DAHIL MEDYO OP na si Evie ay tumutok na lamang ito sa phone niya at nagsimulang maglaro ng scrabble.
Ilang sandali pa ay dumating naman na ang starters nila at nagsimula na silang kumain ngunit ang usapin ng dalawang lalaki ay hindi pa rin natigil.
Kung anu-ano na kaagad ang napagusapan nila at ngayon ay tungkol sa kotse naman.
Pareho silang naging kolektor ng mga kotse at alam ni Evie na paniguradong mas doon sila magkakasundo dahil si Silver ay may koleksyon ng vintage at latest cars, habang si Benjamin naman ay ang mga limited edition cars.
Hindi siya interesado sa mga ito kaya nabuburyo na siya. Tinutuon na lamang niya ang pansin sa pagkain niya.
"Are you sure you're gonna eat that shrimp?" saad bigla ni Silver out of nowhere.
Napansin siya ni Benjamin kaya nilingon siya dahil akala nito ay siya ang kinakausap ngunit napansin niyang nakatingin ito kay Evie kaya tinabunan niya rin ng tingin ang sekretarya.
"That might not be fresh." tila pagsuway pa nito.
Shrimp? Teka? Ako ba ang --
Napahinto si Evie sa pagsubo sana ng salad na nasa tinidor na niya ng mapagtanto ang sinabi ni Silver. She's eating shrimp!
"Are they really serving not freshly food?" tila nabigla rin si Evie sa may pagkasarkastikong pagsagot niya kaya napaismid naman siya. "Ahm.. Konti lang naman."
"Oh that! Di ba allergic ka nga pala sa seafoods?" sabat naman na ni Benjamin.
So, he also knew?
Sa isip naman din ni Silver ng magsalita si Benjamin.
"Just a bite. I'll take my meds na lang later."
Nagpatuloy silang kumain at tila masama ang awra ni Silver. Nakaw na sulyap naman kung tingnan siya ni Evie at napansin ito sa kanya. Marahil dahil sa pagiging pasaway niya patungkol sa pagsuway nito sa pagkain ng seafood. Mabuti naman din at sinunod siya ni Silver sa pagalis ng nuts sa pagkain nito dahil doon naman siya allergic.
Nagpatuloy ang informal dinner hanggang sa main course, tila doon naman na nabigyang pansin si Evie dahil nagsimula na sila mag-criticise ng wines.
Dahan-dahan pinaikot ni Benjamin ang wine sa loob ng wine glass niya saka inamoy at tuluyang nag-sip. "Good fully and oaky blend. It complements in my meal." komento naman din niya. "Your choice is right. I should get a bottle of this." pagtuon pa niya kay Evie.
Napangiti naman din si Evie sa boss. "Well then."
"How's yours?"
"Hmm not a really fan of wines, you know. I just kinda knew them." sagot naman ni Evie rito. Totoong hindi ito mahilig sa wines ngunit napagaralan niya ang basic nito noon sa training niya sa dating trabaho.
Napatuon naman si Benjamin kay Silver na tila mas sumeryoso ngayon.
"How's your choice of wine, Silver?"
Saktong kakatapos lang din naman ni Silver sa paginom ng wine niya.
"Hmm.. It's good. This is also good. I like the full-bodied wines too."
"Well then."
At kumain na muli sila ng dinner nila.
"Excuse me." pagpapaalam naman ni Evie na hindi siya binigyang pansin.
Nang makatayo ay dali-dali siyang nagtungo ng restroom at sa sink muli napatukod ng dalawang kamay niya. May iilang taong naroon ngunit wala siyang pakialam.
Huminga siya ng malalim at saka ibinuga ito ng malakas. Tila simula ng makarating sila sa restaurant ay ngayon lang siya nakahinga ng maayos. Kanina pa kasi siya pigil na pigil mula sa paghinga, kilos at pananalita. Hindi siya komportable at higit sa lahat ay hindi nawawala ang kaba sa sistema niya nang dahil lang sa ka-dinner nila ng boss niya si Silver.
Napatingin siya sa sarili sa salamin. Tila naghahabol pa rin siya ng hininga at sinusulit ito.
