Home / Romance / Destiny / Chapter 2

Share

Chapter 2

Gabi na nang makauwi si Erica sa bahay na kaniyang tinutuluyan. Kasama niya rito ang kaibigan at kaopisinang si Lori. Dati niya itong ka departamento nang hindi pa siya assistant manager.

"Ginabi yata ang batang to be manager?" Bungad na tanong ni Lori ng punahin nito ang bagong dating na si Erica.

"Kung makapag salita naman 'to, akala mo namang kahit anong oras ay magiging manager na nga ako," saad na lamang niya.

"Ikaw pa, e malapit ka kay Madam!" Panunudyo nito. Pinandilatan ni Erica ang kausap, "Loka, ano naman? For your information, siya ang nagsusumiksik sa akin para huwag akong umalis sa kumpanya nila."

"Parang hindi naman?" Nakangiting tanong ni Lori.

"Saan na naman kayo galing?" Dagdag na tanong niya pa.

"Kumain sa paborito naming restaurant," ani Erica.

"Talagang nakuha mo ang kiliti ni Madam, ha?" Pagtatanong pa nito.

"Hindi naman pala kasi mahirap hulihin at pakisamahan si Madam, eh. Siya 'yung tipong kung sino ang kaharap, ganon siya. Kaya hayun, kung mag-usap man kami'y kaswal lang," mahabang paliwanag niya.

"Posible.. ang alam ko parang ngayon pa lang daw 'yon nagbubuhay dalaga?" Naniniguradong tanong nito sa kausap.

"Kung sabagay, hindi naman alangan. Bata pa, eh," tugon ni Erica.

"Mayaman at maganda," dagdag na aniya.

"At kung nagbubuhay dalaga nga siya ngayon, suwerte ang pagbubuhay dalaga niya. Imagine, lahat ng gusto niya, kaya niyang kunin," ani Lori.

"Except love, right?" Tanong ni Erica na taas noong nakatingin kay Lori.

"Bakit…?" Tumaas ang isang kilay ni Lori.

"Nabibili na rin naman ang pag-ibig ngayon ah?" Dagdag na tanong niya pa.

"I think so, pero useless 'yon. Priceless love ang matindi, 'yung mula talaga sa puso. Iyong hindi kayang ibigay sayo dahil sa involved lang na halaga," hayag ni Erica sa kausap na hindi nagpapatalo sakanya.

"Nakita mo na ba ang anak non?" Pagiiba ni Lori na tanong sa kausap.

"Sa litrato, hindi mo ba nakita? Sa bagay," saad niya kay Lori na parang nag-iisip.

"Hindi pa nga pero nabanggit mo na din 'yan, uuwi na pala 'yon mula sa America," Ani Erica.

"Kailan daw?" Mausisang tanong niya pa.

"Hindi raw nasabi kung kailan," aniya sa sabik na tanong ni Lori.

Parang biglang naging excited si Lori. "Ang ganda siguro no'n. Sa kanya natin makikita ang kabataan ni Madam."

"Sa anyo, pero hindi sa ugali. Dahil kahit mayaman na ngayon ang big boss natin, kabuhayan lang niya ang naiba, at hindi ang ugali niyang Pilipina," ani Erica.

"Tama tiyak, liberal 'yong anak n'ya," sang-ayon na saad ni Lori.

Dalawang buwan pa ang lumipas bago dumating ang anak ni Teresa Concepcion na si Elena. Isang malaking handaan ang madaliang ipinahanda ni Teresa Concepcion para sa anak, pero hindi muna tumuloy sa kanila. Tumawag si Elena sa ina ng nakaraang araw sa pagsasabing dumating na nga ito pero tumuloy muna sa hotel at doon namalagi.

Ipinasara ni Teresa Concepcion ang kanilang kumpanya ng araw na iyon. Lahat ay kumbidado para sa welcome party naibibigay nito para sa kaisa-isahang anak.

Diumano, mula sa hotel ay ala-sais ng gabi darating si Elena sa bahay ng mga Concepcion. Alas kwatro pa lamang ng hapon ay mamuno-muno na ang malawak na bakuran ng malaking bahay. Nagkanya-kanyang puwesto na ang lahat.

Nasa loob ng bahay si Teresa Concepcion at masinop na inaayusan ang sarili. Ayaw nitong basta na lamang maalangan kapag nagkatabi na sila ng anak. Bumatang tignan si Teresa Concepcion sa suot nitong maigsing paldang kulay itim na tinernuhan nito ng isang kulay pulang blusa. Tumingkad ang kaputian nito. Lumitaw ang kahubugan ng likas nitong katawan.

Parang iisang matang napako ang tingin ng lahat kay Teresa Concepcion nang lumabas ito ng bahay. Natutulala ang marami. Kapagkuwan ay isa ang napapalakpak na sinundan ng karamihan hanggang sa lahat na yata ng naroon ay pumalakpak.

Malawak na ngiti ang isinukli ni Teresa Concepcion sa bawat mahagip ng paningin nito. Maya-maya'y pumasok na sa gate ang isang kotse na alam ng marami na pag-aari ni Erica bilang assistant manager.

Napako naman ngayon dito ang puna ng marami. Unang bumaba si Lori. Ito ang nagmaneho. Maya maya pa'y bumaba na rin ng kotse si Erica. Pinagtinginan siya ng lahat. Hindi rin halos maipaliwanag ang paghanga na nararamdaman ng lahat para sa kanya na mas gumanda pa yata kaysa dati niyang likas na kagandahan.

Simple man ang naging pagkilos ni Erica kapuna-puna pa rin ang kaniyang katauhan na nagpapahiwatig na puwede siyang igalang. Isa naman kasi iyon sa iniisip na gawin noon pa ni Erica. Ang ikilos niya ang sarili sa kung sino siya.

Bago pa mamalayan ni Erica ay nakalapit na pala siya kay Teresa Concepcion.

Sinipat-sipat nila ng tingin ang bawat isa. Kapwa sila hindi makapaniwala na may igaganda pa pala ang dati nilang nakikitang ganda sa bawat isa.

"Para kang local version ng mga sikat na artista!" May paghangang nasambit ni Madam Concepcion kay Erica. "Kung sakali, hindi na ba ako alangang maging alalay ng dalaga mo?"

"Of course not," Ani Teresa.

Luminga si Erica sa malaking gate. "Baka parating na siya no?"

"On the way na nga siguro 'yon. Tara sa loob," aya ni Teresa.

Habang naglalakad ay ngumingiti sila sa kanilang nasasalubong.

"This time, iinom tayo," ani Teresa Concepcion.

"Okay lang," tipid niyang sabi.

"Anong type mong inumin?" Tanong ni Teresa.

"Kahit ano, bahala ka," wala sa loob na usal ni Erica.

Isang imported na alak na ngayon lang niya nakita ang iniharap sa kanya ni Teresa Concepcion. "Okay to, mild ang dating, suwabe ang tama," natatawang aniya pa.

"Baka naman malasing tayo bago dumating ang anak mo?" Nababahalang tanong ni Erica.

"Ang sabihin mo, baka lasing na 'yon bago dumating dito," halos katitikim pa lamang nila ng alak nang lapitan sila ng isang unipormadong maid.

"Madam, nandiyan na ho sina Mang Ador," ang family driver na sumundo kay Elena sa hotel ang tinutukoy ng katulong.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status