HABANG NASA SASAKYAN sina Silver kasama ang driver nito at ang sekretaryang si Matt, tila malalim niyang iniisip kung papaano nagkataong doon din nagtatrabaho na pala si Evie.
"Matt?"
"Sir?"
"You have Evie's number, don't you?"
"Po?" napalingon naman si Matt sa likuran dahil nakaupo siya sa tabi ng driver ni Silver.
"Yung sekretarya ni Benjamin Yu."
"Ahh, yung sekretarya niya po? Opo, tinawagan niya ako kahapon eh."
"I-forward mo nga sa akin."
"Sige po, Sir."
At nanahimik na lamang muli si Silver.
Pagkahatid nila kay Matt sa sakayan nito pauwi, nagpadiretsong uwi na lamang din si Silver.
Dumiretsong shower siya at lumabas na tanging bath robe lang ang suot.
Kinuha niya ang isang bote ng green label at pumuwesto siya sa veranda ng condo unit. Tanaw niya ang halos kabuuan ng Pasig sa taas nito. Naupo siya roon at sinimulan ng inumin magisa ang alak niya.
Nakatingin lang siya sa kawalan, sa madilim na kalangitan o sa maliwanag na ilaw ng kalsada, kay lalim ng iniisip niya, ngunit tila walang patutunguan. Hindi pa rin nawawala ang kabog sa dibdib niya sa tuwing sasagi ang mga naganap sa kanila ni Evie mula noon. Labis siyang nalulungkot sa nangyari.
Aminado siyang nasaktan niya ito, at sa maniwala o hindi, nasaktan din siya ng mawala ito ng tuluyan sa kanya. Alam niyang kasalanan niya ang lahat ngunit takot siyang aminin ito noon.
Masyado niyang napairal ang pride at ego niya kung kaya't nawala naman sa kanya ang bukod tanging babaeng nagpahalaga at nagmahal sa kanya ng lubos. Alam niya yun, ngunit napagsawalang bahala na pala niya ng hindi sinasadya.
Hindi niya alam kung dapat pa ba niya itong habulin noon ngunit hinanap niya pa rin ito. At sa maniwala o hindi, sinubukan niyang hanapin ito kahit pa alam niyang mukhang hindi siya mapapatawad nito.
Nagsimulang humilam ang mga mata niya, nangingilid ang mainit na luha rito na anumang sandali ay nagbabadyang kumawala. Sinisikap niyang hindi ito tumulo, ni iniiwasan niyang mapakurap ng marahan.
Patuloy siya sa paginom ng alak na tila tubig lamang ito, gusto niyang lunurin ang sarili sa sakit ng nadarama niya ngayon. Gusto niyang lunurin ang puso niya upang mamanhid na ito.
Hindi man niya inaasahan ang nangyari kanina, may parte sa isip niya na nagpapasalamat siya at nangyari pa rin ito. Hindi niya akalaing mangyayari pa rin pa pala ang bagay na buong akala niya, pinagkait na sa kanila. Ang makapagkita sila ng personal.
God knows how hard he tried before just to see and finally meet Evie, noong panahon magkarelasyon pa sila kahit virtually lang. Pinagsisisihan niya ang mga panahong nasayang sa kanila. Na kung maibabalik niya lang, inuna na sana niya ito.
Struggling ang kompanya at mga negosyo ni Silver noong mga panahong sila pa ni Evie, ilang negosyo niya rin ang nagsara dahil nalugi, yung iba ay nasalanta. Sa tuwing susubukan nitong puntahan ito, laging may aberyang nangyayari. Na hindi na maiwasan mapagisipan siyang sinasadya na lamang niya ito o gumagawa na lang siya ng dahilan para hindi talaga tumuloy.
Sa mahigit isang taon nila ng paguusap ng walang humpay sa araw-araw, ni hindi sila nagkaroon ng maayos na pagkakataon upang magkasama. Yun ang isa sa nakapagdulot ng depresyon niya. Nawalan siya ng paniniwala sa sarili dahil kahit subukan niya ay kulang pa rin ang ginagawa niyang effort. Ni hindi sila nagkita noon ni Evie.
Hanggang sa dumating na naman ang sunod-sunod na dagok sa buhay niya, at gayun din kay Evie.
Hanggang sa dumating na naman ang sunod-sunod na dagok sa buhay niya, at gayun din kay Evie.
Naging sandalan nila ang isa't isa ngunit ni hindi nila matulungan ang isa't isa sa bawat suliranin. At iyon ang nakapagdagdag sa kanyang frustrations.
Inaakala niyang baka sukuan na lamang din siya ni Evie dahil sa wala na siyang nagawang tama para rito. Kahit anong kagustuhan niyang makasama ito, ngunit ayaw ng pagkakataon.
Natakot siya na baka iwan na lamang siya ni Evie dahil matindi na ang tampo sa kanya nito. Tila hinayaan niya ito at hindi man lang sinuyo at sinubukan muling magkaayos sila kaagad. Nawalan na rin siya ng oras dahil sa pinagdadaang dagok rin sa negosyo at pamilya. Napagsawalang bahala niya ang babaeng minamahal.
Noong napapagtanto niya ang mga nangyari, makalipas ng ilang linggo, sinubukan niyang kontakin ito. Sa pagaakalang baka kailangan lamang nila ng time at space sa isa't isa upang makapagsimulang muli, ngunit tuluyang nawala na pala ito sa kanya.
Labis-labis ang hinagpis at pagsisisi niya noon. Hindi niya alam kung dahil inayawan na ba talaga siya nito o dahil pinabayaan niya ito. Hindi niya mapatawad ang sarili sa nagawa nangyari.
Gusto niyang magtampo o magalit rin kung bakit tila sinukuan na pala siya nito. Hindi niya lang din akalain na mawawala rin pala ito sa kanya.
Nakakalahati na niya ang bote ng green label ngunit tila wala pa rin itong epekto sa sistema niya. Ramdam na ramdam pa rin niya ang sakit.
Muli siyang nagbuhos at ininom ang lahat ng laman ng rock glass niya bago muli naglagay roon. Sa pagkakataong ito, hindi na niya napigilan ang kumawalang luha sa magkabilang mata. Labis siyang nasasaktan pa rin at nangungulila. Pilit man pigilin ang mga hikbi, patuloy pa rin ang pagluha.
Labis siyang nananabik rito ngunit natatakot na ipagtabuyan lamang siya nito. Matinding sakit ang nadama niya noong kanina ay iniwasan siya nito. Tila napagtanto niyang ayaw siguro siyang makausap man lang nito kaya ganito ang labis ng pagkalungkot at sakit na nadarama niya ngayon.
Bakit sa hinaba ng panahong lumipas na, bakit sariwa pa rin yung sakit ng nararamdaman niya? Kasing sariwa rin ng nararamdaman pa rin niyang pagtatangi sa dalaga.
Evie, why it has to be like this? We're supposed to be happy.
Hindi niya rin akalain na ganito kapait ang sasapitin nilang dalawa na buong akala din niya ay pang habang buhay na sila.
Hindi siya sigurado kung dapat pa ba niyang ipilit ito o tuluyang kalimutan na.
"I'VE already sent you the full details of our agreement, please include it to the contract and be approved by attorney Davion." utos ni Benjamin kay Evie habang naglalakad sila patungong elevator. Galing sila sa isang lunch out meeting kasama ang ilang investors.
"Copy that, Sir." pormal namang sagot ni Evie habang nakasubsob sa phone niya at tinitingnan ang email nga sa kanya.
"And also, once approved na ni attorney, kindly send it to Mr. Silver, cc me na lang." pagpindot nito sa elevator nang mahinto na sila roon.
"I'll -- directly send it to him?" tila pagaalangan ni Evie at napatingala siya sa boss.
"Why not? Para direkta na natin malaman kung may concerns siya na dapat baguhin dun sa contract. Kung sa sekretarya pa papadaanin, baka makaligtaan eh. Ikaw na mismo ang umalam kaagad."
"Eh sa akin din naman dumadaan muna ang mga emails sayo."
"Iba ka syempre."
Pinagtaasan naman ni Evie ng kanang kilay ang boss at gumanti lamang ito ng matipid na ngiti.
"Once Silver approved it, we'll finalise the contract then signing na!" saktong bukas ng pinto ng elevator at dalawa lamang silang sumakay roon.
Si Evie naman na ang nagpindot patungong 10th floor.
Parehas silang nakatayong tuwid lamang habang nakaharap sa fully glassed elevator, kitang-kita nila ang isa't isa.
Kapansin-pansin ang pormal na dating ni Benjamin sa suot na apple green polo at suit with black pants at leather shoes. Litaw pa rin ang tinding ng katawan nito. Habang si Evie ay naka-fitted light beige onesie suit na sleeveless crossback at swinging pants ang pang ibaba paired with cream 3-inches sandals. Hubog na hubog rito ang maliit niyang bewang kahit pa hindi ganoon kalaki ang hinaharap ay sakto lang din sa fitted body type niya, bumawi pa rin sa pang-upo.
"Puyat ka yata?" pagbasag muli ni Benjamin sa katahimikan nila.
"Hmm, hindi naman." napatingin naman si Evie sa sarili.
"Ang kapal ng talukab mo, parang maga." tila pangaasar pa ni Benjamin rito at inirapan naman siya ni Evie sa salamin. Lalo naman siyang natuwa dahil naasar ito.
"Maganda pa rin ako, wag ka nga!" paglapit pa ni Evie sa salamin para titigang mabuti ang mukha. Totoo ang sinabi ng boss, ngunit mariin niyang tinatanggi upang hindi na ito magusisa pa.
"May sinabi ba akong pumangit ka?" nangingiti pa rin ito sa sekretarya.
Pagkadating nilang opisina nila ay nagkanya-kanya na silang balik sa mga gawain pa nila.
Mabilis nagawa ni Evie ang sample contract at nai-send ito sa company attorney nila. Ilang sandali lang din ang inintay niya habang ginagawa ang ibang trabaho ay bumalik ng aprobado ang kontrata. Pinaalam naman din muna niya ito sa boss.
(That's good, kindly send to Mr. Silver.)
"Yes, Sir." tila labag man sa kalooban ay yun na lamang ang naisagot niya sa boss sa intercom nila.
Tumapat siya sa desktop niya at napahinga ng malalim, gusto niyang maghanap ng dahilan upang mapatagal ang gagawin. Kailangan niyang direktang I-email kay Silver ngayon ang sample ng kontrata.
Kahit pa gamit niya ay ang company email address niya, hindi pa rin niya matanggap na magkakaroon na si Silver ng koneksyon muli sa kanya.
Marahan niyang tina-type ang mensahe habang naka-attached ang sample contract. Panay buntong hininga siya dahil kailangan niyang gawin ito para sa trabaho, isa siyang professional kaya kailan niyang umakto ng tama.
Muli siyang humugot ng malalim na hininga na nakakapagpanginig ng tyan niya, nanlalamig ang kamay niya lalo ang daliring dapat pumindot ng send button. Halos mapakit siya ng pindutin na niya iyon at saka umikot sa swivel chair niya patalikod sa desktop.
Napahawak siya sa dibdib niya at tila kinakapos ng hininga.
Shit! Ano ba Evie?!
Bumalik na siya sa mga gawain niya at pinagsawalang bahala na lang ang ginawa, afterall, parte ito ng trabaho niya.
Badyang dumungaw siya sa pinto ng opisina ni Benjamin nang marinig niyang tila may kausap ito sa phone. Nakaupo ito sa swivel chair niya ngunit nakaharap sa pader niya. Maingay ito na tila hindi trabaho ang pinaguusapan.
"Really?! I should have check that out!"
Naglakad na lang siya sa harapan nito ngunit parang hindi siya napapansin. Iniintay niyang tabunan siya ng tingin ng boss habang hawak ang mga papeles na dapat mapapirmahan.
"Sure, Silver! I'll give you a call once I'm free. Bye."
Tila may biglang kabog sa dibdib niya ng marinig ang pangalang iyon ngunit hindi na lamang siya nagpahalata.
"Hey Evz!" bati naman nito sa kanya pagkababa ng tawag.
"Needs to be done today." paglapag niya sa mga papel sa mesa nito.
"Sure."
Papaalis na sana siya ng opisina nito ng tawagin siyang muli.
"Evz?"
Napahinto at lingon muli si Evie sa boss.
"You free tonight?"
Tila nagtaka naman ito sa kanya at tinitigan siyang mabuti.
"Just somewhere in Makati, a little hangout lang. Would you like to join us?"
"With Sofie ba?"
"Ahm, that! No!"
"Why not asking her to come with you instead?" pinagikutan naman ni Evie ng braso ito sa harapan na tila nagtataka.
Napapakamot naman ng batok si Benjamin at nagiiwas pusoy sa tanong ni Evie.
"Ahm.. Eh hindi naman date yun. Baka ma-bored lang yun kapag work related ang napagusapan."
"Ang sabihin mo, balak mong magpakalasing, tama ba?" pagdududa pa ni Evie.
Nag-snap naman ng daliri siya si Benjamin at napaturo sa sekretarya.
"Nope! It's just a wine restaurant. Actually, pagusapan lang din naman ang business at other matters."
"With whom?" walang preno naman ng tanong ni Evie ngunit may ideya naman na siya kung kanino makikipagkita ang boss niya.
"With Silver."
At tama nga ang hinala niya.
"You two seems being close, aren't you?" pasaring naman ni Evie.
"Hmm well, we're on the same age, and also likes cars. He has a lots of businesses and investments. Kailangan ko rin sigurong makumbinsi siyang mag-invest sa atin"
"So, you were really targeting him to be our investor?"
"That's actually what dad's wanted me to do. And why not, Silver has a good asset."
Napagisip ni Evie na kung tuluyang maging investor na ito sa kompanyang pinagtatrabahuan, madalas na rin pala niya talaga itong makikita at makakasama sa mga meetings. Pakiramdam niya lumiit ang mundo niya.
Bumuntong hininga naman na muna ulit si Evie at hindi makasagot sa alok sa kanya ng boss.
"Please? You've been helping naman din even before sa pag-convince sa possible investors at clients di ba?" tila nagpapaawa naman ito sa kanya kaya tinabunan siya ni Evie ng mas alangang tingin.
"Eh hindi pa nga nagsisimula projects niyo di ba? Investing kaagad?"
"It's settled na. Formality na lang yung contract signing."
Bumuntong hininga muli ito na tila wala ng pagpipilian.
"Fine!" tila labag man sa loob nito ay pumayag na rin siya.
"Alright, later at 5pm, we'll leave." tila ngiting tagumpay naman si Benjamin sa pagpayag kay Evie.
Mas kumpyansa na kasi siyang kasama si Evie sa mga business transactions niya. Minsan ay pinagkakatiwala pa niya rito ang pagkumbinsi sa mga client at investors, at nagagampanan naman din ni Evie ang tungkulin na ito.
Sabay muli silang sumakay ng elevator hanggang sa makarating ng parking. Sumakay na rin sila sa kani-kanilang kotse at sinusundan na lamang ni Evie si Benjamin sa pag-drive.
Tila kinakabahan pa rin si Evie dahil muli silang magkikita ni Silver, hindi niya malaman kung ano ba ang dapat niyang iakto sa harapan nito. Alam niyang medyo informal meet up ito about sa business pero trabaho pa rin ang dahilan niya kung bakit siya napasama rito. Iniisip niya rin kung aware kaya si Silver na kasama siya ng boss o sinadya niya kaya itong mangyari.
Nang makapag-park sila sa likod ng restaurant nauuna pa rin si Benjamin sa paglalakad at alangan namang sumusunod si Evie sa kanya. Tumatanaw-tanaw siya sa loob ng restaurant ngunit hindi niya makita ang hinahanap.
"Good evening Sir, table for two?" bati ng receptionist ng makalapit sila sa podium sa harap ng resto.
"We have a reservation under the name of Silver Alessandro." sagot naman ni Benjamin rito.
"Just a moment, Sir." kaagad na tiningnan ng receptionist ang listahan niya. "Okay Sir, Silver Alessandro in the patio table. This way please."
At sumunod naman silang dalawa sa receptionist papasok ng restaurant. Naglakad sila sa hall ng resto at kapansin-pansin ang eleganteng konsepto ng lugar.
Fully wooden mahogany floor, walls ang ceiling ang kabuuan ng resto, may crystallise chandelier sa gitna na nagsisilbing pinaka maliwanag na ilaw ng buong hall at iba pang light walls. Fancy glassed table na the usual good for two seats lang. Sa magkabilaan ng hall ay mga bar area. May mga customers na naroon rin na nag-wine tasting. Sa pinakaloob ang larger pax tables na ginagamit ring function area, naroon din ang malalaking wine cellar na nagsisilbung divider sa bawat table.
Pagkadating sa dulo ay binuksan ng receptionist ang wooden at glass door at tumambad sa kanila ang malawak ring patio area. Napamangha naman sila sa paligid dahil hindi akalain na ganito kaaliwalas ang ambiance nito in the middle of urban area.
"This way po.."
At hinaya naman sila nito sa pinakadulong seats sa gawing kaliwa.
Tila bumigat ang mga paa ni Evie ng matanaw na ang kanina pa niya kinakatakutan. Bumagal ang pagkilos niya at paglalakad. Nakapayuko na lang siya at tila nagtatago sa likod ng boss niya.
"Mr. Silver!"
Kaagad naman napalingon si Silver sa tumawag sa kanya at tinabunan ito ng ngiti rin.
"Benjamin!" tumayo ito at saka nakipagkamay.
"Thank you for waiting."
"No, it's okay. Please.." paghaya nito sa upuan.
"Oh, by the way --" biglang umatras si Benjamin at hinawakan sa braso si Evie at iniharap kay Silver.
Ikinabigla yun ni Evie na halos hindi niya malaman kung anong mukha ang ihaharap niya. Ni hindi siya makatingin sa binatang nasa harapan na niya.
"This is my lovely executive secretary, Evie." pagpapakilala ni Benjamin sa sekretarya.
Dahan-dahang tumingala si Evie at nakasalubong kaagad ang mga mata ni Silver na tila kanina pa nakaabang sa kanya. Sa pangalawang pagkakataon, nagtama na naman ang mga mata nila.
Napalunok na muna si Evie at nanlalamig na ang kamay niya. Halos natutuod siya sa kinatatayuan at nanginginig ang katawan.
Biglang hinaya ni Silver ang kamay niya sa harap ni Evie at tinabunan ito ng matamis na ngiti.
"Yeah. Silver Alessandro."
Kinabigla iyon ni Evie ngunit ayaw niyang magpahalata.
Oo, alam ko! Silverio Francisco Alessandro! Alam na alam ko!
Nanginginig man, inabot niya rin ang kamay nito at sa wakas ay nagkadaupang palad sila.
It feels like heaven!
His hand is freezing too!
"E -- Evie Symaco." matipid niyang ngiti at lihis muli ng tingin.
Yes! Evita Symaco! How can I forget?
Tila ayaw pang bitawan ni Silver ang kamay niya ngunit mabilis na lamang niya ito binawi. Napahawak pa siya roon dahil alam niyang alam din ni Silver na malamig ang kamay niya. Ngunit kay lamig din ng kamay nito kaya alam niyang kinakabahan rin ito panigurado.
Pinaghila naman ni Benjamin si Evie ng upuan bago pinaupo. Napatingin sa kanila si Silver na tila na-slow motion sa pagkabigla. Hindi niya alam kung bakit siya nakaramdam ng kabog at kirot.
"Ahm.." nagtaas naman si Silver ng isang kamay na tila nagtatawag ng waiter at kaagad naman ding may lumapit sa kanya.
"Good evening Ma’am, Sir. Here's our menu." paglapit ng waiter at abot sa kanila ng menu booklet. Sabay alis na nito upang mabigyan sila ng oras sa pagpili ng o-order-in.
"Bakit hindi mo sinama si Matt?" panimula ni Benjamin.
"Nagpaalam sa akin eh, nag-half day kanina." sagot lang ni Silver na nakatingin pa rin sa menu.
"Gusto ko try yung house's specialty. Mukhang masarap. Anong wine kaya complement?" medyo rinig ni Silver na sinabi ni Benjamin kaya napatingin siya rito.
