Lakas ng loob ang kinakailangan ng mag-inang Elena at Teresa nang kausapin nila si Erica kinahapunang iyon. Kanina pa sanang umaga kung si Elena ang nasunod, pero sa kagustuhan ni Teresa kung kaya't after office hours na nila kinausap ng masinsinan si Erica.
Kahit iyon na nga ang parang inaasahan ay nabigla pa rin kahit paano si Erica. Naisip niyang ganoon rin pala kababa ang pagtingin ng mga ito sa kanyang pagkatao. Pero bigyang katwiran na rin niya ang mga ito. Isa pa'y may sangkap ng pagsusumamo ang ginawang pakiusap sa kanya ng dalawa."Bakit naman ako pa?" Naitanong niya sa mag- ina."Dahil alam naming isa kang mabuting puno... at ang isang mabuting puno, tiyak na magiging mabuti ang bunga," paliwanag ng mag-ina."I-Isang tanong lang, Teresa... ako rin ba ang pakikiusapan n'yo kahit hindi mo nalaman na wala na pala akong buong iniingatan?" Tanong ni Erica.Alam ni Madam Concepcion na may gustong tiyakin sa isip nito si Erica. Hindi nBaguio City. Dito ipinasya ni Jacob na dalhin ang dating karelasyon. May resthouse ang mga Concepcion dito na kanila ngayong kinaroroonan. Nasa mataas itong lugar. Likas na likas ang kagandahan ng kapaligiran. Angkop sa gagawin nilang dalawa na tinawag nilang relasyong panandalian at maling panahon.Hindi sila nag usap habang nasa daan patungo dito. Nagkunwaring natutulog si Erica kanina. Hindi naman hinangad ni Jacob na kausapin agad siya ni Erica, naririnig sila ni Mang Ador na siyang nagmamaneho ng L300 van na kanilang ginamit papunta don."Huwag kang mag-atubili," wika ni Erica kay Jacob. "Ano mang oras, kahit saan... basta ginusto mo, nakahanda ako... isipin mong bayad na ang aking pagkatao," ani Erica."Ginawa mo ba ito dahil lang sa pera?" Tanong ni Jacob. "Oo, at huwag ka ng mag-isip ng iba," paliwanag ni Erica."Ginawa mo ito dahil ano? Dahil ba nalaman mong may natitira ka pa ring pag-ibig sa akin?" Tanong ni Jacob."Sabihin na nating ginawa ko ito, para naman kahit paano a
Namagitan sa kanila ang nakabibinging katahimikan."S-Siguro naman ay kuntento ka na sa buhay mo ngayon?" Tanong niya kay Jacob."Kung inaakala mong nasisiyahan ako dahil tulad ni Elena ang naging asawa ko, nagkakamali ka," ani Jacob."Ibig mong paniwalaan ko ang sinabi mong 'yan?" Taimtim na saad niya."Sana," sambit ni Jacob.Tumigil sa pagtatanong si Erica. Kumutsara siya ng kanin at ulam. hinati-hati ang isusubo sa kutsarang gamit."M-Minsan... ganyan ang isinubo mo sa akin don sa treehouse ng doon tayo mag-agahan," pagbabalik tanaw ni Jacob.Hindi naituloy ni Erica ang sana'y gagawing pagsubo."Baka naman pwedeng maulit ang minsang 'yon... kahit minsan lang," si Jacob uli. Napalunok si Erica. Parang may nag-uutos sa kanyang ilapit ang hawak na kutsara kay Jacob. "S-Sige... ulitin natin ang minsan," aniya.Ibinuka ni Jacob ang bibig at tinanggap ang laman ng kutsarang hawak ni Erica.Ginawa
Isang araw na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon. Ngayon nga ay buong-buo na talaga ang nasa isip ni Erica. Ang ikilos ang sarili sa kung sino man siya, hindi ang ganito na panandalian lang ang pinapalasap sa kanyang kaligayahan na sana ay kanyang madadama kailanman niya gustuhin, kung sakaling sila ang magkatuluyan.Babaeng wala ng hahanapin pa. Iyon ang tingin ni Jacob kay Erica. Ano pa nga ba ang hahanapin nito sa babaeng mula umaga hanggang gabi ay ginagawa ang mga bagay na ikasisiya niya, "Natutuwa akong makita kang ganyan...hindi tulad ng dati na para kang laging iwas na iwas sa akin," may kasiyahang nasabi ni Jacob sa kasalukuyang naglalaba na si Erica. Para talagang ibig nang tapusin ni Erica ang dating pagsinta ng binata."Ang yaman-yaman n'yo ng asawa mo, tapos, underwear lang hindi ka makabili," at saka nito ipinakita kay Jacob ang underwear nito na kaniya ng kinukusot.Noon lang iyon napuna ng lalaki, "B-Bago pa naman 'yan, e. Isa pa ala naman makakaalam na ganyan na
Wala si Erica sa tabi ni Jacob nang ito ay magising nang umagang iyon. Bumangon ito na matapos bahagyang ayusan ang sarili ay lumabas ng silid. Di nito nakita sa alinmang bahagi ng resthouse si Erica.Lumabas si Jacob ng resthouse, wala rin sa hardin si Erica. Noon ito parang biglang kinabahan. Muli ay pumasok ito sa loob, dagling nagsuot ng jogging pants. Naalala nito ang sabi ni Erica na ibig nitong mag-jogging sa isang park na malapit lang naman doon.Nasa isang parke nga si Erica. Kanina pa siya sa kanyang ginagawang pagtakbo. Gising na gising na ang dugo niya. Ni hindi niya alintana ang maraming lalaking nakatingin sa kanya, talagang tumawag ng pansin ang kakaibang hubog ng kanyang katawan na, na pinatingkad ng suot niyang hapit na sando at ng maigsing short pants.Nagulat pa siya nang sabayan siya sa pagtakbo ng isang lalaki."Hi," anito sa kanya."Hi," ganting bati niya."Mukhang di ka marunong mapagod, a? Kanina pa kita nakikitang tumatakbo," hindi siya tumugon, ngumiti lamang
Nang makaharap nito ang babae ay agad hinawakan sa magkabilang balikat at saka masinop na hinagod ng tingin ang kabuuang mukha nito, "My God, ikaw nga!"Mamata-mata si Erica. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Nasumpungan na lamang niyang inihaharap na pala sa kanya ng lalaki ang babae."S-Siya ang pinag-uusapan natin kani-kanina," anang lalaki kay Erica."Really?" Aniyang di basta makapaniwala. "Kumusta ka na?" Dagling tanong ng lalaki sa babae."I'm fine... one week pa lang akong nakababalik dito sa Pilipinas. Ikaw agad ang hinanap ko, pero walang makapagsabi kung nasaan ka," paliwanag ng babae."Nandito ako... nagbabakasakali malimot ka, pero hanggang ngayon ay bigo ako," madamdaming saad ng lalaki."Dalaga pa rin ako Kai. Dalaga mula ulo hanggang paa," saad ng babae."D-Dahil ba ako pa rin ang nasa puso mo?" Tanong ng lalaki.Tumango-tango ang naiiyak na babae.Iyon lang at niyapos na ito ng yakap ng lalaki. Talagang sabay pa ang mga ito.Pakiwari naman ni Erica ay isang live
Ang sinabi sa kanila ng kaharap nilang manggagamot ang waring sumagot sa kanilang pag-aasam. Hindi pala ordinaryong pangangasim lang ang nararamdaman ni Erica nitong mga huling araw. May dahilan pala. Buntis siya, kinumpirma ng doktor na ngayon ay kaharap nila ni Jacob."Congratulations, Mr. Amelio," nakangiting sabi ng doktor."Salamat ho," tipid nitong sabi.Mula sa klinikang pinagmulan diretso ng umuwi sa resthouse ang dalawa. Pader ng katahimikan ang kaagad ay pumagitna sa kanila, "Kailangang malaman ito ng mag-ina.""Puwedeng huwag muna?" May pagtutol na sabi ni Jacob. Matagal na minasdan ni Erica si Jacob. Nakatungo ang mukha ng lalaki. "Ngayon ay alam na natin na may bunga na ang ginawa nating pagtatabi... ibig sabihin, wala nang dahilan upang patuloy pa tayong magtabi," paliwanag ni Erica."H-Hindi pa naman nila alam, eh," ani Jacob. "Dadayain natin sila? Si Elena?" Mapait niyang tanong."Nag
Kung gusto ni Jacob na mapag-isa, ganun din ang gusto ni Elena. Saan-saan lang talaga nagpunta si Elena. Hanggang maisipan nitong pasyalan ang kaibigan ni Erica na si Lori."Surprise?" Anito sa nabiglang si Lori. "Kayo pala Ma'am, tuloy," tarantang sabi nito. Sa salas sila nagkaharap. "Napasyal kayo, Ma'am?" Anito na may pagtatanong."Walang magawa, eh... walang makausap," boring na usal ni Elena habang nakangiti."Teka, Ma'am, maiwan na muna kita sandali. At may kukunin lang ako na pizza pie sa may kanto. Kukunin ko na at 'yon ang pagsaluhan natin habang nag tsi-tsikahan tayo," masayang ani nito."Go ahead, take your time," ngiting sambit ni Elena.Nang makaalis si Lori ay naisipan ni Elena na buklatin ang isa sa dalawang album na nasa ilalim ng mesa na nasa harapan.Payapa nitong inisa-isa ang bawat pahina ng album. Sa isang dahon ng album ay nakita nito ang malaking larawan ni Kyver. Bigla siyang kinabahan. Bakit may
Malinaw ang lahat. Natukoy na ni Elena ang dalawang magnanakaw. Si Kyver at si Erica.Pero ano naman kung nahuli na nga nito ang hindi inaasahang mga magnanakaw, kung siya naman itong waring ngayon ang nakakulong sa rehas ng 'di na matakasang pagdurusa?"Ako ang iyong kasalukuyan, Kyver. Mas dapat mo akong bigyang pansin kaysa sa iyong nakaraan," naninikip ang dibdib ni Elena nang sabihin iyon sa asawa ng hapong iyon."Tama ka," malumanay na sabi ni Kyver. "Pero kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang puso ko... dahil titiyakin ko sa iyong masasayang lang ang lahat ng pagtatangkang gagawin mo," dagdag na sambit niya."Please... asawa mo na ako, Kyver. Tayo na ngayon," nagmamakaawang saad ni Elena."Hindi ko iyan itinatanggi. Pero sana naman, kahit paano ay maunawaan mo pa rin naman ang kalagayan ko... dahil sadyang mahirap limutin ang tulad ni Erica na ang mga naiwan sa aking alaala ay baon ko na yata hanggang sa kahuli-hulihang hib