Share

Kabanata 8

Stavros’ POV

“Tata Pedro… tama na po.”

Para akong binuhusan ng malamig ng tubig sa aking narinig. Para akong nagising mula sa isang bangungot.

What the fuck just happened to me? When did I ever forced a woman to have sex with me?

Lalo akong natauhan nang makita ko ang kaawa-awang itsura ni Aviona. Sira na ang suot niyang t-shirt kaya nakalantad na ang kaniyang dibdib na tanging bra lamang ang nagkukubli. Nakababa na rin hanggang sa kaniyang binti ang kaniyang pajama.

Nang dumako ang aking mga mata sa kaniyang mukha ay gusto ko nang suntukin ang aking sarili. Punong-puno ng takot ang kaniyang mga mata. Basang-basa ng luha ang kaniyang mukha. At paulit-ulit niyang sinasamsabit ang mga katagang, “Tama na po.”

Kaagad akong tumayo at kumuha ng roba. Bumalik ako at isinuot sa kaniya ito.

“Ayaw ko na po… Ayaw ko na po. Maawa po kayo,” hagulgol niya.

Fuck you, Stavros! Gago ka ngang talaga!

I cupped Aviona’s face. “Ssshh. Hindi kita sasaktan.”

Umiling siya ng ilang ulit habang nakatingin sa mga mata ko. “T-tama na po, Tata. Bugbugin niyo na lang po ako. ‘Wag lang po ‘yong ganito.” Lalo siyang pumalahaw ng iyak.

Shit!

I used my hands to tuck her hair behind her ears. I looked at her eyes intently while wiping her tears using my thumbs. “Ssshh, Aviona. I’m sorry. I’m sorry. Hindi ko alam ang ginawa ko. Patawarin mo ako,” mahinang alo ko sa kaniya.

Muli siyang umiling. “‘Wag n-niyo po a-akong s-saktan.” Suminghot siya.

“No. I would not hurt you again. I’m really sorry, Avi.” I pulled her closer to me for a hug. “Hush now, please?”

Ramdam ko pa rin ang panginginig niya,

Ang gago mo, Stavros! You’re sick!

Paulit-ulit lang siya ng sinasambit habang humihikbi.

I didn’t allow her to pull away from the hug. Instead, I hugged her tighter while caressing her hair. Ito lang ang alam ko upang makahingi ng paumanhin sa kaniya.

Hindi ko alam kung gaano kaming katagal sa posisyon na iyon.

Bigla na lamang siyang tumigil sa pagsasalita. Ngunit naroon pa rin ang kaniyang mumunting mga hikbi.

Nang yumuko ako para tingnan ang kaniyang mukha ay nakapikit na ang kaniyang mga mata.

She must be exhausted.

I pulled away from the hug. But I was still holding her. I helped her to lay down the bed. I covered her body with my blanket.

I kneeled on the floor. Muli siyang humikbi. Marahil ay napapanaginipan niya na naman ang masamang nangyari. “Ssshh. I’m really sorry. I didn’t mean to hurt you,” bulong ko sa kaniya habang sinusuklay ang kaniyang buhok.

Ilang minuto pa bago siya tumigil sa paghikbi. Napalitan iyon nang malalalim na mga paghinga.

Nang masiguro kong mahimbing na ang kaniyang tulog ay saka ako tumayo mula sa pagkakaluhod at nagtungo sa aking working table. Umupo ako at sumandal sa aking swivel chair.

Napapisil ako sa aking noo. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nagawa ko kay Aviona. At ang natuklasan ko sa kaniya. That already explained her weird acts.

Ngunit bakit walang nakalagay sa medical records niya tungkol sa kaniyang trauma? At bakit walang nabanggit si Mrs. Sarrosa tungkol dito?

Did that mean that they don’t know anything about her condition? But why did Mrs. Sarrosa act like that after our wedding?

If I was right, and based on Avionna’s reactions, she experienced sexual abuse before. Then who was her perpetrator?

I grabbed my phone and dialled Anthony’s number.

“What the hell is your problem, Bienvenelo?” asik niya na halatang kakagising lamang.

“Do you know where and what is the name of the orphanage where Aviona came from?” diretsong tanong ko. Wala akong pakialam kung naistorbo ko ang kaniyang tulog.

Narinig ko ang kaluskos ng kaniyang paggalaw. Bumangon ata. “Why? Is that the reason why you disturbed my sleep? Hindi ba pwedeng ipagpabukas iyan? Alas dos na ng madaling araw oh,” groggy niyang sagot.

Napapikit ako nang mariin sa kadaldalan ng lalaking ito. “Just answer my damn question. Do you know where and what’s the name of the orphanage where Aviona came from?”

“Hindi ko alam, bro. Hindi na iyon nasaklaw ng research ko about kay Aviona dahil legally adopted naman siya ng mga Sarrosa. May nangyari ba? Parang kanina lang, hindi ka masaway sa pakikipaglan—”

Ibinaba ko na ang tawag. Wala rin namang kwenta ang sagot niya sa tanong ko.

Agad kong tinawagan ang taong alam kong makakatulong sa akin ngayon. “Denillon.”

“Oh, Stavros. Ang aga ng pangungumusta mo ah?” antok na sagot niya.

“I need your help on something,” seryosong saad ko.

Tumikhim ito. “You know that my service is not free.”

Tsk. Mukhang pera talaga ang gago. “I’ll pay you triple.”

Humalakhak ito. “Iyan ang gusto ko sayo Bienvenelo eh. Galante. Ano bang ipapagawa mo?”

“Find the orphanage where my wife came from.”

“Gago?” Natahimik ito sandali. “Kailan ka pa ikinasal?”

“Just three weeks ago. Her name is Aviona Sarrosa. She was adopted by Roberto and Rosita Sarrosa. But I don’t know what’s the name of the orphanage. And look if there is someone who's named Tata Pedro in that orphanage,” I instructed.

“Woah. Anong meron sa Tata Pedro na ‘yan? Bakit parang ang sangsang ng pangalan niya?” komento niya. 

“Malaki ang atraso niyan sa asawa ko,” gigil na sagot ko.

“Copy. I’ll contact you as soon as I find out about it.”

Walang ingay kong inilapag ang aking cellphone sa mesa. Napatingin ako kay Aviona. Katulad noong nakatulog siya sa kotse ko, ang payapa ng kaniyang mukha. Hindi mo aakalain na ang maamo niyang mukha ay may pinagdaanang madilim na pangyayari.

“SER! SER STABROS!”

Nagising ako dahil sa sunod-sunod na malalakas na katok at sigaw ng isang katulong.

Agad akong tumayo. Ngunit bago ko buksan ang pinto ay binalingan ko muna ng tingin ang kinahihigaan ni Aviona. Wala na siya roon.

“What happened? Why are you shouting?” kunot-noong tanong ko kay Magda.

Natataranta ito at hindi mapakali. “Kasi ser… Si Ma’am Aviona ho—”

“Where is she?!”

“Na-nasa kusina po, sir,” kagat-labi niyang sagot.

Hindi ko alam ngunit kakaibang kaba ang sumipa sa aking puso. Tinabig ko si Magda at patakbong pumunta sa kusina.

Parang akong naitulos sa aking kinatatayuan nang makita ko si Aviona.

Nakahandusay siya sa sahig, walang malay, at duguan ang kaniyang palapulsuhan.

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status