Nang makaharap nito ang babae ay agad hinawakan sa magkabilang balikat at saka masinop na hinagod ng tingin ang kabuuang mukha nito, "My God, ikaw nga!"Mamata-mata si Erica. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Nasumpungan na lamang niyang inihaharap na pala sa kanya ng lalaki ang babae."S-Siya ang pinag-uusapan natin kani-kanina," anang lalaki kay Erica."Really?" Aniyang di basta makapaniwala. "Kumusta ka na?" Dagling tanong ng lalaki sa babae."I'm fine... one week pa lang akong nakababalik dito sa Pilipinas. Ikaw agad ang hinanap ko, pero walang makapagsabi kung nasaan ka," paliwanag ng babae."Nandito ako... nagbabakasakali malimot ka, pero hanggang ngayon ay bigo ako," madamdaming saad ng lalaki."Dalaga pa rin ako Kai. Dalaga mula ulo hanggang paa," saad ng babae."D-Dahil ba ako pa rin ang nasa puso mo?" Tanong ng lalaki.Tumango-tango ang naiiyak na babae.Iyon lang at niyapos na ito ng yakap ng lalaki. Talagang sabay pa ang mga ito.Pakiwari naman ni Erica ay isang live
Ang sinabi sa kanila ng kaharap nilang manggagamot ang waring sumagot sa kanilang pag-aasam. Hindi pala ordinaryong pangangasim lang ang nararamdaman ni Erica nitong mga huling araw. May dahilan pala. Buntis siya, kinumpirma ng doktor na ngayon ay kaharap nila ni Jacob."Congratulations, Mr. Amelio," nakangiting sabi ng doktor."Salamat ho," tipid nitong sabi.Mula sa klinikang pinagmulan diretso ng umuwi sa resthouse ang dalawa. Pader ng katahimikan ang kaagad ay pumagitna sa kanila, "Kailangang malaman ito ng mag-ina.""Puwedeng huwag muna?" May pagtutol na sabi ni Jacob. Matagal na minasdan ni Erica si Jacob. Nakatungo ang mukha ng lalaki. "Ngayon ay alam na natin na may bunga na ang ginawa nating pagtatabi... ibig sabihin, wala nang dahilan upang patuloy pa tayong magtabi," paliwanag ni Erica."H-Hindi pa naman nila alam, eh," ani Jacob. "Dadayain natin sila? Si Elena?" Mapait niyang tanong."Nag
Kung gusto ni Jacob na mapag-isa, ganun din ang gusto ni Elena. Saan-saan lang talaga nagpunta si Elena. Hanggang maisipan nitong pasyalan ang kaibigan ni Erica na si Lori."Surprise?" Anito sa nabiglang si Lori. "Kayo pala Ma'am, tuloy," tarantang sabi nito. Sa salas sila nagkaharap. "Napasyal kayo, Ma'am?" Anito na may pagtatanong."Walang magawa, eh... walang makausap," boring na usal ni Elena habang nakangiti."Teka, Ma'am, maiwan na muna kita sandali. At may kukunin lang ako na pizza pie sa may kanto. Kukunin ko na at 'yon ang pagsaluhan natin habang nag tsi-tsikahan tayo," masayang ani nito."Go ahead, take your time," ngiting sambit ni Elena.Nang makaalis si Lori ay naisipan ni Elena na buklatin ang isa sa dalawang album na nasa ilalim ng mesa na nasa harapan.Payapa nitong inisa-isa ang bawat pahina ng album. Sa isang dahon ng album ay nakita nito ang malaking larawan ni Kyver. Bigla siyang kinabahan. Bakit may
Malinaw ang lahat. Natukoy na ni Elena ang dalawang magnanakaw. Si Kyver at si Erica.Pero ano naman kung nahuli na nga nito ang hindi inaasahang mga magnanakaw, kung siya naman itong waring ngayon ang nakakulong sa rehas ng 'di na matakasang pagdurusa?"Ako ang iyong kasalukuyan, Kyver. Mas dapat mo akong bigyang pansin kaysa sa iyong nakaraan," naninikip ang dibdib ni Elena nang sabihin iyon sa asawa ng hapong iyon."Tama ka," malumanay na sabi ni Kyver. "Pero kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang puso ko... dahil titiyakin ko sa iyong masasayang lang ang lahat ng pagtatangkang gagawin mo," dagdag na sambit niya."Please... asawa mo na ako, Kyver. Tayo na ngayon," nagmamakaawang saad ni Elena."Hindi ko iyan itinatanggi. Pero sana naman, kahit paano ay maunawaan mo pa rin naman ang kalagayan ko... dahil sadyang mahirap limutin ang tulad ni Erica na ang mga naiwan sa aking alaala ay baon ko na yata hanggang sa kahuli-hulihang hib
2 years ago Ang kompanyang Concepcion ay aligaga at maligalig dahil sa isang pangyayari makaraan ang isang taon, matapos kumalat ang balitang gumulat sa lahat. Hindi na nakatakas sa tenga ng nakararami ang insidenteng naganap sa pagitan ng bagong manager ng kompanya na si Erica. At ang kaisa-isahang anak ng Concepcion na si Elena. Marami ang nagalit at sinumpa si Erica ng malaman nila ang nangyari ngunit, marami din ang gustong malaman ang totoong pangyayari sa pagitan ng tatlo, ang tanging alam lamang nila ay naging baby maker ng mag-asawa ito at sa pagkalat ng insidente, ang pinaniwalaan lamang nila ang posibleng tanging gawin ng isang malanding babae na tulad ni Erica, at 'yon ay ang pag-akit sa lalaki upang siya nalamang ang mahalin nito, sa pag kakaalam ng karamihan wala pa itong nakakasalamuhang lalaki dahil ilag ito sa mga manliligaw at magbabalak manligaw. Kaya ganon nalamang ang naisip nilang naging uhaw ito sa lalaki.Marahil sa iba a
Para kay Erica Gregorio ay hindi totoo na sadyang nakatadhana na ang magiging kapalaran ng isang tao. Aniya, ikaw ang humuhubog sa sarili mong kapalaran. Ang magsusulat ng iyong kinabukasan, at ang gagawa ng sarili mong desisyon sa buhay. Tulad na nga lang niya, kung hindi siya noon umalis sa kanilang probinsya, ay nakatitiyak siya na imposibleng marating niya ang kanyang narating ngayon. Dahil isa na siya ngayon sa ginagalang at may mataas na katungkulan sa kumpanyang kanyang pinaglilingkuran. Iyon nga lang, kinakailangan munang isakripisyo niya ang kanyang pag-ibig upang makamit ang tagumpay, na hindi niya pinagsisihan dahil nagtagumpay siya sa kanyang minimithing ambisyon.Nagmistulang parang nagyeyelong tubig na bigla nalang nagliyab ang pagbulusok ng asenso ni Erica. Ngayon ay siya na ang humalili sa nagretirong assistant manager ng matatag na kumpanya ng pamilya Concepcion.Utak, Katalinuhan at bagong kaalaman. Ang mga ito ang ginamit niya upang marating ang ngayon ay kanyang ki
Gabi na nang makauwi si Erica sa bahay na kaniyang tinutuluyan. Kasama niya rito ang kaibigan at kaopisinang si Lori. Dati niya itong ka departamento nang hindi pa siya assistant manager."Ginabi yata ang batang to be manager?" Bungad na tanong ni Lori ng punahin nito ang bagong dating na si Erica."Kung makapag salita naman 'to, akala mo namang kahit anong oras ay magiging manager na nga ako," saad na lamang niya."Ikaw pa, e malapit ka kay Madam!" Panunudyo nito. Pinandilatan ni Erica ang kausap, "Loka, ano naman? For your information, siya ang nagsusumiksik sa akin para huwag akong umalis sa kumpanya nila.""Parang hindi naman?" Nakangiting tanong ni Lori."Saan na naman kayo galing?" Dagdag na tanong niya pa."Kumain sa paborito naming restaurant," ani Erica."Talagang nakuha mo ang kiliti ni Madam, ha?" Pagtatanong pa nito."Hindi naman pala kasi mahirap hulihin at pakisamahan si Madam, eh. Siya 'yung tipong kung sino ang kaharap, ganon siya. Kaya hayun, kung mag-usap man kami'y k
Pananabik ang nasa anyo ni Teresa Concepcion. Para namang nadagdagan ang kuryosidad sa anyo ni Erica. Parang nalimutang may kaharap, napatayo si Teresa Concepcion. Pero kahit paano nakuha rin naman nitong magpaalam kay Erica, bago nagmamadaling lumabas ng main door.Napag-isa si Erica sa kanyang kinauupuan. Maging ang mga unipormadong maid ay nagmistulang agos na iisa ang daluyan. Dahil sa biglang tahimik ng kapaligiran, sa may gawing pintuan. Sabay sabay na napatingin ang lahat ng bigla na lamang pumasok ang katulong na naghatid kay Madam Concepcion patungo sa kanyang anak.Naisip ni Erica na mamaya na lamang niya titignan si Elena. Total kahit anong iwas naman ang gawin niya ay makikita't makakasama niya ito anumang oras sa araw na ito.Nagmistulang may naligaw na angel sa bakurang iyon kung kaya't ang lahat ay natigilan. Ang mga mata ay napako lamang sa iisang tao na unti-unting lumalabas sa kanyang sinakyan. Ilan ang nakapag sabi na animoy biniyayaan ng gandang tunay ang anak ni C