HABANG ABALA si Evie sa pagsasalansan ng mga papeles sa bawat folder nito na gagamitin sa bidding ni director, halos hindi naman na siya makaupo sa limang set ng legal files, quotations at certificates na hinanda niya. Madalas niya rin itong ginagawa kaya kahit marami pang requirements ay set ang kailanganin ay nagagawa naman din niyang lahat bago ang deadline.
"Huy! Magpahinga ka naman! Kung makakayod ka diyan, para kang may binubuhay!" tila pagbibiro pa ni Benjamin ng nakadungaw sa cubicle niya. Mukhang nainip na ito sa opisina niya.
"Tapos mo na bang review-hin ang requirements na nandito? Galingan mong makuha yung project sa bidding ah. Makaka-quota kaagad tayo nun second quarter palang." medyo seryoso naman niyang saad habang hindi pa rin tumitigil sa paglalagay ng papel sa folders.
"Ang baba nga ng budget nila, hindi kaya lugi naman tayo dun?"
"Eh di bawasan mo ng freebies! Saka, bagong housing projects yun, malay mo sa susunod nilang projects somewhere, kunin tayo ulit. Aba! Complete sets with preventive maintenence ang offers natin noh!" confident naman niyang paliwanag rito.
Nakasandal pa rin ang dalawang kamay ni Benjamin na nakapatong sa glass divider ng cubicle at nakapatong rin ang baba nito doon habang minamasdan ang pagka-busy ni Evie sa ginagawa.
"Ayaw mo ba talagang magahente, ha? Sigurado akong lagi ka rin makaka-quota."
"Ayoko ng pressured na maka-quota taon-taon. Saka nakakapagod mag-area, though hawak mo ang oras mo, masyado exposed sa germs. Maghahanap at mamimilit ng possible clients, nagmamadali sa kung saang lupalop ng bansa or abroad, makikipag-bidding.. " paliwanag naman nito na kinatutuwaan lang ng boss niya.
"Ay wow? Eh hindi ba, ginagawa mo naman na yun?"
Napatigil naman si Evie sa ginagawa at hinarap na ang boss niya. "Exactly! And I don't much like it." sabay ngiti rito at talikod ulit balik sa ginagawa.
Tila nangingiting tagumpay naman ang boss niya tumutungo-tungo pa. Naglakad na ito papasok sa cubicle niya at naupo sa swivel chair nito. Nagpaikot-ikot ito na tila naglalaro roon.
"Ayaw mo talaga akong iwan noh?" tila pangaasar naman nito sa sekretarya.
"Sige, kapag nakahanap ka na ng sekretarya mong kayang higitan ang ginagawa ko, I'll resign!"
Napahinto naman si Benjamin sa pagikot at tumapat kay Evie na abala pa rin sa ginagawa. "Huy! Walang ganyanan, Evz! Ang -- ang hirap kayang makahanap ng sekretaryang --"
"Kasing galing at ganda ko?" pagsabay naman din ni Evie sa kakulitan ng boss niya. Nilingon pa niya ito saglit at saka nginitian.
Hindi naman maiwasang mapatingin si Benjamin sa sekretarya at nakaramdam ng kaunting kaba. "Buhat bangko ah?" sagot pa niya na pilit hindi mautal.
"Aminin, Benjamin!"
"Oo na! Saka gustong-gusto ka rin ni daddy. Kung pwede lang sigurong gawin ka niya kaagad na director, baka ginawa na niya?"
"Hahaha! Hindi naman ako naghahangad ng ganyan. Okay na sa aking sekretarya mo ako. I enjoy this job."
"And I enjoy working with you. You've done so much for me too and for this company, Evz.."
"You owe me!"
Maya-maya pa ay tumunog ang phone ng boss niya at kahit pa kasama niya ito ay sinagot nito ang tawag.
"Oh hello, Sofie.."
Napangiti naman si Evie na tila nangaasar sa boss niya kaya napalingon ito sa kanya.
"Ah eh, may tinatapos pa kasi ako dito sa office. May bidding kasi ako bukas."
Nagpipigil man ng tawa ay inaasar naman ni Evie ang boss na kinikilig siya para dito.
"Ah, sure ka? Ahm-- sige. Kung ayos lang sayong intayin akong matapos sa ginagawa ko."
Napalingon naman si Evie sa kanya na tila na-gets nito ang pinaguusapan ng dalawa.
"Okay sige. See you. Bye."
"Aba! Dadalawin ka na kaagad dito?"
"O -- oo."
"Hmm.. Mukhang type ka rin naman niyang Sofie na yan ah? Ayaw mo pa bang ligawan?"
"Ahm.. Hindi naman sa ganun. Alam mo naman, ang dami ko na ring nakaka-date na hindi naman din nagwo-work out. Sobrang panandalian lang."
"Don't tell me hindi ka pa rin nakaka-move on dun sa crush mong nasa Batanes? Si -- si --"
"Si Carly?"
"Oo yun! Eh kasal na yun di ba? Ang bongga nga ng kasal nila nung pumunta tayo nila chairman. Nakakainggit!"
"Wala naman na sa isip ko yung si Carly but I do really admire her, sana kagaya niya rin ang magiging girlfriend ko na. Yung pangmatagalan, seryoso, yung kaya akong kilalanin at alagaan talaga." pasimple namang tumingin si Benjamin kay Evie na tila nagpaparinig rito ngunit abala pa rin ang dalaga sa ginagawa.
"Eh di dapat magjowa ka ng caregiver?" sarkastiko pang pangaasar ni Evie rito.
Napabuntong hininga naman si Benjamin na kinatawa ni Evie.
Sinulyapan ito ni Evie na mukhang sumeryos ang mukha ng chinitong boss. Kahit pa makapal ang kilay nito ay hindi masyado malago ang bigote at balbas nito sa mukha. Tila mas makinis pa itong tingnan kaysa sa kanya. Tamang-tama ang fitted body nito sa 6-foot height niya.
"Alam mo, hindi yan hinahanap. Kusang darating yan. Kung para sayo, darating siya. Hindi mo kailangang hanapin. Hindi mo kailangan ipilit." paliwanag naman ni Evie rito para gumaan naman ang loob ng boss.
"Natagpuan ko na sana kaso mukhang ayaw naman.."
"Ano yun?"
"Ang sabi ko, natagpuan ko na yung stapler ko kaso hindi gumagana!"
Sabay abot naman aa kanya ni Evie ng stapler niya. Kinuha naman ito ni Benjamin sabay tumayo na ito mula sa pagkakaupo sa swivel chair niya. "Balik na ko sa office." dire-diretso nitong labas sa cubicle niya.
"Isusunod ko na rin 'tong mga toh. Matatapos na!"
Lagpas alas sais na ngunit naroon pa rin sila sa opisina. Narinig ni Evie na tumunog ang elevator kung kaya't napalingon siya roon. Nabigla siya ng may isang babaeng lumabas sa elevator.
Naka-dress skirt ito na asul above the knee kaya litaw na litaw ang hubog ng balingkinitang katawan nito. Nakalugay ang mahaba at nakakulot sa dulo na buhok nito. Naka-pumps ng nasa 3-inches at full pack ang make up. Litaw din ang kaputian nito lalo na ng braso at binti.
Napa-smirk naman si Evie ng makita ang dalaga at palagay niya si Sofie na ito. Ang bagong dini-date ng boss niya.
Naglalakad ito patungo sa cubicle niya kaya binitiwan niya muna ang mga hawak na papel.
Ganitong-ganito pa rin talaga ang mga tipuhan ng boss niya. Laging nakapustura at magaganda. Nararapat lang din naman siguro dahil matipuno ito na mahahalintulad sa isang oppa. Nakailang babaeng dini-date na ito noon na halos ganito palagi ang pormahan. Kaya hindi nakakapagtakang mabilis rin nitong pinagsasawaan.
"Ahm, good evening. Excuse me? Is Benjamin inside his office?" nakangiti namang bati nito sa kanya ng makalapit kaya ginantihan niya rin ng ngiti.
"Yes. I'll let him know."
Kaagad na lumabas si Evie sa cubicle niya at kumatok ng silid ng opisina ni Benjamin.
Dinungaw nito ang ulo niya pagkabukas niya ng pintuan.
"She's here --" nanlaki naman ang mata ni Evie ng nakitang natutulog ang boss. Nakapangalumbaba pa ito sa solid metal table niya habang kaharap ang mga paunang bidding papers na pinapapirmahan na niya rito kanina.
Kaagad na sinara ni Evie ang pinto ng opisina nito at hinarap ang bisita ng boss.
"Ah eh.. Just a moment." pagaalangan niyang pagpapaintay rito sa labas ng opisina at kaagad naman siyang pumasok sa opisina ng boss.
"Pss! Benjamin!" malumanay pa niyang pagtawag rito ngunit hindi man lang nagising.
Naglakad na siya papalapit rito at tinapik ang balikat. "Sir Benjamin!"
Mukhang nagulat naman ito at kaagad na nataranta ng magising.
"Ah, anong nangyari?!"
Napasapo na lamang ni Evie ang ulo at nagpamewang sa harap ng boss.
"Magayos ka nga! Nandyan na yung Sofie mo!"
"Ha? Si Sofie? Nasaan?"
"Nasa labas! Ayusin mo buhok mo, baka makita ka nung busabos!" paghawi pa ni Evie sa buhok nitong bahagyang nagulo.
"Ah, sige papasukin mo na lang."
Nangingiti na lamang si Evie rito at napapailing habang nagmamadali naman si Benjamin na ayusin ang buhok nito at ang suot na polo.
Nagtungo si Evie sa labas ng opisina at sinalubong naman ng ngiti rin ang dalagang nagiintay roon.
"Come on in." pinaghawak niya pa ang pinto upang makapasok si Sofie sa opisina.
"Hi! Am I disturbing you?"
"Ah, no! No! Come in!"
Sumenyas naman si Evie na lalabas na siya at nakita ito ni Benjamin.
Nang matapos na rin si Evie sa huling batch ng bidding files na papapirmahan sa boss niya, kaagad niya itong dadalahin doon at nakalimutan na niyang kumatok muli.
Dire-diretso siyang pumasok ng opisina at nakalimutan yatang naroon pala ang bisita nito.
"Last file na -- oh my!" kaagad siyang napatalikod dahil nakayuko siya ng pumasok at nang pagtingala niya ay bumungad sa kanya na nakakandong si Sofie sa lap ni Benjamin at kahalikan ito.
"Oh!!!" tila nabigla rin si Sofie sa pagpasok ni Evie. "Don't you know how to knock?!" singhal nito na may pagtataray kaya takang napaharap si Evie sa kanila. Nakita niyang inaalalayan ni Benjamin makatayo naman ito mula sa pagkakaupo sa kandungan.
"Don't you know this is an office not a hotel room?" sarkastiko namang sagot niya rito.
"Ugh?!" hindi naman makapaniwala si Sofie sa pagsagot ni Evie sa kanya. Inaayos niya pa at hinihila pababa ang dress skirt.
"Enough na! I'm sorry, my bad." tila nakaramdam naman ng hiya si Benjamin.
Hindi na bago kay Evie ang eksenang ganito ng boss niya sa mga nagpupuntang babae nito roon. Natatawa na lamang siya kapag nahuhuli niya ang mga ito.
Napairap naman si Evie kay Benjamin sabay pinandilatan ng mata ito, alam na nito ang ibig niyang sabihin.
Lumapit si Evie sa mesa at medyo padabog na inilapag ang makapal na folder ng bidding files.
"Pakitapos agad pirmahan yan, sir! Iaayos ko pa yan sa isang folder para hindi mo mawala, sir!" saad ni Evie na pinagdidiinan ang salitang sir. Kahit naman close silang nito ay hinding-hindi nawala ang paggalang niya rito lalo kung sa harap ng ibang tao at mga katrabaho nila.
Maasim na ang timpla ni Sofie dahil napahiya ito kay Evie. Nakapaikot ang kamay nito sa harapan at iniirap-irapan si Evie ngunit hindi siya makatingin ng tuwid rito.
"Thanks, Evz."
Kunwari'y bumalik na si Benjamin sa pagpirma ng mga papel.
Napalingon naman si Evie kay Sofie na nakikipagtalasan ng tingin na sa kanya. Sa isip-isip niya, mukhang hindi maganda ang tabas ng dila nito ah?
Napa-smirk na lamang si Evie rito at naiiling bago tinalikuran at iniwan ang mga ito sa opisina ng boss niya.
"Who is she?!" tila pagtataray pa rin ni Sofie habang nakatayo sa gilid ni Benjamin.
"Siya? She's my executive secretary, Evie."
"Why she seems jealous?"
Napalingon naman si Benjamin sa dalaga.
"Jealous? Hahaha! No! Evie is such a close friend of mine. She's working here for more than two years."
"Oh well, she insulted me?!" pagmamaarte naman nito.
Nagpipigil naman ng matawa si Benjamin dahil pasalamat pa nga siya at yun lamang ang sinabi ni Evie sa kanya. Sanay na siya sa pagiging taklesa at taray din ni Evie dahil lagi rin siyang tinatarayan at nasesermunan nito.
"She was just shocked. You shouldn't yelled at her." mahinahon lang ding saad ni Benjamin habang nakatutok muli sa pagpirma ng mga papeles na nasa mesa.
"Ugh?!" Sofie's face is full of disbelieve. Halatang mas kinakampihan ni Benjamin si Evie.
Nang matapos na sila ay sabay-sabay na silang sumakay ng elevator pababa ng building.
Nakakapit naman si Sofie sa bisig ni Benjamin sa kanan nito, at nakatayo naman si Evie sa kaliwang banda ni Benjamin habang nakapulupot ang mga braso sa harapan niya.
Nang dumating sa ground floor, nauna si Evie sa paglabas ng elevator, mabilis naman ding naglakad si Benjamin kahit pa makaladkad niya si Sofie para mahabol si Evie.
"Ahm, Evie. We're gonna have a dinner. Would you like to join us?" pormal namang tanong ni Benjamin na hindi man lang tinanong ang kasamang babae kung pumapayag ba itong isama siya kaya napanlakihan ito ng mata ni Sofie sa pagkabigla.
Natigilan saglit si Evie bago napangiti na lang din. Napansin din niya ang reaksyon ni Sofie.
"Ah, no thanks sir. I'll need to go home." kalmado naman na nitong tugon.
Napatingin naman si Benjamin sa kanya na tila nagsusumamo na iligtas siya sa sitwasyon na ito.
"Enjoy your dinner. I'll see you tomorrow." pagngiti pa niya rito na tila nangaasar dahil si Sofie ay nakasimangot pa rin sa kanya.
Ngayon alam na niya kung bakit ayaw itong ligawan pa ni Benjamin. Mukhang disente man ito bilang isang medical representative, ngunit may ugaling hindi kaaya-aya. Nababasa niyang hindi magtatagal ang relasyon nito sa boss niya.
Habang nasa loob ng kanyang sasakyan at binabaybay ang kahabaan ng Taft, naisipan niyang magtungo muna ng mall upang makapag-grocery. Matapos niyang makapag-park ay sa may S. Maison Mall siya pumasok dahil alam niyang mas kaunti ang mga taong nagpupunta roon kumpara sa MOA mismo.
Pumukaw ng pansin niya ang Tiffany Co. store na naroon sa first floor at hindi niya napigilang hindi pumasok.
"Good evening ma'am. Would you like to check our latest display jewelleries?" magiliw namang bati sa kanya.
"Ahm.. No thanks, I just --" tila pagtanggi naman niya rito dahil hindi niya akalaing mapapansin pa siya nito.
"It's okay ma'am, alay niyo maisipan niyong pang regalo, o di kaya sa inyo mismo?" pagngiti pa rin sa kanya ng sales lady.
Hinaya siya nito sa pinakalikod na cabinet at racks ng mga set jewelleries. Namangha naman siya rito at inisa-isa ang mga naka-display roon.
Makalipas ng ilamg minuto, lumabas na rin si Evie ng store.
"Thank you ma'am! Come again!"
"Thank you!"
Unexpectedly, napabili si Evie ng isang 24k white gold necklace. Ang totoo, hindi siya mahilig sa alahas, ngunit napukaw ng kwintas nito ang kagustuhan niyang disenyo. Manipis ang lace nito na may pendant na nakahigang letrang 'S' na napapalibutan ng 1k diamonds.
Napahawak pa siya sa kwintas na nasa dibdib niya na tila may naaalala.
Mapait siyang napangiti at bumakasa mga mata niya ang lungkot na nadama ngunit kailangan niyang ipagsawalang bahala na lamang ito dahil matagal na ring panahon ang lumipas.
Napatuloy siya sa pakay niya na tumagos mula S. Maison mall patawid ng MOA. Ngunit madadaanan nila ang connecting way na ito na bahagi rin ng isang five star hotel na Conrad.
Palabas na siya ng connecting way nang tila may napansin siyang dumaan sa harapan niya patungong elevator ng naturang hotel.
Napahinto siya sa paglalakad ng bigla siyang nakaramdam ng matinding kabog ng dibdib niya. Ni hindi siya makagalaw. Nagtaasan ang mga balahibo niya at nagsimulang habulin niya ang hininga niya. Ni hindi rin siya makakurap. Hindi niya malaman kung dapat ba siyang bumalik sa pinanggalingan o habulin ito.
Ngunit sa wakas ay nanaig ang curiosity niya kung kaya't nanakbo siya patungo kung saan niya nakita nagtungo ang pamilya na katauhan.
Nahinto siya sa may elevator na saktong sumara na ito. Sinubukan niya pang pindutin ito ngunit huli na dahil paakyat na ito sa palapag ng hotel.
"Baliw ka ba, Evie? Bakit mo hahabulin yun?" bagsak balikat niyang nasaad na lamang sa sarili niya at naglakad na muli pabalik ng connecting way.
Narinig niyang bumukas ang isa pang elevator na nadaanan niya ngunit ni hindi niya ito nilingon na.
SA KABILANG BANDA, patungo si Silver kasama ang ilang mga clients at staff niya para sa isang dinner out meeting sa isang five star hotel, nangunguna na ang mga ito sa paglalakad ng tumunog ang phone niya kung kaya't lalo siyang nagpahuli sa paglalakad patungong elevator.
"Hello? Silver Alessandro speaking." pormal naman din niyang pagsagot. "Mr. Benjamin! Yes, I remember, Mr. Benjamin Yu, solar panels." saad pa niya.
(Yes, Mr. Alessandro. My secretary called your staff yesterday but they couldn't relate at you directly so she just asked your direct email but still didn't give it to her.)
"Ah yes, my secretary also mentioned that to me too. I'm about to call your secretary by tomorrow actually. About the meeting? I prefer to come to your office."
(That would be great. Well, I'll see you tomorrow then?)
"By tomorrow? Ahm.." sakto namang pumasok na sila ng mga kasamahan niya sa elevator at sumara naman kaagad yun. "Well, I'll ask my secretary first about my schedule tomorrow. If I'm free, I'll give you a call."
(Sure then, Mr. Silver.)
"Thank you, bye."
Saktong pagbaba niya ng phone niya ay bumukas ulit ang pinto ng elevator dahil sa overloading.
"Mauna na lang po kayo sir sa taas, sa next elevator na ko." saad naman ng sekretarya ni Silver na nasa unahan. Nasa may likod kasi siya nakapwesto.
Tinunguan niya ito at tila hindi na naibalik ang wisyo niya sa nakita.
Hindi maaari niyang makalimutan ang pamilyar na mukha na nakita niyang naglalakad sa likuran ng sekretarya. Nakapayuko man ito ngunit alam niyang hindi siya namamalikmata.
Dumaloy ang kaba sa kanyang dibdib hanggang sa kanyang sikmura dahilan upang bumilis ang pagtibok ng puso niya. Ni hindi siya nakakurap at hinabol lamang ng paningin niya ang babaeng nakita niyang dumaan sa harapan.
Nais niya sanang lumabas ng elevator ngunit saktong nagsara na ito at napahampas na lamang siya sa saradong pinto nito.
"Ah, may problema ba mr. Silver?" takang tanong naman ng client niyang kasama sa loob.
"Ah, open this up! I need to get out!" tila natataranta siya at hinahanap kung saan maaaring button ang pindutin upang bumukas ang pinto ng elevator.
Tila nagkatensyon sa loob ng elevator dahil natataranta si Silver na makalabas ng elevator ngunit papaakyat na ito.
Nang makarating sila sa sumunod na palapag sa taas ay nagmamadali siyang lumabas ng elevator na halos sagasaan niya ang mga nasa unahan niya.
"I'm sorry, I'm claustrophobic." yun lamang ang paliwanag niya at kaagad na lumabas ng elevator.
Hinanap niya ang fire exit area at malakas na naitulak ang pintuan nito at bumaba siya sa hagdan.
Hindi nawawala ang kaba sa dibdib ni Silver at hindi niya malaman kung bakit biglang siyang naging sabik sa nakita niya. Tatlong taon man na ang lumipas ngunit hinding-hindi niya maaaring malimutan ang imahe ng babaeng nasilayan niya kanina.
"Oh, sir? Bakit po kayo nandito?" takang tanong ng sekretarya niya ng makita siyang humahangos papalapit sa kanya habang nagaabang pa rin ng elevator paakyat.
"Mat, na -- nakita mo ba?" nagmamadaling tugon kaagad nito.
"Sino po sir?"
"Yung babae! Yung dumaang babae sa likod mo kanina."
"Sa likod ko?!" napalingon naman ito sa paligid at sila lamang ng boss niya sa elevator area na iyon. "Wala naman po akong --"
Nanakbo si Silver palabas ng connecting way. Dahil nasa pagitan ng papuntang S. Maison at MOA, hindi niya malaman kung sa kaliwa o kanan ba siya maghahanap.
"Shit!" malutong niyang sigaw ng napahinto na lang at napamewang dahil sa mga tinatanaw niyang taong naroon at naglalakad, hindi na niya makita ang hinahanap.
"Sir? Sino po ba yung hinahanap niyo? May utang po ba sayo --"
"Nevermind!" inis naman niyang sagot na lamang at tumalikod na sa sekretarya niya. Bumalik na sila sa elevator at nagaabang muli ng elevator paakyat sa hotel.
Nang matapos ang meeting niya ay imbes na magpauwi na sa driver niya ay nagpadiretso na muna siya sa palaging tambayang bar sa Eastwood. Madalas na siyang doon umiinom bago pa man niya nakilala ang nagiisang babaeng minahal niya ng higit sa sino man.
Ngunit sa loob ng tatlong taon na pagkakawalay niya rito ay hindi man lang ito naalis sa isip niya. Aminado siyang naging kasalanan niya rin ang mga nangyari sa kanila kung bakit nawala ito sa kanya. Hindi niya rin akalaing mawawala pala talaga ito ng tuluyan sa kanya. Ang akala niya kinakailangan lang nito ng oras upang makapagpahinga sa sakit na naidulot nila sa isa't isa ngunit sa lipas ng panahon ay hindi na ito muli pang nagparamdam sa kanya.
Doon niya hindi napigilang hindi nahanapin ang minamahal ngunit sa dami ng taong napagtanungan niya kahit ang pamilya nito ay hindi man lang siya nabigyan ng impormasyon kung nasaan na ito ngayon.
Hindi sa ganun natigil ang paghahanap niya ngunit dahil na rin sa takbo ng negosyo niyang kinakailangan mapagtuunan ng pansin, nalilibang niya ang sarili sa nararamdamang pangungulila.
Malaki ang pagsisisi niya kung bakit niya ito pinakawalan pa noon.
Nainom ni Silver ang isang bote ng green label na mag-isa bago siya umalis ng bar. Nang makauwi siya sa condo niya sa Pasig, nagbukas naman siya ng bote ng beer at sinimulang inumin muli ito habang nasa terrace ng unit.
Natatanaw niya ang mga naglalaking gusali sa paligid, ang ilaw mula rito at sa mga sasakyan sa kalsada at ang maliwag na kalangitan dahil sa mga bituin.
I'm sorry...
Tila nagsusumamo ang mga mata niya na hindi na niya mapigilang mangilid ang luha roon.
Dahil sa nangyari kanina, tila nabuhayan siya sa ideya ng baka sakaling makita na niya itong muli ng personal.
Ngunit, hindi kalaunan ay binawi ang pagkasabik at saya na naramdaman niya kanina ng masilayan niya ito. Bakit hindi pa rin pupwede pagkasahanggang ngayon? Bakit hindi niyo kami hayaang magkita na at magkasama?
Mga tanong niya sa Diyos magpakamula noon. Isang taon nagtagal ang relasyon nila, isang taon na tunay siyang lumigaya sa piling ng mahal niya. Alam niyang totoo ang nararamdaman nila aa isa't isa. Ngunit kailangan ng wakasan.
-------------------------------------------------------------------------------------
INAAYOS NI EVIE ang conference room dahil nag-confirm na sa kanila kahapon ang sekretarya ng may-ari ng S.A Constructions Company. Ngayong araw naka-schedule ang visiting meeting nito kung kaya't matapos ang mga ginagawa niyang quotations ay sinimulan na niyang ayusin ito para sa presentation nila. Nasa kanya na rin ang mga gagamiting PowerPoint presentation ng mga engineers nila para sa presentation ng mga gagawing buildings nito sa Palawan. Na-send na rin sa kanya ang kinakailangan ng S.A Constructions kung kaya't na-relate na rin niya ito sa engineers at sa boss niyang si Benjamin. "Miss Evie? How about our snacks po? What would you like?" tanong ni Fe na isang product expert nila. "Ahm, tuna sandwiches at donuts na lang. And of course coffee. Don't forget the bottled waters ah. Baka oozy yung mga yun at hindi umiinom ng tubig from dispenser." sagot lang ni Evie rito habang inaayos ang projector. "Copy, miss Evie. Darating din ba si chairman?"
HABANG NASA SASAKYAN sina Silver kasama ang driver nito at ang sekretaryang si Matt, tila malalim niyang iniisip kung papaano nagkataong doon din nagtatrabaho na pala si Evie."Matt?""Sir?""You have Evie's number, don't you?""Po?" napalingon naman si Matt sa likuran dahil nakaupo siya sa tabi ng driver ni Silver."Yung sekretarya ni Benjamin Yu.""Ahh, yung sekretarya niya po? Opo, tinawagan niya ako kahapon eh.""I-forward mo nga sa akin.""Sige po, Sir."At nanahimik na lamang muli si Silver.Pagkahatid nila kay Matt sa sakayan nito pauwi, nagpadiretsong uwi na lamang din si Silver.Dumiretsong shower siya at lumabas na tanging bath robe lang ang suot.Kinuha niya ang isang bote ng green label at pumuwesto siya sa veranda ng condo unit. Tanaw niya ang halos kabuuan ng Pasig sa taas nito. Naupo siya roon at sinimulan ng inumin magisa ang alak niya.Nakatingin lang siya sa kawalan, sa madil
DAHIL MEDYOOPna si Evie ay tumutok na lamang ito sa phone niya at nagsimulang maglaro ng scrabble.Ilang sandali pa ay dumating naman na ang starters nila at nagsimula na silang kumain ngunit ang usapin ng dalawang lalaki ay hindi pa rin natigil.Kung anu-ano na kaagad ang napagusapan nila at ngayon ay tungkol sa kotse naman.Pareho silang naging kolektor ng mga kotse at alam ni Evie na paniguradong mas doon sila magkakasundo dahil si Silver ay may koleksyon ng vintage at latest cars, habang si Benjamin naman ay ang mga limited edition cars.Hindi siya interesado sa mga ito kaya nabuburyo na siya. Tinutuon na lamang niya ang pansin sa pagkain niya."Are you sure you're gonna eat that shrimp?" saad bigla ni Silver out of nowhere.Napansin siya ni Benjamin kaya nilingon siya dahil akala nito ay siya ang kinakausap ngunit napansin niyang nakatingin ito kay Evie kaya tinabunan niya rin ng tingin ang sekretarya."That
NANG MAISARA NIYA ang pinto ay kaagad siyang nanakbo patungong restroom at pumasok sa isang cubicle na naroon. Sinara niya ang cover at saka naupo roon."Bakit kailangan pa niyang sabihin yun eh alam naman naming hindi niya yun talaga gagawin sa akin! Alam kong hindi naman talaga niya ako hinabol man lang! Ahhhh!" sigaw niya at saka bumuhos na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.Hindi na niya mapigilang hindi mapangawa at hikbi ng malakas. Magkakahalong emosyon na naman ang nararamdaman niya ngayon.Bakit kailangan pa rin ni Silver magsinungaling sa kanya para lang masabing may ginawa ito para sa kanya? Hindi rin naman nun maiibsan ang mga sakit na dinulot pa rin sa kanya ng binata."Hindi ko siya mapapatawad!"Halos nanggagalaiti niyang saad pa habang pilit na pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya.Makalipas ng ilang minuto ay napakalma na rin niya ang sarili niya. Pinunasan niyang mabuti ang mata at mukha niya. Baka
ANOTHER TYPICAL DAY in the office. Busy-busyhan na naman sina Evie at Benjamin sa kaliwa't kanan na presentations, meetings at biddings dahil sa mga biglang sunod-sunod na projects na dumarating. At lahat ng iyon recommended by Silver.Hindi akalain ni Benjamin na simula ng maging kliyente niya si Silver ay ipagkakalat na nito sa lahat ng kakilala ang tungkol sa kompanya nila. Mas matagal na ang Yu Solar Panels kaysa sa negosyo ni Silver ngunit mas kilala ang S.A Constructions na. Malaki ang pasalamat ni Benjamin dahil hindi lang business ang koneksyon nila ngayon ni Silver, nagiging malapit na rin silang magkaibigan.Madalas niyang paunlakan ang pagaaya ni Silver sa mga bar o biddings, ngunit si Evie ay todo pa rin makaiwas. Simula ng maging malapit si Benjamin kay Silver, iyon naman ang paglayo niya sa boss.Habang sabay na naglalakad sa parking area sina Benjamin at Evie dahil patungo sila ngayon sa Okada para sa isang dinner out meeting, tila natigilan si Ev
NANG MAKARATING SILA sa project site sa Sual, halos hindi nila mapigilang mamangha. Nakita na ni Evie noon ang ilang bahagi ng lugar. Nai-send sa kanya ni Silver ito noong bagong bili pa lamang niya, labis na siyang namangha noon sa mga videos palang ngunit mas kakaiba ang pakiramdam kapag aktwal mo ng nakikita. Labis siyang namangha sa ganda ng lugar dahil gustong-gusto niya ang nature places.Maganda ang panahon dahil hindi masyadong maaraw kahit pa tanghali na, malakas rin ang ihip ng hangin at rinig na rinig ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan sa baba ng tila burol na parte ng site area. Tila nasa Batanes ang datingan ng lugar ngunit hindi pa ganoon nade-develop."Wow! Ang ganda dito!" komento ni Ingrid na kinabigla nila Evie at Benjamin ng marinig ito kaya natigilan sila at napatingin rito."Nag -- nagtatagalog ka pala, Miss Ingrid?" takang tanong pa ni Benjamin rito."Oo naman po Sir, dito naman po ako sa Pinas lumaki." sabay ngiti pa ni
HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid."Okay na po mga kwarto Sir.""Ah, Salamat manang, pakikuha na lang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap."Sige po Sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo.""Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo.""Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya.Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan.Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata.Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakaiwas sa dalaga.Halos gusto niyang manlambot ng makita niya ang reaksyon nito. Bakas sa mukha ni Evie ang labis na lungkot lalo na sa mga mata
NANG MAHINTO NAMAN na sila sa gitna ng dagat, nagsimula na rin silang ihanda ang kanilang magiging hapunan. Nagtulong naman sina Evie at Ingrid sa paghahanda ng pagkain, habang sina Silver, Khalil at Benjamin naman ay nagkaayaan ng maligo sa dagat."Miss Evie, eto na po yung mga iihawin oh." paglapag pa ni Ingrid sa mga container ng isda, pusit at sugpo."Sige, ako ng bahala.""Mukhang masarap yang pagkakatimpla mo sa barbecue mo ah?" pagamoy pa ni Ingrid sa naka-marinate na barbecue sa mesa."Com'on Ingrid! Let's swim!" biglang sigaw ni Khalil na nasa likuran na pala nila.Walang suot na pang itaas na ito at tanging swimming shorts lang, halatang kakaahon lang nito sa tubig kaya basang-basa pa sabay hawi ng buhok niya palikod. Sabay pang napatulala sina Evie at Ingrid sa ganda ng katawan ni Khalil. Halos sundan ng mga mata nila ang mga gumagapang na tubig mula ulo gang namumutok nitong mga abs.Kaagad naman natauhan si Evie at nangiti ng ma
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata