Home / Romance / Destiny / Chapter 6

Share

Chapter 6

Ilang pares ng mga mata ng lalaki ang tumuon sa kanyang kabuuan pagkatapos niyang lumabas sa cottage. Wala naman siyang naramdaman pagkainis dahil natural lang don ang ganun. Ganoon nga lang talagang nahihiya siya, dahil unang pagkakataon ito na mabilad ang kanyang likas na kagandahan sa mata ng marami.

"Pare wala akong ma-say," malakas na salita iyon ng isang lalaki na ang kausap ay ang katabi nitong lalaki. Nakatingin ang mga ito sa nagsisimula nang maglakad na si Erica.

"Aba'y langit ata ang cottage na iyon a, puro angel ang lumalabas," napatawa si Erica dahil sa narinig. Sa lahat nga naman kasi ng angel, sila ni Elena ang parang nanunukso.

Natigil sa pagligo si Elena nang makita ang palapit na si Erica. Hindi maikubli ang paghanga na nararamdaman ng babae para kay Erica. Humahanga ito kay Erica pero mas humahanga naman si Erica dito.

"Hoy, sabi nung dalawang lalaking nadaanan ko, mga angel daw tayo," natatawa niyang sabi. Lumusong na siya palapit sa mababaw na kinaroroonan ni Elena.

"Nasa Pinas na nga ako… aba, sa State wala lang ang ganito. No pansinan, normal lang," paliwanag ni Elena.

"Papansinin pa nga ba ng mga lalaki don ang tulad natin, e pang araw-araw na yata ng mga babae ron na mag suot ng kapirasong saplot," dagdag niya.

"Hindi kaya giniginaw ang mga 'yon?" Tanong ni Erica.

"Of course giniginaw rin… kaya lang, kung may tinatawag tayong woman hater, don naman sa America, merong woman heater," pilyang pagkakasabi ni Elena.

Kunot ang noo ni Erica. "A-Ano 'yon?" Naitanong nalamang niya.

"Woman heater… ano pa, e 'di lalaki!" Ani Elena.

Noon lang nasakyan ni Erica ang talagang ibig tukuyin ng kausap.

Unti-unting nawala ang ngiti niya sa labi. Bigla niyang naalala ang dating karelasyon. Para sa kanya ay Woman heater nga yata ang mga lalaki. Heto nga kasi siya, nag-iisa, giniginaw. Pero ang tangi niyang nakakasama ay ang mga maiinit na lang nilang alaala ni Jacob. Dati, nadarama niya ang pagmamahal nito na lubha niyang kailangan sa sandaling nanlalamig siya dahil sa kalungkutang paminsan-minsan ay gumagambala sa kanyang katauhan.

"O, anong iniisip mo?" Usisa ni Elena.

"Wala…may bigla lang akong naalala," ngiting paliwanag ni Erica.

"Ako, may aalalahanin pa lang," nakangiting ding sabi sa kanya ni Elena.

"Sino?" Naitanong na lamang niya.

"Ang Man to be ko… gwapo kaya iyon sa personal?" Naitanong na lamang niya sa sarili.

"Bakit hindi mo alam?" Nagtatakang tanong ni Erica.

"Sa litrato ko pa lang siya nakikita, eh kaso, naiwan ko sa bahay namin sa America 'yong picture niya," saad ni Elena.

"Taga san ba 'yon?" Usisa pa ni Erica.

"Pinoy, nasa Davao siya ngayon, na kasulatan ko nang nasa America pa ako," paliwanag ni Elena.

"Kasulatan mo lang ba ang sinasabi mo noon na isang araw ay ipakikilala mo sa Mommy mo?" Nagtatakang tanong ni Erica.

"Oo… gwapo sa litrato, ewan ko ba, kahit sa litrato ko palang siya nakikita ay parang bigla akong nagkainteres sa kanya," nakangiting paliwanag niya.

"Di nasa Davao pala siya ngayon?" Tanong pa ni Erica.

"Oo malapit na kaming magkita non," sambit ni Elena.

Naisip niya, na mabuti pa pala itong si Elena, malapit nang makita ang 'di pa nito nakikita. Samantalang siya, ang dati na niyang nakikitang si Jacob ay hindi na niya ngayon alam kung paano makikita.

"Tingin mo ba naman ay totoo 'yon sa iyo?" Naitanong na lamang ni Erica.

"Kung hindi, ako ba ang mawawalan? Hindi no!" Pagtanggol ni Elena sa sarili.

"Pagdating non, ipakilala mo agad sa akin, ha?" Paninigurado ni Erica.

"Sa inyo ni Mommy," paliwanag ni Elena.

"Ano ba ang pangalan, para kahit ngayon pa lang ay alam ko na at kilala ko na siya kahit sa pangalan lang," ani Erica.

"Kyver Jac..." usal ni Elena na hindi na natuloy.

"Pinoy nga," wala sa loob na biglang singit ni Erica pagkasabi sa pangalan ng lalaki.

Tatlong araw ang itinagal nila sa pinuntahang bench bago sila bumalik ng lungsod. Dahil sa pagod sa kalalangoy, pakiramdam ni Erica ay isang linggo siyang nag-overtime sa trabaho. Talagang sumakit ang kanyang katawan. Hindi kasi siya sanay, kahit pa nga sa probinsya nila ilang dipa lang ang dapat na puwede niyang paglanguyan.

"Medjo nasunog ang balat mo," puna ni Lori sa kararating na si Erica.

"Naging kulay probinsya ba uli ang kutis ko?" Nangangambang tanong ni Erica.

"Hindi naman, pero bat ang tagal n'yo yata sa pinuntahan n'yo?" Tanong ni Lori.

Pangalay na umupo sa sofa si Erica bago niya sinagot ang tanong ni Lori.

"Wow…" sabay tapik sa kanyang noo.

"O, bakit?" Nagtatakang tanong ni Lori.

"Palaban pala talaga sa ganong buhay si Elena. Aba ay parang hindi yata napagod dahil siya pa ang nagmaneho pauwi," sambit ni Erica.

"Sanay, eh," tugon ni Lori.

"At ang sabi, magpahinga lang daw ako ng isang araw at gagala na naman kami," pagod na paliwanag ni Erica.

"Ano? Aba'y baka naman puwedeng makasabit at nang maranasan ko naman ang buhay mayaman," natatawang sambit ni Lori sa kaibigan.

"Loka, e 'yong trabaho mo?" Tanong ni Erica.

"E, bat 'yong trabaho mo?" Balik tanong nito.

"Iyon ang idinahilan ko kaya napilitan siyang umuwi na kami, sabi ko ay may gagawin ako na ako lang ang maaring gumawa," paliwanag ni Erica.

"Kung iyon nga ang dahilan mo, ano at magpapahinga ka lang ng isang araw at lalakad na naman kayo?" Naguguluhang tanong ni Lori.

"Ewan ko ba don. Kapag hindi ko raw siya sinamahan, tiyak na Mommy niya ang aabalahin niya, at kapag ginawa niya iyon, tiyak na pakikiusapan pa rin ako ni Teresa na samahan si Elena," ani Erica.

"O, e hanggang kailan kayo ganyan na buhay mayaman?" Naitanong na lamang ni Lori.

"Baka raw hanggang sa dumating na ang prince charming niya na nasa Davao pala," ani Erica.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status