Napapaisip na siya ng paraan kung papaanong hindi na bumalik sa mesang parang isinumpa. Kung alam lang niyang ganito pala ang kahahantungan, sana talaga nagdahilan na lang din siya sa boss niya para hindi makasama.
Napapasapo niya ang noo niya at kanina pa palakad-lakad sa harap ng salamin. Napapatingin na ang lahat ng papasok at lalabas sa restroom dahil hindi siya mapakali.
"Nagka-emergency sa bahay? Ay! Mag-isa nga lang pala ako. -- Mas hindi pwedeng work related. Hmm?" napapabulong na lang siya sa sarili niya.
"Ano naman kayang pwedeng --"
Maya-maya ay napahinto siya bigla sa paglalakad at natapat sa dulong cubicle. Umasim ang reaskyon niya ng tila may naamoy na kakaiba. Napatingin siya sa natapatang cubicle at nagiisang nakasara sa dalawang naroon pa.
Nag-gesture siya ng kamay na tumakip ng ilong niya at pumagpag pa dahil sa hindi kaaya-ayang amoy. Nagmadali siyang naglakad papalabas na sana ng restroom ng may bigla siyang napagtanto kaya napahinto siya sa may entrance.
ILANG minuto na ang lumipas ngunit hindi pa nakakabalik si Evie sa mesa nila. Matatapos na ang pagkain nila Silver at Benjamin ngunit wala pa rin ito. Ni hindi pa rin tapos ni Evie ang kinakain.
Sakto namang may biglang nag-text kay Benjamin at kaagad niyang idinukot ang phone mula sa suot na coat.
Napagsalubong siya ng kilay ng makita ang text ni Evie sa kanya, bahagya ring nabahala siya. Napansin naman yun ni Silver.
"Is there something wrong?" pagusisa na ni Silver dahil halata kay Benjamin ang pagaalala bigla.
"Ahm, excuse me." pagpapaalam niya rito at kaagad na tumayo.
Nagtungo si Benjamin ng restroom, women restroom at maingat niyang sinubukang sumilip doon. Nang akmang papasok siya ay may biglang lumabas na babae kaya mabilis siyang lumihis na lang at nagpatay malisya.
Nang masigurong wala ng tao sa paligid o lalabas pa ay pasimple siyang dumungaw na roon.
"Evz? Evie? Are you there?!" bahagyang sigaa nito ngunit walang sumasagot.
Kaagad naman siyang nanakbo palabas ng restaurant at pinuntahan ang parking area kung saan sila ni Evie magkatabing nag-park kanina.
Naabutan niyang bakante na ang lugar kung saan katabi ng kotse niya. Wala na ang kotse ni Evie.
Sinubukan niyang tawagan kaagad ito ngunit hindi sumasagot kaya tinext na lamang niya. Bakas pa rin dito ang labis na pagaalala.
Blankong bumalik na lamang si Benjamin sa table nila ni Silver at tila nababakas sa kasama ang pagaalala rin sa nangyayari.
"Is everything -- alright?"
Napaupo muna si Benjamin at saka napabuntong hininga.
"Sorry for that. Evie had an emergency and needs to come home immediately."
"Oh?" nabigla si Silver dahil hindi niya inaasahan ang bagay na iyon. "A -- anong emergency naman?" pagbabakasakali pa ni Silver ngunit hindi siya nagpapahalata na curious talaga siya rito.
"Ahm, I don't know. Maybe family matters."
Napuno man ng lungkot at panghihinayang ay napatungo na lamang din si Silver bilang tugon rito.
Naging malamig na ang usapan nila na tila magmamadali na lamang silang matapos iyon.
"I'll see you again on our contract signing, Silver."
"See you!"
At kaagad na sumakay sila sa kani-kanilang sasakyan pauwi.
Namuo naman kay Silver ang pagtataka at panghihinayang sa nangyari. Hindi niya akalain na mangyayari ito. Hindi niya malaman kung sinadya lamang ba ni Evie ito upang makaiwas o totoong may nangyaring masama sa kanya?
Labis siyang nakakadama ng pagkalito ngunit pagaalala pa rin at inis.
SAMANTALANG si Evie ay matagumpay na naisagawa ang plano niyang pagtakas sa dinner na yun.
Nakaisip siya ng gasgas ng rason ngunit gumana pa rin.
Tinext niya si Benjamin na sumama ang tiyan niya at kailangan na niyang umuwi.
Nagalala si Benjamin sa kanya kaya dali itong pinuntahan siya sa restroom baka sakaling maabutan pa siya nito ngunit wala na siya roon.
Tinext na lang din siya nito na dumiretso na sa ospital kung hindi na niya kaya dahil hindi na niya sinagot ang tawag nito dahil nagmamaneho siyang pauwi.
Pinagtakpan na lamang din ni Benjamin si Evie dahil hindi niya gustong mapahiya ito sa harap ng client/future investor nila.
At dahil saktong Sunday kinabukasan, kampante ang pakiramdam ni Evie na hindi siya guguluhin ng boss niya at wala ring work related kay Silver na labis pa niyang pinagaalala. Benjamin respects her privacy and personal life, that includes her dayoffs and leaves.
Tanging Sunday lang ang off sa trabaho nila. Ngunit sa buong duration ng pagtatrabaho niya sa kompanya ay hindi pa siya nakakapag-file ng vacation at emergency leave niya. Masyado niya ring sinubsob talaga ang sarili sa trabaho.
Nang makauwi siya ng apartment niya ay kaagad siyang naghanap ng mga makakain sa ref at cabinet ngunit wala siyang maibigan sa mga iyon kaya nagpa-deliver na lang din siya.
Habang nagiintay ng pina-deliver na pagkain ay nag-shower na rin naman na siya.
Saktong matapos siya maligo ay dumating na rin ang mga pina-deliver niya. Nilabas niya ang bote ng madalas niya lang inumin na soju. Inilatag niya ang iba't ibang pagkain gaya ng pizza, fries, nuggets at soda na galing deliver, at mga chips at chocolates niya mula sa groceries niya.
Habang nakasuot na siya ng pantulog niyang ternong shorts at spaghetti sando, binuksan niya ang tv at nilagay sa Netflix. Nakapamewang pa siya habang namimili ng pelikulang panonoorin. At nang makapili na ay sinimulan na niya ito sabay kuha ng comforter niya at pumuwestong upo sa sofa.
Tutok na tutok lang siyang nanonood habang kumakain ng mga pagkain sa harapan niya. Ganito ang the usual quick stress reliever niya kapag tinatamad siyang gumala buong araw at gabi siyang magbababad sa tv na hindi man lang lalabas hanggang sa kailangan ng pumasok sa work.
Tanghali na nagising si Evie, nakasubsob pa ang mukha niya sa sofa at hindi pa makabangon. Medyo makalat sa coffee table niya dahil sa mga pinagkainan. Nakabalot pa siya ng comforter niya at kalahating dilat lamang ang mga mata niya na nasisilaw sa liwanag ng kapaligaran.
Napatingin siya sa pader kung saan may wall clock.
"Tanghali na pala? Kaya pala gutom na ko eh."
Kahit tamad na tamad man dahil na rin sa nakainom siya kagabi, nagsimula na siyang magligpit ng mga kalat niya sa salas niya.
Nang matapos ay dumiretso na siya sa kitchen niya at naghanap ng maaaring iluto.
Kaagad niyang nakita ang karne ng baka sa freezer at kinuha iyon. Habang pinapatunaw niya ay naghanda na rin siya ng ibang lahok at sangkap sa lulutuing putahe, nagsaing na rin siya. Nang okay na lutuin ang pinatunawan niyang karne ay kaagad na siyang nagsimula sa pagluluto.
Napapalanghap pa muna siya sa bango ng ginigisa niya kaya lalo siya nakaramdam ng gutom. Bihira na siya magluto sa bahay dahil gabi naman na siya palagi nakakauwi. Madalas pang nagti-take out na lang siya o di kaya ay may dinner out sila ng boss kagaya kagabi.
Biglang pumasok rin sa isip niya ang ginawa niya kagabi, sana ay hindi nagtampo o nagalala ang boss niya. Pero paniguradong si Silver ay nagtaka at nabigla sa nangyari.
"Hhm? Eh anong paki ko sa iisipin niya di ba? Eh malala pa nga siya mag-excuse at alibi noon! Hmp!" inis niyang sambit habang madiin ng ginigisa ang niluluto.
Nang matapos ang kanyang beef salpicao at kaagad na siyang kumain mag-isa.
Napatigil naman siya sa pagkain habang nginunguya ang nasa bibig nang sumagi ulit ito sa isip niya.
"Bahala siyang magtaka! Basta ayokong masyadong nalalapit sa kanya! Masyadong nakakainis! -- di ba?!" sambit pa nito habang puno ang bibig ng kinakain sabay paling niya sa asong tila nakaabang sa kanya.
"Arf!"
At dahil Sunday ngayon, nagsimula na rin si Evie gawin ang madalas din niyang Sunday routine, ang maglinis ng bahay, maglaba at magpaligo ng aso niya.
Gusto niya ang ginagawang ito para sa sarili, sa panandalian ay nakakalimutan niya ang stress sa trabaho. Lalo na sa pagkakataong ito. Halos pagsabay-sabayin niya ang pagkilos niya ngunit ni hindi man lang nakakaramdam ng pagod.
"Ahh! Ano ba Steve! Wag kang magpagpag sa akin! Ahh!" nakukulitan ngunit natutuwa naman niyang pagsaway sa asong pinapaliguan niya sa banyo niya rin mismo. Halos maligo na rin siya kasi nababasa siya nito kaya nang matapos itong mapaliguan ay siya naman ang naligo.
Tuwing Sunday na lang din siya nakakapagligong nakakapagbabad. May portable bath tub siya na mahalintulad sa ginagamit sa sauna bath. Gawa sa kahoy ito at mas masarap magbabad doon kapag mainit-init ang tubig.
Nagapahiga siya sa wooden tub niya na nakapatong ang magkabilang kamay sa gilid. Napapikit siya at tila gustong maidlip sa pagka-relax. Kung pwede lang araw-araw niya itong magawa.
Ano kayang palagay na niya sa akin sa ngayon?
Biglang pumasok iyon sa isip ni Evie na tila may bumulong sa kanya kaya marahan siyang napadilat. Napaayos siya ng upo at ngayon ay yakap-yakap na niya ang mga tuhod niya.
Wala na ba talaga siyang feelings para sa akin?
Eh halos iwan ka na nga niya noon at pinabayaan di ba?!
Talaga bang hindi niya ako minahal ng totoo kahit pa naging kami lang vitually?
Tila nakikipagtalo siya sa sariling isip. Bumakas na naman sa kanya ang lungkot sa mga katanungan at sagot niya para sa sarili. Hindi na naman niya mapigilan ang paghalam ng mga luha sa mga mata.
Pero ang sakit-sakit pa rin! Masakit malaman na iniwan at pinabayaan na lang niya akong mawala noon. Na parang hindi naman niya talaga ako pinapahalagahan kasi hindi naman kami totoong nagkakasama. Na buong akala ko totoo ang mga plano namin sa isa't isa. Na totoong gusto niyang mangyari sa amin yun. Pero hindi pala! Ako lang yung umasa! Umasa sa wala!
At tuluyan ng bumagsak ang mga luha mula sa mga mata niya. Kaagad niyang pinupunasan ito gamit ang mga kamay ngunit tila hindi ito tumitigil.
Napayakap na lamang siyang mabuti sa tuhod at napayuko roon. Doon na niya muling ibinuhos ang bigat at sakit ng nadarama pa niya.
Hindi ko siya mapapatawad! Hindi ko kayang mapatawad ang taong nagpadama sa akin kung gaano ako kabalewala, na walang kwenta! Na dapat lang akong iwan dahil walang pakinabang sa kanya! Sarili niya lang talaga ang mahal niya at ang pera niya!
Nanumbalik na naman ang galit sa puso ni Evie na labis rin niyang kinakalungkot. Nagpatuloy muli siya sa pagiyak na parang hindi na pa rin nauubos ito.
Nang matapos siyang maligo ay balak niya sanang lumabas upang makapag-mall saglit at bili na rin ng ibang kakailangin ngunit tila nakaramdam na siya ng pagod.
Nagpa-deliver na lamang muli siya ng pagkain at mukhang sa bahay na nga lang muli siyang magmumukmok. Susulitin na niya ang pagda-drama niya sa araw na ito dahil dapat bukas, wala na ito. Hindi na dapat siya magpaapekto sa nakaraan.
"GOOD morning Miss Evie!"
"Good morning!"
Magiliw naman din niyang bati sa mga nakakasalubong sa hallway sa opisina. Habang dala muli ang kape at almusal nila ng boss niya ay sumakay naman na kaagad siya ng elevator patungo ng 10th floor.
Nang makarating siya roon ay kaagad niyang binuksan ang mga ilaw at lapag ng dala sa mesa niya. Hinawi ang mga ilang kurtina at binuksan na rin ang aircon.
Kinuha niya ang kape at paper bag ng almusal para kay Benjamin at tuluyang pumasok sa opisina nito.
"Oh, my fucking God?!"
"And good morning to you too."
Bigla siyang napahinto at sigaw nang makita ang lalaking nakaupo sa couch ng opisina ng boss. Naka-de kwarto pa ito at tila relax na relax lang.
"Wha -- what the hell are you doing here?!"
"Is that how you really greet your clients?"
Naghahabol man ng hininga ay pinilit ni Evie na matauhan. Napaismid siya at tumayo ng tuwid. Nagseryoso na rin siya ng reaskyon niya.
"I'm sorry. I was really surprised that -- that there's someone inside director's office. As you see, he wasn't here yet." pormal naman niyang saad pa at naglakad na muli patungong table ng boss upang ilagay ang almusal nito.
"I know, I've called him. He told me to wait him up here."
"Why it has to be this so early?" tila asiwa pa nitong tanong.
"I have a site inspection somewhere in the province. Benjamin told me that the contract is about to be furnished today, so uunahin ko na lang muna sana."
"Oh wow? Sana all lagi inuuna." pasimpleng bulong naman ni Evie sa sarili na sapat lamang para siya ang makarinig.
Napaharap naman na siya kay Silver ngunit malayo sila sa isa't isa.
"But it wasn't been returned by attorney Davion? I'll follow him up."
Tila nagmamadali nitong paglalakad patungong pinto.
"Hindi mo man lang ba ako aalukin ng kape?" saad bi Silver bago pa man makalabas siya ng silid.
Walang reaksyon namang napalingon si Evie sa binata.
"Coffee?"
Napangiti naman ng bahagya si Silver. "Sure."
At tuluyan ng lumabas si Evie ng opisina ng boss.
Dali-dali siyang nagtungo sa elevator at tila doon nakahinga ng maluwag. Napasapo niya ang dibdib niya dahil magkakahalong gulat, kaba at takot ang nadarama niya. Parang gusto na niyang umuwi na lang.
"Susko! Akala ko humiwalay ang kaluluwa ko! Pashneang yun!" bulong niya sa sarili habang lulan ng elevator.
Nang makarating siyang kitchenette ay tila hindi pa rin siya makapaniwala na naroon kaagad si Silver!
Alam niyang mai-encounter niya pa rin ito sa mga darating na araw ngunit hindi niya inaasahang ganito kaaga at kabilis naman yata ang araw ng pagkikita nilang muli.
Kahit pa hindi nawawala ang kaba niya ay sinisikap niyang hindi ito ipahalata. Nanginginig man ang kamay niya dahil magalaw ang cup at saucer na hawak niya habang naglalakad patungo sa opisina ni Benjamin dahil alam niyang naroon ang lalaking hinding-hindi niya inaasahan na makita ng ganito rin kaagad.
Napahinto siya sa tapat ng pinto at napahinga ng malalim muna. Saka itinulak ito at dahan-dahan pumasok. Hinanap kaagad ng paningin niya ito at nakitang tila may kausap sa phone kaya bahagya siyang napanatag.
Lumapit siya roon at inilapag ang kapeng tinimpla niya. Kaagad rin siyang tumalikod upang makalabas na ng silid.
"Yes, Mr. Des Puvillos. I'll see you on the site. Regards to your wife. Bye."
Des Puvillos? Di ba yun yung asawa na ng crush ni Benjamin dati? May koneksyon rin pala siya dun?
Tinungo niya ang mesa ni Benjamin at inayos yun, napansin din ni Silver ang ginagawa niya kaya hindi siya nito inistorbo. Minamasdan niya ang ginagawa nito habang iniinom ang kapeng tinimpla nito para sa kanya.
Sa unang higop palang niya ay tila nabigla siya sa lasa. Hindi gaano matamis at lasang-lasa ang tapang ng kape. Ganitong-ganito ang timpla ang gusto niya sa kape.
Napalingon siya kay Evie at abala pa rin sa pagaayos ng gamit ng boss nito.
She still knew.
"Nakakainggit naman si Benjamin."
Halos mapabalikwas si Evie ng marinig ang nagsalita sa likuran niya kaya napalingon kaagad siya roon. Nakatayo na pala sa bandang likuran niya si Silver.
Kaagad naman din nagbaba ng tingin si Evie at tumalikod sa binata.
"Bakit si Matt hindi man lang magawang punasan ang table ko? Tapos ni hindi ako mabilihan ng kape unless utusan ko."
"Si Matt yun, hindi ako." walang buhay naman din niyang sagot habang nagsasalansan ng papel sa table.
Naramdaman niyang naupo si Silver sa kanan niyang upuan, sa harap ng table ni Silver.
"How long you've been working here?"
"Does it still cover your business here?" tila mas sumeryoso ang tono ni Evie. Hindi pa rin niya malingon si Silver.
Naiilang man, pilit pa rin ni Silver na makausap ito.
"Just asking, hindi mo kailangang magsungit." pagpapakalma naman nito.
Napalingon na si Evie sa gawing kanan niya. Bakas sa reaksyon niya ang pagseseryoso na niya.
"Hindi ako masungit. Normal lang toh." at saka niya ito tinabunan ng irap bago umalis na.
Ngunit biglang hinawakan ni Silver ang braso niya dahilan para matigilan siya sa paglalakad. Kasabay nun ang biglang lakas na kabog sa dibdib niya at kilabot na dumaloy sa buong katawan niya. Ramdam rin niya ang lamig ng kamay ni Silver na humawak sa kanya.
Dahan-dahan napatingala si Evie kay Silver na ngayo'y nakatayo na dahil hinabol siya nito. Malaki ang diperensya sa height nila dahil halos hanggang balikat lang siya nito kahit pa naka-heels na siya.
"Ang -- ang laki ng pinayat mo. Hirap ka ba sa trabaho mo rito?"
"Hindi ako pinapahirapan ni Benjamin." sabay hawi niya sa braso niya ngunit hindi bumitaw sa kanya si Silver at mas lalo pang humigpit ang hawak sa kanya. "Bitawan mo nga ako!"
"I just -- wanted to talk to you." bakas naman sa mukha ni Silver ang pagsusumamo.
"Wala tayong dapat ng pagusapan!" hinawi naman na niya ng isang kamay niya ang kamay ni Silver kaya napabitaw na ito ngunit mabilis ulit napahawak ito sa kamay niyang pinanghawi.
"I know you were avoiding me since you saw me. Pero hindi mo naman ako kailangang iwasan pa."
"At bakit hindi? Bakit ko naman gugustuhing mapalapit pa sayo? Kung hindi lang dahil sa trabaho, wala tayong dapat na maging koneksyon." halos ipaggiitan ni Evie ang bawat salitang binitawan.
Ramdam na niya ang pangingilid ng luha sa mga mata niya ngunit sinisikap niyang walang kumawala sa mga ito.
"Ang tagal kitang hinanap."
"Pwede ba, Silver?! Hanggang ngayon pa rin ba hindi ka pa rin nagbabago?! Napakasinungaling mo pa rin!" singhal naman bigla ni Evie rito.
"Hindi ako nagsisinungaling! You've blocked me in all communications we have!"
"At bakit hindi?! You've left me! You've left me behind!"
"I did not abandon you!"
"Liar!"
Parehas silang parang naghahabol ng hininga dahil pareho silang nagpipigil ng emosyon. Labis ang galit at kaba ang nararamdaman ni Evie ngayon sa mga sinasabi ni Silver.
Sinusubukan nilang kumalma para sa isa't isa at gayun naman din ang nangyari.
"I'm sorry."
"Leave me alone." at saka binawi ni Evie ang kamay kay Silver at tuluyan ng lumabas ng opisina ni Benjamin.
NANG MAISARA NIYA ang pinto ay kaagad siyang nanakbo patungong restroom at pumasok sa isang cubicle na naroon. Sinara niya ang cover at saka naupo roon."Bakit kailangan pa niyang sabihin yun eh alam naman naming hindi niya yun talaga gagawin sa akin! Alam kong hindi naman talaga niya ako hinabol man lang! Ahhhh!" sigaw niya at saka bumuhos na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Hindi na niya mapigilang hindi mapangawa at hikbi ng malakas. Magkakahalong emosyon na naman ang nararamdaman niya ngayon.Bakit kailangan pa rin ni Silver magsinungaling sa kanya para lang masabing may ginawa ito para sa kanya? Hindi rin naman nun maiibsan ang mga sakit na dinulot pa rin sa kanya ng binata."Hindi ko siya mapapatawad!"Halos nanggagalaiti niyang saad pa habang pilit na pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya.Makalipas ng ilang minuto ay napakalma na rin niya ang sarili niya. Pinunasan niyang mabuti ang mata at mukha niya. Baka
ANOTHER TYPICAL DAY in the office. Busy-busyhan na naman sina Evie at Benjamin sa kaliwa't kanan na presentations, meetings at biddings dahil sa mga biglang sunod-sunod na projects na dumarating. At lahat ng iyon recommended by Silver.Hindi akalain ni Benjamin na simula ng maging kliyente niya si Silver ay ipagkakalat na nito sa lahat ng kakilala ang tungkol sa kompanya nila. Mas matagal na ang Yu Solar Panels kaysa sa negosyo ni Silver ngunit mas kilala ang S.A Constructions na. Malaki ang pasalamat ni Benjamin dahil hindi lang business ang koneksyon nila ngayon ni Silver, nagiging malapit na rin silang magkaibigan.Madalas niyang paunlakan ang pagaaya ni Silver sa mga bar o biddings, ngunit si Evie ay todo pa rin makaiwas. Simula ng maging malapit si Benjamin kay Silver, iyon naman ang paglayo niya sa boss.Habang sabay na naglalakad sa parking area sina Benjamin at Evie dahil patungo sila ngayon sa Okada para sa isang dinner out meeting, tila natigilan si Ev
NANG MAKARATING SILA sa project site sa Sual, halos hindi nila mapigilang mamangha. Nakita na ni Evie noon ang ilang bahagi ng lugar. Nai-send sa kanya ni Silver ito noong bagong bili pa lamang niya, labis na siyang namangha noon sa mga videos palang ngunit mas kakaiba ang pakiramdam kapag aktwal mo ng nakikita. Labis siyang namangha sa ganda ng lugar dahil gustong-gusto niya ang nature places.Maganda ang panahon dahil hindi masyadong maaraw kahit pa tanghali na, malakas rin ang ihip ng hangin at rinig na rinig ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan sa baba ng tila burol na parte ng site area. Tila nasa Batanes ang datingan ng lugar ngunit hindi pa ganoon nade-develop."Wow! Ang ganda dito!" komento ni Ingrid na kinabigla nila Evie at Benjamin ng marinig ito kaya natigilan sila at napatingin rito."Nag -- nagtatagalog ka pala, Miss Ingrid?" takang tanong pa ni Benjamin rito."Oo naman po Sir, dito naman po ako sa Pinas lumaki." sabay ngiti pa ni
HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid."Okay na po mga kwarto Sir.""Ah, Salamat manang, pakikuha na lang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap."Sige po Sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo.""Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo.""Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya.Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan.Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata.Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakaiwas sa dalaga.Halos gusto niyang manlambot ng makita niya ang reaksyon nito. Bakas sa mukha ni Evie ang labis na lungkot lalo na sa mga mata
NANG MAHINTO NAMAN na sila sa gitna ng dagat, nagsimula na rin silang ihanda ang kanilang magiging hapunan. Nagtulong naman sina Evie at Ingrid sa paghahanda ng pagkain, habang sina Silver, Khalil at Benjamin naman ay nagkaayaan ng maligo sa dagat."Miss Evie, eto na po yung mga iihawin oh." paglapag pa ni Ingrid sa mga container ng isda, pusit at sugpo."Sige, ako ng bahala.""Mukhang masarap yang pagkakatimpla mo sa barbecue mo ah?" pagamoy pa ni Ingrid sa naka-marinate na barbecue sa mesa."Com'on Ingrid! Let's swim!" biglang sigaw ni Khalil na nasa likuran na pala nila.Walang suot na pang itaas na ito at tanging swimming shorts lang, halatang kakaahon lang nito sa tubig kaya basang-basa pa sabay hawi ng buhok niya palikod. Sabay pang napatulala sina Evie at Ingrid sa ganda ng katawan ni Khalil. Halos sundan ng mga mata nila ang mga gumagapang na tubig mula ulo gang namumutok nitong mga abs.Kaagad naman natauhan si Evie at nangiti ng ma
HABANG NASA MAY jacuzzi pool sina Evie at Ingrid, nasa may dulo naman sina Silver at Khalil na nagiinuman sa may side pool table.Magkatapat ng upo sina Evie at Ingrid, parehong nakahaya ang mga kamay sa magkabila at nakapatingala upang mas makapag-relax sila."Kamusta na kaya si Sir Benjamin noh? Kamusta na kaya ang daddy niya?" pagbasag na ni Ingrid sa katahimikan nila. Napadilat at tingin naman na din si Evie sa kanya saka bumuntong hininga."Hindi pa nga siya nag-a update sa akin eh. Nasa byahe pa yun.""Ang sweet niya noh? All the way sa Korea. Ang bait siguro talaga ni Sir Benjamin.""He is. Napakabait rin ni chairman. Kaya nagaalala rin ako para sa kanya.""Close siguro silang mag-ama."Tumungo-tungo naman si Evie at tiim ng labi niya bilang tugon."Sana all may ganung tatay. Hindi ko kasi alam kung mabait ba o hindi ang papa ko." bakas sa tono naman ni Ingrid ang kaunting lungkot."Bakit naman?""Iniwan ni
PAPALABAS NA NG silid si Silver ng makalikom ng lakas si Evie upang makapasalita."Wait lang.." kaagad naman nahinto si Silver at nilingon siya, nagkatama sa wakas ang mga mata nila. "Thank you, pero hindi ka na sana nagabala pa."Mapait lang na ngumiti si Silver sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid at isinara ang pinto. Napabuntong hininga na lamang si Evie pagkaalis nito.Tila nais niyang sisihin ito kung bakit siya nawalan ng malay kagabi ngunit batid niya ang pagaalala at pagaalaga nito sa kanya kaya bahagya siyang nakaramdam ng kaunting guilt sa pagtrato niya rito.Hindi ko na gusto ang mga nangyayaring ito. Mas hindi ko na nagugustuhan ang mga nararamdaman ko pa. Hindi ko na yata makakayang makasama pa ang lalaking iyon, mababaliw na naman ako. Hay..Kinain nga ni Evie ang dinalang pagkain ni Silver at kaagad niya rin ibinaba ito sa kitchen. Pumanik na siya sa guest room na tinutuluyan nila ni Ingrid at gumayak na rin.Nags
Habang nagkakasiyahan pa sa Christmas party nila, dinukot ni Evie ang phone at tinext nito si Benjamin upang mangamusta.How are you? How's chairman?Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa nagre-reply ang boss sa kanya kaya tinabi niyang muli ang phone."Miss Evie?!"Napalingon naman si Evie sa kung sinong tumawag sa kanya sa likuran."Oh kuya Jorge?""Miss Evie oh." sabay abot nito ng small box na may ribbon pa sa ibabaw."Ay, salamat po manong Jorge." pagkuha naman din nito sa box."May nagpapabigay daw po niyan para sayo."Tila natigilan naman si Evie at nagtaka. Buong akala niya ay galing ito sa matanda."Ah hindi po galing sa inyo ito?""Ay hindi po Ma’am. Kakahiya nga po at wala man lang akong naibigay sa inyo kahit pa may regalo kayo para sa mga anak ko.""Ay huwag niyo na pong isipin yun manong. Para sa mga bata naman po yun. Pero -- kanino po ito galing?" pa
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata