Share

Chapter 17

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

PAIKOT-IKOT NAMAN si Evie sa kabahayan niya, mula kusina papasok ng kwarto niya. Nakikita rin ni Silver na dinadala nito ang natirang box ng pizza at ibang pagkain pa sa kwarto niya. Nagpasok rin ito ng wine at tubig.

Magpi-picnic ba itong babaeng toh sa kwarto niya at halos hakutin din lahat ng pagkain?

Bago muling pumasok ng kwarto niya si Evie huminto ito sa may sala at humarap kay Silver. Nakita niyang nakatingin rin si Silver sa kanya na nagiintay ng sasabihin niya.

"I'll be just in my room, kung may kailangan ka, you can get it anything from here. Katok ka lang kung emergency ah?" habilin pa ni Evie at papasok na ng kwarto niya.

"Teka!" pagtawag pa ni Silver na ikinahinto ni Evie sa paglalakad. "A -- anong -- kakain ka sa kwarto mo magisa?"

"Hmm.. Kinda. Doon lang ako sa balcony, magre-relax, magpapahangin, magiinom, kakain."

"Pwede bang sumama doon?" alangan man, pero sinubukan pa rin ni Silver.

Napaisip naman bigla si Evie. Dahil ang veranda ay nasa kwarto niya, makakapasok muna si Silver sa silid niya bago makalabas ng veranda.

"Promise, behave ako. Gusto ko lang din makalanghap ng sariwang hangin."

Napabuntong hininga na lang si Evie at bumalik ng kusina. Kumuha siya ng extra baso at ang bote ng natirang beet root juice.

"Tara na." saad lang niya kay Silver at nauna na siyang naglakad papasok ng kwarto niya.

Halos lumundag naman si Silver sa saya sa narinig. Kaagad niyang pinatay ang tv at sumunod kay Evie sa kwarto nito.

May kalakihan rin ang kwarto na bungad ang queen size bed ni Evie. Sa dulo ng kwarto ang glass sliding door patungong balcony, nakita niyang pumasok roon si Evie at sinundan na lamang niya iyon.

Napadungaw naman na si Silver sa balcony at masasabi niyang nakakamangha doon. Para itong panibagong parte ng bahay. May maliit na set sa dulo at nakaayos ito na tila cozy style living room maaring matulog rin dito, malamig nga lang siguro dahil medyo open area. Sa gitnang parte ang coffee table for two na naroon lahat ng pagkain at inumin nila. Sa kabilang dulo ay tila maliit na laundry area na may divider at thick plastic curtain. Hindi ganoon kalakihan nga ang apartment ni Evie pero napaka-useful ng bawat sulok, nakakatuwang tirahan ng isa o dalawang tao.

"Your place is really nice. So cozy." puri pa ni Silver na nililibot pa rin ang tingin.

"I know right? This is my hidden sanctuary. I don't even invite friends here." saad pa nito at naglalagay ng wine sa glass niya.

"Really? Wala ka pang dinadala rito -- kahit sino?"

Umiling naman si Evie pagkainom ng wine. "Nada."

Hindi naman malaman ni Silver kung bakit may kung anong saya siyang naramdaman. Siya palang pa pala ang nadadala ni Evie sa bahay nito and it's fucking awesome! He felt so special.

Naglagay naman si Silver ng beet roots sa glass niya. Napansin niyang tila nakatingin si Evie sa kawalan at natutulala habang hawak ang wine glass. Parang may malalim itong iniisip.

"Earth to Evie?" pagtawag pansin niya rito at sinulyapan naman siya ng dalaga. "Lalim naman yata ng iniisip mo? Care to share?"

"Hindi naman. Nagpapahinga lang ako."

"Napagod ka ba magalaga sa akin?"

"Hindi sa ganun. Ngayon lang ako may nakasama sa bahay ko, this is so unusual for me."

"Me too. But -- thank you."

Napalingon muli si Evie sa kanya at nagkatama ang mga mata nila. Hindi naman malaman ni Evie kung bakit sa tagal at ilang beses na nilang pagkikita at pagsasama ni Silver ay unusual pa rin ang pakiramdan niya kapag nariyan ang presensya nito. Magkakahalong emosyon ang nararamdam niya, masyadong magulo, masyadong nakakalito. Hindi niya alam kung alin sa mga emosyon na ito ang dapat masunod, manaig sa kanya kapag kaharap ito at kausap.

