Share

Chapter 11

Author: Koolkaticles
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

HABANG NASA MAY jacuzzi pool sina Evie at Ingrid, nasa may dulo naman sina Silver at Khalil na nagiinuman sa may side pool table.

Magkatapat ng upo sina Evie at Ingrid, parehong nakahaya ang mga kamay sa magkabila at nakapatingala upang mas makapag-relax sila.

"Kamusta na kaya si Sir Benjamin noh? Kamusta na kaya ang daddy niya?" pagbasag na ni Ingrid sa katahimikan nila. Napadilat at tingin naman na din si Evie sa kanya saka bumuntong hininga.

"Hindi pa nga siya nag-a update sa akin eh. Nasa byahe pa yun."

"Ang sweet niya noh? All the way sa Korea. Ang bait siguro talaga ni Sir Benjamin."

"He is. Napakabait rin ni chairman. Kaya nagaalala rin ako para sa kanya."

"Close siguro silang mag-ama."

Tumungo-tungo naman si Evie at tiim ng labi niya bilang tugon.

"Sana all may ganung tatay. Hindi ko kasi alam kung mabait ba o hindi ang papa ko." bakas sa tono naman ni Ingrid ang kaunting lungkot.

"Bakit naman?"

"Iniwan niya kasi si mama pinagbubuntis palang ako. Kailangan na niyang bumalik ng Pakistan kasi mapapaso na ang visa niya. Pero -- hindi na siya bumalik." mapait na ngumiti pa ito kay Evie. Tila nabigla naman si Evie rito at naramdaman ang lungkot ng kaibigan

"Hindi ba niya kayo hinanap?"

Nagkibit balikat naman muna si Ingrid. "Ewan ko? Kasi kung gusto naman niya mahanap si mama, hindi naman kami nagtatago. Pero sa 25 years, wala akong kinilalang ama."

"Parehas pala kayo ni Silver." mahinang saad ni Evie ngunit sapat para marinig pa rin ni Ingrid.

"Paanong parehas kami?"

"Ah -- ahm.." nabigla naman siya sa nasabi niya, nagalangan naman siya kung sasabihin nito ang totoong nalalaman niya tungkol sa buhay ni Silver. Baka kasi maikwento nito kay Khalil at masabi naman ni Khalil kay Silver, isipin pa ni Silver na siya ang nagchichismis ng buhay nito. At baka pagtakahan rin nito kung papaano niya nalaman ang tungkol aa bagay na ito.

"Papaanong parehas kami ni Sir Silver?" tanong pang muli ni Ingrid.

"Ah ano kasi -- huwag mo sanang ipagkalat ah? Promise mo!" caught in between naman na si Evie. But she has to trust Ingrid instead.

"Promise Miss Evie!" pagsenyas pa nito na nanunumpa.

Tiningnan pang mabuti ni Evie si Ingrid at mukha naman itong sincere. Napabuntong hininga na lamang siya.

"Fine! Ahm -- hindi pa rin kasi nakikilala ni Silver ang totoong nanay niya. She has a stepmom, pero yung biological mother niya, he doesn't know her yet."

"Oh? I feel him." pagngiwi pa nito.

Tumungo-tungo na lamang si Evie sa kanya at umiiwas ng tingin.

"Eh ikaw Miss Evie? Nasaan ang parents mo?"

Hindi inaasahan ni Evie ang tanong ni Ingrid pa, ang akala niya ay tatanungin nito kung papaano niya nalaman ang tungkol sa buhay ni Silver.

"Ahm.. I'm not -- with them anymore."

"Hindi mo na sila kasama sa bahay?"

"Yeah. Three years na." pagtango pa niya rito.

"Eh nasaan sila?"

Nagaalangan pa rin si Evie sa pagsagot. Hindi kasi siya open up tungkol sa pamilya niya. Matagal na siyang hindi umuuwi sa mga ito simula pa noong umalis siya sa poder ng mga ito.

"Na -- nasa Bulacan. Binibista ko na lang sila doon." pagsisinungaling na lamang niya at saka matipid na ngumiti.

Totoong tatlong taon na siyang wala sa poder ng magulang niya, simula noong iniwan siya ni Silver, lumala ang anxiety depression niya at nagkaroon siya ng komplikasyon. Lalong nakadagdag sa depression niya ang paghihirap ng pamilya niya noon at hindi matustusan ang gastos sa pagkakasakit niya.

Sa sobrang pagkalugmok nila Evie sa utang, kahit hirap pa siya at delikado sa kalusugan niya, pinilit niyang magtrabaho sa malayo. Bumalik siya ng Palawan at doon muna nagtyaga bilang waitress sa isang resort. Sa nais niya rin makalayo at makalimutan ang lahat ng nangyari sa kanya, may taong nakilala siya at tinulungan siyang makabangon pansamantala. Ngunit ang lahat ay may kapalit kung kaya't ninais ni Evie kumawala sa pagkakautang na ito, at doon niya nakilala ang ama ni Benjamin. Si chairman ang tumulong kay Evie na makapagtrabaho sa kompanya nito pagkasahanggang ngayon ay sa kompanya nila Benjamin siya unti-unting nakabangon sa sarili niyang mga paa.

Kahit pa sa malayo, napatingin si Evie sa gawi nila Silver at Khalil na mukhang malalim din ang usapan habang nagiinuman ang mga ito. Malamang ay patungkol na naman sa negosyo.

Sa isip-isip ni Evie, kung hindi siguro siya iniwan ni Silver, hindi niya mararanasan ang hirap noon at pagdudusa. Bumabalik na naman ang sakit sa nakaraan nila. Pati na rin ang sakit dinanas dahil sa hirap ng buhay. Walang ideya ito kung gaano siya naghirap at nasaktan ngunit tapos na ang panahong iyon, hinding-hindi na siya papayag na maranasan muli iyon.

