Share

Chapter 13

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

Habang nagkakasiyahan pa sa Christmas party nila, dinukot ni Evie ang phone at tinext nito si Benjamin upang mangamusta.

How are you? How's chairman?

Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa nagre-reply ang boss sa kanya kaya tinabi niyang muli ang phone.

"Miss Evie?!"

Napalingon naman si Evie sa kung sinong tumawag sa kanya sa likuran.

"Oh kuya Jorge?"

"Miss Evie oh." sabay abot nito ng small box na may ribbon pa sa ibabaw.

"Ay, salamat po manong Jorge." pagkuha naman din nito sa box.

"May nagpapabigay daw po niyan para sayo."

Tila natigilan naman si Evie at nagtaka. Buong akala niya ay galing ito sa matanda.

"Ah hindi po galing sa inyo ito?"

"Ay hindi po Ma’am. Kakahiya nga po at wala man lang akong naibigay sa inyo kahit pa may regalo kayo para sa mga anak ko."

"Ay huwag niyo na pong isipin yun manong. Para sa mga bata naman po yun. Pero -- kanino po ito galing?" pagtukoy pa ni Evie sa box na hawak.

Nagkibit balikat lang naman din ito sa kanya. "Hindi ko po alam Miss Evie eh. May nag-deliver lang na nakapangalan sayo. Wala po bang nakalagay dyan?"

Sabay pa nilang nausisa ang box na walang kahit anong note man lang kundi ang maliit na piraso ng papel na may nakasulat na 'To Evie'

"Sige po, salamat kuya."

Umayos ng upo si Evie at minasdan ang box ng regalo. Kinalog pa niya ito dahil may kabigatan. Initabi na lamang niya ito sa paper bag niyang nilalagyan rin ng mga regalong natanggap niya.

NANG matapos ang party ay nagkapaalaman na rin naman na silang magkakatrabaho. Naiwan na lamang ang iilang empleyado at ang event coordinator at mga staff nito sa pagliligpit.

Inakyat na muna ni Evie sa opisina ni Benjamin ang mga regalong nakuha nito. Kahit pa madilim at mukhang nagiisa na lamang siya ay hindi na niya ito iniinda.

Matapos ay dumiretso na siyang kotse niya at nilagay naman sa back seat ang mga nakuhang regalo. Pati na rin ang paper bag kung saan niya nilagay ang box na binigay sa kanya.

Pagkauwi niya ay nagpatulong pa siya sa isang guard upang maipasok na ang lahat ng regalong nadala niya pauwi dahil nasa second floor ng apartment ang unit pa niya.

"Thank you po, kuya ah."

"Welcome Ma’am, good night po."

"Good night." at sinara naman na ni Evie ang pintuan niya.

Sinalubong muli siya ng aso niyang si Steve na tila sabik na sabik pa rin. Naupo si Evie sa sahig sabay hubad ng sapatos niya. Ginugulo naman siya ng aso niyang nais makipaglaro.

"Sorry Steve, busy lang talaga ang mommy. Sobrang nakakapagod ang araw na toh." saad niya pa rito habang nakaupo sa harapan niya ang aso at hinihimas ang mukha nito.

"Gusto ng magpahinga ng mommy."

Matapos maiayos ni Evie ang mga gamit, kaagad na rin siya nag-shower upang makapamalit.

Kinuha niya ang isang bote ng Moscato wine sa ref niya at isang wine glass. Naglabas din siya ng chips at nilagay ang mga ito sa coffee table niya sa veranda. Nais niyang doon tumambay muna at makapagpahangin.

Habang suot lamang ang ternong manipis na shorts at lace sando bra, at may nakasukbit sa balikat niya na robe, nakataas pa ang mga paa ni Evie sa isang upuan habang umiinom ng wine at nakatanaw sa kalangitan. Maraming bituin sa langit at kahit hindi naman niya ito nabibilang, nakatanaw lang siya siya roon. Tila nare-relax siya sa ginagawa.

*Ting!

Kaagad siyang natigilan sa paginom pa ng marinig na tila may nag-text sa kanya. Inabot niya ang phone at natuwa naman siya ng makita kung sino ito.

I'm fine Evz. Dad is also getting better. He's in recovery room.

Halos tumalon naman siya sa tuwa sa nalaman.

Thank goodness he's better now. I hope he get well soon too.

Indeed. Merry Christmas, Evz!

Merry Christmas too Benj. See you!

Yun na lamang ang napagusapan nila at naging panatag na si Evie na nasa maayos ang daddy ni Benjamin. Labis rin kasi itong nagalala sa ama niya kaya walang alinlangang lumipad ito ng South Korea upang malaman ang kalagayan at masamahan ang inang naroon din.

Nagpatuloy si Evie sa paginom ng wine at tila lagpas kalahati na niya ito. Gusto niyang malasing ngunit hindi kaagad kaya ito na lamang muna ang iniinom niya.

Nang maubos ang kinakaing snack ay tumayo na muna siya upang kumuha nang biglang tumunog ang phone niya na tila may tumatawag.

Unregistered number.

Minasdan niya ito at nagtataka kung sino ba ito. Kung sa work man ay dis oras na ng gabi para sagutin pa niya. Kaya hinayaan niyang tumunog lang ito at kumuha na siya ng pagkain.

Nang makabalik siya ay muling tumunog ang phone niya at nakita ang same unregistered number na tumatawag muli. Napabuntong hininga naman siya bago sinagot ang tawag.

"Yes, hello?"

(Miss Evieeee!!!)

Tili sa kabilang linya.

Nawindang naman si Evie sa sumigaw ngunit kaagad niyang nabosesan ito.

"Ingrid?! Omg!"

(Yes, Miss Evie! How are you?)

"I'm -- fine. Good. Thanks. How you doing?" natuwa rin naman si Evie nang makausap ang bagong kaibigan.

(I'm fine too. Nasa Manila ka na ba? Pasensya na ah, hindi ka na kasi namin maintay magising ni Khalil kanina. May early meeting pa dito sa Bohol, kaya nagpasundo na ng chopper.)

"Ah yes. That's fine. So nasa Bohol ka rin?"

(Ano pa nga ba?!)

Kahit hindi nakikita ni Evie, nai-imagine niya ang reaksyon ngayon ni Ingrid sa sinasabi kaya natatawa na lamang siya.

"Haha! Enjoy ka na lang dyan."

(Paano ako mag-e enjoy? Eh hindi uso pasko sa taong ito! Iba kasi ng paniniwala eh. Nandadamay pa ng hindi nagpapasko kagaya niya! Hmp!) pagmamaktol pa ni Ingrid sa kabilang linya.

"Problema ba yun? Eh di paranasin mo ng pasko natin dito!"

(Nako bahala na! Bukas pa ang uwi namin. Sa wakas ay may break ako sa buhay nitong Khalil Kaur na toh! Feeling celebrity na siya, 'lam mo yun?)

"Hahaha!"

Matagal nagkausap sa phone sina Evie at Ingrid na para bang hindi sila nagkasama kahapon lang. Maraming naikwento si Ingrid sa kabwisitan niya kay Khalil, tila unti-unti nakikilala ni Evie si Khalil dahil sa mga kwento lamang ni Ingrid sa kanya.

Habang nagiinom pa rin ng wine niya si Evie at nakikinig kay Ingrid sa phone niya, tila may naririnig siyang beep ulit sa phone niya na mayroong naka-call waiting. Chineck niya ito at isang unregistered number na naman ngunit pinagsawalang bahala na lamang niya ito dahil may kausap pa siya.

Malalim na ang gabi nang matapos ang tawagan nila ni Ingrid, nagligpit na muna siya ng kalat niya. Hindi pa niya ubos ang wine ngunit nakakaramdam na siya ng kaunting tama nito.

Matapos makapagligpit ay binalikan niya ang phone sa table sa veranda ng may tumawag muling unregistered number.

"Oh hello Ingrid? Akala ko matutulog ka na?" masayang bungad naman niya rito.

Tila pagbuga lang ng hangin ang narinig niya sa kabilang linya.

"Hello? Ingrid? Nandyan ka ba?"

At malalakas na buga lang hangin lang ang naging sagot sa kanya. Nagtaka siya at sinulyapan saglit ang phone baka naka-hold ang tawag ngunit hindi naman. Binalik niya ito sa tainga niya at pinakinggan muli ang tunog.

"Hello?"

(He -- hello)

Tila nabigla siya sa boses ng lalaki na narinig sa linya.

"Sino toh?"

(E -- Evie)

Nanlaki na lamang ang mga mata niya nang may kung anong kuryenteng dumaloy sa dibdib niya ng marinig ang pamilyar na tinig na ito.

"Ahh, yes?"

Tila malalalim at malalakas na pagbuga ng hangin na naman ang naririnig niya.

"Hello? Anong nangyayari sayo?"

Mga buga muli ng hangin na tila naghahabol ng hininga.

(I -- I can't -- breathe)

"Nasaan ka?!" tila pagpa-panic naman ni Evie. "Sumagot ka, nasaan ka?!" natataranta naman si Evie nanakbo sa kwarto niya at kinukuha ang susi ng kotse niya.

(Sa -- bahay -- mo.)

Natigilan naman si Evie sa narinig.

"Ano? Anong nasa bahay ko?" napalibot naman siya ng tingin sa kabuuan ng bahay niya mula sa sala.

(Dito sa -- labas.)

Nawindang si Evie at kahit pa nakapantulog siya ay nanakbo siya palabas ng bahay niya. Dali-dali siyang bumaba at lumabas sa gate ng compound. Tila nagmamadali siyang nanakbo ng kalsada at hinanap kung naroon nga ito. At hindi nga siya nagkamali.

Naroon ang rover ni Silver nakaparada sa gilid ng compound ng apartment na tinutuluyan niya.

Nanakbo si Evie patungo sa kotse at kinatok ito.

"Silver?! Silver open up!"

Mabilis ring binuksan ni Silver ang driver's seat door at nakita siya ni Evie na nanghihina.

"You -- came."

"What the hell's wrong with you?! Hating gabi na bakit nandito ka?!" singhal naman ni Evie rito.

Hindi naman na siya matingnan ni Silver ng diretso dahil nakasubsob na ito sa manibela. Napansin naman ni Evie na tila hirap itong huminga.

"What's going on you?!"

Umangat si Silver at napahawak sa dibdib niya. Halatang kinakapos ito ng hininga.

"The fuck? Move!" utos niya rito ngunit tinulungan niya rin itong lumipat sa passenger's seat upang siya ang makapagmaneho.

"Kailan pa naging ospital ang bahay ko? Sana doon ka na dumiretso nung nakakaramdam ka na nyan?!" inis pa nitong sermon kay Silver habang mabilis na minamaneho ang sasakyan nito.

Nakasandal na si Silver sa salamin ng kotse habang naghahabol pa rin ng hininga.

"Hindi pa rin pa pala nawawala yan. Mukhang okay ka naman kanina ah?"

Hindi pa rin siya nasasagot nito.

"Amoy alak ka ah? Naglasing ka pa talaga alam mo na ngang bawal sayo?! Yan sige! Alak pa! Kita mo tuloy nangyari sayo? Naperwisyo ka na naman." hindi mapigilan ni Evie na sermunan ito habang nagmamaneho papunta sa pinakamalapit na ospital.

Nang makarating sila ay kaagad niya itong isinugod sa emergency room upang makabitan ng oxygen. Mabilis naman ang pagaasikaso sa kanila kaya nadala kaagad sa loob si Silver.

"Ahm, misis. Dito na lamang po muna kayo magintay. Babalikan ko po kayo." pagpigil naman ng nurse sa kanya at isinara na nito ang kurtina kaya wala ng masilip si Evie sa loob ng kwarto.

Hindi naman siya mapakali sa nangyari kay Silver. Noon kasi alam na niyang madalas itong kinakapos ng hininga dahil bumababa ang oxygen level ng katawan niya kapag tumataas ang blood sugar nito. Mukhang galing sa party rin si Silver at malamang ay nakainom ito ng marami o nakakain ng mga bawal.

"Napakatigas talaga ng ulo mo, Silver." bulong niya sa sarili na hindi naman mapigilan hindi magalala. Palakad-lakad lamang siya sa labas ng silid habang nakayakap mabuti sa sarili dahil naka-robe siya panlabas at tsinelas sa loob ng bahay ang suot niya.

Ilang sandali pa ay nilapitan muli siya ng nurse at may dala na itong form na susulatan.

"Misis, kukuhanan ko lang po ng information si mister. Anong pong pangalan niya?"

"Ah ahm.. Silverio Alessandro."

"Ilang taon na po?"

"31."

"Taga saan po?"

Natigilan naman si Evie dahil hindi niya alam kung saan nga ba nakatira si Silver.

"22nd Street Malibay." kaya sa kanya na lamang ang binigay niya.

"Ano po bang nangyari sa kanya?"

"Hindi daw siya makahinga eh. Kinakapos ng hangin."

"Madalas na po bang magkaganyan si mister?"

"Hindi ko siya -- di bale na nga!"

"Madalas po bang --"

"Hindi naman. Minsan. Kapag -- kapag tumataas ang blood sugar niya. Nakainom kasi siya eh."

"Nako! Baka nakakain rin po ng mga bawal sa kanya. May diabetes po ba siya?"

"Pre-diabetic palang."

"I see po. Nakabitan na po muna siya ng oxygen at kinuhanan ng dugo for testing. Kapag mataas nga po ang blood sugar niya, saka po namin siya i-inject ng pampababa."

"Sige po Miss."

Ilang sandali pang nagiintay si Evie sa labas ng emergency room at nakitang ilalabas na si Silver roon na nakaratay pa sa hospital bed.

"Sa -- saan niyo po siya dadalhin?" pagusisa niya sa mga nurse na nagtutulak ng kama ni Silver.

"Ililipat lang po siya sa observation area. Para doon na lamang din po kayo magintay ng result ng lab test niya."

Sinundan naman din ito ni Evie at pinuwesto nga si Silver sa dulong parte ng ward. May mga ilang pasyenteng naroon rin ngunit may kanya-kanyang kama at partisyon.

Nang maiayos na ang pwesto ni Silver, may malay naman ito ngunit hindi makapagsalita pa dahil naka-oxygen siya na hinahawakan niya pang mabuti.

"Ayos ka na ba? Nakakahinga ka na ba ng maayos?" tila pagaalala pa nito. Tumungo-tungo naman si Silver sa kanya bilang tugon.

Napabuntong hininga naman na si Evie dahil sa wakas ay makakahinga na rin siya ng maayos. Kinabahan siya sa nangyari kay Silver, kamuntik na itong mawalan ng malay dahil sa panghihina. Mabuti na lamang at naagapan ito.

"Ikaw naman kasi eh. Bakit hindi ka pa dumiretsong ospital eh mukhang nakakaramdam ka na."

Umiling-iling naman si Silver sa kanya.

"Anong hindi? Matapos mong makipaginuman at kumain ka na naman siguro ng matatamis at ma-cholesterol, tingin mo hindi ka na naman aatakihin ng ganyan?!" inis man ngunit labis pa rin siyang nagalala rito.

"Nagpapakamatay ka ba talaga?"

Umiling namang muli si Silver.

Napaupo na lamang si Evie sa tabi ng kama habang naka-oxygen pa rin si Silver at iniintay nila ang result ng lab test nito. Hindi na nila parehong napigilan maidlip.

Naunang nagising rin si Silver sa pagkakaidlip dahil sa pagod at kalasingan na rin. Nakahawak pa rin siya sa oxygen niya. Nakita niya si Evie na nakasubsob sa kama niya sa gawing kanan niya. Nakapaharap din ito sa kanya at mukhang nahimbing ng matulog.

Dahan-dahan naman niyang hinimas ang ulo nito at hinawi ang nakalugay na buhok. Halatang matutulog na siguro ito ngunit kinailangan siyang itakbo nito sa ospital.

Makalipas ng dalawang oras ay nilapitan na muli sila ng nurse sa pwesto nito.

"Ah, Mr. Alessandro?" paglapit ng nurse kay Silver at tumungo naman ito sa kanya.

"Narito na po results ng blood sugar niyo. Pakigising na lang din po si misis."

Kinalabit-kalabit naman ni Silver si Evie at kaagad rin itong nagising, ilang sandali pa ng magkawisyo ito at napatingin sa nurse na nakatayo sa tabi niya.

"Nurse? May results na po?" halos pagpupungas pa nitong tanong.

"Yes po, misis. Mataas nga ang blood sugar ni mister, nasa 6.6 na. Tuturukan na lang din po namin siya ng mas mababang dose sa insulin para makalma po ang blood sugar niya."

"Sige po, nurse. Salamat."

Napalingon naman si Evie kay Silver na nakatingin naman din sa kanya.

"Nako tuturukan ka na naman."

Nagkibit balikat lang si Silver sa kanya dahil hindi pa rin ito makapagsalita dahil sa oxygen device.

"Bakit naman kasi nagpakalugmok ka ng ganun? Saka nasaan ba yung julalay mo at driver mo? Bakit mag-isa ka lang nagbabyahe eh alam mo na ngang panay kang inaatake?"

Nagkibit balikat lang muli si Silver sa kanya kaya napairap siya rito.

"Tatawagan ko na si Matt para matawagan driver mo at masundo ka rito." pagbusisi pa sana ni Evie ng phone niya para tawagan ang sekretarya ni Silver ngunit kaagad siyang pinigilan nito at umiling-iling.

"Bakit hindi? Eh papaano ka makakauwi di ba?"

Pero nagmatigas si Silver sa paghawak din sa phone ni Evie upang pigilan ito.

"Fine! Hindi na!" pag-agaw naman ni Evie ng phone niya rito.

Ilang sandali pa ay tinurukan na si Silver ng gamot. Nakabantay lang naman si Evie sa kanya roon hanggang matapos.

"Observe pa rin po natin si Mister kung bubuti na ang paghinga niya at kung hindi na siya nahihilo. Under influence pa rin kasi po siya ng alcohol which is additional factor ng dizziness at fatigue niya."

"Okay po nurse, salamat."

Nakapahiga naman na si Silver sa kama habang may oxygen pa rin. Minasdan siya ni Evie at napansin nitong nakatingin siya rito kaya nilingon din sita ni Silver.

"Uli-uli ah, mag-moderate ka lang ng inom at kain ng bawal sayo. Matagal ng panahon pero parang hindi bumuti lagay mo. Nagpapakamatay ka talaga yata eh." tila inis pang saad ni Evie.

Bahagyang inalis ni Silver ang oxygen upang makapagsalita.

"Ngayon, hindi na. Gusto ko ng mabuhay ng matagal." at ibinalik muli ang oxygen niya.

"Pwes, umiwas ka na sa mga bawal sayo! Konting kibot na lang may diabetes ka na rin. Alam mong masama sayo ang pagiinom at ma-cholesterol, tapos ngayon pati matatamis at carbs, bawal na bawal na rin." napapailing pa ito na nito pinapagalitan ang anak.

"Huwag -- ka ng magalit. Baka sumakit na naman dibdib mo." inaalis-alis niya ang oxygen sa tuwing magsasalita, kumpara kanina ay mas nagiging maayos na ang paghinga niya.

"Eh para akong aatakihin sayo kanina nung mahimatay ka na. Akala ko kung ano ng nangyayari sayo at sa bahay ko pa ikaw sumugod." pagtataray naman na ni Evie sabay paikot ng mga braso niya sa harapan niya.

Hindi na nakasagot si Silver at humihinga muli ito sa oxygen niya. Batid ni Evie ang lahat ng uri ng sakit na mayroon si Silver dahil nagkaroon lamang siya ng mga yun noong panahong sila pa ni Evie. Ito rin ang isa sa mga naging dahilan ni Silver kung bakit hindi niya noon basta napuntahan si Evie dahil sa health conditions niya kahit pa batid niyang tanggap naman siya nito.

Naupo naman na si Evie sa tabi ng kama niya at doon na rin inabutan ng antok.

Pareho silang nakatulog na sa mga oras na iyon.

MAKALIPAS ng ilang oras na nakatulog si Evie na nakasubsob sa kama ni Silver, namulat na rin siya at tiningnan ang oras sa katabing phone.

"Alas cinco na pala." pagpungas niya pa sana ngunit napansin niyang nakahawak ng mahigpit ang kamay ni Silver sa isa niyang kamay.

Napalingon siya rito ngunit mahimbing pang natutulog, marahil dahil na rin sa gamot na naiturok rito. Ayaw din naman niyang maistorbo ang tulog nito kaya hinayaan na muna niya ang ganoong posisyon nila.

Habang minamasdan ni Evie si Silver na mahimbing na natutulog, hindi niya maiwasang mapangiti ng mapait rito.

Ngayon ko lang siya nakitang natutulog, nakanganga rin pala.

Kitang-kita pa rin kasi ito kahit may nakaharang na oxygen device kay Silver. Napansin din ni Evie na tila nanginginig ito, marahil ay nilalamig kaya inayos niya ang pagkakakumot sa katawan nito kahit lagpas siya sa kumot na naroon.

Nang hindi pa rin nagigising si Silver ng ilang minuto, sinubukan na niyang alisin ang pagkakakapit ng kamay nito sa kamay niya. Dahan-dahan niya itong inaalis upang hindi ito magising at nagawa rin naman niya.

Lumabas siya ng observation area at naghabilin sa nurse on duty doon na kapag nagising at nagtanong si Silver ay sabihing babalik rin siya. Kailangan lang makapagpalit ng mas maayos na damit.

Ginamit ni Evie ang kotse ni Silver upang makauwi muna at makapagayos. Nakapantulog pa rin kasi siya at hindi niya gusto ang nakukuhang atensyon sa tuwing napapadaan siya at napapatingin ang mga tao.

Mabilis namang kumilos si Evie sa pagligo at pagaayos para mabalikan na si Silver sa hospital kaagad. Habang nagmamaneho sa daan ay bumili na rin siya ng makakain nila, doon na lamang siya kakain din para may makasabay naman ito.

Ano ba 'tong nangyayari Lord? Kung dati ayaw na ayaw niyo kami pagsamahin o magkita man lang, ngayon halos ayaw niyo paghiwalayin ang landas namin?!

Nang makabalik si Evie sa hospital dala ang pagkain at medyas na alam niya kailangan ni Silver, laking gulat niya ng wala na ito roon sa observation area na pinagiwanan niya.

Nilibot niya ang tingin sa mga pasyenteng naroon ngunit walang bakas ni Silver.

Nanakbo siya sa nurse station at doon kaagad nagtanong.

"Ahm Miss? Yung pasyente sa observation area, Silverio Alessandro. Nasaan na siya?" tila pagaalala pa nito.

"Sandali lang po Ma’am." may tiningnan naman ito sa monitor ng computer. "Ahm Ma’am, naka-admit na po siya."

"Ha? Bakit?!"

"Nanikip daw po kasi ang dibdib at kinailangang ma-admit for further observation and for his recovery na rin po."

"Anong room niya?"

"Kaano-ano po ba kayo ng pasyente, Ma’am?"

Tila nagaalangan naman si Evie sa isasagot kaya wala na rin siyang nagawa.

"A -- asawa niya ako."

"Okay po Ma’am, sa room 302 po siya."

"Thank you, Miss." kung hindi niya sinabi yun baka hindi siya pahintulutang makapasok sa silid nito. Nanakbo naman na siyang patungong elevator upang mapuntahan si Silver.

Kumatok na muna siya saglit bago pinihit ang door knob. Dumungaw siya roon at nakitang mukhang natutulog muli si Silver na naka-oxygen pa rin.

Kaagad niyang inilagay ang mga gamit sa sofa malapit sa pinto at nilapitan rin si Silver.

Hinawi niya ang buhok nito at dinampi ang pisngi kung mainit pa ang temperatura. Nang maramdaman niya tila malamig ang pisngi nito, kaagad niyang hinawakan ang kamay at paa nito pawang malalamig rito. Kinuha niya kaagad ang dalang medyas at isinuot ito kay Silver. May dala rin siyang mas mahabang comforter at pinagamit kay Silver upang mas maging komportable ito.

Hininaan niya rin ang aircon ng kwarto at inayos ang pagkakahiga ng binata.

Napatayo na lamang siyang muli sa gilid nito.

Ano ba naman itong ginagawa ko? Di ba dapat maasiwa ako kasi ako ang nagaalaga sa kanya imbes na yung mga julalay niya. Kung dati pa siguro na gustong-gusto kong ako ang magaalaga sa kanya, pero bakit ngayon? Parang wala din naman akong nararamdamang pagtutol?

Naawa lang ba ako sa kanya or what?!

Naupo muli si Evie sa tabi ng kama ni Silver at nagiintay na magising na ito ngunit nakakaramdam ulit siya ng antok kung kaya't muli siyang sumubsob sa gilid ng kama.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 14

    NANG MAGISING NA si Silver ay laking ginhawa niya at kapanatagan ng makita muli si Evie na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakasubsob muli ito sa kama niya na nakaharap sa kanya kaya hinimas niya muli ang ulo nito. Inalis na rin niya ang oxygen device niya para malaman kung komportable na ba siyang huminga ulit ng wala iyon.Ilang sandali niya iyon ginagawa hanggang sa tuluyang magising si Evie. Tinigilan naman na ni Silver hawakan ito.Dahan-dahan bumangon at naupo ng maayos si Evie. Napatingin siya kaagad kay Silver na nakatingin rin sa kanya, napansin niyang nakaalis na ang oxygen nito."Kamusta pakiramdam mo? Bakit hindi ka naka-oxygen?" kaagad niyang tanong rito."Okay naman na ko. Nakakahinga na ko ng maayos.""Sure ka? Eh bakit nanikip daw dibdib mo kaya ka na-admit?" pagtayo pa ni Evie at check ng oxygen device ni Silver."Akala ko kasi iniwan mo na ko bigla -- kaya nag-panic ako." sinimangutan naman siya ni Evie."Naghab

  • As You Needed   Chapter 15

    PINARADA NI EVIE ang kotse at nasa harap nun ay kotseng ginagamit niya. Pagkapatay niya ng makina ng kotse, hinarap niya si Silver na hindi malaman ang reaksyon nilang dalawa."Kapag umokay ka na, umuwi ka na ah? Baka machismis ako dito na naguuwi na ko ng lalaki sa bahay." saad lang nito sabay labas na ng kotse.Hindi naman napigilan ni Silver hindi mangiti ng bahagya dahil inuwi nga siya ni Evie sa bahay nito."Tara na!" pagbukas pa ni Evie ng pinto ng passenger's seat. Inalalayan niyang makababa si Silver sa kotse. Kahit pa nanghihina pa rin, tila nabubuhayan naman sa tuwa si Silver dahil patutuluyin siya ni Evie sa bahay nito.Nakaakbay si Silver kay Evie na nakaalalay sa kanya habang naglalakad sila papaakyat ng second floor ng compound."Maganda rin pala dito sa loob noh. May up and down unit ba o isang tenant bawat unit lang?" usisa pa ni Silver."Yung doon sa may tapat, up and down yun. Pang malalaking pamilya. Etong dito banda, eith

  • As You Needed   Chapter 16

    NILIBOT MULI NI Evie ang tingin sa kusina niya at kay Silver na suot pa ang apron niya habang naghihiwa ng ingredients."Ano ba yang lulutuin mo?" pagusisa na ni Evie sabay lapit kay Silver."Carbonara, di ba mas gusto mo toh kaysa sa spaghetti?" paglingon saglit sa kanya ni Silver sa gawing kaliwa."Pero hindi ka naman pwede sa carbonara. Dapat tuna pesto na lang."Natigilan naman si Silver sa ginagawa at tila napagtanto ang sinabi ni Evie."Oo nga pala?" napalingon pa siya sa likuran niya na tila tinitingnan ang naihandang ingredients."Pwede pa naman yan, hindi na lang tayo gagamit ng cream at milk. May pesto paste ako dyan." saad naman ni Evie at binuksan ang cabinet sa itaas niya at may kinuhang botelya. "Eto oh." paglapag niya sa pesto pastes sa tabi ni Silver.Bumalik si Evie sa mesa at naghalungkat sa mga groceries pang naroon sa plastik. Nakita niyang may pang macaroni salad, fresh fruits, fresh meat, hamon at baking ingredie

  • As You Needed   Chapter 17

    PAIKOT-IKOT NAMAN si Evie sa kabahayan niya, mula kusina papasok ng kwarto niya. Nakikita rin ni Silver na dinadala nito ang natirang box ng pizza at ibang pagkain pa sa kwarto niya. Nagpasok rin ito ng wine at tubig. Magpi-picnic ba itong babaeng toh sa kwarto niya at halos hakutin din lahat ng pagkain? Bago muling pumasok ng kwarto niya si Evie huminto ito sa may sala at humarap kay Silver. Nakita niyang nakatingin rin si Silver sa kanya na nagiintay ng sasabihin niya. "I'll be just in my room, kung may kailangan ka, you can get it anything from here. Katok ka lang kung emergency ah?" habilin pa ni Evie at papasok na ng kwarto niya. "Teka!" pagtawag pa ni Silver na ikinahinto ni Evie sa paglalakad. "A -- anong -- kakain ka sa kwarto mo magisa?" "Hmm.. Kinda. Doon lang ako sa balcony, magre-relax, magpapahangin, magiinom, kakain." "Pwede bang sumama doon?" alangan man, pero sinubukan pa rin ni Silver. Napaisip naman b

  • As You Needed   Chapter 18

    KUMUHA NAMAN NA si Silver ng ilang meat lang at habang hinihintay yun, napapansin pa rin niya ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga kalalakihang naroon pati na rin ang ibang customer. Mayroon pang dumaan na magasawa at yung lalaki ay napatingin kay Evie na nakatayo sa hindi kalayuan at tumitingin ng gatas sa isang aisle, nakita ito ng asawa niyang babae kaya binatukan siya. Gustong matawa ni Silver ngunit nagpipigil siya, napailing-iling na lang din siya dahil doon. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya sa mga tumitingin sa dalaga o magiging proud. Ngunit, parehong wala siyang karapatang maramdaman ito dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang dalaga."Eto na po, Sir." pagabot naman sa kanya ng mga nakaplastik ng mga nakilong karne at isda, nilagay naman din ni Silver iyon sa cart nito.At dahil masyadong nagpipyesta ang mga mata ng mga kalalakihang naroon kay Evie, hindi na mapigilan ni Silver ang inis niya. Habang nakahawak sa push cart niya, nag-extend siya n

  • As You Needed   Chapter 19

    NAGUGULUHANG NAGTATAKA pa rin si Evie sa kausap. Napapatingin naman siya sa may labas na malakas pa rin ang ulan.(Silver? It's me, Georgia!)Lalong kinabahan si Evie dahil hindi mukhang client o empleyado ang dating ng pagtawag nito kay Silver. Napatingin naman siya kay Silver na ganoon pa rin ang posisyon."He -- hello?" pagsasalita na niya. "I'm sorry, who's Georgia is this?" pormal pang sagot ni Evie.(Is this Silver's number?")"Ahm, oo. Sinong Georgia toh?"(Ikaw? Sino ka?!) tila singhal ng babae sa linya at kinabigla iyon ni Evie."Ikaw ang sino? Ikaw ang tumawag eh!" mabilis na pagsagot ni Evie na hindi niya napigilang mapasinghal rin dahil sa tugon ng kausap. Bigla siyang na-beast mode rito.(Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Silver?! Sino ka?!)"Eh bakit ka tumatawag kay Silver?! Sino ka?!" tila ganting sagutan naman nila over the phone. Mabilis namang na-high blood si Evie dahil nababastusan siya sa kausap.

  • As You Needed   Chapter 20

    "AAAHHH!!!"Malakas na tili ni Evie sa pagkagulat, halos naglundagan yata ang mga internal organs niya sa takot na nadama."Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal niya rito ng mapagtanto kung sino ito. Halos hiningal siya sa kaba kaya napasapo niya ang dibdib."Bawasan mo pagkakape! Masyado kang nagiging magugulatin." tila pangaasar pa nito. Nakatayo naman siya at nakapasandal na upo sa sandalan ng couch sa opisina ni Benjamin."Bakit ba narito ka na naman ng ganito kaaga?! Wala ka bang manners?!" galit pa ring singhal ni Evie rito."Mayroon, kaya nga maaga ako dito eh.""Wow? Sana all inuuna sa umaga!" pag-irap pa ni Evie rito."Bakit ka ba nagagalit? Ang aga aga galit ka kaagad.""Hindi ako galit!" inis pa ring sagot ni Evie rito."Galit ka eh!""Hindi nga!""Hindi ka pa galit niyan noh?""Stop telling me I'm mad until I get mad! Because I will stab you!" pagbabanta pa nito kay Silver sabay pa

  • As You Needed   Chapter 21

    BADTRIP MANG UMUWI si Evie pero natatawa at napapailing na lamang siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Balewala naman sana sa kanya ang pagbangga at tapon nito ngunit ang kinaiinis niya ay ang kayabangan at pagsigaw-sigaw nito sa kanya kaya pinatulan na niya.Naglalakad siya sa hallway patungong unit niya nang maningkit ang mga mata dahil may tinatanaw sa pintuan niya. Nang makalapit siya ay napataas na lang siya ng kaliwang kilay sa pagtataka.May gift basket na naroon sa tapat ng pinto niya na punong-puno ng doggy treats. Napatawa na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.Nilapag niya ang mga dalang grocery plastics at binuksan ang pinto. Isa-isa niyang pinasok iyon habang sinasalubong siya ng asong si Steve."Wait lang baby, may kukunin pa ko sa car." saad pa nito at lumabas ulit ng bahay para kunin ang gift basket na natanggap rin kanina sa office.Nang makabalik sa unit niya ay naupo siya mismo sa sahig at inabot ang gift bas

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status