Share

Chapter 5

"Ma'am saan ho kayo bababa?" Tanong nang driver na nakapag patigil sa pag iisip nang dalaga. Lutang naman ang isip na nagpa baba siya sa isang kanto. Pagka baba ay agad siyang nag abot nang bayad dito. Wala sa sariling naglakad-lakad siya at nag iisip kung saan nga ba siya tutuloy ngayong nalaman na nang mga magulang niyang tumuloy siya sa bahay ng matalik na kaibigan at dahil doon ay idinawit niya pa ito sa problemang kinakaharap niya. Hindi niya naman ginustong madamay ito sa problema niya sadya lang talagang wala siyang mapuntahan nang maisipan niyang mag layas.

Ngayon hindi niya alam kung ano na ba ang nangyari dito, kung okay lang ba ito? Kinapa niya ang kaniyang cellphone upang tawagan and kaibigan at kamustahin ito. Hindi parin kasi niya maalis na hindi mag alala para dito at hindi mapapanatag ang loob niya kapag hindi niya malaman na nasa maayos na kalagayan ito. O kung may ginawa bang masama ang mga magulang niya dito.

Nang lulumong bumagsak and kaniyang mga balikat nang hindi niya ma contact ito. hindi niya tuloy maiwasan and kabahan at mag alala nang labis para dito. Subrang layo na din nang nilakad nang dalaga para lamang humanap nang bahay na matutuloyan niya pansamantala lalo pa't dumilidilim na din ang paligid dahil malapit nang gumabi. Hindi naman siya pwedeng tumuloy sa hotel dahil baka mahanap lang siya nang mga magulang they have all their connections, ang gusto niya ay yung simple lang na pu pwede niyang tirahan pansamantala nang sa ganon ay mahirapan ang mga ito na matunton siya.

Napa hintong sandali si khealie sa paglalakad at marahas na bumuga nang hangin. Subrang pagod ang nararamdaman niya at sabayan pa iyon nang pananakit ng mga binti't paa niya dahil sa wala siyang pahinga sa kalalakad na hindi niya malaman kung saan ba talaga siya patutungo. Bitbit ang dalang maleta ay naupo siya sa nakitang waiting shed. Kinalma niya muna ang sarili at bahagya niya pang hinilot-hilot ang kanang kamay dahil namamanhid iyon. Nang makabawi siya nang lakas ay binitbit niyang muli ang maleta at handa na sanang lisanin ang waiting shed na iyon. Ngunit sa minamalas nga naman siya ay biglang bumuhos ang napakalakas na ulan.

Nanlulumong napaupo na lamang muli ang dalaga habang yakap ang sarili dahil sa malamig na ihip nang hangin. Unti unti na ding kumakalat ang dilim sa buong kapaligiran dahil siguro sa gumagabi na o dulot lamang nang matinding buhos nang ulan kaya hindi niya gaanong maaninag ang kalsada kahit pa mayroon namang street light sa malapitan. Hindi maiwasang makaramdam nang pangamba si khealie lalo pat nasa ibang lugar siya. Mag isa at walang kasama at hindi niya rin kabisado ang lugar na iyon.

Medyo nakakaramdam na din siya nang gutom. Naala niyang wala pala siyang maayos na kain kaninang tanghali tanging tinapay lamang ang kinain niya. Dinadamihan niya na lamang nang pag inom nang tubig pamatid uhaw at hindi makaramdam nang gutom.

Tinitipid niya kasi ang perang dala niya, hindi niya kasi alam kung hanggang kailan aabot ang pera niyang iyon lalo pa't wala pa siyang nahahanap na bahay na pwede niyang upahan at pansamantalang matitirhan.

Her stomach grumbling again. Pero dahil sa lakas nang ulan na hindi niya mawari kung titila pabang talaga ay tiniis niya na lamang ang iniindang gutom habang hinihiling na sana ay tumila name ang ulan. Hanggang sa nakatulogan niya na lamang ito.

KINABUKASAN ay nagising siyang wala na ang maletang dala na itinabi niya lamang malapit sa kaniya. She hurriedly get up in bewilderment and find her luggage to realize that it wasn't with her anymore. Yung maleta niyang nag lalaman nang kaniyang mga damit at wallet kung saan nakalagay ang perang gagamitin niyang pang gastos. But, now it's nowhere to be found and she didn't have any idea on where to find it.

"Asaan na 'yon?" Nanlulumong tanong niya sa sarili habang nagpapalinga linga sa paligid sa pagbabakasakaling naroon lamang ang kaniyang dala dalang maleta pero bigo siya dahil hindi niya na iyon mahagilap pa roon.

Nanghihinayang na napaupo na lamang siya habang sapo nang dalawang kamay ang mukha. Hindi niya mapigilang hindi mapaiyak. Kung minamalas nga naman siyang talaga. What should he do now? Her luggage is missing together with her wallet? Saan siya ngayon kukuha nang ipangbibili lalo pat kagabi pa kumakalam ang kaniyang sikmura.

Nang hihinang pinunasan niya ang kaniyang mga pisnging hilam nang kaniyang luha. Kinapa-kapa niya ang bulsa nang kaniyang pantalon just to check her phone na pagkakaalam niya ay isinuksok niya iyon sa kaniyang bulsa. But, to her desmay. Wala siyang nakapang cellphone o kahit na anong aparato sa kaniyang bulsa.

Lalo siyang pinanlumohan sa isiping pati ang kaniyang cell phone at hindi niya mahagilap. Sa isiping iyon ay hindi niya na naman napigilan ang hindi maiyak. Tuloy-tuloy at hindi maampat ang pagdaloy nang kaniyang mga luha. Ngayon mas lalong hindi niya alam ang kaniyang gagawin kaya napahagulgol na lamang siya. Bakit ba kasi ang malas niya ngayong araw.

"Oy! miss bawal ang tumambay dito" boses iyon nang lalaki na nakapagpatigil kay khealie sa pag iyak. Bahagya siyang nag angat nang tingin sa lalaking nagsalita.

Pinakatitigan niya ito nang mabuti, nakasuot ito nang simpleng t-shirt na kulay dilaw at naka shirt. Napansin niya din ang hawak nitong sako sa kanang kamay na tila ba ay mangongolekta ito nang mga bote.

"Ah pasensya na po" hinging paumanhin niya dito na agad tumayo mula sa pagkakaupo. "May nakita ho ba kayong itim na maleta dito? Nawawala ho kasi yung maleta ko. Importante ho ang laman niyon" agaran niyang tanong dito nang makalapit.

Seryoso naman siyang tinitigan nang lalaki kung titignan ay nasa early forties na ito. "Pasensya kana ineng, pero mukhang nakuha nang mga skwaters ang iyong maleta. Marami ang ganoon dito" sambit nito na ikinahina nang loob nang dalaga. ngayon ay wala na ngang pag asa na mahagilap niya pa ang kaniyang maleta kung nakuha na ito nang mga taong lansangan.

"S-salamat ho" tanging nasambit niya na lamang dito at parang pinagsakloban nang langit at lupa ang mukha dahil sa subrang panghihinayang. Hindi niya malaman kung saan na pupunta, now that she lost her money at kumakalam narin ang kaniyang sikmura dahil hindi naman siya nakapag haponan kagabi pa.

Natagpuan niya na lamang ang sarili na naglalakad sa gitna nang palengke habang lutang ang kaniyang isip. Wala sa sariling napahinto siya sa paglalakad at sandaling napatitig sa lalaking busy sa pag pi preto nang manok napasulyap din siya sa katabi nito na nag titinda nang mga shopao at shomai at sa katabi pa nito na ang itinitinda naman ay mga kakanin.

Bigla tuloy siyang natakam dahil sa mga pagkaing nakikita niya idagdag pa ang mga amoy niyon na humahalo sa hangin ay talaga namang nakakagutom masyado. Wala naman siyang pera para bumili kaya hanggang tingin na lamang siya sa mga iyon habang napapalunok pa.

Maya maya lang ay napukaw ang kaniyang atensyon nang may bigla na lamang sumigaw "Yung matanda masasagasaan!" tili nang isang ginang na itinuturo ang matanda na patawid sa kalsada at hindi nito alam na may sasakyang paparating.

Biglang nanlaki ang mga mata nang dalaga at hindi niya na namalayan pa ang sarili na tumakbo palapit sa matanda para itulak ito sa gilid nang hindi mabangga nang rumaragasang sasakyan ngunit pag tingin niya ay bigla na lamang siyang tumilapon sa kung saan.

Agad niyang narinig ang ingay nang mga taong nagsisigawan at nagtitilian. Pinipilit niyang idilat ang mga mata para maaninag ang mga kuryusong tao na halata ang pag pa panic habang dumadalo sa kaniya pero hindi niya maaninag ang mga ito dahil nanlalabo ang kaniyang mga mata. Patuloy ang ingay na iyon hanggang sa tuloyan na nga siyang nawalan nang malay.

"Lola Beth, who is she?" Tanong nang boses babae iyon. "Hindi ko alam Anabelle basta na lamang siyang dumating at itinulak ako sa tabi at nasagasaan siya ng kotse na ako sana ang mabubundol niyon" Paliwanag nang matandang babae sa nanginhinig na boses.

"Why did she help you not to bump by the car. Do you know this girl?" Isa na namang baritonong boses ang narinig niya. ilang tao ba ang naroon at kasama niya? Naririnig niya ang mga itong nag uusap pero hindi niya makita. She badly wants to open her eyes, but there's something stopping her to open it.

"I-I don't know Miles. I don't even know her yet, she helps me not to bump by the car. She saved my life" Mahabang litanya nito.

"And now I'm worried to her condition" Dagdag nito na mahihimigan ang pagka taranta. Hindi niya kilala ang mga boses na iyon na nag uusap malapit sa kanya  that's why she force herself to open her eyes out of curiousity.

"Why can't we contact her parents to inform them about her condition and to personally thanks for their daughter's kindness for saving you lola Beth" anang boses babae.

"Iyan nga ang problema ei, wala siyang pagkakakilanlan. Wala akong mahagilap na makakatulong para___" natigil sa pagsasalita ang matanda nang mangibabaw na naman ang boses ng isang babae.

"Oh, look! She's awake" Tili pa nito na nakapag palingon sa dalawa.

Wala namang imik ang dalaga na dilat na ang mga mata habang nakatingin sa puting kisame. Where am I?  Nasa langit naba ako? Tanong niya sa bahagi ng kaniyang utak.

"How are you feeling?" Tanong ng baritonong boses na iyonm dahan-dahan naman itong sinulyapan nang dalaga. And there. she saw a serious face, yet handsome man standing and looking at her intently. Beside him is a petit and a beautiful girl in her fitted dress above the knee lenght that really hugs the curve of her body.

Hindi niya na huhulaan kung magka ano-ano ang mga ito dahil nahahalata niya naman iyon. They were couples. Sa tabi naman nang babae ay ang matandang nababakas sa mukha ang subrang pag-aalala.

"Thanks God!  you're finally awake hija" Masayang wika nito at nawala narin sa mukha nito ang labis na pag aalala nang matitigan niya ito kanina. Napakunot noo siya sa matanda. "Where am I?" iyon ang unang tanong na lumabas sa kaniyang bibig habang takang taka ang kaniyang isip. Nasaan nga ba siya? At sino-sino itong mga nasaharapan niya ngayon?

The woman in her early fifties suddenly stunned. pinakatitigan nito nang matagal ang babae at maya maya pa'y umawang ang mga labi nito na para bang nakakita nang kagulat gulat.

"You're here in a hospital and that's for saving lola beth and we're really gratefull for what you did" Sambit naman nang lalaki sa seryosong hitsura, ni hindi niya man lamang ito nakitaan nang kaunting ngiti.  Pero halata namang sincere ito sa sinabi.

"The doctor is here!" tinig nang babae na kadarating lang matapos tawagin ang doctor.

"What are you feeling now hija?" tanong sa kaniya ng doctor pinakiramdaman naman ng dalaga ang sarili nang walang maramdamang kakaiba ay tiningnan niya ang doctor na mataman lang na nakamasid sa kaniya at nag hihintay nang kaniyang sagot.

"I feel better" Mahinang sambit niya sa doctor at tipid itong nginitian. Napatango tango naman dito ang doctor. "That's good to hear, mabuti na lamang at hindi gaaning malakas ang pagkakabundol sa iyo at tanging galos lamang ang natamo mo. I will give the medecine later na kailangan mong i take for your fast recovery". Mahabang litanya nito, mabuti nalang talaga at hindi gaanong malakas ang pagkaka bunggo sa kanya, mukhang magkakaroon na naman yata siya ng panibagong problema pag nagkataon.

"K-kailan po ako pwedeng lumabas?" Hindi niya na napigilang itanong iyon sa doctor. "Since wala ka namang natamong injuries, pwede kanang ma discharge mamaya rin" anito, gumaan naman ang pakiramdam ng dalaga sa isipin na makakalabas din siya agad hindi siya pwedeng mag tagal roon. Ibinigay naman ng doctor ang reseta sa ilang mga gamot na kinakailangan niyang inumin bago ito nagpaalam.

"Thank you for saving my life hija, if it's not with your help baka pinag lalamayan na ako ngayon" madamdaming sambit nang ginang na hinawakan pa ang Isa niyang kamay tand na nagpapasalamat ito sa ginawa niyang pagliligtas dito. "Walang anuman ho iyon, kahit sino naman po siguro gagawin din ang ginawa ko kanina" nakangiti niyang wika dito. Napabaling Ang tingin niya sa binata ng marinig niya itong tumikhim. "As what the doctors said, you will be discharge later today, we already paid the bill, and thanks for saving my grandma". Seryosong wika ng binata.

"Saan kaba tumutukoy hija, nang sa ganon ay maihatid kana namin pauwi" sambit la ng ginang, agad namang bumalatay ang takot at kaba sa mukha ng dalaga, ayaw niyang bumalik sa mansion at pilitin ng mga magulang na ipakasal sa lalaking hindi naman nito ibig. Hindi siya makaisip ng alibi sa nag tatanong na ginang. "May problema ba hija?" Tanong ulit nito ng hindi siya kumibo. "w-wala ho ma'am, ano ho k-kasi..."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status