"Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta
"Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a
"'W-wag po!" pagmamakaawa ko habang unti-unting gumagapang paurong sa dulo ng aking higaan.Ito na naman siya. Ang taong pinagkatiwalaan ko ng buhay ko. Ang taong akala ko ay pupunan ang kulang sa puso at pagkatao ko.Dati ay hindi ganito ang mga tingin niya. Dati ay saya-saya niyang kasama. Naging kalaro ko siya at kaibigan. Naging tatay ko pa nga. Ngunit nagbago ang lahat ng iyon.Para sa akin, isa na siyang demonyo ngayon. Kung anong inosente ng kaniyang mga tingin dati ay siyang rumi nito ngayon. Siya ang sumira sa buhay at buong pagkatao ko. Bakit pa siya nabuhay sa mundo?Basang-basa ng luha ang mga mata ko. Ang puso ko ay parang lalabas dahil sa lakas ng kabog nito. Para akong hinaha
Aviona’s POV“Any minute ay dadating na sina Stavros, Avi. Tandaan mo ang mga bilin ko sayo, okay? Ininom mo na ba ang gamot mo?” tanong ni mommy habang kulong-kulong niya sa kaniyang mga palad ang aking mukha.Marahan akong tumango. “Opo.”Mahinhin siyang ngumiti. “Mabuti.”“Aviona.” Isang malalim na tinig ang nagpalundag ng aking puso.Si daddy. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad palapit sa akin.Nahigit ko ang aking paghinga.Si mommy na kanina ay nasa aking tabi, ngayon ay nasa tabi na ni dad
Stavros’ POV“Are you really sure she’s coming?” I asked Anthony impatiently, who was busy scrolling through his cellphone.Hindi siya agad na sumagot sa akin. Maya-maya pa ay pinatay niya ang kaniyang cellphone saka tamad na lumingon sa akin “Are you really that excited to get married, Stav?” he teased me.This man. I glared at him. “Don’t start with me, Anthony. That Aviona’s taking so long.” I glanced at my wrist watch. “She’s already 20 minutes late. I still have a business meeting to attend to.”Anthony was surprised. He stood up from his seat while looking at me with his wide eyes. “What the hell, Stavros?” he exclaimed. “It&
Stavros’ POV“So where do you plan to hold your honeymoon, Stavros?” walang-prenong tanong ni Mr. Sarrosa na dahilan para muntik ko nang maibuga ang iniinom kong wine.“Roberto! You’re stepping on their privacy! Kung saan nila gustong mag-honeymoon ay silang mag-asawa na ang bahalang mag-usap tungkol doon,” saway ni Mrs. Sarrosa.Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang table napkin bago nagpasyang magsalita. “With all due respect, sir, I want you to step out of our marriage affairs. I agree with your wife’s words. You will get the benefit that I promised to you for letting me marry your daughter in exchange of minding your own business,” walang hiya-hiya kong sagot.T
Stavros’ POV“Aviona…” Himbing na himbing pa rin siya sa kaniyang kinauupuan. Ganoon ba siya kapagod at naging tulog-mantika na siya? “Aviona, wake up. We’re here.”We just arrived at my mansion’s garage.Ilang beses ko pa siyang tinawag ngunit hindi pa rin talaga siya magising. Kaya naman wala akong ibang pagpipilian kundi ang muling lumapit sa kaniya.Hindi ko talaga maiwasan na mapatitig sa kaniyang mukha. Sa itsura niya ay parang wala siyang problema o isipin na pinagdaraanan. Para siyang isinilang para lamang magpalaganap ng kabutihan sa mundo.Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mga labi niyang bahagyang nakaawang. Naalala ko tuloy ang pinagsaluhan naming halik kanina. It was just a quick one. But it was enough for me to feel how soft her lips were.I was awakene
Stavros’ POV“So, it means that Aviona’s adopted?” I blurted out.“Yup,” Anthony answered from the other line.I received the file of Aviona Sarrosa from Anthony this morning. I asked him to send it because that woman’s attitude was bothering the hell out of me.Konti na lang ay iisipin kong takas siya sa isang mental facility.“Wala ba silang tunay na anak?” patungkol ko sa mag-asawang Sarrosa.“They don’t have any. Kaya nag-ampon na lang sila,” diretsong sagot niya.Napasandal ako sa aking swivel chair. “Sigurado ka bang hinalungkat mo ang medical records ni Avionna?”Saglit na natahimik si Anthony. “Oo, bro. Bakit? May napansin ka bang kakaiba sa kaniya?” takang tanong niya.