hindi ko na ito mahagilap. Tanging ang kaniyang mga pinamili nalang ang narito.

Nasaan na naman ang babaeng 'yon? Pasaway talaga!

Chineck ko na yung buong sulok ng mansyon pero hindi ko pa rin ito makita. Nang makasalubong ko si Mang Karding ay kaagad ko itong nilapitan.

“Mang Karding, nakita niyo po ba si Ohani? Kanina ko pa po kasi siya hinahanap.” tanong ko rito.

“Ay sir nagpahatid po sa akin, sa may Garry's Bar po.” sagot nito.

“Salamat, Mang Karding.” tinanguan lang ako nito at dali-dali na akong lumabas ng mansyon.

Saktong papasok na ako sa loob ng driver seat ng biglang mag-ring ang phone ko.

Unknown number is calling...

Sino naman 'to? Paano naman niya nalaman ang number ko?

“Hello, Rufus... This is your auntie, Olla, can you pick me here sa airport?” bungad ng taong nasa kabilang linya.

Auntie Olla? Teka... Nandito na siya sa pinas? Bakit biglaan naman ata?

“Papunta na ako, Auntie Olla.” sagot ko at pumasok na sa loob ng kotse.

“Thanks, Rufus. You're the best pamangkin ever.” masayang saad nito bago pinatay ang tawag.

Si Ohani talaga ang totoo niyang pamangkin. Parang ako raw kasi ang pamangkin niya dahil magka-ugali raw kami, at si Ohani raw ay hindi niya alam kung saan ito nagmana. Pero para sa 'kin... Nagmana talaga si Ohani kay Auntie Olla HAHAHAHA.

Dali-dali ko naman na binuhay ang makina ng sasakyan. Pupuntahan ko nalang mamaya si Ohani pagkahatid ko kay Auntie Olla sa mansyon.

“WHERE'S, HANI?” kaagad na tanong ni Auntie Olla pagkapasok namin sa loob ng mansyon.

“Wala po e... Uhm... actually, susunduin ko po sana siya kanina.” pag-amin ko.

“Itong pamangkin ko talaga! Alam mo bang tinawagan ko siya kanina para sunduin ako sa airport, tapos sinabihan lang ako na, ikaw na raw ang susundo sa 'kin,” nakasimangot na kuwento niya.

“Huwag niyo na po munang isipin si Ohani. Magpahinga na po muna kayo rito, Auntie Olla.” ani ko.

“Hay naku, mabuti pa nga! Stress lang binibigay sa 'kin ng batang 'yon.” saad niya at humiga sa may mahabang sofa.

“Uhm... Auntie Olla. Kapag may kailangan po kayo, tawagin niyo nalang po si Manang Roda roon sa loob ng kusina. Pupuntahan ko po muna si Ohani.” paalam ko.

“Don't worry about me, pamangkin. Ingat ka, okay? Iuwi mo rito ng safe ang pasaway kong pamangkin.” wika nito.

Natawa naman ako sa sinabi nito.

“I will po.” saad ko bago umalis.

PAGKAPASOK ko sa loob ng Garry's Bar ay nadatnan ko roon si Ohani na umiinom sa may counter, at may katabi itong lalaki na naka-sandal ang isang braso sa upuan nito.

Kaagad naman akong lumapit sa puwesto nila.

Napalingon naman sa akin si Ohani nang maupo na ako sa tabi nito. Kaagad kong sinenyasan ang bartender na bigyan ako ng maiinom. Kahit ano, basta inumin.

“What are you doing here?” hindi makapaniwalang tanong ni Ohani habang nakatitig sa 'kin.

“Uhm... Kasi sinusundo na kita?” sabi ko.

“Ayoko pang umuwi. Umuwi ka mag-isa mo!” sabi nito at tinarayan ako, at pagkatapos ay binalingan na nito ang lalaking kausap niya kanina.

“Ohani,” tawag ko sa pangalan nito na may banta sa boses ko, ngunit umakto lang ito na parang walang narinig.

Matalim na tingin naman ang ipinukol ko sa lalaking katabi niya nang hawakan nito sa may braso si Ohani. Nang makita niya ang ekspresyon ko ay agad niyang itinaas ang kanyang dalawang kamay na para bang sumusuko ito.

“Chill par. I-I'm a gay,” anito.

Kaagad naman na nagbago ang ekspresyon ko. Naiinis naman na nilingon ako ni Ohani. Magsasalita na sana si Ohani nang biglang may isang babaeng lumapit sa akin at saka kumandong pa ito.

Gulat naman akong napatingin sa babaeng nakakandong sa akin ngayon.

“Hi, I'm Carrie. Would you like to have a drink with me?” aniya. Natulala naman ako sa mala-anghel na boses nito.

Nang makita kong papaalis na si Ohani ay dali-dali ko namang pinatayo ang babaeng nakakandong sa akin na si Carrie raw.

Sinundan ko naman si Ohani na patungo ngayon sa kotseng dala ko. Syempre kotse niya 'yan, kaya kilalang-kilala na niya ito, kahit pa walang plate number sa likod o meron.

Napahinto naman ito sa may likod ng driver seat. Nang makalapit ako rito ay kaagad kong binuksan ang pintuan ng kotse at diri-diretso itong pumasok sa loob. Umikot naman ako para makasakay na sa loob ng driver seat.

Literal talaga na gagawin niya akong driver niya ngayon.

Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe hanggang sa makapasok na kami sa loob ng mansyon. Nasa kabilang couch siya nakaupo at ako naman sa kaharap na couch niya nakaupo. Magkaharap kaming dalawa ngayon pero hindi kami nagkikibuan. Mukhang wala rin kasi ito sa mood.

“Long time no see, My one and only pretty pamangkin,” masayang bati sa kaniya Auntie Olla habang pababa ito ng hagdanan. Nakapambahay na rin ito ngayon.

Be-beso na sana si Auntie Olla kay Ohani nang makita niyang nakasimangot ito kaya bigla siyang napaatras. Tiningnan naman ako ni Auntie Olla at saka bumulong ito sa ere kung tinutuyo raw ba si Ohani.

Natawa naman ako sa sinabi nito, dahilan para makuha ko ang atensiyon ni Ohani. Sinimangutan lang ako nito at saka dali-dali itong tumayo at naglakad patungog hagdanan. Pagkapasok niya ay padabog niyang isinarado ang pintuan ng kuwarto naming dalawa.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status