Share

Chapter 62

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-08-26 06:00:06

NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.

Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.

Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.

Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.

Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.

I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.

NANG makahinto ang sasakyan ni Evie sa paradahan hindi kalayuan sa bahay, pinatay na niya ang makina ng kotse ngunit ni hindi pa siya gumagalaw sa kinauupuan. Humihigpit ang hawak niya sa manibela habang nakatanaw sa isang bahay na dalawang bahay pa mula sa pinupwestuhan niya.

Panay buga lamang siyang ng hangin at tila hindi mapakali, kay lalim ng nasa isip ngunit hindi pa rin maalis ang pagkakatitig niya sa bahay na iyon.

"We're already here, Steve. Mommy can do it, right?" pagbaling niya saglit sa passenger's seat kung saan naroon si Steve nakaupo at tila naghihintay lang din sa kanya.

Nanlalamig ang mga kamay at paa ni Evie habang naglalakad papalapit sa bahay na kanina niya pa minamasdan, she's taking her time like walking in an aisle. Pero mas bumagal ang paghakbang niya ng malapit na siya mismo sa tapat ng gate ng bahay.

Dumungaw-dungaw siya at sumisilip ngunit masyadong closed type ang gate ng bahay kaya wala siyang makita. Magkahalong kaba at takot habang nanginginig ang mga kamay niya nang inaabot ang doorbell ngunit kaagad niyang binabawi ito dahil sa labis na pagaalangan. Parang gusto na lamang niyang tumakbo palayo, pabalik sa kotse niya.

Come on, Evz! You can do it!

Nang aabutin na muli niya ang doorbell, bigla namang bumukas ang maliit na pintuan sa gate, sapat upang makapasok ang tao.

Halos napako siya sa kinakatayuan, ni hindi niya nabawi ang kamay niyang nakaunat pa rin para abutin ang doorbell ngunit hindi na siya nakagalaw pa dahil sa gulat nang makita kung sino ang nagbukas ng gate.

"Oh ate Evie?!" halos gulat na gulat rin ito ng makita siya.

"Evette." halos lumundag ang puso niya ng makita ang kapatid.

"Ma! Si ate Evie nandito!" sigaw pa nito kaya mas lalong kinabahan si Evie.

After a three long years since she left home, she haven't returned. Nagpapadala nga siya sa mga ito ngunit ni hindi niya magawa masyadong kausapin kahit pa thru phone calls o text man lang.

Dahil sa nangyari sa kanya noon, hindi niya malaman kung sumama ba ang loob niya o labis lamang din siyang nahihiya sa mga ito.

Nagkabaon-baon sila sa utang dahil sa pagpapaospital sa kanya noong na-depressed siya at nagkakakomplikasyon kaya labis na nagalit ang mga magulang niya sa kanya lalo ng malamang dahil lamang yun sa paghihiwalay nila ni Silver. Sinisisi siya ng mga ito kung bakit siya nagpapaapekto sa lalaking kahit kailan ay ni hindi pa naman niya nakikita.

Halos inalipusta at hinusgahan siya kaya labis din siyang nahihiya sa mga ito, at the same time ay sumama ang loob niya dahil ni hindi siya naintindihan ng mga ito sa pinagdadaanan niya. Kaya minabuti na lamang niyang lumayo na muna dahil baka mas lalong hindi siya gumaling kung tuwing sa araw-araw ay sinisermunan siya at pinagsasalitaan ng hindi maganda ng kanyang mga magulang.

Nangingilid ang mga luha ni Evie ngunit napapalunok na lamang siya upang mapigilan ito.

Mas lalong lumakas ang kabog ng dibdib niya ng masilayan sa wakas ang ina niyang lumapit sa kanila sa may gate.

"Evie? Anak?" bakas rito ang pagkabigla.

Pilit na ngumiti si Evie ng payak. "Ma."

"Anak!" bigla itong lumapit at lumabas ng gate saka sinunggaban ng mahigpit na yakap si Evie. "Anak, umuwi ka na." halata sa tinig nito ang pagkasabik sa kanya.

Napayakap na lamang din si Evie at hindi na naiwasan ang pagtulo ng munting mga luha mula sa kanyang mata. Nakita ito ng kapatid niya kaya mabilis niya rin itong pinunasan bago pa man makita ng kanilang ina.

"Kamusta ka na, anak? Bakit hindi ka man lang nagpasabi na uuwi ka? Teka? Kumain ka na ba?" natatarantang mga tanong ng ina nila nang maghiwalay sila ni Evie sa pagkakayakap.

"Hindi pa nga po, mama eh. Sobrang -- miss ko na luto mo." nangingiting saad niya sa ina na tila natunaw lahat ng tampo niya ng yakapin siya nito. It actually feels good embracing her mother after a long time.

"Tara muna sa loob!"

Nang makapasok si Evie ay minasdan niya ang kabuuan ng bahay nila, wala masyadong nagbago, hindi ito ganun kalakihan pero mararamdaman pa rin niyang welcome pa rin siya rito.

"Nasaan ang pamangkin ko? Na-miss ko talaga yun eh." saad pa ni Evie sa kapatid.

"Grabe ka? Akong kapatid mo, hindi mo na-miss?" pagbibiro pa nito na kinatawa lang nila.

"Hindi. May asawa't anak ka na eh. Yung pamangkin ko lang sayo ang na-miss ko." pangaasar pa ni Evie rito.

Naunang nakapagasawa at anak ang nakababatang kapatid nito ngunit sa bahay pa rin nila nakatira dahil nag-abroad naman ang asawa nito.

"Evette! Kunin mo muna si Evren ng makakain na tayo. Evie anak, tara na dito." saad pa ng ina nilang abala sa paghahain sa mesa.

Pumanik naman si Evette at dumiretso na si Evie sa hapag nila. Naupo siya sa bakanteng upuan habang minamasdan ang ina.

"Na-miss ko toh." saad niya kaya napatingin sa kanya ang ina.

"Akala ko talaga -- nagasawa ka na. Pero nung nakwento sa akin ng kapatid mo na nagkita kayo nung nakaraan, mas napanatag ako."

"Ako rin."

Naupo ang ina sa tabi niyang upuan habang nakapaharap sa kanya.

"Anak, patawarin mo sana ako. Kami ng papa mo. Alam kong -- malaki ang tampo mo sa amin kaya hindi mo na kami inuwian simula nung umalis ka papuntang Palawan pero --"

"Ma, ako po ang patawin niyo kasi umalis ako at hindi na nagpakitang muli." inabot niya ang kamay ng ina. "Kalimutan na natin yun ma, okay na ko. Malaki pa rin po ang pasasalamat ko sa inyo kasi -- pilit niyo akong inalagaan kahit alam kong malaking perwisyo at abala ang nagawa ko."

"Hindi anak, hindi ka perwisyo sa amin. Hindi lang din kasi namin matanggap na -- magkakaganoon ka. Ang pagkakakilala kasi namin sayo, ikaw yung pinakamalakas, yung pinakamatapang. Kaya siguro nahirapan lang din kami ng papa mo tanggapin na nagkaganoon ka ng dahil sa --"

"Ma, I'm sorry. I'm sorry kung hindi ako naging ganoon kalakas at katapang ng mga panahong iyon. Napagod lang din siguro ako kaya sumuko ako. Pero thank you ma, kasi -- hindi niyo ko sinukuan."

"Mahal na mahal kita anak. Kami ng papa mo."

"Ako rin ma." napalinga pa siya sa paligid muna. "Ahm, kailan nga po pala uwi ni papa?"

"Ah, nako! Sa makalawa na! Tamang-tama ang uwi mo anak, panigurado matutuwa yun!"

Nalaman din ni Evie noong nakasampa na muli sa barko ang kanilang ama kaya guminhawa ulit ang kanilang pamumuhay, pero patuloy pa rin ang tulong niya sa mga ito sa abot ng kanyang makakaya.

MATAPOS ang munting salo-salo nilang mag-iina, nilalaro naman ni Evie ang pamangkin niya habang kinatutuwaan naman ng kapatid niya ang alagang si Steve.

"Grabe! Parang si Steve yata ang pinakamalaki sa mga kapatid niya! Akala ko nga siya na pinakamaliit nun."

"Napakalakas kumain eh, talagang lalaki ng ganyan yan."

Breeder ng mga aso ang dating negosyo ng kapatid niya at ang asawa nito. Dito niya rin nabili si Steve noong tuta pa lamang. Ngunit natigil na iyon ng makapag-abroad na ang asawa ni Evette.

Nang pumanik si Evie sa kanyang dating silid, halos mapalibutan na ito ng mga alikabok ngunit ang lahat ng gamit niya ay naroon pa rin.

"Hindi ko kasi masyadong nalilinisan dyan eh, hindi ko rin ginalaw mga gamit mo kasi baka magalit ka kapag may nawala." saad pa ng ina niya.

"Ayos lang ma, ako na lang maglilinis nito. Na-miss ko rin ang kwarto ko."

At gayun nga ang ginawa ni Evie sa natitirang maghapon niya. Naglinis siya hanggang sa kasulok-sulukan ng kwarto niya. Mula sa kisame, pader at sahig, pati na rin ang mga kabinet at stante niya. Nagpalit ng mga bedsheets, kurtina at door mat, pati na rin ang tutulugan ng asong si Steve sa paanan ng kama niya sa sahig ay naayos na niya.

Labis ang pagod niya pero hindi niya ito alintana dahil na-miss niya talagang gawin ito sa dating silid. Na-miss rin niya ang dati nilang bahay kasama ang buong maganak na ngayo'y nadagdagan pa. She really feels at home.

Hapunan na ng matapos si Evie kaya muli sila nagsalo-salo. Nang matapos ay lumabas muna siya sa may balkonahe nila upang makapagpahangin. Na-miss niya rin ang sariwang simoy ng hangin sa probinsya.

Nakatulala sa kawalan ng langit habang kay lalim ng iniisip, hinahayaan niyang madampian ang balat ng malamig na hangin habang minamasdan ang mga ulap at bituin sa langit.

"Lalim iniisip natin ah? May problema ka ba, ate?" biglang bungad ni Evette ng makalapit sa kanya kaya nilingon niya ito saglit.

"Na-miss ko lang masyado dito."

"Na-miss mo pala eh, bakit ngayon ka lang umuwi?"

"Masyado kong ginawang abala ang sarili ko sa mga nagdaang taon. Ni nakalimutan kong may pamilya pa pala ako."

"Alam ko naman kung bakit talaga, ate. At naiintindihan kita."

Payak naman siya napangiti sa kapatid. Malapit sila nito mula sa pagkabata nila. Noong magkasintahan pala sila ng asawa nito, si Evie ang laging umuunawa at tumutulong rito lalo kapag may problema sila. Ngunit noon ngang si Evie naman ang may problema sa pag-ibig, ni hindi naman niya nagawang ipagbigay alam sa kapatid dahil sa labis na hiya at takot mahusgahan.

"Sana sinabi mo rin sa akin noon na may pinagdadaanan ka. Nadamayan sana kita, ate." tila may pagtatampo sa tinig nito. "Kung alam ko lang eh."

"Sorry." pagharap pa niya sa kapatid na nakapaupo sa harapa niya sa may barriers ng balkonahe nila. "Natakot lang ako na -- na baka husgahan mo rin ako."

"At bakit naman? Ikaw nga, alam lahat ng tungkol sa amin noon pa man ng asawa ko. Ikaw pa nga ang nagaayos sa amin. Bakit naman kita huhusgahan? Alam ko rin naman kahit paano ang tungkol kay Silver noon pero -- hindi ko lang akalain na ganun pala talaga ang pinagdaanan mo sa kanya. "

"It's okay. Tapos na yun. Matagal ko na rin siyang napatawad tungkol roon."

"Moved on ka na ba talaga sa kanya?"

Umiling si Evie habang nakapangiti.

"No, and I will never be. Lalo ngayong -- nagkasama na kami."

Halos manlaki ang mga mata ng kapatid sa narinig.

"For reals?! Nagkita na kayo ni Silver?!"

Tinunguan naman ni Evie ito saka niya naikwento ang buong kaganapan sa kanila ni Silver simulang noong una silang nagkatagpo sa isang meeting. She feels like she owes her sister about this.

"Oh my freaking goodness! I can't believe na nagkita na pala kayo! Sa wakas!" halos tili nito na sobra ang tuwa sa mga kwento ni Evie.

"Shh! Baka magising ang anak mo at si mama!" pagsuway pa ni Evie sa kapatid.

"Oh tapos, tapos?! Kwento ka pa ate, dali!"

Hanggang sa naikwento ni Evie ang tungkol sa naging sitwasyon nila ni Silver ngayon kaya tila lumungkot naman ang reaksyon na ng kapatid niya.

"30 minutes ago yung kilig ko to the highest level eh! Tapos ngayon? Parang below sea level na. Pero teka? Hindi pa naman sigurado di ba? So don't assume yet!"

"Yun na nga. I'm expecting the worst kaagad para kapag nandyan na, hindi na ko ganoon magugulat, o masasaktan."

"Whether it's true or not, the point is, tanggap mo pa rin ba talaga siya?"

Napabuntong hininga mula si Evie at nagkibit balikat.

"Bahala na muna."

MAKALIPAS ang ilang araw na pananatili ni Evie sa kanilang tahanan, dumating na nga rin ang ama niya mula sa trabaho sa barko. Sinundo pa nila ito sa paliparan at sabay-sabay silang umuwi muli sa bahay.

Laking gulat at pasasalamat din ng ama niya dahil umuwi na siya. Nagkahingian naman na din sila ng kapatawaran at tinanggap naman iyon ng isa't isa.

Tila nagbalik sa normal at dati ang pamumuhay ni Evie kapiling ang pamilya niya makalipas ng mahabang panahon. Nakakaramdam na siya ng saya ngunit hindi pa rin maiwasan sumagi sa isip niya si Silver kung ano na kaya ang lagay nito sa ngayon.

"'Nak, okay ka lang ba? Ano ng balak mo sa ngayon?" tanong pa ng ama niya ng makalapit sa kanya sa may balkonahe.

Nagkibit balikat na muna siya rito at ngumiti ng matipid.

"Hindi rin naman po ako magtatagal rito, pa. Kailangan ko rin bumalik sa bahay ko at siguro -- maghanap ng bagong trabaho."

"Sigurado ka ba? Pwede ka na munang magpahinga rito."

"Okay lang ako pa, dadalaw-dalaw naman po ako."

"Basta huwag na huwag mong pababayaan ulit ang sarili mo ah? I know you're doing good now, I'm happy you are."

"Thanks, pa. I'll do better."

At pumayakap naman siya sa patagilid sa ama. Sobra niya rin na-Miss makasama ang mga ito na buong ang pamilya niya.

"Oh, maggatas muna kayong mag-ama dyan." paglapit ng ina niya na may dalang dalawang mug ng gatas at inilapag sa may barrier ng stante.

Kinuha naman ni Evie iyon at kaagad na sumimsim kahit mainit pa.

"Sigurado ka bang -- ayos ka na anak? Gusto mo ba talagang magsolo na talaga?" tanong pa ng ina na umupo sa tapat niya.

"Ma, three years na kong independent di ba? Akala niyo nga nagasawa na ko eh."

"Ah, sabagay. Kasi naman yung -- yung si Silver ba yun?" tila nabigla si Evie sa narinig kaya natigilan siya sa pagsimsim ng gatas niya. "Makailang beses nagpupunta rito yun dati. Hindi ko malamang kung maiinis ako o maaawa dahil kung kailan wala ka na dito, saka siya punta ng punta." napapailing pa ang ina niya.

Batid ni Evie na nagpunta si Silver sa bahay nilang ito noong nagkahiwalay na sila. Kagaya ng ina, hindi niya rin mawari kung maiinis o maaawa siya rito.

"Nako! Huwag mo na ngang mabanggit-banggit ang lalaking yan! Kung nandito lang ako noong nagpupunta siya, talagang tinupi ko sa walo yun." medyo inis namang saad ng ama ni Evie sa sinabi ng ina niya.

"Eto naman, mabait naman yung bata. Hindi ko nga akalaing siya iyon."

"Kahit na! Kumukulo ang dugo ko sa lalaking yun kapag naalala ko ang nangyari sa anak natin dun eh." halata pa rin rito ang pagkainis. "Ikaw, Evie ah. Tigil-tigilin mo na ang lalaking yun! Mag-move on ka na! Sinaktan ka na noon, hindi malabong gawin niya ulit yun sayo!"

"Pa.."

"Nagkita na ba kayo anak?" baka sakaling tanong pa ng ina niya na kinabigla niya. Hindi niya malaman kung aamin siya rito o hindi pero sa huli, gayun din ang ginawa niya.

"Opo, ma. Nag -- nagkasama na kami." nagaalangan pa niyang pagsagot.

"Aba't talagang -- ayaw talaga tumigil ng lalaking yan sa panggugulo sayo ah?" bumaling ito sa asawa. "Sinabihan mo ba talaga noon yang lalaking yan na tigilan na si Evie at huwag ng hanapin pa?"

"Oo, pero para namang mapipigilan mo yun?"

"Ma, pa, aksidente lang ang pagkikita namin noon. Nagkataong -- naging kliyente siya ng kompanyang pinagtatrabahuan ko kaya -- nagkita kami."

Sabay pang bumaling sa kanya ang mga magulang na tila nagaabang ng sasabihin pa niya.

"Oh tapos?" sabay pang tanong nito.

"Tapos ano po -- ayun.." alangan pa rin niyang pagkukwento.

"Sabi na nga ba eh! Ano? Ginulo ka na naman? Nagpumilit sayo?!" bulyaw pa ng ama niya.

"Ano, anak? Nagkabalikan kayo?"

Hindi malaman ni Evie kung anong tamang isasagot sa mga ito. Tila nasa hot seat siyang bigla.

"Ahm, ano kasi ma, pa. Sa totoo lang -- nagkabalikan kami --"

"Ooh?" sabay pang reaksyon muli ng mga magulang niya.

"Kaso po --"

"Kaso ano? Iniwan ka na naman? Niloko ka? Ano?! Talagang tatagain ko ang lalaking yan kapag --"

"Pa, hindi sa ganun!" sinusubukan naman niyang pakalmahin ang ama.

"Huminahon ka nga! Matanda na ang anak mo! Oo, na-depressed siya noon dahil kay Silver pero hindi naman ibig sabihin nun ganun pa rin ang mangyayari sa kanya.

"Sinasabi ko na sayo, Evie. Walang mabuting maidudulot sayo ang lalaking yun! Kung hindi ka nagawang panindigan noon, huwag mo ng asahan ngayon!" babala pa ng ama niya na kinabagsak naman ng balikat niya. Hindi dahil sa naniniwala siya rito, kung hindi batid niya ang labis na galit ng ama niya kay Silver.

Inabot naman ng ina niya ang kamay niya ng mapansing tila nanlulumo siya.

"Anak, kung saan ka sasaya, nandito lang ako ah? Kaming pamilya mo. Kung ano pa man pinagdadaanan niyo ni Silver, nasa sayo pa rin ang desisyon. Basta ang sa akin lang, sana yung hindi ka na masasaktan muli dahil sa kanya."

Bahagyang nangiti lang si Evie sa ina habang napapaisip na naman ng kung anong dapat gawin. Ngayong batid na ng buong pamilya niya ang patungkol sa kanila ni Silver, papaano pa kaya niya ipapaliwanag rito ang buong katotohanan? Matatanggap rin kaya ng pamilya niya ang patungkol rito?

HABANG nagaayos si Evie ng kanyang mga gamit at damit sa kwarto niya, napansin niyang biglang tumayo si Steve mula sa pagkakahiga sa sahig. Nililingon-lingon ito ni Evie dahil wala naman siyang naririnig na kakaiba.

Arf!

Tila nagtatahol na naging sabik si Steve, paikot-ikot ito na hindi mapakali.

"Steve bakit?"

Tumapat ito sa may pintuan niya na tila gustong-gustong lumabas dahil kumakalabit sa pinto, kaya binuksan iyon ni Evie.

Nagtaka naman siya dahil kapapalabas niya lang rito kanina para makadumi at ihi pero hinayaan na lang din niya.

Halos manakbo ito at nagtatahol, hindi naman mukhang galit dahil tila nasasabik at panay kawag ng buntot.

"Ano ba yun Steve? Wala namang nasa labas ah?"

Binuksan ni Evie ang pinto hanggang sa gate dahil gusto talagang lumabas ni Steve kaya hinayaan naman niya. Sinundan na lamang niya ito ng paglalakad.

"Steve! Huwag masyadong -- ay talaga naman." biglang nanakbo si Steve hanggang sa malayo na ito palayo sa kanya kaya bahagya siyang nanakbo rin para sundan ito. "Steve!"

NANG tuluyang bumuti ang lagay ni Silver, kaagad rin siya nagpasyang magbyaheng muli. Patungo siya ngayon kung saan sa tingin niyang dapat noon una pa lamang ay nagawa na niya.

Habang nagmamanehonay tinatantsa niya rin ang sarili kung makakaramdam siya ng hindi maganda, mabuti na lamang at may auto-pilot ang sasakyang ginamit niya para kung sakaling hindi niya kayanin ay makakaandar pa rin siya.

Binaybay niya ang mga kalsada kung saan nakabisado na niya ang mga daan sa loob ng ilang taong pabalik-balik siya rito, nagbabakasakali noong makita pa rin ang minamahal.

At ngayon nga ay nagbabakasakali muli siyang pumunta sa lugar kung saan dapat ay noon pa niya napuntahan noong una pa lamang.

Wala pa siya sa pinaka destinasyon ay naihinto na ni Silver ang sasakyan sa kalayuan, sa isang basketball court at playground area ng subdibisyong pinuntahan.

Panay hugot siya ng hangin dahil simula ng umalis siya sa apartment ni Evie ay hindi na nawala ang panlalamig ng mga kamay at paa niya dahil sa kaba. Nagbabakasakali lang siya, pero malakas pa rin ang paniniwala niya.

Lumipas ang ilang minuto, nagpasya na siyang lumabas ng kotse at lumanghap ng sariwang hangin ng lugar. It's been awhile.

Minasdan niya ang kapaligirang tahimik at walang ibang tao o mga batang nasa paligid.

Arf!

Bumasag ng gulumihani niya ang isang palakas ng palakas na pagkahol ng aso kaya lumibot siya ng paningin.

Halos maningkit ang mga mata niya ng may matanaw na tila pamilyar sa kanya.

"Steve?" nanakbong sabik ang asong halatang sa kanya patungo. "Stevey! Come here boy!" pagtawag na niya rito hanggang sa makalapit ang aso sa kanya. Dinambahan kaagad siya nito bilang pagsalubong na halata ang pagkasabik sa kanya na kay tagal nilang hindi nagkita. "My goodness! You're here baby." paghimas at yakap din ni Silver rito.

Pero kaagad siyang natigilan ng may matanaw sa hindi rin kalayuan, kaagad siyang umayos ng tayo at bahagyang ngumiti bilang pagsalubong na papalapit na si Evie.

"He -- hey?" kaswal na bati nito ng makalapit kay Silver.

"Mommy.."

"You're here."

Tumungo-tungo naman si Silver na hindi na napigilang matuwa kaya sinunggaban niya ng mahigpit na yakap si Evie.

"I missed you."

Napayakap na lamang din si Evie sa kanya na halatang nananabik din. Ibinaon nila ang mukha sa isa't isa habang mahigpit na magkayakap.

"I'm sorry, I left you--"

"Shh.. It's okay. I finally found you -- again." halos mangilid ang mga luha ni Silver ngunit pinipigilan niya.

Naghiwalay sila ng pagkakayakap at marahang tumingin sa isa't isa. Hinaplos ni Silver ang pisngi nito kaya napangiti ng bahagya si Evie sa kanya.

"I have something to tell you --"

"Shh!" pinatahimik niya ito sa pamamagitan ng paglapat ng hintuturo sa labi ng binata. "Before you say anything else, I just want you to know something."

Huminga ng malalim si Evie na hindi naman nila inaalis ang pagkakatingin sa isa't isa.

"I'm sorry if -- if it took some time but trust me, this is what I really want to do so."

Hinaplos naman din ni Evie ang kanang pisngi ni Silver.

"I -- I choose you."

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

    Last Updated : 2021-08-27
  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

    Last Updated : 2021-08-28
  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

    Last Updated : 2021-08-29
  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

    Last Updated : 2021-08-30
  • As You Needed   Prologue

    "YES MR. CHAIRMAN, I'll tell that to sir Benjamin."Nagmamadaling naglalakad papasok sa Starbucks coffee si Evie habang nakaipit lang sa balikat niya ang phone habang kausap nito ang chairman ng Yu Solar Panels Inc.Kaagad siyang pumila sa likod ng mga taong nakatayo sa counter habang dinudukot sa bag niya ang wallet niya."Sure, Mr. Chairman. I'll email the details first thing in this morning when I get to the office. -- The Consuji Constructions emailed me the order requests and I sent them the quotation. It has been approved by sir Benjamin."Patuloy nitong pagkausap sa phone niya habang umuusad naman ang pila. Nakapaling pa rin pakaliwa ang ulo niya para maipit ng balikat niya ang phone habang hinahalukay naman niya sa Italian hand-stitched shoulder bag niya ang reddish plum matte shade na favorite lipstick niya. Dinukot niya rin ang face powder niya at binuksan para makapagpasalamin doon habang kaunting naglalakad sa pausad namang pila."Sir B

    Last Updated : 2021-05-08
  • As You Needed   Chapter 1

    HABANG ABALA si Evie sa pagsasalansan ng mga papeles sa bawat folder nito na gagamitin sa bidding ni director, halos hindi naman na siya makaupo sa limang set ng legal files, quotations at certificates na hinanda niya. Madalas niya rin itong ginagawa kaya kahit marami pang requirements ay set ang kailanganin ay nagagawa naman din niyang lahat bago ang deadline. "Huy! Magpahinga ka naman! Kung makakayod ka diyan, para kang may binubuhay!" tila pagbibiro pa ni Benjamin ng nakadungaw sa cubicle niya. Mukhang nainip na ito sa opisina niya. "Tapos mo na bang review-hin ang requirements na nandito? Galingan mong makuha yung project sa bidding ah. Makaka-quota kaagad tayo nun second quarter palang." medyo seryoso naman niyang saad habang hindi pa rin tumitigil sa paglalagay ng papel sa folders. "Ang baba nga ng budget nila, hindi kaya lugi naman tayo dun?" "Eh di bawasan mo ng freebies! Saka, bagong housing projects yun, malay mo sa susunod nilang projects s

    Last Updated : 2021-05-08
  • As You Needed   Chapter 2

    INAAYOS NI EVIE ang conference room dahil nag-confirm na sa kanila kahapon ang sekretarya ng may-ari ng S.A Constructions Company. Ngayong araw naka-schedule ang visiting meeting nito kung kaya't matapos ang mga ginagawa niyang quotations ay sinimulan na niyang ayusin ito para sa presentation nila. Nasa kanya na rin ang mga gagamiting PowerPoint presentation ng mga engineers nila para sa presentation ng mga gagawing buildings nito sa Palawan. Na-send na rin sa kanya ang kinakailangan ng S.A Constructions kung kaya't na-relate na rin niya ito sa engineers at sa boss niyang si Benjamin. "Miss Evie? How about our snacks po? What would you like?" tanong ni Fe na isang product expert nila. "Ahm, tuna sandwiches at donuts na lang. And of course coffee. Don't forget the bottled waters ah. Baka oozy yung mga yun at hindi umiinom ng tubig from dispenser." sagot lang ni Evie rito habang inaayos ang projector. "Copy, miss Evie. Darating din ba si chairman?"

    Last Updated : 2021-05-08
  • As You Needed   Chapter 4

    HABANG NASA SASAKYAN sina Silver kasama ang driver nito at ang sekretaryang si Matt, tila malalim niyang iniisip kung papaano nagkataong doon din nagtatrabaho na pala si Evie."Matt?""Sir?""You have Evie's number, don't you?""Po?" napalingon naman si Matt sa likuran dahil nakaupo siya sa tabi ng driver ni Silver."Yung sekretarya ni Benjamin Yu.""Ahh, yung sekretarya niya po? Opo, tinawagan niya ako kahapon eh.""I-forward mo nga sa akin.""Sige po, Sir."At nanahimik na lamang muli si Silver.Pagkahatid nila kay Matt sa sakayan nito pauwi, nagpadiretsong uwi na lamang din si Silver.Dumiretsong shower siya at lumabas na tanging bath robe lang ang suot.Kinuha niya ang isang bote ng green label at pumuwesto siya sa veranda ng condo unit. Tanaw niya ang halos kabuuan ng Pasig sa taas nito. Naupo siya roon at sinimulan ng inumin magisa ang alak niya.Nakatingin lang siya sa kawalan, sa madil

    Last Updated : 2021-06-26

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status