Home / All / As You Needed / Chapter 14

Share

Chapter 14

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2021-07-09 06:00:00

NANG MAGISING NA si Silver ay laking ginhawa niya at kapanatagan ng makita muli si Evie na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakasubsob muli ito sa kama niya na nakaharap sa kanya kaya hinimas niya muli ang ulo nito. Inalis na rin niya ang oxygen device niya para malaman kung komportable na ba siyang huminga ulit ng wala iyon.

Ilang sandali niya iyon ginagawa hanggang sa tuluyang magising si Evie. Tinigilan naman na ni Silver hawakan ito.

Dahan-dahan bumangon at naupo ng maayos si Evie. Napatingin siya kaagad kay Silver na nakatingin rin sa kanya, napansin niyang nakaalis na ang oxygen nito.

"Kamusta pakiramdam mo? Bakit hindi ka naka-oxygen?" kaagad niyang tanong rito.

"Okay naman na ko. Nakakahinga na ko ng maayos."

"Sure ka? Eh bakit nanikip daw dibdib mo kaya ka na-admit?" pagtayo pa ni Evie at check ng oxygen device ni Silver.

"Akala ko kasi iniwan mo na ko bigla -- kaya nag-panic ako." sinimangutan naman siya ni Evie.

"Naghabilin naman ako sa nurse on duty. Sumaglit lang ako para makapagbihis dahil mukha akong burlesque kanina sa suot ko." paliwanag naman nito at naupo na rin muli.

"Kaya nga eh, hindi ko gustong lumalabas ka ng nakaganun. Nakakainis mga tumitingin sayo." mabuti't naka-red soft pants siya, light pink shirt blouse at naka-2 inches sandals na siya hindi gaya kanina na halos makita ang pisngi ng pwetan niya kung hindi lang dahil sa manipis na robe na pampatong.

"Aba? Hindi talaga ako lumalabas ng ganun kung hindi lang dahil sayo! Naghihinalo ka ba naman alangang magpalit pa ko ng pang ootd di ba?"

Bahagya naman natawa si Silver sa sinabi nito.

"Teka nga? Bakit ka nga pala nasa bahay ko kanina? Anong ginagawa mo roon?" pagusisa na ni Evie na kinatahimik ni Silver. Hindi siya matingnan ng diretso nito at napapaismid.

Pasimple namang ibinalik ni Silver ang oxygen device niya upang maiwasan ang pagsagot kay Evie.

"Hoy Silverio tinatanong kita ah?! Anong ginagawa mo sa labas ng bahay ko? Stalker ka ba?" paghawi pa ni Evie sa oxygen device na hawak ni Silver upang hindi ito maisuot ng tuluyan.

"Hindi ako makahinga." palusot pa ni Silver.

"Malalagutan ka talaga ng hininga sa akin kapag hindi ka sumagot!" banta pa ni Evie rito.

Napabuntong hininga naman na si Silver at bagsak balikat dahil hawak ni Evie ang oxygen device niya at mukhang hindi ito titigil hangga't hindi niya sinasagot ito.

"Hindi ako stalker noh? Nalasing nga ako di ba? Eh nagsipaguwian na rin sina Matt at ibang empleyado ko."

"Oh ngayon? Sa Pasig ang office mo di ba? Sa Pasig din ang condo mo, paano ka napunta ng Pasay?"

"Eh di nag-drive!"

Napatiim labi pa si Evie sa pagtitimpi. "Huwag mo nga akong pilisopohin! Sasakalin kita!"

"Eh yun naman nga ang ginawa ko!"

"Oo nga! Bakit?! Bakit ka nagpunta ng bahay ko?!"

"Duh?!" tila nangiinis pa ring tugon ni Silver kay Evie dahil hindi siya makaamin.

"Talagang ginigigil mo ako ah."

"Gigil yern?"

"Pwede ba?! Hindi ako nakikipaggaguhan sayo ah!" halos singhal ni Evie rito.

"Ako rin, hindi." biglang seryosong sagot naman din ni Silver.

Nagkasukatan naman sila ng tingin. Halatang naiinis na si Evie sa mga sagutan nito sa kanya ngunit pilit kumakalma. Bumibilis rin ang pagtibok ng puso niya dahil sa inis at parang hinihingal siya. At dahil hawak niya ang oxygen device, bigla niya itong ginamit at humigop ng hangin roon dahil tila siya naman ang kinakapos.

"Oh? Ayos ka lang?" pagaalala naman din ni Silver. Sinamaan naman siya ng tingin ni Evie at inirapan habang nakakabit ang oxygen device rito. "Sorry.. Nakainom nga ako kaya lakas loob akong nag-drive papunta dun sa compound kung saan ka nakatira. Masyado akong na-excite pero nung naroon na ko, hindi ako makababa para magtanong man lang kung saan ang unit mo. Nahihiya kasi ako."

Napatingin naman din si Evie kay Silver at nakikinig sa paliwanag nito.

"It brings back memories eh, yung saya, excitement at kaba sa tuwing pupuntahan kita noon sa inyo. Naramdaman ko ulit eh. Hindi ko nga lang akalaing aatakihin ako ng hirap na naman sa paghinga kaya -- heto." pagkibit balikat pa nito.

Inalis naman na ni Evie ang oxygen niya. "So balak mo na naman palang tambayan ulit ang labas ng bahay ko pero hindi magpapakita ganun? Stalker talaga ang peg?" pagtataray muli ni Evie.

"Bakit? Papapasukin mo ba ako sa loob?" bwelta naman ni Silver rito na kinatahimik naman ni Evie at iwas ng tingin sa kanya. "Saka tinatawagan kita, ang tagal busy ng line mo! Dami kasing katawagan." pagmamaktol pa nito.

"Si Ingrid yung kausap ko nun. Kaya pala may nagko-call waiting during our calls."

"Si Ingrid daw?"

"Oh check mo." pagabot pa nito ng phone niya.

"Sa nerbyos ko dahil tinatawagan nga kita para sabihing naroon ako kaso busy line mo, ayun! Inatake na ko ng pagkahirap huminga. Ang tagal mo pang sagutin nung sa wakas naka-connect ako ng ring."

"Oo na! Malay ko bang ikaw yun di ba? Malay ko bang nandoon ka sa bahay ko? Wala naman nagsabi sayong pumunta ka doon!"

"Wala nga, masama ba? May magagalit siguro noh?"

"Wala noh! Kung kailan hindi ka pinapapunta, saka ka pumupunta. Dapat talaga noon pa kita sinabihan ng huwag na lang pumunta baka sakaling napuntahan mo ko."

"Kaya nga pumupunta na ko ngayon di ba?"

"Pwes! Ayokong pumupunta ka!"

"At bakit? Kasi may iba kang inuuwi dun sa bahay mo?"

"Hoy wala noh! Ni si Benjamin, hindi pa nakakatuntong ng unit ko!" depensa naman ni Evie at tinatarayan si Silver.

"Eh di mabuti."

*Tok tok!

Sabay naman silang napatingin sa may pintuan at nakita ang doktor at nurse na pumasok.

"Good morning po, Mr. Silverio. Kamusta na po ang pahinga niyo?" bungad naman ng doktor rito. Bahagyang lumipat si Evie sa paahan ni Silver dahil katabi nun ang doktor at nurse na nagaasikaso sa kanya.

"Okay naman na po ako dok, okay na rin ang paghinga ko." sagot naman din ni Silver roon.

"Okay sige, pero iche-check pa rin naman ang vitals at oxygen level mo ah."

Kinabitan naman si Silver ng device sa daliri para makuha ang oxygen level at pulse rate niya. Kinuhanan din siya ng blood pressure ng nurse.

"Seems normal naman na mga vitals po, pero yung blood sugar mo, as I see in the laboratory results, malapit na, pre-diabetic na. One wrong move, diabetes ka na." natatahimik naman sila at nakikinig lang sa doktor. "Konti na lang din at baka mag-insulin ka na. Nako napakahirap mag-maintenance na nun."

"Dok, magpapareseta na lang din po ako ng bagong gamot na pwede pang maintenance."

"Okay po, sige."

"Pwede na po ba ako ma-discharge, dok?"

"Pagkabalik ko at bigay ng reseta sayo, pirmahan ko na rin ang discharge papers mo."

"Maraming salamat po, dok."

Napabaling naman ang doktor sa gawi ni Evie na nakatingin sa kanya. "Pakibantayan na lang din po ang mga kinakain ni mister, misis ah? Sensitive na po ang kalagayan niya, konting-konti na lang at diabetic na siya."

"Ah hindi po --" tila may naalala naman si Evie kaya natigilan siya. "O--okay po dok. Salamat po."

Lumabas na ang doktor at nurse ng silid kaya naupo naman na muli si Evie sa tabi ng kama ni Silver.

"Alagaan mo daw ako sabi ng doktor." saad kaagad ni Silver kay Evie na tiningnan siya ng masama.

"Walang sinabing ganun. Bantayan lang daw ang pagkain mo!"

"Ganun na rin yun. Syempre ang alam nila asawa kita." tila nagpipigil naman ng saya si Silver.

"Tuwa ka naman?" pag-irap pa ni Evie rito sabay arm cross.

"Galing naman pala magalaga ng asawa ko, minedyasan at kinumutan pa ko oh."

Naalala ni Evie ang ginawa niya kaya napatingin siya rito. Nakita niyang nakangisi si Silver habang yakap ang pinagamit niyang comforter. Tila natutuwa ito sa ginawa niya at hindi niya malaman kung bakit may kung anong kurot ng kasiyahan din siyang nadarama.

"Pagkain ba yung dala mo? Tamang-tama gutom na ko." saad pa ni Silver at napalingon si Evie sa paper bag na dala niya ng pagkain.

"Thank you ah? Alam kong -- hindi pa tayo okay, pero inalagaan mo pa rin ako. Thank you kasi hindi mo ko pinabayaan." saad naman ni Silver kay Evie sabay ngiti niya pa rito.

Tinalikuran naman siya ni Evie upang hindi nito makita ang reaksyon niya.

"Ayokong mamatay ka sa tapat ng bahay ko noh! Kaya no choice ako kundi tulungan ka." natawa naman ng bahagya si Silver sa sinabi niya. Hindi man niya aminin, dama naman din ni Silver ang pagiging concern niya rito.

"Thank you, mommy."

Biglang may kumuryente sa buong katawan ni Evie at hindi siya nakagalaw o makahinga man lang ng marinig ang sinabi ni Silver. Tinawag siya nito sa endearment nila noon.

Halos mangilid ang mga luha niya ngunit matindi niya itong pinipigilan. Mabuti na lamang at nakatalikod siya rito at hindi man lang nagawang umimik.

Nabigla man rin si Silver sa pagtawag kay Evie ng endearment niya rito noon, hindi niya yun pinagsisihan. Alam niyang baka ikagalit pa ito ni Evie ngunit ni hindi ito umimik. Hindi niya alam kung masasaktan ba siya o mabuti na rin ito kaysa makarinig ng pagtutol nito. Tumayo si Evie na nakatalikod pa rin sa kanya at dumiretso sa banyo ng silid. Halos pabagsak pa ang pagsara nito ng pintuan. Napabuntong hininga na lamang din siya at hindi mapigilang hindi malungkot.

Ayaw man ipakita, hindi naman na din napigilan ni Evie ang emosyon niya kaya kaagad siyang nagtungo ng banyo upang makapagtago at doon ilabas ang pinipigilang lungkot. Tinakpan niyang mabuti ang bibig upang hindi makalikha ng anumang ingay habang ibinubuhos ang luhang nais kumawala.

Hindi na dapat ganito.. Masyadong masakit pa rin kahit matagal ng panahon..

NAKAKARAMDAM pa ng panghihina si Silver ngunit nais na niyang magpa-discharge. Sa bahay na lamang daw siya magpapahinga.

"Sigurado ka bang gusto mo ng lumabas? Baka atakihin ka na naman ng hirap sa paghinga." saad pa ni Evie habang tulak ang wheelchair ni Silver patungong parking sa likod ng ospital.

"Alam mo namang ayoko ring nananatili sa ospital. Sa bahay na lang ako."

"Okay -- eh di ihahatid na lang kita."

"Bakit? Alam mo kung saan ang condo ko?"

"Hindi, syempre ituro mo na lang ang daan."

"Eh kung ayoko?"

Nakaramdam naman ng kung anong kirot si Evie sa dibdib ng marinig ang sinabi ni Silver. Hindi niya alam kung bakit siya nalungkot.

"Ah okay, gets." dismayadong sagot lang nito.

"Anong gets?"

"Gets ko naman." malungkot pa rin ang tono nito habang tinutulak ang wheelchair.

"Ano ngang gets mo?" nagtataka namang tanong pa ni Silver at tiningalang lingon si Evie. Napansin niyang umiba ang mood nito.

"Wala."

Nang makarating silang parking, sa tapat mismo ng kotse ni Silver, napatayo na lang si Evie sa tabi na tila iniintay tumayo si Silver.

"Oh? Hindi pa ba tayo uuwi?" tanong pa ni Silver.

"Eh di umuwi ka na." pagturo pa ni Evie gamit ang kamay sa kotse ni Silver.

"Oo nga, iuwi mo na ko."

"Paanong iuuwi kita? Di ba ayaw mong sabihin sa akin kung saan ka nakatira? Ayaw mo kasing malaman ko di ba?" tila pagtataray nito.

"Hindi naman sa ayaw ko."

"Alam mo, wala akong pakialam kahit saan ka pa nakatira. Hindi ko naman ipapasunog ang buong condo unit mo kung nagaalala ka." nag-cross arms pa ito at inirapan si Silver.

Bahagyang natawa naman si Silver sa katarayan na naman ni Evie sa kanya.

"Ang cute mo talagang magsungit noh?"

"Hindi ako cute, at tigilan mo ko."

Napansin ni Evie na tila pinagkakatuwaan siya ni Silver kaya lalo siyang nainis rito at tumalikod na ngunit kaagad nahawakan ni Silver ang braso niya upang pigilan siya.

"Oh? Saan ka pupunta?"

"Uuwi na ko."

"Iiwan mo ko dito? Hindi ko pa kayang mag-drive oh." tila pagpapaawa nito.

"Eh di sana hindi ka muna nagpa-discharge! Alam mo palang hindi mo pa kaya eh."

"Eh ayoko na nga dun. Gusto ko na lang sa bahay magpagaling."

"Puro gusto mo lang nasusunod eh noh? Tigas ng ulo mo!" malakas na pagbawi naman ni Evie ng braso niya. "Ayaw mong ihatid ka di ba? Pwes, tawagan mo yung driver mo, papuntahin mo dito para ipagmaneho ka pauwi! Tutal ayaw mong malaman ko pala bahay mo eh." tila pagmamaktol pa ni Evie at aalis na sana muli ngunit dalawang kamay na ni Silver ang humawak sa braso niya upang pigilan siya."Ano ba?!" asiwa namang singhal nito.

"Hindi sa ayaw kong malaman ang bahay ko. Dadalahin pa kita dun kung gusto mo."

"At bakit ko naman gugustuhin? May bahay naman ako!"

"Pwede namang ihatid mo ko sa condo ko kaso -- kaso alam kong kapag naiuwi mo na ko doon, aalis ka na kaagad. Iiwan mo na lang ako mag-isa dun." tila lumungkot naman ang tono ni Silver.

"Eh malamang? Alangang mag-stay pa ko dun at alagaan ka di ba? Ni hindi mo ko pinapasahod, ni hindi nga kita kaano-ano."

May kung anong kirot namang naramdaman si Silver sa mga sinabi ni Evie sa kanya.

"Oo nga naman." medyo lumuwag ang pagkakahawak niya sa braso nito kaya tuluyang nabawi ni Evie ito.

"Sige na, tawagan mo na lang yung driver mo kung ayaw mo talagang magpahatid. Iintayin ko na lang din siyang dumating."

"Hindi na, sige na umuwi ka na. Malaking abala na sayo ang ginawa ko." tila ito naman ang nadidismaya.

"Ang arte mo? Tawagan mo na siya."

"Hindi ko siya mapapapunta dahil naka-leave na silang lahat. Magpapakondisyon na lang ako para makapag-drive." saad pa nito na hindi man lang makatingin kay Evie.

Si Evie naman ang nakonsensya. Napabuntong hininga siya ngunit naiinis pa rin siya rito. Hindi na niya malaman ang gagawin pa niya sa katigasan ng ulo ni Silver. Napapasapo na lamang niya ang ulo niya.

"Ang tigas naman ng ulo mo! Bahala ka nga!"

Napapamewang na lamang si Evie dahil hindi niya malaman kung anong gagawin kay Silver. Nagagalit siya rito dahil nagkakaganito sila dahil lang sa ayaw nitong sabihin kung saan siya nakatira.

"Ibu-book na lang kita ng grab --"

"Huwag na! Umuwi ka na kung gusto mo. Hindi mo na ko kailangang intindihin."

"Pwede ba Silver?! Para kang ewan dyan eh. Ngayon ka pa talaga nagiinarte?!"

"Hindi ako nagiinarte."

"Pwes! Tumigil ka! Ginagawan na nga ng paraan para makauwi ka ng maayos at ligtas, nagiinarte ka pa!"

Tila hindi pa nagtatanghalian ay nakakailang pagaaway na sila ngayong araw.

Ilang sandali pa silang hindi makatingin sa isa't isa at hindi nagkikibuan. Tila pareho silang nagpapakalma sa sarili nila.

Makalipas ng ilang minuto ay dahan-dahang tumayo si Silver sa wheelchair at kumakapit sa kotse niya. Minasdan lang naman siya ni Evie.

"Su -- susi." saad nito at haya ng kamay kay Evie.

Hawak ni Evie ang susi at remote ng kotse ngunit nagaalangan siyang ibigay rito dahil alam niyang hindi nito kayang magmaneho pa sa kondisyon nito.

"Please, listen to me. Hindi mo kayang mag-drive."

"Kaya ko, gusto mo hatid pa kita eh."

Napabagsak balikat na lang si Evie rito at inabot ang susi kay Silver. Paharap ng muli si Silver para buksan ang kotse niya nang bigla namang nanlambot ang tuhod niya at tila tumupi siya na babagsak. Mabuti na lamang at mabilis si Evie at naalalayan niya ito upang hindi tuluyang bumagsak. Niyakap niya ito sa katawan at inalalayang makatayo.

"Oh? Kita mo nga! Hindi mo pa kaya!" inis naman niyang saad dito at tinutulungan itong maiupo muli sa wheelchair.

Parehas naman silang nanghapo dahil mas malaki si Silver at mabigat, tila napagod si Evie. Habang si Silver ay labis na namang nanghihina pa.

Malakas na buntong hininga na lamang ang ginawa ni Evie at tinulak na si Silver patungo sa may pinto ng passenger's seat. Binuksan niya iyon at mas inilapit si Silver.

"Can you hop in?" tumungo-tungo lang si Silver sa kanya. "Dahan-dahan ah." inalalayan naman niyang muli ito sa pagtayo hanggang sa makaupo na ito sa kotse. Nang maiayos niya ang upo ni Silver ay isinara na rin niya ito kaagad.

Mabilis siyang nagtungo sa driver's seat at sumakay. "Akin na ang susi." paghaya niya sa kamay pa niya at inabot rin ni Silver sa kanya ito.

Binuhay niya ang makina ng kotse at dahan-dahang minamaneho ang kotse palabas ng parking ng ospital.

"Saan tayo -- pupunta?" tanong pa ni Silver.

"Iuuwi kita sa Pangasinan. Yun ang medyo alam kong bahay mo eh." seryosong saad pa nito.

"Anong sa Pangasinan?" pagsimangot pa nito sa sinabi ni Evie. Tiningnan lang din siya nito ng masama at bumalik na sa pagmamaneho.

"Sa oras na umokay ang pakiramdam mo, umuwi ka na ah. Bisperas pa naman ngayon, hindi ka ba magpapasko sa pamilya mo?"

"Wala na kong pamilya."

"Ewan ko sayo. Eh mahal na mahal mo mga yun di ba? Yun nga madalas cause of delay noon pero okay lang sayo."

"Hindi na ngayon. Matagal ko na silang cut off sa buhay ko."

"Eh di wow? Tas ilang araw lang nandyan na naman, nandun ka na naman, para kang nanlilimos ng atensyon at pagmamahal."

"Hindi na noh. Almost three years na rin akong hindi nagpapakita sa kanila. Hinahayaan ko lang ma-contact ako pero hindi ko na sila iniintindi."

"Sabi mo eh."

"Nadala na ko sa mga kawalangyaan nila sa akin noon. Halos dahil sa kanila kung bakit nawala ka. Pamilya ko nga sila pero hindi naman ganun ang turing nila sa akin kung hindi lang dahil kay papa, hindi ko naman talaga sila iintindihin."

Pareho naman silang natigilan sa sinabi ni Silver. Isang taong patay na ang ama ni Silver noong nagkakilala sila ni Evie. Nakukwento niya kay Evie noon ang lahat ng ginagawa ng step-mom niya at mga kapatid niya sa kanya lalo na pagdating sa pera. Kahit pa lagi niya itong binibigyan ng pera upang makapagnegosyo, laging nauubos lang din. Lagi rin siyang ninanakawan ng malalaking halaga ng pera at pinapakialaman ang negosyo niya noon hanggang sa malugi ito.

Sapilitan rin siyang hinihingian ng malaking halaga ng pera at nilulustay lang ng mga ito. Pinaghirapan ni Silver bawat sentimo ng kinikita niya. May mga pinamana sa kanya ang kanyang ama ngunit pantay na nahati na yun sa kanila ng stepmom niya, dalawang kapatid at dalawang pamangkin pa. Lahat ng tinatamasa ni Silver ngayon ay galing sa dugo't pawis niya. Ngunit laging nakikisawsaw ang mga ito sa kanya at lagi lang naman din siyang inaalipusta.

Hindi gusto ni Evie ang ginagawa sa kanya ng pamilya niyang iyon, lagi niyang sinasabihan na huwag niyang i-tolerate o pabayaan ngunit hindi siya pinapakinggan ni Silver dahil uhaw ito sa pagmamahal ng isang pamilya.

"Good for you then. Akala ko nagpauto ka na naman dun sa nanay-nanayan mo at pinakasalan na yung mahal mong reto."

"Bakit naman ako magpapakasal dun?"

"Kinokonsidera mo na nga noon di ba?"

"Hindi noh! Hindi nga ako nagpakasal dun noong hindi pa kita kilala, what more na nakilala na kita."

"Sabi mo eh."

"Baka lang pinilit ulit sayo tutal malamang lumigaya yun nung nalamang wala na tayo."

"Hindi nila alam."

"Ang alin?"

"Na wala na tayo. Lumayo nga ako lalo sa kanila noong nawala ka, para sana -- hanapin ka."

Napasulyap saglit si Evie sa kanya na parang hindi makapaniwala bago magpatuloy sa pagmamaneho.

"Pero hindi nakita."

"Pero pinagtagpo pa rin tayo." minasdan namang mabuti ni Silver si Evie na naka-focus naman sa daan. "Don't you think that this is God's will?"

"What do you mean?"

"Na kahit anong pilit natin noon magkita, hindi mangyari. Tapos ngayon -- pinagtatagpo na niya tayo."

Hindi naman makaimik si Evie dahil ang totoo, yun din ang palagay niya.

"Baka hindi pa noon ang perfect timing niya para sa atin. Na baka ngayon yun." saad pa ni Silver na hindi naman inimikan ni Evie.

"I never thought that day will come but I'm so glad it happened. It's like a dream come true."

Ilang beses napapalunok si Evie at napapakagat ng dila niya upang hindi siya bumigay sa emosyon niya. Nais na niyang maluha ngunit pilit niyang sinisinghot ito upang hindi makita ni Silver.

"Baka trip lang niya talaga tayong pahirapan noon pa man." pasubali naman ni Evie na.

"For me it's worth it."

Buong byahe nilang nakatingin lang si Silver kay Evie kaya hindi niya nakikita ang dinaraanan nila. At buong byahe lang din namang nag-focus si Evie sa pagmamaneho dahil naiilang siya sa pagtingin ni Silver sa kanya.

"Pasensya na ah. Uuwi ka ba dapat sa inyo ngayon?"

Napatiim labi naman si Evie. "Hindi muna siguro. Nagpadala naman ako sa kanila ng pamasko nila."

"So, mag-isa ka lang ngayon? May iba kang plano?"

"Hindi ko alam. Tatlong taon na ko hindi nagse-celebrate ng pasko at bagong taon eh. Kinabukasan rin naman nun may trabaho, kaya para saan pa?"

"Same." sagot lang din ni Silver at pareho muli silang natahimik.

Maya-maya pa ay napansin ni Silver na pumasok sila sa isang gate at doon niya napagtanto ang lugar.

Sumaludo pa kay Evie ang guard na naroon bago sila pinagtaasan ng harang upang makapasok.

Hindi naman din makapaniwala si Silver. Hindi niya malaman kung anong sasabihin dahil natutuwa siya sa nangyayari. Tila naganap ang plano niya sanang mangyari.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 15

    PINARADA NI EVIE ang kotse at nasa harap nun ay kotseng ginagamit niya. Pagkapatay niya ng makina ng kotse, hinarap niya si Silver na hindi malaman ang reaksyon nilang dalawa."Kapag umokay ka na, umuwi ka na ah? Baka machismis ako dito na naguuwi na ko ng lalaki sa bahay." saad lang nito sabay labas na ng kotse.Hindi naman napigilan ni Silver hindi mangiti ng bahagya dahil inuwi nga siya ni Evie sa bahay nito."Tara na!" pagbukas pa ni Evie ng pinto ng passenger's seat. Inalalayan niyang makababa si Silver sa kotse. Kahit pa nanghihina pa rin, tila nabubuhayan naman sa tuwa si Silver dahil patutuluyin siya ni Evie sa bahay nito.Nakaakbay si Silver kay Evie na nakaalalay sa kanya habang naglalakad sila papaakyat ng second floor ng compound."Maganda rin pala dito sa loob noh. May up and down unit ba o isang tenant bawat unit lang?" usisa pa ni Silver."Yung doon sa may tapat, up and down yun. Pang malalaking pamilya. Etong dito banda, eith

    Last Updated : 2021-07-10
  • As You Needed   Chapter 16

    NILIBOT MULI NI Evie ang tingin sa kusina niya at kay Silver na suot pa ang apron niya habang naghihiwa ng ingredients."Ano ba yang lulutuin mo?" pagusisa na ni Evie sabay lapit kay Silver."Carbonara, di ba mas gusto mo toh kaysa sa spaghetti?" paglingon saglit sa kanya ni Silver sa gawing kaliwa."Pero hindi ka naman pwede sa carbonara. Dapat tuna pesto na lang."Natigilan naman si Silver sa ginagawa at tila napagtanto ang sinabi ni Evie."Oo nga pala?" napalingon pa siya sa likuran niya na tila tinitingnan ang naihandang ingredients."Pwede pa naman yan, hindi na lang tayo gagamit ng cream at milk. May pesto paste ako dyan." saad naman ni Evie at binuksan ang cabinet sa itaas niya at may kinuhang botelya. "Eto oh." paglapag niya sa pesto pastes sa tabi ni Silver.Bumalik si Evie sa mesa at naghalungkat sa mga groceries pang naroon sa plastik. Nakita niyang may pang macaroni salad, fresh fruits, fresh meat, hamon at baking ingredie

    Last Updated : 2021-07-11
  • As You Needed   Chapter 17

    PAIKOT-IKOT NAMAN si Evie sa kabahayan niya, mula kusina papasok ng kwarto niya. Nakikita rin ni Silver na dinadala nito ang natirang box ng pizza at ibang pagkain pa sa kwarto niya. Nagpasok rin ito ng wine at tubig. Magpi-picnic ba itong babaeng toh sa kwarto niya at halos hakutin din lahat ng pagkain? Bago muling pumasok ng kwarto niya si Evie huminto ito sa may sala at humarap kay Silver. Nakita niyang nakatingin rin si Silver sa kanya na nagiintay ng sasabihin niya. "I'll be just in my room, kung may kailangan ka, you can get it anything from here. Katok ka lang kung emergency ah?" habilin pa ni Evie at papasok na ng kwarto niya. "Teka!" pagtawag pa ni Silver na ikinahinto ni Evie sa paglalakad. "A -- anong -- kakain ka sa kwarto mo magisa?" "Hmm.. Kinda. Doon lang ako sa balcony, magre-relax, magpapahangin, magiinom, kakain." "Pwede bang sumama doon?" alangan man, pero sinubukan pa rin ni Silver. Napaisip naman b

    Last Updated : 2021-07-12
  • As You Needed   Chapter 18

    KUMUHA NAMAN NA si Silver ng ilang meat lang at habang hinihintay yun, napapansin pa rin niya ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga kalalakihang naroon pati na rin ang ibang customer. Mayroon pang dumaan na magasawa at yung lalaki ay napatingin kay Evie na nakatayo sa hindi kalayuan at tumitingin ng gatas sa isang aisle, nakita ito ng asawa niyang babae kaya binatukan siya. Gustong matawa ni Silver ngunit nagpipigil siya, napailing-iling na lang din siya dahil doon. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya sa mga tumitingin sa dalaga o magiging proud. Ngunit, parehong wala siyang karapatang maramdaman ito dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang dalaga."Eto na po, Sir." pagabot naman sa kanya ng mga nakaplastik ng mga nakilong karne at isda, nilagay naman din ni Silver iyon sa cart nito.At dahil masyadong nagpipyesta ang mga mata ng mga kalalakihang naroon kay Evie, hindi na mapigilan ni Silver ang inis niya. Habang nakahawak sa push cart niya, nag-extend siya n

    Last Updated : 2021-07-13
  • As You Needed   Chapter 19

    NAGUGULUHANG NAGTATAKA pa rin si Evie sa kausap. Napapatingin naman siya sa may labas na malakas pa rin ang ulan.(Silver? It's me, Georgia!)Lalong kinabahan si Evie dahil hindi mukhang client o empleyado ang dating ng pagtawag nito kay Silver. Napatingin naman siya kay Silver na ganoon pa rin ang posisyon."He -- hello?" pagsasalita na niya. "I'm sorry, who's Georgia is this?" pormal pang sagot ni Evie.(Is this Silver's number?")"Ahm, oo. Sinong Georgia toh?"(Ikaw? Sino ka?!) tila singhal ng babae sa linya at kinabigla iyon ni Evie."Ikaw ang sino? Ikaw ang tumawag eh!" mabilis na pagsagot ni Evie na hindi niya napigilang mapasinghal rin dahil sa tugon ng kausap. Bigla siyang na-beast mode rito.(Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Silver?! Sino ka?!)"Eh bakit ka tumatawag kay Silver?! Sino ka?!" tila ganting sagutan naman nila over the phone. Mabilis namang na-high blood si Evie dahil nababastusan siya sa kausap.

    Last Updated : 2021-07-14
  • As You Needed   Chapter 20

    "AAAHHH!!!"Malakas na tili ni Evie sa pagkagulat, halos naglundagan yata ang mga internal organs niya sa takot na nadama."Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal niya rito ng mapagtanto kung sino ito. Halos hiningal siya sa kaba kaya napasapo niya ang dibdib."Bawasan mo pagkakape! Masyado kang nagiging magugulatin." tila pangaasar pa nito. Nakatayo naman siya at nakapasandal na upo sa sandalan ng couch sa opisina ni Benjamin."Bakit ba narito ka na naman ng ganito kaaga?! Wala ka bang manners?!" galit pa ring singhal ni Evie rito."Mayroon, kaya nga maaga ako dito eh.""Wow? Sana all inuuna sa umaga!" pag-irap pa ni Evie rito."Bakit ka ba nagagalit? Ang aga aga galit ka kaagad.""Hindi ako galit!" inis pa ring sagot ni Evie rito."Galit ka eh!""Hindi nga!""Hindi ka pa galit niyan noh?""Stop telling me I'm mad until I get mad! Because I will stab you!" pagbabanta pa nito kay Silver sabay pa

    Last Updated : 2021-07-15
  • As You Needed   Chapter 21

    BADTRIP MANG UMUWI si Evie pero natatawa at napapailing na lamang siya kapag naaalala ang nangyari kanina. Balewala naman sana sa kanya ang pagbangga at tapon nito ngunit ang kinaiinis niya ay ang kayabangan at pagsigaw-sigaw nito sa kanya kaya pinatulan na niya.Naglalakad siya sa hallway patungong unit niya nang maningkit ang mga mata dahil may tinatanaw sa pintuan niya. Nang makalapit siya ay napataas na lang siya ng kaliwang kilay sa pagtataka.May gift basket na naroon sa tapat ng pinto niya na punong-puno ng doggy treats. Napatawa na lang siya dahil hindi siya makapaniwala sa nakikita.Nilapag niya ang mga dalang grocery plastics at binuksan ang pinto. Isa-isa niyang pinasok iyon habang sinasalubong siya ng asong si Steve."Wait lang baby, may kukunin pa ko sa car." saad pa nito at lumabas ulit ng bahay para kunin ang gift basket na natanggap rin kanina sa office.Nang makabalik sa unit niya ay naupo siya mismo sa sahig at inabot ang gift bas

    Last Updated : 2021-07-16
  • As You Needed   Chapter 22

    SIGHT-SEEING PA rin si Evie sa kabuuan ng building habang nakatayo pa sa tabi ng kotse ni Silver."Tara sa loob." saad pa ni Silver at sabay naman na silang naglakad papasok roon.Pinagbuksan naman sila ng guard at napatanaw kaagad si Evie sa kabuuan ng receiving at reception area. Parehong silang lumapit sa may reception."Good afternoon madam, Sir.""We have an appointment, Silver Alessandro." sagot naman ni Silver sa receptionist."For a moment Sir." tila may kinalikot ito sa monitor ng computer niya bago nakangiting nilingon muli sila. "On third floor Sir, show room three.""Thanks." yun lamang at nagtungo na silang elevator.Pagkarating sa ikatlong palapag ng gusali ay kaagad silang naglakad at hinanap ang show room 3 na tinutukoy sa kanila. Kaagad rin silang pumasok sa glass door nun."Hi Ma’am Evie, Sir Silver. I'm Sunshine, I'm going to assist you from choosing your gown and suit up to your stylist and makeup arti

    Last Updated : 2021-07-17

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status