Kinakabahang nakamasid si Khealie sa labas nang isang pamilyar na bahay. Ilang buwan din siyang nawala, walang pinag bago ang bahay mag mula nong umalis siya at nag layas. Nasa loob siya ngayon nang kotse nag dadalawang isip siya kung bababa ba at papasok sa bahay na iyon, isipin niya palang ang magiging reaksyon nang mga magulang ay lalo lang bumibilis ang tibok nang kaniyang puso dahil sa labis labis na kaba. Pakiramdam niya ay nauubosan siya nang hangin at hindi siya makahinga. Papasok ba siya at mag papakita sa mga ito? sa totoo lang ay ayaw niya nang makita ang mga ito, kung hindi lang dahil sa pabor na hinihiling ni Miles para pakasalan siya nito ay hindi siya babalik pa sa bahay na ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? wala siyang choice kundi bumalik ulit sa Lugar na iyon at mag pakitang muli sa mga ito. Tahimik namang pinag masdan ni Miles ang babae na nasa tabi niya, nakatingin lamang ito sa labas nang isang bahay. Kahit hindi nito sabihin sa kaniya ay bakas sa mukha n
Kasalukuyang nasa veranda si Khealie habang tahimik na nag babasa nang pocket book. Binili niya ito noong nag punta sila nang mall ni Xianel, she really loves reading books specially mga stories iyon. Nakahiligin niya na talaga ang pagbabasang ito mula pa noong high school siya. Pagkatapos umalis ni Aljunry nang mansion kanina ay dumiretso siya sa kaniyang silid nag palit nang damit at nag pahangin sandali sa veranda para maibsan ang pagka inip ay kinuha niya ang ilan sa mga pocket book na nabili niya. She was knocking kanina sa silid ni Miles para makausap ito pero mukhang wala ito roon dahil walang sumagot sa kaniya kaya naman hinayaan niya na muna ito. Sa hindi inaasahan ay napasulyap si Khealie sa labas, napakunot ang kaniyang noo nang mayroon siyang makitang babae na nakatayo roon kahina hinala ito kaya naman pinakatitigan ito ni Khealie para kilalanin kung sino ito. Mas kumunot lalo ang noo niya nang mapag sino ito. 'bakit balik parin siya nang balik rito?' Si Lucy iyon na
Bago sila tuluyang umuwi ay nag pasya munang pumunta si Miles sa isang jewelry store nang maalala ang bagay na iyon. Nang pumasok sila ay kaagad na binati nang magandang babae si Miles nang lumapit sila para tingnan ang ilang nga rings na nahanay sa loob nang isang glass storage. "Hello, sir nag hahanap po ba kayo nang singsing?" Magalang nitong tanong habang malapad na naka ngiti. Medyo nainis naman roon si Khealie hindi niya gusto ang babaeng iyon para bang palihim nitong inaakit ang asawa. 'Asawa niya?' kasal na sila ngayon kaya naman Asawa niya naman na talaga ito. Pakikipag talo niya sa kaniyang isip. "Which one do you like?" tanong nito sa kaniya na hindi makikitaan nang anumang ekspresyon ang hitsura nito. Agad na pinasadahan ni Khealie ang mga naka hanay na singsing roon. Na stock ang tingin niya sa isang gold ring na kung hindi siya nag kakamali ay isa iyong verragio INS - 7074R 3 stones rings. Ang 3 stone ring na kilala rin bilang Bostonian ring ay sinasabing kumakatawan
KASALUKUYANG kumakanta nang marahan si Khelie kasabay nang pagkaskas niya sa kaniyang gitara na regalo pa nang tito Eric niya noong nag debut siya. Dahil iyon din naman ang hiniling niya dito nang mensan siya nitong tanongin kung ano ba ang gusto niyang regalo sa kaniyang espesyal na kaarawan. She really loves playing instruments marunong siyang tumugtog nang piano pero ang mas kinahiligan niyang talaga ay ang pag gigitara. Ito ang palagi niyang ginagawa sa tuwing malungkot at nag iisa siya o mensan kapag na bo buryo siya sa loob nang bahay ang kaniyang gitara ang palagi niyang kasa-kasama. Mensan naman ay sumasali si khealie sa mga nag so zumba malapit sa kanila. Bukod kasi sa pagkanta at pag gigitara niya ay hilig din niya ang pagsasayaw. Minana niya yata ito sa kaniyang lola na nasa langit na, halos tatlong taon narin ang nakakaraan mag mula nang pumanaw ang kaniyang lola Victoria. Ang ina niya naman ay hindi gaanong marunong kumanta pero mahilig sa musika at ang kaniyang ama nam
Awa at pagka habag ang nararamdaman niya para sa sarili kaya hindi niya mapigilan ang impit na pag iyak. "Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" boses iyon ni Ann na nakapag pabalik sa kaniya sa reyalidad. Halos ka edad niya lamang yata ito na siyang anak nang isang kasambahay nilang si Glenda. Tumatangong tinapunan niya ito nang tingin hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kinauupoan niya. "Ayos lang ako. Wag mo akong intindihin wala lang 'to" Aniya dito habang nag pupunas nang luha sa mata. Nakamasid lang din sa kaniya ang kawaksi na mababanaag sa maamong nitong mukha ang pagka awa para sa kaniyang amo. Dahan-dahang tumayo si khealie na hilam parin nang luha ang kaniyang mga pisngi. "Ma'am, kung may kailangan kayo andito lang kami ah? Wag mong iisiping mag isa ka" Napangiti naman siya sa tinuran nang kaharap kahit papaano ay medyo naibsan ang bigat na nararamdaman niya kanina kahit papano naman pala ay hindi siya nag iisa dahil nariyan ang mga katulong nila na kahit hindi niya n
PAGKATAPOS nilang mag mag haponan ay inihatid siya nang kaibigan sa kuwartong tutuloyan nito habang pansamantala siyang makikitira sa bahay nito. "Ito ang magiging kuwarto mo pasensya na medyo may nakakalat alam mo naman hehe" parang nahihiya pang sabi nito sabay pulot sa mga nakakalat na bagay sa kuwarto. Napapangiti siyang pinag mamasdan ang kaibigan na minanadali ang pagdampot sa mga bagay na nakakalat sa silid. Dapat nga ay siya ang mahiya dito dahil nakikituloy lamang siya sapat na sa kaniya ang payagan siya nitong mamalagi muna sa tahanan nito. "Ano kaba Rj ayos na saakin ito" Nakangiting wika niya sa kaharap na iginala ang mata sa kabuoan nang silid. Malawak ang kuwartong ipinagamit nito sa kaniya kasing laki rin yata nang kuwarto niya. Sumulyap siya sa kaharap na iginala din ang tingin sa sulok nang kuwarto "pasalamat nga ako at hindi sa bodega mo ako pinatuloy" Biro niya na ikinatawa naman nang binata pero maya't maya lang ay matiim siya nitong tinitigan at kunot na kunot an
Naalimpungatan si khealie dahil sa sinag nang araw na tumatama sa kaniyang mukha. Tumatagos kasi ang sinag nang araw dahil sa manipis lamang ang kurtinang inilagay doon. Inunat-unat niya ang dalawang kamay bago tuloyang tumayo mula sa pagkakahiga sa malambot na kama. Diretso siyang nag tungo sa loob nang banyo para mag sipilyo at mag himalos na rin. Pagkatapos ay inayos niya ang sarili bago bumaba nang silid. Pagkababa ay agad siyang nag tungo sa kusina, naabotan niya naman doon si Rj na nag hahanda nang kanilang almusal. "Hi, good morning" nakangiting bati niya dito. mukhang nagulat naman ang binata dahil sa biglaang pag sulpot niya pero napalitan din iyon nang ngiti. "Good morning din tamang-tama gising kana. Nakapag hain na ako ng almusal natin" magiliw na sambit nito habang inilalapag sa mesa ang pritong hotdog, bacon at sinangag na kanin na nanunuot pa sa ilong nang dalaga ang mabangong aroma na nang gagaling sa niluto nito. Nilagyan din nito nang juice ang dalawang baso "Hays
"Ma'am saan ho kayo bababa?" Tanong nang driver na nakapag patigil sa pag iisip nang dalaga. Lutang naman ang isip na nagpa baba siya sa isang kanto. Pagka baba ay agad siyang nag abot nang bayad dito. Wala sa sariling naglakad-lakad siya at nag iisip kung saan nga ba siya tutuloy ngayong nalaman na nang mga magulang niyang tumuloy siya sa bahay ng matalik na kaibigan at dahil doon ay idinawit niya pa ito sa problemang kinakaharap niya. Hindi niya naman ginustong madamay ito sa problema niya sadya lang talagang wala siyang mapuntahan nang maisipan niyang mag layas. Ngayon hindi niya alam kung ano na ba ang nangyari dito, kung okay lang ba ito? Kinapa niya ang kaniyang cellphone upang tawagan and kaibigan at kamustahin ito. Hindi parin kasi niya maalis na hindi mag alala para dito at hindi mapapanatag ang loob niya kapag hindi niya malaman na nasa maayos na kalagayan ito. O kung may ginawa bang masama ang mga magulang niya dito. Nang lulumong bumagsak and kaniyang mga balikat nang hi