Nang partikular na araw na iyon ay nasa isang medical hospital ang mag-asawang Elena at Jacob.
"You heard me right... impossibly kayong magkaroon ng kahit isang anak," anang manggagamot habang pailing-iling. "Isa sa inyo ang may depekto."Hindi pa alam ng mag-asawa kung sino ba sa kanila ang may problema. Parehong kumakabog ang kanilang mga dibdib."S-Sino ho sa amin ang may diperensya?" Tanong ni Jacob.Mula sa pagkakatingin kay Jacob ay diretsong tumingin ang doktor sa nabahalang si Elena."A-Ako ho ba?" Ang nababahalang tanong ng babae.Tumango-tango ang doktor, "Inverted uterus, misis.""My God, no!" Nanginginig na wika ni Elena. Kulang na nga lang ay mapaiyak ito dahil sa nalaman. Na 'yun palang ganda nito ay kulang pala ito sa kabuuan. At hindi pala ito magiging ina kahit kailan."I-It's okay sweetheart, talagang ganun, eh," alo ni Jacob sa asawa. Pagkuwa'y binalingan nito ang doktor. "Paano ho, 'di salamaNabuhayan ng loob si Elena ng gabing iyon. Animo'y isang musika sa pandinig nito ang narinig mula sa ina."Kung si Erica nga ang nasa isip mo, not bad. Alam nating isa siyang mabuting babae. Hindi tututol sa kanya si Kyver... ang tanong, pumayag naman kaya siya?" Tanong ni Elena sa ina. "Noong una, inisip kong imposible... pero kanina nang magkausap kami, naisip kong baka pumayag siya," tugon ni Teresa sa anak."Bakit mo nasabi, Mommy?" Nagtatakang tanong ni Elena."Dahil hindi na pala siya ang inaakala ko sa kanya," napamaang si Elena, "You mean..." aniya."Oo iha," agap na wika ng ina nito, "Hindi na siya buo tulad ng akala ko," dagdag na paliwanag niya."K-Kung sakali, magkano naman ang i-o-offer mo sa kanyang halaga?" Tanong ni Teresa sa anak. "Siya...name her price," saad ni Elena."Naku, tiyak na matutuwa nito si Kyver," nakangiting sambit ni Elena. "Nasaan na nga pala ang asawa mo?" Tanong ni
Lakas ng loob ang kinakailangan ng mag-inang Elena at Teresa nang kausapin nila si Erica kinahapunang iyon. Kanina pa sanang umaga kung si Elena ang nasunod, pero sa kagustuhan ni Teresa kung kaya't after office hours na nila kinausap ng masinsinan si Erica.Kahit iyon na nga ang parang inaasahan ay nabigla pa rin kahit paano si Erica. Naisip niyang ganoon rin pala kababa ang pagtingin ng mga ito sa kanyang pagkatao. Pero bigyang katwiran na rin niya ang mga ito. Isa pa'y may sangkap ng pagsusumamo ang ginawang pakiusap sa kanya ng dalawa."Bakit naman ako pa?" Naitanong niya sa mag- ina."Dahil alam naming isa kang mabuting puno... at ang isang mabuting puno, tiyak na magiging mabuti ang bunga," paliwanag ng mag-ina."I-Isang tanong lang, Teresa... ako rin ba ang pakikiusapan n'yo kahit hindi mo nalaman na wala na pala akong buong iniingatan?" Tanong ni Erica.Alam ni Madam Concepcion na may gustong tiyakin sa isip nito si Erica. Hindi n
Baguio City. Dito ipinasya ni Jacob na dalhin ang dating karelasyon. May resthouse ang mga Concepcion dito na kanila ngayong kinaroroonan. Nasa mataas itong lugar. Likas na likas ang kagandahan ng kapaligiran. Angkop sa gagawin nilang dalawa na tinawag nilang relasyong panandalian at maling panahon.Hindi sila nag usap habang nasa daan patungo dito. Nagkunwaring natutulog si Erica kanina. Hindi naman hinangad ni Jacob na kausapin agad siya ni Erica, naririnig sila ni Mang Ador na siyang nagmamaneho ng L300 van na kanilang ginamit papunta don."Huwag kang mag-atubili," wika ni Erica kay Jacob. "Ano mang oras, kahit saan... basta ginusto mo, nakahanda ako... isipin mong bayad na ang aking pagkatao," ani Erica."Ginawa mo ba ito dahil lang sa pera?" Tanong ni Jacob. "Oo, at huwag ka ng mag-isip ng iba," paliwanag ni Erica."Ginawa mo ito dahil ano? Dahil ba nalaman mong may natitira ka pa ring pag-ibig sa akin?" Tanong ni Jacob."Sabihin na nating ginawa ko ito, para naman kahit paano a
Namagitan sa kanila ang nakabibinging katahimikan."S-Siguro naman ay kuntento ka na sa buhay mo ngayon?" Tanong niya kay Jacob."Kung inaakala mong nasisiyahan ako dahil tulad ni Elena ang naging asawa ko, nagkakamali ka," ani Jacob."Ibig mong paniwalaan ko ang sinabi mong 'yan?" Taimtim na saad niya."Sana," sambit ni Jacob.Tumigil sa pagtatanong si Erica. Kumutsara siya ng kanin at ulam. hinati-hati ang isusubo sa kutsarang gamit."M-Minsan... ganyan ang isinubo mo sa akin don sa treehouse ng doon tayo mag-agahan," pagbabalik tanaw ni Jacob.Hindi naituloy ni Erica ang sana'y gagawing pagsubo."Baka naman pwedeng maulit ang minsang 'yon... kahit minsan lang," si Jacob uli. Napalunok si Erica. Parang may nag-uutos sa kanyang ilapit ang hawak na kutsara kay Jacob. "S-Sige... ulitin natin ang minsan," aniya.Ibinuka ni Jacob ang bibig at tinanggap ang laman ng kutsarang hawak ni Erica.Ginawa
Isang araw na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon. Ngayon nga ay buong-buo na talaga ang nasa isip ni Erica. Ang ikilos ang sarili sa kung sino man siya, hindi ang ganito na panandalian lang ang pinapalasap sa kanyang kaligayahan na sana ay kanyang madadama kailanman niya gustuhin, kung sakaling sila ang magkatuluyan.Babaeng wala ng hahanapin pa. Iyon ang tingin ni Jacob kay Erica. Ano pa nga ba ang hahanapin nito sa babaeng mula umaga hanggang gabi ay ginagawa ang mga bagay na ikasisiya niya, "Natutuwa akong makita kang ganyan...hindi tulad ng dati na para kang laging iwas na iwas sa akin," may kasiyahang nasabi ni Jacob sa kasalukuyang naglalaba na si Erica. Para talagang ibig nang tapusin ni Erica ang dating pagsinta ng binata."Ang yaman-yaman n'yo ng asawa mo, tapos, underwear lang hindi ka makabili," at saka nito ipinakita kay Jacob ang underwear nito na kaniya ng kinukusot.Noon lang iyon napuna ng lalaki, "B-Bago pa naman 'yan, e. Isa pa ala naman makakaalam na ganyan na
Wala si Erica sa tabi ni Jacob nang ito ay magising nang umagang iyon. Bumangon ito na matapos bahagyang ayusan ang sarili ay lumabas ng silid. Di nito nakita sa alinmang bahagi ng resthouse si Erica.Lumabas si Jacob ng resthouse, wala rin sa hardin si Erica. Noon ito parang biglang kinabahan. Muli ay pumasok ito sa loob, dagling nagsuot ng jogging pants. Naalala nito ang sabi ni Erica na ibig nitong mag-jogging sa isang park na malapit lang naman doon.Nasa isang parke nga si Erica. Kanina pa siya sa kanyang ginagawang pagtakbo. Gising na gising na ang dugo niya. Ni hindi niya alintana ang maraming lalaking nakatingin sa kanya, talagang tumawag ng pansin ang kakaibang hubog ng kanyang katawan na, na pinatingkad ng suot niyang hapit na sando at ng maigsing short pants.Nagulat pa siya nang sabayan siya sa pagtakbo ng isang lalaki."Hi," anito sa kanya."Hi," ganting bati niya."Mukhang di ka marunong mapagod, a? Kanina pa kita nakikitang tumatakbo," hindi siya tumugon, ngumiti lamang
Nang makaharap nito ang babae ay agad hinawakan sa magkabilang balikat at saka masinop na hinagod ng tingin ang kabuuang mukha nito, "My God, ikaw nga!"Mamata-mata si Erica. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Nasumpungan na lamang niyang inihaharap na pala sa kanya ng lalaki ang babae."S-Siya ang pinag-uusapan natin kani-kanina," anang lalaki kay Erica."Really?" Aniyang di basta makapaniwala. "Kumusta ka na?" Dagling tanong ng lalaki sa babae."I'm fine... one week pa lang akong nakababalik dito sa Pilipinas. Ikaw agad ang hinanap ko, pero walang makapagsabi kung nasaan ka," paliwanag ng babae."Nandito ako... nagbabakasakali malimot ka, pero hanggang ngayon ay bigo ako," madamdaming saad ng lalaki."Dalaga pa rin ako Kai. Dalaga mula ulo hanggang paa," saad ng babae."D-Dahil ba ako pa rin ang nasa puso mo?" Tanong ng lalaki.Tumango-tango ang naiiyak na babae.Iyon lang at niyapos na ito ng yakap ng lalaki. Talagang sabay pa ang mga ito.Pakiwari naman ni Erica ay isang live
Ang sinabi sa kanila ng kaharap nilang manggagamot ang waring sumagot sa kanilang pag-aasam. Hindi pala ordinaryong pangangasim lang ang nararamdaman ni Erica nitong mga huling araw. May dahilan pala. Buntis siya, kinumpirma ng doktor na ngayon ay kaharap nila ni Jacob."Congratulations, Mr. Amelio," nakangiting sabi ng doktor."Salamat ho," tipid nitong sabi.Mula sa klinikang pinagmulan diretso ng umuwi sa resthouse ang dalawa. Pader ng katahimikan ang kaagad ay pumagitna sa kanila, "Kailangang malaman ito ng mag-ina.""Puwedeng huwag muna?" May pagtutol na sabi ni Jacob. Matagal na minasdan ni Erica si Jacob. Nakatungo ang mukha ng lalaki. "Ngayon ay alam na natin na may bunga na ang ginawa nating pagtatabi... ibig sabihin, wala nang dahilan upang patuloy pa tayong magtabi," paliwanag ni Erica."H-Hindi pa naman nila alam, eh," ani Jacob. "Dadayain natin sila? Si Elena?" Mapait niyang tanong."Nag