Home / Romance / Destiny / Chapter 3

Share

Chapter 3

Pananabik ang nasa anyo ni Teresa Concepcion. Para namang nadagdagan ang kuryosidad sa anyo ni Erica. Parang nalimutang may kaharap, napatayo si Teresa Concepcion. Pero kahit paano nakuha rin naman nitong magpaalam kay Erica, bago nagmamadaling lumabas ng main door.

Napag-isa si Erica sa kanyang kinauupuan. Maging ang mga unipormadong maid ay nagmistulang agos na iisa ang daluyan. Dahil sa biglang tahimik ng kapaligiran, sa may gawing pintuan. Sabay sabay na napatingin ang lahat ng bigla na lamang pumasok ang katulong na naghatid kay Madam Concepcion patungo sa kanyang anak.

Naisip ni Erica na mamaya na lamang niya titignan si Elena. Total kahit anong iwas naman ang gawin niya ay makikita't makakasama niya ito anumang oras sa araw na ito.

Nagmistulang may naligaw na angel sa bakurang iyon kung kaya't ang lahat ay natigilan. Ang mga mata ay napako lamang sa iisang tao na unti-unting lumalabas sa kanyang sinakyan. Ilan ang nakapag sabi na animoy biniyayaan ng gandang tunay ang anak ni Concepcion dahil sa taglay nitong ganda na bihira mo na lamang makita.

Kilos Pilipina, pero rugged ang suot. Kumbaga, cowboy ang dating. Naka-sando ng kulay puti na pinatungan ng maasul-asul na manggas ang suot ng anak ni Concepcion na bungad na bungad ang pinagmamalaki nitong hinaharap. Posible, dahil liberal nga ito, sanay sa kilos at galaw sa America.

Kupasing maong ang suot nito. Naka boots na kulay itim na may kataasan ang takong.

Gusot ang mahaba nitong buhok. Pero parang bumagay pa iyon sa natural nitong kagandahan, "Walang dudang ganyan din si Madam noong kabataan niya," ani ng isang empleyado sa katabi nito.

"Ang ganda pala ng Elena na 'yan, hanep sa beauty," tugon niya sa taong kumausap sa kanya.

"Pero kita mong manamit, simple pero rock," sabad ng isa na nakadinig sa nag-uusap na dalawang magkatabi sa mesa.

May tagong kapilyahan. Iyon ang isa sa nahinuha nila kay Elena, habang naglalakad ang mag-ina ay sila ding pinagbubulungan at pinag-uusapan ng mga bisita at kamag-anak ng pamilyang Concepcion, dahil sa hindi nito itinago ang kapilyahan sa ina dahil sa pagtrato nito na parang sila lamang ang naroon. Habang hinahatid ng mga bisita ang mag-ina ng tingin tungo sa kabahayan ay napapasabi sila na para lamang magkapatid ang turingan ng dalawa.

"Ang seksi mo naman sa suot mo Mommy, talo mo pa 'ko," sabi ni Elena ng nasa gawing pintuan na sila ng bahay.

"Bata ka, bat naman ganyan lang ang isinuot mo, nagmukha kang wild, a!" Pagalit ngunit nakangiting saad nito kay Elena.

"A, dapat ba naka-swimsuit ako?" Tanong nito at saka ito humagigik.

"Hoy ha, nandito ka sa Pilipinas, wala ka na sa State," tugon niya sa anak.

"Si Mommy naman, bakit hindi pa rin ba naitataboy ng hangin ang kultura dito?" Napapatanong na saad ni Elena.

"A, ewan… sige pasok na't may ipapakilala ako sa iyo. Mamaya na kita ipapakilala sa mga nasa labas," ngiting ngiti na saad ni Teresa habang sabay silang pumasok ng anak.

Nang makalapit ang mag-ina kay Erica, nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Elena. Matagal silang nag tinginan sa isa't isa bago naunang bumitaw si Erica.

"Who is she, Ma?" Baling ni Elena sa ina.

"Si Erica," simpleng tugon ng ina. "Erica si Elena, ang kaisa-isa kong anak at kaisa-isang sakit ng ulo ko," aniya pa

"Hi!" Si Erica.

"Nice meeting you, Erica," matapos sabihin iyon ay pinuna ang bote ng alak na babahagya pa lamang nababawasan.

"Mukhang nagpapainit kayo bago ako dumating, ah?" Lahad na tanong ni Elena sa dalawa.

"Medjo," si Erica uli, "Need one?" Alok niya.

"Yes. Please," tugon ni Elena.

Nagsalin si Erica sa isang kopita at ibinigay sa dalaga na umupo na sa gawing harap ng kanyang kinauupuan. Walang panginginig ininom ni Elena ang alak na laman ng kopita. Nang tantanan, ubos na.

Inilapag nito ang kopita sa mesa "Thanks."

Ngiti ang isinukli ni Erica. Binalingan ni Elena ang ina, "Kamusta na ang biyuda?"

Para lang itong nagtanong sa 'di nito kaanu-ano. Waring sanay naman na sa ganon si Teresa Concepcion. Habang nag patay malisya na lamang si Erica sa narinig.

"Hello, empty parin," pairap na tugon ni Teresa.

"Huwag mong sabihing wala nanamang pumapansin sa beauty mo, aba, isusumpa ko sila," mapagmalaking hayag ni Elena.

"Ako pa..? Ako pa ang hindi mapapansin?" Tanong nito habang nakaturo sa sarili.

"O, e bakit hanggang ngayon you're still alone?" Ganting tanong nito sa ina.

"Mas binibigyan ko ng importansya ang mga kabuhayan natin!" Ani Teresa sa makulit na anak.

"A, ewan ma," at saka ito lumabi. Ngumiti nang si Erica naman ang balingan.

"How about you, Erica, okey ka lang? I mean ayos lang ba ang lovelife mo?" Baling na tanong nito kay Erica.

"Medyo magulo," simpleng sagot nito.

"Bakit naman?" Matapos itanong iyon ay hinagod nito ang makapal na buhok.

Sa buhok ni Elena napatingin si Erica. Parang nakita niya noon ang kanyang buhok.

"Wala ka pang boyfriend?" Naitanong nalang sa kanya ni Elena.

"M-meron.." alanganing tugon niya.

"Dapat lang, iyang ganda mong 'yan, wala?" Hayag niya na may kasamang tawa.

"Ikaw..?" Balik tanong ni Erica.

"Wala pa.. pero baka magkaroon na," at saka ito saglit na nag-isip.

"Pero parang meron na yata," dugtong niya.

Napangiti ang ina nito.

"Ano ba namang gulong salita 'yan. Wala pero meron na yata. Linawin mo nga," ani Teresa.

"Pinoy ba?" Sabad na pagtatanong ni Erica.

"Local, oo," sagot ni Elena.

"Mabuti naman pala at Pinoy pa rin ang nagustuhan mo," ngiting saad ni Erica.

"Iba ang Pinoy, eh," nakangiting sagot din niya.

Sumeryoso si Teresa Concepcion.

"Teka, teka.. seryoso ka ba sa mga pinagsasabi mo?"

"Of course, I'm serious Mom!" Ani Elena.

Pinag-aralan ni Madam Concepcion ang anyo ng anak. At nahinuha nitong para ngang may ibig nang seryosohin si Elena.

"Saan mo nakilala?" Usisa niya sa anak.

"Malalaman n'yo rin," hirit pa ni Elena.

"Pa-suspense ka pa ha? O, e kailan mo naman ipapakilala 'yon sa akin?" Tanong na lamang ni Teresa.

"Kapag natiyak kong 'yon na pala ang lalaking gusto ko para sa akin. By that time, siguro wala nang marami pang seremonyas pag para sa akin talaga siya, kasalan na ang kasunod non."

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status