KUMUHA NAMAN NA si Silver ng ilang meat lang at habang hinihintay yun, napapansin pa rin niya ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga kalalakihang naroon pati na rin ang ibang customer. Mayroon pang dumaan na magasawa at yung lalaki ay napatingin kay Evie na nakatayo sa hindi kalayuan at tumitingin ng gatas sa isang aisle, nakita ito ng asawa niyang babae kaya binatukan siya. Gustong matawa ni Silver ngunit nagpipigil siya, napailing-iling na lang din siya dahil doon. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya sa mga tumitingin sa dalaga o magiging proud. Ngunit, parehong wala siyang karapatang maramdaman ito dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang dalaga.
"Eto na po, Sir." pagabot naman sa kanya ng mga nakaplastik ng mga nakilong karne at isda, nilagay naman din ni Silver iyon sa cart nito.
At dahil masyadong nagpipyesta ang mga mata ng mga kalalakihang naroon kay Evie, hindi na mapigilan ni Silver ang inis niya. Habang nakahawak sa push cart niya, nag-extend siya ng mahabang kamay at braso para maabot ang beywang ni Evie. Pakapit niya itong hinila patungo sa kanya.
"Lika na, mommy." sinadya niyang iparinig iyon sa iba para malaman ng mga ito na magkasama sila.
Hindi naman na nakaimik si Evie at biglang natuod ng manginig ang tyan niya sa sinabi sa kanya ni Silver. Sumunod na lang din siya rito at tumabi sa paglalakad habang nakahawak pa rin ito sa beywang niya.
"Tsansing ka noh? Bitawan mo nga ako. Baka kung anong isipin kapag may kakilala tayong makakita satin." pasimpleng saad ni Evie habang naglalakad na sila.
Feeling proud naman si Silver sa paglalakad nila na walang pakialam sa sinasabi ni Evie.
"Eh di isipin nila kung anong gusto nilang isipin. Ano naman?" pagmamatigas rin ni Silver na wala talagang pakialam sa nakakakita sa kanila.
Pasimple lang din inaalis ni Evie ang kamay ni Silver na halos sakupin ang beywang niya pero ayaw naman din niya itong ipahiya dahil pansin niyang maraming nakatingin din sa kanila. Malamang iisipin talaga ng mga yun na magasawa sila or what. Pero sa totoo lang, may kung anong nginig siyang nadama sa ginawa ni Silver, feeling niya gusto pa rin siyang angkinin nito ngunit nais niyang pigilan na lamang ang pagiilusyon dahil maaari ring inaasar lang siya nito para hindi siya tingnan ng iba.
MATAPOS ng grocery nila ay nagmamadali na si Evie sa paglalakad, at dahil maraming tao sa mall dahil pasko, hindi niya gustong nakikipagsiksikan sa daan at escalator.
Dala ni Silver ang naka-box ng grocery niya, hawak na lamang ni Evie ang ilang hindi na nagkasya roon. Panay alalay sa pagakbay at hawak si Silver sa beywang ni Evie at kung minsan ay inaalis ni Evie yun.
"Sir Silver!"
Sabay pa silang napatingin sa kanan nila ng marinig ang tumawag kay Silver.
"Oh, Fred." hindi naman malaman ni Silver kung matutuwa siya rito o mahihiya.
Mabilis pa sa alas kwatro inalis ni Evie ang pagkakahawak ni Silver sa tagiliran niya at tila umiwas rito.
"Merry Christmas Sir, narito rin pala kayo." natutuwa namang pagsalubong pa nito at nginingitian din si Evie kaya napapangiti na rin ito sa kanya.
"Ahh, napabili lang. Kasama mo pamilya mo?"
"Oo Sir -- honey!" tila pagsenyas nito ng may pinapalapit at lumapit rin ang isang babaeng at hawak sa kamay nitong batang babae. "Ah Sir, asawa ko po saka anak ko." pagpapakilala nito sa pamilya at napatingin naman doon si Silver rin.
"Hello, merry christmas."
Napansin naman din ni Silver na tila nakatingin ang dating empleyado kay Evie kaya kahit nahihiya siya ay paakbay niyang hinatak si Evie papalapit sa kanya.
"Ahm, nagasawa na po pala kayo Sir?"
