Share

Kabanata 16

Stavros’ POV

Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi.

Aviona just got discharged a while ago. She had been staying there for three days exactly. Actually, she could already go home a day after the day she was brought in the hospital. But I asked Dr. Cruz to let her stay for another two days to check if her wound was truly fine.

Walang umiimik sa aming tatlo. Kami lamang nila Manang Eba at Aviona sa loob ng sasakyan. Ako ang nagmamaneho habang nasa likuran naman silang dalawa.

Napatingin ako sa front mirror para tingnan si Aviona. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin ngunit agad niyang ibinaling sa may bintana ang kaniyang mga mata nang mahuli ko siya.

Napangiti ako sa kaniyang reaksyon.

I could say that something about us had improved.

Hindi na kasi siya nagwawala sa tuwing nakikita niya ako. Hindi ko na rin nakitang nanginig ang kaniyang katawan kapag nariyan ako. Gayunpaman, nanatili pa rin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Ayaw ko siyang biglain hangga’t maaari. Masaya na ako sa pagbabagong nakikita at nararamdam ko sa kaniyang kilos sa nagdaang dalawang araw. Kaya’t laging sa sofa ako nauupo sa tuwing binabantayan ko siya.

“We’re here,” I announced as I parked the car in the garage.

“O narito na pala tayo. Mauna na kayo sa loob at magpapatulong muna ako kay Lando na ipasok itong mga gamit,” pahayag ni Manang Eba bago lumabas para tawagin si Mang Lando, ang security guard ng mansyon.

Muli kong tiningnan si Aviona sa likod gamit ang salamin.

Napatikhim siya nang muli ko siyang mahuli na nakatingin din sa akin. Kaagad niyang binuksan ang pinto ng sasakyan at tarantang lumabas rito.

I chuckled.

She’s cute.

Nagmadali akong bumaba sa sasakyan para sundan siya. Nagbigay ako ng dalawang metrong distansya sa pagitan naming dalawa.

Magkasunod kaming umakyat sa ikalawang palapag ng bahay.

Nang akmang papasok na si Aviona sa kaniyang kwarto ay kaagad ko siyang tinawag.

“Aviona.”

Napatigil ito sa dapat na gagawin. Ngunit hindi niya ako nilingon.

“Have a good rest. Ipapatawag na lamang kita kapag kakain na.”

Kita ko ang paggalaw ng kaniyang ulo. Tumango siya nang bahagya.

Nakapasok na siya. Ngunit bago pa niya maisara ang pinto ay muli ko siyang tinawag.

“Please behave. Don’t harm yourself again. You can call me or Manang Eba whenever you feel like doing it,” sinserong paalala ko.

Tumango lamang siya at agad na isinara ang pinto. Lumikha pa nga iyon ng lagabog dahil sa kaniyang pagmamadali.

Napapailing na lamang akong pumasok sa aking kwarto.

Sa loob ng tatlong araw ay salitan kami ni Manang Eba sa pagbabantay kay Aviona. Kadalasan ay siya ang nagbabantay sa aking asawa sa tuwing gising ito. At ako naman ay kapag tulog na siya. Naabutan niya lamang ako na nagbabantay sa kaniya kapag nagigising siya. O di kaya naman ay kapag may kailangang bilhin si Manang Eba sa labas.

It made me happy seeing her shocked face whenever she saw me because there was no trembling anymore. Though I could still see fear in her eyes, but it was not as intense as before that she would tremble for me.

Eksaktong kakatapos ko lang maligo nang mangatok si Magda para sabihing dumating na si Anthony.

“Sir, nasa pool area po si Sir Anthony,” sagot ni Magda nang tanungin ko siya kung nasaan ang binata.

Hindi ko naman kasi siya naabutan sa sala.

Tinanguan ko siya saka ko tinungo ang daan papunta sa pool area.

Nang makarating ako ay nahagip agad ng aking mga mata ang nakangising si Anthony. “What’s up, bro?” tanong niya nang maupo ako sa silya na nakaharap sa kaniya. Inabot nito ang baso ng juice na nakaparada sa mesa.

“Kumusta?”

Ibinalik niya ang baso sa mesa at saka patamad na sumandal sa kaniyang upuan. “Ano ka ba naman? Ako itong naunang magtanong. Kumusta ang buhay may asawa mo ha? Ano? Am I expecting a nephew or niece perhaps?” biro niya.

“Tss.” Inirapan ko siya. “Kung makapagsalita ka riyan ay parang hindi mo ako sinermunan noong huling beses na nagkita tayo ah,” puna ko saka uminom ng juice.

“Ano ka ba naman? Syempre natural na sermonan kita noon. Ang gago mo kaya. Pero mukhang bumubuti naman ang marriage life mo ngayon eh. Balita ko kina Ismael hindi ka na raw nag-aaya na mag-bar since the last time. Nagrereklamo na nga sa akin si Cortez dahil mag-isa na lang daw siya gumigimik tuwing Biyernes. Aba, ang sabi ko nga, maghanap na rin siya ng mapapangasawa dahil in no time, mag-aasawa na rin kaming tatlo nila Ismael at Zach. Minura lang ako ni gago,” tatawa-tawang kwento niya.

Napahalakhak din ako sa sinabi niya. It was true that I was not inviting them to a Friday night out anymore since Aviona’s incident happened. Mas nagpokus kasi ako sa kompanya at sa pagbabantay sa kaniya. “Kapal ng apog mong sabihin na malapit ka nang mag-asawa pero ni anino ng girlfriend mo, hindi pa namin nakikita.”

Napakamot ito sa kaniyang ulo. “Makikilala niyo rin siya. Kapag ikakasal na kami,” nakangising sabi niya. “So ano nga ang real score niyo ni Misis? Nagkakamabutihan na ba? O may balak ka pang hiwalayan iyan kapag nakuha mo na ang kompanya nang buo?” seryosong tanong niya.

Natahimik ako. Nawala na sa isip ko ang kasunduan sa pagitan namin ni Aviona dahil sa mga nangyari. Kung noon ay halos patakbuhin ko na ang oras para mailipat na nang buo sa pangalan ko ang kompanya ng aking ama para makapagpa-annul na kami ni Aviona, ngayon naman ay hindi ko na alam kung gusto ko pa iyong ituloy. Para kasing gusto ko na lang na bantayan at alagaan ang aking asawa. Gusto ko siyang makitang maging maayos. Gusto kong makitang nagagawa niya nang ngumiti nang walang takot at pagkasuklam sa kaniyang mga mata. Gusto ko siyang makitang bumangon. At higit sa lahat ay gusto kong pagbayarin kung sino man ang nagkasala sa kaniya. I would surely do everything just to find justice for her.

“Hoy, Bienvenelo!” bulyaw ni Anthony sa akin. “Lutang lang, dre?” sarkastikong tanong niya.

Hindi ko pinansin ang kaniyang pang-aasar. Tinitigan ko siya nang mabuti. “I need your help again, bro.”

Napakunot ang kaniyang noo at mas lalong sumeryoso ang kaniyang mukha. “Anong problema? May nangyari ba, p’re?” nagtatakang tanong niya.

“I need you to become my representative for my meetings and business gatherings,” pagsiwalat ko sa dahilan kung bakit ko siya pinapunta rito.

Bumakas ang gulat sa kaniyang mukha. “Kinakabahan na ako sayo, Stavros ha. Umamin ka nga. May malubhang sakit ka ba?” Gumihit ang pag-aalala sa kaniyang mukha.

Tinawanan ko siya. “Gago!”

Nalukot ang mukha niya sa reaksyon ko. “Hoy, tanga! Baka kasi may sakit ka na pala tapos hindi ka lang nagsasabi sa amin!”

Napilitan akong ikwento ang sitwasyon ni Aviona ngayon. Sinabi ko sa kaniya na gusto kong tutukan ang aking asawa kaya sa bahay na muna ako magtatrabaho. “You just need to attend meetings in my behalf.”

Nilunok niya ang nginunguyang cake bago nagsalita. “Hoy, mahal ang bayad ko ah.”

“Tss. Alam ko.”

Napangiti siya nang malapad. “Naks! Iba talaga kapag galante ano?” natutuwang asar niya.

Napailing na lang ako sa kaniyang kabibohan.

“Pero ikaw ha! Kailan ka pa nagkaroon ng ganiyang pag-aalala sa isang babaeng nito mo lang nakilala?”

Ibinaling ko ang tingin ko sa pool. “She’s my wife. And it’s my responsibility to take care of her and share her burdens,” napapangiting sagot ko.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status