NANG MAISARA NIYA ang pinto ay kaagad siyang nanakbo patungong restroom at pumasok sa isang cubicle na naroon. Sinara niya ang cover at saka naupo roon.
"Bakit kailangan pa niyang sabihin yun eh alam naman naming hindi niya yun talaga gagawin sa akin! Alam kong hindi naman talaga niya ako hinabol man lang! Ahhhh!" sigaw niya at saka bumuhos na ang mga luhang kanina pa niya pinipigilan.
Hindi na niya mapigilang hindi mapangawa at hikbi ng malakas. Magkakahalong emosyon na naman ang nararamdaman niya ngayon.
Bakit kailangan pa rin ni Silver magsinungaling sa kanya para lang masabing may ginawa ito para sa kanya? Hindi rin naman nun maiibsan ang mga sakit na dinulot pa rin sa kanya ng binata.
"Hindi ko siya mapapatawad!"
Halos nanggagalaiti niyang saad pa habang pilit na pinupunasan ang mga luhang kumakawala sa mga mata niya.
Makalipas ng ilang minuto ay napakalma na rin niya ang sarili niya. Pinunasan niyang mabuti ang mata at mukha niya. Bakas pa ang pamumula ng mata at ilong niya pero sinusubukan niyang mawala na ito.
Lumabas na siya ng banyo at halos mapaatras siya sa nakita. Ang boss niyang si Benjamin na tila nakaabang sa kanya sa may cubicle niya.
"Oh? You're here!" tila naiilang niyang komento rito.
"And good morning to you too. Ayos na ba ang tiyan mo? Parang narinig kitang napasigaw?" tila pagaalala naman nito.
"Ah, oo. Okay naman na. Kaya ko na." mapait na ngiti naman niya rito at saka pumasok siya sa cubicle niya.
"Nabalik na ba ni attorney ang kontrata?" tanong naman din ni Benjamin.
"Ahm, hindi pa nga eh. Pero i-follow up ko na sa kanya ngayon." pagngiti niya pa ulit rito at saka kinuha ang phone na nasa mesa niya.
Pumasok na si Benjamin sa opisina nito at iniwan na siya roon. Tinawagan niya ang company attorney at sinabi nitong ipadadala na ang kontrata nila ngayong araw.
Panay buntong hininga pa rin siya dahil hindi niya malaman kung papaano pa haharap kay Silver. Tama lang din sigurong alam nitong wala na sila dapat pang pagusapan.
Ilang sandali pa ay narinig niyang bumukas ang pintuan ng opisina ni Benjamin kaya napahinto siya sa ginagawa niyang quotations.
"I apologise for this inconvenience, Silver."
"No, Ben. I apologise. I came early because I thought the contract is already done. I thought I could wait for it today but I have an urgent meeting."
"I understand, Silver. I'll give you updates about it."
"Sure. Thank you."
At nagmamadaling naglalakad si Silver patungong elevator. Napansin niyang nakatayo lamang si Benjamin sa gilid niya at minamasdan ang pagalis ni Silver.
Napalingon si Benjamin sa kanya na tila nakapagpabalik ng wisyo niya.
"I'm sorry, I should have followed it up last night if I only knew he needs it to be signed --"
"No, no Evz. Nothing's your fault. I never really expected him to be this early too. He called me earlier and I never thought he will come early at this time."
"Hmm right. I was really surprised too."
"May emergency meeting daw siya eh, hindi na niya maiintay yung kontrata. Sabihan na lang daw natin siya kung narito na."
Napatungo-tungo nalang si Evie at tikom ng bibig niya.
"Sure."
Hapon na ng dumating sa opisina nila ang kontrata. Naibigay na ito ni Evie kay Benjamin para ma-review.
(Evz? Kindly call Mr. Alessandro, ready na ang kontrata at kung free siya bukas, we can do the signing. Thanks)
Saad naman ni Benjamin mula sa intercom nila.
"Copy Sir."
At saka siya napabuntong hinga.
Shit! I have to call him!
Ah tama! Yung sekretarya na lamang niya ang tatawagan ko.
Dinial niya ang number ni Matt, ang sekretarya ni Silver ngunit hindi ito sumasagot. Pagkailang beses niya itong tinatawagan ngunit hindi pa rin sumasagot. Tinext niya ito ngunit alam niyang hindi sapat ito sa work protocol nila. Importanteng work details ito at kung text lang ay baka hindi mabigyang pansin. Kailangan niyang makausap sana ito mismo.
Napapaisip si Evie kung papaano pa kaya ang gagawin niya, ang totoo, alam niya ang contact details ni Silver mula sa direct email at business number nito dahil na-forward rin sa kanya ng boss niya.
Chineck niya ang emails nila at naroon sa baba ng bawat email nito ang contacts niya. There are no excuses of not contacting him.
Nanginginig man na tina-type ang number ni Silver ay wala rin naman siyang choice. Kung hindi lang din naman trabaho niya ito, hindi niya ito kailangang gawin pa.
Dahan-dahan niya pang tinatapat sa kaliwang tainga niya ang phonw niya at nakaramdam siya ng matinding kaba ng mag-ring na ito. Panay siya buntong hininga sa tuwing matatapos ang ring nito. Tila habang tumatagal ang pagsagot ni Silver ay mas lalo siyang kinakabahan.
Ngunit natapos ang calls niya na hindi nasagot ni Silver ang tawag.
Oh, thank God!
Kaagad niyang inilapag ang phone niya at pinapakalma ang sarili sa takot at kabang naramdaman. Tatawagan na lang siguro niya ulit ito mamaya.
NAGPATULOY si Evie sa kanyang gawaing trabaho, nagkaroon din si Benjamin ng meeting sa kanyang mga agents at product specialist tungkol sa protocols nila. Nang matapos iyon ay kaagad siyang nilapitan ni Benjamin sa cubicle niya.
"Hey, gorg! Have you call Silver?" magiliw namang pagbati nito sabay sandal sa cubicle niya.
Tila nakaramdam na naman siya ng kaba at panlalamig ng kamay at paa.
Dahan-dahan namang nilingon ang boss niya sa gawing kaliwa niya. Nakita niyang salubong ang kilay nito habang nakatutok sa phone.
"Ahm, I'll call him again. Hindi kasi sumasagot pati yung sekretarya niya eh." saad naman niya rito.
"Ah, sige. Siya mismo ang tawagan mo ah." hindi naman ito lumingon kay Evie dahil tila may ka-text.
"Of course, I will." napansin naman ni Evie na tila sumisimangot ang boss. "Nagdudugtong na yang kilay mo. May problema ba?"
"Ahm.. Hindi naman. Si Sofie kasi eh."
Napairap naman si Evie at pinaikot na ang swivel chair patapat kay Benjamin.
"Why so?"
"Galit na galit kasi hindi ko na-replyan yan. Nasa meeting kaya ako."
"Does she even know?"
Napatingin naman si Benjamin kay Evie na tila may napagtanto.
"No. But I'm explaining it to her."
"Then it's your fault."
"Ganun?" nagkibit balikat naman si Benjamin.
"Hindi pa yata kayo nagdi-date ulit noh?"
Tila napaisip si Benjamin. "Parang ganun na nga."
"Bakit hindi mo ayain ng dinner ngayon? Baka nagiinarte lang." pangaasar pa ni Evie.
"Eh may --" napapakamot naman ng ulo niya si Benjamin. Kilala ni Evie ito kapag may ayaw gawin, hindi makatingin ng diretso at napapakamot muna ng ulo.
"Hmm? Baka naman pinaaasa mo yan?" pinagikutan naman ni Evie ito ng braso sa harapan niya.
"Hindi naman din sa ganun."
"Bakit hindi mo diretsuhin kung ayaw mo naman talaga sa kanya, kaysa ganyang iniiwasan mo na lang bigla! Hindi maganda yang ganyan." saad naman ni Evie rito.
Napatingin naman si Benjamin sa kanya na tila nagi-guilty.
"Kayo talagang mga lalaki, naturingang may dalawang bayag, pero hindi magamit."
Biglang humagalpak naman si Benjamin ng tawa.
"Hahaha! Ano?!"
Natatawa na rin tuloy si Evie ngunit pinipigilan niya.
"Para kasi kayong walang mga bayag kapag hindi makaamin ng totoo! Ano naman akala niyo sa aming mga babae? Hindi makakaintindi? Kung ayaw niyo na, sabihin niyo lang! Hindi kami mga manghuhula!" tila panenermon nito sa boss.
"Hahaha! Bakit ba nagagalit ka sa akin dyan?"
"Ewan ko sayo Benjamin!" sabay talikod nito sa boss at balik sa pagharap sa desktop niya.
"May mga tatapusin pa kasi ako, hindi ko pinagawa sayo kasi matatambakan ka na naman. Kapag natapos ko kaagad, sasabihan ko siya mamaya."
"Whatever! Paasa ka talaga!"
"Uy hindi ah!"
Sinenyasan naman ni Evie ang boss ng umalis na ngunit hindi man lang nililingon.
"Saka may bayag ako ah, dalawa pa!"
"Liliit na yan!" pagbabanta pa ni Evie na kinatawa muli ng boss niya bago man lang siya iwan.
Maya-maya pa ay nag-ring naman ang phone niya at inabot niya ito.
"Hello, good afternoon!" pormal niyang bati.
(Goo -- good afternoon. I missed your call, may I know who this is?)
Tila nagtaka naman si Evie kaya napasulyap siya sa phone. Unregistered number kaya napataas naman siya ng kilay.
Ako daw ang tumawag?
Nanlaki ang mga mata niya ng may mapagtanto. Napatakip siya ng bibig at minasdan lang ang phone niya. Nakaramdam na naman siya ng kaba at pagkabigla.
(Hello? Are you still there?)
Narinig niyang saad ng kausap kaya kaagad na binalik niya ang wisyo niya. Napaismid na muna siya bago magsalita.
"Ah, ye -- yes. Sorry. This is -- this is Evie of Yu Solar Panels. Mr. Benjamin Yu said the contract is ready to be signed tomorrow. Was it fine with you?" pormal niyang saad sa kausap.
Tila natigilan naman ang kausap niya dahil paghinga lang ang naririnig niya mula rito.
"Ahm, Sir?"
(Ah, yes! Sure.)
"Okay Sir, thank you."
(Wait, Evie!)
Tila pagpigil nito sa kanya na ibaba na ang phone.
"Are there any more concerns about the contract, Sir?" pormal pa rin nitong pakikipagusap.
(Is this your number?)
Si Evie naman ang tila natigilan. Napalunok naman siya muna bago nakasagot.
"Just my business contact."
(I'll save this.)
"Suit yourself. Bye."
(Wait --)
Ngunit pinatay na ni Evie ang tawag.
"Woah!" napabuntong hininga siya ng malakas at napahawak sa dibdib na hindi niya mapigilang kumabog ng malakas.
Pambihira! Si Silver na pala yun!
MAGKAHALONG saya at lungkot naman ang naramdaman ni Silver ng hindi niya inaasahang makausap si Evie. Hindi niya akalaing ito ang unang tumawag sa kanya kahit pa business matters lamang iyon. Sa isip-isip niya ay sa wakas mayroon na siyang direct contact dito maliban sa email address nito na related pa rin sa trabaho.
Hindi niya napigilang hindi mapangiti kahit pa mapait lang. Sa nangyari sa kanila kanina ay kompirmado niyang galit pa rin ito sa kanya dahil sa nangyari. Hindi niya malaman kung kailangan pa ba niya talagang makausap ito pero sa huli ay ito pa rin ang ginawa niya.
Nakakaramdam siya ng kaunting saya sa puso niya sa tuwing nakikita o nakakausap niya ang dating nobya. Kung siguro ay mas pinahalagahan niya ito, baka mas masaya na sila ngayon.
Kinabukasan ay naghanda na si Evie at Benjamin para sa contract signing ng kompanya para sa S.A Constructions. Before lunch ang usapan at saktong 10am ay nakarating na rin sa opisina ang team nila Silver.
Magkaharapan sina Silver at Benjamin habang nakaupo sa conference table. Nasa tabi nila ang kani-kanilang lawyers na magpapatunay sa at magtatago ng kontrata nila.
Matapos ang pirmahan nila ay tumayo na sila at inabot kaagad ni Benjamin ang kanang kamay kay Silver.
"Thank you, Mr. Silver for trusting Yu Solar Panels. Makakaasa kayo sa maganda naming produkto at serbisyo." magiliw namang saad ni Benjamin pagkaabot ni Silver ng kamay din nito sa kanya.
"Thank you too, Mr. Benjamin. Aasahan namin yan."
So, it's settled, official ng kliyente nila si Silver. At tila simula na rin ang stress na naman ni Evie patungkol rito.
"So, let's celebrate! Let's have our lunch outside!" pagaaya naman ni Benjamin sa mga ito.
"Sure."
Habang nagaayos din si Evie ng mga papeles na dala dahil kailangan niya rin maitago ang kopya niya ng kontrata.
"Evz? Join us!" nakangiting saad pa ni Benjamin sa sekretarya.
Napatulala si Evie at tila napanganga.
"Ah.. Sure Sir." alam niyang hindi papayag si Benjamin na hindi siya kasama kaya pumayag na lang din kaagad siya.
Saglit siyang napalingon kay Silver na nakatingin na rin pala sa kanya kung kaya't kaagad naman siya umiwas.
Si Evie ang nagmaneho ng sasakyan ni Benjamin na BMW. Katabi naman niya ang boss sa passenger's seat. Nasa likuran nila sina Fe at Atty. Davion. Samantalang nasa bukod na kotse ang mga engineers nilang sina Gio at Kyle.
Kasunod ng sasakyan nila ang Rover ni Silver at isa pang sasakyan kung saan doon din nakasakay ang mga engineers niya.
Nagpunta sila sa S Maison mall sa likod ng MOA at doon na lamang maghahanap kung saan sila kakain.
"Do you have any prefer foods to eat, Silver?" tanong naman ni Benjamin habang silang dalawa ang sabay na nangungunang maglakad. Kasunod naman nila ang mga sekretarya nila at mga lawyers.
"None. Anything you want. How about you?" tugon naman din ni Silver kay Benjamin.
Napaisip si Benjamin at saka pumaling ng tingin kay Evie habang naglalakad pa rin sila. Napatingin naman din si Evie sa kanya.
"Do you have any suggestions where can we eat here?"
Tila napaisip rin si Evie.
"Ahm, I know where."
Nanguna naman si Evie sa paglalakad at sinundan naman siya ng lahat.
"Good afrernoon Ma’am. Table for how many?" bati ng receptionist nang makalapit si Evie sa podium nito.
"Do you have a private table for 12?"
"Yes Ma’am."
"I'll take that."
Sandali pa ay sumenyas na si Evie kay Benjamin na okay na ang table nila kaya lumapit na sa kanya ang mga ito.
Ni-lead naman na sila ng receptionist sa kanilang table.
Napansin na naman ni Silver na pinaghila ni Benjamin si Evie ng silya. Pero hindi niya ito katabi kundi ang lawyer nito. Hindi niya maiwasang magduda rin sa kinikilos ng dalawa sa isa't isa.
"This place is nice."
"Chinese cuisines here are great. Must try their house specialty, the Shao Long Bao." Evie said.
Nag-order sila na good for larger pax. Nag-order din sila ng ilang pang mga putahe na personal nilang gusto.
"Evz? Okay ba 'tong beef brisket, o etong chicken lauriat?" tanong pa ni Benjamin habang hawak ang menu.
"Beef brisket is better for me." sagot naman ni Evie sa boss.
"Alright, I'll take it."
"Eh ito Miss Evie? Anong mas masarap na tea?" pagturo rin ni Atty. Davion na mas malapit sa tabi ni Evie.
Napalingon naman si Evie sa hawak nitong menu.
"Camomile suits you. Madalas ka nagkaka-migrane di ba?"
"Ah, naalala mo pa ah?" natuwa naman ang attorney na katabi. Nasa middle 30s palang din naman ito.
"Of course." sabay ngiti pa ni Evie sa kanya.
Nang dumating na ang mga orders nila ay nagsimula na rin silang kumain.
Napansin ni Silver na inaabutan ni Evie si Benjamin ng mga pagkain at naglalagay naman ito sa plato niya. Napasalubong naman siya ng makakapal niyang kilay at umiiwas ng tingin sa mga ito.
"Sir, pansit?" pagabot naman din ni Matt ng platter ng pansit.
Inabot naman din yun ni Silver at naglagay sa plato niya.
Nagpatuloy sila sa pagkain at paguusap patungkol pa rin sa project nila. Pagpasok ng bagong taon, kaagad na nila sisimulan ito.
"Ah, Miss Evie oh? Shao Long Bao?" biglang alok ng isa sa mga engineer ni Silver.
Halos sabay napatingin sina Benjamin at Silver sa kanila ngunit hindi nagpahalata ang mga ito.
"Ah, thanks. Mamaya na lang."
"Eh itong chicken, Miss Evie oh." abot din ng isa pang engineer na nasa tapat rin nito.
"Sure, later." pagngiti pa ni Evie rito.
Sinisiko naman ni Fe si Evie dahil mukhang type ng mga ito si Evie.
Napalingon naman si Evie kay Benjamin na mukhang seryoso ang tingin sa kanya ngunit nang magtama ang mga mata nila ay umiwas naman ito sa kanya.
Aalisan na rin sana ito ni Evie ng tingin ngunit akmang ibabalik na niya ang tingin sa kinakain ay nakita niyang gayun din ang reaksyon ng mukha ni Silver na nakatingin sa kanya. Umiwas din ito ng tingin sa kanya at uminom sa baso niya.
Pinagtakahan naman ni Evie ang mga tingin at reaksyon ng mga ito ngunit pinagsawalang bahala na niya.
MATAPOS ng lunch out nila ay nauna ng umalis ang team nila Benjamin. Naiwan naman sa may parking ang team ni Silver dahil nagbibigay pa siya ng instructions sa mga ito.
"Sure Sir. Update ka po namin kaagad."
"Okay sige."
"Uy, sige naman na Matt. Pahingi nung number ni Miss Evie."
Rinig ni Silver na bulong ng isa sa mga site engineer niya.
"Loko! Bakit?"
"Sige na!" pagpupumilit nito sa sekretarya ni Silver.
"That's not upon our business. Please take this seriously kung ayaw niyong palitan ko kaagad kayo! " seryosong saad naman ni Silver sa mga empleyado niya at sumakay na siya ng kotse niya.
"Yan kasi! Puro kayo kalokohan!" sumunod naman si Matt sa pagsakay sa kotse ng boss niya.
Pilit mang itago ay halata pa rin ang biglang paginit ng ulo ni Silver. Kung kay Benjamin ay medyo napipigilan pa niya ang sarili, ngunit kapag sa ibang tao ay labis kaagad siyang naiinis.
Hindi niya nagustuhan ang tila pagdiskarte kay Evie ng sarili niya mismong empleyado. Hindi niya mawari kung selos ba ito o kung ano pa man. Mabuti na lamang din ay hindi ito pinapansin ng dalaga kahit pa napapansin niya rin kanina ang paglapit-lapit ng mga ito kay Evie.
Nang makabalik ng opisina sina Evie at Benjamin, bumalik na rin muna sila sa kanya-kanya nilang trabaho.
(Miss Evie?)
Pagtawag sa linya niya ng intercom.
"Yes?"
(Vintage ang theme natin sa Christmas party.)
"Wut?! Di ba hirap humanap costume nyan?!" pagreklamo naman niya na parang hindi makapaniwala.
(Eh yun daw para maiba naman.)
"Pwede namang hawaiian, hiphop, bohemian or even fairytale! Bakit vintage pa talaga?" natatawa pa niyang saad.
(Hahaha! Yun napagkasunduan nila Miss Evie eh. Approved na daw ni director.)
"Wut?! Why I didn't know about this?!"
'Langyang Benjamin toh, hindi man lang ako in-inform!
(Hahaha I don't know, Miss Evie. Oh, sya sige. 1k ulit exchange gift natin. Bukas kukunin ko wishlist niyo para makapagbunutan na tayo.)
"Okay sige."
(Pakitanong na lang din yung kay director ah? Salamat! Bye!)
Napailing-iling naman si Evie na natatawa. Ano na naman kaya ang magiging itsura niya sa costume niya?
Noong unang taon niya sa kompanya ay Villains ang theme, nung sumunod na taon ay Vampires naman, at parehong nanalo siya ng best in costume sa magkasunod na taon na iyon kaya paniguradong aabangan ng lahat ang costume niya ngayon. Pressure naman ito sa kanya ngayon.
*Tok.. Tok...
At binuksan naman na ni Evie ang pinto ng opisina ni Benjamin. Dinungaw niya ang ulo niya at nasilip niyang nakaupo ito sa swivel chair ngunit nakatalikod. Mukhang may kausap sa phone.
Pumasok na siya at lumapit rito, inilapag na niya ang mga papel na hawak upang mapapirmahan sa boss.
"Ahh, okay. Bye." tila mabilis nitong pagtapos sa usapan. Umikot na si Benjamin paharap kay Evie at aware siyang narito ito. "Hey!"
"Aprubado mo na pala yung theme sa Christmas party? Ang daya, hindi mo man lang ako tinanong!" pagtatampo naman nito sa boss, pinaikot pa niya ang dalawang braso sa harapan at natawa naman ng kaunti si Benjamin dahil sa sinabi niya.
"Ayoko nga! Kapag nalaman mo kaagad, baka mag-suggest o magpumilit ka pa ng theme na madali mong makuhanan ng costume." tila pangaasar pa nito habang binabasa-basa ang mga papel sa harapan ng mesa niya.
"Ayt! Grabe siya!"
"Maganda yung surprise at challenging." nakangiti pa rin ito sa sekretarya na sinusungitan naman siya.
"Fine! Vintage na!"
Napahinto naman si Benjamin sa ginagawa at napatingin kay Evie.
"Ikaw na rin bahala sa costume ko ah?" pagngiti pa nito ng malapad at taas baba ng dalawang kilay.
"Ayoko nga rin! Dun ka kay Sofie mo magpahanap ng costume mo noh!" at si Evie naman ang nangasar rito. Nagpipigil pa siya ng tawa niya.
"Ayt! Ayoko nga! Baka gawin pa kong bakla nun!"
"Woo! Oh ano? Okay na ba kayo?"
"Okay naman na." patungo-tungo pa ni Benjamin.
"Hmm? Bakit parang hindi ka masaya? Nako, tumatanda ka na Benjamin! Magseryoso ka na sa babae! Paano ka makakahanap ng matinong babae kung ikaw mismo ayaw magpakatino?!" panenermon na naman nito sa boss niya.
Napangiti na lang din ito sa kanya na tila may naalala.
"Oh? Ngisi-ngisi mo dyan? Sinabi ko na sayo noon pa, kapag hindi ka sigurado sa babae, leave them alone!" pag-irap pa nito sa boss niya.
Hindi naman womaniser o playboy si Benjamin, kapag may girlfriend ito o dini-date, doon lamang siya nakikipagusap at nakikipag-date. Never siyang nagloko o may pinagsabay sa karelasyon. Yun nga lang, mukhang hindi pa talaga siya ready na seryosohin o mapunta sa next level ang relasyon niya. Parang may hinahanap siyang katangian ng babae na kapag hindi niya makita, nawawalan na siya ng gana. Nakikipaghiwalay na siya o hinahayaan niyang hiwalayan na lang siya ng mga ito.
"Masama paglaruan ang feelings ng tao. Sige ka, digital na ang karma ngayon."
"Ang dami mong alam noh? Parang may boyfriend ka?" sarkastiko ngunit pangaasar pa nito sa sekretarya.
Sinimangutan naman siya ni Evie.
"Wala nga, but I've been into relationships. And I know why it fails."
"Why?"
"Walang bayag ang mga lalaki!"
At natawa na naman si Benjamin sa mga words of wisdom ni Evie.
"Hahaha! Meron kaya! Dalawa pa!"
"Pero hindi alam kung saan at kung kailan dapat gamitin!" pagtataray pa rin ni Evie.
"Aside sa hand o oral style? Saan pa ba dapat?" nagpipigil na tawa pa ni Benjamin.
Halos hindi naman makapaniwala si Evie sa sinabi nito. Tila naasiwa siya. "Kita mo na? Aside sa kalaswaan, wala kang alam!"
At tumawa na lamang ulit si Benjamin dahil naaasar niya si Evie.
"Ah basta! Kung ako sayo, huwag na huwag kang pumasok sa relasyong hindi mo kayang panindigan!"
"Kaya ko naman manindigan. Sa tamang panahon lang din siguro." kalmadong saad naman na ni Benjamin sabay ngiti kay Evie.
Napatulala naman saglit si Evie sa boss niya na tila hindi niya maunawaan ang sinabi nito. Parang laman ang bawat salita nito sa kanya.
"Diyan ka na nga! Landi mo!" sabay alis na ni Evie sa opisina ng boss.
Napapailing na lamang habang natatawa pa rin si Benjamin bago bumalik sa gawain.