"Ay hin--"
"Oo eh. Matagal na nga sana, naudlot lang noon." tila proud pang saad ni Silver na mahigpit ang pagkakaakbay kay Evie dahil ramdam niyang pasimpleng pumapalag ito. Pilit namang napapangiti na lang si Evie sa mga ito.
"Bless ka anak." saad pa nung Fred at gayun nga ang ginawa ng bata. Kinuha nito ang kamay ni Silver at nagmano, gayun din ang ginawa kay Evie na hinayaan naman nila. Natuwa rin naman kasi sila rito.
Pasimpleng lumiyad si Evie para mabulungan si Silver.
"Abutan mo yung bata." bulong pa nito.
"Ganun?"
"Kuripot mo talaga eh noh?"
Dudukot na sana si Evie sa bag niya nang unahan naman na siya ni Silver sa pagdukot sa wallet nito. Nagabot kaagad ito ng 500 pesos sa bata.
"Mag-thank you ka, anak." utos naman ng asawa ni Fred.
"Thank po." saad pa ng bata na tila nahihiya pa. Nginingitian lang naman ito ni Evie.
"Welcome."
"Sige po Sir, mauna na kami. Baka nakakaistorbo po sa date niyo ni madam eh."
Tinawanan lang naman nila iyon hanggang sa mawala sa paningin nila ito at nagpatuloy na sila sa paglalakad.
"Ano ba? Kanina ka pa tsansing ng tsansing sa akin ah?" may iritasyon naman sa tono ni Evie habang naglalakad na sila patungong parking.
"Hoy hindi tsansing yun! Iniiwas lang kita sa tao kasi baka mabangga ka! Ang liit liit mo pa naman, baka hindi ka makita." palusot naman ni Silver.
"Kapal mo." sarap irap pa ni Evie.
"Nipis mo pa naman. -- baka kabagin ka sa suot mo noh? Palabas-labas ka pa ng pusod mo." tila nangungutyang naiinis ring saad pa ni Silver.
Napasinghap naman si Evie rito. "Malinis naman pusod ko noh! Dilaan mo pa!"
"Akin na! Didilaan ko talaga yan dito." tila naghamunan pa sila ngunit inirapan na lamang muli si Eviw sa kanya. Palihim namang natutuwa si Silver.
"Sino ba yun? Empleyado mo?" usisa pa ni Evie.
"Dati. Pero nasisante, kurakot kasi. Lakas kumik-back sa mga client, nareklamo tuloy."
"Ahh.. Kaya pala okay lang sabihan mong asawa mo ko, kasi hindi makakapagchismis sa iba."
"Kahit ichismis pa niya. Pakialam ko?"
Nang mailagay na nila sa compartment ng kotse ang mga pinamili, sabay rin silang papasok na ng kotse. Mabilis naman rin pinaharurot yun ni Evie pauwi sa condo na ni Silver.
Hindi niya malaman kung matutuwa ba siya o kakabahan, pero mukhang pareho niyang nararamdaman dahil sa wakas, narito na siya sa elevator patungo sa condo ni Silver na noon ay nakukwento lang sa kanya. Nagsasawalang kibo na lang siya habang nasa elevator pa sila at nagkakatinginan ni Silver sa salamin sa loob.
"Naalala ko yung kwento mo sa aking napaginipan mo noon about dito sa condo ko." pagbasag naman ni Silver ng katahimikan nila.
"Hmm?" naalala rin ni Evie yun ngunit ayaw niyang pangunahan.
"Yung nabaril ko yung business partner kong ninakawan ako ng 50 million sa condo ko. Tapos nasa ilalim ng kama ko yung bangkay niya."
Doon naman natawa ng bahagya si Evie. Palagi niya kasi noon kinukwento kay Silver kung gaano ka-weird ang mga panaginip niya. At aminado si Silver na enjoy siya kapag ginagawa ni Evie yun dahil para itong nag-storytelling ng panaginip niya, masyadong detalyado.
"Ewan ko ba't sa ilalim ng kama mo lang siya nilagay nun tapos gusto mong i-dispose natin."
"It was so weird nga. But I almost shot him before. Buti napigilan lang ako ng pinsan ko."
"Oo nga. Well, he deserves that. Baka ako pa nagtumba sa kanya noon eh." pareho naman silang natawa sa kwentuhan nilang iyon.
Pagkadating ng 12th floor, sa dulo rin ang unit ni Silver. Nag-swipe na ito ng key card at kaagad na binuksan ang pinto.
"Welcome here! Buti napalinisan ko na ito sa cleaners ko nung nakaraan."
The condo looks manly odd. Napakalawak ng first floor, parang mas malawak pa yun sa kabuuan ng apartment ni Evie. Overlooking na din ang dalawang kwarto sa taas.
"Oh well, this is nice." puri naman ni Evie ng makapasok na. Namamangha pa rin siya sa lugar. Hindi ganoon karami ang gamit ni Silver ngunit kompleto ng kasangkapan. Hindi lang siguro niya trip ang maglagay ng maraming displays.
She caught in a little smile sa isang portrait na may differently breeds ng aso sa itaas mismo ng long cream sofa nito.
"That's cute."
Dumiretso si Silver sa kitchen niya kaya sinundan na lang din siya ni Evie.
"Lagi ka siguro ulit nagpa-party dito noh?" sita pa ni Evie dahil six-seaters ang dining ni Silver. May divider bar din na maraming naka-display na alak ngunit bawas-bawas na. Pumasok na siya ng pinaka kitchen at inaayos na ni Silver ang mga laman ng karton ng groceries niya na nakalapag sa center island. Doon na lamang din nilapag ni Evie ang hawak niya pang groceries.
Nilibot pa niya ang tingin sa kitchen ni Silver at talagang namamangha siya roon kahit pa mas maganda ang kitchen ng bahay nito sa Pangasinan.
"What do you want to eat?" tanong naman na ni Silver kaya napaharap sa kanya si Evie.
"Ah, hindi na. Uuwi na rin ako. Ayokong abutan ng ulan."
Tila nataranta naman si Silver dahil ayaw pa niyang umalis ito.
"Ahm, dito ka na mag-lunch please? Ako ng magluluto."
"Magkikikilos ka na naman. Dapat ipahinga mo pa yan."
"Eh paano ako kakain di ba? Sige na, magluluto lang ako tapos -- saluhan mo na ako mag-lunch bago ka umuwi."
Napaisip naman saglit si Evie. Napatanaw pa siya ng tingin sa salas dahil maroon bintana doon. Nakita naman niyang wala na ang ambon ngunit madilim pa rin ang langit kahit katanghaliang tapat.
"Okay -- sige."
Alam ni Silver na napipilitan si Evie pero masaya siyang pumayag pa rin itong mag-stay muna.
Nilapag naman na ni Evie ang sling bag niya sa sofa at nais tulungan si Silver sa pagluluto.
"Paano yan kapag -- kapag ganyang inaatake ka ng panghihina o hirap huminga? Buti nakakatawag ka pa kaagad ng ambulansya?" pagsimula naman na ni Evie ng usapin nila habang nakaupo sa stool chairs sa may island counter at naghihiwa ng sangkap.
"Oo. Yun nga kaagad ang nasa speed dial ko, minsan yung personal doctor ko kung nasaan man ako." sagot naman din ni Silver habang naghuhugas ng gulay din sa sink ng center island.
"Ka -- kamusta na ba ang viral loads mo?"
"I've became active two years ago."
Napatingin naman si Evie sa kanya na parang hindi makapaniwala.
"Why is that? Nagpabaya ka?"
Napatungo-tungo na lamang din si Silver. Hindi naman malaman ni Evie kung dapat pa siyang magusisa.
"Siguro. Isang taong balik inom ako eh, napapalakas rin magyosi. Kung hindi pa ko naospital ng halos isang buwan, hindi ako maglulubay araw-araw. Bumalik rin ang fatty liver ko at posibleng magka-scarring but still, God is good. Hindi pa cirrhosis. Naging active nga lang ang dating inactive chronic hbv ko."
Hindi naman malamang ni Evie kung maiinis siya rito dahil nagpabaya o maaawa. Ayaw niyang mag-assume pero yun yung mga panahong nagkahiwalay sila. Marahil ginawa nitong dahilan yun para bumalik sa mga bisyo.
Ilang buwan pa lamang ng relasyon nila noon nang malaman nila ang sakit ni Silver, na-diagnosed ito ng Inactive Chronic Hepatitis B virus. Ibig sabihin, mababa ang viral loads niya at hindi kumakalat sa katawan niya ngunit nakakahawa pa rin sa iba. Parang HIV ang transmission ng sakit na ito kaya naging conscious si Silver sa sarili lalo na kay Evie dahil pakiramdam niya ay nakakadiri na siya. Natatakot siya ng labis na mahawaan noon si Evie kaya minabuti niyang patagalin na lamang din ang pagsasama nila hanggat hindi pa siya nakakasiguro noon sa lagay niya.
Ngunit tanggap naman ito ni Evie, willing ito magpabakuna noon kapag kasama na si Silver. Pero hindi naganap dahil sa mga kung anu-ano na ring naging dahilan pa ni Silver.
"I've became active pero hindi lumalampas sa two thousand ang viral loads ko."
"Well, i don't know if it's good to know pero -- dapat pagingatan mo lalo ang sarili mo na. Ayaw mo naman siguro umabot ng daang libo yan di ba?"
"Ayoko noh! Ngayon pa ba? Kung kailan mas gusto ko na namang gumaling."
Nagkakailangan naman sila ni Evie na magkatinginan.
"Sabi sayo eh, itumba na natin yung tropa ng pinsan mong nanghawa pa sa inyo sa inuman."
"Pinapa-hunting ko yun. Nagtatago daw talaga sabi ni Andrei."
"Alam -- na nila?" na-curious pang tanong ni Evie.
"Si mama kasi eh, nadaldal kay Andrei. Noong nasa ospital ako, si Andrei kasi ang nauutos-utusan ko, noong nalaman ni mama kay Andrei na nasa ospital ako, nagtanong siya, hindi rin naman alam ng pinsan ko kung bakit pero si mama dinaldal kaagad baka dahil daw sa hepa ko. Ayun! Inamin ko na rin. "
"Eh di ba siya rin nga mayroon? Pati yung girlfriend niya nahawa niya."
Napatungo-tungo naman si Silver.
"Mabuti na lang talaga hindi kita nahawaan noon."
Napatahimik naman silang dalawa. Marahil nahawa nga rin siguro noon si Evie dahil ilang buwan matapos ang huling pakikipaginuman noon ni Silver ay doon pa lamang niya nalaman ang tungkol sa sakit niya.
"O -- oo nga."
Nagpatuloy sila sa pagluluto nila ngunit si Silver rin ang pinaka kumikilos. Nakaupo lang si Evie sa stool chair at nanonood ng tv roon.
"Here." paglapag ni Silver ng mango juice sa tapat ni Evie.
"Bawal sayo toh ah?" pagkuha naman ni Evie at inom roon sa baso.
"Kaya nga pinapainom ko na lang sayo eh. Stock ko na yan dito."
"Well, you must only stock food and drinks na good for you. Kapag bumili ka pa ng mga bawal sayo, maa-attempt ka lang kainin o inumin yun. Kaya -- iuuwi ko ang mga alak mo." biro pa ni Evie na kinatawa naman ni Silver habang nagluluto.
"Sige kapag nadala mo lahat yan."
"Bawal sayo yun!"
"Para namang ang lakas mong uminom na?"
"Hindi nga pero -- mati-tempt ka lang inumin yun eh."
"Hindi na. Ayoko ng uminom."
"Sus! Narinig ko na noon yan pero kinabukasan lang nagiinom ka ulit." pag-irap pa ni Evie rito sabay inom ng juice niya.
"Hindi na talaga, promise."
"Promise your face!"
NANG matapos magluto ay kumain na rin silang dalawa. Mukhang nakakatakam ang sinigang na bangus belly ni Silver kaya napaparami si Evie ng kain.
"Grabe, lumobo tiyan ko, kakahiya." paghawak pa niya rito dahil nakalabas ito sa suot niya. Natatawa naman si Silver sa tabi niya. Parehas silang nasa terrace at nakatayo sa magkabilang dulo ng sliding door. Parehong nagpapatunaw at nagpapahangin doon.
"Ayan kasi! Kabagin ka pa dyan."
"Hindi noh! -- Ay hala!" tila nangamba naman si Evie dahil biglang bumuhos ang malakas ng ulan na kanina pa nagbabadya. "Dapat talaga kanina pa ko umuwi eh."
"Eh di aabutan ka rin sa daan. Trapik pa naman ngayon."
"At least pauwi na ko. Nako si Steve, baka ubos na nun ang dog food niya."
"Dapat iniwanan mo na ng marami."
"Marami naman yun. Akala ko kasi makakabalik din kaagad ako eh."
May malakas na kulog pa ang lakas ng ulan kaya biglang napapasok si Silver sa loob na ng bahay.
"Oh? Takot ka pa rin?" natatawa pang sita ni Evie ng mapansing pumasok na si Silver.
"Syempre noh, baka makidlatan pa. Tara na nga!"
Natatawa namang pumasok na rin ng bahay si Evie. Naalala niyang takot ito sa kulog at kidlat dahil sa traumatic experience sa mga bagyo.
Binuksan ni Silver ang 60 inches smart tv niya at diniretso sa Netflix.
"Ano gusto mong panoorin?" tila pagpili pa nito sa remote.
"Nako! Uuwi na ko! Patilain ko lang konti yung ulan."
Napatingin naman si Silver pa sa labas at nakitang malakas pa rin ang buhos ng ulan.
"Eh di habang nagpapatila ka."
Wala rin namang naging choice si Evie at inabot na lamang ang remote kay Silver upang siya mismo ang makapili ng panonoorin nila.
Pumipili naman siya sa horror category ngunit tila lahat ng naroon ay napanood na niya. Hindi pa kasi nagpapalit ang netflix.
"Ayoko niyan, action na lang." reklamo pa ni Silver sabay upo sa kabilang dulo ng sofa niya. Nasa kabilang dulo naman din si Evie at yakap ang isang throw pillow habang nakataas ang mga paa.
Sinulyapan ni Evie si Silver at napabuntong hininga na lang na lumipat sa action category ng palabas.
"Ayan, Ocean 8. Maganda yan."
Nagsimula na silang manood nang tumayo ulit si Silver. Napansin din Evie na umakyat ito sa kwarto niya ngunit hindi na lamang siya nagusisa.
Pagkababa ni Silver ay inabutan siya ng kumot nito, at kaagad rin niyang kinuha. Malamig doon dahil bukas ang sliding door sa terrace ng unit. Pasok na pasok ang malamig na hangin malalakas din ang paghampas.
Nakapagpalit na rin ng mas komportableng pambahay si Silver at naupo muli sa dulong sofa.
"Sobrang layo mo naman, ganyan ka ba nandidiri sa akin?"
"Hoy! Walang ganyan Silver ah? Kahit kailan, hindi ako nandiri --"
"Joke lang! Ang layo mo lang kasi."
"Alangang mag-cuddle tayo di ba?" pagtataray pa ni Evie na kinakatuwa na naman ni Silver.
"Pwede rin. Cuddle weather pa naman oh."
Matinding pag-irap naman ang ginanti ni Evie rito na halos panlakihin niya pa ng butas ng ilong niya.
Tahimik na silang nanood at parehong naka-focus sa pinapanood nila. Nakaramdam na rin ng panlalamig si Silver kaya kaagad itong gumapang sa gilid patungo kay Evie at umagaw ng kumot rito.
"Ano ba? Bakit hindi ka kumuha ng sayo?"
"Kumot ko naman toh. Tinatamad na kong tumayo eh." pagsiksik pa ni Silver sa kumot rin ni Evie at ngayo'y magkatabi na sila. Hindi naman magkadikit ang mga katawan nila ngunit nakailalim sa iisang kumot, mabuti na lamang at malaki ito.
Ilang minuto muli silang natatahimik at focus lang sa panonood. Nakaramdam naman si Silver ng panunubig kaya kaagad siyang tumayo upang makapagbanyo.
Pagkabalik niya ay doon pa lamang niya napansin na tulog na pala si Evie sa kinauupuan. Nakatingala pa ang ulo nito sa sandalan ng sofa at nakayakap sa kumot. Napangiti naman si Silver doon at hinanap ang phone niyang nasa coffee table. Kaagad niyang kinuhanan si Evie ng ilang litrato at mahinang tumatawa. Sa wakas, may picture na ito sa phone niya na siya mismo ang kumuha.
Inilapag niya rin ang phone sa tabi ng phone ni Evie. Pinindot niya ang phone ni Evie para tingnan kung may tumawag o text ba rito ngunit wala. Ang aso nitong si Steve pa ang nasa screen saver kaya napangiti naman siya.
Dahan-dahan siyang naupo sa tabi ni Evie at pumasok ulit sa kumot nila. Tila lumapit pa siya rito at maingat na inaakbayan ang dalaga. Nang mapayakap na siya rito ng akbay, maingat niya rin itong itinutulak papunta at higa sa kanya at gayun nga ang nangyari. Dinungaw pa niya ito at mabuti na lamang ay hindi nagising.
Nakasandal na si Evie sa katawan ni Silver at mahigpit naman siyang paakbay na nakayakap rito. Hindi niya malaman kung bakit may anong kaba at nginig sa tiyan niya siyang nararamdaman bukod sa init ng pakiramdam na magkalapit na sila nito. Gusto niya ang pakiramdam na ito kaya sinasamantala naman niya. Hinaplos pa niya ang ulo ni Evie at hinalikan ito roon.
If I could really turn back the time, I shouldn't have let you go..
NAMULAT si Evie na tila masarap sa pakiramdan niya ang init na nadarama. Kaagad siyang napasinghap at nais niya sanang lumayo ngunit mabigat ang brasong nakapayakap sa kanya.
Napagtanto niyang nakapayakap nga siya kay Silver kaya dahan-dahan niya itong tinitingala ngunit hindi niya makitang mabuti.
Maingat naman niyang inaalis ang mahabang braso nitong nakayakap sa kanya. Nang maalis niya, sinulyap niya kaagad ito ngunit mahimbing pa ring natutulog ito na nakatingala sa sandalan ng sofa. She finds it cute, parang ang bait bait nitong panooring matulog.
Dahil nakaramdam na rin siya ng pagtutubig dahil sa lamig ng panahon, tumayo na siya at dumiretsong banyo.
Nagayos naman siya ng buhok niyang halatang bagong bangon bago lumabas ng banyo.
Nang makabalik siyang sala, nakatayo lamang siya at nakapamewang sa tabi ng coffee table, nakaharap siya sa sliding door sa terrace at napapanguso, napakalakas pa rin kasi ng ulan sa labas. No wonder nakatulog siya ng hindi namamalayan.
Pinatay naman na niya ang tv at nilingon muli si Silver na mahimbing ang tulog. Inayos niya ang pagkakakumot nito ng marinig ang pag-vibrate ng phone sa coffee table. Phone yata ni Silver ito na katabi ng phone niya. Hindi naman niya napigilan ang sarili na dungawin ito at tingnan kung sino ang tumatawag. Unregistered number.
Matapos ang ring ay kinuha niya ang phone niya at nag-check naman kung may tawag o text man lang sa kanya ngunit wala nang mapalingon muli sa phone ni Silver sa coffee table dahil may tumatawag pa rin na unregistered number. Medyo nakakaramdam naman siya ng pagaalala dahil baka importante tawag ito, napatingin naman siya kay Silver at ayaw naman niya sanang istorbuhin matulog.
Hindi siya sigurado ngunit wala rin naman siyang nakikitang masama kung sasagutin niya ang tawag na ito dahil baka importante pala ito at kailangan na niyang gisingin si Silver. After all, unregistered number naman.
Kaya dinampot na niya ang phone nito at sinagot ang tawag. Ngunit hindi muna siya nagsalita upang pakinggan kung sino ba ito.
(Hello? Silver? Hello?)
May kung anong kaba siyang nadama na nakapagpabilis ng tibok ng puso niya dahil boses ng isang babae na tila nagmamadali pa ang nagsalita. Hindi pa rin umiimik si Evie ngunit hindi niya mapigilang huminga ng mabilis.
Tila iniintay pa rin niya itong magsalita.
NAGUGULUHANG NAGTATAKA pa rin si Evie sa kausap. Napapatingin naman siya sa may labas na malakas pa rin ang ulan.(Silver? It's me, Georgia!)Lalong kinabahan si Evie dahil hindi mukhang client o empleyado ang dating ng pagtawag nito kay Silver. Napatingin naman siya kay Silver na ganoon pa rin ang posisyon."He -- hello?" pagsasalita na niya. "I'm sorry, who's Georgia is this?" pormal pang sagot ni Evie.(Is this Silver's number?")"Ahm, oo. Sinong Georgia toh?"(Ikaw? Sino ka?!) tila singhal ng babae sa linya at kinabigla iyon ni Evie."Ikaw ang sino? Ikaw ang tumawag eh!" mabilis na pagsagot ni Evie na hindi niya napigilang mapasinghal rin dahil sa tugon ng kausap. Bigla siyang na-beast mode rito.(Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Silver?! Sino ka?!)"Eh bakit ka tumatawag kay Silver?! Sino ka?!" tila ganting sagutan naman nila over the phone. Mabilis namang na-high blood si Evie dahil nababastusan siya sa kausap.
"AAAHHH!!!"Malakas na tili ni Evie sa pagkagulat, halos naglundagan yata ang mga internal organs niya sa takot na nadama."Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal niya rito ng mapagtanto kung sino ito. Halos hiningal siya sa kaba kaya napasapo niya ang dibdib."Bawasan mo pagkakape! Masyado kang nagiging magugulatin." tila pangaasar pa nito. Nakatayo naman siya at nakapasandal na upo sa sandalan ng couch sa opisina ni Benjamin."Bakit ba narito ka na naman ng ganito kaaga?! Wala ka bang manners?!" galit pa ring singhal ni Evie rito."Mayroon, kaya nga maaga ako dito eh.""Wow? Sana all inuuna sa umaga!" pag-irap pa ni Evie rito."Bakit ka ba nagagalit? Ang aga aga galit ka kaagad.""Hindi ako galit!" inis pa ring sagot ni Evie rito."Galit ka eh!""Hindi nga!""Hindi ka pa galit niyan noh?""Stop telling me I'm mad until I get mad! Because I will stab you!" pagbabanta pa nito kay Silver sabay pa
BADTRIP MANG UMUWI si Evie pero natatawa at napapailing na lamang siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Balewala naman sana sa kanya ang pagbangga at tapon nito ngunit ang kinaiinis niya ay ang kayabangan at pagsigaw-sigaw nito sa kanya kaya pinatulan na niya.Naglalakad siya sa hallway patungong unit niya nang maningkit ang mga mata dahil may tinatanaw sa pintuan niya. Nang makalapit siya ay napataas na lang siya ng kaliwang kilay sa pagtataka.May gift basket na naroon sa tapat ng pinto niya na punong-puno ng doggy treats. Napatawa na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.Nilapag niya ang mga dalang grocery plastics at binuksan ang pinto. Isa-isa niyang pinasok iyon habang sinasalubong siya ng asong si Steve."Wait lang baby, may kukunin pa ko sa car." saad pa nito at lumabas ulit ng bahay para kunin ang gift basket na natanggap rin kanina sa office.Nang makabalik sa unit niya ay naupo siya mismo sa sahig at inabot ang gift bas
SIGHT-SEEING PA rin si Evie sa kabuuan ng building habang nakatayo pa sa tabi ng kotse ni Silver."Tara sa loob." saad pa ni Silver at sabay naman na silang naglakad papasok roon.Pinagbuksan naman sila ng guard at napatanaw kaagad si Evie sa kabuuan ng receiving at reception area. Parehong silang lumapit sa may reception."Good afternoon madam, Sir.""We have an appointment, Silver Alessandro." sagot naman ni Silver sa receptionist."For a moment Sir." tila may kinalikot ito sa monitor ng computer niya bago nakangiting nilingon muli sila. "On third floor Sir, show room three.""Thanks." yun lamang at nagtungo na silang elevator.Pagkarating sa ikatlong palapag ng gusali ay kaagad silang naglakad at hinanap ang show room 3 na tinutukoy sa kanila. Kaagad rin silang pumasok sa glass door nun."Hi Ma’am Evie, Sir Silver. I'm Sunshine, I'm going to assist you from choosing your gown and suit up to your stylist and makeup arti
PINAKAPIT MULI ni Silver si Evie sa kaliwang braso niya bago sila naglakad patungo ng assigned table. Pinaghila naman din ni Silver si Evie ng upuan bago ito pinaupo at umupo rin siya sa tabi nito.Good for eight ang round table nila. Nasa kanan ni Evie si Benjamin, katabi nun ang date nitong si Sofie na nasa kanan din niya. Nasa kaliwa naman si Silver na ang kasunod ay ang president ng company nila na best friend ng ama ni Benjamin.Hindi pa nagiinit sa kinauupuan niya si Evie, panay dungaw na nito sa mga tables na naroon. Yung iba kasi ay bakante pa, marahil wala pa ang ibang expected guests. Napansin naman kaagad ni Silver ang pagkaali-gaga ni Evie."Chill. Darating din mga yun.""Oo nga, chini-check ko lang para matawagan ko yung coordinator ko at makapagsimula na ng program.""In ten minutes, kung wala pa rin sila, pagumpisahin mo na ang program, Evz." saad naman ni Benjamin."Copy that."May nag-serve naman na per tables ng VIP
PATULOY NA LAMANG sina Silver, Benjamin at Sofie sa paglilibot ng tables, hinayaan na lamang nila si Evie makipagsaya sa ibang katrabaho. They both want her to enjoy so they let her be."Kailan kaya ako makakahanap rin ng ganyang sekretarya? Mabait naman din si Matt pero kung anong trabaho, trabaho lang. Can't go on an extra mile." biruan pa nila.Natawa naman si Benjamin na umiinom na ng scotch on the rocks."She's one of the kinds. Maaasahan talaga siya sa lahat.""So I guess, makakasama ulit kayo sa akin sa San Fabian to celebrate New Year?" saad pa ni Silver at hindi ito inaasahan ni Benjamin kaya napatingin sa kanya."Bring her, she might enjoy there too." pagtukoy pa ni Silver kay Sofie na nakatingin sa kanila at malamang ay narinig din nito ang pagiimbita niya."Sure!" masaya namang sagot ni Sofie at kumapit pa sa braso ni Benjamin."I'll invite Khalil and Ingrid too.""O -- okay then. We -- we will come." nagaalangan ma
NAMULAT NI EVIE ang mga mata dahil sa malakas at sunod-sunod na tahol ni Steve. Hindi ito palatahol na aso unless may tao sa pintuan niya kaya kahit pumupungas-pungas siya, bumangon na siya.Itinukod niya ang dalawang kamay at itinulak ang sarili upang makabangon dahil padapa siyang natutulog. Kinukusot-kusot niya pa ang mga mata na kalahati dilat lang ng lumabas ng kwarto niya at nasilip ang wall clock sa sala niya. 6:27am pa lang."Steve? Ano bang iniingay mo dyan?" inaantok pa rin niyang tugon at padausdos na naglalakad patungo sa aso na tahol ng tahol sa may pintuan.Walang anuman ay binuksan niya ang pintuan niya ang pinto upang silipin ang labas.Bigla namang buong nadilat na nito ang mga mata ng makita ang nasa harapan niya.Si Benjamin na akmang kakatok sa pinto niya. Naka-blue polo shirt, black maong shorts at rubber shoes ito."Benj?! Wh -- what are you doing here?!"Biglang ngiti na lamang din si Benjamin dahil nakita siyan
NANG MAKAPASOK NA ang mga sasakyan nila, kaagad na bumaba si Evie at pinababa si Steve. Bumaba naman din si Silver at kinuha ang mga gamit nila sa compartment."Good morning Ma’am, Sir." bati naman ng katiwala roon ni Silver."Good morning manong, we're back again." sagot naman ni Evie rito."Oh my gosh! This is so lit!" pagkamangha pa ni Sofie ng makita ang bahay. Well, that's also her reaction on first time seeing the place. "Look, Benj! This is also a dream house I want for us! What do you think?" pagkapit pa nito sa braso ni Benjamin dahil bitbit ng binata ang mga gamit nila si Sofie sa magkabilang kamay.Hindi naman mairi ang reaksyon ni Benjamin na tila napipilitang sumangayon."Com'on let's get inside." pagaaya pa ni Silver sa mga ito habang nangunguna sa pagpasok ng bahay.Tila si Sofie na lamang ang manghang-mangha ng makapasok ng bahay. Pinakawalan na ni Evie si Steve para makapaggala ito, hindi naman ito makakalabas na dahil
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata