Share

Falling For Her Unexpectedly
Falling For Her Unexpectedly
Author: Jenaiah

Chapter 1

KASALUKUYANG kumakanta nang marahan si Khelie kasabay nang pagkaskas niya sa kaniyang gitara na regalo pa nang tito Eric niya noong nag debut siya. Dahil iyon din naman ang hiniling niya dito nang mensan siya nitong tanongin kung ano ba ang gusto niyang regalo sa kaniyang espesyal na kaarawan. She really loves playing instruments marunong siyang tumugtog nang piano pero ang mas kinahiligan niyang talaga ay ang pag gigitara.

Ito ang palagi niyang ginagawa sa tuwing malungkot at nag iisa siya o mensan kapag na bo buryo siya sa loob nang bahay ang kaniyang gitara ang palagi niyang kasa-kasama. Mensan naman ay sumasali si khealie sa mga nag so zumba malapit sa kanila. Bukod kasi sa pagkanta at pag gigitara niya ay hilig din niya ang pagsasayaw. Minana niya yata ito sa kaniyang lola na nasa langit na, halos tatlong taon narin ang nakakaraan mag mula nang pumanaw ang kaniyang lola Victoria.

Ang ina niya naman ay hindi gaanong marunong kumanta pero mahilig sa musika at ang kaniyang ama naman ay walang interes sa pag kanta at pagsasayaw pero biniyayaan naman ito nang kagalingan sa pag guhit. Samantalang ang lolo't lola niya noong nabubuhay pa ay hilig ang kumanta at sumayaw kaya hindi nakakapag taka na sa kanila namana ni khealie ang pagkanta at pag sasayaw.

Sa Kabila nang marahang pagkanta ni khealie na sinasabayan nang pagkaskas nang kaniyang gitara ay narinig niya ang tatlong katok sa pintoan nang kaniyang kuwarto. Huminto siya sa ginagawang pagkanta at sandaling itinabi ang kaniyang gitara pagkatapos ay tumayo siya mula sa pagkakaupo at tinungo ang pinto para pagbuksan.

Tumambad sa harap niya ang katulong nilang si Melda. Binigyan niya ito nang matamis na ngiti iyung purong totoo at walang halong ka plastikan. Kahit na anak mayaman siya hindi naman masama ang pag trato niya sa mga katulong nila halos mga kaibigan niya nga ang mga ito.

"Oh, aleng Melda kayo po pala, may kailangan ho ba kayo?" magalang na tanong niya dito na hindi parin nawawala ang pagkakangiti sa kaniyang mga labi. "Ma'am khealie, pinapababa ho kayo sandali nila sir mayroon daw kayong pag-uusapan" tugon nito. Napakunot noo naman ang dalaga, ano naman kaya ang dahilan at gusto siyang maka usap nang mga ito. Sa pagkakaalala niya wala naman siyang nagawa na kung anong mali dahilan para ipatawag siya nang mga magulang.

"Bakit daw ako gustong kausapin nila mommy?" takang tanong niya dito, dati kasi kinakausap lamang siya nang mga ito kapag may mga mali bagay siyang nagagawa. Kasi kung mensan nasa iisang bahay nga sila at laging nagkikita hindi naman sila nag-uusap lagi dahil sa parehong busy ang mga ito sa kanilang negosyo.

"Hindi ko ho, alam ma'am khealie ei" magalang na sagot naman nang isa. "Ah, ganoon ho ba sige po bababa na ako" sambit niya dito. Isinara niya muna ang pinto nang kuwarto bago siya tuloyang nag lakad pababa nang hagdan nakasunod naman sa likod niya ang kawaksi. Pababa palang siya nang hagdan ay natanaw niya na sa sala ang kaniyang mga magulang na mukhang may seryosong pinag uusapan.

Agad siyang nag lakad palapit sa mga ito pagkababa niya sa hagdanan. "Mom...Dad, pinapatawag niyo daw ako?" Agaran niyang tanong nang tuloyan nang makalapit sa mga ito. Naupo siya sa pang isahang sofa kaharap sa mga magulang niya. Hindi nakaligtas sa kaniya ang marahas na pagbuga nang hangin nang kaniyang ina pagkatapos ay sumulyap ito sa ama niya na para bang nakikiusap na hindi niya maintindihan at maunawaan. Ano bang meron? hindi niya mapigilang tanong sa kaniyang bahaging utak habang nagpapalipat lipat ang kaniyang tingin sa dalawang taong magkatabing nakaupo sa kaniyang harapan.