Galit ako sayo, pero alam mong bawal sayo ang uminom ng alak. Napakatigas talaga ng ulo mo!

"THAT'S sounds not so good, man." komento naman ni Silver sabay inom sa rock glass niya.

"I know. And it's a life-risky!" paginom rin nito sa rock glass niya. "Before it took everything I worked so hard, I need to make a move."

"What are you planning instead?"

"Sold you all properties and stocks here in the country."

Biglang napaubo at buga naman si Silver ng iniinom na alak sa sinabi ni Khalil sa kanya.

"Dude! I needed to withdraw all of my investments in different -- different companies and in stock market in order to pay you!" halos hindi naman makapaniwala si Silver sa offer ni Khalil sa kanya.

"This is for a meantime. I cannot let anyone take away my businesses here. As soon as I get back here in the Philippines, I wanted my businesses back too. It's only you I could trust with this, Silver." tila desperado namang saad ni Khalil.

Mapapaso na kasi ang visa nito sa bansa, at labag sa batas ang pagtatayo niya ng negosyo rito lalo kung hindi pa siya citizen. Kinakailangan niya munang umuwi sa bansa niya at i-renew ang visa niya bago siya makapagpatuloy ng operasyon ng business niya. Ngunit may mga competitors siyang pilit na sumiSira at nagbabantang agawin ang mga businesses niya rito kaya kinakailangan na muna niya itong bitawan. Si Silver lang ang pinagkakatiwalaan niyang kaibigan rito na maaaring humalina sa kanya. Sa oras na maiayos na niya ang mga papeles niya ay babalik din siya ng bansa para bawiin rito ang pinaubayang mga negosyo.

"Dude -- that be too much!"

"I have no choice left!"

Tila napaisip naman si Silver dahil talagang mauubos ang mga naitabi niya para lang saluhin ang mga negosyo at pagmamayari ni Khalil sa bansa.

"I'll ask Benjamin about this too. I trusted him." saad naman ni Silver na tila nakapagpanatag sa loob ni Khalil.

"Thanks, man."

"When are you planning to leave?" pagusisa pa ni Silver.

Bigla naman napalingon si Khalil sa naglalakad na si Ingrid patungong loob ng bahay. Sinundan niya ito ng tingin at napabuntong hininga.

"By next month." tila malungkot namang sagot lang nito.

"Does she know?" pasaring pang tanong ni Silver sabay inom ng alak niya.

"She doesn't have to. I don't want her to be worried about this." tila walang buhay pang sagot nito saka ininom rin ang lahat ng laman ng baso niya.

Maya-maya pa ay si Evie naman ang naglakad pasunod kay Ingrid papasok ng bahay. Hindi naman napigilan ni Silver hindi ito sundan ng tingin. Napansin naman siya ni Khalil sa ginawa.

"Money and love -- you just can't have it all!" pasaring pa ni Khalil. Tumungo-tungo naman si Silver sa kanya bilang pagsangayon. "And deciding which one is worth to choose is the hardest part. That's fucking sucks!"

PUMASOK na sila Evie at Ingrid sa bahay at dumiretso ng kwarto nila upang makapagbanlaw na. Napagod na rin sila sa araw na ito kaya iniwan na lamang din nila ang dalawang nagiinuman sa pool area.

May kalaliman na ang gabi ngunit hindi pa madalaw ng antok si Evie, inaalala pa rin nito ang kalagayan ng boss niyang si Benjamin. Ilang oras na ang lumipas ngunit ni hindi pa siya tinatawagan nito.

Lumabas siya ng kwarto at sumilip kung may tao pang nasa labas ngunit patay na ang mga ilaw. Marahil nasa kanya-kanya na silang silid. Dahan-dahan siyang kumikilos at naglalakad pababa ng hagdan at dumiretsong bar area malapit sa kusina. Namili siya ng alak at nagsalin kaagad sa nakuha niyang baso. Napatitig pa siya sa bar area at nangiti ng bahagya dahil ganito ang gusto niyang bar area na sinabi noon kay Silver, kompleto rin ng iba't ibang klase ng mga baso na naituro niya pa kay Silver. Marahil kumuha lang ito ng ideya pa sa kanya.

Lumabas si Evie sa pool area ang nakitang malinis na rito. Dahil malakas ang simoy ng hangin, napakapit siya sa sarili niya sa lamig kahit pa naka-pajama at long-sleeves siya na pantulog. Naupo siya sa recliner chairs sa tabi ng pool at unti-unting iniinom ang hawak na alak.

*Kriing.. Kriing..

Hindi pa man nagiinit ang pwetan niya sa pagkakaupo, biglang tumunog ang phone niyang nasa bulsa ng pajama niya. Kaagad niya itong dinukot at sumigla naman siya ng makita kung sino ang tumatawag sa kanya.

"Hello, Benj?! How you doing?" sagot niya rito at saka napatayo.

(I'm fine, Evz. I'm here in the airport na. Thanks for your help.)

"That's fine. Any updates kay chairman?"

(Mom said he's safe but still in the ICU.)

"He'll be fine, Benj."

(Bakit gising ka pa?)

"Namamahay lang siguro, saka -- nagaalala din ako kay chairman eh."

(Me too, Evz. Me too.)

"Call me when you get in Seoul, okay?"

(Of course. Ikaw na munang bahala sa Christmas party natin bukas ah? At saka -- huwag mo na lang din munang ipaalam sa office ang nangyari kay dad.)

"Oo naman."

(Kung gusto mong umuwi sa inyo after ng party, umuwi ka muna, Evz. Baka nami-Miss ka na rin nila.)

Tila natahimik naman si Evie at bumigat ang pakiramdam sa sinabi ng boss. Tatlong taon na rin kasi noong huli niyang nakasama ang mga ito, tatlong pasko at bagong taon na rin niya hindi nakakasama ang pamilya niya.

"I'll -- I'll see what I can do." hindi alam ni Benjamin ang totoong dahilan ni Evie kung bakit hindi ito umuuwi sa pamilya niya.

