Share

Kabanata 2

Stavros’ POV

“Are you really sure she’s coming?” I asked Anthony impatiently, who was busy scrolling through his cellphone. 

Hindi siya agad na sumagot sa akin. Maya-maya pa ay pinatay niya ang kaniyang cellphone saka tamad na lumingon sa akin “Are you really that excited to get married, Stav?” he teased me. 

This man. I glared at him. “Don’t start with me, Anthony. That Aviona’s taking so long.” I glanced at my wrist watch. “She’s already 20 minutes late. I still have a business meeting to attend to.”

Anthony was surprised. He stood up from his seat while looking at me with his wide eyes. “What the hell, Stavros?” he exclaimed. “It’s your fucking wedding day for fuck’s sake! Who, in their right minds, would schedule a business meeting for his wedding day?” he continued hysterically. 

“Who wants this wedding anyway?” I asked boredly. 

“Ikaw!” angil niya. 

Napaiwas ako ng tingin.

“The hell, man! Alam ko naman na hindi mo talaga gustong maikasal. And this is just for your company’s sake. Pero konting respeto naman sana sa mapapangasawa mo. You don’t know her. And you don’t have feelings for her, pero tandaan mo. Ikaw ang mas may kailangan sa kanya, bro. Give some respect to your bride and to her family, Stavros,” dismayado niyang pangaral.

Tsk. I couldn’t deny that he had a point. Ako ang nangangailangan ng mapapangasawa kung kaya ay hinanapan niya ako ng nababagay sa akin. Though hindi ko pa nakita at nakasama kahit isang beses ang babaeng tinutukoy niya. 

Ang sabi sa akin ni Anthony ay ayaw munang makipagkita ng babae dahil may pinagkakaabalahan ito. Which I agreed to dahil abala din ako sa kompanya. And also, it would just be a civil wedding. Why would I bother to spend millions on a loveless wedding? And I didn’t have the plan to live with it any longer. As soon as the company becomes mine legally, then I would divorce her immediately. 

“The bride is coming!” I heard someone shout. 

Agad akong napaayos ng tayo sa aking narinig. Naramdaman ko ang presensya ni Anthony sa aking tabi. 

“Think about what I’ve said, Stav,” he reminded me. 

“Tsk." Inismiran ko siya.

Ilang segundo lamang ang lumipas ay bumukas ang pinto ng silid. Naunang pumasok si Mr. Sarrosa. Kasunod niya ay ang kaniyang asawa na tila inaalalayan ang isang babaeng nakasuot ng puting gown. 

Was she Aviona Sarrosa?

“She’s beautiful, isn’t she?” I heard Anthony's whisper beside me. 

Yes. She’s beautiful. The gown was simple but it looked elegant on her. She was tall for a woman. But she would look short when she would be near me. Her hair was long, straight, shiny, and black. She looked half-American and half-Spanish with her facial features. 

Anthony's sure had a good taste in women. 

In just a few moments, the Sarrosa family was already in front of me. 

Mr. Sarrosa tapped my left shoulder. "Take care of Aviona. And congratulations," he greeted with a warm smile. 

I nodded. "I will, Sir."

Mr. Sarrosa gestured that he would take his seat so I nodded at him again. 

Naramdaman ko ang marahang haplos ni Mrs. Sarrosa sa aking braso. “Nako, iho. Pasensya ka na kung natagalan si Aviona ng pagdating. Nagkaroon lang ng maliit na aberya,” paliwanag niya. 

Tipid akong ngumiti. “It’s fine, Mrs. Sarrosa—”

“Just call me tita, Stavros. You'll be my son-in-law in just a few minutes. No need to be formal. And even Roberto. You call him tito, a'right?”

“Yes, tita. Shall we start?” I asked as I looked at my wrist watch secretly. 

Ugh! I'd probably be late for my meeting with the new investors.

“Sure!” 

I nodded and looked at the official who’d wed us. 

“Avi, please. There’ll be nothing wrong. Walang mananakit sayo rito. Just calm down, okay?” 

Napatingin ako sa mag-ina dahil sa narinig. Ngayon ko lang napansin ang pagiging tahimik ni Aviona. Tila ayaw din niyang bumitaw mula sa pagkakakapit sa kaniyang ina. Ang ina niya naman ay panay ang haplos sa kaniyang kamay na nakakapit sa braso nito. Para siyang isang batang takot maiwan ng ina sa isang parke.

What the hell was happening?

Nilingon ko si Anthony at piping nagtanong gamit ang aking mga mata. Kinunotan ko siya ng noo. Siya ang nagreto sa pamilya ng babaeng ito. Marahil ay alam niya ang nangyayari. 

Umasa ako na may ibibigay siyang maikling paliwanag ngunit tinapik lang ako nito. “Just wait. Your wedding will be successful.”

Napahilot ako sa aking sentido. Naiinip na ako. Nasasayang ang oras ko rito. 

“This will just take minutes, Avi,” rinig kong alo muli ni Mrs. Sarrosa.

I was not comfortable calling her tita. 

“Is everything okay?” I interrupted them. 

Tarantang napalingon sa akin ang matandang babae. “Yes, of course. Aviona’s just… a little bit nervous… You know?” She faked a laugh.

Napatingin ako kay Aviona. Hindi ako sigurado pero may nababanaag akong takot sa kaniyang mga mata. Bahagyang nanginginig ang mga labi niya at nangingilid din ang luha sa kaniyang mga mata. 

Were they sure she agreed with this marriage?

“Aviona.” Lumapit ulit si Mr. Sarrosa sa amin. Marahil ay nagtataka siya sa tagal ng pag-umpisa. 

Napansin ko ang kaagad na pagbitaw ni Aviona sa braso ng kaniyang ina nang lumapit ang kaniyang ama. 

“Take your seat, Avi. I’ll be at your back.” Iyon ang huling katagang binitiwan ng kaniyang ina bago tuluyang nagpahila kay Mr. Sarrosa. 

Sa wakas ay nagsimula na ang seremonya. Iilan lang kami sa loob ng silid. Ako, si Anthony, si Aviona at ang ina at ama niya, at ang mga taong kinuha ni Anthony na magiging witness ng kasal namin. Hindi ko alam kung saan pinaghahagilap ng lalaking ito ang mga taong ito. Hindi sila pamilyar sa akin. 

Mabilis lang ang naging takbo ng seremonya. Palibhasa kasi ay civil wedding lamang. Ngunit habang lumilipas ang oras ay pansin ko na hindi mapakali si Aviona. Nakayuko lamang ito at minamasahe ang kaniyang mga kamay. Halos wala na nga akong naintindihan sa sinasabi ng opisyal dahil sa kaniya. Nakukuha niya ang atensyon ko dahil sa kaniyang mga galaw. 

"Stavros Bienvenelo, do you take Aviona Sarrosa to be your lawfully wedded wife, to have and to hold from this day forward?"

"I do." Hindi na ako nag-abalang tingnan siya bago sumagot. Gusto ko na lamang talagang matapos ito. Fuck that last will that made me do this. And fuck my stepmother's new husband for trying to steal the company from me. 

"Aviona Sarrosa, do you take Stavros Bienvenelo to be your lawfully wedded husband, to have and to hold from this day forward?" 

Ilang saglit na ang lumipas ay wala pa ring sagot si Aviona.

Napalingon ako kay Aviona dahil sa kawalan niya ng reaksyon. She's still just looking down. 

What's her problem?! Did she have someone she loves that she needed to leave because of this arranged marriage? Then why did she agree on this marriage? Did her parents force her to? Oh. Obviously.

Pakiramdam ko ay umakyat na lahat ng dugo ko sa ulo dahil sa ginagawa ng babaeng ito. Bakit dito pa siya nag-inarte? She could've called the wedding off kaysa pumunta siya rito at ganito ang gawin niya. She could've runaway with her boyfriend. She's wasting my time!

"I-I… d-do," pikit-matang sagot niya. 

Nanlaki ang mga mata ko sa sagot niya. Akala ko ay gagayahin niya ang mga napapanood niya sa mga palabas na tatakbo at tatakas sa araw ng mismong kasal. 

Was I being paranoid?

Pero tila nakahinga kaming lahat sa loob ng silid sa pagsagot niya. 

"You may now kiss the bride," the wedding officiant announced.

Did we really have to do that? 

Hinarap ko siya ngunit hindi siya nakaharap sa akin. Hindi ba siya nangangalay sa pwesto niya? She's been like that since the ceremony started. 

Napapikit ako ng mariin.

This woman was really testing my patience. Ang ayoko sa lahat ay ang pinapatagal ang isang bagay na kaya namang tapusin agad. 

Hinawakan ko siya sa magkabilang braso. Ngunit nagulat ako nang siya ay nagpumiglas. 

Aba't talaga naman ang babaeng 'to.

I gritted my teeth as I gave her a warning look. 

You'd better be afraid and comply. Don't you dare piss me off, lady. I swear I could do everything to make you suffer. 

"Ehem…" rinig ko ang pagtikhim ng opisyal na tila nakakahalata na napipilitan lamang si Aviona.

Sige lang. I'd definitely make you regret why you tested my patience, woman. 

Muli ko siyang hinawakan. Mas hinigpitan ko ang aking hawak sa kaniya. Lalo ko pang diniinan ang kapit ko sa kaniyang mga braso. Kita ko ang pagngiwi niya sa aking ginawa. "Makisama ka kung ayaw mong tumagal pa tayo rito," gigil na bulong ko sa kaniya. 

Ramdam ko ang panginginig ng kaniyang katawan. Umangat na rin ang kaniyang mukha pero ang mga mata niya ay sa baba pa rin nakatingin. 

Ano bang ikinakatakot mo? As if my kiss would poison her to death. 

I didn't waste any time. I leaned forward to kiss her. She closed her eyes. But before our lips met, I saw how a tear escaped from her left eye. 

The kiss was just a peck. But it was enough to make me realize that this was the beginning of the new life I chose to take. 

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status