Share

Kabanata 13

Stavros’ POV

The silence was deafening. I was here, sitting in the corner, away from my wife.

It had been an hour since Aviona was transferred in this private room.

She was there, lying and sleeping soundly on the hospital bed. Her face was serene. She looked so peaceful. You wouldn’t think that she was going through something hard, something deep.

Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumatok dito. Maya-maya pa ay dahan-dahan itong bumukas. Pumasok mula roon si Manang Eba.

Ser Stabros…” bati niya saka bahagyang yumukod.

Tinanguan ko siya at saka itinuro ang bedside table.

Hindi siya agad na kumilos. Tumingin ito sa kinahihigaan ni Aviona. Tinitigan niya ito. Ilang sandali lamang ay nasaksihan ko kung paano niya pasimpleng pinunasan ang ilalim ng kaniyang mga mata.

I smiled in my mind.

Can you see how lovely are you, Aviona?

I would definitely let her see and realize the great things that she’d miss if she’d choose to be gone.

Lumapit na si Manang Eba sa bedside table at inilapag doon ang mga gamit ni Aviona. Naupo pa siya sa silya na nasa gilid lang ng hospital bed. Hinaplos niya ang mukha ng kaniyang alaga. “Ano ka ba namang bata ka? Di ba sabi ko sayo ay huwag mo nang uulitin ang ginawa mong paglalaslas? Aba’y hindi mo nga inulit pero leeg mo naman ang ginilitan mo ngayon. Gusto mo ba talaga akong atakihin sa puso ha?” malumanay ngunit may hinanakit na sermon niya sa natutulog kong asawa. Hindi na rin nito napigilan na mapaiyak sa itsura ni Aviona. Hindi niya na inalintana kung narito lang ako sa gilid at nanonood sa kanila.

Sa maikling panahon ay napalapit na sa kanila si Aviona kahit pa na hindi ito masyadong nakikisalamuha sa kanila.

Her charm had already caught their eyes and their hearts.

Natahimik na si Manang Eba. Pinunasan niya ang kaniyang luha at saka tumayo. Naglakad ito papunta sa aking harapan. “Ser Stabros, umuwi ka na muna para makapagpalit at makapagpahinga ka. Alam kong pagod kayo dahil pagkagaling sa trabaho ay dito na agad kayo dumiretso. Ako na munang bahalang magbantay at mag-alaga sa inyong asawa,” may pag-aalalang saad niya.

Tipid ko siyang nginitian at saka ako umiling. “I’m fine. Aviona isn’t. I will stay here until she gets well.”

Nag-aalangan man ay napangiti ito. “O siya, sige po, Ser. Bibilhan ko na lang kayo ng makakain sa labas. Sigurado akong hindi pa kayo kumakain mula kanina.”

Sumang-ayon ako sa kaniya dahil naramdaman ko na rin ang gutom dahil sa kaniyang pagpapaalala.

Lumabas na si Manang Eba matapos ko siyang bigyan ng pambili ng pagkain.

Muli akong naiwan kasama si Aviona sa silid. Ayaw kong lumapit sa kaniya dahil baka magising ito at maabutan akong nasa tabi niya. Ayaw kong lumala ang takot niya sa akin dahil sa aking paglapit.

Napatitig ako sa kaniya. Hindi maipagkakailang lumaki siyang magandang babae. Ang bilugan niyang mga mata ang pinakamagandang parte ng kaniyang mukha. Ngunit kahit gaano siya kaganda ay hindi maitatanggi na nangangayayat siya. Masyado siyang mapayat para sa edad niyang veintidos.

Natigil ako sa piping pagkilatis sa kaniyang mukha dahil sa unti-unti niyang pagmulat ng kaniyang mga mata. Halos isang minuto na rin siyang nakatitig sa kisame na para bang pinapagtanto kung nasaan siya ngayon.

Napangiti ako dahil sa wakas ay gising na siya. Napatayo pa ako sa aking kinauupuan. Pinindot ko ang intercom para ibalita sa nurse na gising na siya. “I’m glad that you’re finally awake. How are you feeling?” agad na tanong ko sa kaniya matapos ang tawag.

Gulat ang kaniyang mga matang nakatingin sa akin. Unti-unting bumakas sa kaniyang mga mata ang takot na pumawi sa aking ngiti. “A-anong g-ginagawa mo r-rito?” nanginginig niyang tanong. Kaagad niya ring hinila ang kaniyang kumot para maitago ang kaniyang katawan.

I felt a pinch in my chest. I cleared my throat. “Binabantayan muna kita. Lumabas muna kasi si Manang Eba para bumili ng pagkain,” paliwanag ko. Pero hindi iyon naging sapat para mawala ang takot sa kaniyang mukha.

Tumitig lang siya sa akin hanggang sa nagtubig ang kaniyang mga mata. Nanginginig rin ang kaniyang mapuputlang mga labi.

Naalarma ako sa kaniyang reaksyon. Lalapitan ko na sana siya kaso bigla siyang sumigaw.

“Huwag kang lalapit!” Ang takot ay nahaluan ng galit at pagkamuhi.

Hindi ko na alam ang gagawin ko. Gusto ko siyang lapitan kaso baka mas lalo siyang mataranta.

“D’yan ka lang! Huwag kang magtatangkang lumapit!” Umiiyak na siya. Kitang-kita ang mga ugat sa kaniyang mga braso dahil sa sobrang higpit ng kaniyang kapit sa kumot.

“I-I’m not going to hurt you, Aviona.” Itinaas ko pa ang aking mga kamay na para bang sumusuko sa mga pulis.

“Manloloko!” Pinandilatan niya ako ng mga mata. Her face was a mess. Magulo ang kaniyang buhok at mayroon pang nabasa ng luha na nakadikit na sa kaniyang mga pisngi. Hirap na rin siya sa kaniyang paghinga dahil barado na ang kaniyang ilong. Kumikibot-kibot din ang kaniyang mga labi. “Hanggang kailan niyo ba ako balak saktan?! Lagi na lang kayong nagsisinungaling sa’kin! Ano pa bang kailangan niyo ha?! Wala nang natira sa’kin! Wala na! Tigilan niyo na ako, please! Pagod na pagod na ako!” Napaluhod siya sa hospital bed at napatakip sa kaniyang mukha gamit ang kaniyang mga palad. “P-pagod… n-na pagod… na p-pagod na ako.” Lalong lumakas ang hagulgol niya. “H-hindi ko na… kaya.”

Napakuyom ako ng kamao. I didn’t know but it hurts me seeing her breakdown like this. She didn’t deserve this cruelty.

Napuno ng kaniyang iyak ang buong silid. Habang ako ay natuod na sa aking kinatatayuan. Hindi ko siya malapitan dahil ayaw ko nang dagdagan pa ang kaniyang hinanakit.

“Stavros.”

Napatingin ako kay Dr. Cruz at sa dalawang lalaking nurses na kasama niya. Kakapasok lang nila sa kwarto.

“A-anong ginagawa niyo rito?!”

Bumalik ang aking atensyon kay Aviona na may nanlalaking mga mata.

“U-umalis kayo rito!” sigaw niya saka ibinato ang unan kina Dr. Cruz. “Umalis kayo!” muli niyang sigaw na may takot at pagkataranta sa mukha.

Humakbang si Dr. Cruz patungo sa kaniya ngunit napatigil din agad siya nang hablutin ni Aviona ang vase na nakapatong sa ibabaw ng kaniyang bedside table at saka ibinato sa sahig malapit kina Dr. Cruz.

“Sabing ‘wag kayong lalapit!” Pilit siyang nagtatapang-tapangan ngunit halata pa rin ang takot at kaba sa kaniyang mukha at boses.

“Aviona,” bulong ko na hindi sapat para kaniyang marinig.

Tiningnan ako ni Dr. Cruz na parang humihingi ng permiso.

Malungkot ko siyang tinanguan.

Lumapit silang tatlo kay Aviona na lalong nagwala. Agad na hinawakan ng dalawang lalaki ang magkabila niyang braso. Habang si Dr. Cruz naman ay inihanda ang gamot na ituturok sa kaniya. “This will not hurt a lot, Avi,” aniya saka itinurok sa braso ng nagpupumiglas na si Aviona ang injection.

“W-wala kayo… awa.” Iyon ang mga huling salitang kaniyang binitawan bago siya tuluyang nawalan ng malay.

Napaiwas ako ng tingin sa kaniya.

Hinintay kong makaalis sina Dr. Cruz bago ko tinawagan si Dominic.

“Good evening, Mr. Bienvenelo,” bati niya.

“Dominic, cancel all my appointments for this week. And send me all the paper works here in the hospital tomorrow.”

“Copy, Mr. Bienvenelo. Is that all?”

“Yes.” Because I would be working from home once my wife gets out of here.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status