"What?" Bulalas ni Lori. Gulat itong hindi makapaniwala. Sa wakas, sinagot din ni Erica ang kanina pang sunod-sunod na gusto nitong itanong sa kanya habang sila ay pauwi.
Kanina, ano mang pamimilit nito ay wala siyang mapiga kay Erica. Ngayon na lang kung kailan parang naghihina ang loob ni Erica na ilang ulit uminom ng alak na hindi naman niya dati ginagawa."S-Si Jacob na 'yun na asawa ni Elena ang iyong hinahanap na..." natapik ni Lori ang sariling noo, "Oh, what a tragic story," sabi pa nito."Please Lori, sarilinin mo na lang ang nalalaman mo, ayokong malaman ito ng mag-ina," paalala ni Erica."Sa bagay na iyan, wala kang dapat alalahanin sa akin, kaya lang... aba'y paano ngayon 'yan? Imposibleng hindi mabuhay ang dati ninyong pagtitinginan," tugon ni Lori sa paalala ni Erica."Kung noong malayo siya sa akin ay pilit kong binubuhay kahit man lamang sa alaala ang aming nakaraan, ngayong malapit lang siya sa akin ay unti-unti ko namangMarami ang nagsasabi na mahirap talagang malimutan ang isang taong minahal mo at alam mong nagmamahal sa iyo. Pero isipin mo ang mga naging kamalian nito at kahit paano ay gigiit sa iyong utak ang tungkol sa salitang paglimot. Nanuot iyon sa isipan ni Erica. Idinikit niya ang sabi-sabing iyon sa kanyang utak. lisipin niya ang naging kamalian ni Jacob upang kahit paano ay madugtungan na niya ang nasimulan niyang unti-unting paglimot dito.Bago pa nga mamalayan ni Erica ay matagal-tagal na pala niyang nakakasama sa opisina si Jacob. Tingin ngayon ni Erica ay hindi na kailangan na nasa isang opisina sila ng dating karelasyon. Marami nang natutunan si Jacob. Pero ilan lang ang naituro niya, at ang nalaman ng lalaki ay base na rin sa sarili nitong pag mamanman sa kaganapan sa loob ng kumpanyang ayaw nitong ariing kanya. Ni ayaw isiping magiging kanila ni Elena pagdating ng takdang panahon. Wala si Jacob ng araw na iyon. Hindi ito pumasok dahil nalambingan ni Elena. Ayo
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa mukha ni Jacob na tingin niya ay isang pangahas na lalaki."Kung may natitira nga akong pag-ibig sa iyo, dapat siguro ay malaman mong hindi ko gagamitin iyon upang gumawa ng isang kamalian. Maliwanag 'yon Jacob, kaya kung ako ikaw, yakapin mo na lamang ang kasalukuyan at huwag nang lumingon pa sa ating nasimulan," pigil ni Jacob ang pag-iyak."Mabisang gamot ang iyong asawa upang magamot ang sugat diyan sa dibdib mo kung meron nga... hindi ako ang gamot sa iniinda mong sugat bunga na rin ng ginawa mong kataksilan. Hinding- hindi ako papatol sa may-asawa," dagdag na paliwanag niya."Sige, aalis na ako," malungkot itong tumayo upang umalis na.Kahit paano ay nakaramdam ng konsensya si Erica sa dating karelasyon."Jacob..." tawag niya. "Huwag mo na akong gambalain pa," aniya.Matapos madinig iyon ay umalis na nang tuluyan ang lalaki. Kung lumingon lang sana ito, nakita sana nito na sabay
Alas-otso ng gabi nang dumating sila sa napagkasunduang lugar.Pinaubaya ni Gohan ang pag-order sa dalawang babae, "Kailan ang balik mo sa Amerika?" Ungkat na tanong ni Erica sa binata."Noong dumating ako dito at ma-meet si Teresa, sabi ko sa sarili ko'y bahala na, hindi tiyak... pero nang makita kita, parang ibig kong tiyakin ang pag-alis ko," Kumunot ang noo ng dalaga, "And what do you mean by that?" Mga sinag ng mga mata ni Gohan ang tumugon sa naging tanong ni Erica. Hindi manhid si Erica upang hindi malaman na may kakaibang ibig ang titig na iyon sa kanya ng katabi.Ngumiti si Erica Ipinasya niyang putulin ang kapormalang pumagitna sa kanilang pag-uusap, "Palabiro ka pala," nasabi nito.Napangiti na rin si Gohan. "Pilipina ka nga, hindi basta-basta naniniwala sa sinasabi ng isang lalaki. Na ano mang marinig mula sa bibig ng lalaki ay iisiping biro lang ang lahat," sumabad na sa usapan si Lori. "Bakit, doon ba sa Amerika, kapag sina
Nang partikular na araw na iyon ay nasa isang medical hospital ang mag-asawang Elena at Jacob."You heard me right... impossibly kayong magkaroon ng kahit isang anak," anang manggagamot habang pailing-iling. "Isa sa inyo ang may depekto."Hindi pa alam ng mag-asawa kung sino ba sa kanila ang may problema. Parehong kumakabog ang kanilang mga dibdib."S-Sino ho sa amin ang may diperensya?" Tanong ni Jacob.Mula sa pagkakatingin kay Jacob ay diretsong tumingin ang doktor sa nabahalang si Elena."A-Ako ho ba?" Ang nababahalang tanong ng babae.Tumango-tango ang doktor, "Inverted uterus, misis.""My God, no!" Nanginginig na wika ni Elena. Kulang na nga lang ay mapaiyak ito dahil sa nalaman. Na 'yun palang ganda nito ay kulang pala ito sa kabuuan. At hindi pala ito magiging ina kahit kailan."I-It's okay sweetheart, talagang ganun, eh," alo ni Jacob sa asawa. Pagkuwa'y binalingan nito ang doktor. "Paano ho, 'di salama
Nabuhayan ng loob si Elena ng gabing iyon. Animo'y isang musika sa pandinig nito ang narinig mula sa ina."Kung si Erica nga ang nasa isip mo, not bad. Alam nating isa siyang mabuting babae. Hindi tututol sa kanya si Kyver... ang tanong, pumayag naman kaya siya?" Tanong ni Elena sa ina. "Noong una, inisip kong imposible... pero kanina nang magkausap kami, naisip kong baka pumayag siya," tugon ni Teresa sa anak."Bakit mo nasabi, Mommy?" Nagtatakang tanong ni Elena."Dahil hindi na pala siya ang inaakala ko sa kanya," napamaang si Elena, "You mean..." aniya."Oo iha," agap na wika ng ina nito, "Hindi na siya buo tulad ng akala ko," dagdag na paliwanag niya."K-Kung sakali, magkano naman ang i-o-offer mo sa kanyang halaga?" Tanong ni Teresa sa anak. "Siya...name her price," saad ni Elena."Naku, tiyak na matutuwa nito si Kyver," nakangiting sambit ni Elena. "Nasaan na nga pala ang asawa mo?" Tanong ni
Lakas ng loob ang kinakailangan ng mag-inang Elena at Teresa nang kausapin nila si Erica kinahapunang iyon. Kanina pa sanang umaga kung si Elena ang nasunod, pero sa kagustuhan ni Teresa kung kaya't after office hours na nila kinausap ng masinsinan si Erica.Kahit iyon na nga ang parang inaasahan ay nabigla pa rin kahit paano si Erica. Naisip niyang ganoon rin pala kababa ang pagtingin ng mga ito sa kanyang pagkatao. Pero bigyang katwiran na rin niya ang mga ito. Isa pa'y may sangkap ng pagsusumamo ang ginawang pakiusap sa kanya ng dalawa."Bakit naman ako pa?" Naitanong niya sa mag- ina."Dahil alam naming isa kang mabuting puno... at ang isang mabuting puno, tiyak na magiging mabuti ang bunga," paliwanag ng mag-ina."I-Isang tanong lang, Teresa... ako rin ba ang pakikiusapan n'yo kahit hindi mo nalaman na wala na pala akong buong iniingatan?" Tanong ni Erica.Alam ni Madam Concepcion na may gustong tiyakin sa isip nito si Erica. Hindi n
Baguio City. Dito ipinasya ni Jacob na dalhin ang dating karelasyon. May resthouse ang mga Concepcion dito na kanila ngayong kinaroroonan. Nasa mataas itong lugar. Likas na likas ang kagandahan ng kapaligiran. Angkop sa gagawin nilang dalawa na tinawag nilang relasyong panandalian at maling panahon.Hindi sila nag usap habang nasa daan patungo dito. Nagkunwaring natutulog si Erica kanina. Hindi naman hinangad ni Jacob na kausapin agad siya ni Erica, naririnig sila ni Mang Ador na siyang nagmamaneho ng L300 van na kanilang ginamit papunta don."Huwag kang mag-atubili," wika ni Erica kay Jacob. "Ano mang oras, kahit saan... basta ginusto mo, nakahanda ako... isipin mong bayad na ang aking pagkatao," ani Erica."Ginawa mo ba ito dahil lang sa pera?" Tanong ni Jacob. "Oo, at huwag ka ng mag-isip ng iba," paliwanag ni Erica."Ginawa mo ito dahil ano? Dahil ba nalaman mong may natitira ka pa ring pag-ibig sa akin?" Tanong ni Jacob."Sabihin na nating ginawa ko ito, para naman kahit paano a
Namagitan sa kanila ang nakabibinging katahimikan."S-Siguro naman ay kuntento ka na sa buhay mo ngayon?" Tanong niya kay Jacob."Kung inaakala mong nasisiyahan ako dahil tulad ni Elena ang naging asawa ko, nagkakamali ka," ani Jacob."Ibig mong paniwalaan ko ang sinabi mong 'yan?" Taimtim na saad niya."Sana," sambit ni Jacob.Tumigil sa pagtatanong si Erica. Kumutsara siya ng kanin at ulam. hinati-hati ang isusubo sa kutsarang gamit."M-Minsan... ganyan ang isinubo mo sa akin don sa treehouse ng doon tayo mag-agahan," pagbabalik tanaw ni Jacob.Hindi naituloy ni Erica ang sana'y gagawing pagsubo."Baka naman pwedeng maulit ang minsang 'yon... kahit minsan lang," si Jacob uli. Napalunok si Erica. Parang may nag-uutos sa kanyang ilapit ang hawak na kutsara kay Jacob. "S-Sige... ulitin natin ang minsan," aniya.Ibinuka ni Jacob ang bibig at tinanggap ang laman ng kutsarang hawak ni Erica.Ginawa