"Thank you for letting me stay and be with you. This could be the best Christmas for me." seryosong saad naman ni Silver na may ngiti sa mga mata nito.

Hindi naman malaman ni Evie kung bakit tila nagiinit ang mga mata niya at nangungusap. Napalunok siya ng laway at tila nagpipigil ng emosyon. Napabuntong hininga na lamang siya at saka umiwas sa mga tingin ni Silver. Hindi niya kasi malaman ang isasagot rito.

"Best ba yun eh nahirapan kang huminga at naospital pa." pasubali ni Evie habang nakatingin sa harapan niya at para na rin mawala ang tensyon na nararamdaman.

Bahagya namang natawa si Silver. "'Cause you take my breath away eh."

"Ay hindi pa natuluyan.." Evie whispers while drinking. Kumuha siya ng pizza at kaagad na kinagatan ito.

"So, gusto mo kong matuluyan?" nagpipigil pang tawa ni Silver.

"Oy, wala akong sinabi ah?" pagpipigil rin ng tawa ni Evie at kagat muli ng pizza niya.

"Mukha ka namang malakas pala kumain, pero bakit -- ang payat mo na?"

"Ewan ko, hindi na ko tumaba eh." sagot pa nito habang puno ang bibig.

"Nagda-diet ka naman yata eh?"

"Hindi noh! -- healthy living lang din." pero muling kumagat ng pizza. "Para matagal na panahon pang makakain ng kahit anong gusto."

"Oo na! Maghe-healthy living na nga rin ulit ako. Gusto ko na rin bumalik sa diet ko."

"Woo! Sabi mo lang yan."

"Hindi ah? Gagawin ko."

"Sabi mo rin yan noon pero walang nangyari. Pasaway ka pa rin!" napalingon naman si Evie rito na tila nangaasar siya. Sumeryoso naman ang mukha ni Silver. "Bata bata mo pa, kokota ka na sa mga sakit."

"31 na ko noh!"

"Oo nga, pero parang walang pinagkatandaan. -- 31 ka palang pero yung mga sakit-sakit mo pang 71 na."

"Tss! Hindi kaya." pag-angat pa ng kaliwang parte ng labi nito.

"Oh sige, pang 61!" pamimilosopo pa ni Evie.

"'Kala mo siya walang nararamdamang sakit-sakit din?"

"Oo nga, I was there na. Kaya nga nagiging health conscious lalo di ba? You should be more too. I've been telling you that since."

"Oo na nga, dok!"

Dahil nasa open area sila, napansin ni Evie ang panginginig na ni Silver, mahina ang katawan nito sa lamig, at isang factor pa na mabilis makapagpaginaw dito ang mataas na blood sugar.

Hindi pinapahalata ni Silver ngunit pansin pa rin ito ni Evie, nilalamig rin si Evie ngunit nakaternong pajamas ito na long sleeves pa ang pang itaas at nakamedyas, samantalang naka-shorts lang si Silver at manipis na puting v-neck shirt.

Tumayo na si Evie at pumasok ng kwarto niya, kumuha siya makapal na kumot at extrang medyas pa para kay Silver.

"Oh! Baka maospital ka na naman eh." pagabot niya sa mga ito.

"Yon! Salamat." kaagad naman sinuot ni Silver ang medyas at nagtalukbong mabuti ng kumot. "Brr! Grabe!" nakadama naman siya ng ginhawa.

Kinuha rin ni Evie ang kumot na nasa mini sofa set niya at nagtalukbong rin.

"Hay! Sarap!"

Nagpatuloy naman sila sa pagkain at inom ng kani-kanilang inumin.

"Bakit hindi ka umuuwi sa inyo? Hindi mo ba sila nami-miss?" pagbasag muli ni Silver sa katahimikan nila.

Nginuya naman na muna ni Evie lahat ang laman ng bibig bago sumagot. "Nami-miss syempre."

"Nagkakaaway na naman ba kayo ng papa mo?"

"Hmm.. Kinda? 'Lam mo naman, kapag may hindi ako nagugustuhan sa mga sinasabi niya, umiinit ulo ko. Baka magpangabot lang kami. That's why -- I'd rather stay away."

"Sabagay. Noon pa man ganyan na di ba?"

"Yeap. -- saka -- tama naman din sila -- naging pabigat ako masyado noon so, binabawasan ko lang din ang pabigat sa buhay nila." tila humina ang boses nito, ramdam naman ni Silver ang lungkot sa tono ni Evie.

"Hindi ka naman pabigat."

"I was." napalingon siya ng seryoso kay Silver. "Pamilya ko nga halos ayawan ako noong naging pabigat ako at walang pakinabang, ikaw pa kaya di ba? Kaya nga kahit kailan hindi mo nagawang effort-an."

"Hi -- hindi naman sa ganun."

"Eh ano? Kasi ayaw mo ng obligasyon? Na feeling mo kapag pinuntahan mo ko ay kailangan mong magbayad ng mga utang ng pamilya ko."

"You know I'm more willing --"

"But you never did. Even I asked you to." sinusubukan naman ni Evie kumalma kahit pa sa anong sandali ay bibigay na naman siya. Ayaw niya rin masira ang gabi na ito. "You have no idea what happened -- after that."

"After what?"

Tila napatingin na lang si Evie ng seryoso na bahagyang nakakunot ang mga kilay. Napapahinga na lang din siya ng malalim.

"Basta! Long story."

"I have all night to listen."

"I don't want to talk about it." seryosong tugon ni Evie at nilihis muli ang tingin.

"Okay.." napataim labi pa ito dahil mukhang nagbago na naman ang mood ni Evie sa mga tanong niya.

Naging awkward na naman ang katahimikan nila na wala talagang nais magsalita. Napasulyap na lamang si Silver sa wall clock na nasa pader malapit sa mini sofa at nakitang lampas alas dose na ng gabi. Tila doon siya nakaisip ng ideya upang may masabi.

"Alas dose pasado na pala." ginawad niya ang wine glass niyang beet root juice ang laman kay Evie at ngumiti rito na para bang walang tensyong naganap. "Merry Christmas, Evita."

Napalingon naman na si Evie kay Silver at walang imik na ginawad din ang wine glass niya.

"Merry Christmas, Silverio." at nag-toast sila ng mga glasses sabay inom rin dito.

Sa isip ni Silver, sa wakas nakadama siya ng saya sa okasyong ito. Hindi man din niya akalain ngunit nagawan pa rin ng paraan ang noo'y pinaplano lamang nila, tila ngayo'y naganap ang paskong nais sana nilang pagsaluhan noong mga panahong maayos pa ang lahat sa kanila.

Hindi naman malaman ni Evie kung matutuwa pa siya o maiirita dahil kahit anong sinasabi ng isip niya, iba naman ang dinidikta ng puso niya. Masyadong magulo, masyadong nakakalito. Tila kabig ng bibig, tulak ng dibdib. Galit siya sa taong ito, galit na galit na halos isinumpa niya ang araw na minahal niya ito. But look at her now, she's still welcoming it and taking good care of him whenever he needs her.

"Masaya ka ba?" pasaring pang tanong ni Silver na seryosong nakatingin kay Evie. Nagugulumihanang tingin naman sa kanya ang dalaga.

"Masaya saan?"

"Ngayon."

Nawalan naman ng imik si Evie dahil hindi pa niya malaman ang isasagot niya.

"Siguro. Okay lang din. Unexpected eh."

"Ako, masaya." saad naman ni Silver na hindi nagaalis ng tingin kay Evie kahit pa umiiwas ito ng tingin sa kanya kung minsan. "Natupad ang isang wish ko na eh. Masaya na rin ako nun."

Naiilang na naman si Evie dahil alam niyang pilit pinupunta ni Silver sa nakaraan nila ang paguusap, siya namang pilit pagiiba nito upang hindi siya mailang at makapagsabi ng mga bagay na baka makasakit pa. Masyado itong naging masakit sa kanya na hindi na niya kaya pang balikan. Tila hindi pa ganoon kahilom ang sugat ng kahapon, ngunit pilit naman siyang nagpapagaling.

"Sana lang matupad pa yung ibang hiling ko."

"Hindi na ko naniniwala sa ganyan." paginom pa ulit ni Evie sa wine. "Araw-araw namang iisa lang ang dasal ko noon pero kahit kailan hindi nangyari. Ngayon, bahala na lang si Lord, sana lang yung -- hindi na ko masasaktan dahil baka hindi ko na talaga kayanin."

"Hindi ka naman na sasaktan."

"Narinig ko na rin noon yan pero ganun pa rin ang nangyari." mapait na ngumiti lang si Evie kay Silver at saka tumayo papasok sa kwarto nito. "Kuha lang ako hot water natin."

Napapabuntong hininga na lamang si Silver dahil batid niyang hindi pa siya napapatawad ni Evie. Halatang masyado pa itong apektado sa nangyari sa kanila noon. Marahil bitter man sa paningin, ngunit hindi naman din niya ito masisisi kung ito pa rin ang nararamdaman ng dalaga. Kasalanan din naman talaga niya. Hindi nga lang niya alam kung papaano pa niya mapapawi ito at kung mapapatawad pa ba siya nito.

Tila patotoo ang gawain ni Evie noon sa mga taong sinaktan din siya. Talagang inalis na lamang niya ito sa buhay niya na para bang hindi nag-exist. Ganun din ang ginawa ni Evie sa kanya ngunit bakit dama pa rin niyang hindi pa ito nakakapag-move on. Ayaw naman din niyang ipilit kaagad ang sarili sa dalaga.

Nang makabalik si Evie, parehong hawak nila ang hot water lang at paunti-unting iniinom.

"Pwede mo ba akong ipag-drive mamaya pauwi sa condo ko?"

Hindi naman inaasahan ni Evie ang tanong ni Silver kaya napatingin siya rito. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya o hindi.

"S -- sure."

NANG maubos na nila ang iniinom ay kaagad na rin nagligpit si Evie, bumalik naman na ng salas si Silver at naupo lang muna doon habang minamasdan si Evie na nagbabalik-balik sa kwarto nito at kusina.

"Yung ilaw na lang sa banyo iiwan kong bukas ah? Para naman hindi ka masyadong madilim rito." at pagpatay na nito sa ilaw ng kusina at salas.

"Good night." saad naman ni Silver na nakapahiga na sa sofa.

"Good night." sagot din naman ni Evie bago tuluyang pumasok ng kwarto niya. Hindi na lamang niya ni-lock iyon in case naahirapan na naman huminga si Silver at emergency na kailangan nito ng tulong, hindi na ito mahirapang kumatok ng kumatok dahil tulog mantika rin siya.

Alam naman niyang hindi magagawa ni Silver na mag-take advantage sa kanya. Hindi ugali nito ang mamilit ng tao, at ayaw din ni Silver na pinipilit siya sa bagay na ayaw niya.

Malalim na ang gabi ngunit gising pa rin ang diwa ni Silver. Hindi niya malaman kung namamahay ba siya o dahil ilang beses na rin siyang nakatulog kanina kaya ngayon ay hirap siyang makatulog.

Nakatingin lang siya sa kisame ng bahay at tila hindi malaman kung saan ang patutunguan ng mga iniisip niya. He prayed this day won't be over.

KINABUKASAN, naunang nagising pa rin si Silver kahit pa alam niyang late na siyang nadalaw ng antok. At dahil mas maayos ang pakiramdam niya ngayon, nagkusa na siyang makialam muli sa kusina ni Evie upang makapagluto at handa ng agahan nila.

Ininit niya ang ilang pagkain nila kagabi, nag-toast siya ng tinapay at nag-poach ng itlog.

Napapangiti pa siya nang makita ang ilang ingredients ni Evie sa kusina, mula sa olive oil hanggang sa mga low calorie and sodium contents. Pakiramdam ni Silver nasa langit siya dahil lahat yata ng makikita nito sa kusina ni Evie ay pupwede sa kanya.

Ayaw man niyang mag-assume, pero hindi niya mapigilang magisip na baka inaalala pa rin siya ni Evie.

"Bango ah?" bungad ni Evie sa likuran ni Silver kaya napalingon ito saglit sa kanya.

"Upo ka na."

"Hmm? Nagkikikilos ka naman kaagad, baka sa ospital diretso natin neto kaysa sa bahay mo ah?" paalala pa ni Evie habang nagsasalin ng kape sa mug niya.

"Hindi naman. I feel fine."

"I feel fine -- tapos mahihirapan na namang huminga?" pagtataray pa nito at irap kay Silver. Natawa na lang si Silver sa paggaya ni Evie sa sinabi niya.

"I hope not."

"You're feeling good na pala eh. Eh di kaya mo ng mag-drive pauwi sa --"

"Sabi mo ihahatid mo ko?!" mabilis na tugon ni Silver.

"Eh okay ka naman na --"

"Sige na? Pumayag ka na eh. Pamasko mo na sa akin." nginingisian naman nito si Evie saka nilagay ang fresh poach egg sa small bowl nila.

"'Kay, fine! As if I had a choice? Baka kasi on the way bigla ka na naman dyspnea, kasalanan ko pa di ba?!"

"Mapo-por nada ang project niyo sa amin sa Palawan kapag naospital ako ng naospital."

"Aba? Problema niyo na ni Benjamin yan noh? Mababawasan naman ang stress ko!"

Napapangiti na lamang si Silver sa katarayan ni Evie sa kanya. Kung noong una ay nao-offend pa siya, ngayon kinakatuwaan na lamang niya.

Kumain na sila na tila pa naging komportable na silang magkasama. Inaasikaso nila ang isa't isa at hindi naman malaman ni Evie kung bakit may kung anong saya siyang nararamdaman sa mga oras na ito. Na sa wakas sa oras na ito ay hindi siya nagiisa.

Napatingala pa sa kalangitan si Silver bago sumakay ng kotse niya. Ihahatid na siya ni Evie sa condo niya and he couldn't be more excited.

Nang makasakay si Silver ay nakita niyang kinakalikot ni Evie ang navigator sa kotse nito. Minasdan niya ang ginagawa ni Evie at nanlaki na lang ang mga mata niya ng matuklasan nito ang Home address na naka-register sa system nun.

Napatahimik si Silver at hinayaan na lamang si Evie sa ginagawa. Nang matapos ito ay tiningnan siya nito ng seryoso at siya naman ay tila nagmamaang-maangan.

"Sana pala kahapon ko pa toh ginawa. Naawa lang ako sayo eh." pasaring pa ni Evie. Hindi naman malaman ni Silver kung mao-offend ba siya o matatawa. Sobrang hindi niya ma-gets pa ang mood ni Evie sa kanya.

Nagmaneho na si Evie dahil sa naka-automatic home navigator na ang sinusundan niya. Hindi na niya kailangan tanungin pa si Silver dahil baka mas maligaw pa sila. Medyo mahina kasi ito sa direksyon at kalsada.

Makulimlim na ang langit bago pa man sila umalis ng apartment ni Evie, at habang nasa kalsada na ay pumatak na ang ambon ngunit hindi pa ganoon kalakas.

"May bagyo ba?" pagtingin pa ni Silver sa may bintana.

"Low pressure daw eh. Ewan ko lang kung tutuloy na bagyo."

Hindi na ganoon katrapik dahil lumipas na rin ang rush hour. Nang madaanan nila ang SM Aura ay nagpahinto muna doon si Silver upang makapag-grocery man lang daw siya, baka kasi kapag nakauwi na daw ay lumakas ang ulan at tamarin siyang lumabas, at baka rin manghina na naman siya kaya hindi rin makakapag-drive. Pinagbigyan naman siya ni Evie.

Habang naglalakad sa mga aisle ng super market, si Silver ay nauuna at nagkukuha ng mga gusto niya, habang si Evie naman ang nagtutulak na lang ng push cart at nakasunod kay Silver.

"Olive oils oh? Mayroon ka pa ba?" pagtigil pa ni Evie sa parteng iyon.

Nilingon naman siya ni Silver na may hawak na seasonings.

"Wala pa, pakikuha na nga ako please." utos naman niya rito.

Kinuha na ni Evie ang ilang malaking bote na ng olive oils. Panay kuha lang din si Silver ng mga gusto nito, at kapag may nakakaligtaan siya, si Evie na ang kumukuha para sa kanya.

Nakarating sila ng fruit section at sabay silang tumitingin sa mga prutas na naroon. Kumuha si Silver ng ilang lemon, pear at apple, nilalagay niya rin ito kaagad sa malaking push cart nila na malapit ng mapuno. Si Evie naman ay walang reklamong taga tulak nun at nakasunod kay Silver.

"Hi Ma’am, papaya po oh. Freshly delivered." pagharang pa ng sales man na nakatoka sa fruit sectio. Hinaya pa nito ang papaya kay Evie at kinuha naman niya iyon upang suriin. Mukhang maganda nga ang pagkakahinog nito at naalala niya kailangan ni Silver yun para mas makadumi ng maayos. "Masarap po yan Ma’am, sakto lang ang tamis. Avocado po, baka gusto niyo rin?" mukhang sinagad na nito ang pagsi-sales talk kay Evie.

"Sige po, tig dalawang kilo lang." saad naman ni Evie at kinikiluhan naman na siya ng mga prutas. Habang iniitay niya iyon, hinanap ng paningin niya su Silver ngunit mabilis iyong nawala. Hindi naman siya nabahala kasi paniguradong siya ang hahanapin nun.

"Eto na po Ma’am ganda. Salamat po. Balik lang po kayo kung gusto niyo pa ah?" tila pagpapabibo naman ng sales man at ngumiting matipid lang siya rito bago inalisan na.

Diniretso lang ni Evie ang fruit section at kasunod na nun ang vegetables section. Saktong nakita niya kaagad si Silver dahil na rin sa tangkad nitong six-foot and three inches, hindi mahirap hagilapin. Nakita niyang marami-rami na itong hawak na mga gulay-gulay kaya minadali na niyang lapitan.

"What you got?"

"Where've you been?"

"Kumuha ako papaya at avocado mo."

"Ah, thanks."

Hindi naman makapaniwala si Silver, nagpipigil sila siya ng ngiti naman kaya bumalik siya ng tingin sa kinukuhang lettuces.

Nang mailagay na ni Silver ang mga nakuhang gulay, sabay na silang naglakad patungong meat section. May kabigatan na ang push cart nila kaya si Silver na nagtulak, nauuna lang ng kaunti din si Evie sa kanya sa paglalakad habang lumilingon-lingon kung saan, nakapahawak lang din ito sa cart nila. Napansin naman ni Silver na naka-all eyes ang mga nag-a assist doon sa meat section. Pinagkunutan niya yun ng makakapal niyang kilay at tiningnan si Evie na mukhang wala namang paki.

Sa isip ni Silver, hindi naman bastusin ang suot ni Evie na light pink off-shoulder long sleeve blouse nito, yun nga lang litaw ang pusod nito na may hikaw pa. Naka-denim jeans naman ito at naka-sandals lang. Mabuti na lang sanay na ito ng naka-heels ng kaunti dahil mas nagmumukha itong maliit sa height lang na five-foot and three inches kapag katabi niya. He finds it really cute.

He knew Evie also doesn't like to put makeups all the time but today she put on very light blusher and liptint only, and because of its natural thick brows, she doesn't need to fix it at all. It is also obvious that Evie had her eyelash extensions, she doesn't like to put any eye makeup kasi hassle at nakakapuwing daw palagi, so she rather had her eye lash extensions instead to have her eyes livelier. And Silver thinks it's really beautiful yet still natural looking.

"Kukuha ka ba ng meat?" paglingon pa ni Evie kay Silver nang matigilan sila saglit. Nagtaka naman si Evie dahil nakatingin na si Silver sa kanya ngunit parang lutang ito. "Huy, Silver?!" pag-uga pa ni Evie sa push cart nila para mauga rin si Silver at matauhan. "Tulaley much? Gandang-ganda ka naman yata sa akin?" pasaring ni Evie ngunit tila nagsusungit ito.

Hindi naman nakasagot si Silver at napaismid. Saka siya tumingin sa mga meat display. Tila pakiramdam niya ay napahiya siya rito dahil kanina pa siya nakatitig rito at ngayo'y nahuli pa siya.

 

 

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 18

    KUMUHA NAMAN NA si Silver ng ilang meat lang at habang hinihintay yun, napapansin pa rin niya ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga kalalakihang naroon pati na rin ang ibang customer. Mayroon pang dumaan na magasawa at yung lalaki ay napatingin kay Evie na nakatayo sa hindi kalayuan at tumitingin ng gatas sa isang aisle, nakita ito ng asawa niyang babae kaya binatukan siya. Gustong matawa ni Silver ngunit nagpipigil siya, napailing-iling na lang din siya dahil doon. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya sa mga tumitingin sa dalaga o magiging proud. Ngunit, parehong wala siyang karapatang maramdaman ito dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang dalaga."Eto na po, Sir." pagabot naman sa kanya ng mga nakaplastik ng mga nakilong karne at isda, nilagay naman din ni Silver iyon sa cart nito.At dahil masyadong nagpipyesta ang mga mata ng mga kalalakihang naroon kay Evie, hindi na mapigilan ni Silver ang inis niya. Habang nakahawak sa push cart niya, nag-extend siya n

  • As You Needed   Chapter 19

    NAGUGULUHANG NAGTATAKA pa rin si Evie sa kausap. Napapatingin naman siya sa may labas na malakas pa rin ang ulan.(Silver? It's me, Georgia!)Lalong kinabahan si Evie dahil hindi mukhang client o empleyado ang dating ng pagtawag nito kay Silver. Napatingin naman siya kay Silver na ganoon pa rin ang posisyon."He -- hello?" pagsasalita na niya. "I'm sorry, who's Georgia is this?" pormal pang sagot ni Evie.(Is this Silver's number?")"Ahm, oo. Sinong Georgia toh?"(Ikaw? Sino ka?!) tila singhal ng babae sa linya at kinabigla iyon ni Evie."Ikaw ang sino? Ikaw ang tumawag eh!" mabilis na pagsagot ni Evie na hindi niya napigilang mapasinghal rin dahil sa tugon ng kausap. Bigla siyang na-beast mode rito.(Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Silver?! Sino ka?!)"Eh bakit ka tumatawag kay Silver?! Sino ka?!" tila ganting sagutan naman nila over the phone. Mabilis namang na-high blood si Evie dahil nababastusan siya sa kausap.

  • As You Needed   Chapter 20

    "AAAHHH!!!"Malakas na tili ni Evie sa pagkagulat, halos naglundagan yata ang mga internal organs niya sa takot na nadama."Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal niya rito ng mapagtanto kung sino ito. Halos hiningal siya sa kaba kaya napasapo niya ang dibdib."Bawasan mo pagkakape! Masyado kang nagiging magugulatin." tila pangaasar pa nito. Nakatayo naman siya at nakapasandal na upo sa sandalan ng couch sa opisina ni Benjamin."Bakit ba narito ka na naman ng ganito kaaga?! Wala ka bang manners?!" galit pa ring singhal ni Evie rito."Mayroon, kaya nga maaga ako dito eh.""Wow? Sana all inuuna sa umaga!" pag-irap pa ni Evie rito."Bakit ka ba nagagalit? Ang aga aga galit ka kaagad.""Hindi ako galit!" inis pa ring sagot ni Evie rito."Galit ka eh!""Hindi nga!""Hindi ka pa galit niyan noh?""Stop telling me I'm mad until I get mad! Because I will stab you!" pagbabanta pa nito kay Silver sabay pa

  • As You Needed   Chapter 21

    BADTRIP MANG UMUWI si Evie pero natatawa at napapailing na lamang siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Balewala naman sana sa kanya ang pagbangga at tapon nito ngunit ang kinaiinis niya ay ang kayabangan at pagsigaw-sigaw nito sa kanya kaya pinatulan na niya.Naglalakad siya sa hallway patungong unit niya nang maningkit ang mga mata dahil may tinatanaw sa pintuan niya. Nang makalapit siya ay napataas na lang siya ng kaliwang kilay sa pagtataka.May gift basket na naroon sa tapat ng pinto niya na punong-puno ng doggy treats. Napatawa na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.Nilapag niya ang mga dalang grocery plastics at binuksan ang pinto. Isa-isa niyang pinasok iyon habang sinasalubong siya ng asong si Steve."Wait lang baby, may kukunin pa ko sa car." saad pa nito at lumabas ulit ng bahay para kunin ang gift basket na natanggap rin kanina sa office.Nang makabalik sa unit niya ay naupo siya mismo sa sahig at inabot ang gift bas

  • As You Needed   Chapter 22

    SIGHT-SEEING PA rin si Evie sa kabuuan ng building habang nakatayo pa sa tabi ng kotse ni Silver."Tara sa loob." saad pa ni Silver at sabay naman na silang naglakad papasok roon.Pinagbuksan naman sila ng guard at napatanaw kaagad si Evie sa kabuuan ng receiving at reception area. Parehong silang lumapit sa may reception."Good afternoon madam, Sir.""We have an appointment, Silver Alessandro." sagot naman ni Silver sa receptionist."For a moment Sir." tila may kinalikot ito sa monitor ng computer niya bago nakangiting nilingon muli sila. "On third floor Sir, show room three.""Thanks." yun lamang at nagtungo na silang elevator.Pagkarating sa ikatlong palapag ng gusali ay kaagad silang naglakad at hinanap ang show room 3 na tinutukoy sa kanila. Kaagad rin silang pumasok sa glass door nun."Hi Ma’am Evie, Sir Silver. I'm Sunshine, I'm going to assist you from choosing your gown and suit up to your stylist and makeup arti

  • As You Needed   Chapter 23

    PINAKAPIT MULI ni Silver si Evie sa kaliwang braso niya bago sila naglakad patungo ng assigned table. Pinaghila naman din ni Silver si Evie ng upuan bago ito pinaupo at umupo rin siya sa tabi nito.Good for eight ang round table nila. Nasa kanan ni Evie si Benjamin, katabi nun ang date nitong si Sofie na nasa kanan din niya. Nasa kaliwa naman si Silver na ang kasunod ay ang president ng company nila na best friend ng ama ni Benjamin.Hindi pa nagiinit sa kinauupuan niya si Evie, panay dungaw na nito sa mga tables na naroon. Yung iba kasi ay bakante pa, marahil wala pa ang ibang expected guests. Napansin naman kaagad ni Silver ang pagkaali-gaga ni Evie."Chill. Darating din mga yun.""Oo nga, chini-check ko lang para matawagan ko yung coordinator ko at makapagsimula na ng program.""In ten minutes, kung wala pa rin sila, pagumpisahin mo na ang program, Evz." saad naman ni Benjamin."Copy that."May nag-serve naman na per tables ng VIP

  • As You Needed   Chapter 24

    PATULOY NA LAMANG sina Silver, Benjamin at Sofie sa paglilibot ng tables, hinayaan na lamang nila si Evie makipagsaya sa ibang katrabaho. They both want her to enjoy so they let her be."Kailan kaya ako makakahanap rin ng ganyang sekretarya? Mabait naman din si Matt pero kung anong trabaho, trabaho lang. Can't go on an extra mile." biruan pa nila.Natawa naman si Benjamin na umiinom na ng scotch on the rocks."She's one of the kinds. Maaasahan talaga siya sa lahat.""So I guess, makakasama ulit kayo sa akin sa San Fabian to celebrate New Year?" saad pa ni Silver at hindi ito inaasahan ni Benjamin kaya napatingin sa kanya."Bring her, she might enjoy there too." pagtukoy pa ni Silver kay Sofie na nakatingin sa kanila at malamang ay narinig din nito ang pagiimbita niya."Sure!" masaya namang sagot ni Sofie at kumapit pa sa braso ni Benjamin."I'll invite Khalil and Ingrid too.""O -- okay then. We -- we will come." nagaalangan ma

  • As You Needed   Chapter 25

    NAMULAT NI EVIE ang mga mata dahil sa malakas at sunod-sunod na tahol ni Steve. Hindi ito palatahol na aso unless may tao sa pintuan niya kaya kahit pumupungas-pungas siya, bumangon na siya.Itinukod niya ang dalawang kamay at itinulak ang sarili upang makabangon dahil padapa siyang natutulog. Kinukusot-kusot niya pa ang mga mata na kalahati dilat lang ng lumabas ng kwarto niya at nasilip ang wall clock sa sala niya. 6:27am pa lang."Steve? Ano bang iniingay mo dyan?" inaantok pa rin niyang tugon at padausdos na naglalakad patungo sa aso na tahol ng tahol sa may pintuan.Walang anuman ay binuksan niya ang pintuan niya ang pinto upang silipin ang labas.Bigla namang buong nadilat na nito ang mga mata ng makita ang nasa harapan niya.Si Benjamin na akmang kakatok sa pinto niya. Naka-blue polo shirt, black maong shorts at rubber shoes ito."Benj?! Wh -- what are you doing here?!"Biglang ngiti na lamang din si Benjamin dahil nakita siyan

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status