Share

Kabanata 29 (Ika-labing-apat na Parte)

"May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot.

Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan.

Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok.

Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay.

"Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko.

Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso.

"Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko.

"Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod.

"Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?"

Tumango ako.

Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin.

Hindi na naman ako nagtataka.

Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa?

"Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
hindi ka nman pusong bato stavros kaya pagbigyan mo ang huling hiling ng iyong ama
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status