Home / Romance / Destiny / Chapter 4

Share

Chapter 4

Ilang araw ang lumipas na parang walang ano mang espesyal na nangyayari. Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ilang gabi nang nahihintakot si Erica dahil sa kanyang mga napapanaginipan. Nitong sumunod na mga araw nga ay madalas maglaro sa kanyang isip na siya ay nasa dulo na ng pedestal na kanyang minimithing maabot.

Ang alam niya, mangyayari pa lamang ang napapanaginipan niya at hindi ang mga nakaraan na. Dahil sa kawalan ng magagawa sa bahay ay naisipan ni Erica na mapag-isa sa bayside. Tahimik na lugar ang kanyang inokupa, 'yung halos parang abot-kamay lamang niya ang dagat na kanyang kinaroroonan.

Minsan pa niyang naalala ang lugar na nilisan. Ngayon lang ulit niya binigyang laya ang sarili upang maging kabahagi ng malawak na karagatan. Noon dalawa sila ni Jacob na tumatanaw sa laot. Ngayon ay nag-iisa na lang siya. Dati ay bumubuo sila ng mga mumunting pangarap habang akbay siya ng binata. Ngayon nag-iisa na lang siyang nangangarap, at ang tanging nakaakbay sa kanya 'di lang sa balikat kundi sa kanyang kabuuan ay ang ibayong bisig ng kalungkutan.

Ngayon lang niya nalaman na mahirap nga palang mapag-isa sa laot ng pagdurusa.

Dahil heto siya ngayon. Na bagamat nababatid na sa hinaharap ay ganap na niyang mayayakap ang kanyang pangarap, ay kung bakit habang nalalapit naman ang araw na iyon ay tumitindi naman ang kanyang kalungkutan.

Nagkataon nga lang na nababawasan ang kanyang kalungkutan dahil sa pamilyang Concepcion. Ang itinuturing na niyang kapamilya sa lungsod.

Iyon ang totoo kaya naman parang itinuturing na rin niya na isa siya sa nagmamay-ari ng kumpanya ng pamilyang Concepcion, kaya naman ganun na lamang ang pagmamalasakit niya dito. Bagay na naging makabuluhan naman, dahil nananatiling matatag ang kabuhayan nina Teresa Concepcion na hanggang ngayon ay hindi niya mapaniwalaan na natatawag lamang niya sa pangalang Teresa, sa halip na sana'y Ma'am o kaya'y Miss Concepcion.

Minasid niya ang mapusyaw na anino ng palubog na araw sa gawing dulo ng karagatang abot-tanaw ng kanyang paningin. Para sa kanya, mabuti pa ang sinag ng palubog na araw, kahit mumunting alon ay may humaharot dito.

Sa kanya, wala. Wala nga kasi sa tabi niya ang dating karelasyon na si Jacob na lagi siyang binibiro.

Maya-maya pa'y lumabo na lamang sa paningin niya ang sinag ng araw. Unti-unti na kasing niyayakap ng gawing kanluran ang haring araw na maghapong nagbigay liwanag sa buong kapaligiran.

Puno ng inggit ang namayani sa kanyang pagkatao ng may matamaan siyang mag karelasyon hindi malayo sa kanyang gawi.

Ganon sila noon ni Jacob. Kundi magkahawak kamay, magkaakbay. O kundi man, tiyak na puro batuhan ng mga biruan ang kanilang pinag gagawa at napag-uusapan sa buong maghapon nilang magkasama.

Humigit siya ng malalim na buntong hininga. Naisip kung paano na naman ba niya palilipasin ang magdamag na hindi siya gagambalain ng malungkot na isipan.

Ngayon lang naman talaga siya nagkaproblema ng ganito. Ngayon, alam niyang wala na pala sa lugar nila si Jacob. Noon, kahit magkalayo sila, alam niyang nasa kanilang probinsya lang ang binata, na gustuhin lang niyang makita ay napakadali niyang magagawa. Umuwi lang siya, makikita na niya si Jacob.

Pero hindi na nga ngayon ang kasalukuyang sitwasyon. Ni hindi niya alam kung nasaan si Jacob.

Lumipas pa ang minuto at napagpasyahan na niyang umuwi.

Libro. Iyon ang nabuntunan ni Erica nang pansin ng gabing iyon. Ito ang haharapin niya upang kahit paano ay makagawa siya ng antok.

"Maganda raw 'yan, ano na nga title?" Tanong ni Lori na lumabas ng sariling silid.

"Minsan i-try mo mag komiks," wika pa nito. At saka inihagis ang ilang pirasong komiks sa tabi ng kinauupuan niya.

"Mamaya, bago ako matulog, eto munang Destiny, na nauna kung hawakan," wika niya nang sulyapan ang mga komiks sa kanyang tabi.

Natapos at natapos si Erica basahin ang makapal na libro tungkol sa dalawang taong pinaglayo dahil sa desisyon ng isa na tuparin ang kanyang gusto sa buhay. Pero heto siya, imbes na dalawin ng antok ay sa librong binasa siya nakatuon gawa ng naalala niya ang sarili at kay Jacob.

Parang pareho sila ng desisyon ng babae ang kaso.. hindi na niya tinuloy dahil dumampot na lamang siya ng mga komiks at saka dumiretso sa sariling kwarto, hindi siya mahilig magbasa ng mga libro dahil hindi siya naniniwala na sa totoong buhay ay kayang i-apply ang mga kaganapan sa mga librong kanyang binabasa.

Nasumpungan na lamang ni Erica ang sarili na komiks na ang kaniyang binabasa. Dahil sigurado siyang si Lori ay magbabad na naman ito sa mga kausap niya na saan-saan niya lamang naman nakilala.

Nang bigla ay may isang pahina siyang naalala sa kanyang binasa kanina. Nangislap ang bawat sulok ng kanyang mga mata. Bigla siyang napaisip.

"Why not…?" Saad niya sa sarili.

Pansamantala niyang itinabi ang komiks na hawak at saka siya pumunta sa isang lugar kung saan niya makikita ang mga gamit na kanyang kakailanganin para sa kanyang binabalak.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status