ni Khealie na umalis at suwayin ang mga magulang sa sapilitang pagpapakasal nito sa kaniya at sa lalaking hindi niya naman mahal. Sa kaniyang pag-alis ay hindi sinasadyang magka tagpo ang landas nila ni Cloud na siyang naging daan niya upang tigilan na siya ng mga magulang niya sa pwersahang pagpapakasal nito sa anak ng isa sa mga investors ng kaniyang ama. "Hindi ko sukat akalain na ang babaeng noon ay nag mamakaawa lamang na pakasalan ko ay siya palang makakatuloyan ko, hindi ako makapaniwala." madamdaming sambit ni Cloud. tanging matamis na ngiti lamang ang ibinigay ni khealie sa kaniyang asawa. Sino nga ba naman ang mag aakala na tototohanin pala nilang dalawa ang kasal na dapat sana ay palabas lamang kagaya nang napag kasundoan nila bago ang kasal.
view moreBago sila tuluyang umuwi ay nag pasya munang pumunta si Miles sa isang jewelry store nang maalala ang bagay na iyon. Nang pumasok sila ay kaagad na binati nang magandang babae si Miles nang lumapit sila para tingnan ang ilang nga rings na nahanay sa loob nang isang glass storage. "Hello, sir nag hahanap po ba kayo nang singsing?" Magalang nitong tanong habang malapad na naka ngiti. Medyo nainis naman roon si Khealie hindi niya gusto ang babaeng iyon para bang palihim nitong inaakit ang asawa. 'Asawa niya?' kasal na sila ngayon kaya naman Asawa niya naman na talaga ito. Pakikipag talo niya sa kaniyang isip. "Which one do you like?" tanong nito sa kaniya na hindi makikitaan nang anumang ekspresyon ang hitsura nito. Agad na pinasadahan ni Khealie ang mga naka hanay na singsing roon. Na stock ang tingin niya sa isang gold ring na kung hindi siya nag kakamali ay isa iyong verragio INS - 7074R 3 stones rings. Ang 3 stone ring na kilala rin bilang Bostonian ring ay sinasabing kumakatawan
Kasalukuyang nasa veranda si Khealie habang tahimik na nag babasa nang pocket book. Binili niya ito noong nag punta sila nang mall ni Xianel, she really loves reading books specially mga stories iyon. Nakahiligin niya na talaga ang pagbabasang ito mula pa noong high school siya. Pagkatapos umalis ni Aljunry nang mansion kanina ay dumiretso siya sa kaniyang silid nag palit nang damit at nag pahangin sandali sa veranda para maibsan ang pagka inip ay kinuha niya ang ilan sa mga pocket book na nabili niya. She was knocking kanina sa silid ni Miles para makausap ito pero mukhang wala ito roon dahil walang sumagot sa kaniya kaya naman hinayaan niya na muna ito. Sa hindi inaasahan ay napasulyap si Khealie sa labas, napakunot ang kaniyang noo nang mayroon siyang makitang babae na nakatayo roon kahina hinala ito kaya naman pinakatitigan ito ni Khealie para kilalanin kung sino ito. Mas kumunot lalo ang noo niya nang mapag sino ito. 'bakit balik parin siya nang balik rito?' Si Lucy iyon na
Kinakabahang nakamasid si Khealie sa labas nang isang pamilyar na bahay. Ilang buwan din siyang nawala, walang pinag bago ang bahay mag mula nong umalis siya at nag layas. Nasa loob siya ngayon nang kotse nag dadalawang isip siya kung bababa ba at papasok sa bahay na iyon, isipin niya palang ang magiging reaksyon nang mga magulang ay lalo lang bumibilis ang tibok nang kaniyang puso dahil sa labis labis na kaba. Pakiramdam niya ay nauubosan siya nang hangin at hindi siya makahinga. Papasok ba siya at mag papakita sa mga ito? sa totoo lang ay ayaw niya nang makita ang mga ito, kung hindi lang dahil sa pabor na hinihiling ni Miles para pakasalan siya nito ay hindi siya babalik pa sa bahay na ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? wala siyang choice kundi bumalik ulit sa Lugar na iyon at mag pakitang muli sa mga ito. Tahimik namang pinag masdan ni Miles ang babae na nasa tabi niya, nakatingin lamang ito sa labas nang isang bahay. Kahit hindi nito sabihin sa kaniya ay bakas sa mukha n
Nasa kilalang bar sina Miles kasama ang dalawang kaibigan na sina Aljunry at Jeck. Dahil siguro nakarating na Ang balita tungkol sa pag papakasal ni Lucy sa isang matamang Chinese para damayan ang kaibigan ay inaya siya nang nga itong uminom. Silang tatlo lamang ang naroon dahil nasa London ang isa nilang kaibigan na si Edward para sa inaasikaso nitong business nang pamilya. Nakaupo silang tatlo sa counter habang nakatingin sa mga taong sumasabay sa indayog nang musika. Ang ilan ay nag sasayaw pa habang may dala dalang bote nang beer sa gitna. Napatitig si Aljunry Kay Miles na para bang wala ito sa sarili dahil nakatutok lang ito sa kawalan. Tila may malalim na iniisip. "Wala ka man lang bang naging reaksyon pagkatapos mo malaman ang balitang kasal na si Lucy?" Nilakasan nito ang boses dahil baka hindi sila magkarinigan dahil sa malakas na tugtog na nag mumula roon. Bumaling ang tingin ni Miles sa katabi. Napapailing ito bago sumagot. "Ano pa ba ang dapat kung maramdaman? I caught
Sa mansion ng lola ni Miles...Kakapasok lang ni Khealie sa loob ng mansion ay kaagad niyang nakita ang lola Beth at ang ina ni Miles na parang may malalim na pinag uusapan. Napag tanto lamang niya kung ano iyon nang biglang mag salita ang ina ni Miles at mukhang alam niya na kung ano yon. "The nerve of that girl to marry another guy, after their break up. Hah! ang hilig niya talagang kumabit sa mayayamang lalaki. What a gold digger, mabuti nalang talaga at natauhan ang anak kot hindi natuloy ang kasal nila" Pumapalatak na sambit nito. "Bakit ganoon naman yata kabilis?" Kyuryusong sambit ni Lola Beth . Umiiling iling naman si Cristine na para bang alam na ang sagot sa tanong ng ina nito. "Ma...e kasi nga terador siya ng mga mayayaman, nakakapag taka paba iyon?" Si Khealie na nakatayo malapit sa pinto ay iginala ang kaniyang mga mata sa buong paligid, may hinahanap siyang tao pero hindi niya iyon makita roon. Alam na kaya nito ang balita?. "Hija, nariyan kana pala" Biglang usal ni
Sa bahay ng mga Aguirre"Magsilayas kayo sa harapan ko!" Sigaw niya sa mga inutusan niya para dakpin si Khealie. Agad namang nag si alisan ang mga taong iyon sa nakitang galit na galit na mukha ni Andres. Nag ngingitngit ang kalooban niya dahil na bigo na naman ang mga ito na maiuwi si Khealie. "Mga inutil!" Si Amanda na kabababa lamang mula sa itaas ay nag tatakang dinaluhan ang asawa na hindi malaman kung bakit ito galit na galit. Kaaga aga ay nag wawala na ito. "Anong nangyayare bakit ka nag wawala riyan?" Takang tanong niya, nilingon naman siya nang asawa na bakas ang galit sa mukha nito. "Yung mga inutusan Kong mag hanap kay khealie, pumalpak na naman" Asik nito. Nag dilim naman ang mga mata ni Amanda dahil sa nalaman. "Ayaw talagang mag pahuli nang babaeng iyon hah sinasagad niya talaga tayo" dagdag pa nito. Nabahala naman ang mukha ni Amanda kapag kuwan ay nag wika. "Mukhang mawawalan na tayo nang tsansa na muling maibangon ang kompanya natin" Umigting ang panga ni Andres sa
Tahimik lamang at hindi nag kikibuan si Miles at Khealie habang binabagtas nila ang daan pauwi. Walang ni isa ang gustong mag salita sa kanila, nang hindi na makatiis ay suminghap ng hangin si Khealie bago nag aalangang nilingon si Miles na seryoso lamang na nagmamaneho habang nakatuon sa kalsada ang mga mata nito. "Paano ka pala napunta doon kanina?" Takang tanong niya rito. "Inutusan ko si Aljunry na siya na lamang ang mag hatid kay Xianel I have to follow you" napa maang si Khealie sa narinig. sinundan nga siya nito pero bakit?. Nag aalala ba ito sa kaniya. "Who knows baka may kinalaman ka sa nangyareng insedente sa tapat ng mansion" Hindi makapaniwalang tinignan ni Khealie ito. 'Pinag hihinalaan niya ba ako?' Eh, siya nga ang puntirya nang mga iyon. Hah, hindi pa naman siya ganoong nababaliw para mag utos ng mga tao na kidnapin siya. "Pinag bibintangan mo ba ako?" "Hindi mo ako masisisi. malay ko bang mudos mo yung pagtulong kay lola at mag panggap na walang matitirhan para
Nang maipasok na sila ay saka lamang tinanggal ng mga ito ang nakatakip sa mukha nila, inisa-isang tiningnan iyon ni Khealie pero hindi pamilyar sa kaniya ang mga hitsura nito. Sino nga kaya ang nasa likod nito. "Pakawalan niyo na kasi kami, ano ba?!" Sigaw ni Xianel sa mga ito . Nainis naman ang katabi nitong lalaki dahil sa kaingayan ng dalaga. "Isang sigaw mo pa talaga pasasabugin ko yang bunganga mo" Singhal nito na itinutok ang dalang baril, na sindak naman si Xianel kaya tumahimik ito at mahinang humikbi. Inalo naman Kaagad ito ni Khealie, tahimik lamang siya at nag iisip kung papaano silang makakatakas sa mga ito. Okay lang sana kung siya lang ang na kidnap, pero Kasama din si Xianel. Tiyak na kasusuklaman siya ng Lola beth at pinsan nito kapag may masamang nangyare Kay Xianel. She needs to think about something. Nasa kalagitnaan sila ng byahe ng may biglang tumawag sa lalaking nag mamaneho, na tinawag na bosing ng lalaking dumukot sa kanila kanina. "Hello boss" Naningkit an
Sa bahay ng mga Aguirre... Nagkakagulo ang mag asawang Amanda at Andres dahil sa nalaman nilang balita na tuloyan na ngang nag pull out ng investment ang pamilyang Santiago sa kanilang kompanya. Lahat ng mga impleyado nila ay nag sialisan na at wala ng gusto pang mag trabaho sa kompanya nila dahil hindi na nila magawang swelduhan ang mga ito. Wala narin silang makuha pang mga investors para bumalik sa dating estado ang kompanya. Galit na galit na nag wawala si Andres pinag tatapon nito ang kahit na anong bagay na mahawakan. "Hon, tama na ano ba!" sigaw ni Amanda na sinusubokang hawakan ang asawa na nag aapoy sa galit. "Bwesit! bwesit talaga! kasalanan itong lahat ng babaeng iyon" Sigaw ni Andres pagkatapos basagin ang isang flower vase, napa igtad naman si Amanda nang magka pira piraso iyon sa sahig. "Bakit ba kasi ang hirap palutangin ng babaeng iyan, masyado siyang mailap, galingan niya talaga ang pag tatago niya dahil oras na mahanap ko siya. Tuturoan ko siya ng leksyon" Bulyaw
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments