"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw.
Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog.
"Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag.
"Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya.
Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan.
"Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya.
Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais niya sanang intayin nga itong magising ngunit sa pagkakakilala niya rin rito, mamaya pa yun babangon. Lalo na't napuyat at napagod sila kagabi.
Nakisalo na nga ng almusal si Silver sa pamilya ni Evie, kahit naiilang siyang kumilos, pinilit niyang magpakapormal na lamang.
"Taga saan ka nga ulit, Silver? Nalilito kasi ako noon kapag nagkukwento si Evie, paiba-iba ng lugar."
"Ahm, sa Pangasinan na po ako lumaki. Paiba-iba po talaga ako ng bahay kasi -- nasa real estate din po ang negosyo ko."
"Ahh, so NPA ka pala? Haha!" pagbibiro pa ni Evette rito.
"Parang ganun na nga." nangingiti na lamang ding tugon ni Silver.
"Eh paano kayo nagtagpo ulit ni Evie sa trabaho?" usisa pa ng ina nila.
"Ahm, nagkataon pong naging kliyente ako ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Evie. May construction company rin po kasi ako, sa Pasig po ang isang branch."
"Ahh kaya.." sabay pang tugon ni Evette at ang ina nila sa sagot ni Silver. Samantalang ang ama ay seryoso pa rin ang reaksyon habang nakikinig sa kanila.
Maya-maya ay nakarinig si Silver ng mga yabag mula sa hagdanan kaya kaagad siyang lumingon roon. Kaagad na umaliwalas ang mukha niya ng makita si Evie na pumupungas-pungas pang bumababa ng hagdan.
"Oh! Kain na Evie!" pagtawag ng ina niya.
Medyo magulo pa ang buhok ngunit bagong hilamos na ito, halatang namumugto ang mata dahil sa puyat ngunit pilit na dumidilat.
Salubong kaagad ng ngiti si Silver rito kaya pasimpleng ngumiti rin ito sa kanya. Naalala niya ang lahat ng ginawa nila kagabi na kahit pa napagod at napuyat sila, it's all worth it naman.
Matapos magtimpla ng kape, naupo si Evie sa tabi ni Silver at kaagad naman siyang pinaglagyan pa ng pagkain nito.
Madaling araw na ng humapo sila sa pagiisa kagabi, kaagad na nakatulog si Evie kaya hindi na niya namalayan ang paglabas ni Silver sa kwarto niya. Iniwan pa siyang hubad nito sa kama at tanging kumot lang ang bumabalot sa katawan niya.
"Ate, sabi mo sasamahan mo ko ngayon sa pedia? Check up ni Evren." saad ni Evette kaya napatingin sa kanya ang kapatid.
"Ngayon ba yun?" tila nabigla rin si Evie habang patuloy pa rin sa pagkain.
"Oo kaya, uy kuya Silver? Sama ka!"
"Ahm, sige ba."
Nagpatuloy ang pagkain nila ng almusal hanggang sina Evie at Silver muli ang naglinis at ligpit ng kanilang kinainan.
Napansin ni Evie na panay hikab pa rin si Silver habang pilit idinidilat ang mga mata.
"Masyadong maaga kang nagising, daddy. Maaga kasi talaga sila mama at papa nagigising din eh." komento pa nito habang naghuhugas na ng kamay matapos maghugas ng pinagkainan. Nakatayo ulit sa tabi niya at sandal sa kitchen counter si Silver.
"Oo nga eh. Nahiya naman ako kaya bumangon na ko."
"Gusto mo bang matulog ulit?"
Napatingin naman si Silver sa kanya.
"Eh paano? Nasa salas ang tatay niyo."
Natatawa naman ito sa kanya dahil halatang pagod at inaantok pa rin ito. Batid rin niyang mas pagod ito sa kanya, ni hindi pa nakatulog ng maayos dahil hindi masyadong komportable sa sofa.
"Sa kwarto ko ikaw matulog."
"Hmm? Baka hindi pumayag --"
"Hindi yan! Saka aalis naman kami ni Evette eh."
"Oo nga pala --"
"Okay lang, magpahinga ka na lang daddy. Bumawi ka ng tulog, nandito na siguro kami bago ka magising."
Gayun nga ang ginawa ni Silver, nakita man ng ama nila ang pagpanik niya sa kwarto ni Evie ngunit wala naman naging pagtutol mula rito.
Kaagad siyang nahiga sa kama ni Evie at inunat mabuti ang katawan.
"Hay ang sarap mahiga!" bumaling naman ito kay Evie na ngayo'y naggagayak na. "Mas masarap kapag katabi kita, mommy."
Lumapit naman si Evie rito at naupo sa gilid ng kama niya.
"Nakarami ka na kagabi." paghalik pa nito sa labi ni Silver.
"Bitin pa nga yun eh."
"Oh sya! Magpahinga ka dito, bumawi ka ng tulog. Sabihin ko na lang Evette na hindi ka nga nakatulog ng maayos."
"Bilisan niyo ah, mami-miss kita kaagad." pagyakap pa nito sa beywang ni Evie habang nakapaghiga pa rin sa kama.
"Uuwi kaagad kami."
"I love you, mommy. Akin ka lang ah?" tila paglalambing nito na parang isang bata.
"Sayo lang daddy, I love you more." paghalik pa nito sa ulo ni Silver. Tumingala naman ito sa kanya upang maghalik ulit sila sa labi.
LUMABAS na si Evie ng silid niya dahil baka kung saan pa muli mauwi ang halikan nila ni Silver.
Umalis na sila ng kapatid at pamangkin rito patungo sa ospital, siya na lamang din ang nagmaneho.
Mula sa labas ng silid ng pedia clinic, nakaupo siya sa waiting seats. Isang magulang lamang ng batang ipapakonsulta ang maaaring makapasok sa loob.
Nakita niya ang iilang nanay na karga ang mga anak, mayroon ding magasawa ang nagiintay muna sa labas kasama niya sa waiting seats.
Hindi niya maiwasang maalala ang batang inaruga na si Toffer. Nakaramdam siya ng lungkot at pagka-miss rito. Kahit pa hindi ito nanggaling sa kanya, napamahal na siya rito kahit sa loob lang ng maikling panahon.
Dahil rito, mas lalong lumalim ang pagunawa niya sa pagmamahal. Tinulungan din siya ng bata na mapagtanto niya kung gaano niya kamahal si Silver dahil kahit pa hindi naman din totoong anak ito ni Silver, natutunan niya iyon tanggapin ng buo sa bandang huli.
She wonder how it really feels like to have an own child. Or children.
Habang minamasid ang ibang pasyenteng naroon, may isang buntis kasama ang asawa nito na dumaan sa harapan niya. Napatingin siya rito at nasundan ng tingin, pumasok ito sa katabing silid na oby-gyne clinic.
Hindi niya napigilang isipin kung ano rin kaya ang pakiramdam ng magdalang tao. Napahawak pa siya sa tiyan at ito ang nasa isip.
Kailan kaya kami magkakaanak ni Silver?
Simula ng may mangyari sa kanila ni Silver ay inaasahan na niya ang bagay na iyon dahil ni hindi sila gumagamit ng proteksyon. Hindi rin siya umiinom ng pills o nagpapaturok ng contraceptives. Laging sa loob naman din pinuputok ni Silver ang semilya niya dahil yun din ang balak nito, ang mabuntis na siya.
Ngunit sa ilang buwan na iyon ay parang wala pa namang nagbabago sa katawan niya, dinadatnan pa rin siya buwan-buwan. Na kahit naging komplikado ang sitwasyon nila, nais pa rin niyang magkaroon din sila ng anak.
Yun din kasi ang pangarap ni Silver kasama siya, magkaroon ng sarili nilang anak. Simula kasi ng matuklasan nila ang sakit ni Silver ay nagkaroon ito ng agam-agam. Mabuti na lamang ngayon ay tanggap na rin nito ang tungkol sa sakit niya at nais na muling magkapamilya sila ni Evie.
MATAPOS nila sa clinic ay nag-aya namang pumunta sa mall si Evette upang maipasyal na rin ang anak. Balak naman din bilihan ni Evie ito ng ilang gamit dahil hindi pa niya ito nagagawa sa sariling pamangkin.
"Kamusta na nga rin kaya yung batang inalagaan mo, ate? Grabe noh? Hindi ko rin malaman kung sayang na hindi anak ni kuya Silver yun, o mabuti na lang hindi niya anak yun!" saad pa ni Evette habang karga ang anak.
Nangiti na lamang din si Evie ng maalala ang mga panahong nasa kanya pa ang mga bata. Siya naman ang nagtutulak ng stroller ng pamangkin habang naglalakad sila sa mall.
"Pero nami-miss ko siya."
"Ayt? Gumawa na lang kayo ng anak niyo! Dun! Doon niyo ibuhos ang lahat ng pagmamahal niyo!"
"Nasa plano rin naman namin yun. Kung ibigay na sa amin, eh di tatanggapin namin ng buo."
"Oo nga pero -- kailangan niyo balak magpakasal? Teka? Nag-propose na ba siya sayo?" sunod-sunod pang tanong nito.
"Wala pa. Saka, ayoko namang pakasalan din niya ako dahil nabuntis niya ako. Kung pakakasalan man niya ako, dapat yung talagang mahal niya ako."
"Ay sus! Halata namang mahal na mahal ka nun! Muntik na nga rin sumalo ng taga ni papa! Na-miss ko tuloy ang babyloves ko! Galing umiwas sa pagtaga ni papa eh noh? Hahaha!"
"Oo nga! Hahaha!"
At nagtawanan naman silang magkapatid ng maalala ang eksena noon ng kapatid ang asawa na nito ngayon. Noong pinaalam kasi ni Evette at ng kasintahan palang niyang asawa noon ang tungkol sa pagbubuntis niya, hinabol talaga ng itak ng tatay nila ito. Mabuti na lamang ay mabilis itong nakakailag at takbo hanggang sa napagod ang ama nila.
"Pero ate, I'm happy you're okay na. Na okay na kayo ni Silver. Since then, alam ko namang kayo rin magkakatuluyan. Kahit pa hindi naging madali para sa inyo noong una."
"Hi -- hindi ko nga rin akalain. Pero -- hindi naman siya nawala dito." pagturo pa niya sa dibdib. "Kahit nagkahiwalay kami noon, siya pa rin ang laman nito."
"I hope you'll be truly happy, ate. Deserve niyo yun ni kuya Silver."
Nagpatuloy sila sa pagiikot sa mall hanggang sa lahat ng magustuhan ni Evie para sa pamangkin ay binili niya. Natuwa na lamang din ang kapatid niya dahil masyado niyang inii-spoiled ang pamangkin.
Nais lang din makabawi ni Evie rito dahil sa mga panahong hindi ito nakasama dahil malayo siya sa mga ito.
MAHIMBING na nakatulog si Silver ngunit makalipas lang ng dalawang oras ay nagising rin siya. Hindi niya alam kung bakit pero nakakaramdam pa rin siya ng antok.
Lumabas siya ng silid ni Evie upang makapagbanyo, paglabas niya ay natanaw niya ang ama ni Evie mula sa bintana sa may garahe na mukhang nagkakalikot kumpuni ng lumang sasakyan nito.
Isang uri ng vintage car ang isa sa pagmamay-aring kotse ng ama ni Evie, kahit luma na ay umaandar pa rin naman ito. Naging paboritong libangan ng ama nito na kalikutin iyon at magbutingting ng mga pyesa habang nililinisan.
Lumabas siya sa garahe at pasimpleng lumapit sa ama ni Evie. Minasdan niya ang ginagawa nitong paglilinis.
"1991 po?" panimulang tanong niya rito.
Napatigil ito at tingin sa kanya na tila nagtataka.
"Yu -- yung model po ng kotse. Pang 1991 model po kasi." nahihiya naman na niyang saad.
Tiningnan pa siya nitong mabuti habang salubong pa rin ang makakapal na kilay, no doubt na dito nagmana si Evie ng maganda at makapal na kilay at pilikmata.
"Oo, paano mo nalaman?" seryosong tugon naman nito.
"Ahm, mahilig rin po kasi sa vintage cars ang papa ko. Noong namatay siya, napunta sa akin lahat yun. Naalagaan ko pa naman po yung iba, pero yung iba nabenta ko na rin." paliwanag pa niya.
"Talaga? Marami ka palang vintage cars? Akala ko -- puro yung mga expensive cars na sa ngayon ang hilig mo. Eh mahihina makina ng ganun."
"Ahm, medyo lang po. Pero mas nagagandahan pa rin po ako sa vintage cars." mas lumapit siya sa makina ng sasakyan at sinuri ito. "Orig pa po lahat ng pyesa noh? Wala na po nyan dito sa Pinas eh."
"Sinabi mo pa! Ino-order ko pa sa Japan mga mapalit dyan."
Tila nagkaroon naman ng parehong interes sina Silver at ang ama ni Evie na maaari niyang gamitin upang mapalapit rito.
Nagkakwentuhan sila patungkol sa iba't ibang uri ng vintage cars mula sa mura at pinaka mahal. Napagusapan rin nila ang modern expensive cars at tila nabigla ang ama ni Evie na alam lahat ito Silver. Ngunit mas kinabigla niya na karamihan sa mga sasakyang ito ay pagmamay-ari na rin ni Silver.
Hindi na nakabalik ng kwarto si Silver upang matulog sanang muli dahil nawili na rin siya makipagkwentuhan sa ama ni Evie. Mukhang nagkakagaanan na sila ng loob kaya may biglang pumasok sa isip na niya.
"Next time po, yung paborito kong 1968 300SEL Mercedes-Benz ang dadalahin ko po dito para makita niyo."
"Good condition pa yun? Makakabyahe pa mula Pangasinan?" halos hindi makapaniwalang tanong pa nito.
"Opo, pwedeng-pwede niyo pong i-test drive."
"Sabi mo yan ah?"
Hindi naman mapigilan ni Silver ang matuwa dahil mukhang nagkakapalagayang loob na sila ng ama ni Evie. Takot pa rin siya rito kaya ayaw niyang mag-assume kaagad, pero natutuwa siya at kinakausap na siya nito ng walang halong pagbabanta.
"Tanghalian na! Kumain muna tayo! Tiyak sa labas na kakain mga yun." pagaaya na ng ina ni Evie sa kanila na nasa garahe, kaagad rin naman silang pumasok.
Naiilang man, wala rin namang pagpipilian si Silver kung hindi sumabay sa pananghalian kasalo ang mga magulang ni Evie. Hinainan sila ng sinigang at sa unang higop palang niya ng sabaw, alam niyang mapaparami na siya dahil sa sobrang sarap kahit pa napakaasim.
Tama nga ang sinabi ni Evie sa kanya noon, masarap magluto ang mama niya. At ganitong klaseng luto ng sinigang nag gusto niya.
Kapansin-pansin rin ang gana kumain ng ama ni Evie kaya mas lalo siyang ginaganahan kumain.
"Dahan-dahan lang --" tugon nito sa asawa bago bumaling sa kanya. "Kain pa Silver, marami pang kanin at ulam."
"Sige po. Sobrang sarap po ng sinigang niyo, tita."
"Ay sus! Alam ko na yan! Haha!" at kinangiti na lamang din niya ito bago kumain muli.
"Pero huwag niyo po sasabihin kay Evie na mas nasarapan po ako sa sinigang niyo ah? Baka magtampo, hindi na ko lutuan." biro niya pa rito na kinatawa lang din nila.
"Nako! Mabuti nga't marunong ng magluto ang batang yun! Nakatulong siguro yung pagtira niya mag-isa, mas natuto sa buhay."
"Pero hindi na po siya mag-iisa ngayon. Palagi na po kami magkasama."
Napatingin naman sa kanya ang ama ni Evie na bumabalik ang pagkaseryoso ng mukha. Pasimple itong tumuturo sa kanya at iniintay maubos ang nginunguya bago nakapagsalita.
"Ikaw -- huwag mong kalilimutan mga sinabi ko sayo. Sa oras na umiyak at masaktan ulit yang si Evie, babalatan talaga kita ng buhay gamit yung itak ko."
Hindi malaman ni Silver kung bakit imbes matakot ay nagpipigil pa ito ngiti sa sinabi sa kanya.
"O -- opo. Pangako po."
"Hay! Kumain na nga lang muna kayo dyan!"
NATAPOS ang tanghalian nila ay naiwan sa kusina ang ina ni Evie para makapagligpit. Bumalik naman sa garahe ang ama ni Evie at siya naman ay pinakain muna si Steve bago naligo.
Pagkatapos niya ay tila panay hinga niya ng malalim bago tuluyang lumabas ng kwarto ni Evie. Bumaba siya at dumiretso muling garahe kung nasaan ang ama pa rin ni Evie at naroon na rin ang asawa nito.
Naabutan niyang pinupunasan ng pawis sa likod ng ina ni Evie ang asawa habang nakatayo ito.
"Kanina ka pa dito, maligo ka na nga dun!"
"Sabay na tayo."
"Hmm.."
Halatang naglalambingan ang mga ito kaya hindi muna siya lumapit, hindi niya mapigilan mangiti dahil mai-imagine niya na sana ganito rin sila ni Evie pagdating ng panahon.
Makalipas ng ilang minuto ay lumabas na rin siya sa pinagtataguan para harapin ang mga ito.
"Oh Silver, hindi pa ba nagti-text sina Evie kung pauwi na?" bungad na tanong ng ina nito sa kanya.
"Wala pa po eh." doon niya napagtanto kung bakit wala man lang nga update sa kanya si Evie kung nasaan na pero hinayaan na lamang niya. "Ahm, tito, tita. Busy pa po ba kayo?" halatang nahihiya niyang tanong.
Napatingin naman sa kanya ang magasawa na tila may pagtataka.
"Pu -- pwede ko po ba kayong makausap na dalawa? Habang -- habang wala pa sina Evie."
"Tungkol naman saan?" mabilis namang tanong din ng ama ni Evie habang seryosong nakatingin sa kanya.
"Kay -- kay Evie po."
Nagkatinginan naman ang magasawa na tila wala naman ding ideya kung bakit at kung anong tungkol kay Evie ang nais nitong pagusapan nila.
Tumayo ang ama ni Evie at nakasunod naman ang asawa nito.
"Maliligo lang kami, doon tayo sa salas." saad lang nito saka nilampasan si Silver papasok ng bahay. Gayun din ang ginawa ng ina ni Evie.
Halatang kinakabahan ngunit kailangan magbakasakali ni Silver dahil ngayon lang din siya nagkaroon ng pagkakataong masolo ang mga ito.
Nagintay na lamang din sa salas si Silver, panay galaw siya ng mga paa na tila naiinip ngunit kinakabahan. Nanlalamig rin ang talampakan at kamay niya na panay himas sa may tuhod niya habang nakaupo sa sofa.
Makalipas ang ilang minuto, naunang bumaba ang ina ni Evie at dumiretso ng kusina. Mukhang nagtimpla ito ng kape dahil naaamoy na niya iyon mula palang sa kusina.
Sunod naman ang ama ni Evie na seryoso pa rin ang reaksyon habang bumaba ng hagdanan. Sinalubong ito ni Silver ng tingin at gayun din ito sa kanya hanggang sa makaupo ito sa sofa sa tapat niya.
"Oh, kape muna tayo." paglagay na ng ginang sa mga tasa ng kape sa coffee table.
"Ano bang gusto mong pagusapan, hijo? May problema ba kayo ni Evie?"
"Ahm, wala naman po. Pero --" tila mas lalong nanginig ang kamay ni Silver ng aktwal na siyang nagsasalita sa harap nito kaysa kanina habang nagpapraktis lang siya.
"Pero ano?"
"Gusto ko po sanang hingiin ang permiso niyong -- magsama na kami ni Evie." alam niyang parang hindi tama ngunit nais pa rin niyang maging tapat sa mga ito. Ayaw naman niyang ilihim ni Evie ang pagsasama nila.
"Ano? Magli-live in na kayo?!" tila nagulat pang saad ng ginang.
"At bakit ha?!"
"Kasi po -- gusto ko ring humingi ng basbas po sa inyo. Wala na po ang papa ko, yung totoo mama ko po nasa malayo na at may ibang pamilya na rin. Yung stepmother ko po alam na rin po ang tungkol sa amin ni Evie. Kaya po ngayon, gusto ko na rin po ipaalam sa inyo na -- balak ko pong pakasalan ang anak niyo."
Nabigla ang ina ni Evie habang tila walang imik ang ama naman nito.
"Si -- sigurado ka na ba dyan hijo? Hindi ba't napakabilis naman yata? Kakabalikan niyo lang --"
"Opo, pero sigurado na po ako matagal na. Noong unang naging kami palang ni Evie, alam ko sa sarili kong siya na talaga ang babaeng gusto kong makasama habang buhay. -- alam ko po malaki ang nagawa kong kasalanan sa kanya kaya nagkahiwalay kami but -- I'll grabe this opportunity now to make things right at this time. "
Lalong sumeryoso ang mukha ng ama ni Evie ngunit hindi makatingin kay Silver dahil tila kay lalim ng iniisip. Nabibigla pa rin ang ginang at napapaisip rin.
"Mahirap po siguro sa inyong pagkatiwalaan akong ulit pero nangangako po ako, hinding-hindi ko po sasaktan si Evie."
"Baka nabibigla ka lang?" tanong sa wakas ng ama ni Evie.
"Hindi po, tito. Ito po talaga ang matagal ko ng gustong gawin. At ngayong tuluyan na kami nagkaayos ni Evie, ito naman po talaga ang plano ko na."
"Ito rin kaya ang gusto ni Evie?"
"Ayoko pong makampante pero hindi ko pa po siya natatanong. Mahalaga po sa aking makuha muna ang -- ang blessing niyo po na pakasalan siya."
Napatungo-tungo naman ang ama ni Evie na tila napapaisip.
"Ahm, na-appreciate naman namin ang paghingi mo muna ng blessings, hijo. Matanda na si Evie, nasa sa kanya pa rin naman ang desisyon. Pero kung mahalaga sayo ito, I'll give you my blessings." pagngiti pa nito kay Silver.
Nais na sanang tumalon sa tuwa ni Silver ng marinig ang sinabi ng ina ni Evie ngunit napabaling kaagad siya sa ama nito na seryoso pa rin ang reaksyon. Tila nagiintay siya kung ano ang sasabihin nito sa kanya.
"May isa lang akong kondisyon sayo." seryoso pa ring saad nito.
"Kahit ano po."
"Kapag ayaw mo na sa anak ko, ibalik mo na lang siya sa amin kaysa iwanan bigla."
Napailing naman si Silver rito. "Hinding-hindi po iyon mangyayari. Mahal na mahal ko po ang anak niyo, at gagawin ko ang lahat para hindi na po siya mawala ulit sa akin." sinseridad niya ring sagot sa ama ni Evie na hindi inaalis ang pagkakatingin sa mga mata nito.
Napatungo-tungo ulit ang ama ni Evie na tila minamasdan pa si Evie.
"Hmm hay!" buntong hininga pa nito. "Mukhang bibili ulit ako ng bagong pang-Americano ko ah?" saad nito na tila unti-unting nakapagpangiti kay Silver.
Hindi na niya kinubli ang sayang bumalot sa kanya ng mapagtanto ang pagbibigay ng basbas ng mga magulang ni Evie upang mapakasalan na niya ito ng tuluyan.
Napangiti naman na din ng tuluyan ang ginang sa tuwa.
"Th -- thank you po! Thank you po talaga sa tiwala niyo."
"Kailan mo ba balak mag-propose?" natutuwa pang tanong ng ginang sa kanya.
"Hindi ko pa po sigurado eh."
"Sa birthday na lang kaya niya? Malapit na yun." biglang singit ng ama ni Evie na labis na kinatulala ni Silver. Napatingin naman din ito sa kanya. "Oh bakit? Next month na yun, may panahon ka pang mag-prepare!"
Napakurap ng mabilis at lunok ng sariling laway niya si Silver dahil hindi makapaniwalang sumasangayon na sa kanya ang ama ni Evie.
"Ahm, si -- sige po. Tamang-tama po! Para po -- kasama rin po namin kayo."
"Aba dapat lang! Teka? Saan mo ba balak?"
"Gusto ko rin po kasing i-surprise si Evie sa birthday niya. Yun na lang din po siguro ang gagamitin kong pagkakataon."
Napapapalakpak pa sa tuwa ang ginang.
"Nako! Excited na ko!"
"Ako nga rin po, tita."
"Mama. Call me mama too. At itong kalbong toh? --" pagtukoy nito sa katabing asawa. "Papa na lang din itawag mo. Akong bahala sayo." pagtungo pa nito na labis na kinatuwa ni Silver.
"Thank you po ma -- mama, papa."
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
"YES MR. CHAIRMAN, I'll tell that to sir Benjamin."Nagmamadaling naglalakad papasok sa Starbucks coffee si Evie habang nakaipit lang sa balikat niya ang phone habang kausap nito ang chairman ng Yu Solar Panels Inc.Kaagad siyang pumila sa likod ng mga taong nakatayo sa counter habang dinudukot sa bag niya ang wallet niya."Sure, Mr. Chairman. I'll email the details first thing in this morning when I get to the office. -- The Consuji Constructions emailed me the order requests and I sent them the quotation. It has been approved by sir Benjamin."Patuloy nitong pagkausap sa phone niya habang umuusad naman ang pila. Nakapaling pa rin pakaliwa ang ulo niya para maipit ng balikat niya ang phone habang hinahalukay naman niya sa Italian hand-stitched shoulder bag niya ang reddish plum matte shade na favorite lipstick niya. Dinukot niya rin ang face powder niya at binuksan para makapagpasalamin doon habang kaunting naglalakad sa pausad namang pila."Sir B
HABANG ABALA si Evie sa pagsasalansan ng mga papeles sa bawat folder nito na gagamitin sa bidding ni director, halos hindi naman na siya makaupo sa limang set ng legal files, quotations at certificates na hinanda niya. Madalas niya rin itong ginagawa kaya kahit marami pang requirements ay set ang kailanganin ay nagagawa naman din niyang lahat bago ang deadline. "Huy! Magpahinga ka naman! Kung makakayod ka diyan, para kang may binubuhay!" tila pagbibiro pa ni Benjamin ng nakadungaw sa cubicle niya. Mukhang nainip na ito sa opisina niya. "Tapos mo na bang review-hin ang requirements na nandito? Galingan mong makuha yung project sa bidding ah. Makaka-quota kaagad tayo nun second quarter palang." medyo seryoso naman niyang saad habang hindi pa rin tumitigil sa paglalagay ng papel sa folders. "Ang baba nga ng budget nila, hindi kaya lugi naman tayo dun?" "Eh di bawasan mo ng freebies! Saka, bagong housing projects yun, malay mo sa susunod nilang projects s
INAAYOS NI EVIE ang conference room dahil nag-confirm na sa kanila kahapon ang sekretarya ng may-ari ng S.A Constructions Company. Ngayong araw naka-schedule ang visiting meeting nito kung kaya't matapos ang mga ginagawa niyang quotations ay sinimulan na niyang ayusin ito para sa presentation nila. Nasa kanya na rin ang mga gagamiting PowerPoint presentation ng mga engineers nila para sa presentation ng mga gagawing buildings nito sa Palawan. Na-send na rin sa kanya ang kinakailangan ng S.A Constructions kung kaya't na-relate na rin niya ito sa engineers at sa boss niyang si Benjamin. "Miss Evie? How about our snacks po? What would you like?" tanong ni Fe na isang product expert nila. "Ahm, tuna sandwiches at donuts na lang. And of course coffee. Don't forget the bottled waters ah. Baka oozy yung mga yun at hindi umiinom ng tubig from dispenser." sagot lang ni Evie rito habang inaayos ang projector. "Copy, miss Evie. Darating din ba si chairman?"
HABANG NASA SASAKYAN sina Silver kasama ang driver nito at ang sekretaryang si Matt, tila malalim niyang iniisip kung papaano nagkataong doon din nagtatrabaho na pala si Evie."Matt?""Sir?""You have Evie's number, don't you?""Po?" napalingon naman si Matt sa likuran dahil nakaupo siya sa tabi ng driver ni Silver."Yung sekretarya ni Benjamin Yu.""Ahh, yung sekretarya niya po? Opo, tinawagan niya ako kahapon eh.""I-forward mo nga sa akin.""Sige po, Sir."At nanahimik na lamang muli si Silver.Pagkahatid nila kay Matt sa sakayan nito pauwi, nagpadiretsong uwi na lamang din si Silver.Dumiretsong shower siya at lumabas na tanging bath robe lang ang suot.Kinuha niya ang isang bote ng green label at pumuwesto siya sa veranda ng condo unit. Tanaw niya ang halos kabuuan ng Pasig sa taas nito. Naupo siya roon at sinimulan ng inumin magisa ang alak niya.Nakatingin lang siya sa kawalan, sa madil
DAHIL MEDYOOPna si Evie ay tumutok na lamang ito sa phone niya at nagsimulang maglaro ng scrabble.Ilang sandali pa ay dumating naman na ang starters nila at nagsimula na silang kumain ngunit ang usapin ng dalawang lalaki ay hindi pa rin natigil.Kung anu-ano na kaagad ang napagusapan nila at ngayon ay tungkol sa kotse naman.Pareho silang naging kolektor ng mga kotse at alam ni Evie na paniguradong mas doon sila magkakasundo dahil si Silver ay may koleksyon ng vintage at latest cars, habang si Benjamin naman ay ang mga limited edition cars.Hindi siya interesado sa mga ito kaya nabuburyo na siya. Tinutuon na lamang niya ang pansin sa pagkain niya."Are you sure you're gonna eat that shrimp?" saad bigla ni Silver out of nowhere.Napansin siya ni Benjamin kaya nilingon siya dahil akala nito ay siya ang kinakausap ngunit napansin niyang nakatingin ito kay Evie kaya tinabunan niya rin ng tingin ang sekretarya."That
NANG MAISARA NIYA ang pinto ay kaagad siyang nanakbo patungong restroom at pumasok sa isang cubicle na naroon. Sinara niya ang cover at saka naupo roon."Bakit kailangan pa niyang sabihin yun eh alam naman naming hindi niya yun talaga gagawin sa akin! Alam kong hindi naman talaga niya ako hinabol man lang! Ahhhh!" sigaw niya at saka bumuhos na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Hindi na niya mapigilang hindi mapangawa at hikbi ng malakas. Magkakahalong emosyon na naman ang nararamdaman niya ngayon.Bakit kailangan pa rin ni Silver magsinungaling sa kanya para lang masabing may ginawa ito para sa kanya? Hindi rin naman nun maiibsan ang mga sakit na dinulot pa rin sa kanya ng binata."Hindi ko siya mapapatawad!"Halos nanggagalaiti niyang saad pa habang pilit na pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya.Makalipas ng ilang minuto ay napakalma na rin niya ang sarili niya. Pinunasan niyang mabuti ang mata at mukha niya. Baka
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata