PAPALABAS NA NG silid si Silver ng makalikom ng lakas si Evie upang makapasalita.
"Wait lang.." kaagad naman nahinto si Silver at nilingon siya, nagkatama sa wakas ang mga mata nila. "Thank you, pero hindi ka na sana nagabala pa."
Mapait lang na ngumiti si Silver sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid at isinara ang pinto. Napabuntong hininga na lamang si Evie pagkaalis nito.
Tila nais niyang sisihin ito kung bakit siya nawalan ng malay kagabi ngunit batid niya ang pagaalala at pagaalaga nito sa kanya kaya bahagya siyang nakaramdam ng kaunting guilt sa pagtrato niya rito.
Hindi ko na gusto ang mga nangyayaring ito. Mas hindi ko na nagugustuhan ang mga nararamdaman ko pa. Hindi ko na yata makakayang makasama pa ang lalaking iyon, mababaliw na naman ako. Hay..
Kinain nga ni Evie ang dinalang pagkain ni Silver at kaagad niya rin ibinaba ito sa kitchen. Pumanik na siya sa guest room na tinutuluyan nila ni Ingrid at gumayak na rin.
Nagsuot na lamang siya ng polo shirt na diretsong dress above the ang haba at sneakers para mas komportable siya sa byahe. Papalabas na sana siya ng silid ng marinig na tumunog ang phone niya at kaagad niya rin itong dinampot mula sa kama.
"Hello?"
(Miss Evie? Si Kyle po ito.)
"Oh Kyle? Napatawag ka?" pagdampot na rin niya ng mga bag niya at naghahandang lumabas ng kwarto.
(Anong oras daw po ba kayo makakarating dito ni Sir Benjamin? Narito na po kasi ang mga magsi-setup. Paparating na rin po ang catering.)
"Ah -- ahm.. Wala kasi ang director, urgent leave siya." napasulyap si Evie sa kaliwang pulso niya kung saan nakasuot ang wrist watch niya. "Mga 6-7 pm pa? Nandito pa kasi ako sa Pangasinan eh, pabyahe palang pauwi."
(Sige po Miss Evie. Ingat sa byahe.)
"Sige, bye."
Pagkapatay niya ng tawag ay siyang sara niya ng pinto at saktong napalingon siya sa gawing kanan niya at nakita kaagad si Silver na nakatayo sa labas ng silid nito.
Napaismid naman si Evie dahil tila hindi alam ang sasabihin rito sa pagkabigla rin niya. Napaka-awkward para sa kanya ng sitwasyon nila ngayon.
"Ayos na ba -- ang pakiramdam mo?" halos magpasalamat naman si Evie ng si Silver ang unang nagsalita sa kanila.
Matipid siyang ngumiti rito bago sumagot. "Ayos na ko."
Ilang sandali pa silang natuod sa kanilang mga kinakatayuan ngunit wala ng nakapagsalita pa.
Tila sabay pa nilang napagtanto ang itsura ng isa't isa, napansin ni Evie na nakasuot rin si Silver ng yellow polo shirt at siya naman ay light yellow ang kulay. Hindi na lamang sila nagkomento pa dahil mas nagiging awkward ang sitwasyon.
"Let's go? May Christmas party pa kayo di ba?" paglalakad na ni Silver patungong hagdanan at sumunod na rin si Evie sa kanya.
"Ah, oo. Ikaw rin ba?"
Halos mapahinto naman si Silver sa tanong ni Evie. Hindi niya akalaing sa wakas ay nagtanong pa ito sa kanya.
"Ah, oo. Pero -- pero sasaglit lang ako, mamimigay lang din ng bonuses." pormal lang ding sagot naman nito habang bumababa sila ni Evie sa hagdanan.
"So magwi-withdraw ka pa?" bweltang tanong pa ni Evie na saktong baba ni Silver sa sahig at siya ay nakatuntong pa ng ilang hakbang sa hagdanan. Napalingon naman ito sa kanya na tila nagaalangan.
"Kung -- okay lang sayo?"
"Oo naman. Walang problema." pagsigurado naman ni Evie na kinapanatag ni Silver.
Dumiretso na sila sa labas ng bahay at nakahanda na roon ang rover ni Silver. Nilagay naman na nila sa likurang upuan ang mga bag nila, pagkasara pa lamang ni Evie ng pintuan nun ay may natanaw na siyang nakadungaw sa bukana ng nakabukas na gate ng bahay.
Minasdan niya ito at dahan-dahang nilapitan ang matandang babae na mukhang may hinahanap.
"Ano po yun, lola?" malumanay namang bati ni Evie rito ng nakangiti.
"Ay apo. Merry Christmas. Namamasko lang sana." biglang lapit nito kay Evie at kapit sa mga kamay niya.
"Ay saglit lang po lola, kukuha lang po ako sa bag ko." dahan-dahan namang binitawan ni Evie ang kamay ng matanda at nanakbo patungong kotse. Kaagad niyang kinuha ang bag niya at kumuha ng pera.
"Eto po lola. Merry Christmas po ah." magiliw pa niyang ngiti rito.
"Maraming salamat apo, napakabait niyo talagang mag-asawa." natutuwa ring saad nito na nakatodo ngisi kay Evie.
"Ay nako lola, hindi po kami --"
"Merry Christmas lola!" biglang sulpot ni Silver at magiliw na binati ang matanda.
"Kanina pa kita hinahanap eh. Mamamasko lang sana ako sayo, pero buti binigyan na ko ng asawa mo, hijo. Napakabait niyo pareho."
"Hindi po niya --"
"You're welcome lola. Nagpakuha pa po ako ng bigas para sa inyo. Sandali lang po ah." humarap naman si Silver sa may likuran niya. Napatingin naman si Evie sa kanya dahil sa laging pagputol nito sa sinasabi niya. "Manong, akin na po."
Nananakbo namang inabot ng katiwala niya ang plastik ng nasa limang kilo ng bigas.
"Eto po lola, pagpasensyahan niyo na lang din po muna. Hindi po kasi ako nakapaghanda ng mga ipamimigay eh." pag-abot naman ni Silver ng bigas sa matanda.
"Napakaraming salamat, apo. Pagpalain sana kayo ng maraming anak!" tila panguuto pa ng matanda.
"Hehe! Sana nga po lola eh." sagot pa ni Silver na halos pinanlaki ng mga mata ni Evie. Halos man laki rin ang mga butas ng ilong niya dahil hindi siya makapaniwala sa sinabi nito.
"Sa wakas nakita ko na lagi mong kinukwentong asawa mo. Napakaganda naman pala!"
"Hehe! Nako lola, pasensya na pero hindi po ako --"
"Di ba lola? Sabi sayo maganda asawa ko eh!" biglang akbay pa ni Silver kay Evie.
Natuod naman si Evie sa ginawa ni Silver. Ni hindi siya nakagalaw sa kabang nadama. Hindi sa gusto niyang ipahiya si Silver pero ayaw naman niyang Sirain ang tuwa ng matanda.
"Oh sya, mauuna na ko ah. Merry Christmas!"
"Merry Christmas din po." pagpapaalam pa ni Silver sa matanda.
Nang oras tumalikod ang matanda sa kanila ay kaagad inalis ni Evie ang braso ni Silver sa pagkakaakbay sa kanya at tiningnan ito ng tila naaasiwa.
"Sira ulo ka ba? Bakit mo sinabing asawa mo ko? Sa dami mong babae, asawa mo na lang lahat para hindi ka malito noh?!" tila singhal naman ni Evie rito na malapit ng mag-super saiyan.
"Hoy ah? Ni wala pa kong dinadalang babae sa mga bahay ko." depensa naman kaagad ni Silver rito.
"Oo kasi nagchi-check in kayo!"
"Hindi noh! Di ba kilala mo yung matandang yun? Siya yung sinasabi kong lagi kumakatok dito sa bahay at nanlilimos."
"Oo, oh ngayon? Pakialam ko naman?" pinaikutan naman niya ng mga braso ito sa harapan niya at tinaasan ng kanang kilay na tila tinatarayan.
Tila nagpapalusot pa si Silver rito na hindi malaman kung nahihiya o may tinatago.
"Hindi mo ba narinig ang sinabi niya? Sa wakas daw nakita na niya! Pinagsasasabi mong madaming babae? Simula nung dumating ka, ikaw na lang!" pasinghal nitong sagot sabay walk-out patungo ng kotse.
Sinamaan lang ito ni Evie ng tingin at sinundan lang din nito ng maglakad paalis.
Sabay silang sumakay ng kotse at padabog naman si Evie kumilos. Napansin ni Silver na nakasimangot ito at panay ang buntong hininga. Hindi naman niya alam ang sasabihin rito kaya napapailing na lang siya.
Nakaalis na sila ng bahay at dumiretso sa banko. Dahil narito na rin lang, napansin ni Silver na mukhang magdedeposito na rin si Evie kaya bahagya niya itong nausisa.
"Ka -- kamusta na sina tita?" pagaalangang tanong niya rito habang nakaupo sila parehas sa counter ng banko.
"Ayos lang siguro." sagot naman ni Evie na hindi man lang tinitingnan si Silver dahil nag-fillup siya ng form.
"Bakit? Hindi ka ba umuuwi sa kanila?"
Bigla natigilan si Evie sa pagsusulat at nilingon si Silver.
"Ano naman sayo?" pagmamataray na naman nito sa binata.
Tila natakot naman si Silver rito ngunit hindi pinahalata. "Nagtatanong lang? Ang sungit talaga neto."
"Matagal na!" at bumalik na si Evie sa pagsusulat sa form.
"Sabi sa akin -- simula noong umalis ka, hindi ka pa daw umuuwi doon." tila pasaring ni Silver at tinatantsa kung ano ang magiging reaksyon ni Evie sa sinabi niya ngunit tila wala itong narinig.
"Eh ano naman sayo?" bwelta rin ni Evie na mas malumanay na ang tinig.
"Wala naman. Natatanong ko lang sina -- sina tita roon."
"Eh mas nakikita mo pa pala sila kaysa sa akin eh, bakit tinatanong mo pa ako kung kamusta sila?" sarkastikong tugon pa ni Evie na tila walang reaksyon.
Napapalunok naman si Silver sa mga sinasabi.
"Ahm.. Kapag nagagawi lang ng Bulacan, dumadaan ako sa -- sa inyo." alangan pa rin nitong pag-amin.
"Eh di wow? Kung kailan talaga alam mong wala ako, doon ka pumupunta. Noong nandoon ako, ayaw mo magpakita." tila inis naman ng sagot ni Evie.
"Nagpupunta naman ako."
"Oo nga, pero hindi nga nagpapakita. Konting kibot, hindi tumutuloy." tumigil ulit si Evie sa pagsusulat at seryosong lumingon kay Silver. "Yung totoo? Takot ka ba sa akin?"
"Bakit naman ako matatakot sayo?"
"Exactly! Then why you didn't show up for a long fucking time when I was there, ang tagal mo kong pinaasa. Tapos sasabihin mo na naman ngayon na nagpupunta ka kaso wala ako? Sira ulo ka ba talaga?" sabay irap niya rito at inayos ang sinusulatang form.
"Hindi ko naman gustong maaberya. Parang hindi mo naman alam kapag nagkakasakit ako."
"Oo, alam na alam ko. Pero parang wala kang pakialam sa magiging consequences sa sakit mo eh, ni hindi ka umiiwas noon. Tapos ang ending, pagdating sa akin, aberya na naman. Lahat na lang ng sakit para lang i-delay, naidahilan na!"
"Hindi ako nagdadahilan! Hindi ko naman ginustong abutan ng aberya."
"Hindi ginusto pero sinadya mong gawin? Pwede ba Silver? Hanggang kailan ka magpapanggap na naging seryoso ka sa akin noon?"
"Hoy totoong seryoso ako sayo noon pa man!"
"So dito talaga tayo magsusumbatan pa kung bakit hindi mo ako magawang priority simula noon pero seryoso ka kamo?!" tila nagpipigil na galit ni Evie rito. Nakatingin lang din siya ng seryoso kay Silver na tila hindi naman na malaman ang sasabihin.
Napapatahimik naman si Silver dahil napansin na rin niyang parang nakatingin na sa kanila ang mga teller at ibang tao sa banko, para silang magasawang nagaaway ora mismo doon. Totoo naman ang mga sinabi rin ni Evie sa kanya, at kahit pa siguro mangatwiran siya, hindi naman na siya paniniwalaan nito.
"Heto na po Miss." pagabot na ni Evie ng form niya sa kaharap na teller na tila naiilang silang tingnan dahil sa eksena nila ni Silver.
"Sungit talaga.." bulong ni Silver sabay lihis ng tingin. Narinig iyon ni Evie ngunit hindi na lamang siya pinansin.
Nang matapos sila sa bangko ay dumiretso na silang byahe paluwas ng Metro. Buong byahe silang naging tahimik. Tinutulugan na lamang ni Evie si Silver upang makaiwas sa awkwardness nila sa loob ng sasakyan. At kahit pa anong diskarte at hanap ng timing ni Silver para makausap si Evie, hindi na siya nagkaroon ng pagkakataon.
Ilang oras ng diretsong byahe, nakarating na rin sila sa metro. Ni hindi sila nag-stopover dahil kakapusin na sa oras. Nasa kahabaan na sila ng Taft nang magising si Evie.
"Ibaba mo na lang ako sa may Ayala LRT." saad ni Evie at napapalingon si Silver sa kanya.
"Huh? Bakit doon? Ihahatid na lang kitang office niyo."
"Hindi na, uuwi muna ako bago pumuntang office eh." halos pumupungas pa ito.
"Eh di -- ihahatid na kita. Saan ka ba?" pagaalangan naman ni Silver.
"At bakit ko naman sasabihin sayo? Ni hindi ka nga makaamin sa akin noon kung saang impyerno ka nakatira, ni ayaw na ayaw mong malaman ko, tapos ngayon aalamin mo pa kung saan ako nakatira?" inis at sarkastikong tugon ni Evie rito.
"Nag-o offer lang, puro ka kaagad dada!" tila may inis na rin sa tono ni Silver.
"Kaya nga pakibaba na lang ako ng Ayala LRT."
"Eh kung ayoko?"
Napakunot naman ng kilay si Evie kay Silver sa sinabi nito. Sinamaan niya ito ng tingin na parang hindi makapaniwala.
"Ibaba mo na lang ako doon. Wag kang epal!" tila pagbabanta pa ni Evie.
"Ayoko nga."
"Pwede ba? Kung nangiinis ka lang, effective na."
"Hindi kita iniinis."
"Pwes! Naiinis mo ko!"
Napa-smirk naman si Silver rin sa katigasan ng ulo ni Evie.
"Ihahatid na nga lang kita. Baka mapagalitan pa ko ng boss mo kapag may nangyari sayo."
"Mas kaya ko sarili ko kaysa sa inyo ni Benjamin. Kaya tigilan mo ko."
Hindi naman napigilan ni Silver matawa na kaya lalong kinunutan siya ng noo at sinamaan ng tingin ni Evie.
"Ang cute pakinggan kapag tinatawag mo lang siyang Benjamin imbes na Sir o boss."
"Oh eh ano naman sayo Silverio Francisco?" pagtataray pa ni Evie na nagpatawa pa kay Silver lalo.
"Hahaha! Wala naman po Miss Evita!" tila pangaasar pa nito.
"Pwede ba?! Huwag mo nga ako tawagin sa buong pangalan ko! Hindi tayo close! Nakakadiri!" asiwa man, hindi na makaila ni Evie na natatawa na rin siya rito. Noon pa man ay asiwa sila ni Silver kapag tinatawag sa buong pangalan nila, ngunit pareho rin silang natutuwa kapag tinatawag ang bawat isa sa kani-kanilang buong pangalan.
"Haha! Bakit? Evita ka naman talaga ah?"
"Tumigil ka Silverio ah? Ang bantot pakinggan!" pag-cross arms pa nito na nagpipigil ng tawa.
"Hahaha! Ang bantot din talaga pakinggan ng Silverio!"
At hindi na napigilan ni Evie na matawa. Tila ito ang asaran nila sa isa't isa noon pa man, ang tawagan ng totoo at buong pangalan.
Sa wakas, sa unang pagkakataon ay narinig at nakita ni Silver si Evie na totoong tumawa. Alam niyang tunay ang pagtawa at saya nito. Ganitong-ganito niya rin noon naiisip na magkasama silang dalawa ng nagtatawanan at nagkakasiyahan. Labis naman din ang tuwang naramdaman niya.
"Sira ulo ka! Tumigil ka na nga! Ang pangit ng pangalan ko." pagpipigil pa ni Evie ng tawa niya.
"Maganda kaya. Kaya nga pina-tattoo ko eh." pasaring pa ni Silver na tuluyang nakapagpatahimik kay Evie.
Ginawi ni Evie ang tingin sa kaliwang braso ni Silver habang nagmamaneho at nakita nga niya ang morse code na tattoo nito malapit sa wrist watch banda. Limang simbolo iyon at alam niyang tunay na pangalan niya ang nakalagay roon. Napagawi rin siya ng tingin sa kaliwang braso niya kung saan sa inner tricep naman niya naka-tattoo ang morse code ng tunay na pangalan ni Silver.
Mabilis inipit at hinawakan ni Evie ang tattoo niyang ito upang maitago. Kitang-kita pala ito dahil maiksi lang ang mga manggas ng suot niyang damit.
"Nakita ko na yan, kahapon pa." pasaring naman ni Silver na focus lang sa pagmamaneho.
Gusto sana ni Evie ipagsawalang bahala ito.
"Buti hindi nagtaka si Benjamin nung nakita yan?" batid ni Silver na matagal ng nakikita ni Benjamin ang tattoo niya ngunit hindi naman ito nagtatanong. Marahil kahapon noong nag-swimming sila ay napansin rin nito ang tattoo ni Evie na kagaya ng style sa kanya.
"Hi -- hindi naman siya nagtanong. Pero nakita niya." pagaalangan naman ni Evie.
"Pwede na ba kitang ihatid sa bahay mo?"
Napatingin pa si Evie kay Silver at labis na nagaalangan. Ayaw niyang malaman nito kung saan siya nakatira ngunit paniguradong hindi siya ibababa nito ng basta lang at kung saan. Naiinis man, wala na rin siyang magagawa.
"Sa tapat ng building lang."
"Okay, saan ba yun?"
"Sa -- sa Malibay."
"Sa Malibay ka lang pala. Anong street?"
"22nd street." tila pagaalangan pa rin ni Evie.
"Hmm.. Medyo dulo pa pala. Matagal ka na dun?"
"Two years mahigit na rin."
"Dyan ka na ba kaagad kina Benjamin nakapagtrabaho noon?"
"Bakit ba ang dami mong tanong? Job interview?" biglang nabago na naman ang mood ni Evie.
Napa-smirk na naman si Silver. Tila ginagawa niya talagang katuwaan ang pangaasar kay Evie.
"Hindi naman. Pero kung gusto mong lumipat ng kompanya ko, welcome ka naman."
"At bakit naman ako lilipat sayo? Ayoko ngang palitan si Matt."
"Hindi ka naman sa posisyon ni Matt eh."
"Eh ano? Office staff mo lang? Hindi na uy!"
"Haha! Hindi noh! Pero kasing laki ng sinasahod ni Benjamin."
Napalingon naman si Evie rito na tila nagtataka. "Eh ano?"
"Asawa ko."
Pasaring ni Silver na hindi malaman ni Evie kung bakit may kirot at kaba siyang naramdaman ng marinig ito. Hindi niya malaman kung naaasiwa ba siya o natuwa sa narinig. Hindi niya ito inaasahan.
"Tigilan mo ko."
"Less work yun, hindi ko hahayaang mapagod ka."
"Sabi ko, tigilan mo ko ng ganyan-ganyan mo. Hindi porket hinayaan kitang ihatid na ko, eh hahayaan na rin kitang makapasok muli sa buhay ko. Tama na! Ayoko na ng dagdag na stress!" sabay talikod nito kay Silver at tingin na lamang sa bintana.
"Grabe ka naman sa stress. Hindi naman kita pag-stress-in."
"Nagkaka-anxiety attack na nga ako noon dahil sa stress sayo." tila bulong ni Evie ngunit sapat upang marinig ni Silver.
"Noon yun, iba na ngayon."
"Pareho lang yun."
Ilang sandali silang natigilan, naging awkward na naman para sa kanilang dalawa ang ganitong sandali.
Nang mapansin ni Evie na narito na sila sa gawi kung saan ang street ng tinutuluyang apartment, kaagad naman siya nagmasid na kung saan dapat magpababa.
"Itabi mo na lang dyan." pagturo ni Evie sa isang compound.
Inihinto nga ni Silver ang kotse sa gilid bago ang entrance ng compound.
"Dyan ka na ba?"
Tumungo naman si Evie bilang tugon. "Oo. Dito na lang." inabot naman ni Silver ang bag niya pang nasa back seat. "Salamat ah. Ingat sa pag-drive." papalabas na sana ito ngunit hinawakan ni Silver ang kaliwang braso niya kaya siya natigilan. Kaagad rin naman siya napalingon sa binata. "B--bakit?"
Nakatingin lang naman si Silver kay Evie na hindi malaman kung anong magandang salita ang bibitawan. Napapabuntong hininga lamang din siya.
"Uuwi na ko. Kailangan ko nang makapuntang office eh."
"Merry Christmas."
Tila namasdan naman ni Evie si Silver sa kaweirduhan sa sinabi nito sa kanya.
"Merry Christmas din. Salamat."
Pagbawi na ni Evie ng braso niya at lumabas na ng kotse ni Silver. Mabilis siyang naglakad papasok sa gate ng compound kung saan may guard pa na sumaludo sa kanya. Habang si Silver naman ay sinundan lang siya ng tingin hanggang sa makapasok siya at mawala sa paningin nito.
Minasdan ni Silver ang kabuuan ng lugar bago nagmaneho na paalis roon. Hindi naman niya mapigilang mangiti dahil sa wakas ay tila napapalapit na siyang muli sa dalaga.
NANG makarating na si Evie sa office nila, nagkakasiyahan na pala ang lahat kahit hindi pa naguumpisa ang programa ng Christmas party nila. Mabilis na lang din siyang nagayos ng costume niyang party-goer vintage gatsby style. Isang fancy silver dress skirt na maraming nakalaylay with matching black lace gloves. Naka-pusod ang mahaba niyang buhok na may laces din na head dress at naka-stilettos. Nag-smokey eyed makeup din siya with plum matte lipstick shade.
At dahil wala si Benjamin, siya ngayon ang committee ng event, ibig sabihin hindi siya kasali sa best in costume contest nila ngayong taon dahil isa siya sa mga mag-judge.
"Nako! Buti na lang talaga at hindi ka kasali ngayon! Kundi, talbog na naman kami!" pasaring pa ni Fe na kinatawa na lang ni Evie.
"Magpalakas ka sa akin para sayo ang boto ko!"
"Ay? Ano bang gusto mong regalo Miss Evie? Ibibili kita!" bigla kapit naman nito kay Evie.
At dahil wala si Benjamin, siya na lamang din ang tumatanggap ng mga regalo para rito. May mga nakuha din siyang iilang regalo mula sa mga ahente at kaibigan niya sa office, lalo na kay Fe.
"Thank you din sa gift mo Miss Evie ah? Sa bahay ko na bubuksan." natutuwang saad pa nito.
"Welcome. Magagamit mo yun for sure. Sa bahay ko na rin bubuksan yung bigay mo."
"Ay! Matutuwa ka dun Miss Evie! Bagay na bagay sayo!" natutuwang saad pa nito.
"Ay nga pala, Miss Evie? Bakit ba wala talaga si Sir Benjamin? Nami-Miss ko tuloy siya." pabirong saad pa nito.
Natawa naman si Evie sa inarte ni Fe. Aminado kasi itong lowkey crush ang boss nila. Kaya nga yata siya nito ginawang close para mapalapit rin sa boss nila.
"Ahm.. Emergency lang, kailangan nilang umuwi sa Korea ni chairman."
"Ay ganun? Ang lungkot naman ng pasko ko ngayon, hindi ko man lang nasilayan si Sir Benjamin." tila pagmamaktol pa nito. "Buti ka pa, nakakasama mo siya sa mga getaways na yan! Kamusta nga pala yun?" paguusisa pa rin ni Fe na kinatahimik bigla ni Evie.
"Ahm, okay naman. Maganda yung location ng resort sa bago nating client na Kaur Corporation."
"The what?! Did you just say -- Kaur Corporation?" halos hindi naman makapaniwala si Fe.
"Oo, bakit? Si -- si Sir Silver actually ang nag-recommend sa atin kay Sir Khalil."
"Who to who?! Si -- Sir Silver? Sir Khalil? Don't tell me -- magkakasama kayo sa -- sa site inspection na yun?" nanlalaki pa rin ang mga mata ni Fe na halos hindi makapaniwala.
"Ahm.. Oo?" hindi naman malaman ni Evie kung bakit ganito ang reaksyon ng kaibigan sa mga sinabi niya.
"So kasama mo rin sila -- sa getaway niyo doon sa Sual?"
Umiling naman si Evie. "Sa Sual lang yung site, sa San Fabian yung getaway namin."
"Aaahhh!!!"
Malakas na tili ni Fe habang napakapit pa sa braso ni Evie. Natulala sa pagkabigla naman si Evie sa kanya. Kahit pa maingay sa paligid nila dahil sa party, napatingin pa rin ang ibang tao sa table nila.
"Huy? Bakit ka ba sumigaw dyan?!"
"Na -- nakasama mo sina Sir Benjamin, Sir Silver at yung Khalil Kaur na yun all in one place?!" singhal pa rin ni Fe na parang isang krimen ang nangyari.
"Oh? Eh ano naman? Malamang dahil sa work?"
"Isang oppa, isang afam at isang habibi, all in one?!"
Natawa naman si Evie sa mga pet names ni Fe sa mga ito.
"Haha! Oo nga noh?"
"Ahhh!!! Iba ka Miss Evie! Mag-resign ka na nga please! Ako ng mag-a apply sa posisyon mo! Kahit paglampasuhin ako ni Sir Benjamin ng buong floor ng building, kakayanin ko!" pagmamaktol pa ni Fe na tila inggit na inggit kay Evie. "Nakakainis ka! Bakit ang ganda mo? Anong sabon mo?"
Natawa lang ng natawa si Evie sa reaksyon ng katrabaho. Hindi naman niya nakikitang advantage niya ang makasama ang mga ito sa trabaho, bagkus isang achievement.
Ngunit, napagtanto niya rin bigla ang nangyayari rin sa kanila ni Silver. Hindi na niya nagugustuhang nagkakalapit sila nito kahit pa dahil sa trabaho.
Habang nagkakasiyahan pa sa Christmas party nila, dinukot ni Evie ang phone at tinext nito si Benjamin upang mangamusta.How are you? How's chairman?Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa nagre-reply ang boss sa kanya kaya tinabi niyang muli ang phone."Miss Evie?!"Napalingon naman si Evie sa kung sinong tumawag sa kanya sa likuran."Oh kuya Jorge?""Miss Evie oh." sabay abot nito ng small box na may ribbon pa sa ibabaw."Ay, salamat po manong Jorge." pagkuha naman din nito sa box."May nagpapabigay daw po niyan para sayo."Tila natigilan naman si Evie at nagtaka. Buong akala niya ay galing ito sa matanda."Ah hindi po galing sa inyo ito?""Ay hindi po Ma’am. Kakahiya nga po at wala man lang akong naibigay sa inyo kahit pa may regalo kayo para sa mga anak ko.""Ay huwag niyo na pong isipin yun manong. Para sa mga bata naman po yun. Pero -- kanino po ito galing?" pa
NANG MAGISING NA si Silver ay laking ginhawa niya at kapanatagan ng makita muli si Evie na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakasubsob muli ito sa kama niya na nakaharap sa kanya kaya hinimas niya muli ang ulo nito. Inalis na rin niya ang oxygen device niya para malaman kung komportable na ba siyang huminga ulit ng wala iyon.Ilang sandali niya iyon ginagawa hanggang sa tuluyang magising si Evie. Tinigilan naman na ni Silver hawakan ito.Dahan-dahan bumangon at naupo ng maayos si Evie. Napatingin siya kaagad kay Silver na nakatingin rin sa kanya, napansin niyang nakaalis na ang oxygen nito."Kamusta pakiramdam mo? Bakit hindi ka naka-oxygen?" kaagad niyang tanong rito."Okay naman na ko. Nakakahinga na ko ng maayos.""Sure ka? Eh bakit nanikip daw dibdib mo kaya ka na-admit?" pagtayo pa ni Evie at check ng oxygen device ni Silver."Akala ko kasi iniwan mo na ko bigla -- kaya nag-panic ako." sinimangutan naman siya ni Evie."Naghab
PINARADA NI EVIE ang kotse at nasa harap nun ay kotseng ginagamit niya. Pagkapatay niya ng makina ng kotse, hinarap niya si Silver na hindi malaman ang reaksyon nilang dalawa."Kapag umokay ka na, umuwi ka na ah? Baka machismis ako dito na naguuwi na ko ng lalaki sa bahay." saad lang nito sabay labas na ng kotse.Hindi naman napigilan ni Silver hindi mangiti ng bahagya dahil inuwi nga siya ni Evie sa bahay nito."Tara na!" pagbukas pa ni Evie ng pinto ng passenger's seat. Inalalayan niyang makababa si Silver sa kotse. Kahit pa nanghihina pa rin, tila nabubuhayan naman sa tuwa si Silver dahil patutuluyin siya ni Evie sa bahay nito.Nakaakbay si Silver kay Evie na nakaalalay sa kanya habang naglalakad sila papaakyat ng second floor ng compound."Maganda rin pala dito sa loob noh. May up and down unit ba o isang tenant bawat unit lang?" usisa pa ni Silver."Yung doon sa may tapat, up and down yun. Pang malalaking pamilya. Etong dito banda, eith
NILIBOT MULI NI Evie ang tingin sa kusina niya at kay Silver na suot pa ang apron niya habang naghihiwa ng ingredients."Ano ba yang lulutuin mo?" pagusisa na ni Evie sabay lapit kay Silver."Carbonara, di ba mas gusto mo toh kaysa sa spaghetti?" paglingon saglit sa kanya ni Silver sa gawing kaliwa."Pero hindi ka naman pwede sa carbonara. Dapat tuna pesto na lang."Natigilan naman si Silver sa ginagawa at tila napagtanto ang sinabi ni Evie."Oo nga pala?" napalingon pa siya sa likuran niya na tila tinitingnan ang naihandang ingredients."Pwede pa naman yan, hindi na lang tayo gagamit ng cream at milk. May pesto paste ako dyan." saad naman ni Evie at binuksan ang cabinet sa itaas niya at may kinuhang botelya. "Eto oh." paglapag niya sa pesto pastes sa tabi ni Silver.Bumalik si Evie sa mesa at naghalungkat sa mga groceries pang naroon sa plastik. Nakita niyang may pang macaroni salad, fresh fruits, fresh meat, hamon at baking ingredie
PAIKOT-IKOT NAMAN si Evie sa kabahayan niya, mula kusina papasok ng kwarto niya. Nakikita rin ni Silver na dinadala nito ang natirang box ng pizza at ibang pagkain pa sa kwarto niya. Nagpasok rin ito ng wine at tubig. Magpi-picnic ba itong babaeng toh sa kwarto niya at halos hakutin din lahat ng pagkain? Bago muling pumasok ng kwarto niya si Evie huminto ito sa may sala at humarap kay Silver. Nakita niyang nakatingin rin si Silver sa kanya na nagiintay ng sasabihin niya. "I'll be just in my room, kung may kailangan ka, you can get it anything from here. Katok ka lang kung emergency ah?" habilin pa ni Evie at papasok na ng kwarto niya. "Teka!" pagtawag pa ni Silver na ikinahinto ni Evie sa paglalakad. "A -- anong -- kakain ka sa kwarto mo magisa?" "Hmm.. Kinda. Doon lang ako sa balcony, magre-relax, magpapahangin, magiinom, kakain." "Pwede bang sumama doon?" alangan man, pero sinubukan pa rin ni Silver. Napaisip naman b
KUMUHA NAMAN NA si Silver ng ilang meat lang at habang hinihintay yun, napapansin pa rin niya ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga kalalakihang naroon pati na rin ang ibang customer. Mayroon pang dumaan na magasawa at yung lalaki ay napatingin kay Evie na nakatayo sa hindi kalayuan at tumitingin ng gatas sa isang aisle, nakita ito ng asawa niyang babae kaya binatukan siya. Gustong matawa ni Silver ngunit nagpipigil siya, napailing-iling na lang din siya dahil doon. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya sa mga tumitingin sa dalaga o magiging proud. Ngunit, parehong wala siyang karapatang maramdaman ito dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang dalaga."Eto na po, Sir." pagabot naman sa kanya ng mga nakaplastik ng mga nakilong karne at isda, nilagay naman din ni Silver iyon sa cart nito.At dahil masyadong nagpipyesta ang mga mata ng mga kalalakihang naroon kay Evie, hindi na mapigilan ni Silver ang inis niya. Habang nakahawak sa push cart niya, nag-extend siya n
NAGUGULUHANG NAGTATAKA pa rin si Evie sa kausap. Napapatingin naman siya sa may labas na malakas pa rin ang ulan.(Silver? It's me, Georgia!)Lalong kinabahan si Evie dahil hindi mukhang client o empleyado ang dating ng pagtawag nito kay Silver. Napatingin naman siya kay Silver na ganoon pa rin ang posisyon."He -- hello?" pagsasalita na niya. "I'm sorry, who's Georgia is this?" pormal pang sagot ni Evie.(Is this Silver's number?")"Ahm, oo. Sinong Georgia toh?"(Ikaw? Sino ka?!) tila singhal ng babae sa linya at kinabigla iyon ni Evie."Ikaw ang sino? Ikaw ang tumawag eh!" mabilis na pagsagot ni Evie na hindi niya napigilang mapasinghal rin dahil sa tugon ng kausap. Bigla siyang na-beast mode rito.(Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Silver?! Sino ka?!)"Eh bakit ka tumatawag kay Silver?! Sino ka?!" tila ganting sagutan naman nila over the phone. Mabilis namang na-high blood si Evie dahil nababastusan siya sa kausap.
"AAAHHH!!!"Malakas na tili ni Evie sa pagkagulat, halos naglundagan yata ang mga internal organs niya sa takot na nadama."Ano ba?! Bakit ka ba nanggugulat?!" singhal niya rito ng mapagtanto kung sino ito. Halos hiningal siya sa kaba kaya napasapo niya ang dibdib."Bawasan mo pagkakape! Masyado kang nagiging magugulatin." tila pangaasar pa nito. Nakatayo naman siya at nakapasandal na upo sa sandalan ng couch sa opisina ni Benjamin."Bakit ba narito ka na naman ng ganito kaaga?! Wala ka bang manners?!" galit pa ring singhal ni Evie rito."Mayroon, kaya nga maaga ako dito eh.""Wow? Sana all inuuna sa umaga!" pag-irap pa ni Evie rito."Bakit ka ba nagagalit? Ang aga aga galit ka kaagad.""Hindi ako galit!" inis pa ring sagot ni Evie rito."Galit ka eh!""Hindi nga!""Hindi ka pa galit niyan noh?""Stop telling me I'm mad until I get mad! Because I will stab you!" pagbabanta pa nito kay Silver sabay pa
BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam
HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa
"GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni
HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b
NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky
DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open
NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi
ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret
TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata