PAGKATAPOS nilang mag mag haponan ay inihatid siya nang kaibigan sa kuwartong tutuloyan nito habang pansamantala siyang makikitira sa bahay nito. "Ito ang magiging kuwarto mo pasensya na medyo may nakakalat alam mo naman hehe" parang nahihiya pang sabi nito sabay pulot sa mga nakakalat na bagay sa kuwarto. Napapangiti siyang pinag mamasdan ang kaibigan na minanadali ang pagdampot sa mga bagay na nakakalat sa silid. Dapat nga ay siya ang mahiya dito dahil nakikituloy lamang siya sapat na sa kaniya ang payagan siya nitong mamalagi muna sa tahanan nito.
"Ano kaba Rj ayos na saakin ito" Nakangiting wika niya sa kaharap na iginala ang mata sa kabuoan nang silid. Malawak ang kuwartong ipinagamit nito sa kaniya kasing laki rin yata nang kuwarto niya. Sumulyap siya sa kaharap na iginala din ang tingin sa sulok nang kuwarto "pasalamat nga ako at hindi sa bodega mo ako pinatuloy" Biro niya na ikinatawa naman nang binata pero maya't maya lang ay matiim siya nitong tinitigan at kunot na kunot ang not "Parang ang sama ko naman yatang best friend non kung don kita patutulogin" anito na siyang ikinatawa naman niya "Hindi, seryoso. Subrang thank you talaga Rj ah? you're really a good best friend hayaan mo babawi din ako sa'yo" Wika niya dito"Pag nalusotan ko na tong problema na'to bibigyan kita nang ticket trip to Maldives diba gusto mong pumonta don?" Pumapalakpak pang aniya dito habang malapad ang pagkakangiti. pabiro naman siyang inismiran nang kaibigang binata na napahalukipkip pa ito. "Ayan kana naman sa mga linyahan mo na yan eh, dati nga nong elementary pa tayo nong lagi kitang pinagtatanggol sa mga nambubully sayo sabi mo noon babawi ka rin sakin you even told me na ililibre mo ako nang paborito kung cheese cake pero hindi mo naman tinupad" Sumbat nito na parang desmayado at napapailing pa. Natawa naman siya nang maalala yon. "Naku, pasensya na alam mo namang mga bata pa tayo non ei""Tapos ngayon sinasabi mo na bibigyan mo ako nang ticket trip to Maldives kapag na tapos yang problemang tinatakbohan mo? Papaasahin mo na naman niyan ako panigurado" sinamaan niya ito nang tingin "Woi, hindi ah totoo na to""Talaga lang ha?" pang aalaska pa nito sa dalaga "Oo nga""Sos ei baka prank mo na naman yan ei" Pabirong sabi nito na binuntotan pa nang tawa. Sinamaan naman ito nang tingin nang dalaga "Kung ayaw mong maniwala edi wag. Hayaan mo babawi din ako sayo sa pagpapatuloy mo sa'kin dito" Nakasimangot na ani niya sa binatang nag pipigil lamang na huwag mapa bunghalit nang tawa. Hinawakan niya ito sa balikat pero tinabig lamang nito iyon."Oo na sige na napakapikonin mo parin talaga. Matulog kana I know you're tired. If you need something don't hesitate to call me I'm just downstairs" Anito sa dalaga na ikinatango lang nang dalaga."Thank you""My pleasure tot" natatawang wika nito na ikinakunot nang noo nang dalaga "Anong tot?" takang tanong nito na ikinatawa naman nang huli. "Tot...payatot duh""Che! lumabas kana nga!" inis na taboy niya sa binata na tinawanan lamang siya "Alright tot. i-lock mo pinto" Sambit nito pero sinaradohan niya na ito nang pinto "Ang bastos mo nag sasalita pa ako" Narinig niyang palatak nito pero inignora niya lamang iyon. Binitbit niya ang dalang maleta at itinabi iyon sa gilid nang malambot na kama. Pagkatapos ay pasalampak siyang nahiga saka mariing ipinikit niya ang mga mata. Biglang pumasok sa isip niya kung kumusta na nga kaya sa mansion.Alam na siguro nang mga magulang niya na nag layas siya. Idinilat niyang muli ang mga mata. Napapabuntong hininga si Khealie pagkatapos ay umayos siya nang pagkaka higa. Bahala na bukas, isasantabi niya na muna ang problema niyang iyon bahala na lamang ang panginoon sa kung anong kapalaran ang kahihinatnan niya bukas at sa mga susunod pang araw.KINAUMAGAHAN sa mansion nang mga Castillo ay nagkakagulo ang mga magulang nang dalaga sa paghahanap kung nasaan na ngaba ito. hinalughog na nang mga ito ang buong sulok nang bahay ngunit hindi nila mahagilap ang dalaga sa pakiwari'y marahil ngay nag layas ito. Dahil sa isiping iyon ay uminit ang ulo nang ina nang dalaga dahil sa ginawang iyon nang kanilang anak ay isa iyong napakalaking kahihiyan para sa kanila lalo pat kinausap na nila ang mga magulang nang lalaking mapapangasawa sana nang kanilang anak. Pero dahil sa pag alis nito nang walang pasabi ay malaking problema ang kinakaharap nila ngayon, kung saan ngaba mahahanap ang anak."Letseng babaeng yon, wala talagang maitulong. Ni gumawa nang tamang bagay hindi pa magawa. Puro sakit sa ulo lang ang naidudulot at ngayon nakuha pang mag layas!" Pagalit nitong sigaw. Nakaupo naman sa pang isahang sofa ang asawang si Andres na problemadong hinihilot ang sentido. Samantalang walang imikan naman ang lahat nang mga katulong na naroon at nakahanay sa gilid maliban kay Melda na kanina pa napapalunok at balisang-balisa. hindi ito mapakali."Kayo!" biglang sigaw nito at dinuro silang lahat. Hindi makatingin dito nang deretso ang katulong na si Melda. Nakayuko lang ang ibang katulong na naroon. "Wala ba ni isa sa inyo ang nakakita kay khealie na umalis ha?!" malakas na sigaw nito na ibinato pa sa gilid ang Champaign glass na nakalagay sa round table. Napaigtad naman sa gulat ang mga kasambahay.Nang walang may sumagot ay nilapitan niya ang mga ito at isa-isang kinilatis. Hindi naman napigilan nang isang kawaksi na si Melda ang mapalunok at pag pawisan dahil sa kaba. Mas lalo pang tumindi ang kaba niya nang tumigil ang amo sa mismong harapan niya."You!" biglaang sigaw nito na ikinataranta niya kaya naman gulat siyang nag angat nang tingin sa amo na halata ang galit sa mukha nito "Have you seen khealie? diba ikaw parati ang naglalagay nang mga basura sa labas nang gate, may posiblity na nakita mong umalis yung babae na 'yon" hindi ito umimik at sunod sunod lamang na napalunok ang mahigit kwarenta anyos na si Melda Hindi nito alam kung ano ang isasagot sa kaniyang amo. Hindi niya puwedeng sabihin na nakita niyang umalis ang anak nang amo kung sasabihin man niya hindi niya rin naman maituturo dito kung nasaan ito ngayon at isa pa ay nangako siya sa batang iyon na hindi siya mag susumbong kahit ikapahamak niya pa iyon."Answer me! dahil kinakausap kita" Bulyaw nito napaigtad naman si Melda dahil sa gulat nang ginawa nitong pag sigaw sa mismong mukha niya. "H-hindi ho ma'am. Hindi ko ho nakita na l-lumabas si khealie" nagkakanda utal-utal pang sagot nito habang nakayuko lang at hindi makuhang tumingin nang deretso sa amo mahirap na at baka malaman nitong nag sisinungaling lamang siya."Are you sure?" paniniguradong tanong nito na tila ayaw maniwala sa sinasabi niyang hindi niya nga talaga nakita ang dalaga na umalis. Dahan-dahan namang nag angat nang tingin ang kawaksi at nakita niya ang nanunuyang tingin nang amo habang nakataas pa ang isang kilay nito at nakahalukipkip bahagya siyang napayukong muli at napapailing-iling dito bilang sagot."Then where did khealie go? Alangan namang bigla-bigla nalang siyang mawawala ng gano'n-ganon nalang? nag laho na parang bula? Ano yun magic huh?" Paninirmon pa nito bago tumalikod nakahinga naman nang maluwag si Melda pati narin ang ibang mga katulong na naroon."We have to do something to find khealie ilang oras na lang ay kasal na nila hindi pwedeng malaman nang mga Santiago na nawawala ang bride dahil pag nangyari yun babawiin nila ang perang in-invest sa kompanya tiyak na sa lupa ang bagsak natin" nakatiim bagang na sambit ni Andres sa asawa na nakatayo sa tabi nito at problemadong problemado."Yon na nga ei. The question is...where do we find her?" Tanong ni Amanda sa asawa na sandaling napaisip at pagkatapos ay makahulogang tumingin dito. "Alam ko na" Sambit nito na parang nabuhayan nang loob at agad na tumayo mula sa pagkakaupo sa sofa."Anong alam mo na? May ideya ka naba kong nasaan ang magaling nating anak?" kunot noo namang tanong ni Amanda sa asawa habang nakapamaywang pa. Matiim na tinitigan siya nang asawa bago sagotin ang tanong nito. "Saan pa ba pupunta ang babaeng 'yon kundi sa bahay nang kaibigan niya? Mag bihis kana't pupunta tayo do'n" Pinal na sambit nito bago tumalikod at nag lakad paakyat sa hagdan.Naalimpungatan si khealie dahil sa sinag nang araw na tumatama sa kaniyang mukha. Tumatagos kasi ang sinag nang araw dahil sa manipis lamang ang kurtinang inilagay doon. Inunat-unat niya ang dalawang kamay bago tuloyang tumayo mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Diretso siyang nag tungo sa loob nang banyo para mag sipilyo at mag himalos na rin. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili bago bumaba nang silid. Pagkababa ay agad siyang nag tungo sa kusina, naabotan niya naman doon si Rj na nag hahanda nang kanilang almusal. "Hi, good morning" nakangiting bati niya dito. mukhang nagulat naman ang binata dahil sa biglaang pag sulpot niya pero napalitan din iyon nang ngiti. "Good morning din tamang-tama gising kana. Nakapag hain na ako ng almusal natin" magiliw na sambit nito habang inilalapag sa mesa ang pritong hotdog, bacon at sinangag na kanin na nanunuot pa sa ilong nang dalaga ang mabangong aroma na nang gagaling sa niluto nito. Nilagyan din nito nang juice ang dalawang baso "Hays
"Ma'am saan ho kayo bababa?" Tanong nang driver na nakapag patigil sa pag iisip nang dalaga. Lutang naman ang isip na nagpa baba siya sa isang kanto. Pagka baba ay agad siyang nag abot nang bayad dito. Wala sa sariling naglakad-lakad siya at nag iisip kung saan nga ba siya tutuloy ngayong nalaman na nang mga magulang niyang tumuloy siya sa bahay ng matalik na kaibigan at dahil doon ay idinawit niya pa ito sa problemang kinakaharap niya. Hindi niya naman ginustong madamay ito sa problema niya sadya lang talagang wala siyang mapuntahan nang maisipan niyang mag layas. Ngayon hindi niya alam kung ano na ba ang nangyari dito, kung okay lang ba ito? Kinapa niya ang kaniyang cellphone upang tawagan and kaibigan at kamustahin ito. Hindi parin kasi niya maalis na hindi mag alala para dito at hindi mapapanatag ang loob niya kapag hindi niya malaman na nasa maayos na kalagayan ito. O kung may ginawa bang masama ang mga magulang niya dito. Nang lulumong bumagsak and kaniyang mga balikat nang hi
"Do you know where you live?" Singit na tanong ng babaeng naroon. Pinakatitigan niya ang maamo na mukha nito na deretsong nakatitig din sa kanya. "W-wala ho akong m-matutuloyan" sa wakas ay na Sabi niya na rin ang kanina pa niyang gustong sabihin. Nagkatinginan naman ang tatlo . "What do you mean hija?" Nagugulohang tanong ng ginang. "M-mahabang istorya lo kasi" nahihiya niyang sambit, di naman pwedeng sabihin niya sa mga ito na nag layas siya at ngayon ay wala siyang mahanap na matutuloyan.She can't use her cards since pwedeng ma detect ng mga mgulang ang lugar na kinaroroonan niya at puntahan pa siya ng mga ito. She needs to be careful with her actions din, ng hindi siya matunton ng mga ito. Mahabang katahimikan muna ang namayapa sa loob ng silid na iyon bago muling mag salita ang ginang. "Don't worry hija, you are welcome in my house. Doon kana muna tumuloy pambayad ko na rin sa pagkaka ligtas mo sa buhay ko" masayang wika ng ginang na ikina mulagat ng dalaga, sa bahay siya nito t
Tahimik na pinag mamasdan ng dalaga ang mga magagandang bulaklak ng Rosas habang naka upo sa isang bench na naroon sa harden ng kaniyang tinutuluyan. katatapos niya pa lamang diligan ang mga ito at tanggalan ng mga tuyong dayon para magandang tignan. Napapaisip siya kung ano nga ba ang maaari niyang Gawin ngayong hapon. Nakaalis na ang Lola Beth niya, matapos ito ihatid ng apo sa airport. Matagal tagal rin bago ito muling bumalik , ano kaya ang magiging buhay niya ngayong sila nalang ang naiwan sa mansion nito. Although may sarili namang bahay ang binata pero hindi niya masasabi na hindi na ito pupunta sa mansion, it was his Lola's mansion after all kaya anytime ay nandodoon ito. kahit naman na pinakitaan niya ng magandang kabutihan ang Lola nito na naging rason ng pag kupkop nito sa kaniya ay hindi parin iyon rason para pagkatiwalaan siya ng apo nito. marahas na napabuntong hininga si khealie, if only she could afford to buy her own house. hindi siya mag titiis na mamalagi sa mansi
IT WAS ALREADY nine o'clock when they arrived at one of the famous and fancy clubs in Manila. Pagka pasok pa lamang nila ay inilibot na Kaagad ng dalaga ang tingin sa naturang club. Napangiwi pa siya ng Kaagad na nanuot sa ilong niyaa ang usok ng sigarilyo. Medyo ma dilim ang lugar na iyon, hindi paman nakakainom ay parang umiikot na ang paningin ni Khealie dahil sa ibat ibang kulay nang disco light na nagpapaikot ikot sa kabuoang lugar na iyon. Halos mabingi din sila sa malakas na tugtog ng musika at nga taong nag hihiyawan habang umiindayog at sumasabay sa musika. Agad silang nag tungo sa V. I . P lounge na ipinareserve na ni Miles ng araw na iyon. Sabay sabay silang pumasok na tatlo sa isang may kalakihang silid . Medyo madilim din iyon mga iilan lamang ang mga naroon kumpara sa Nakita niya kaninang pumasok sila. Mahahalata namang mga kilalang tao lamang ang mga naroon sa vip na iyon. may iilan lang ding mga babae ang nakikita niyang nag sasayaw sa taas ng stage. Hindi gaanong mal
Nagising si khelaie mula sa sinag ng araw na nagmumula sa bintana ng kaniyang kwarto. Napapapikit na bumangon siya at nag tungo sa banyo para mag hilamos at mag sipilyo. Pagkatapos ay bumaba na siya para sana tumilong sa paghahanda ng almusal pero pagkarating niya don ay nakahanda na ang lahat na roon na rin naman si Miles at maganang kumakain. "Maupo kana riyan" utos nito aba ha. Naka ngusong hinugot ni Khealie ang upuan at naupo, agad naman lumapit ang isang katulong para sana lagyan siya ng pagkain pero sinenyasan niya itong huwag na . nag lagay siya ng bacon at itlog sa kaniyang plato tsaka kumuha ng fried rice. "Nga pala pupunta dito si Xianel" "Xianel?" Kunot noong tanong niya dito "Yes, ang totoo kung pinsan" Pinaka diinan pa talaga nito ang salitang 'totoo' ano bang pinupunto nito, eh ito naman ang nag pakilala sa kaniyang pinsan siya nito. "Ah okay, what time will she arrive ng makapag handa naman kami ng makakain nila aling Susan" Masayang sambit ng dalaga. Pinaningkit
"What's happening?" Clueless na tanong ni Xianel ng maramdamang hindi mapakali si Khealie. "May kotseng sumusunod sa atin" Walang emosyon ang mukha ni Rj ng magsalita ito. "What do you mean po bang may sumusunod?" Tanong pa ni Xianel na lumingon sa likuran nila. Tama nga dahil may itim na kotse ang sumusunod sa kanilang likuran. "Bakit tayo sinusundan ng kotseng yun?""Kung hindi iyon ang tauhan nila tita malamang sa malamang tauhan iyon nila Alex" Sambit pa ni Rj . "Bilisan mo Rj baka maabutan tayo" Hindi na mapigilan ni Khealie ang takot na nararamdaman niya sa mga oras na iyon. "Wait guys, who's Alex ? bakit tayo sinusundan ng kotseng iyon? nagugulohan ako e" "Mga bad guys ang nasa kotseng iyan Xianel, hindi nila Tayo dapat abutan" Nanlaki naman ang bilogang mata ni Xianel . "Are they going to ambush us? No, it's not happening right ate Khealie? ayuko pang mamatay I want to see my night and shining armor pa huhu" umiiyak na sabi nito. "What! are we gonna do now?""Bilisan mo Rj
Sa kompanya ng mga Fuentes Corp.. Kasalukuyang tinitignan ni Miles ang mga designs and lay out na hawak niya para iyon sa ginagawa nilang projects na i la launch nila sa mga susunod na buwan. Pinag aaralan niya ang bawat detalye ng mga ito at kung swak ba ang location na pag tatayuan nila ng pinaplano nilang projects. Kailangang maging maayos ang lahat bago nila simulan ang trabaho. Para iwas problema. He was busy scanning all the papers on his table. Napukaw lamang ang atensyon niya ng may biglang kumatok sa pinto ng opisina niya, kunot ang noong napabaling dito ang tingin niya "Come in" maya maya lang ay bumulas ito at iniluwa ang matalik na kaibigan nito na si Aljunry isa sa mga ka sosyo ng kompanya nila. Naka suit pa ito ng pumasok roon kahit na hindi niya na sabihan ito na maupo ay agad itong sumalampak sa mahabang sofa na naroon sa office niya. Nagawa pa nitong ipag cross ang dalawa hita habang naka dipa naman ang dalawang kamay nito sa dulo ng sofa. "What brings you here idi