Home / All / As You Needed / Chapter 59

Share

Chapter 59

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-08-23 06:00:00

ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito.

"Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo."

"Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito.

"Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.

Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.

Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital.

"You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.

Hindi kaagad nakaimik si Evie na diretso lang ang tingin sa kalsada.

"Don't worry, tatawagan naman tayo kaagad ng ospital. Pinapa-admit naman na natin ang bata eh."

Hindi pa rin umiimik si Evie na panay malalim na buntong hininga lang ang tinutugon. Tila malalim rin ang iniisip nito pero ayaw na munang kulitin din ni Silver.

"Na-text ko na rin si Atty. Jason, papunta na ring presinto."

Nang makarating silang police station, dumiretso na silang women and children's desk para makapagusap. Namagitan ang officer in charge doon sa kanila.

"Miss Evita Symaco, na-ireport niyo po noong isang linggo na nakapulot kayo ng bata sa mall. Ngunit dahil walang maaaring kumupkop sa bata ng mga panahong iyon kaya pinayagan kayo ng hepe na sa inyo muna ang bata hangga't wala pang nagre-report na nawawalan ng bata. Ngunit lumipas ang bente-kwatro oras na wala pa ring nagre-report patungkol sa nawawalan ng anak, dinunog na natin ito sa DSWD. " saad pa ng OIC habang nakaupo sa desk niya. Nakaupo sa mga silya sa harap niya ang tatlo, nakaharap sina Evie at Silver kay Tin.

"Tama po, Sir."

"Lumipas ang mga araw kaya naitakdang kunin na lamang ng DSWD ang bata muli sa inyo pong pangangalaga bukas, tama po ba?"

"Tama po Sir."

"At kayo po, Ma’am Christine Cruz." pagbaling naman nito kay Tin. "Kayo po ay nagsasabing ina ng batang natagpuan ni Ma’am Evita?"

"O -- opo Sir."

"Bago po ang lahat, maaari po ba namin malaman ang buong katotohanan kung bakit niyo naiwala ang bata sa mall?"

Tila nakaabang kay Tin ang lahat na nagiintay na siya ay magkwento. Panay buntong hininga ito at halatang nagaalangan pa rin magsalita.

"Ma’am, pwede niyo po bang ipaliwanag sa amin kung papaano niyo naiwala ang bata sa mall? At kung bakit -- hindi niyo man lang po nai-report ito."

"Ah, ahm.." pinagsasalitan ng tingin ni Tin ang OIC, si Evie at Silver dahil sa pagaalangan niya. Naipikit na lamang niya ng mariin ang mga mata bago nagpakawala ng buntong hininga. "Ka -- kababalik lang po namin ng anak ko galing -- galing Negros."

"Negros? Taga roon po ba kayo?"

"Ahm, yung mother ko po taga roon kaya umuwi po ako doon bago pa po ako manganak."

Naikwento nga ni Tin ang nangyari sa kanya mula ng dumating sa ka-Maynilaan hanggang sa nawala niya ang anak niya.

"Kung gayun, sino naman po ang babaeng humabol sa inyo, Ma’am?" pagusisa pa ng pulis at kaagad naman natigilan si Tin.

"Ah eh.. Ahm, kaibigan ko po dati na -- nautangan ko." mahina ang pagkakasabi niya na tila nahihiya.

"Sa madaling salita, tinatakasan mo ang pinagkakautangan mo kaya iniwan mo na lang anak mo sa mall?"

"Hindi po sa ganun, Sir! Binalikan ko naman po kaagad ang anak ko sa food stall sa mall pero -- pero wala na siya doon."

Nagpaliwanag pa si Tin ng mga nangyari hanggang sa umabot na sa engkwentro nila ni Evie sa mall.

"At ngayon nga po noh, sa pagbabakasakali niyong mahanap ang anak niyo sa mall, nagkataong naroon na sina Ma’am Evita kasama ang bata."

"Ganun nga po Sir."

"Ma’am, alam niyo na pong isang linggo nawawala ang anak niyo pero hindi niyo man lang ni-report sa amin, tapos noong nakita niyo ang bata gusto niyo basta na lamang kunin ito sa nakapulot?" tila pinapagalitan naman nito si Tin na napapayuko na lamang sa kahihiyan.

"Ma’am, wala naman pong kaso sa aking kunin niya ang bata. Pero gusto ko lang naman pong idaan sa tamang proseso -- yung ganito. Kasi baka mamaya, ako pa mapagbintangan ninakaw ko ang anak niya."

"Okay po sige noh. Ma’am Christine, since napatunayan niyo naman na po na kayo nga ang tunay ina ng batang si Christoffer Cruz, sa inyo na po namin ipapakausap ang representative ng DSWD."

"Ah, ka -- kailangan pa po ba iyon?"

"Opo Ma’am, kailangan po natin sumunod sa protocol. Kapag napatunayan na nagkaroon talaga kayo ng kapabayaan, baka po sumailalim kayo sa imbestigasyon pa at paglilitis."

"A -- ano pong ibig niyong sabihin?" hindi makapaniwala pang tanong ni Tin rito.

Napahinga ng malalim ang OIC at parang mabigat din sa loob ang sasabihin.

"Ma’am, malinaw na kapabayaan ang nagawa niyo, mabuti na lamang po at -- may nakakuhang mabuting loob sa anak niyo. Paano na lang po kung sa sindikato napunta ang anak niyo di ba?"

"Tapos ano? Kukunin din nila ang anak ko? Ikukulong niyo ko?!" tila nagpa-panic naman ito.

"Hindi ko po masasabi, Ma’am."

"Hindi! Huwag niyo kong ilayo sa anak ko." nangingiyak na ito at tila nanggagalit na humarap kina Evie at Silver. "Kasalanan niyo toh! Hindi na sana hahantong sa ganito kung -- kung binigay niyo na lang sa akin ang anak ko!"

"Huminahon kayo, Ma’am."

"Mas kasalanan mong iniwan mo ang anak mo. Kung may pinagkakautangan ka, sana hinarap mo ng maayos. Alam mo ng may kasama kang bata --"

"Wala kang karapatan pangaralan ako! Hindi mo alam ang hirap na dinanas ko dahil lang sa --" tumingin naman ito kay Silver. "Sa ayaw siyang panagutan ng ama niya!"

"Wala akong sinabing hindi ko pananagutan ang bata. Ang gusto ko lang, patunayan mo yang sinasabi mo." pagsagot na rin ni Silver rito. "Kung totoong ako ang ama ng bata, bakit ayaw mong ipa-DNA test ko? Bakit nagtatago ka? Bakit kailangan mo kong lokohin na matapos mong manghingi ng pera ay tatakbuhan mo lang ako?!" tila gusto na rin magbuhos ng emosyon ni Silver.

"Hindi mo rin alam kung anong gulo ang dulot nito sa buhay ko, sa buhay namin! Sinabi ko naman na sayo noon pa, mapatunayan lang na anak ko yung bata, ibibigay ko naman ang lahat ng suportang kailangan niya."

"At kung hindi ano?! Ikukulong mo rin ako?!"

"Eh bakit ka nangangambang makulong kung sigurado kang totoo ang sinasabi mo?!" pagsingit na rin ni Evie rito na kinatameme ni Tin.

Tila napapanganga ang OIC sa kanila dahil sa mga naririnig.

"Ah eh, mawalang galang na po noh? Magkakakilala po ba kayo?"

Nagpaliwanag si Silver sa OIC ng totoong nangyari sa sitwasyon nila at hindi naman makapaniwala ito. Napaka-coincidence ng mga nangyari lalo na't si Evie pa mismo ang nakatagpo sa bata.

"Sobra pong -- ano noh? Hindi kapani-paniwala. Pero, sige po. Handa po kaming tumulong sa kasong ito. Tama po ang desisyon niyong idaan sa legal ang lahat."

Dumating na ang attorney ni Silver na mas nagpaliwanag ng gustong mangyari sa sitwasyon. Nagkaroon na ng kasunduan na ibinabalik na ni Evie ang bata sa custody ng mga pulis, at ang mga pulis naman ay ipapasa ang kaso sa DSWD, ang ahensya naman na ito ang bahalang humusga kung dapat na bang ibalik kay Tin ang anak niya.

"Hindi na kayo naawa sa anak ko! Ayaw na nga ng ama, aalisan niyo pa ng ina!" tila nagpipigil na galit ni Tin habang masama ang tingin kina Evie at Silver.

"Hindi ko kasalanang magpabuntis ka kung kanino at taguan mo dahil lang sa gusto makasigurado." pagpipigil din galit ni Evie rito.

"Walang hiya ka! Hindi niyo makukuha ang anak ko!"

"Walang gustong kumuha ng anak mo, sayo siya kung nagpakatino ka lang. Anong klase kang ina?!"

Namagitan naman na si Silver at ang OIC sa kanila dahil tila nagkakatensyon na naman. Sinusubukang ilayo ni Silver si Evie na sumunod na lang din sa kanya.

Nalaman ng pulisya na gustong ipa-DNA test ng kampo nila Silver ang bata at habang iniintay ang resulta nito, lilitisin naman si Tin ng mga taga-DSWD.

NAIWAN pa si Tin sa presinto dahil kinakausap pa ito ni Atty. Jason patungkol sa kasunduan nila. Lumabas na ng presinto si Evie dahil sobrang bigat na ng pakiramdam niya at kailangan na niyang makalanghap man lang ng sariwang hangin.

"Mommy?" pagtawag ni Silver rito.

Nasa may tabi ng sasakyan ni Silver si Evie na tila nagmumuni-muni habang nakapayakap sa sarili. Nang marinig niya si Silver tumawag sa likuran niya, ni hindi niya ito nilingon o sinagot man lang.

"Are you okay?" paglapit na nito kay Evie sa tabi.

"Tingin mo may magiging okay pa sa ganitong sitwasyon? So chaotic." may pagkasarkastimo sa tinig nito.

"I know, I'm really sorry. I -- I never expected any of these."

"Who does, di ba? Na yung batang hinihinalang anak mo, ako pa nakapulot. Ako pa nakatagpo sa mag-ina mo!" tila may kirot sa dibdib ni Evie sa tuwing masasagi sa isip niya ito. Humahalam muli ang mga luha sa mata niya ngunit pinipigilan niya ito.

Tila nagsusumamo naman ang mukha ni Silver dahil hindi niya rin akalain ang nangyari. Alam niyang hindi pa tanggap ng tuluyan ni Evie ang patungkol sa posibilidad na may anak siya, ito pa mismo ang nagkakuha at nagalaga roon.

Alam niyang malaking sampal ito kay Evie na walang naging ideya sa lahat. Binuhos lamang nito ang pagmamalasakit sa batang ni hindi kaano-ano, na siyang batang maaaring makaSira sa relasyon nilang dalawa.

"Can we go back to the hospital? I wanna check upon him." mas mahinahong saad nito kay Silver. Pagtungo na lamang ang tinugon sa kanya nito bago sila sumakay muli ng kotse.

Bago pumuntang ospital, bumalik muna sila sa mall para kunin ang naiwang stroller ng bata kung saan naroon ang lahat ng gamit nito at pinamili nila.

NANG makarating silang ospital, dumiretso na silang private room ng bata na mahimbing ng natutulog. Nabawasan na rin ang mga mapupulang pantal nito sa katawan ngunit may nakakabit pa ring oxygen device.

Walang imik na hinubaran ni Evie ang bata at pinunasan ang katawan. Nang malinis na niya ito ay nilagyan niya ulit ng bagong diaper at bagong palit na damit. Nakamasid lang si Silver sa kanya na hindi na rin malaman ang dapat na sabihin.

"He's really a wonderful kid, you know." panimula ni Evie habang inaayos ang damit at hinihigaang kama ng bata. "Kaya siguro -- sobrang mahal siya ni Tin. Actually, hindi siya mahirap mahalin kasi -- napaka-sweet at bait niya." halatado sa boses nito na malapit ng maiyak pero pinipigilan niya.

"You don't have to do --"

"Of course, I do! I want to! Regardless who really he is." tumigil ito sa ginagawa at ngayo'y nakamasid sa batang natutulog. "Wala akong ideya patungkol sa batang ito pero minahal ko na rin siya na parang sa akin. Deserve niya yun."

Napaharap na si Evie kay Silver na nakaupo sa may likuran niya.

"Simula ng malaman kong -- baka may anak ka sa iba, ni hindi ko alam kung matatanggap ko ba yun. Kung matatanggap ko yung bata. Oo mahal kita, pero -- pero parang hindi ko alam kung matatanggap kong may ibang taong nakakapagbigay saya sayo na hindi galing sa akin." tuluyang kunakawala ang mga luha ni Evie na sinayaan na lamang niyang tumulo.

"Sobra akong nagaalangan. Parang hindi ko matatanggap na may anak ka sa ibang babae, samantalang tayo ni hindi man lang makapagsama noon, kaya nga hanggang ngayon, ni hindi pa tayo makasimula ng pamilyang pinangarap natin."

"Mommy --"

"Natatakot ako! -- Natatakot ako na, sa iba mo pa matagpuan yung pinapangarap nating planong buhay. Na ibang tao pa ang makakapagbigay sayo nun. Na bakit hindi ako?!" halos sumabog na ang dibdib ni Evie sa emosyong kanina niya pa pinipigilan.

"Kaya hindi ko alam kung matatanggap kong may anak ka sa iba. Na ang hirap ng pinagdaanan natin mula noon para lang magkasama tayo tapos sa iba, one time lang, ayan na! May pamilya ka na!" patuloy ang pagbuhos ng emosyon nito na hindi rin malaman ni Silver kung papaano pa pakakalmahin.

Humalam na rin ang mga luha sa mata niya na pilit niyang pinipigilang kumawala dahil ngayon ay nasa harapan na naman niya si Evie na umiiyak dahil sa kanya.

"I'm so -- sorry mommy." tuluyang bumuhos ang mga luha ni Silver na kaagad niyang pinupunasan.

"No, Silv. I'm sorry because -- I don't really think I could accept this. Sobrang pinapatay ang puso ko nito. Lahat ng hirap at sakit mula noon, mas masakit ngayon."

"Mommy, please -- be patient with me. Please, bear with me."

"And then what? Kung anak mo nga ang bata, kailangan na nating tanggapin yun di ba? Na sa tuwing maaalala ko o makikita ko siya, nasasaktan ako. Hindi ko made-deny yun, Silver. Sobrang sakit na parang inalisan mo na rin ako ng karapatang magbigay saya sayo. "

"No, mommy! You're my life! You're all I ever need! Ikaw lang talaga nagpapasaya sa akin --"

"Eh papaano ang bata? Kailangan ka niya bilang ama niya Silver."

Tumayo naman na si Silver at humawak sa magkabilang braso ni Evie. "Pero kailangan kita. Ikaw lang. Kung -- kung ako nga ang bata, I'll be a father to him as best I could. But please, let me be your husband as best I could be." tila pagsusumamo nito.

"I'm -- sorry, hindi ko matatanggap ang bata." mahinang saad nito saka na lamang napayuko habang patuloy sa pag-iyak.

Bumagsak naman muli ang mga luha ni Silver dahil sa narinig. Sa oras na mapatunayang anak niya ang bata, tuluyan na siyang iiwan ni Evie.

"Mahal na mahal kita, mommy. Hindi ko na kakayaning wala ka." saad pa nito habang patuloy sila pareho sa pagluha dahil hindi na mapigilan ang mga emosyon.

Napaluhod si Silver sa harapan ni Evie at mahigpit itong niyakap sa may beywang. Mas tumindi ang iyakan nila nang yapusin rin siya ni Evie na nakapayukong yakap sa kanya.

"Forgive me for causing you so much pain then and now, but believe me, you're all I ever need to continue this life. I -- I need you." tila nagmamakaawa si Silver rito na patuloy sa pag-iyak ng matindi. Ngayon lamang din nakita ni Evie ganitong emosyon ni Silver at labis siyang nasasaktan dahil rito.

"Gagawin ko naman ang lahat para mapasaya ka, huwag mo lang akong iwan, please." basag man ang tinig nito dahil sa pag-iyak, patuloy siyang nagmamakaawa kay Evie.

"Please, tama na." pag-iyak rin ni Evie rito.

"Mas sasaya ako kung sayo ako magkakapamilya, kung ikaw ang makakasama kong tuparin ang mga pinangarap natin, na makakasama ko hanggang sa pagtanda. Ikaw lang, mommy. Ikaw lang!"

Sobra-sobrang pagka-guilty ang nararamdaman ngayon ni Evie dahil nasasaktan niya si Silver. Yun din naman ang nais niya, ang makasama ito. Ngunit kung pagbibigyan niya ang kagustuhan nila, kapalit nun ang sakit na hindi niya sigurado kung kailan pa maghihilom.

Ayaw niyang maging masama dahil lang sa hindi niya matanggap ang batang bunga ng pagkakamali ni Silver bago pa siya makilala. Mahal niya si Silver at tanggap niya ang lahat rito, pero hindi siya sigurado kung matatanggap niya rin ang ibang batang makakapagpasaya rito na hindi nanggaling sa kanya.

"Please mommy, I know this is too much for you to ask, but please -- just bear with me."

SOBRANG hirap ng hinihilingin ni Silver kay Evie. Naisin man niyang pumayag na lang, ngunit labis siyang nasasaktan na parang ikamamatay na niya. Ayaw niyang mawala si Silver ngunit sobra na siyang nasasaktan rito.

Kung hindi pa siguro dumating ang nurse na nagmo-monitor sa bata dahil nag-rounds ito, hindi sila matitigil sa pag-iyak nilang dalawa. Mabilis nilang inayos ang mga sarili ngunit hindi si Silver kahit hindi ito nagpapahalata. Ni ayaw nitong bitawan ang mga kamay ni Evie.

Nang nakaramdam ng pagod at antok si Evie, natulog itong nakaupo habang nakapayuko sa kama ng bata. Natulog na lamang din si Silver sa couch sa likuran ni Evie.

Ngunit hindi pa nagliliwanag, nagising na si Evie at kaagad na sinuri ang batang mahimbing pa rin ang tulog.

Hinimas niya ang noo papuntang ulo nito at matipid na napangiti.

"Pagaling ka, Toffer." saka niya hinalikan ito sa noo.

Napabaling na siya sa likuran niya kung saan nakitang nakabaluktot si Silver sa paghiga. Nakapaikot ang mga kamay nito sa harapan na mukhang nilalamig. Kinuha ni Evie ang maliit na kumot ni Toffee na sinasapin niya sa stroller at ikinumot kay Silver kahit mula balikat hanggang tiyan lang nito ang sakop.

Napaluhod siyang nakaharap kay Silver na mukhang pagod rin kaya mahimbing ang tulog, hinawi niya ang medyo mahaba ng bangs nitong napupunta na sa mata.

Humugot ng malalim na hininga si Evie at pilit na ngiti rito.

I'm sorry daddy, I thought I was brave enough to face this. I thought I was brave enough to fight battles with you. But it consumes me.

Humalam ang mga luha niyang hindi naman na niya mapipigilan. Mas lumapit siya kay Silver at hinalikan ito sa noo. Napapikit siya ng marahan at tuluyang naguunahang pumatak ang mga luha niya.

Please forgive me..

NAMULAT ang mga mata ni Silver dahil sa paggising sa kanya ng nurse. Tila nabigla pa siya at ilang segundo pa bago siya nagkawisyo.

"Pasensya na po Sir, good morning po. Morning rounds ko po ngayon, iche-check ko lang ang pasyente niyo." saad pa ng nurse at bumaling na sa batang tulog pa rin.

Napaupo na si Silver at sapo pa ang ulo. Halatang kulang pa ito sa tulog pero mabilis hinanap ng paningin niya ang nais makita, at kaagad siyang napatayo ng hindi mahanap si Evie sa silid.

"Nurse? Nasaan na yung -- asawa ko?"

"Ah, sorry Sir, hindi ko po napansin. Pagdating ko po dito, kayo lang po ang nakita kong kasama ng pasyente."

Mabilis dinukot ni Silver ang phone niya at nag-dial ng number ni Evie, nag-ring naman ito ngunit hindi sinasagot makalipas ng halos sampong tawag niya. Tinext niya ito ngunit wala man lang ding reply.

"Mommy, nasaan ka ba?" bulong niya habang sinusubukan muling tawagan si Evie ngunit hindi talaga ito sumasagot.

Bumaling na ang nurse kay Silver.

"Nabigyan ko na po siya ng huling dose ng gamot niya, Sir. Kapag naubos na po ang IV niya, pwede na rin po tanggalan ng swero. Babalik po ako after two hours para alisin na ang oxygen ng bata."

"Ahm, thank you Miss."

Umalis na ang nurse at naiwan na lamang si Silver doon na hindi mapakali dahil bakit wala si Evie. Ni wala itong text o ayaw man lang sumagot ng tawag.

Gusto niya sanang umalis ngunit walang magbabantay sa bata, papaano na lamang kung magising na ito at walang madatnan na kasama, baka makasama pa sa lagay nito.

Nagpasyang manatili si Silver sa ospital kasama ang bata pero walang humpay ang pag-text at tawag niya kaya Evie na hindi pa rin nagre-response. Tinawagan na rin niya si Benjamin ngunit walang alam ito kung nasaan ba si Evie, nakiusap rin itong kontakin si Evie ngunit kagaya niya ay hindi ito tinutugunan ng dalaga.

Panay buntong hininga na lamang siya at napapayuko sa gilid ng kama habang nakaupo. Napapasulyap siya sa bata at minasdan na lamang ito. Hinawi niya ang noo nito at pilit na nangiti.

"Mahal ka ng mommy Evie mo, alam mo ba yun?"

MAKALIPAS ang ilang oras, nagising na ang bata at inalis na nga ng nurse ang oxygen device nito. Iniintay na lamang maubos ang IV fluid upang matanggalan na ito ng swero at maaari na ring ma-discharge.

Tahimik lang ang bata habang nakaupo sa kama at naglalaro ng stuff toy at ibang laruan nito. Nakaupo lang din si Silver sa kama katabi ang bata.

Nang makarinig siya ng katok, napabaling siya sa may pintuan ngunit kaagad yun nagbukas at may pumasok na dalawang babae.

"Magandang umaga po, Sir." bungad ng babaeng pumasok kaya napatayo na si Silver sa kama.

"Magandang umaga rin po."

"Kami po ang mga taga-DSWD. Kayo po ba si -- Mr. Silverio Alessandro?" tila may binasa ito sa hawak na folder.

"Ako nga po."

"Galing na po kaming police station kanina, nakausap na rin po namin ang nakapulot sa bata na si -- Miss Evita Symaco."

"Si Evie? Nasa police station pa siya?!" tila kinabigla ito ni Silver.

"Ahm, kanina po Sir, pero kasabay po namin siya umalis. Tinuro niya na lang po niya ang ospital na ito at kayo nga na daw pong kasama ng bata."

"Ganun po ba? Bakit hindi siya sumama sa inyo pabalik rito?"

"Pasensya po Sir, hindi namin naitanong. Pero nasa custody na namin si Miss Christine Cruz, ang nanay po niyang batang si Christoffer." napatingin naman silang lahat sa bata.

"Iintayin na po naming ma-discharge ang bata para makuha po namin."

"Napagalaman din po naming -- kayo daw po ang tatay ng bata?"

"Hi -- hindi pa kompirmado. Pero nag-request na ko ng DNA testing dito sa ospital."

"Ganun po ba -- kung gayun Sir, hangga't wala pa rin po ang results nun, sa custody po muna namin ang bata rin."

"I understand po."

Dumating na ang mga magkukuha ng specimen nila Silver at ng bata. Pinapunta rin niya si Atty. Jason para dito idiretso ang magiging resulta, pati na rin ang hatol ng DSWD sa custody ng bata.

"Sa kanila ka muna baby ah, hahanapin ko lang ang mommy Evie mo tapos -- babalikan ka namin." saad niya sa bata habang karga ito, hinalikan pa muna niya ito sa ulo bago iniabot sa taga-DSWD.

Nang ma-discharge ang bata ay kaagad na itong isinama ng nabanggit na ahensya at dali na ring nagtunggo si Silver sa apartment ni Evie na nagbabakasakaling naroon na ito.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

    Last Updated : 2021-08-24
  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

    Last Updated : 2021-08-25
  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

    Last Updated : 2021-08-26
  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

    Last Updated : 2021-08-27
  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

    Last Updated : 2021-08-28
  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

    Last Updated : 2021-08-29
  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

    Last Updated : 2021-08-30
  • As You Needed   Prologue

    "YES MR. CHAIRMAN, I'll tell that to sir Benjamin."Nagmamadaling naglalakad papasok sa Starbucks coffee si Evie habang nakaipit lang sa balikat niya ang phone habang kausap nito ang chairman ng Yu Solar Panels Inc.Kaagad siyang pumila sa likod ng mga taong nakatayo sa counter habang dinudukot sa bag niya ang wallet niya."Sure, Mr. Chairman. I'll email the details first thing in this morning when I get to the office. -- The Consuji Constructions emailed me the order requests and I sent them the quotation. It has been approved by sir Benjamin."Patuloy nitong pagkausap sa phone niya habang umuusad naman ang pila. Nakapaling pa rin pakaliwa ang ulo niya para maipit ng balikat niya ang phone habang hinahalukay naman niya sa Italian hand-stitched shoulder bag niya ang reddish plum matte shade na favorite lipstick niya. Dinukot niya rin ang face powder niya at binuksan para makapagpasalamin doon habang kaunting naglalakad sa pausad namang pila."Sir B

    Last Updated : 2021-05-08

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status