ANOTHER TYPICAL DAY in the office. Busy-busyhan na naman sina Evie at Benjamin sa kaliwa't kanan na presentations, meetings at biddings dahil sa mga biglang sunod-sunod na projects na dumarating. At lahat ng iyon recommended by Silver.Hindi akalain ni Benjamin na simula ng maging kliyente niya si Silver ay ipagkakalat na nito sa lahat ng kakilala ang tungkol sa kompanya nila. Mas matagal na ang Yu Solar Panels kaysa sa negosyo ni Silver ngunit mas kilala ang S.A Constructions na. Malaki ang pasalamat ni Benjamin dahil hindi lang business ang koneksyon nila ngayon ni Silver, nagiging malapit na rin silang magkaibigan.Madalas niyang paunlakan ang pagaaya ni Silver sa mga bar o biddings, ngunit si Evie ay todo pa rin makaiwas. Simula ng maging malapit si Benjamin kay Silver, iyon naman ang paglayo niya sa boss.Habang sabay na naglalakad sa parking area sina Benjamin at Evie dahil patungo sila ngayon sa Okada para sa isang dinner out meeting, tila natigilan si Ev
NANG MAKARATING SILA sa project site sa Sual, halos hindi nila mapigilang mamangha. Nakita na ni Evie noon ang ilang bahagi ng lugar. Nai-send sa kanya ni Silver ito noong bagong bili pa lamang niya, labis na siyang namangha noon sa mga videos palang ngunit mas kakaiba ang pakiramdam kapag aktwal mo ng nakikita. Labis siyang namangha sa ganda ng lugar dahil gustong-gusto niya ang nature places.Maganda ang panahon dahil hindi masyadong maaraw kahit pa tanghali na, malakas rin ang ihip ng hangin at rinig na rinig ang malalakas na hampas ng alon sa dalampasigan sa baba ng tila burol na parte ng site area. Tila nasa Batanes ang datingan ng lugar ngunit hindi pa ganoon nade-develop."Wow! Ang ganda dito!" komento ni Ingrid na kinabigla nila Evie at Benjamin ng marinig ito kaya natigilan sila at napatingin rito."Nag -- nagtatagalog ka pala, Miss Ingrid?" takang tanong pa ni Benjamin rito."Oo naman po Sir, dito naman po ako sa Pinas lumaki." sabay ngiti pa ni
HABANG KINAKAUSAP NI Silver ang mga tauhan at katiwala niya sa beach house, napansin niya si Evie na halos natuod na sa gitna ng receiving area lang. Tila nakatingala ito at nakatingin sa paligid."Okay na po mga kwarto Sir.""Ah, Salamat manang, pakikuha na lang po mga napamili namin." pagbalik niya ng tuon sa mga kausap."Sige po Sir, nang makapagluto na rin po ang tanghalian niyo.""Ipaghanda ko na rin po yung yate niyo.""Sige salamat manong." at iniwan naman na siya ng mga tauhan niya.Lumapit siya sa may pinto ngunit hindi pa siya tuluyang pumasok. Minasdan lang niya si Evie na nakatayo sa harapan niya sa hindi kalayuan.Ilang sandali pa ay umikot na ito ng tingin at sa wakas ay nagkatama na ang kanilang mga mata.Hindi rin ito inaasahan ni Silver kaya hindi na rin siya nakaiwas sa dalaga.Halos gusto niyang manlambot ng makita niya ang reaksyon nito. Bakas sa mukha ni Evie ang labis na lungkot lalo na sa mga mata
NANG MAHINTO NAMAN na sila sa gitna ng dagat, nagsimula na rin silang ihanda ang kanilang magiging hapunan. Nagtulong naman sina Evie at Ingrid sa paghahanda ng pagkain, habang sina Silver, Khalil at Benjamin naman ay nagkaayaan ng maligo sa dagat."Miss Evie, eto na po yung mga iihawin oh." paglapag pa ni Ingrid sa mga container ng isda, pusit at sugpo."Sige, ako ng bahala.""Mukhang masarap yang pagkakatimpla mo sa barbecue mo ah?" pagamoy pa ni Ingrid sa naka-marinate na barbecue sa mesa."Com'on Ingrid! Let's swim!" biglang sigaw ni Khalil na nasa likuran na pala nila.Walang suot na pang itaas na ito at tanging swimming shorts lang, halatang kakaahon lang nito sa tubig kaya basang-basa pa sabay hawi ng buhok niya palikod. Sabay pang napatulala sina Evie at Ingrid sa ganda ng katawan ni Khalil. Halos sundan ng mga mata nila ang mga gumagapang na tubig mula ulo gang namumutok nitong mga abs.Kaagad naman natauhan si Evie at nangiti ng ma
HABANG NASA MAY jacuzzi pool sina Evie at Ingrid, nasa may dulo naman sina Silver at Khalil na nagiinuman sa may side pool table.Magkatapat ng upo sina Evie at Ingrid, parehong nakahaya ang mga kamay sa magkabila at nakapatingala upang mas makapag-relax sila."Kamusta na kaya si Sir Benjamin noh? Kamusta na kaya ang daddy niya?" pagbasag na ni Ingrid sa katahimikan nila. Napadilat at tingin naman na din si Evie sa kanya saka bumuntong hininga."Hindi pa nga siya nag-a update sa akin eh. Nasa byahe pa yun.""Ang sweet niya noh? All the way sa Korea. Ang bait siguro talaga ni Sir Benjamin.""He is. Napakabait rin ni chairman. Kaya nagaalala rin ako para sa kanya.""Close siguro silang mag-ama."Tumungo-tungo naman si Evie at tiim ng labi niya bilang tugon."Sana all may ganung tatay. Hindi ko kasi alam kung mabait ba o hindi ang papa ko." bakas sa tono naman ni Ingrid ang kaunting lungkot."Bakit naman?""Iniwan ni
PAPALABAS NA NG silid si Silver ng makalikom ng lakas si Evie upang makapasalita."Wait lang.." kaagad naman nahinto si Silver at nilingon siya, nagkatama sa wakas ang mga mata nila. "Thank you, pero hindi ka na sana nagabala pa."Mapait lang na ngumiti si Silver sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid at isinara ang pinto. Napabuntong hininga na lamang si Evie pagkaalis nito.Tila nais niyang sisihin ito kung bakit siya nawalan ng malay kagabi ngunit batid niya ang pagaalala at pagaalaga nito sa kanya kaya bahagya siyang nakaramdam ng kaunting guilt sa pagtrato niya rito.Hindi ko na gusto ang mga nangyayaring ito. Mas hindi ko na nagugustuhan ang mga nararamdaman ko pa. Hindi ko na yata makakayang makasama pa ang lalaking iyon, mababaliw na naman ako. Hay..Kinain nga ni Evie ang dinalang pagkain ni Silver at kaagad niya rin ibinaba ito sa kitchen. Pumanik na siya sa guest room na tinutuluyan nila ni Ingrid at gumayak na rin.Nags
Habang nagkakasiyahan pa sa Christmas party nila, dinukot ni Evie ang phone at tinext nito si Benjamin upang mangamusta.How are you? How's chairman?Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa nagre-reply ang boss sa kanya kaya tinabi niyang muli ang phone."Miss Evie?!"Napalingon naman si Evie sa kung sinong tumawag sa kanya sa likuran."Oh kuya Jorge?""Miss Evie oh." sabay abot nito ng small box na may ribbon pa sa ibabaw."Ay, salamat po manong Jorge." pagkuha naman din nito sa box."May nagpapabigay daw po niyan para sayo."Tila natigilan naman si Evie at nagtaka. Buong akala niya ay galing ito sa matanda."Ah hindi po galing sa inyo ito?""Ay hindi po Ma’am. Kakahiya nga po at wala man lang akong naibigay sa inyo kahit pa may regalo kayo para sa mga anak ko.""Ay huwag niyo na pong isipin yun manong. Para sa mga bata naman po yun. Pero -- kanino po ito galing?" pa
NANG MAGISING NA si Silver ay laking ginhawa niya at kapanatagan ng makita muli si Evie na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakasubsob muli ito sa kama niya na nakaharap sa kanya kaya hinimas niya muli ang ulo nito. Inalis na rin niya ang oxygen device niya para malaman kung komportable na ba siyang huminga ulit ng wala iyon.Ilang sandali niya iyon ginagawa hanggang sa tuluyang magising si Evie. Tinigilan naman na ni Silver hawakan ito.Dahan-dahan bumangon at naupo ng maayos si Evie. Napatingin siya kaagad kay Silver na nakatingin rin sa kanya, napansin niyang nakaalis na ang oxygen nito."Kamusta pakiramdam mo? Bakit hindi ka naka-oxygen?" kaagad niyang tanong rito."Okay naman na ko. Nakakahinga na ko ng maayos.""Sure ka? Eh bakit nanikip daw dibdib mo kaya ka na-admit?" pagtayo pa ni Evie at check ng oxygen device ni Silver."Akala ko kasi iniwan mo na ko bigla -- kaya nag-panic ako." sinimangutan naman siya ni Evie."Naghab
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata