Home / Romance / Destiny / Chapter 7

Share

Chapter 7

Author: peterrpopper
last update Huling Na-update: 2023-09-28 23:59:24

Alas kwatro na iyon ng hapon. Halos kababalik lang ng mga empleyado sa kani-kanilang mesa. Katatapos lang ng break ng mga ito. Hindi nila basta naituloy ang kanina nilang mga pinutol na gawain dahil naging abala ngayon ang kanilang mga mata sa pagtingin sa bagong dating na si Elena.

Bagong Elena ang kanilang nakikita. Hindi ang Elena na kapag pumupunta sa kumpanya ay laging naka-rugged ng suot. Nakapalda't blusa ngayon ang dalaga. Binibini ang datingan ng kilos nito. Ngayon lang rin nila nakita na may dala itong shoulder bag.

Tuloy-tuloy si Elena sa private office ni Erica. Hindi na nito nakuhang kumatok man lang sa saradong pinto nang sabihin sa kanya ng nandoong janitor na walang tao sa loob.

"Parang doon po yata nagpunta sa office ni Ma'am," magalang na sabi kay Elena ng janitor. Mula roon ay sinadya na nito ang opisina ng ina. Hindi na ito kumatok. Basta nalang biglang itinulak ang pinto dahil alam nitong hindi iyon nakalock.

Nagulat si Erica at Madam Concepcion pagkakita kay Elena na nag-pose pa mula sa kinatatayuan. Sarili mang anak ay ngayon lang niya nakita na maggayak ng ganito. Naisip niyang biruin ang hindi pa rin nagsasalitang si Elena.

"Yes, Miss… may I help you?" Tanong nito sa anak. Napangiti si Erica sa alam na ginawang pagbibiro ni Teresa Concepcion sa anak nito. "Oh, yah Miss. I need more cash pa, eh," napangiti ang ina.

Umupo si Elena sa tapat ng kinauupuan ni Erica. Sa harap ng magarang mesa ni Teresa Concepcion, "Anong mabuting hangin ang pumasok sa utak mo at nagsuot ka ng ganyan?" Tanong ni Teresa Concepcion.

"Very nice question, Miss… E, kasi po, dumating na ang Man to be ko," nakangiting paliwanag ni Elena.

"Really?" Si Erica.

"Oo, tumawag sa bahay kanina. At gusto niyang magkita kami ngayon," kinikilig na usal nito.

"E, kailan mo naman kami ipapakilala don?" Si Erica uli.

"Saka na siguro… for the mean time, pakikiramdaman ko ang sarili ko kung siya na nga ba ang dapat kong ipakilala kay Mommy. For the first time, ay ngayon lang ako may lalaking ipakikilala sa maganda kong Mommy," sabi nito habang nilalambing ang ina habang nakaligkis ang mga kamay sa braso ng ina.

Humalik lang si Elena kay Teresa Concepcion. Matapos magpaalam kay Erica ay umalis na ito.

"Nagmukhang disente, 'no?" Wikang tanong sa kanya ni Teresa ng sila na lang uli sa silid na iyon. Hindi kumibo si Erica. Kung sakaling ito ang makakaribal niya sa pag-ibig, pinakapanalo niya ay tabla. Mas tiyak ang pagkatalo niya. Dahil hindi nga birong ganda ang kanina'y nakita niyang nasa kabuuan ni Elena.

"Tiyak, kuwentuhang katakot-takot kayo ng anak mo mamaya," saad ni Erica.

"I don't think so," wala sa loob na saad ni Teresa.

Kumunot ang noo ni Erica, "Hindi magkukuwento sa iyo si Elena tungkol sa lalaking kakatagpuin niya ngayon?" Nagtatakang tanong ni Erica.

"Kung magkuwento man 'yon, tiyak sayo kundi man konti lang… ang sabihin nun sakin, baka nga sabihin lang na guwapo pala Mommy, type ko… baka ganun lang," paliwanag ni Teresa sa ugali ng anak.

"Bakit naman ganun lang?" Tanong na lamang ni Erica.

"Hindi man kami nagkakasama ng matagal ni Elena, kilala ko pa rin ang ugali niya… siya 'yung tipong saka lang talagang magkukuwento kung ang isang bagay o tao ay mahalaga nga sa kanya. Para sa kanya, hindi pinag-uusapan ang isang tao o bagay na wala namang halaga sa kanya," mahabang paliwanag ni Teresa kay Erica.

"Di posible nga palang kapag malapit nang maging sila ng lalaking iyon tsaka mo lang iyon makikilala?" Ani na lamang ni Erica.

"Natin… makikilala natin," paninigurado ni Teresa.

Hindi na ipinagtaka pa ni Teresa Concepcion kung nitong mga sunod pang mga araw ay lagi ng wala sa kanila si Elena. Madalas kasi ay tinatawag ito ng naging kasulatan upang katagpuin sa napag-usapan nilang lugar. Habang sa tingin ni Erica ay lumalalim na ang pagkahumaling ni Elena sa Kyver na tinutukoy nito siya din naman na lumalalim ang paghahangad na muling makita si Jacob.

Nagtataka siya pero pinagsawalang bahala nalang niya dahil baka magkaparehas lang talaga lalo na pangalan lang naman.

Pero saan niya makikita ang lalaking wala namang iniwang bakas na landas na puwede niyang madaanan upang matukoy ang kinaroroonan ng binata. Mahigit tatlong taon na niyang hindi nakikita si Jacob. At hindi na iyon birong panahon upang hindi siya mangulila dito.

Naisip niya na baka matulad din siya sa naging kasaysayan ng pag-ibig ni Teresa Concepcion na baka sa kagustuhan ni Jacob na siya'y pasakitan ay nag-asawa na ito.

Huwag naman sana aniya sa sarili na buo ang pag-asam na hindi iyon magagawa ni Jacob sa kanya.

Hindi na nga yata maaawat ang pagkakagusto ni Elena sa lagi nitong nakakasamang si Kyver. Isang araw ay bigla na lamang ikinagulat ni Teresa Concepcion ang sinabi ng anak.

"G-Gusto mo na kamong makasal kayo ni Kyver?" Paniniguradong tanong niya sa anak niya.

"Napag-usapan na namin," mahinahong saad ni Elena.

"Ganon ba kabilis 'yon?" Tanong na lamang ni Teresa.

"May pinatatagal pa ba sa panahong ito?" Balik tanong ni Elena.

"Pero iha, kailan mo lang talaga nakilala ang Kyver na 'yon, at ni minsan hindi mo pa siya ipinakilala sa akin…. tapos sasabihin mo ngayon na gusto n'yo nang magpakasal?" Madamdaming saad ni Teresa sa anak.

"Mahal ko siya Mommy, at mahal din niya ako…. so, nasaan ang problema don?" Tanong ni Elena.

"Ang sa akin ay baka nabibigla lang kayo," paliwanag na lamang ni Teresa.

"Hindi siguro," buong salita na sambit ni Elena.

Namagitan sa kanila ang mahabang katahimikan nang mag-isip ng matagal si Teresa Concepcion.

"Kung sakaling pumayag ako, kailan n'yo balak? At saan n'yo ba balak magpakasal?" Pagtatanong na lamang ang kaniyang nasabi sa anak.

"As soon as possible sana Mommy… at sa abroad namin gusto magpakasal," ani Elena.

Natigil ang pag-uusap ng mag-ina nang may kumatok sa pinto, "Maribet, buksan mo nga 'yung pinto," utos ni Teresa sa namataang katulong. Si Erica ang dumating. Malungkot ang anyo niya.

"Sinong namatay?" Naitanong na pabiro ni Elena sa kanya.

Pilit na ngiti ang nakita nilang namutawi sa manipis na labi ni Erica. Lumapit siya sa mag-ina.

"Umupo ka," si Teresa Concepcion. Noon din umupo si Erica.

"Uuwi muna ako sa probinsya namin," malungkot niyang sabi. "May dumating na tawag sakin kahapon, malubha raw si Inay."

"E, kailan mo balak umuwi? Tanong ni Teresa Concepcion kay Erica.

"Kahit mamaya," ani Erica.

"Huwag kang magmadali sa pagbalik. Bantayan mong mabuti ang inay mo," pagpapagaan sa loob na sambit ni Teresa.

"Sayang… baka matuloy ang plano namin ni Kyver, isasama ka sana namin sa America. Doon namin balak magpakasal, eh," naghihinayang na sambit ni Elena.

"Ganon ba…? Happy wedding nalang," ani Erica.

"Pero sana, makasama ka namin," Madam Concepcion. "Tuloy bakasyon mo na sana don sa America."

"Talaga bang tuloy-tuloy na?" Pilyang kindat ang iginanti ni Elena sa kanya.

"Ewan ko ba naman sa batang ito…biglang-bigla na lang ang naging pasya. Isipin na lang na hanggang ngayon ay hindi ko pa nakikita ang kahit na anino ng gusto niyang pakasalan," ani Teresa.

"O paano, maiwan ko na kayo," malungkot na pamamaalam ni Erica sa mag-ina.

"Nasaan na nga ba tayo?" Tanong ni Teresa.

"Don na sa America, don sa kung saan kami ikakasal ni Kyver," umiling ng ilang ulit ang ina. "Sige, kung hindi mo na ba kayang awatin 'yang puso mo, di sige."

Nilapitan ni Elena ang ina at saka nito hinalikan sa pisngi. Nasisiyahan man dahil sa alam na kaligayahan ng anak ay hindi pa rin maiwasan na malungkot ni Teresa Concepcion. Kapag nga kasi nag-asawa na ang kaisa-isahang anak ay hindi na nito solo ang pagmamahal nito't paglalambing.

Kaugnay na kabanata

  • Destiny    Chapter 8

    "Condolence, ha!" Malungkot na sabi ni Lori kay Erica. Tunay na pakikiramay ang gusto nitong iparamdam sa alam na kalungkutan ng bagong dating na si Erica.Bahagyang nangiti si Erica. Tinanggap niya ang pakikiramay ni Lori. "Masuwerte ka pa rin kahit paano, may ama ka pa... hindi tulad ko, ulila na maging sa ama," madamdaming saad ni Lori."Hindi ba tumatawag dito ang mag-ina?" Naisipang niyang itanong kay Lori."Minsan... si Ma'am. Ilang araw lang ang lumipas mula ng mag-leave ka ay pumunta na silang mag-ina sa Amerika, kasama ang magiging asawa ni Elena," saad ni Lori."Ano ang sabi nang tumawag si Teresa dito?" Seryosong tanong ni Erica."Hayun, kasal na raw 'yung dalawa. Baka raw magbakasyon muna sila ng mga ilang linggo. Tatapusin yata ron ang honeymoon nina Elena at Kyver," tugon ni Lori sa tanong ni Erica."Wala bang ipinagbilin?" Dagdag na tanong ni Erica."Tingnan mo raw 'yung office... parang sa iyo mas gustong

    Huling Na-update : 2023-09-29
  • Destiny    Chapter 9

    "Your New Assistant Manager," Elena bilang intro. "My Boss..." Hindi na nito itinuloy pa ang sasabihin. Bumaling ito sa lugar na pinagmulan. Doon napatingin ang lahat.Isang makisig na lalaki ang nakita nilang nagsimulang maglakad mula sa kanina'y pinagmulan ni Elena.Kumunot ang noo ni Erica. Lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Ibig manindig ng kanyang balahibo habang nakatingin sa lalaking papalapit na sa stage. Walang dudang ito ang naging asawa ni Elena. "My God!" Nasabi niya sa mahinang boses.Kung kanina'y hindi siya napuna ni Lori dahil nakatingin ito sa lalaki na ngayon ay nasa stage na, na katatapos humalik kay Elena, ngayon ay napupuna na siya ng kaibigan, "A-Are you alright, Erica?"Parang walang nadinig si Erica na titig na titig sa mga nasa entablado.Pormal na pormal ang anyo ng lalaki na walang iba kundi si Jacob. "My God, no!" Nginig na ang boses ni Erica."What?" Bulalas ni Lori. Noon lang parang natauhan si Eri

    Huling Na-update : 2023-09-30
  • Destiny    Chapter 10

    "What?" Bulalas ni Lori. Gulat itong hindi makapaniwala. Sa wakas, sinagot din ni Erica ang kanina pang sunod-sunod na gusto nitong itanong sa kanya habang sila ay pauwi.Kanina, ano mang pamimilit nito ay wala siyang mapiga kay Erica. Ngayon na lang kung kailan parang naghihina ang loob ni Erica na ilang ulit uminom ng alak na hindi naman niya dati ginagawa."S-Si Jacob na 'yun na asawa ni Elena ang iyong hinahanap na..." natapik ni Lori ang sariling noo, "Oh, what a tragic story," sabi pa nito."Please Lori, sarilinin mo na lang ang nalalaman mo, ayokong malaman ito ng mag-ina," paalala ni Erica."Sa bagay na iyan, wala kang dapat alalahanin sa akin, kaya lang... aba'y paano ngayon 'yan? Imposibleng hindi mabuhay ang dati ninyong pagtitinginan," tugon ni Lori sa paalala ni Erica."Kung noong malayo siya sa akin ay pilit kong binubuhay kahit man lamang sa alaala ang aming nakaraan, ngayong malapit lang siya sa akin ay unti-unti ko namang

    Huling Na-update : 2023-10-01
  • Destiny    Chapter 11

    Marami ang nagsasabi na mahirap talagang malimutan ang isang taong minahal mo at alam mong nagmamahal sa iyo. Pero isipin mo ang mga naging kamalian nito at kahit paano ay gigiit sa iyong utak ang tungkol sa salitang paglimot. Nanuot iyon sa isipan ni Erica. Idinikit niya ang sabi-sabing iyon sa kanyang utak. lisipin niya ang naging kamalian ni Jacob upang kahit paano ay madugtungan na niya ang nasimulan niyang unti-unting paglimot dito.Bago pa nga mamalayan ni Erica ay matagal-tagal na pala niyang nakakasama sa opisina si Jacob. Tingin ngayon ni Erica ay hindi na kailangan na nasa isang opisina sila ng dating karelasyon. Marami nang natutunan si Jacob. Pero ilan lang ang naituro niya, at ang nalaman ng lalaki ay base na rin sa sarili nitong pag mamanman sa kaganapan sa loob ng kumpanyang ayaw nitong ariing kanya. Ni ayaw isiping magiging kanila ni Elena pagdating ng takdang panahon. Wala si Jacob ng araw na iyon. Hindi ito pumasok dahil nalambingan ni Elena. Ayo

    Huling Na-update : 2023-10-02
  • Destiny    Chapter 12

    Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa mukha ni Jacob na tingin niya ay isang pangahas na lalaki."Kung may natitira nga akong pag-ibig sa iyo, dapat siguro ay malaman mong hindi ko gagamitin iyon upang gumawa ng isang kamalian. Maliwanag 'yon Jacob, kaya kung ako ikaw, yakapin mo na lamang ang kasalukuyan at huwag nang lumingon pa sa ating nasimulan," pigil ni Jacob ang pag-iyak."Mabisang gamot ang iyong asawa upang magamot ang sugat diyan sa dibdib mo kung meron nga... hindi ako ang gamot sa iniinda mong sugat bunga na rin ng ginawa mong kataksilan. Hinding- hindi ako papatol sa may-asawa," dagdag na paliwanag niya."Sige, aalis na ako," malungkot itong tumayo upang umalis na.Kahit paano ay nakaramdam ng konsensya si Erica sa dating karelasyon."Jacob..." tawag niya. "Huwag mo na akong gambalain pa," aniya.Matapos madinig iyon ay umalis na nang tuluyan ang lalaki. Kung lumingon lang sana ito, nakita sana nito na sabay

    Huling Na-update : 2023-10-03
  • Destiny    Chapter 13

    Alas-otso ng gabi nang dumating sila sa napagkasunduang lugar.Pinaubaya ni Gohan ang pag-order sa dalawang babae, "Kailan ang balik mo sa Amerika?" Ungkat na tanong ni Erica sa binata."Noong dumating ako dito at ma-meet si Teresa, sabi ko sa sarili ko'y bahala na, hindi tiyak... pero nang makita kita, parang ibig kong tiyakin ang pag-alis ko," Kumunot ang noo ng dalaga, "And what do you mean by that?" Mga sinag ng mga mata ni Gohan ang tumugon sa naging tanong ni Erica. Hindi manhid si Erica upang hindi malaman na may kakaibang ibig ang titig na iyon sa kanya ng katabi.Ngumiti si Erica Ipinasya niyang putulin ang kapormalang pumagitna sa kanilang pag-uusap, "Palabiro ka pala," nasabi nito.Napangiti na rin si Gohan. "Pilipina ka nga, hindi basta-basta naniniwala sa sinasabi ng isang lalaki. Na ano mang marinig mula sa bibig ng lalaki ay iisiping biro lang ang lahat," sumabad na sa usapan si Lori. "Bakit, doon ba sa Amerika, kapag sina

    Huling Na-update : 2023-10-04
  • Destiny    Chapter 14

    Nang partikular na araw na iyon ay nasa isang medical hospital ang mag-asawang Elena at Jacob."You heard me right... impossibly kayong magkaroon ng kahit isang anak," anang manggagamot habang pailing-iling. "Isa sa inyo ang may depekto."Hindi pa alam ng mag-asawa kung sino ba sa kanila ang may problema. Parehong kumakabog ang kanilang mga dibdib."S-Sino ho sa amin ang may diperensya?" Tanong ni Jacob.Mula sa pagkakatingin kay Jacob ay diretsong tumingin ang doktor sa nabahalang si Elena."A-Ako ho ba?" Ang nababahalang tanong ng babae.Tumango-tango ang doktor, "Inverted uterus, misis.""My God, no!" Nanginginig na wika ni Elena. Kulang na nga lang ay mapaiyak ito dahil sa nalaman. Na 'yun palang ganda nito ay kulang pala ito sa kabuuan. At hindi pala ito magiging ina kahit kailan."I-It's okay sweetheart, talagang ganun, eh," alo ni Jacob sa asawa. Pagkuwa'y binalingan nito ang doktor. "Paano ho, 'di salama

    Huling Na-update : 2023-10-05
  • Destiny    Chapter 15

    Nabuhayan ng loob si Elena ng gabing iyon. Animo'y isang musika sa pandinig nito ang narinig mula sa ina."Kung si Erica nga ang nasa isip mo, not bad. Alam nating isa siyang mabuting babae. Hindi tututol sa kanya si Kyver... ang tanong, pumayag naman kaya siya?" Tanong ni Elena sa ina. "Noong una, inisip kong imposible... pero kanina nang magkausap kami, naisip kong baka pumayag siya," tugon ni Teresa sa anak."Bakit mo nasabi, Mommy?" Nagtatakang tanong ni Elena."Dahil hindi na pala siya ang inaakala ko sa kanya," napamaang si Elena, "You mean..." aniya."Oo iha," agap na wika ng ina nito, "Hindi na siya buo tulad ng akala ko," dagdag na paliwanag niya."K-Kung sakali, magkano naman ang i-o-offer mo sa kanyang halaga?" Tanong ni Teresa sa anak. "Siya...name her price," saad ni Elena."Naku, tiyak na matutuwa nito si Kyver," nakangiting sambit ni Elena. "Nasaan na nga pala ang asawa mo?" Tanong ni

    Huling Na-update : 2023-10-06

Pinakabagong kabanata

  • Destiny    Special Chapter

    2 years ago Ang kompanyang Concepcion ay aligaga at maligalig dahil sa isang pangyayari makaraan ang isang taon, matapos kumalat ang balitang gumulat sa lahat. Hindi na nakatakas sa tenga ng nakararami ang insidenteng naganap sa pagitan ng bagong manager ng kompanya na si Erica. At ang kaisa-isahang anak ng Concepcion na si Elena. Marami ang nagalit at sinumpa si Erica ng malaman nila ang nangyari ngunit, marami din ang gustong malaman ang totoong pangyayari sa pagitan ng tatlo, ang tanging alam lamang nila ay naging baby maker ng mag-asawa ito at sa pagkalat ng insidente, ang pinaniwalaan lamang nila ang posibleng tanging gawin ng isang malanding babae na tulad ni Erica, at 'yon ay ang pag-akit sa lalaki upang siya nalamang ang mahalin nito, sa pag kakaalam ng karamihan wala pa itong nakakasalamuhang lalaki dahil ilag ito sa mga manliligaw at magbabalak manligaw. Kaya ganon nalamang ang naisip nilang naging uhaw ito sa lalaki.Marahil sa iba a

  • Destiny    Epilogue

    Malinaw ang lahat. Natukoy na ni Elena ang dalawang magnanakaw. Si Kyver at si Erica.Pero ano naman kung nahuli na nga nito ang hindi inaasahang mga magnanakaw, kung siya naman itong waring ngayon ang nakakulong sa rehas ng 'di na matakasang pagdurusa?"Ako ang iyong kasalukuyan, Kyver. Mas dapat mo akong bigyang pansin kaysa sa iyong nakaraan," naninikip ang dibdib ni Elena nang sabihin iyon sa asawa ng hapong iyon."Tama ka," malumanay na sabi ni Kyver. "Pero kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang puso ko... dahil titiyakin ko sa iyong masasayang lang ang lahat ng pagtatangkang gagawin mo," dagdag na sambit niya."Please... asawa mo na ako, Kyver. Tayo na ngayon," nagmamakaawang saad ni Elena."Hindi ko iyan itinatanggi. Pero sana naman, kahit paano ay maunawaan mo pa rin naman ang kalagayan ko... dahil sadyang mahirap limutin ang tulad ni Erica na ang mga naiwan sa aking alaala ay baon ko na yata hanggang sa kahuli-hulihang hib

  • Destiny    Chapter 23

    Kung gusto ni Jacob na mapag-isa, ganun din ang gusto ni Elena. Saan-saan lang talaga nagpunta si Elena. Hanggang maisipan nitong pasyalan ang kaibigan ni Erica na si Lori."Surprise?" Anito sa nabiglang si Lori. "Kayo pala Ma'am, tuloy," tarantang sabi nito. Sa salas sila nagkaharap. "Napasyal kayo, Ma'am?" Anito na may pagtatanong."Walang magawa, eh... walang makausap," boring na usal ni Elena habang nakangiti."Teka, Ma'am, maiwan na muna kita sandali. At may kukunin lang ako na pizza pie sa may kanto. Kukunin ko na at 'yon ang pagsaluhan natin habang nag tsi-tsikahan tayo," masayang ani nito."Go ahead, take your time," ngiting sambit ni Elena.Nang makaalis si Lori ay naisipan ni Elena na buklatin ang isa sa dalawang album na nasa ilalim ng mesa na nasa harapan.Payapa nitong inisa-isa ang bawat pahina ng album. Sa isang dahon ng album ay nakita nito ang malaking larawan ni Kyver. Bigla siyang kinabahan. Bakit may

  • Destiny    Chapter 22

    Ang sinabi sa kanila ng kaharap nilang manggagamot ang waring sumagot sa kanilang pag-aasam. Hindi pala ordinaryong pangangasim lang ang nararamdaman ni Erica nitong mga huling araw. May dahilan pala. Buntis siya, kinumpirma ng doktor na ngayon ay kaharap nila ni Jacob."Congratulations, Mr. Amelio," nakangiting sabi ng doktor."Salamat ho," tipid nitong sabi.Mula sa klinikang pinagmulan diretso ng umuwi sa resthouse ang dalawa. Pader ng katahimikan ang kaagad ay pumagitna sa kanila, "Kailangang malaman ito ng mag-ina.""Puwedeng huwag muna?" May pagtutol na sabi ni Jacob. Matagal na minasdan ni Erica si Jacob. Nakatungo ang mukha ng lalaki. "Ngayon ay alam na natin na may bunga na ang ginawa nating pagtatabi... ibig sabihin, wala nang dahilan upang patuloy pa tayong magtabi," paliwanag ni Erica."H-Hindi pa naman nila alam, eh," ani Jacob. "Dadayain natin sila? Si Elena?" Mapait niyang tanong."Nag

  • Destiny    Chapter 21

    Nang makaharap nito ang babae ay agad hinawakan sa magkabilang balikat at saka masinop na hinagod ng tingin ang kabuuang mukha nito, "My God, ikaw nga!"Mamata-mata si Erica. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Nasumpungan na lamang niyang inihaharap na pala sa kanya ng lalaki ang babae."S-Siya ang pinag-uusapan natin kani-kanina," anang lalaki kay Erica."Really?" Aniyang di basta makapaniwala. "Kumusta ka na?" Dagling tanong ng lalaki sa babae."I'm fine... one week pa lang akong nakababalik dito sa Pilipinas. Ikaw agad ang hinanap ko, pero walang makapagsabi kung nasaan ka," paliwanag ng babae."Nandito ako... nagbabakasakali malimot ka, pero hanggang ngayon ay bigo ako," madamdaming saad ng lalaki."Dalaga pa rin ako Kai. Dalaga mula ulo hanggang paa," saad ng babae."D-Dahil ba ako pa rin ang nasa puso mo?" Tanong ng lalaki.Tumango-tango ang naiiyak na babae.Iyon lang at niyapos na ito ng yakap ng lalaki. Talagang sabay pa ang mga ito.Pakiwari naman ni Erica ay isang live

  • Destiny    Chapter 20

    Wala si Erica sa tabi ni Jacob nang ito ay magising nang umagang iyon. Bumangon ito na matapos bahagyang ayusan ang sarili ay lumabas ng silid. Di nito nakita sa alinmang bahagi ng resthouse si Erica.Lumabas si Jacob ng resthouse, wala rin sa hardin si Erica. Noon ito parang biglang kinabahan. Muli ay pumasok ito sa loob, dagling nagsuot ng jogging pants. Naalala nito ang sabi ni Erica na ibig nitong mag-jogging sa isang park na malapit lang naman doon.Nasa isang parke nga si Erica. Kanina pa siya sa kanyang ginagawang pagtakbo. Gising na gising na ang dugo niya. Ni hindi niya alintana ang maraming lalaking nakatingin sa kanya, talagang tumawag ng pansin ang kakaibang hubog ng kanyang katawan na, na pinatingkad ng suot niyang hapit na sando at ng maigsing short pants.Nagulat pa siya nang sabayan siya sa pagtakbo ng isang lalaki."Hi," anito sa kanya."Hi," ganting bati niya."Mukhang di ka marunong mapagod, a? Kanina pa kita nakikitang tumatakbo," hindi siya tumugon, ngumiti lamang

  • Destiny    Chapter 19

    Isang araw na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon. Ngayon nga ay buong-buo na talaga ang nasa isip ni Erica. Ang ikilos ang sarili sa kung sino man siya, hindi ang ganito na panandalian lang ang pinapalasap sa kanyang kaligayahan na sana ay kanyang madadama kailanman niya gustuhin, kung sakaling sila ang magkatuluyan.Babaeng wala ng hahanapin pa. Iyon ang tingin ni Jacob kay Erica. Ano pa nga ba ang hahanapin nito sa babaeng mula umaga hanggang gabi ay ginagawa ang mga bagay na ikasisiya niya, "Natutuwa akong makita kang ganyan...hindi tulad ng dati na para kang laging iwas na iwas sa akin," may kasiyahang nasabi ni Jacob sa kasalukuyang naglalaba na si Erica. Para talagang ibig nang tapusin ni Erica ang dating pagsinta ng binata."Ang yaman-yaman n'yo ng asawa mo, tapos, underwear lang hindi ka makabili," at saka nito ipinakita kay Jacob ang underwear nito na kaniya ng kinukusot.Noon lang iyon napuna ng lalaki, "B-Bago pa naman 'yan, e. Isa pa ala naman makakaalam na ganyan na

  • Destiny    Chapter 18

    Namagitan sa kanila ang nakabibinging katahimikan."S-Siguro naman ay kuntento ka na sa buhay mo ngayon?" Tanong niya kay Jacob."Kung inaakala mong nasisiyahan ako dahil tulad ni Elena ang naging asawa ko, nagkakamali ka," ani Jacob."Ibig mong paniwalaan ko ang sinabi mong 'yan?" Taimtim na saad niya."Sana," sambit ni Jacob.Tumigil sa pagtatanong si Erica. Kumutsara siya ng kanin at ulam. hinati-hati ang isusubo sa kutsarang gamit."M-Minsan... ganyan ang isinubo mo sa akin don sa treehouse ng doon tayo mag-agahan," pagbabalik tanaw ni Jacob.Hindi naituloy ni Erica ang sana'y gagawing pagsubo."Baka naman pwedeng maulit ang minsang 'yon... kahit minsan lang," si Jacob uli. Napalunok si Erica. Parang may nag-uutos sa kanyang ilapit ang hawak na kutsara kay Jacob. "S-Sige... ulitin natin ang minsan," aniya.Ibinuka ni Jacob ang bibig at tinanggap ang laman ng kutsarang hawak ni Erica.Ginawa

  • Destiny    Chapter 17

    Baguio City. Dito ipinasya ni Jacob na dalhin ang dating karelasyon. May resthouse ang mga Concepcion dito na kanila ngayong kinaroroonan. Nasa mataas itong lugar. Likas na likas ang kagandahan ng kapaligiran. Angkop sa gagawin nilang dalawa na tinawag nilang relasyong panandalian at maling panahon.Hindi sila nag usap habang nasa daan patungo dito. Nagkunwaring natutulog si Erica kanina. Hindi naman hinangad ni Jacob na kausapin agad siya ni Erica, naririnig sila ni Mang Ador na siyang nagmamaneho ng L300 van na kanilang ginamit papunta don."Huwag kang mag-atubili," wika ni Erica kay Jacob. "Ano mang oras, kahit saan... basta ginusto mo, nakahanda ako... isipin mong bayad na ang aking pagkatao," ani Erica."Ginawa mo ba ito dahil lang sa pera?" Tanong ni Jacob. "Oo, at huwag ka ng mag-isip ng iba," paliwanag ni Erica."Ginawa mo ito dahil ano? Dahil ba nalaman mong may natitira ka pa ring pag-ibig sa akin?" Tanong ni Jacob."Sabihin na nating ginawa ko ito, para naman kahit paano a

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status