"Ikaw na ang mag sabi Amanda" Utos nang ama nito sa ina niya nang hindi ito tinataponan nang tingin sa halip ay kinuha nito ang isang magazine na nakalagay sa round table. Agad niya namang binalingan nang tingin ang kaniyang ina na halata ang pagiging balisa at hindi ito mapakali.

"Mom...what's wrong? bakit sabi ni aleng Melda gusto niyo daw akong maka-usap?" Kunot noo niyang tanong sa ina. Hindi maintindihan nang dalaga kung ano ba ang nangyayari dahil hindi makatingin sa kaniya nang deretso ang ina bagay na lalong ipinag tataka niya dito. Is there something wrong?

"Mom..." pukaw niya dito nang hindi ito makasagot sa tanong niya parang may mali ata dahil unang nangyari ito na gusto siyang kausapin nang ina pero hindi naman siya matitigan nang derekta sa mata. Hindi ganito makipag usap sa kaniya ang ina.

"khealie..." Sambit nito at nakatitig na sa kaniya mababakas sa maputing mukha nito ang isang emosyong hindi niya mapangalanan. Nalilito at labis na siyang nag tataka sa kung ano ba ang mga nangyayari. Bakit ganito umakto ang mga ito sa kaniya. May hindi talaga magandang nangyayari at nararamdaman niya ito base sa tingin na ipinupukol sa kaniya nang ina.

"Mom..Dad, may problema po ba?" Hindi niya naiwasang mag tanong subrang pagkalito na kasi nang isip niya sa kung anong nang yayari ang daming katanungan ang bumabagabag sa kaniyang isipan at hindi niya iyon masagot isa isa. At hindi rin maganda ang pakiramdam niya nang mga sandaling iyon.

"You're getting married with Alex" halos magka sabay na sambit nang kaniyang mga magulang. Para iyong bomba na biglaang silumabog sa pandinig ni Khealie, tila nabingi siya pagkarinig nang mga salitang iyon. Kunot noo at nagugulohang nag palipat-lipat ang tingin niya sa dalawa baka sakaling nag bibiro lamang ang mga ito. Baka sakaling pinag lalaruan lamang siya nang mga magulang. Hindi naman siguro totoong ikakasal siya kay Alex matagal pa naman ang April fools pero heto, at binibiro na siya nang mga ito.

"W-what? Are you kidding me mom, dad? hindi nakakatawang biro iyan" iiling-iling na sikmat niya sa mga ito bahagya pa siyang napatawa nang pagak. Kahit kailan talaga hindi maganda mag biro ang mga magulang niya. At kung totoo naman iyon, napuno nang katanungan ang kaniyang isipan. Hindi niya lubos maintindihan kung bakit ikakasal siya sa taong hindi niya naman mahal.

Kilala niya si Alex, anak ito nang ka sosyo sa negosyo nang kaniyang ama matalik na mag kaibigan din ang ang ama nito at ang ama nang binata. Mensan narin namang nag pakita nang interes sa kaniya si Alex mga ilang buwan din itong nanligaw sa kaniya pero hindi niya ito pinag bibigyang pansin sa halip ay ilang ulit niya itong binasted. Hanggang sa di nag laon ay tumigil na din ito sa panunuyo sa kaniya na ipinag pasalamat niya naman. Ayaw niya pa kasi munang punasok sa isang relasyon sa ibang kadahilanan.

Pero hindi niya inaasahan na sa isang kisap mata lang ay ikakasal sila nang taong hindi niya naman pinaglalaanan nang kaniyang puso at hindi niya yata ito magagawang mahalin. mabait naman ang binata pero ewan niya ba at hindi siya nagkaroon nang kahit kaunting pag tingin para dito.

"Babagsak na ang kompanya natin at nagsi alisan na din ang mga investors sa kompanya natin dahil nalulugi na ito maski ang mga tapat nating impleyado ay tuloyan na ding nag alisan dahil sa hindi na namin sila nabibigyan nang swildo" Mahabang litanya nang ama na siyang nakapag tigagal sa dalaga. Nalulugi na ang kompanya nila? Kailan pa? at bakit ngayon niya lang ito nalaman. Nag tatanong ang mga matang napatitig siya sa ama na nakayuko at sapo nang dalawang palad nito ang mukha.

Ito ba ang dahilan nang mga ito kaya siya ipapakasal sa lalaking hindi niya naman mahal. magkagayun man ay tutol parin siya sa pakikipag isang dibdib sa binata she's only twenty and she still wants to explore and enjoy her life being a lady. Marami din siyang gustong gawin na suguradong hindi niya na magagawa pa kapag sakaling nagpakasal na nga siya.

"Para makabangon ang kompanya at para magsibalikan ang mga investors you're going to marry Robert's son for the sake of our company" hindi na siya nagulat nang lumabas ang mga salitang iyon sa bibig nang ama. Tama nga ang kaniyang hinuha na na kaya siya nito kinausap patungkol kay Alex ay dahil sa kompanya nilang nalulugi at pabagsak na pala. Pero hindi naman yata tamang ipakasal siya sa lalaki para lamang muling makabangon ang kanilang kompanya na hindi niya alam kung bakit ito nalugi. Sa pagkakaalam niya maayos ang pagpapatakbo nang mga magulang sa negosyo. Maayos nga bang talaga?

Nagngingitngit ang kalooban niya at hindi niya na napigilan pa ang kaniyang sarili. "That's bullshit!" bigla niyang sigaw, napatayo pa siya sa subrang galit na nararamdaman. Bahagya namang nagulat ang mag asawa dahil sa hindi inaasahang inasal at sa ginawang pag taas nang boses ni khealie. Hindi rin naman iyon inaasahan nang dalaga na pagtaasan nang boses ang sariling pamilya marahil ay nadala lamang siya sa bugso nang kaniyang damdamin.

"Anak ikaw lang ang inaasahan namin para maisalba ang kompanya tulongan mo naman kami" Pag susumamo nang kaniyang ina na hindi na napigil ang pag patak nang mga luha sa mata. mapait siyang napa ngiti sa mga ito habang nag babadya na ring manubig ang gilid nang kaniyang mata. Napakurap siyang sandali para pigilan ang huwag itong pumatak. ang sarap naman pala sa pakiramdam ang marinig siyang tawaging anak nang ina, halos mula pagkabata yata ay hindi niya narinig na tinawag siya nitong anak, ngayon lang. Ngayon lang dahil may malaki silang kailangan.

"I can help you mom..." agad namang nag liwanag ang mukha nang ina nang marinig ang sinabi niyang tutulongan niya ang mga ito. "Pero hindi sa ganitong paraan" Ang kaninang maaliwalas na mukha nang ina ay napalitan nang pag kunot nang noo nito habang matiim na nakatingin sa kaniya. Ganon din naman ang amang madilim ang pagkakatitig sa kaniya na animo'y naka gawa na naman siya nang mali at hindi nito iyon nagustohan.

"I don't love him nor, even like him. So, I will never marry Alex even if...." Sandali siyang huminto sa pagsasalita hindi niya alam kung papaano ito sasabihin nang hindi nasasaktan ang kaniyang mga magulang. She loves their company, ni siya mismo ay ayaw niyang mawala sa kanila ang kompanyang pinaka iniingat-ingatan nang lolo't-lola niya dugo at pawis ang ipinuhonan nang mga ito nang maipatayo ang kompanya at hindi niya maiwasang panghinaan nang loob na ilang sandali nalang ay maaari itong mawala sa kanila at kapag nagkataon ay nasayang lang ang hirap at pagod nang kaniyang abuelo at abuela.

Kung nabubuhay pa siguro ang mga ito siguradong hindi sila nagkaka problema nang ganito ngayon. At hindi siya itutulak nang mga ito na magpakasal sa anak nang ka business partner nang ama. Pwede naman siguring maisalba ang kompanya nila nang hindi siya nagpapakasal kay Alex. Wala na ba talaga siyang ibang pagpipilian? Nang mapagtanto niyang wala nga talaga siyang kawala na kahit anong gawin niya wala na siyang ibang mapagpipilian kundi ang makipag isang dibdib na lamang sa binata. Sa isiping iyon ay hindi na napigilan nang dalaga ang pag daloy nang kaniyang masaganang luha na ngayon ay malayang namamalisbis sa magkabilaan niyang pisngi.

"Whether you like it or not you're going to marry Alex. Marrying him will save our company" Seryoso at ma awturidad na sambit nang kaniyang ama. "Paano kung ayaw ko? Mapipilit niyo ba ako?" napatiim bagang ang kaniyang ama hindi nga siguro inaasahan na lalabas ang mga salitang iyon sa bibig niya galit itong napatayo mula sa pagkakaupo at sa hindi inaasahan ay bigla siya nitong sinampal.

Khealie didn't expect that to happen, sa lakas nang pwersa nang pagkakasampal nito ay napasalampak siya sa malambot na sofa na kanina ay inuupoan niya. hindi niya inaasahang mapagbubuhatan siya nang kamay nang kaniyang ama. "Wala kang mudo!" Galit na singhal nito sa kaniya na dinuro duro pa siya. "Ano ba ang masama sa pagpapakasal kay Alex? kahit kailan talaga hindi kana nakakagawa nang bagay na ikasasaya namin puro sakit sa ulo nalang ang ibinibigay mo!" Dagdag pa nang ina nito. Tahimik na humihikbi na lamang ang dalaga habang sapo parin ang pisnging sinampal nang kaniyang ama hang gang ngayon ay dama niya padin ang sakit at hapdi niyon.

"Wala ka talagang kuwentang anak!" iyon na yata ang pinaka masakit na salitang narinig ni khealie mula sa mga magulang niya. Ang masabihan nang wala siyang kuwentang anak ay parang paulit ulit na sinasaksak nang kutsilyo ang kaniyang dibdib. idinaan niya na lamang sa mahinang pag hikbi ang sakit na nararamdaman.

"Amanda! sabihin mo kay Robert na bukas na bukas nadin ang Kasal" Pasigaw na utos nang ama sa kaniyang ina. "Ayuko talaga sa lahat yong sinasagad ang pasensya ko nakakapag-init nang ulo. Bwesit!" Singhal nito na padabog pang inilagay ang kanina lang ay binabasang magazine pagkatapos ay nag martsa ito paalis patungong hagdan.

"Mom... mommy I-I'm so sorry" Garalgal ang boses na pagsusumamo niya sa kaniyang ina pero sinamaan lamang siya nito nang tingin na para bang subra siya nitong kinasusuklaman. "Huwag kang umiyak iyak diyan you better prepare for tomorrow's wedding. H'wag mo kaming ipapahiya nang ama mo sa mga Santiago" marking sambit nito sa dalaga bago tumayo sa inuupoang silya at iwanan siyang mag isa sa sala.

Napahagulgol na lamang si khealie naninikip ang dibdib niya at medyo hirap din siyang huminga dahil sa kakaiyak. bakit ba ganito siya kung itrato nang mga magulang niya. Ni hindi niya maramdaman kung mahal nga ba siya nang mga ito. Ni mensan sa tanang buhay niya hindi niya naramdaman na nag alala ang mga ito sa kaniya. hindi niya naramdaman kung paano ba mahalin nang sariling magulang. Kung ano ba ang pakiramdam nang may taong nag mamahal, nag aalaga at nag aalala sayo.

Noong bata pa lamang siya sa tuwing nadadapa siya at nasusugatan ang kaniyang tuhod dahil sa pakikipag laro nang habolan sa mga kaibigan malimit niyang takbuhan ang ina para mag sumbong. Pero iniignora lamang siya nito na para bang hindi siya nito nakikita na para bang hindi siya nag e exist sa mundo. Ang kaniyang abuela lamang ang siyang nag papakita sa kaniya nang pagmamahal, ito at ang abuelo lamang ang nagiging kakampi at kaagapay niya sa tuwing pinapagalitan siya nang mga magulang kapag nakakagawa siya nang kasalanan ang mga ito lang ang nag tatanggol sa kaniya.

Kaya naman nang pumanaw ang mga ito ay labis labis ang lungkot at pagdadalamhati niya halos ilang buwan din siyang nag kulong sa kaniyang silid. Nang mawala ang mga ito nawalan na din siya nang kakampi, nang taong mag tatanggol sa kaniya kapag pinapagalitan siya nang mga magulang kagaya na lamang ngayon. Kung nabubuhay pa siguro ang mga ito ay hindi rin iyon papayag na ipakasal siya kay Alex lalo at ayaw labag iyon sa kalooban niya ang kaso wala na ang mga ito, wala na siyang kakampi pakiramdam niya ay mag isa na lamang siya.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status