Share

Chapter 2

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-05-08 20:25:01

INAAYOS NI EVIE ang conference room dahil nag-confirm na sa kanila kahapon ang sekretarya ng may-ari ng S.A Constructions Company. Ngayong araw naka-schedule ang visiting meeting nito kung kaya't matapos ang mga ginagawa niyang quotations ay sinimulan na niyang ayusin ito para sa presentation nila.

Nasa kanya na rin ang mga gagamiting PowerPoint presentation ng mga engineers nila para sa presentation ng mga gagawing buildings nito sa Palawan. Na-send na rin sa kanya ang kinakailangan ng S.A Constructions kung kaya't na-relate na rin niya ito sa engineers at sa boss niyang si Benjamin.

"Miss Evie? How about our snacks po? What would you like?" tanong ni Fe na isang product expert nila.

"Ahm, tuna sandwiches at donuts na lang. And of course coffee. Don't forget the bottled waters ah. Baka oozy yung mga yun at hindi umiinom ng tubig from dispenser." sagot lang ni Evie rito habang inaayos ang projector.

"Copy, miss Evie. Darating din ba si chairman?"

"Hindi, nasa China pa yun. Kaya kay Ben -- kay director lahat ngayon ang trabaho dito sa bansa. At syempre -- nasa akin din ang kalahati ng mga trabahong yun!"

"Yakang-yaka mo naman yun miss Evie, wala ka nga yatang hindi kinakaya dito sa kompanyang ito? Buti hindi nai-intimidate si director sayo?"

"At bakit naman siya mai-intimidate sa akin? Siya ang anak ng owner at founder ng Yu Solar Panels noh? Siya lang naman ang nagiisang tagapag-mana nito."

"Akala po talaga namin dati nagkakamabutihan na kayo nun ni director? Medyo bagay naman kayo eh?"

"Hahaha!"

Napalapit naman na si Evie sa tabi ng katrabahong si Fe na abala sa laptop nito. Naupos si Evie sa tabi nito at sinilip ang ginagawa sa laptop.

"I admit, Benjamin became really close to me as a friend. As a brother. But I don't think that it will take into something more than that."

Tumungo-tungo naman ito sa kanya na nagpipigil ng ngiti.

"At saka may dini-date yun palagi. Ni hindi nababakante!"

"Ay oo nga eh! Sayang naman! Alam mo, crush na crush ko pa naman si director kasi kamukha siya ni Yoo Seung Ho!" kinikilig-kilig namang komento pa nito.

"Yoo Shong -- ano?"

"Yoo Seung Ho! Oppa superstar yun sa Korea!"

Napairap naman si Evie rito at natatawa na lang.

"Sorry, wala akong hilig sa mga ganyan. Wala akong time!" pagtayo na niya at nagpatay ng ilang ilaw.

"Nako ikaw ah?! Sobrang subsob mo dito sa trabaho, paano ka man lang makakapag-lovelife?! Trenta ka na!"

"Hoy! 29 palang! Sobra ka!"

"Ay 29 palang ba? Hahaha! Ah basta! Malapit ka ng magtrenta! Magasawa ka na!" bulyaw pa nito ngunit mapait siyang napangiti lamang.

Tila may kirot sa dibdib niya kapag naririnig ang salitang pagaasawa. Naalala na naman niyang muli ang nangyari sa kanya noong nakita niya ito sa mall na pinuntahan.

Napahawak naman siya sa kwintas niya at hinimas-himas ito.

Bakit ganito? Bakit hanggang ngayon, nasasaktan pa rin ako? Matagal ng panahon yun!

Malapit ng mag-alas tres ngunit tila wala pa rin ang snacks na pinapabili ni Evie kaya tinatawagan na niya ito.

"Evz? Malapit na raw ang mga taga S.A Constructions, all is well na ba?" bungad ni Benjamin sa cubicle ni Evie.

Humarap si Evie rito habang nakaupo sa swivel chair niya.

"Yung mga snacks na lang sir. Hindi sumasagot sa tawag ko si Fe eh."

"Ganun ba?" tila bumakas naman ang pagaalala nito.

Tumayo na siya at kinuha ang bag.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Susunduin ko na sir, baka may kung anong nangyari na dun kaya hindi makasagot eh."

"Okay sige, dalian niyo ah?"

Nanakbo na si Evie patungong elevator. Nang makarating ng ground floor ay nananakbo na siya sa kotse niya at pinuntahan ang katrabaho.

Habang binabaybay ni Evie ang kalsada patungong mall ay nahagip ng paningin niya ang ilang nagkakagulo at nagsasanhi ng trapik sa lugar. Napamulat siya ng mata ng makita niya ang pamilyar na kotseng naroon.

"Si Fe?"

Kaagad siyang nagmaniobra at pumarada sa likod ng kotse.

"Fe?! Fe!"

"Miss Evie!"

"Anong nangyari rito?" pagaalala niyang paglapit rito dahil mukhang nabangga ang kotseng gamit ng katrabaho. "Ayos ka lang ba?!"

"Opo, miss Evie! Ito kasing suv na toh eh, naka-go pa sa linya ko bigla ba namang humarurot!"

May mga pulis ng naroon dahil nayupi halos ang buong passenger's seat ng kotse ni Fe. Mabuti na lamang ay hindi ito nasaktan at kaunting gasgas sa braso lamang ang natamo.

Nasilip niya ang kotse na mukhang hindi maganda ang lagay at mukhang nasira na rin ang mga dalang pagkain sana nito para sa meeting.

"I'm really sorry, miss Evie. Naiwan ko yung phone sa loob ng bag ko. Naipit yung bag ko sa kotse kaya hindi ako maka-contact sa inyo."

"Shh.. It's okay, asikasuhin mo na lang muna dito, papapuntahin ko si Jay para masamahan ka."

"Paano yung presentation ko?" pagaalala pa rin nito.

Napaisip naman si Evie. Ito pa naman ang nakatokang mag-present sa S.A Constructions.

"Nasa laptop mo yung presentation mo di ba?"

"Oo, nasa desktop lang. Makikita mo agad."

"Sige, ako ng bahala. Tawagan mo ko kung ano nang nangyari sayo dito ah? Pupuntahan kaagad kita pagkatapos ng meeting."

Nagmamadaling nagmaneho si Evie upang makabili muna ng makakain para sa meeting. Sinusubukan niyang tawagan ang boss na si Benjamin ngunit hindi ito sumasagot kaya tinext na lamang niya ang nangyari sa product specialist nila at mahuhuli siya ng ilang minuto dahil kailangan niyang bumili ng makakain.

Halos paliparin na ni Evie ang kotse sa pagmamadali nitong makabalik ng opisina ngunit nagiingat pa rin naman siya dahil naaksidente na ang katrabaho kanina lamang at ayaw naman niyang pati siya ay sapitin yun.

Kahit pa naka-three inches stilettos siya ay halos takbuhin niya ang papuntang elevator.

"Tulungan na po kita, ma'am!"

"Amin na po yan ma'am."

"Ay, thank you."

Pagkuha naman ng dalawang empleyadong lalaki sa mga dala niyang pagkain at bottled water ng makasabay siyang nagiintay ng elevator.

"Sa conference po ba itong lahat ma'am?"

"Ay hindi, sa kitchenette muna sa 5th floor. Iaayos ko muna. Magpapatulong na rin akong i-serve sana yan sa conference din."

"Sure ma'am Evie."

At gayun nga ang ginawa nila. Dali-dali din naman siyang sinamahan ng mga ito sa kitchenette at iniayos ang mga pagkain.

Pagkakaalam niya ay lima mula sa S.A Constructions ang darating, dalawang engineers nito, ang accountant, ang sekretaryang nakausap na nito sa phone at ang owner. Samantalang bukod sa kanya rin ay lima ang haharap na katrabaho niya kasama naroon ang boss niyang si Benjamin, isang engineer, ang installation manager at si Fe sana na product specialist.

"Nasaan po ba si miss Fe? Di ba siya na daw ang bibili kanina nito."

"Naaksidente si Fe. Oo nga pala!" tila may naalala siya kaya napabitiw siya sa ginawang magaayos ng pagkain sa tray at dinukot ang phone sa bulsa ng slack pants niya at may tinawagan.

Lumayo siya ng bahagya at medyo nakalabas sa hallway ng kitchenette.

"Hello Jay? Pwede mo bang puntahan si Fe sa may harap ng Mariotte hotel? -- Oo, sa Mariotte. Naaksidente kasi siya. Nabangga yun kotse niya ng suv habang pabalik rito. Tingin ko didiretso na yun sa malapit na presinto para sa settlement. Pakipuntahan na lang siya dun please? Tapos mag-text ka na lang sakin dahil nasa meeting na ko mamaya. -- okay sige, thank you Jay! "

"Ma'am Evie, okay na po ba toh? Ikayat na natin?"

Napalingon naman si Evie sa co-worker niya.

"Ah, sure. Let's go!"

"MR. ALESSANDRO!"

"Mr. Yu!"

"Nice to finally meet you, Mr. Alessandro. Welcome to the Yu Solar Panels!" magiliw na bati ni Benjamin ng magpangabot ang kamay nila ni Silver upang magkamayan.

"My pleasure is mine, Mr. Yu."

Si Evie ang the usual na sumasalubong sa mga clients o mga investors nila na dumadating sa kompanya, at dahil sa nagka-emergency na kailangan niyang umalis, si Benjamin mismo na lamang ang sumalubong at nag-assist sa mga ito.

"Come on, I'll show you around before we proceed to our meeting." saad pa ni Benjamin at hinaya ang kamay na daanan. Napatingin pa siya sa suot na rolex dahil alam niya ang nangyari sa product specialist niyang si Fe at si Evie naman ay hindi pa nakakabalik.

Upang mabigyan ng oras pa si Evie bago magsimula ang meeting nila, ililibot muna ni Benjamin sa building at sa mga sample ng solar panel room ang taga S.A constructions.

"As I reviewed your request, here are some of the sample of solar panels I've recommended, actually our engineers later will discuss it to you and how does it works. We've also using these on our buildings. You've made a right choice of considering our products." paliwanag pa ni Benjamin habang nadungaw sila sa may bintana ng ground floor dahil tanaw na mula roon ang iba't ibang uri ng solar panels na ginagamit sa malakihang buildings.

Tila nagugustuhan naman ni Silver ang mga pinapakita sa kanila.

Napansin niyang may lumapit kay Benjamin na lalaki at tila may binulong rito.

"Thanks, Kyle. We'll get in there." sagot naman ni Benjamin dito at saka inayos ang sarili. Napalingon muli siya sa mga kliyente at binigyan ng ngiti. "Shall we go to the conference for our meeting?"

"Sure."

"This way please." at ni-lead naman ni Benjamin ang mga ito sa elevator na.

Bukod sa limang taga-S.A Constructions at si Benjamin, may dalawa pang empleyado na nakisabay sa kanila sa elevator paakayat.

Ilang sandali pa ay tumigil sa 3rd floor ang elevator at bumaba ang isang empleyadong nasa harapan nila.

Napansin muli niyang may tinatawagan si Benjamin ngunit wala itong nakausap. Ilang sandali pa ay huminto muli ang elevator sa 5th floor. Nakakaramdam ng hilo si Silver dahil totoong claustrophobic siya at elevator ang isa sa pinaka ayaw niya sanang sinasakyan.

Napasapo ni Silver ang ulo niya at minasahe gamit ang isang kamay. Napapikit din siya ngunit agad din niyang idinilat ang mga mata at hindi niya mawari kung nananaginip na ba siya kaagad.

Tila bumagal na naman ang takbo ng oras ng masilayan na naman ang isang pamilyar na mukha na halos abot kamay na niya. Halos hindi niya napigilang mapanganga, napako ang tingin niya at ang pamilyar na kabog sa dibdib niya ay nagsimula na namang maramdaman.

Nasilayan na naman niya ang katauhan ng babaeng matagal na niyang hinahanap. Muli na naman niya itong nakita. Kahit pa nakapatagilid lang ito sa kanya, ang pustura nito ay kabisado niya. Hindi niya mawari kung panaginip nga ba dahil iba naman na ang kasuotan nito ngayon kumpara sa una niya itong nakita noong nakaraan araw.

Ninais niyang magmadali upang makapunta sa unahan ng elevator ngunit kaagad itong nagsara at tanging pagdaong na lang ng kamay niya sa pinto ang naganap. Napatingin naman sa kanya ang lahat ng kasama sa loob.

"Are you alright, sir?" tanong ng sekretarya niyang nagtataka sa kinilos niya.

"Ah, yeah." bumalik siya sa wisyo niya at napabuntong hininga na lamang. Tila napahiya siya dahil mabilis siyang lumapit sa pinto ngunit napagsarahan na siya nito.

Napahilamos na lamang si Silver ng kamay sa mukha at minasahe muli ang kanyang ulo.

Namamalikmata ba ako?

Nang makarating ng 10th floor, kaagad na hinaya ni Benjamin ang daan papasok sa conference room na pinahanda na lamang niya sa empleyadong si Kyle dahil abala pa si Evie sa ibang gawain. Nasabihan na rin siya nito kanina na narito na si Evie at susunod na lamang sa conference room kaya pinapanik niya roon ang mga kliyente.

"Welcome again, please have a seat gentlemen." puro lalaki ang lahat ng nasa S.A Constructions kabilang na si Silver. Tanging sina Evie at Fe lamang ang babae rin sa team nila ngunit ngayon ay si Evie na lang ang inaasahang dumating.

Nagsipagupuan naman ang mga nasa S.A Constructions at nasa pinakaharapan ng board si Silver. Sa tapat niya naupo si Benjamin rin kasunod ang ilang kasama sa meeting.

"Let's not waste more time, Kyle, please start the presentation first." pagutos naman ni Benjamin rito.

"Yes sir."

Dapat si Fe ang unang magpi-present sana dahil introduction of products ang ipapaliwanag nito bago paguusapan ang offers ng mga engineers patungkol sa needs nila sa construction project.

Nagpatay na ng ilaw sa loob ng conference room at naka-focus na silang lahat sa board kung saan natapat ang projector at presentation.

Nang makarating sina Evie sa 10th floor, alam niyang nagsisimula na ang presentation dahil patay na ilaw roon ngunit may kaunting ilaw na nasisilayan mula sa malabong glass divider ng silid na yun.

Dahan-dahan silang lumapit at binuksan niya ang pinto. Hindi nga siya nagkamali na nagsisimula na sila doon kaya dahan-dahan niyang sinenyasan ang dalawang kasama na maunang pumasok at hatiran ng pagkain ang bawat isang nakaupo.

Napansin na iyon ni Benjamin kaya napalingon ito sa may pintuan at nagkatama na sila ng mga tingin.

Nginitian naman siya ni Benjamin kaya napangiti na lang din siya roon. Dinukot ni Evie ang phone niya na tila may tinext. Naramdaman naman din ni Benjamin na nag-vibrate ang phone niya at sinenyas ni Evie ang phone niya upang tingnan naman ni Benjamin ang phone niya.

Nang ma-gets ni Benjamin ang sinisenyas ng sekretarya ay dinukot naman niya sa loob ng coat niya ang phone at tiningnan kaagad ang tila text ni Evie sa kanya.

I'll take Fe's presentation next.

Hindi napigilan ni Benjamin na mangiti dahil buong akala na niya ay hindi na ito mapi-present dahil sa aksidenteng nangyari kay Fe. Tila nabunutan siya ng tinik sa tuwa dahil si Evie na naman ang sasalo ng mga problema. Hindi niya malaman kung papaano magpapasalamat sa dalaga.

Thank you, Evz! You're amazing!

Ikr :)

Tila napansin naman ni Silver ang pagngiti-ngiti ni Benjamin na nakaupo sa harap niya habang nakatingin sa phone niya. Napansin niya rin ang pagdungaw nito sa bandang likuran nila sa pinto kung kaya't pasimple siyang lumingon doon. Ngunit tanging pasarang pinto lang ang nakita niya dahil lumabas na ang mga naghatid sa kanila ng pagkain kaya bumalik na siya sa panonood ng presentation sa board.

Lumabas muna si Evie ng conference room para kuhanin ang laptop ni Fe na pinalagay na lamang niya sa table niya. Binuksan niya yun at nakita naman niya kaagad ang file kung anong ang presentation. Nire-review niya iyon kahit pa alam rin naman niya ang ibamg details tungkol sa mga produkto nila.

Isang oras ang lumipas ay nag-text muli ang boss sa kanya na patapos na ang presentation ni Kyle at maghanda na siyang sumunod roon.

Dali-dali namang inayos ni Evie muna ang sarili, nag-retouch siya ng face powder at lipstick niya. Nagsuklay rin ng mahaba at kulot niyang buhok at tinali niya ang bandang unahan nito upang hindi nakahambalang sa mukha niya. Nagsuot na siya ng yellow coat niya na complement sa black laced sleeveless blouse niya at black slacks with black stilettos rin.

Pumasok na siya ng conference room na dala ang laptop ni Fe. Naglakad siya sa likuran ng mga clients nila dahil nasa dulo nun malapit ang table kung saan nakakabit ang wires na mag-connect sa projector. Naupo siya sa table at inayos ang pag-connect na nito.

Sumigla ang awra ni Benjamin at inayos pa ang upo ng makita si Evie na nagaayos ng laptop sa table. Nagkatama ang tingin nila at sinenyasan siya ni Evie na magkadikit ang hinlalaki at hintuturo niya at ginaya lang din siya ni Benjamin.

"And that's for my presentation for this project." saad ni Kyle at nagpalakpakan naman silang lahat sa kanya. "Next will be our product specialist's presentation."

Tumayo si Evie at nagtungo sa harapan ng lahat.

"Good afternoon everyone, I'm going to present the Yu's solar panels products in behalf of Miss Fe Hernandez." magiliw niyang bati sa mga ito.

Madalas na itong nagagawa ni Evie, minsan ay ang mismong presentation ng boss niyang si Benjamin ang sinasalo niya kaya confident na rin siya sa pagharap sa mga clients at investors.

Ngunit hindi niya inaasahan na sa araw na ito ay iba ang magigingtakbo ng buhay na niya.

Mabilis nabawi ang confidence sa ngiti ni Evie at tila napako ang stilettos niya sa carpeted floor ng silid. Nanginig ang tuhod niya niya paakyat sa kanyang tyan at dibdib. Nanlalamig na ngayon ang mga kamay niya at napansin ni Benjamin na tila natutulala si Evie. Ni hindi ito nakapagbitaw ng salita kahit pa nakaawang na ang mga labi nito.

Bigla naman nahulugan ng mga folder si Benjamin na pumukaw ng atensyon sa lahat. Napatingin rin sa kanya si Evie na tila binalikan na ng wisyo niya.

"Ah, I'm sorry. I'm sorry." saad ni Benjamin ng inaabot ang mga naglaglagang folder sa gilid niya kaya nawala ang awkwardness ng lahat dahil tila nakay Evie ang atensyon nila.

Mabilis na kumurap-kurap si Evie upang bumalik ang halam na luha sa paligid ng mga mata. Nag-clear throat siya at hinila ang laylayan ng coat niya saka bumalik sa presentation niya.

Halata mang umiiwas siya ng tingin sa lalaking nakita sa harapan niya ngayon, sinikap niyang hindi magpaapekto rito. Pilit man ang mga pagngiti niya upang mapagtakpan ang pagkabigla at kabang nadarama, sinikap niyang hindi ito ipahalata lalo na sa boss niya.

Nagpatuloy si Evie sa presentation na tila nagmamadali na siya dahil hindi na palagay ang sarili niya na matagal siyang minamasdan nito sa harap. Kailangan niyang magpaka-professional at i-set aside ang kanyang personal na nararadaman.

Magpakailang beses siyang nasasamid kahit hindi naman siya nagkakaganito noon kapag nagpi-present at halos kapusin siya ng hininga dahil magkahalong kaba at takot ang nararamdaman niya.

Anong ginagawa niya rito?

Hindi makakaila ni Silver na maganda ang offers sa kanila ng Yu Solar Panels, focus siya sa presentation ng isa sa mga engineer at masasabi niyang impressed na siya sa product offers sa project na sisimulan niya.

Nang napansin niyang may lumapit na sa table sa likuran niya banda dahil mukhang ito na ang next presenter, napalingon siya roon ngunit hindi naman maaninag kung sino ang nakatalikod. Masyado rin magdilim sa silid na hindi rin matukoy ang kulay ng suot nito.

Bumalik na muli siya ng tingin sa presenter sa harapan ng mapansin na naman niyang tila may sinenyasan si Benjamin na nakaupo sa harapan niya sa likuran niya banda at mukhang sa table na naroon.

"Next will be our product specialist's presentation."

At yun ang naging hudyat kay Silver upang pasimpleng sumulyap muli sa likurang bahagi upang makita na ang susunod na magpi-present.

Halos gusto niyang manakbo papalapit roon ngunit napako rin ang sarili sa kinauupuan. Ni hindi niya maalis ang mga tingin sa babaeng nasilayan niyang nasa harapan ngayon.

Ang babaeng tatlong taon niyang pilit sanang kalimutan ngunit patuloy na hinahanap at pagkasahanggang ngayon ay tinatanggi. Ang babaeng palaging laman ng mga panaginip niya. Ang babaeng nakakapagpagulo na naman sa kanyang wisyo at damdamin. Na ang babaeng ngayong abot kamay na niya.

"Good afternoon everyone, I'm going to present the Yu's solar panels products in behalf of Miss Fe Hernandez."

Hindi siya nananaginip na lamang, o namamalikmata. Nasa harapan na niya ngayon ang babaeng walang iba kundi ang dating kasintahan niya ng minahal niya ng lubusan kahit pa ang relasyon nila noon ay kakaiba sa ilan.

Napaangat si Silver sa kinauupuan na halos hindi na siya mapakali. Tila may kung anong umiipit sa kanya at ang kabog ng dibdib niya ay hindi na niya masawata. Hindi siya makapagintay na magtama ang mga mata nila. At hindi nga siya binigo ng tadhana.

Natabunan siya sa wakas ng mga tingin ni Evie at kagaya niya, para itong binuhusan ng malamig na tubig ng makita siya. Alam niyang kilala siya nito. Alam niyang nabigla rin ito sa nangyayari noon. Alam niyang pareho silang hindi makapaniwala na sa loob ng higit isang taon nilang naging relasyon at sa tatlong taon na pagkakawalay, nagkita na sila ng personal, sa wakas.

Alam niyang intimidated na si Evie sa kanya dahil nauutal ito at nasasamid, tila naghahabol rin ito ng hininga at ni hindi muli makatingin sa kanya. Napansin niya rin ang kaunting nginig sa mga kamay nila marahil sa kaba. Hindi niya mapigilang hindi mangilid ang mga luha sa mata habang hindi inaalis ang pagkakatingin sa dalaga. Minasdan niya itong mabuti dahil sa unang pagkakataon, nakita na niya ito ng personal.

Kahit pa madilim ang paligid at tanging ilaw mula sa projector lang ang naroon, hinding-hindi siya nagkakamaling si Evie ito. Labis pa rin ang pagkamangha niya sa dalaga.

"The -- this type of solar panels actually most used in different types and structures of buildings especially around rural area. You know, rural area has much and wider source of sunlight compare here in the urban. This type of solar panels has been most recommended and more efficient even in a not so high buildings."

"For more questions, please kindly wait for Engr. Gio for his next presentation. Thank you." tila nagmamadali si Evie na matapos at hindi niya binigyan ng pagkakataon makapagtanong sa kanya ang mga kliyente lalo na siguro si Silver na nasa harapan niya mismo.

Nagpalakpakan naman sila at naglakad na si Evie paalis ng board.

"Great job!" bati ni Benjamin sa kanya ng mapadaan siya sa likod nito habang pinapalakpakan siya. Hindi na lamang siya nasagot ni Evie at diretso ng umupo sa pinakadulong bahagi ng conference table.

Nakaramdam siya ng paninikip ng dibdib sa kaba at gulat na nadarama. Ni hindi siya makaangat ng tingin dahil pakiramdam niya ay nakatingin si Silver sa kanya. At hindi nga siya nagkakamali. Kaagad niyang binuksan at ininom ang halos kalahati ng laman ng bottled water na nasa harapan niya. Halatang naghahabol pa rin siya ng hininga.

Nakasunod lang ang tingin ni Silver kay Evie kahit pa mayroon ng bagong nagpi-present sa harapan niya. Pansin niyang ni hindi lumilingon si Evie sa gawi niya kung kaya't nais niya sanang makuha ang atensyon nito ngunit hindi alam kung paano.

This can't be happening? Why is he here? Don't tell me -- he's the owner of the S.A Constructions?

S.A Constructions? Silver Alessandro?

Why I didn't even realize that?!

---------------------------------------------------------------------------------------

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 4

    HABANG NASA SASAKYAN sina Silver kasama ang driver nito at ang sekretaryang si Matt, tila malalim niyang iniisip kung papaano nagkataong doon din nagtatrabaho na pala si Evie."Matt?""Sir?""You have Evie's number, don't you?""Po?" napalingon naman si Matt sa likuran dahil nakaupo siya sa tabi ng driver ni Silver."Yung sekretarya ni Benjamin Yu.""Ahh, yung sekretarya niya po? Opo, tinawagan niya ako kahapon eh.""I-forward mo nga sa akin.""Sige po, Sir."At nanahimik na lamang muli si Silver.Pagkahatid nila kay Matt sa sakayan nito pauwi, nagpadiretsong uwi na lamang din si Silver.Dumiretsong shower siya at lumabas na tanging bath robe lang ang suot.Kinuha niya ang isang bote ng green label at pumuwesto siya sa veranda ng condo unit. Tanaw niya ang halos kabuuan ng Pasig sa taas nito. Naupo siya roon at sinimulan ng inumin magisa ang alak niya.Nakatingin lang siya sa kawalan, sa madil

    Last Updated : 2021-06-26
  • As You Needed   Chapter 5

    DAHIL MEDYOOPna si Evie ay tumutok na lamang ito sa phone niya at nagsimulang maglaro ng scrabble.Ilang sandali pa ay dumating naman na ang starters nila at nagsimula na silang kumain ngunit ang usapin ng dalawang lalaki ay hindi pa rin natigil.Kung anu-ano na kaagad ang napagusapan nila at ngayon ay tungkol sa kotse naman.Pareho silang naging kolektor ng mga kotse at alam ni Evie na paniguradong mas doon sila magkakasundo dahil si Silver ay may koleksyon ng vintage at latest cars, habang si Benjamin naman ay ang mga limited edition cars.Hindi siya interesado sa mga ito kaya nabuburyo na siya. Tinutuon na lamang niya ang pansin sa pagkain niya."Are you sure you're gonna eat that shrimp?" saad bigla ni Silver out of nowhere.Napansin siya ni Benjamin kaya nilingon siya dahil akala nito ay siya ang kinakausap ngunit napansin niyang nakatingin ito kay Evie kaya tinabunan niya rin ng tingin ang sekretarya."That

    Last Updated : 2021-06-28
  • As You Needed   Chapter 6

    NANG MAISARA NIYA ang pinto ay kaagad siyang nanakbo patungong restroom at pumasok sa isang cubicle na naroon. Sinara niya ang cover at saka naupo roon."Bakit kailangan pa niyang sabihin yun eh alam naman naming hindi niya yun talaga gagawin sa akin! Alam kong hindi naman talaga niya ako hinabol man lang! Ahhhh!" sigaw niya at saka bumuhos na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Hindi na niya mapigilang hindi mapangawa at hikbi ng malakas. Magkakahalong emosyon na naman ang nararamdaman niya ngayon.Bakit kailangan pa rin ni Silver magsinungaling sa kanya para lang masabing may ginawa ito para sa kanya? Hindi rin naman nun maiibsan ang mga sakit na dinulot pa rin sa kanya ng binata."Hindi ko siya mapapatawad!"Halos nanggagalaiti niyang saad pa habang pilit na pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya.Makalipas ng ilang minuto ay napakalma na rin niya ang sarili niya. Pinunasan niyang mabuti ang mata at mukha niya. Baka

    Last Updated : 2021-07-01
  • As You Needed   Chapter 7

    ANOTHER TYPICAL DAY in the office. Busy-busyhan na naman sina Evie at Benjamin sa kaliwa't kanan na presentations, meetings at biddings dahil sa mga biglang sunod-sunod na projects na dumarating. At lahat ng iyon recommended by Silver.Hindi akalain ni Benjamin na simula ng maging kliyente niya si Silver ay ipagkakalat na nito sa lahat ng kakilala ang tungkol sa kompanya nila. Mas matagal na ang Yu Solar Panels kaysa sa negosyo ni Silver ngunit mas kilala ang S.A Constructions na. Malaki ang pasalamat ni Benjamin dahil hindi lang business ang koneksyon nila ngayon ni Silver, nagiging malapit na rin silang magkaibigan.Madalas niyang paunlakan ang pagaaya ni Silver sa mga bar o biddings, ngunit si Evie ay todo pa rin makaiwas. Simula ng maging malapit si Benjamin kay Silver, iyon naman ang paglayo niya sa boss.Habang sabay na naglalakad sa parking area sina Benjamin at Evie dahil patungo sila ngayon sa Okada para sa isang dinner out meeting, tila natigilan si Ev

    Last Updated : 2021-07-02
  • As You Needed   Chapter 8

    NANG MAKARATING SILA sa project site sa Sual, halos hindi nila mapigilang mamangha. Nakita na ni Evie noon ang ilang bahagi ng lugar. Nai-send sa kanya ni Silver ito noong bagong bili pa lamang niya, labis na siyang namangha noon sa mga videos palang ngunit mas kakaiba ang pakiramdam kapag aktwal mo ng nakikita. Labis siyang namangha sa ganda ng lugar dahil gustong-gusto niya ang nature places.Maganda ang panahon dahil hindi masyadong maaraw kahit pa tanghali na, malakas rin ang ihip ng hangin at rinig na rinig ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan sa baba ng tila burol na parte ng site area. Tila nasa Batanes ang datingan ng lugar ngunit hindi pa ganoon nade-develop."Wow! Ang ganda dito!" komento ni Ingrid na kinabigla nila Evie at Benjamin ng marinig ito kaya natigilan sila at napatingin rito."Nag -- nagtatagalog ka pala, Miss Ingrid?" takang tanong pa ni Benjamin rito."Oo naman po Sir, dito naman po ako sa Pinas lumaki." sabay ngiti pa ni

    Last Updated : 2021-07-03
  • As You Needed   Chapter 9

    HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid."Okay na po mga kwarto Sir.""Ah, Salamat manang, pakikuha na lang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap."Sige po Sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo.""Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo.""Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya.Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan.Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata.Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakaiwas sa dalaga.Halos gusto niyang manlambot ng makita niya ang reaksyon nito. Bakas sa mukha ni Evie ang labis na lungkot lalo na sa mga mata

    Last Updated : 2021-07-04
  • As You Needed   Chapter 10

    NANG MAHINTO NAMAN na sila sa gitna ng dagat, nagsimula na rin silang ihanda ang kanilang magiging hapunan. Nagtulong naman sina Evie at Ingrid sa paghahanda ng pagkain, habang sina Silver, Khalil at Benjamin naman ay nagkaayaan ng maligo sa dagat."Miss Evie, eto na po yung mga iihawin oh." paglapag pa ni Ingrid sa mga container ng isda, pusit at sugpo."Sige, ako ng bahala.""Mukhang masarap yang pagkakatimpla mo sa barbecue mo ah?" pagamoy pa ni Ingrid sa naka-marinate na barbecue sa mesa."Com'on Ingrid! Let's swim!" biglang sigaw ni Khalil na nasa likuran na pala nila.Walang suot na pang itaas na ito at tanging swimming shorts lang, halatang kakaahon lang nito sa tubig kaya basang-basa pa sabay hawi ng buhok niya palikod. Sabay pang napatulala sina Evie at Ingrid sa ganda ng katawan ni Khalil. Halos sundan ng mga mata nila ang mga gumagapang na tubig mula ulo gang namumutok nitong mga abs.Kaagad naman natauhan si Evie at nangiti ng ma

    Last Updated : 2021-07-05
  • As You Needed   Chapter 11

    HABANG NASA MAY jacuzzi pool sina Evie at Ingrid, nasa may dulo naman sina Silver at Khalil na nagiinuman sa may side pool table.Magkatapat ng upo sina Evie at Ingrid, parehong nakahaya ang mga kamay sa magkabila at nakapatingala upang mas makapag-relax sila."Kamusta na kaya si Sir Benjamin noh? Kamusta na kaya ang daddy niya?" pagbasag na ni Ingrid sa katahimikan nila. Napadilat at tingin naman na din si Evie sa kanya saka bumuntong hininga."Hindi pa nga siya nag-a update sa akin eh. Nasa byahe pa yun.""Ang sweet niya noh? All the way sa Korea. Ang bait siguro talaga ni Sir Benjamin.""He is. Napakabait rin ni chairman. Kaya nagaalala rin ako para sa kanya.""Close siguro silang mag-ama."Tumungo-tungo naman si Evie at tiim ng labi niya bilang tugon."Sana all may ganung tatay. Hindi ko kasi alam kung mabait ba o hindi ang papa ko." bakas sa tono naman ni Ingrid ang kaunting lungkot."Bakit naman?""Iniwan ni

    Last Updated : 2021-07-06

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status