Sa bahay ng mga Aguirre"Magsilayas kayo sa harapan ko!" Sigaw niya sa mga inutusan niya para dakpin si Khealie. Agad namang nag si alisan ang mga taong iyon sa nakitang galit na galit na mukha ni Andres. Nag ngingitngit ang kalooban niya dahil na bigo na naman ang mga ito na maiuwi si Khealie. "Mga inutil!" Si Amanda na kabababa lamang mula sa itaas ay nag tatakang dinaluhan ang asawa na hindi malaman kung bakit ito galit na galit. Kaaga aga ay nag wawala na ito. "Anong nangyayare bakit ka nag wawala riyan?" Takang tanong niya, nilingon naman siya nang asawa na bakas ang galit sa mukha nito. "Yung mga inutusan Kong mag hanap kay khealie, pumalpak na naman" Asik nito. Nag dilim naman ang mga mata ni Amanda dahil sa nalaman. "Ayaw talagang mag pahuli nang babaeng iyon hah sinasagad niya talaga tayo" dagdag pa nito. Nabahala naman ang mukha ni Amanda kapag kuwan ay nag wika. "Mukhang mawawalan na tayo nang tsansa na muling maibangon ang kompanya natin" Umigting ang panga ni Andres sa
Sa mansion ng lola ni Miles...Kakapasok lang ni Khealie sa loob ng mansion ay kaagad niyang nakita ang lola Beth at ang ina ni Miles na parang may malalim na pinag uusapan. Napag tanto lamang niya kung ano iyon nang biglang mag salita ang ina ni Miles at mukhang alam niya na kung ano yon. "The nerve of that girl to marry another guy, after their break up. Hah! ang hilig niya talagang kumabit sa mayayamang lalaki. What a gold digger, mabuti nalang talaga at natauhan ang anak kot hindi natuloy ang kasal nila" Pumapalatak na sambit nito. "Bakit ganoon naman yata kabilis?" Kyuryusong sambit ni Lola Beth . Umiiling iling naman si Cristine na para bang alam na ang sagot sa tanong ng ina nito. "Ma...e kasi nga terador siya ng mga mayayaman, nakakapag taka paba iyon?" Si Khealie na nakatayo malapit sa pinto ay iginala ang kaniyang mga mata sa buong paligid, may hinahanap siyang tao pero hindi niya iyon makita roon. Alam na kaya nito ang balita?. "Hija, nariyan kana pala" Biglang usal ni
Nasa kilalang bar sina Miles kasama ang dalawang kaibigan na sina Aljunry at Jeck. Dahil siguro nakarating na Ang balita tungkol sa pag papakasal ni Lucy sa isang matamang Chinese para damayan ang kaibigan ay inaya siya nang nga itong uminom. Silang tatlo lamang ang naroon dahil nasa London ang isa nilang kaibigan na si Edward para sa inaasikaso nitong business nang pamilya. Nakaupo silang tatlo sa counter habang nakatingin sa mga taong sumasabay sa indayog nang musika. Ang ilan ay nag sasayaw pa habang may dala dalang bote nang beer sa gitna. Napatitig si Aljunry Kay Miles na para bang wala ito sa sarili dahil nakatutok lang ito sa kawalan. Tila may malalim na iniisip. "Wala ka man lang bang naging reaksyon pagkatapos mo malaman ang balitang kasal na si Lucy?" Nilakasan nito ang boses dahil baka hindi sila magkarinigan dahil sa malakas na tugtog na nag mumula roon. Bumaling ang tingin ni Miles sa katabi. Napapailing ito bago sumagot. "Ano pa ba ang dapat kung maramdaman? I caught
Kinakabahang nakamasid si Khealie sa labas nang isang pamilyar na bahay. Ilang buwan din siyang nawala, walang pinag bago ang bahay mag mula nong umalis siya at nag layas. Nasa loob siya ngayon nang kotse nag dadalawang isip siya kung bababa ba at papasok sa bahay na iyon, isipin niya palang ang magiging reaksyon nang mga magulang ay lalo lang bumibilis ang tibok nang kaniyang puso dahil sa labis labis na kaba. Pakiramdam niya ay nauubosan siya nang hangin at hindi siya makahinga. Papasok ba siya at mag papakita sa mga ito? sa totoo lang ay ayaw niya nang makita ang mga ito, kung hindi lang dahil sa pabor na hinihiling ni Miles para pakasalan siya nito ay hindi siya babalik pa sa bahay na ito. Pero ano pa nga ba ang magagawa niya? wala siyang choice kundi bumalik ulit sa Lugar na iyon at mag pakitang muli sa mga ito. Tahimik namang pinag masdan ni Miles ang babae na nasa tabi niya, nakatingin lamang ito sa labas nang isang bahay. Kahit hindi nito sabihin sa kaniya ay bakas sa mukha n