Napabuntong hininga na lamang siya nang matapos ang tawag nila ni Benjamin. Naupo siyang muli at uminom ng alak na dala. Nakatulala naman siya sa kawalan na tila malalim ang iniisip. Iniisip niya kung susundin niya ba ang payo ni Benjamin na umuwi sa pamilya niya o hindi.

Hindi sa ayaw niyang makapiling ang mga ito, ngunit dahil pakiramdam niya ay wala siyang mukhang maihaharap sa mga ito. Nagalit ang mga magulang niya sa kanya dahil hinayaan niyang maging miserable ang buhay niya ng dahil sa lalaki. Hindi man aminin ni Evie noon na kaya siya naging depressed dahil kay Silver pero ramdam ng mga magulang niya ang totoong dahilan dahil alam ng mga ito ang tungkol sa kanila kahit hindi pa rin niya ito nahaharap sa pamilya.

Ilang beses dinipensahan ni Evie si Silver sa mga magulang niya ngunit balewala lang din pala ang lahat dahil iniwan lang pala siya nito. Labis rin nagalit si Evie sa sarili dahil bakit niya hinayaang maniwala siya sa lalaking ni hindi man lang siya kayang piliin unahin. Hindi na niya napigilang bumuhos ang mga luha niya ng maalala na naman ang mga ito. Sobra siyang nahihiya sa mga magulang niya.

Pilit pinapatahan ni Evie ang sarili sa mga iyak at hikbi niya. Napayuko siya sa may tuhod niya at pinahid doon ang mga luha. Naubos na niya ang alak ngunit hindi pa ang luha niya.

"I'm sorry ma, pa. I'm so sorry." bulong nito sa sarili niya habang hindi naman mapigilan ang mga luha na kumakawala sa mga mata niya. Napayuko na lamang siya habang nakatakip ang mga kamay sa mukha niya.

Patuloy siya sa pagiyak kahit pa pigil siya sa paglikha ng ingay. Kahit pa nakakaramdam na siya ng pagod, hindi niya mapatahan pa ang sarili. Napapahawak na siya ng mahigpit sa dibdib niya dahil nakakaramdam na siya ng paninikip nito at hirap sa paghinga.

Nang mapagod si Evie ay kusa naman siyang natahan, kahit humihikbi pa man ay napigilan na niya ang pag-iyak. Mabilis niyang pinupunasan ang mga luha niya gamit ang kamay at manggas ng damit niya. Inayos niya rin ang nagulo niyang buhok, kinuha na ang pinaginumang baso ng alak at saka tumayo na papasok sana ng bahay ngunit bigla siyang natigilan sa pagkabigla.

Bakas pa rin sa mukha niya ang mga naluluhang mata at namumulang ilong ngunit hindi na niya ito maitatago.

Natigilan siya ng makitang nakatayo si Silver malapit sa sliding door papasok sa bahay. Bakas rin dito ang pagaalala at lungkot sa mga mata. Nakatitig lang ito sa kanya na tila napako rin ang mga paa sa kinatatayuan.

Huminga ng malalim si Evie at tila sumingot, iniwasan niya ito ng tingin at saka naglakad papalagpas sana rito ngunit kaagad nahawakan ni Silver ang braso niya.

Pwersahang hinatak siya ni Silver at niyakap ng mahigpit. Kinabigla ito ni Evie kaya hindi kaagad siya nakaiwas. Bigla na naman lumakas ang kabog sa dibdib niya na may kaunting kirot, halos nanginig din ang kalamnan niya at lalong nanlamig ang mga kamay at paa niya.

Sa hinaba ng panahon, sa wakas ay nahagkan siya nito sa unang pagkakataon. Tulala man, hindi na muli napigilan ni Evie na maluha. Bawat haplos at higpit ng yakap ni Silver sa kanya ay may kung anong kirot siyang nadarama kahit pa hindi siya tumutugon rito. Tila natuod siya sa kinakatayuan.

"Bitawan mo ko." mahinang saad niya dahil nanghihina na siya.

"Please, Evie. Don't go." basag na tinig ni Silver na hindi na rin napigilan ang sarili na maluha.

"Bitawan mo ko!" mas malakas nitong saad at pumalag sa yakap ni Silver ngunit dahil mas malaki ito sa kanya, sakop nito ang buong katawan niya kaya hindi siya nakawala kaagad. "Bitawan mo ko! Lumayo ka sa'kin!" pagpupumiglas na ni Evie na halos itulak na niya si Silver.

"Please, Evie.. I'm sorry. I'm so sorry!" nangingiyak na saad ni Silver habang hindi pa rin pinapakawalan si Evie sa mga bisig niya.

Nagpupumiglas pa rin si Evie na halos pinaghahampas na nito ang katawan ni Silver para lang mabitawan siya.

"Bitawan -- mo ko! Pabayaan mo na ko!" patuloy ito sa pag-iyak at pagpupumiglas.

"Patawarin mo na ko, Evie please? Hindi ko kayang makita kang nagkakaganyan." pagsusumamo naman ni Silver pa.

"Hindi mo kaya?! Pero iwan ako at balewalain, kayang-kaya noh?! Matapos mo kong hayaang magdusa, gusto mong patawarin na lang kita?! Sukdulan yung sakit, tapos sorry lang ang kapalit?!" hindi naman malaman pa ni Evie kung saan pa siya nakakakuha ng lakas para magpumiglas at sumigaw. Wala na siyang pakialam kung may makarinig sa kanila.

"Hindi ko sinasadya. Maniwala ka, hinanap kita." paghigpit pa rin nito sa yakap kay Evie. Damang-dama niya ang malakas na kabog sa dibdib nito at gayun din ang sa kanya ngunit sinusubukan niyang kumalma.

"Wala akong pakialam! Sana hindi ka na lang nagpakita pa! Sana hindi na lang kita nakilala!" halos kapusin na si Evie sa pagsigaw at pag-iyak. Labis na siyang nanghihina kaya tumigil na siya sa pagpupumiglas sa pagkakayakap ni Silver sa kanya ngunit patuloy pa rin ang kanyang pagluha.

"Sana hindi na lang kita minahal.." mahinang saad na nito at nagpatuloy ang daloy ng mga luha sa mata niya. Bagsak balikat at braso na siya na animo'y nalupaypay.

"Hindi ko rin gusto ang nangyari, Evie. Aminado akong kasalanan ko. Patawarin mo na --" naramdaman ni Silver ang pagbigat ng katawan ni Evie kasunod nun ay tila nabasag na baso malapit sa kanila. "Evie? Evie?!" tiningnan niya si Evie na tila wala ng malay.

"Evie, please!" nangamba naman si Silver at daling binuhat si Evie. "Evie, wake up!" pagkalog pa niya rito habang buhat ng dalawang kamay. Dali niya itong ipinasok sa loob ng bahay.

"Sir, Sir? Ano pong nangyayari?!" tila nagalala namang pagsalubong ng katiwala ni Silver sa bahay. Tila nagising ito sa ingay ng sigawan nila.

"Manong, pakitulungan po akong iakyat sa kwarto." saad ni Silver rito habang naglalakad patungong hagdanan.

"Ay sige po Sir, dahan-dahan lang." nagmamadali naman ito na nauna sa kanya sa paglalakad. Binuksan rin niya ang pintuan ng kwarto ni Silver upang makapasok ito roon.

"Manong, pakitawagan si doc Avena." utos naman ni Silver at saka dahan-dahan inilalapag si Evie sa gilid ng kama.

"Ay opo opo Sir!" kaagad rin lumabas ang matanda sa silid niya.

Inayos ni Silver ang pagkakahiga ni Evie na wala pa ring malay. Pinulsuhan niya ito at ramdam niyang malakas pa rin ang pintig nito. Sinapo niya ang ulo nito at saka kinumutan na lamang.

Naupo siya sa gilid ng kama katabi nito saka kinuha niya ang mga kamay nito na labis ang panlalamig. Hinawak-hawakan niya ang mga kamay ni Evie at hinihipan upang mainitan.

Evie.. Please be fine.

ILANG minuto lamang ay dumating na ang on-call doctor ni Silver. Dahil na rin sa health issues niya, bawat lugar ay may personal doctors na rin siya na maaari niyang ipatawag anumang oras.

Hindi man mapakali ngunit pinilit ni Silver na ikalma ang sarili niya dahil ayaw naman niyang parehas pa sila ni Evie na magkaproblema. Minamasdan niya lang ito habang sinusuri ng doktor. Nakita niyang may itinurok rito ngunit hindi muna siya nagusisa.

"Doc? Kamusta po siya? Bakit siya nawalan ng malay?" kaagad niyang tanong ng matapos nang suriin si Evie.

"She'll be fine, Silver. Nagka-nervous breakdown siya. Pampakalma ang tinurok ko sa kanya para magtuloy-tuloy na ang tulog niya at makapagpahinga na." sagot naman ng doktor sa kanya.

"Ganun po ba doc.."

"Ikaw din, Silver. Magpahinga ka na, huwag mo na siyang alalahanin." pagtapik pa nito sa balikat niya.

"Maraming salamat, doc Avena. Pasensya na po sa istorbo."

"Walang anuman, Silver. Mas grabe pa ang emergency sayo noong mga nakaraan. Huwag na sanang maulit din yun kaya -- magpahinga ka na rin."

"Opo, doc."

Nang makaalis na ang doktor ay kumalma na rin si Silver. Iniayos niya ang pagkakakumot kay Evie na mahimbing na ngayon natutulog sa silid niya. Naupo muli siya sa tabi nito at minasdan ang mukha nito.

Kay tagal kong inasam ang makita at mahagkan ka.. Sana mapatawad mo na ako.

Paghaplos pa nito pisngi ni Evie at saka lumapit rito upang mahalikan ang noo ng dalaga.

Gagawin ko ang lahat mapatawad mo lang ako, bumalik ka lang sa akin..

KINAUMAGAHAN ay maaga pa rin nagising si Silver upang salubungin sila Khalil at Ingrid. Marahil ay magtataka ang mga ito kung bakit wala si Evie sa silid nila.

Sinabi niya sa mga ito ang nangyari ngunit sa parteng nalasing lamang si Evie kaya nawalan ng malay.

"Sayang naman hindi ako makakapagpaalam kay Miss Evie." bakas naman ang panghihinayang ni Ingrid dahil kinakailangan na nilang makabalik ni Khalil sa Manila kaya maaga silang gumising at gumayak paalis matapos ang almusal.

"Sasabihin ko sa kanyang i-text ka kaagad pagkagising niya." panigurado pa ni Silver habang nakatayo malapit sa kotse ni Khalil.

"Dude! Thanks for inviting us here. See you in Manila."

"Sure, I'll see you there." pag-apir pa ng mga ito at saka naman na sumakay ang dalawa sa kotse.

Kinawayan pa ni Silver ang papalayong kotse ni Khalil bago maipasara ang gate ng bahay niya. Napatanaw pa siya sa bahay niya at napabuntong hininga. Hindi niya malaman kung bakit may kung anong saya siyang nararamdaman dahil sa ngayon, sila na lamang ni Evie ang naiwan rito.

Kaagad binalikan ni Silver si Evie sa silid niya ngunit hindi pa rin ito nagigising. Naupo ulit siya sa tabi nito at hinawakan ang kanang kamay ni Evie habang minamasdan itong matulog.

Hindi pa rin siya makapaniwala na dumating na ang oras na matagal niyang inintay, hindi niya akalaing mamamasdan pa niya ito at mahahawakan. Marahil sinubukan niyang kalimutan ito ngunit hindi niya magpasisinungalingan ang sarili na ito pa rin ang hanap-hanap niya kahit sa paglipas ng mahabang panahon.

At ngayong tila dininig na ng Diyos ang mga panalangin niya, hinding-hindi na niya sasayangin pa ang pangalawang pagkakataong pinagkaloob sa kanya.

NAMULAT si Evie kahit pa mabigat pa rin ang mga talukab niya. Pinilit niyang idilat ang mga mata at ilang segundo pa bago siya nagkaroon ng wisyo. Kagigising pa lamang niya ngunit pakiramdam niya ay pagod na pagod na siya.

Kinurap-kurap niya ang mga mata niya ng makita ang hindi pamilyar na silid. Alam niyang hindi ito ang guest room nila ni Ingrid kaya nilibot pa niya ang tingin.

Hindi hamak na mas malaki ang kwarto na ito na halos gray at blue ang motif, tila walang buhay ang silid at masyadong malaki para sa iisang tao ang hinihigaan niyang kama.

Isa lamang ang pumasok sa isip niya, si Silver.

Bigla niyang napagtanto ang nangyari sa kanila ni Silver kagabi sa pool area ngunit hindi na niya maalala kung papaano siya napunta sa silid na ito.

Tinangka niyang bumangon ngunit napasapo siya ng ulo at balik sa pagkakahiga dahil sa sakit na naramdaman niya sa ulo. Napatingin rin siya sa kaliwang kamay na pinaghawak sa ulo dahil may bandage ito at bahagyang masakit.

Kaagad naman siyang napalingon sa may pintuan nang marinig na tila may nagbubukas nito. Inabangan niya kung sino ang papasok mula roon.

"Oh? Gising ka na pala?" bati naman kaagad ni Silver na bahagyang ikinatuwa dahil gising na si Evie.

"Wh --what happened?" tanong niya kaagad sa binata.

"Nawalan ka ng -- ng malay kagabi. Tinurukan ka na lang din ni doc Avena ng pampakalma." tuluyang pagpasok nito ng silid habang may dala ng tray ng pagkain para kay Evie.

Tuluyang naalala ni Evie ang mga kaganapan bago pa siya mawalan ng malay. Marahil sa matinding emosyon niya ay nagka-anxiety attack na naman siya na nauwi sa nervous breakdown.

Hindi naman na umimik si Evie at nagbaba ng tingin kay Silver. Napansin nitong inilagay ni Silver ang tray sa maliit na mesa sa kwarto.

Dahan-dahang lumalapit si Silver sa kama ngunit naupo lamang ito sa may paanang dulo. Rinig na rinig ni Evie ang mga buntong hininga ni Silver na para bang hindi na malaman ang sasabihin sa kanya.

"Si -- sina Ingrid?"

"Umalis na sila." mabilis na tugon naman ni Silver.

"Hindi mo man lang ako ginising para sana nakasabay na ko sa kanila." bakas naman ang inis sa tono nito.

"Ihahatid rin naman kita pa-Manila ngayon. Ayaw ka na rin nilang paistorbo."

Huminga na lamang din ng malalim si Evie, ngunit hindi pa rin nito tinatabunan ng tingin si Silver.

"Ku -- kumain ka muna. Pinagdalahan na kita."

At saka naman tumayo si Silver sa kama at kahit pa mabigat sa loob niya ang gagawin, marahil dapat na muna niyang bigyan ng space si Evie.

Related chapters

  • As You Needed   Chapter 12

    PAPALABAS NA NG silid si Silver ng makalikom ng lakas si Evie upang makapasalita."Wait lang.." kaagad naman nahinto si Silver at nilingon siya, nagkatama sa wakas ang mga mata nila. "Thank you, pero hindi ka na sana nagabala pa."Mapait lang na ngumiti si Silver sa kanya bago tuluyang lumabas ng silid at isinara ang pinto. Napabuntong hininga na lamang si Evie pagkaalis nito.Tila nais niyang sisihin ito kung bakit siya nawalan ng malay kagabi ngunit batid niya ang pagaalala at pagaalaga nito sa kanya kaya bahagya siyang nakaramdam ng kaunting guilt sa pagtrato niya rito.Hindi ko na gusto ang mga nangyayaring ito. Mas hindi ko na nagugustuhan ang mga nararamdaman ko pa. Hindi ko na yata makakayang makasama pa ang lalaking iyon, mababaliw na naman ako. Hay..Kinain nga ni Evie ang dinalang pagkain ni Silver at kaagad niya rin ibinaba ito sa kitchen. Pumanik na siya sa guest room na tinutuluyan nila ni Ingrid at gumayak na rin.Nags

  • As You Needed   Chapter 13

    Habang nagkakasiyahan pa sa Christmas party nila, dinukot ni Evie ang phone at tinext nito si Benjamin upang mangamusta.How are you? How's chairman?Ilang minuto ang lumipas ngunit hindi pa nagre-reply ang boss sa kanya kaya tinabi niyang muli ang phone."Miss Evie?!"Napalingon naman si Evie sa kung sinong tumawag sa kanya sa likuran."Oh kuya Jorge?""Miss Evie oh." sabay abot nito ng small box na may ribbon pa sa ibabaw."Ay, salamat po manong Jorge." pagkuha naman din nito sa box."May nagpapabigay daw po niyan para sayo."Tila natigilan naman si Evie at nagtaka. Buong akala niya ay galing ito sa matanda."Ah hindi po galing sa inyo ito?""Ay hindi po Ma’am. Kakahiya nga po at wala man lang akong naibigay sa inyo kahit pa may regalo kayo para sa mga anak ko.""Ay huwag niyo na pong isipin yun manong. Para sa mga bata naman po yun. Pero -- kanino po ito galing?" pa

  • As You Needed   Chapter 14

    NANG MAGISING NA si Silver ay laking ginhawa niya at kapanatagan ng makita muli si Evie na mahimbing na natutulog sa tabi niya. Nakasubsob muli ito sa kama niya na nakaharap sa kanya kaya hinimas niya muli ang ulo nito. Inalis na rin niya ang oxygen device niya para malaman kung komportable na ba siyang huminga ulit ng wala iyon.Ilang sandali niya iyon ginagawa hanggang sa tuluyang magising si Evie. Tinigilan naman na ni Silver hawakan ito.Dahan-dahan bumangon at naupo ng maayos si Evie. Napatingin siya kaagad kay Silver na nakatingin rin sa kanya, napansin niyang nakaalis na ang oxygen nito."Kamusta pakiramdam mo? Bakit hindi ka naka-oxygen?" kaagad niyang tanong rito."Okay naman na ko. Nakakahinga na ko ng maayos.""Sure ka? Eh bakit nanikip daw dibdib mo kaya ka na-admit?" pagtayo pa ni Evie at check ng oxygen device ni Silver."Akala ko kasi iniwan mo na ko bigla -- kaya nag-panic ako." sinimangutan naman siya ni Evie."Naghab

  • As You Needed   Chapter 15

    PINARADA NI EVIE ang kotse at nasa harap nun ay kotseng ginagamit niya. Pagkapatay niya ng makina ng kotse, hinarap niya si Silver na hindi malaman ang reaksyon nilang dalawa."Kapag umokay ka na, umuwi ka na ah? Baka machismis ako dito na naguuwi na ko ng lalaki sa bahay." saad lang nito sabay labas na ng kotse.Hindi naman napigilan ni Silver hindi mangiti ng bahagya dahil inuwi nga siya ni Evie sa bahay nito."Tara na!" pagbukas pa ni Evie ng pinto ng passenger's seat. Inalalayan niyang makababa si Silver sa kotse. Kahit pa nanghihina pa rin, tila nabubuhayan naman sa tuwa si Silver dahil patutuluyin siya ni Evie sa bahay nito.Nakaakbay si Silver kay Evie na nakaalalay sa kanya habang naglalakad sila papaakyat ng second floor ng compound."Maganda rin pala dito sa loob noh. May up and down unit ba o isang tenant bawat unit lang?" usisa pa ni Silver."Yung doon sa may tapat, up and down yun. Pang malalaking pamilya. Etong dito banda, eith

  • As You Needed   Chapter 16

    NILIBOT MULI NI Evie ang tingin sa kusina niya at kay Silver na suot pa ang apron niya habang naghihiwa ng ingredients."Ano ba yang lulutuin mo?" pagusisa na ni Evie sabay lapit kay Silver."Carbonara, di ba mas gusto mo toh kaysa sa spaghetti?" paglingon saglit sa kanya ni Silver sa gawing kaliwa."Pero hindi ka naman pwede sa carbonara. Dapat tuna pesto na lang."Natigilan naman si Silver sa ginagawa at tila napagtanto ang sinabi ni Evie."Oo nga pala?" napalingon pa siya sa likuran niya na tila tinitingnan ang naihandang ingredients."Pwede pa naman yan, hindi na lang tayo gagamit ng cream at milk. May pesto paste ako dyan." saad naman ni Evie at binuksan ang cabinet sa itaas niya at may kinuhang botelya. "Eto oh." paglapag niya sa pesto pastes sa tabi ni Silver.Bumalik si Evie sa mesa at naghalungkat sa mga groceries pang naroon sa plastik. Nakita niyang may pang macaroni salad, fresh fruits, fresh meat, hamon at baking ingredie

  • As You Needed   Chapter 17

    PAIKOT-IKOT NAMAN si Evie sa kabahayan niya, mula kusina papasok ng kwarto niya. Nakikita rin ni Silver na dinadala nito ang natirang box ng pizza at ibang pagkain pa sa kwarto niya. Nagpasok rin ito ng wine at tubig. Magpi-picnic ba itong babaeng toh sa kwarto niya at halos hakutin din lahat ng pagkain? Bago muling pumasok ng kwarto niya si Evie huminto ito sa may sala at humarap kay Silver. Nakita niyang nakatingin rin si Silver sa kanya na nagiintay ng sasabihin niya. "I'll be just in my room, kung may kailangan ka, you can get it anything from here. Katok ka lang kung emergency ah?" habilin pa ni Evie at papasok na ng kwarto niya. "Teka!" pagtawag pa ni Silver na ikinahinto ni Evie sa paglalakad. "A -- anong -- kakain ka sa kwarto mo magisa?" "Hmm.. Kinda. Doon lang ako sa balcony, magre-relax, magpapahangin, magiinom, kakain." "Pwede bang sumama doon?" alangan man, pero sinubukan pa rin ni Silver. Napaisip naman b

  • As You Needed   Chapter 18

    KUMUHA NAMAN NA si Silver ng ilang meat lang at habang hinihintay yun, napapansin pa rin niya ang mga malalagkit na tingin kay Evie ng mga kalalakihang naroon pati na rin ang ibang customer. Mayroon pang dumaan na magasawa at yung lalaki ay napatingin kay Evie na nakatayo sa hindi kalayuan at tumitingin ng gatas sa isang aisle, nakita ito ng asawa niyang babae kaya binatukan siya. Gustong matawa ni Silver ngunit nagpipigil siya, napailing-iling na lang din siya dahil doon. Hindi niya malaman kung maiinis ba siya sa mga tumitingin sa dalaga o magiging proud. Ngunit, parehong wala siyang karapatang maramdaman ito dahil hindi naman niya pagmamay-ari ang dalaga."Eto na po, Sir." pagabot naman sa kanya ng mga nakaplastik ng mga nakilong karne at isda, nilagay naman din ni Silver iyon sa cart nito.At dahil masyadong nagpipyesta ang mga mata ng mga kalalakihang naroon kay Evie, hindi na mapigilan ni Silver ang inis niya. Habang nakahawak sa push cart niya, nag-extend siya n

  • As You Needed   Chapter 19

    NAGUGULUHANG NAGTATAKA pa rin si Evie sa kausap. Napapatingin naman siya sa may labas na malakas pa rin ang ulan.(Silver? It's me, Georgia!)Lalong kinabahan si Evie dahil hindi mukhang client o empleyado ang dating ng pagtawag nito kay Silver. Napatingin naman siya kay Silver na ganoon pa rin ang posisyon."He -- hello?" pagsasalita na niya. "I'm sorry, who's Georgia is this?" pormal pang sagot ni Evie.(Is this Silver's number?")"Ahm, oo. Sinong Georgia toh?"(Ikaw? Sino ka?!) tila singhal ng babae sa linya at kinabigla iyon ni Evie."Ikaw ang sino? Ikaw ang tumawag eh!" mabilis na pagsagot ni Evie na hindi niya napigilang mapasinghal rin dahil sa tugon ng kausap. Bigla siyang na-beast mode rito.(Bakit ikaw ang sumagot ng phone ni Silver?! Sino ka?!)"Eh bakit ka tumatawag kay Silver?! Sino ka?!" tila ganting sagutan naman nila over the phone. Mabilis namang na-high blood si Evie dahil nababastusan siya sa kausap.

Latest chapter

  • As You Needed   Epilogue

    BUMUNGAD KAY EVIE ang malakas na hampas ng hangin nang makarating sa rooftop.She knew there was a chopper waiting there as she also hears a loud sound of moving propeller."Are we riding this?!" pasigaw niyang tanong habang hinahawi ang buhok na nais ng bumaligtad. Sayang naman ang effort niyang ayusin ito."Yes!""Why?! Where are we going?! Why is has to be in a chopper?!""A surprise!"Naglakad sila papalapit sa chopper hanggang sa may nagalalay sa kanilang makasakay roon. Nagkabit rin sila ng mga headset at seat belts.As they going up and feeling the vibration inside the chopper, Evie look upon and enjoying the view from the outside window."This is so nice!""Ye -- yeah!"Napansin ni Evie ang pagsagot ni Silver kaya nilingon niya ito. Worried written on his face and looking pale."Afraid of heights nga rin pala noh?" as she conceal her laughter.Napatungo-tungo lang naman si Silver."Dam

  • As You Needed   Chapter 65

    HAPON NA NG makauwi sina Evie, Evette at ang anak nitong si Evren. Nabigla sila sa dami ng bitbit ng mga ito dahil halatang nag-shopping."Aba, ang daming toys ng baby namin ah?" pagkarga pa ng ginang sa apo.Kaagad ring kinuha ng asawa niya ang apo nila at kinarga."Na-miss namin ang ang baby na toh ah! Spoiled ka ng tita Evie mo ah?"Kaagad naman lumapit si Evie kay Silver na nakatayo sa gilid ng pinto. Yumakap ito sa beywang at saka tumingala sa binata."Miss mo ko?" tila paglalambing niya rito dahil nakabusangot ang mukha ni Silver."Tagal-tagal mo ah? Nakipag-date ka lang yata eh." halatang nagtatampo ito dahil nainip siya sa pagiintay kay Evie at wala man lang text o tawag mula rito."Huwag ka ng magtampo dyan, miss na miss na nga kita eh." pilit itong tumitingkayad upang maabot si Silver."Miss daw? Tagal-tagal!"Ngumunguso si Evie upang mahalikan si Silver ngunit masyado talaga itong matangkad kaya hindi siya maa

  • As You Needed   Chapter 64

    "GOOD MORNING, baby Evren!" magiliw na bati ng ina nila Evie ng makita ang apo kay Evette. Kinuha niya ito mula sa pagkakakarga ni Evette at siya namang kumarga at sinayaw-sayaw. Maagang nagigising ang mga magulang nila para maghanda ng almusal, nang marinig ni Silver ang pagkilos ng mga ito sa kusina ay kaagad na lamang din siyang bumangon at pilit na tumulong kahit pa hindi pa siya nakakabawi ng pagod at tulog. "Anak mo? Tulog pa ba?" tanong ng ama sa asawa ng maupo na ito sa hapag. "Nako alam mo naman yung anak mong yun, tanghali na talaga bumabangon. Ayaw pang nagpapagising." sagot naman ng asawa sa kanya. Naupo na silang lahat sa hapag kainan maliban kay Silver na naupo muna ulit sa sofa na hinihigaan. "Silver, hijo! Sumabay ka na sa amin! Huwag mo ng hintaying magising yan si Evie, tanghali na yan!" pagtawag naman ng ina ni Evie sa kanya. Ang totoo ay labis nahihiyang makisabay si Silver sa kanila na hindi kasama si Evie. Nais ni

  • As You Needed   Chapter 63

    HINDI PA RIN makapaniwala si Evie ng matanaw niya ang pamilyar na lalaki sa hindi kalayuan habang hinahabol ang asong si Steve.Nang lapitan ito ni Steve na tila sabik na sabik, from that moment, she knew who it was.Kahit kinakabahan at nabibigla pa rin ay buong tapang na niya itong nilapitan kahit pa puno siyang takot. Hindi niya ito inaasahan.Nang lapitan niya ito at nagkayakapan sila, tila natunaw ang lahat ng sakit na nadarama niya noong mga panahon kung bakit siya muling lumayo dito hanggang sa pagkalumbay siya sa pagkakawalay dito.Noong nasa Palawan siya ay nakapagdesisyon na siya tungkol rito ngunit noong nalaman niya ang palagay ng pamilya niya lalo na ng kanyang ama, tila natakot siya sa kakaharapin na naman nilang pagsubok. Ngunit nakapagdesisyon na siya.Balak naman sana niyang ipaalam ito sa oras na makaalis na muli siya sa kanila ngunit ang hindi niya inaasahan ay mangyayari na kaagad."I -- I choose you." saad niya rito at b

  • As You Needed   Chapter 62

    NANG MAKALABAS SI Silver sa ospital, nanatili muna siya sa apartment ni Evie ng ilang araw upang makapagpahinga. Still no signs and contacts from her kaya minabuti na muna niyang magpahinga para makabawi ng lakas.Napasaring ni Benjamin ang tungkol kung saan maaaring naroroon si Evie, napagtanto niya ito kahit walang kasiguraduhan. Kinakailangan na lang niyang magpalakas muna para maharap na ito.Mabuti na lamang at nautusan niya ang sekretaryang si Matt na mag-grocery para sa kanya dahil hindi pa siya tuluyang makakilos at labas ng bahay.Kumuha siya ng fresh milk mula sa ref at isinara iyon, napansin niya ang larawan nila ni Evie na nakaipit sa fridge magnet, nakahalik siya sa pisngi nito noong nasa beach house sila. Minasdan niya iyon at napangiti ng kaunti. He Misses those times.Napahawak siya roon habang hindi pa rin inaalis ang tingin sa larawan nila.I'll come to you, mommy. Just wait for me, again.NANG makahinto ang sasaky

  • As You Needed   Chapter 61

    DUMIRETSO SI EVIE sa balkonahe ng silid at tinanaw ang mas malawak na natawin ng karagatan.Malinaw ang asul-berdeng dagat dahil sa pino at puting buhangin, kahit pa may iilang naroon sa beach, hindi naman nakakabawas sa ganda nito.Kahit pa nasa tila paraiso ito, bakas pa rin sa mukha niya ang lungkot dahil sa totoo kaganapan sa buhay niya na nais niya sanang masolusyunan na.Huminga muli siya ng malalim at napapikit na lang para sariwain ang hangin na humahampas at dumadampi sa balat niya. Tila sa sandaling ito, nare-relax ang kaisipan niya.Matapos niyang makapagayos ng gamit at bihis na rin ng ready to swim outfit, nagpasya muli siyang lumabas ng hotel room niya at nagtungo ng reception area.Nagbilin siya na kung sakaling may maging available room na mas mababa sa junior suite niya ngayon, nais sana niyang lumipat na lang doon at pumayag naman ang management.Naglibot muli si Evie at ngayo'y napansin na niya ang golf course area at open

  • As You Needed   Chapter 60

    NAGMAMADALI NA si Silver sa pagmamaneho hanggang sa makarating na ng compound, nakita niyang naroon pa ang kotse ni Evie sa parking area kaya nakampante siyang narito ito. *Tok tok! "Mommy? Mommy?!" Pagkatok niya sa pintuang naka-lock ngunit ilang minuto ang lumipas, walang nagbubukas. Sinusian na niya ang pinto ang bumungad sa kanya ang tahimik na kapaligiran. Patay ang mga ilaw at nakakapagtakang hindi yata siya sinasalubong ni Steve. "Mommy? Steve?" pagtawag niyang muli ngunit walang sumasagot. Nanakbo siya sa kwarto hanggang sa balcony, pati na rin sa banyo ngunit ni walang bakas ni Evie at ng aso nito. "This can't be. Nasaan sila?" sinusubukan niya ulit tawagan ang numero ni Evie ngunit sa pagkakataong ito, out of coverage area na. "Shit!" Sinubukan niyang tawagan si Benjamin at nasagot naman din kaagad. "Benj!" (Sorry, bud. Cannot be reach na siya.) Napahilamos si Silver ng mukha at napahi

  • As You Needed   Chapter 59

    ANG LAHAT NG atensyon ay na kay Tin, tila nagmamatigas pa rin ito."Tin, sumama ka na sa presinto, gusto na lang din namin maayos itong abalang ginawa mo.""Abala? Anak ko yung nanganib, abala?!" tila pag-hysterical na naman nito."Ma’am, wala pong maaayos rito kung hindi po kayo sasama sa amin. Kung gusto niyo pong mabawi ang anak niyo, makipagusap po kayo ng maayos lalo sa DSWD." paliwanag pa ng pulis.Nagkatinginan naman sina Evie at Tin. Bakas sa mga mata ni Tin ang galit at pangamba, habang awa at pagkainis naman ang kay Evie. Halatang sinisisi pa rin siya nito kung bakit napahamak ang anak at ngayon ay kailangan pa niyang sumama sa kanila sa presinto.Sa huli, naisama na rin si Tin ng mga pulis. Kasunod nila ang sasakyan ni Silver. Under observation pa naman ang bata at hinabilin na lamang muna sa nurse ng ospital."You okay?" paghawak pa ni Silver sa kamay ni Evie habang nagmamaneho.Hindi kaagad nakaimik si Evie na diret

  • As You Needed   Chapter 58

    TILA WALANG KAPAGURAN ang bata dahil matapos nilang kumain ay nagaaya muli ito sa mga rides kaya walang reklamong pinagbibigyan naman ito nila Evie at Silver.Parehong nag-e enjoy rin naman silang dalawa dahil alam nilang napapasaya nila ang bata. Parang kahit na anong gustuhin ng bata ay nais nilang ibigay, na kahit alam nilang hindi nila ito kaano-ano, yung pagmamahal na nabuo nila para rito ay totoo.Saglit na naupo sila sa isang ice cream parlor para kumain ng ice cream dahil nagturo ang bata rito. Dahil parehong paborito nila Evie at Silver ang strawberry flavor, ito na lamang din ang binili nila para sa bata.Habang hinahayaan naman nila kumain ang bata habang nakaupo sa silya sa pagitan nila, parehong naka-cone ang ice cream na in-order nila Evie at Silver."Anong oras darating ang mga taga DSWD bukas, mommy?" panimula muli ni Silver. Natigilan at bumakas na naman kay Evie ang lungkot bago tumingin sa kanya."Alas nueve daw."Nahalata

DMCA.com Protection Status