"Condolence, ha!" Malungkot na sabi ni Lori kay Erica. Tunay na pakikiramay ang gusto nitong iparamdam sa alam na kalungkutan ng bagong dating na si Erica.
Bahagyang nangiti si Erica. Tinanggap niya ang pakikiramay ni Lori. "Masuwerte ka pa rin kahit paano, may ama ka pa... hindi tulad ko, ulila na maging sa ama," madamdaming saad ni Lori."Hindi ba tumatawag dito ang mag-ina?" Naisipang niyang itanong kay Lori."Minsan... si Ma'am. Ilang araw lang ang lumipas mula ng mag-leave ka ay pumunta na silang mag-ina sa Amerika, kasama ang magiging asawa ni Elena," saad ni Lori."Ano ang sabi nang tumawag si Teresa dito?" Seryosong tanong ni Erica."Hayun, kasal na raw 'yung dalawa. Baka raw magbakasyon muna sila ng mga ilang linggo. Tatapusin yata ron ang honeymoon nina Elena at Kyver," tugon ni Lori sa tanong ni Erica."Wala bang ipinagbilin?" Dagdag na tanong ni Erica."Tingnan mo raw 'yung office... parang sa iyo mas gustong"Your New Assistant Manager," Elena bilang intro. "My Boss..." Hindi na nito itinuloy pa ang sasabihin. Bumaling ito sa lugar na pinagmulan. Doon napatingin ang lahat.Isang makisig na lalaki ang nakita nilang nagsimulang maglakad mula sa kanina'y pinagmulan ni Elena.Kumunot ang noo ni Erica. Lumakas ang tibok ng kanyang dibdib. Ibig manindig ng kanyang balahibo habang nakatingin sa lalaking papalapit na sa stage. Walang dudang ito ang naging asawa ni Elena. "My God!" Nasabi niya sa mahinang boses.Kung kanina'y hindi siya napuna ni Lori dahil nakatingin ito sa lalaki na ngayon ay nasa stage na, na katatapos humalik kay Elena, ngayon ay napupuna na siya ng kaibigan, "A-Are you alright, Erica?"Parang walang nadinig si Erica na titig na titig sa mga nasa entablado.Pormal na pormal ang anyo ng lalaki na walang iba kundi si Jacob. "My God, no!" Nginig na ang boses ni Erica."What?" Bulalas ni Lori. Noon lang parang natauhan si Eri
"What?" Bulalas ni Lori. Gulat itong hindi makapaniwala. Sa wakas, sinagot din ni Erica ang kanina pang sunod-sunod na gusto nitong itanong sa kanya habang sila ay pauwi.Kanina, ano mang pamimilit nito ay wala siyang mapiga kay Erica. Ngayon na lang kung kailan parang naghihina ang loob ni Erica na ilang ulit uminom ng alak na hindi naman niya dati ginagawa."S-Si Jacob na 'yun na asawa ni Elena ang iyong hinahanap na..." natapik ni Lori ang sariling noo, "Oh, what a tragic story," sabi pa nito."Please Lori, sarilinin mo na lang ang nalalaman mo, ayokong malaman ito ng mag-ina," paalala ni Erica."Sa bagay na iyan, wala kang dapat alalahanin sa akin, kaya lang... aba'y paano ngayon 'yan? Imposibleng hindi mabuhay ang dati ninyong pagtitinginan," tugon ni Lori sa paalala ni Erica."Kung noong malayo siya sa akin ay pilit kong binubuhay kahit man lamang sa alaala ang aming nakaraan, ngayong malapit lang siya sa akin ay unti-unti ko namang
Marami ang nagsasabi na mahirap talagang malimutan ang isang taong minahal mo at alam mong nagmamahal sa iyo. Pero isipin mo ang mga naging kamalian nito at kahit paano ay gigiit sa iyong utak ang tungkol sa salitang paglimot. Nanuot iyon sa isipan ni Erica. Idinikit niya ang sabi-sabing iyon sa kanyang utak. lisipin niya ang naging kamalian ni Jacob upang kahit paano ay madugtungan na niya ang nasimulan niyang unti-unting paglimot dito.Bago pa nga mamalayan ni Erica ay matagal-tagal na pala niyang nakakasama sa opisina si Jacob. Tingin ngayon ni Erica ay hindi na kailangan na nasa isang opisina sila ng dating karelasyon. Marami nang natutunan si Jacob. Pero ilan lang ang naituro niya, at ang nalaman ng lalaki ay base na rin sa sarili nitong pag mamanman sa kaganapan sa loob ng kumpanyang ayaw nitong ariing kanya. Ni ayaw isiping magiging kanila ni Elena pagdating ng takdang panahon. Wala si Jacob ng araw na iyon. Hindi ito pumasok dahil nalambingan ni Elena. Ayo
Isang malakas na sampal ang iginawad niya sa mukha ni Jacob na tingin niya ay isang pangahas na lalaki."Kung may natitira nga akong pag-ibig sa iyo, dapat siguro ay malaman mong hindi ko gagamitin iyon upang gumawa ng isang kamalian. Maliwanag 'yon Jacob, kaya kung ako ikaw, yakapin mo na lamang ang kasalukuyan at huwag nang lumingon pa sa ating nasimulan," pigil ni Jacob ang pag-iyak."Mabisang gamot ang iyong asawa upang magamot ang sugat diyan sa dibdib mo kung meron nga... hindi ako ang gamot sa iniinda mong sugat bunga na rin ng ginawa mong kataksilan. Hinding- hindi ako papatol sa may-asawa," dagdag na paliwanag niya."Sige, aalis na ako," malungkot itong tumayo upang umalis na.Kahit paano ay nakaramdam ng konsensya si Erica sa dating karelasyon."Jacob..." tawag niya. "Huwag mo na akong gambalain pa," aniya.Matapos madinig iyon ay umalis na nang tuluyan ang lalaki. Kung lumingon lang sana ito, nakita sana nito na sabay
Alas-otso ng gabi nang dumating sila sa napagkasunduang lugar.Pinaubaya ni Gohan ang pag-order sa dalawang babae, "Kailan ang balik mo sa Amerika?" Ungkat na tanong ni Erica sa binata."Noong dumating ako dito at ma-meet si Teresa, sabi ko sa sarili ko'y bahala na, hindi tiyak... pero nang makita kita, parang ibig kong tiyakin ang pag-alis ko," Kumunot ang noo ng dalaga, "And what do you mean by that?" Mga sinag ng mga mata ni Gohan ang tumugon sa naging tanong ni Erica. Hindi manhid si Erica upang hindi malaman na may kakaibang ibig ang titig na iyon sa kanya ng katabi.Ngumiti si Erica Ipinasya niyang putulin ang kapormalang pumagitna sa kanilang pag-uusap, "Palabiro ka pala," nasabi nito.Napangiti na rin si Gohan. "Pilipina ka nga, hindi basta-basta naniniwala sa sinasabi ng isang lalaki. Na ano mang marinig mula sa bibig ng lalaki ay iisiping biro lang ang lahat," sumabad na sa usapan si Lori. "Bakit, doon ba sa Amerika, kapag sina
Nang partikular na araw na iyon ay nasa isang medical hospital ang mag-asawang Elena at Jacob."You heard me right... impossibly kayong magkaroon ng kahit isang anak," anang manggagamot habang pailing-iling. "Isa sa inyo ang may depekto."Hindi pa alam ng mag-asawa kung sino ba sa kanila ang may problema. Parehong kumakabog ang kanilang mga dibdib."S-Sino ho sa amin ang may diperensya?" Tanong ni Jacob.Mula sa pagkakatingin kay Jacob ay diretsong tumingin ang doktor sa nabahalang si Elena."A-Ako ho ba?" Ang nababahalang tanong ng babae.Tumango-tango ang doktor, "Inverted uterus, misis.""My God, no!" Nanginginig na wika ni Elena. Kulang na nga lang ay mapaiyak ito dahil sa nalaman. Na 'yun palang ganda nito ay kulang pala ito sa kabuuan. At hindi pala ito magiging ina kahit kailan."I-It's okay sweetheart, talagang ganun, eh," alo ni Jacob sa asawa. Pagkuwa'y binalingan nito ang doktor. "Paano ho, 'di salama
Nabuhayan ng loob si Elena ng gabing iyon. Animo'y isang musika sa pandinig nito ang narinig mula sa ina."Kung si Erica nga ang nasa isip mo, not bad. Alam nating isa siyang mabuting babae. Hindi tututol sa kanya si Kyver... ang tanong, pumayag naman kaya siya?" Tanong ni Elena sa ina. "Noong una, inisip kong imposible... pero kanina nang magkausap kami, naisip kong baka pumayag siya," tugon ni Teresa sa anak."Bakit mo nasabi, Mommy?" Nagtatakang tanong ni Elena."Dahil hindi na pala siya ang inaakala ko sa kanya," napamaang si Elena, "You mean..." aniya."Oo iha," agap na wika ng ina nito, "Hindi na siya buo tulad ng akala ko," dagdag na paliwanag niya."K-Kung sakali, magkano naman ang i-o-offer mo sa kanyang halaga?" Tanong ni Teresa sa anak. "Siya...name her price," saad ni Elena."Naku, tiyak na matutuwa nito si Kyver," nakangiting sambit ni Elena. "Nasaan na nga pala ang asawa mo?" Tanong ni
Lakas ng loob ang kinakailangan ng mag-inang Elena at Teresa nang kausapin nila si Erica kinahapunang iyon. Kanina pa sanang umaga kung si Elena ang nasunod, pero sa kagustuhan ni Teresa kung kaya't after office hours na nila kinausap ng masinsinan si Erica.Kahit iyon na nga ang parang inaasahan ay nabigla pa rin kahit paano si Erica. Naisip niyang ganoon rin pala kababa ang pagtingin ng mga ito sa kanyang pagkatao. Pero bigyang katwiran na rin niya ang mga ito. Isa pa'y may sangkap ng pagsusumamo ang ginawang pakiusap sa kanya ng dalawa."Bakit naman ako pa?" Naitanong niya sa mag- ina."Dahil alam naming isa kang mabuting puno... at ang isang mabuting puno, tiyak na magiging mabuti ang bunga," paliwanag ng mag-ina."I-Isang tanong lang, Teresa... ako rin ba ang pakikiusapan n'yo kahit hindi mo nalaman na wala na pala akong buong iniingatan?" Tanong ni Erica.Alam ni Madam Concepcion na may gustong tiyakin sa isip nito si Erica. Hindi n
2 years ago Ang kompanyang Concepcion ay aligaga at maligalig dahil sa isang pangyayari makaraan ang isang taon, matapos kumalat ang balitang gumulat sa lahat. Hindi na nakatakas sa tenga ng nakararami ang insidenteng naganap sa pagitan ng bagong manager ng kompanya na si Erica. At ang kaisa-isahang anak ng Concepcion na si Elena. Marami ang nagalit at sinumpa si Erica ng malaman nila ang nangyari ngunit, marami din ang gustong malaman ang totoong pangyayari sa pagitan ng tatlo, ang tanging alam lamang nila ay naging baby maker ng mag-asawa ito at sa pagkalat ng insidente, ang pinaniwalaan lamang nila ang posibleng tanging gawin ng isang malanding babae na tulad ni Erica, at 'yon ay ang pag-akit sa lalaki upang siya nalamang ang mahalin nito, sa pag kakaalam ng karamihan wala pa itong nakakasalamuhang lalaki dahil ilag ito sa mga manliligaw at magbabalak manligaw. Kaya ganon nalamang ang naisip nilang naging uhaw ito sa lalaki.Marahil sa iba a
Malinaw ang lahat. Natukoy na ni Elena ang dalawang magnanakaw. Si Kyver at si Erica.Pero ano naman kung nahuli na nga nito ang hindi inaasahang mga magnanakaw, kung siya naman itong waring ngayon ang nakakulong sa rehas ng 'di na matakasang pagdurusa?"Ako ang iyong kasalukuyan, Kyver. Mas dapat mo akong bigyang pansin kaysa sa iyong nakaraan," naninikip ang dibdib ni Elena nang sabihin iyon sa asawa ng hapong iyon."Tama ka," malumanay na sabi ni Kyver. "Pero kunin mo na ang lahat sa akin, huwag lang ang puso ko... dahil titiyakin ko sa iyong masasayang lang ang lahat ng pagtatangkang gagawin mo," dagdag na sambit niya."Please... asawa mo na ako, Kyver. Tayo na ngayon," nagmamakaawang saad ni Elena."Hindi ko iyan itinatanggi. Pero sana naman, kahit paano ay maunawaan mo pa rin naman ang kalagayan ko... dahil sadyang mahirap limutin ang tulad ni Erica na ang mga naiwan sa aking alaala ay baon ko na yata hanggang sa kahuli-hulihang hib
Kung gusto ni Jacob na mapag-isa, ganun din ang gusto ni Elena. Saan-saan lang talaga nagpunta si Elena. Hanggang maisipan nitong pasyalan ang kaibigan ni Erica na si Lori."Surprise?" Anito sa nabiglang si Lori. "Kayo pala Ma'am, tuloy," tarantang sabi nito. Sa salas sila nagkaharap. "Napasyal kayo, Ma'am?" Anito na may pagtatanong."Walang magawa, eh... walang makausap," boring na usal ni Elena habang nakangiti."Teka, Ma'am, maiwan na muna kita sandali. At may kukunin lang ako na pizza pie sa may kanto. Kukunin ko na at 'yon ang pagsaluhan natin habang nag tsi-tsikahan tayo," masayang ani nito."Go ahead, take your time," ngiting sambit ni Elena.Nang makaalis si Lori ay naisipan ni Elena na buklatin ang isa sa dalawang album na nasa ilalim ng mesa na nasa harapan.Payapa nitong inisa-isa ang bawat pahina ng album. Sa isang dahon ng album ay nakita nito ang malaking larawan ni Kyver. Bigla siyang kinabahan. Bakit may
Ang sinabi sa kanila ng kaharap nilang manggagamot ang waring sumagot sa kanilang pag-aasam. Hindi pala ordinaryong pangangasim lang ang nararamdaman ni Erica nitong mga huling araw. May dahilan pala. Buntis siya, kinumpirma ng doktor na ngayon ay kaharap nila ni Jacob."Congratulations, Mr. Amelio," nakangiting sabi ng doktor."Salamat ho," tipid nitong sabi.Mula sa klinikang pinagmulan diretso ng umuwi sa resthouse ang dalawa. Pader ng katahimikan ang kaagad ay pumagitna sa kanila, "Kailangang malaman ito ng mag-ina.""Puwedeng huwag muna?" May pagtutol na sabi ni Jacob. Matagal na minasdan ni Erica si Jacob. Nakatungo ang mukha ng lalaki. "Ngayon ay alam na natin na may bunga na ang ginawa nating pagtatabi... ibig sabihin, wala nang dahilan upang patuloy pa tayong magtabi," paliwanag ni Erica."H-Hindi pa naman nila alam, eh," ani Jacob. "Dadayain natin sila? Si Elena?" Mapait niyang tanong."Nag
Nang makaharap nito ang babae ay agad hinawakan sa magkabilang balikat at saka masinop na hinagod ng tingin ang kabuuang mukha nito, "My God, ikaw nga!"Mamata-mata si Erica. Wala siyang ideya kung sino ang babae. Nasumpungan na lamang niyang inihaharap na pala sa kanya ng lalaki ang babae."S-Siya ang pinag-uusapan natin kani-kanina," anang lalaki kay Erica."Really?" Aniyang di basta makapaniwala. "Kumusta ka na?" Dagling tanong ng lalaki sa babae."I'm fine... one week pa lang akong nakababalik dito sa Pilipinas. Ikaw agad ang hinanap ko, pero walang makapagsabi kung nasaan ka," paliwanag ng babae."Nandito ako... nagbabakasakali malimot ka, pero hanggang ngayon ay bigo ako," madamdaming saad ng lalaki."Dalaga pa rin ako Kai. Dalaga mula ulo hanggang paa," saad ng babae."D-Dahil ba ako pa rin ang nasa puso mo?" Tanong ng lalaki.Tumango-tango ang naiiyak na babae.Iyon lang at niyapos na ito ng yakap ng lalaki. Talagang sabay pa ang mga ito.Pakiwari naman ni Erica ay isang live
Wala si Erica sa tabi ni Jacob nang ito ay magising nang umagang iyon. Bumangon ito na matapos bahagyang ayusan ang sarili ay lumabas ng silid. Di nito nakita sa alinmang bahagi ng resthouse si Erica.Lumabas si Jacob ng resthouse, wala rin sa hardin si Erica. Noon ito parang biglang kinabahan. Muli ay pumasok ito sa loob, dagling nagsuot ng jogging pants. Naalala nito ang sabi ni Erica na ibig nitong mag-jogging sa isang park na malapit lang naman doon.Nasa isang parke nga si Erica. Kanina pa siya sa kanyang ginagawang pagtakbo. Gising na gising na ang dugo niya. Ni hindi niya alintana ang maraming lalaking nakatingin sa kanya, talagang tumawag ng pansin ang kakaibang hubog ng kanyang katawan na, na pinatingkad ng suot niyang hapit na sando at ng maigsing short pants.Nagulat pa siya nang sabayan siya sa pagtakbo ng isang lalaki."Hi," anito sa kanya."Hi," ganting bati niya."Mukhang di ka marunong mapagod, a? Kanina pa kita nakikitang tumatakbo," hindi siya tumugon, ngumiti lamang
Isang araw na naman ang nalagas sa tangkay ng panahon. Ngayon nga ay buong-buo na talaga ang nasa isip ni Erica. Ang ikilos ang sarili sa kung sino man siya, hindi ang ganito na panandalian lang ang pinapalasap sa kanyang kaligayahan na sana ay kanyang madadama kailanman niya gustuhin, kung sakaling sila ang magkatuluyan.Babaeng wala ng hahanapin pa. Iyon ang tingin ni Jacob kay Erica. Ano pa nga ba ang hahanapin nito sa babaeng mula umaga hanggang gabi ay ginagawa ang mga bagay na ikasisiya niya, "Natutuwa akong makita kang ganyan...hindi tulad ng dati na para kang laging iwas na iwas sa akin," may kasiyahang nasabi ni Jacob sa kasalukuyang naglalaba na si Erica. Para talagang ibig nang tapusin ni Erica ang dating pagsinta ng binata."Ang yaman-yaman n'yo ng asawa mo, tapos, underwear lang hindi ka makabili," at saka nito ipinakita kay Jacob ang underwear nito na kaniya ng kinukusot.Noon lang iyon napuna ng lalaki, "B-Bago pa naman 'yan, e. Isa pa ala naman makakaalam na ganyan na
Namagitan sa kanila ang nakabibinging katahimikan."S-Siguro naman ay kuntento ka na sa buhay mo ngayon?" Tanong niya kay Jacob."Kung inaakala mong nasisiyahan ako dahil tulad ni Elena ang naging asawa ko, nagkakamali ka," ani Jacob."Ibig mong paniwalaan ko ang sinabi mong 'yan?" Taimtim na saad niya."Sana," sambit ni Jacob.Tumigil sa pagtatanong si Erica. Kumutsara siya ng kanin at ulam. hinati-hati ang isusubo sa kutsarang gamit."M-Minsan... ganyan ang isinubo mo sa akin don sa treehouse ng doon tayo mag-agahan," pagbabalik tanaw ni Jacob.Hindi naituloy ni Erica ang sana'y gagawing pagsubo."Baka naman pwedeng maulit ang minsang 'yon... kahit minsan lang," si Jacob uli. Napalunok si Erica. Parang may nag-uutos sa kanyang ilapit ang hawak na kutsara kay Jacob. "S-Sige... ulitin natin ang minsan," aniya.Ibinuka ni Jacob ang bibig at tinanggap ang laman ng kutsarang hawak ni Erica.Ginawa
Baguio City. Dito ipinasya ni Jacob na dalhin ang dating karelasyon. May resthouse ang mga Concepcion dito na kanila ngayong kinaroroonan. Nasa mataas itong lugar. Likas na likas ang kagandahan ng kapaligiran. Angkop sa gagawin nilang dalawa na tinawag nilang relasyong panandalian at maling panahon.Hindi sila nag usap habang nasa daan patungo dito. Nagkunwaring natutulog si Erica kanina. Hindi naman hinangad ni Jacob na kausapin agad siya ni Erica, naririnig sila ni Mang Ador na siyang nagmamaneho ng L300 van na kanilang ginamit papunta don."Huwag kang mag-atubili," wika ni Erica kay Jacob. "Ano mang oras, kahit saan... basta ginusto mo, nakahanda ako... isipin mong bayad na ang aking pagkatao," ani Erica."Ginawa mo ba ito dahil lang sa pera?" Tanong ni Jacob. "Oo, at huwag ka ng mag-isip ng iba," paliwanag ni Erica."Ginawa mo ito dahil ano? Dahil ba nalaman mong may natitira ka pa ring pag-ibig sa akin?" Tanong ni Jacob."Sabihin na nating ginawa ko ito, para naman kahit paano a