Kasalukuyang nasa veranda si Khealie habang tahimik na nag babasa nang pocket book. Binili niya ito noong nag punta sila nang mall ni Xianel, she really loves reading books specially mga stories iyon. Nakahiligin niya na talaga ang pagbabasang ito mula pa noong high school siya. Pagkatapos umalis ni Aljunry nang mansion kanina ay dumiretso siya sa kaniyang silid nag palit nang damit at nag pahangin sandali sa veranda para maibsan ang pagka inip ay kinuha niya ang ilan sa mga pocket book na nabili niya. She was knocking kanina sa silid ni Miles para makausap ito pero mukhang wala ito roon dahil walang sumagot sa kaniya kaya naman hinayaan niya na muna ito. Sa hindi inaasahan ay napasulyap si Khealie sa labas, napakunot ang kaniyang noo nang mayroon siyang makitang babae na nakatayo roon kahina hinala ito kaya naman pinakatitigan ito ni Khealie para kilalanin kung sino ito. Mas kumunot lalo ang noo niya nang mapag sino ito. 'bakit balik parin siya nang balik rito?' Si Lucy iyon na
Bago sila tuluyang umuwi ay nag pasya munang pumunta si Miles sa isang jewelry store nang maalala ang bagay na iyon. Nang pumasok sila ay kaagad na binati nang magandang babae si Miles nang lumapit sila para tingnan ang ilang nga rings na nahanay sa loob nang isang glass storage. "Hello, sir nag hahanap po ba kayo nang singsing?" Magalang nitong tanong habang malapad na naka ngiti. Medyo nainis naman roon si Khealie hindi niya gusto ang babaeng iyon para bang palihim nitong inaakit ang asawa. 'Asawa niya?' kasal na sila ngayon kaya naman Asawa niya naman na talaga ito. Pakikipag talo niya sa kaniyang isip. "Which one do you like?" tanong nito sa kaniya na hindi makikitaan nang anumang ekspresyon ang hitsura nito. Agad na pinasadahan ni Khealie ang mga naka hanay na singsing roon. Na stock ang tingin niya sa isang gold ring na kung hindi siya nag kakamali ay isa iyong verragio INS - 7074R 3 stones rings. Ang 3 stone ring na kilala rin bilang Bostonian ring ay sinasabing kumakatawan
KASALUKUYANG kumakanta nang marahan si Khelie kasabay nang pagkaskas niya sa kaniyang gitara na regalo pa nang tito Eric niya noong nag debut siya. Dahil iyon din naman ang hiniling niya dito nang mensan siya nitong tanongin kung ano ba ang gusto niyang regalo sa kaniyang espesyal na kaarawan. She really loves playing instruments marunong siyang tumugtog nang piano pero ang mas kinahiligan niyang talaga ay ang pag gigitara. Ito ang palagi niyang ginagawa sa tuwing malungkot at nag iisa siya o mensan kapag na bo buryo siya sa loob nang bahay ang kaniyang gitara ang palagi niyang kasa-kasama. Mensan naman ay sumasali si khealie sa mga nag so zumba malapit sa kanila. Bukod kasi sa pagkanta at pag gigitara niya ay hilig din niya ang pagsasayaw. Minana niya yata ito sa kaniyang lola na nasa langit na, halos tatlong taon narin ang nakakaraan mag mula nang pumanaw ang kaniyang lola Victoria. Ang ina niya naman ay hindi gaanong marunong kumanta pero mahilig sa musika at ang kaniyang ama nam
Awa at pagka habag ang nararamdaman niya para sa sarili kaya hindi niya mapigilan ang impit na pag iyak. "Ma'am, ayos lang ho ba kayo?" boses iyon ni Ann na nakapag pabalik sa kaniya sa reyalidad. Halos ka edad niya lamang yata ito na siyang anak nang isang kasambahay nilang si Glenda. Tumatangong tinapunan niya ito nang tingin hindi niya namalayan na nakalapit na pala ito sa kinauupoan niya. "Ayos lang ako. Wag mo akong intindihin wala lang 'to" Aniya dito habang nag pupunas nang luha sa mata. Nakamasid lang din sa kaniya ang kawaksi na mababanaag sa maamong nitong mukha ang pagka awa para sa kaniyang amo. Dahan-dahang tumayo si khealie na hilam parin nang luha ang kaniyang mga pisngi. "Ma'am, kung may kailangan kayo andito lang kami ah? Wag mong iisiping mag isa ka" Napangiti naman siya sa tinuran nang kaharap kahit papaano ay medyo naibsan ang bigat na nararamdaman niya kanina kahit papano naman pala ay hindi siya nag iisa dahil nariyan ang mga katulong nila na kahit hindi niya n