Kita niyang bahagyang nakapaling ang katawan at upo ni Benjamin sa menu na hawak ni Evie. Tila pareho silang tumitingin sa iisang menu booklet kahit pa mayroong sariling hawak si Benjamin. Hindi niya maiwasang mapataas ng kaunti ng kilay at pilit na binabalik ang atensyon sa menu booklet na hawak.
"Try this Merlot 1880." rinig din niyang sagot pa ni Evie kaya napatingin ulit siya sa mga ito.
Are they really that close?
Habang nilalagyan sila ng complementary Italian brocetta sa kanilang small plate, patuloy naman din ang pagtingin ni Silver sa dalawa.
"How 'bout you?" pagpapatuloy pa ng paguusap nila Benjamin at Evie.
"I'll take this yellow fin and Chardonnay, and also I want to try their Moscato here. I wanna get a bottle."
"Me too, kapag okay yung suggestion mo."
Habang si Silver naman ay mukhang hindi pa makapili dahil mas focus siyang pakinggan ang usapan ng dalawang nasa harap.
He planned this. He planned to ask Benjamin for an informal dinner about investing to his company. He knows that if it will be work related, he will bring Evie with him. He wanted to see her again, up close. Unlike the first time they met.
Makalipas ng ilang minuto pa ay lumapit na sa kanila ang waiter.
"Ready to order Ma’am, Sir?"
"Yes. You go first, Evz."
Evz ah? May petname talaga?
"I would like to take the mango shrimp salad for my starter with Italian Reisling 1999. Then, Yellow fin tuna, well done, with honey vinaigrette on the side and mashed potatoes. Then a glass of Queen Adelaide Chardonnay 1996." diretsong saad ni Evie sabay abot ng menu booklet sa waiter.
"How about you, Sir?"
"How about you, Silver."
"I would take the chef's salad --"
"Nuts!"
Tila pasaring ni Evie habang kumakain ng brocetta ngunit ni hindi ito nakatingin sa kanila. Nakalingon ito sa katabing view sa patio. Natigil si Silver at saglit siyang nilingon ngunit tumingin din ulit sa kausap na waiter.
"Please remove the nuts on my salad, I'll pair it with Reisling 1998 too. For my main course -- Singaporean chili lobster and mixed vegetables. I'll pair it with -- Hardy's Sauvignon blanc blend 1885." matapos ay napatingin muli siya kay Evie na hindi pa rin nakalingon sa gawi nila.
"I would like to take the pumpkin soup for my starter, then rib-eye steak medium well and mashed potatoes, and a glass of Silver Oak 1880." saad naman ni Benjamin.
Inulit ng waiter ang mga orders nila bago umalis.
Pilit na ngumiti muli si Silver kay Benjamin.
"Have you thought about it?" panimula nito.
"Hmm.. Of course. Are you sure about it?"
"A hundred percent sure. After I've checked the contract, I think it's fine. Let's sign it."
"Good to know. I'll let you know when."
"And for my investment --" napalingon naman si Silver kay Evie na tila hindi nakikinig sa usapin nila ni Benjamin. "I'm willing to invest 50 million pesos."
"Sounds well. You'll probably hold the 30% of stocks."
"But I wanna know if that would be worth to invest with."
"Of course. We'll talk about that to our meeting soon. You may contact me or my secretary if when will you gonna be free by next week and we'll set the date."
Kaagad na napalingon na si Evie sa kanila ng marinig niyang binanggit siya ni Benjamin.
Ngunit iwas pusoy pa rin ang tingin nito kay Silver.
Nagkapalagayan naman sila ng ngiti na kung hindi sila kilala ng makakakita ay baka nagka-developan na.
Napainom naman si Evie ng tubig sa goblet niya at halos maubos na niya ito. Napansin ito ni Benjamin kaya tumawag kaagad ng waiter at malagyan muli ang mga baso nila ng tubig.
Nagusap lamang muli sina Benjamin at Silver patungkol sa mga businesses nila. Napagalaman din nilang may mga negosyo silang pagkakapareha kagaya ng gas station at farm. Tahimik lamang si Evie na tila nauumay na sa usapang pagyayabangan ng dalawa. Pero halata niyang mukhang nagkakasundo ang mga ito dahil magkaedad.
DAHIL MEDYOOPna si Evie ay tumutok na lamang ito sa phone niya at nagsimulang maglaro ng scrabble.Ilang sandali pa ay dumating naman na ang starters nila at nagsimula na silang kumain ngunit ang usapin ng dalawang lalaki ay hindi pa rin natigil.Kung anu-ano na kaagad ang napagusapan nila at ngayon ay tungkol sa kotse naman.Pareho silang naging kolektor ng mga kotse at alam ni Evie na paniguradong mas doon sila magkakasundo dahil si Silver ay may koleksyon ng vintage at latest cars, habang si Benjamin naman ay ang mga limited edition cars.Hindi siya interesado sa mga ito kaya nabuburyo na siya. Tinutuon na lamang niya ang pansin sa pagkain niya."Are you sure you're gonna eat that shrimp?" saad bigla ni Silver out of nowhere.Napansin siya ni Benjamin kaya nilingon siya dahil akala nito ay siya ang kinakausap ngunit napansin niyang nakatingin ito kay Evie kaya tinabunan niya rin ng tingin ang sekretarya."That
NANG MAISARA NIYA ang pinto ay kaagad siyang nanakbo patungong restroom at pumasok sa isang cubicle na naroon. Sinara niya ang cover at saka naupo roon."Bakit kailangan pa niyang sabihin yun eh alam naman naming hindi niya yun talaga gagawin sa akin! Alam kong hindi naman talaga niya ako hinabol man lang! Ahhhh!" sigaw niya at saka bumuhos na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Hindi na niya mapigilang hindi mapangawa at hikbi ng malakas. Magkakahalong emosyon na naman ang nararamdaman niya ngayon.Bakit kailangan pa rin ni Silver magsinungaling sa kanya para lang masabing may ginawa ito para sa kanya? Hindi rin naman nun maiibsan ang mga sakit na dinulot pa rin sa kanya ng binata."Hindi ko siya mapapatawad!"Halos nanggagalaiti niyang saad pa habang pilit na pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya.Makalipas ng ilang minuto ay napakalma na rin niya ang sarili niya. Pinunasan niyang mabuti ang mata at mukha niya. Baka
ANOTHER TYPICAL DAY in the office. Busy-busyhan na naman sina Evie at Benjamin sa kaliwa't kanan na presentations, meetings at biddings dahil sa mga biglang sunod-sunod na projects na dumarating. At lahat ng iyon recommended by Silver.Hindi akalain ni Benjamin na simula ng maging kliyente niya si Silver ay ipagkakalat na nito sa lahat ng kakilala ang tungkol sa kompanya nila. Mas matagal na ang Yu Solar Panels kaysa sa negosyo ni Silver ngunit mas kilala ang S.A Constructions na. Malaki ang pasalamat ni Benjamin dahil hindi lang business ang koneksyon nila ngayon ni Silver, nagiging malapit na rin silang magkaibigan.Madalas niyang paunlakan ang pagaaya ni Silver sa mga bar o biddings, ngunit si Evie ay todo pa rin makaiwas. Simula ng maging malapit si Benjamin kay Silver, iyon naman ang paglayo niya sa boss.Habang sabay na naglalakad sa parking area sina Benjamin at Evie dahil patungo sila ngayon sa Okada para sa isang dinner out meeting, tila natigilan si Ev
NANG MAKARATING SILA sa project site sa Sual, halos hindi nila mapigilang mamangha. Nakita na ni Evie noon ang ilang bahagi ng lugar. Nai-send sa kanya ni Silver ito noong bagong bili pa lamang niya, labis na siyang namangha noon sa mga videos palang ngunit mas kakaiba ang pakiramdam kapag aktwal mo ng nakikita. Labis siyang namangha sa ganda ng lugar dahil gustong-gusto niya ang nature places.Maganda ang panahon dahil hindi masyadong maaraw kahit pa tanghali na, malakas rin ang ihip ng hangin at rinig na rinig ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan sa baba ng tila burol na parte ng site area. Tila nasa Batanes ang datingan ng lugar ngunit hindi pa ganoon nade-develop."Wow! Ang ganda dito!" komento ni Ingrid na kinabigla nila Evie at Benjamin ng marinig ito kaya natigilan sila at napatingin rito."Nag -- nagtatagalog ka pala, Miss Ingrid?" takang tanong pa ni Benjamin rito."Oo naman po Sir, dito naman po ako sa Pinas lumaki." sabay ngiti pa ni
HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid."Okay na po mga kwarto Sir.""Ah, Salamat manang, pakikuha na lang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap."Sige po Sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo.""Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo.""Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya.Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan.Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata.Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakaiwas sa dalaga.Halos gusto niyang manlambot ng makita niya ang reaksyon nito. Bakas sa mukha ni Evie ang labis na lungkot lalo na sa mga mata
NANG MAHINTO NAMAN na sila sa gitna ng dagat, nagsimula na rin silang ihanda ang kanilang magiging hapunan. Nagtulong naman sina Evie at Ingrid sa paghahanda ng pagkain, habang sina Silver, Khalil at Benjamin naman ay nagkaayaan ng maligo sa dagat."Miss Evie, eto na po yung mga iihawin oh." paglapag pa ni Ingrid sa mga container ng isda, pusit at sugpo."Sige, ako ng bahala.""Mukhang masarap yang pagkakatimpla mo sa barbecue mo ah?" pagamoy pa ni Ingrid sa naka-marinate na barbecue sa mesa."Com'on Ingrid! Let's swim!" biglang sigaw ni Khalil na nasa likuran na pala nila.Walang suot na pang itaas na ito at tanging swimming shorts lang, halatang kakaahon lang nito sa tubig kaya basang-basa pa sabay hawi ng buhok niya palikod. Sabay pang napatulala sina Evie at Ingrid sa ganda ng katawan ni Khalil. Halos sundan ng mga mata nila ang mga gumagapang na tubig mula ulo gang namumutok nitong mga abs.Kaagad naman natauhan si Evie at nangiti ng ma
HABANG NASA MAY jacuzzi pool sina Evie at Ingrid, nasa may dulo naman sina Silver at Khalil na nagiinuman sa may side pool table.Magkatapat ng upo sina Evie at Ingrid, parehong nakahaya ang mga kamay sa magkabila at nakapatingala upang mas makapag-relax sila."Kamusta na kaya si Sir Benjamin noh? Kamusta na kaya ang daddy niya?" pagbasag na ni Ingrid sa katahimikan nila. Napadilat at tingin naman na din si Evie sa kanya saka bumuntong hininga."Hindi pa nga siya nag-a update sa akin eh. Nasa byahe pa yun.""Ang sweet niya noh? All the way sa Korea. Ang bait siguro talaga ni Sir Benjamin.""He is. Napakabait rin ni chairman. Kaya nagaalala rin ako para sa kanya.""Close siguro silang mag-ama."Tumungo-tungo naman si Evie at tiim ng labi niya bilang tugon."Sana all may ganung tatay. Hindi ko kasi alam kung mabait ba o hindi ang papa ko." bakas sa tono naman ni Ingrid ang kaunting lungkot."Bakit naman?""Iniwan ni
PAPALABAS NA NG silid si Silver ng makalikom ng lakas si Evie upang makapasalita."Wait lang.." kaagad naman nahinto si Silver at nilingon siya, nagkatama sa wakas ang mga mata nila. "Thank you, pero hindi ka na sana nagabala pa."Mapait lang na ngumiti si Silver sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid at isinara ang pinto. Napabuntong hininga na lamang si Evie pagkaalis nito.Tila nais niyang sisihin ito kung bakit siya nawalan ng malay kagabi ngunit batid niya ang pagaalala at pagaalaga nito sa kanya kaya bahagya siyang nakaramdam ng kaunting guilt sa pagtrato niya rito.Hindi ko na gusto ang mga nangyayaring ito. Mas hindi ko na nagugustuhan ang mga nararamdaman ko pa. Hindi ko na yata makakayang makasama pa ang lalaking iyon, mababaliw na naman ako. Hay..Kinain nga ni Evie ang dinalang pagkain ni Silver at kaagad niya rin ibinaba ito sa kitchen. Pumanik na siya sa guest room na tinutuluyan nila ni Ingrid at gumayak na rin.Nags
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata