Para kay Erica Gregorio ay hindi totoo na sadyang nakatadhana na ang magiging kapalaran ng isang tao. Aniya, ikaw ang humuhubog sa sarili mong kapalaran. Ang magsusulat ng iyong kinabukasan, at ang gagawa ng sarili mong desisyon sa buhay. Tulad na nga lang niya, kung hindi siya noon umalis sa kanilang probinsya, ay nakatitiyak siya na imposibleng marating niya ang kanyang narating ngayon. Dahil isa na siya ngayon sa ginagalang at may mataas na katungkulan sa kumpanyang kanyang pinaglilingkuran. Iyon nga lang, kinakailangan munang isakripisyo niya ang kanyang pag-ibig upang makamit ang tagumpay, na hindi niya pinagsisihan dahil nagtagumpay siya sa kanyang minimithing ambisyon.
Nagmistulang parang nagyeyelong tubig na bigla nalang nagliyab ang pagbulusok ng asenso ni Erica. Ngayon ay siya na ang humalili sa nagretirong assistant manager ng matatag na kumpanya ng pamilya Concepcion.Utak, Katalinuhan at bagong kaalaman. Ang mga ito ang ginamit niya upang marating ang ngayon ay kanyang kinaroroonan.Abot-abot nga yata ang suwerte niya. Bukod sa mataas na posisyong hawak niya ay ibinigay pa ng mag-asawang Concepcion ang lubos nitong tiwala sa kanya. Sa loob lamang ng ilang taon niyang paninilbihan sa naturang kumpanya.Ngayon ay para lang siyang anak ni Teresa Concepcion dahil sa pagtrato niya dito, na dating 'Madam' wala na ngayon ang dating kapormalan sa tuwing sila'y magkaharap. Sa palayaw na sila nagtatawagan. Magkaganoon pa man, nasa isip pa rin naman ni Erica ang paggalang sa mag-asawang Concepcion dahil hindi niya inaalis na ito ang may ari at big boss ng kumpanyang kanyang pinaglilingkuran.Nang araw na iyon ay muling magkasama sina Erica at Madam Concepcion."Talaga bang Forty ka na?" Minsan pang naitanong ni Erica. Hindi pa rin kasi ito makapaniwalang naglalagi lamang ang kanyang Madam sa kuwarenta."At bakit mo na naman naitanong?" Balik tanong ni Teresa sa kanya."Hindi nga kasi ako makapaniwala, e.. iyang hitsura mong 'yan, forty ka na?" Ulit na tanong niya pa."O, matanong ko na nga uli. Ilang taon na bang talaga ang tingin mo sa akin?" Tanong ni Teresa"Para ka lang kaedad ko, twenty," ngiting ngiti na tugon ni Erica."Hayaan mo, sisisantihin ko na ang manager dito at nang mapalitan mo," hirit nito sabay nagtawanan."Talaga bang hindi pa halata sa mukha ko ang edad ko?" Paniniyak-tanong sa kanya ni Teresa."Depende," at saka kunwaring nag-iisip. Halatang ibinibitin lang ni Erica ang gustong sabihin."Depending ano?" Taas ang magkabilang kilay na tanong ni Teresa."Depende kung iti-treat mo uli ako mamaya sa paborito nating restaurant," agarang tugon niya.Nakangiting itinaas ni Madam Concepcion ang magkabilang kilay, "Baka gusto mong ako naman ang i-treat mo?""Madali akong kausap," mabilis na tugon ni Erica"Ganon..." Iyon na lamang ang nasabi ni Teresa dahil si Erica nga ang nag treat sa kinain nila."Name your order, sagot ko," waring pagmamayabang ni Erica kay Teresa."Lakas parang noong isang araw lang ang suweldo ah," tawa na sambit ni Teresa."Kaya samantalahin mo, bago ko maipadala sa amin sa probinsya ang sinuweldo ko noong nakaraan," tugon ni Erica habang palingon lingon sa paligid.May karamihan ang inorder nila. Gawa na din siguro ng buhol-buhol na trapiko kanina habang papunta nga sila sa kanilang paboritong restaurant na ngayon ay kanilang kinaroroonan."Ano na nga pala kamo sasabihin mo sa akin?" Naitanong ng dalaga sa kanyang kaharap habang nagsasalo sila sa pagkain."Tungkol sa anak kong dalaga na malapit sa edad mo, na mas piniling manirahan sa ibang bansa at doon mag-aral, ano mang araw ay baka bumalik na siya ng Pilipinas," mahabang paliwanag ni Teresa."O, may problema ba?" Tanong niya."Meron, maliit lamang," tugon ni Teresa."Bakit naman naging problema?" Tanong ni Erica. Bumuntong hininga muna si Teresa bago nagsalita."Suwail ang anak kong 'yon, palibhasa solong anak namin ni Eduardo kaya hayun, at sunod lahat sa layaw. Ang maibigan, kailangan sundin," anito habang nakakunot ang noo kay Erica."O, ano ang problema? Kayang kaya ng pamilyang Concepcion maibigay ang lahat ng kanyang magustuhan, ah!" Malakas na paliwanag ni Erica na parang lahat ay kayang ibigay ng pamilyang Concepcion."Kung financial, kung materyal… siguro nga. Kaso, ang gusto non, lagi akong kasama sa lahat ng lakad n'ya," agarang tugon nito kay Erica."Problema ba 'yon?" Naitanong nalang ni Erica."At bakit hindi, for your information, disco ang hanap non. Kundi man, out of town na walang uwian ng ilang araw, pupwede pa ba naman ako sa ganong lakaran?" Mariing tanong nito sabay lugay ng buhok."Sa katayuan mo ngayon na abala sa kumpanya n'yo impossible nga," napapaisip na tugon ni Erica."At iyon ang sinasabi ko sa iyong problema," nakangiting saad ni Teresa.Saglit na nag-isip si Madam Concepcion, "Pero ayokong isipin na may problema nga," dugtong niya pa.Kumunot ang noo ni Erica.Pero sinundan ni Madam Concepcion ang sinasabi, "Ang gusto lang naman kasi ng anak ko ay 'yung may makakasama siya sa mga magiging lakad n'ya eh.""So…?" Nakakunot ang kilay na parang nagtatanong si Erica."Kung sakali.. ikaw ang makakasama niya," nakangiting paliwanag ni Teresa."Ako?" Naituro niya ang sarili. "Why me?" Tanong pa niya sa kaharap niyang si Teresa."Hindi kayo nagkakalayo ng edad sa katunayan ilan taon lang ang tanda mo sa kanya. Tiyak, magkakasundo kayo," pangungumbinsi ni Teresa."I don't think so, laking states 'yun, no? May pagka liberal. E ako, promdi ako na ngayon pa lang nakikigulo sa magulong takbo ng kapaligiran dito sa lungsod. Kami pa ba naman ang magiging magkasundo non?" Tanong ni Erica habang may pairap sa hangin dahil sa naalala niyang tagpo sa unang tapak niya sa lungsod.Nagkunwaring nagtatampo si Madam Concepcion."Para yatang ayaw mong maging manager someday," pakunyaring saad nito.Napatawa ang dalaga, "At bakit naman kami hindi magkakasundo ng anak mo, no?" Biglang tanong niya.Sabay silang napatawa. Para talagang bukas na bukas ang loob nila sa isa't isa."Pero teka, wala ba siyang sinabing exact date kung kailan siya darating?" Pagtatanong ni Erica."Hindi mo na itanong, mahilig sa sorpresa ang anak kong si Elena. Bigla na lang akong sosorpresahin non," paliwanag ni Teresa habang ngumunguya."Ang ganda siguro ng anak mong 'yon no?" Naitanong ni Erica."Kung nagagandahan ka sa akin, maganda talaga siya. Like mother, like daughter, eh," kapagkuwan ay sumeryoso ang mukha nito."Tungkol naman sayo.. talaga bang wala ka ng balak mag-asawa?" Biglang tanong nito sa kausap."Hindi ko pa rin inaalis sa isip ko ang bagay na 'yan, pero ayokong maghanap," lahad ni Erica."Bakit naman?" Kunot noong tanong ni Teresa."Kung talagang may nakatadhana na sakin na lalaki, ihahatid iyon ng tadhana," tugon ni Erica sa tanong ni Teresa."E, ano ba naman tipo mo sa isang lalaki?" Muling tanong ni Teresa."Simple.. lalaki!" Mariin niyang sagot.Nagtataka man ay nagtanong pa rin ang kanyang Madam, "Anong ibig mong sabihin?" Buntong hininga napatingin si Erica sa kanyang Madam.Kamusta na kaya siya? Naitanong niya sa sarili na parang nagbalik tanaw sa kanyang nakaraan."Hindi ba may nakuwento ka sa akin na may boyfriend ka bago ka umalis sa inyo? Biglang tanong ni Teresa ng hindi nakakuha ng sagot kay Erica."Si Jacob.. oo," ani Erica."At natatandaan kong sabi mo, na buhat nang huli kayong magkita ay hindi na kayo nagkita pa?" Paniniyak na tanong ni Teresa."Saka na siguro.. noong una ay sumulat ako sa kanya, kaso hindi naman niya sinasagot. Naisip kong baka masama pa rin ang loob niya kaya hindi ko na muna sinulatan.""Paano kung matulad 'yon sa unang pag-ibig ko?" Nag-aalalang tanong ni Teresa."P-Posible," mahinang usal ni Erica.Pansin ko sa titig ni Madam na nalulungkot siya sa nangyari kay Sir Eduardo. Ilang taon na ang lumipas ng magka hiwalay sila at nabalitaan na lang namin na namatay ito gawa ng aksidente. Gusto ko man alamin ang lahat pero mas mainam ng manahimik.Kung sakali ganito rin kaya ang nararamdaman ni Jacob noong ako ang nag-iwan sa kanya dahil sa pangarap ko."Ganyan nga, don't feel guilty. As long as ang dahilan naman talaga ng paglayo mo sa kanya ay ang ambisyon mo, naiintindihan ka noon," ani Teresa dahil sa biglang pananahimik ni Erica.Ngumiti na lamang ako sa sinasabi ni Teresa dahil wala na ang atensyon ko sakanya.Gabi na nang makauwi si Erica sa bahay na kaniyang tinutuluyan. Kasama niya rito ang kaibigan at kaopisinang si Lori. Dati niya itong ka departamento nang hindi pa siya assistant manager."Ginabi yata ang batang to be manager?" Bungad na tanong ni Lori ng punahin nito ang bagong dating na si Erica."Kung makapag salita naman 'to, akala mo namang kahit anong oras ay magiging manager na nga ako," saad na lamang niya."Ikaw pa, e malapit ka kay Madam!" Panunudyo nito. Pinandilatan ni Erica ang kausap, "Loka, ano naman? For your information, siya ang nagsusumiksik sa akin para huwag akong umalis sa kumpanya nila.""Parang hindi naman?" Nakangiting tanong ni Lori."Saan na naman kayo galing?" Dagdag na tanong niya pa."Kumain sa paborito naming restaurant," ani Erica."Talagang nakuha mo ang kiliti ni Madam, ha?" Pagtatanong pa nito."Hindi naman pala kasi mahirap hulihin at pakisamahan si Madam, eh. Siya 'yung tipong kung sino ang kaharap, ganon siya. Kaya hayun, kung mag-usap man kami'y k
Pananabik ang nasa anyo ni Teresa Concepcion. Para namang nadagdagan ang kuryosidad sa anyo ni Erica. Parang nalimutang may kaharap, napatayo si Teresa Concepcion. Pero kahit paano nakuha rin naman nitong magpaalam kay Erica, bago nagmamadaling lumabas ng main door.Napag-isa si Erica sa kanyang kinauupuan. Maging ang mga unipormadong maid ay nagmistulang agos na iisa ang daluyan. Dahil sa biglang tahimik ng kapaligiran, sa may gawing pintuan. Sabay sabay na napatingin ang lahat ng bigla na lamang pumasok ang katulong na naghatid kay Madam Concepcion patungo sa kanyang anak.Naisip ni Erica na mamaya na lamang niya titignan si Elena. Total kahit anong iwas naman ang gawin niya ay makikita't makakasama niya ito anumang oras sa araw na ito.Nagmistulang may naligaw na angel sa bakurang iyon kung kaya't ang lahat ay natigilan. Ang mga mata ay napako lamang sa iisang tao na unti-unting lumalabas sa kanyang sinakyan. Ilan ang nakapag sabi na animoy biniyayaan ng gandang tunay ang anak ni C
Ilang araw ang lumipas na parang walang ano mang espesyal na nangyayari. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ilang gabi nang nahihintakot si Erica dahil sa kanyang mga napapanaginipan. Nitong sumunod na mga araw nga ay madalas maglaro sa kanyang isip na siya ay nasa dulo na ng pedestal na kanyang minimithing maabot.Ang alam niya, mangyayari pa lamang ang napapanaginipan niya at hindi ang mga nakaraan na. Dahil sa kawalan ng magagawa sa bahay ay naisipan ni Erica na mapag-isa sa bayside. Tahimik na lugar ang kanyang inokupa, 'yung halos parang abot-kamay lamang niya ang dagat na kanyang kinaroroonan.Minsan pa niyang naalala ang lugar na nilisan. Ngayon lang ulit niya binigyang laya ang sarili upang maging kabahagi ng malawak na karagatan. Noon dalawa sila ni Jacob na tumatanaw sa laot. Ngayon ay nag-iisa na lang siya. Dati ay bumubuo sila ng mga mumunting pangarap habang akbay siya ng binata. Ngayon nag-iisa na lang siyang nangangarap, at ang tanging nakaakbay sa kanya 'di lang sa bal
Kinabukasan ng umaga ay isang tawag ang tinanggap ng bagong gising na si Erica, na maghahanda na nga lang sana upang pumasok ng opisina. Si Teresa Concepcion ang nasa kabilang linya."Good morning Madam," aniyang nakatawa.Kundi siya nagkakamali, alam niya na nakataas ang kilay ng nasa kabilang linya. Ngayon lang ulit niya tinawag sa ganong tawag si Teresa Concepcion. "Loka, anong nakain mo at tinawag mo akong Madam? Erica, Teresa," pagtatama nito sa kausap."Napatawag ka.. ha? Teresa?" Tanong ni Erica."Oo e.. hihingi sana ng pabor," saad ni Teresa.Natigilan ang nasa kabilang linya. Nahinuha niyang iyon ang pigil na tawa ni Erica. "Nagpakalbo ka ba at nagpapatawa ka, ha, bruha?" Natatawang tanong ni Erica sa kausap."O, anong pabor ba?" Nakangiting dagdag niyang tanong. "Para kay Elena.. gusto na yatang gumala ng dalaga ko," pigil na saad ni Teresa."At sasamahan ko? Paano ang trabaho ko?" Agarang tanong ni Erica."Ang trabaho ba ang nasa isip mo o ang sweldo mo na baka i-no work
Ilang pares ng mga mata ng lalaki ang tumuon sa kanyang kabuuan pagkatapos niyang lumabas sa cottage. Wala naman siyang naramdaman pagkainis dahil natural lang don ang ganun. Ganoon nga lang talagang nahihiya siya, dahil unang pagkakataon ito na mabilad ang kanyang likas na kagandahan sa mata ng marami."Pare wala akong ma-say," malakas na salita iyon ng isang lalaki na ang kausap ay ang katabi nitong lalaki. Nakatingin ang mga ito sa nagsisimula nang maglakad na si Erica."Aba'y langit ata ang cottage na iyon a, puro angel ang lumalabas," napatawa si Erica dahil sa narinig. Sa lahat nga naman kasi ng angel, sila ni Elena ang parang nanunukso.Natigil sa pagligo si Elena nang makita ang palapit na si Erica. Hindi maikubli ang paghanga na nararamdaman ng babae para kay Erica. Humahanga ito kay Erica pero mas humahanga naman si Erica dito."Hoy, sabi nung dalawang lalaking nadaanan ko, mga angel daw tayo," natatawa niyang sabi. Lumusong na siya palapit sa mababaw na kinaroroonan ni Elena
Alas kwatro na iyon ng hapon. Halos kababalik lang ng mga empleyado sa kani-kanilang mesa. Katatapos lang ng break ng mga ito. Hindi nila basta naituloy ang kanina nilang mga pinutol na gawain dahil naging abala ngayon ang kanilang mga mata sa pagtingin sa bagong dating na si Elena.Bagong Elena ang kanilang nakikita. Hindi ang Elena na kapag pumupunta sa kumpanya ay laging naka-rugged ng suot. Nakapalda't blusa ngayon ang dalaga. Binibini ang datingan ng kilos nito. Ngayon lang rin nila nakita na may dala itong shoulder bag.Tuloy-tuloy si Elena sa private office ni Erica. Hindi na nito nakuhang kumatok man lang sa saradong pinto nang sabihin sa kanya ng nandoong janitor na walang tao sa loob."Parang doon po yata nagpunta sa office ni Ma'am," magalang na sabi kay Elena ng janitor. Mula roon ay sinadya na nito ang opisina ng ina. Hindi na ito kumatok. Basta nalang biglang itinulak ang pinto dahil alam nitong hindi iyon nakalock.Nagulat si Erica at Madam Concepcion pagkakita kay Elena
"Condolence, ha!" Malungkot na sabi ni Lori kay Erica. Tunay na pakikiramay ang gusto nitong iparamdam sa alam na kalungkutan ng bagong dating na si Erica.Bahagyang nangiti si Erica. Tinanggap niya ang pakikiramay ni Lori. "Masuwerte ka pa rin kahit paano, may ama ka pa... hindi tulad ko, ulila na maging sa ama," madamdaming saad ni Lori."Hindi ba tumatawag dito ang mag-ina?" Naisipang niyang itanong kay Lori."Minsan... si Ma'am. Ilang araw lang ang lumipas mula ng mag-leave ka ay pumunta na silang mag-ina sa Amerika, kasama ang magiging asawa ni Elena," saad ni Lori."Ano ang sabi nang tumawag si Teresa dito?" Seryosong tanong ni Erica."Hayun, kasal na raw 'yung dalawa. Baka raw magbakasyon muna sila ng mga ilang linggo. Tatapusin yata ron ang honeymoon nina Elena at Kyver," tugon ni Lori sa tanong ni Erica."Wala bang ipinagbilin?" Dagdag na tanong ni Erica."Tingnan mo raw 'yung office... parang sa iyo mas gustong
"Your New Assistant Manager," Elena bilang intro. "My Boss..." Hindi na nito itinuloy pa ang sasabihin. Bumaling ito sa lugar na pinagmulan. Doon napatingin ang lahat.Isang makisig na lalaki ang nakita nilang nagsimulang maglakad mula sa kanina'y pinagmulan ni Elena.Kumunot ang noo ni Erica. Lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Ibig manindig ng kanyang balahibo habang nakatingin sa lalaking papalapit na sa stage. Walang dudang ito ang naging asawa ni Elena. "My God!" Nasabi niya sa mahinang boses.Kung kanina'y hindi siya napuna ni Lori dahil nakatingin ito sa lalaki na ngayon ay nasa stage na, na katatapos humalik kay Elena, ngayon ay napupuna na siya ng kaibigan, "A-Are you alright, Erica?"Parang walang nadinig si Erica na titig na titig sa mga nasa entablado.Pormal na pormal ang anyo ng lalaki na walang iba kundi si Jacob. "My God, no!" Nginig na ang boses ni Erica."What?" Bulalas ni Lori. Noon lang parang natauhan si Eri