Aviona’s POV
“Aviona?”
Naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang pagtawag ni Stavros sa akin.
Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Binitawan niya na ang basong hawak at saka tumayo.
Kinuyom ko ang aking mga kamao at napaatras.
Lalong lumalim ang linya sa kaniyang noo. “What are you doing here?”
Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung paano sasagot sa kaniya. Nagsisisi ako kung bakit pa ako bumaba. Sana ay tiniis ko na lang ang pagkauhaw ko at nanatili sa aking kwarto.
“Are you okay?” paos niyang tanong. Ang pamumungay ng kaniyang mga mata ay gaya ng kay Tata Pedro. Nag-umpisa siyang humakbang papunta sa aking direksyon.
Napapikit ako nang mariin para kalmahin ang sarili. Sa kabila ng masamang pakiramdam
Stavros’ POVI looked at her pleadingly as I shook my head. “Don’t do this, baby.”It was a horror seeing her standing on that banister. I didn’t think that I’d be going to regret requesting for a balcony in this room.She wiped her tears and shook her head. “H-hayaan niyo na akong magpahinga,” she begged.No! I wouldn’t let her do that. I would be selfish once again.Parang may sariling utak ang aking mga paa na tumakbo patungo sa kaniya nang makita kong tumalikod siya sa amin.“Anak!” Napasigaw si Manang Eba nang magtangkang tumalon si Aviona.Kaagad kong niyakap ang kaniyang baywang at saka siya hinatak pababa.Hindi siya nagtagumpay.“I’m sorry, baby. I had to touch you.” Napau
Aviona’s POVAng sabi nila, hangga’t nabubuhay ka raw, may pag-asa. At habang nananatili kang humihinga sa mundong ibabaw, ibig sabihin n’on, hindi pa tapos ang misyon mo dito.Pero ang katanungan ko sa aking sarili ay nananatili pa ring walang kasagutan. Ano pa bang misyon ko sa mundong ito? Bakit humihinga pa rin ako. Misyon ko bang magdusa dahil sa pangyayaring kahit sa hinagap ko ay hindi ko hiniling?Iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa aking paningin ang kisame. Pagod akong napabuntong-hininga. Muli kong sinariwa ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung bakit. Pero nakaramdam ako ng ibang klase ng takot kagabi matapos akong hilahin ni Stavros mula sa akmang pagtalon.Nayanig ang aking mundo nang mapagtantong kapag itinuloy ko iyon ay maaaring hindi na ako nagising pa ngayon umaga. Hindi ba’t iyon naman ang gusto ko noon pa man? Hin
Aviona's POVNapahinga siya nang malalim. “Eh kasi ganito po ‘yon. Nawalan po kasi ng anak si Manang Eba, limang taon na po ang nakakaraan. May depression po kasi iyong anak niya noon. Hindi ko po alam kung bakit. Pero ang sabi ni Manang Eba, dalawang taon na daw simula noong tinamaan ng depression iyong anak niya na iyon. Tapos hindi na po siguro kinaya kaya nagpakamatay po,” pagsiwalat niya.Natulala ako sa ikinwento niya.“Ang pinakamalala po doon, nakita mismo ni Manang Eba kung paano tumalon ang anak niya mula sa bubong ng bahay nila. Namatay po ang anak niya sa harapan niya mismo. Sising-sisi daw po siya dahil wala siyang nagawa para iligtas ang anak niya. Nag-iisang anak pa naman po niya iyon. Tapos ay matagal na po silang iniwan ng napangasawa niya. Siguro po kung nabubuhay pa ang anak niyang iyon, baka kasing edad niyo na rin po siya.” Saglit siyang tumigil. “
Stavros’ POVI planned to lock up myself inside my room all day long. I was the one to avoid Aviona just like how I did before. But I still had Aviona on my watch, of course.Nakatulog ako habang binabantayan si Aviona kagabi. Naalimpungatan lang ako nang madaling araw dahil sa pananakit ng aking leeg at likod. Lumipat na rin ako noon sa aking kwarto para hindi na ako maabutan pa ni Aviona pagkagising niya.Maaga rin akong nag-almusal para hindi na niya ako maabutan pa sa baba. Nang makabalik ako sa aking kwarto ay naligo na ako at saka nag-umpisang abalahin ang sarili sa trabaho.I succeeded in diverting my attention away from Aviona. I had so many pending documents to review.Nanakit ang aking batok kaya napagpasyahan ko munang tumigil sa pagbabasa. Napasandal ako sa aking swivel chair. Tinanggal ko ang suot kong reading glass at saka pin
Stavros’ POV Napalingon ako sa sinabi niya. Nakita kong naglalakad pababa si Aviona karga-karga si Chin sa kaniyang mga kamay habang nakaipit sa kaniyang kili-kili ang kaniyang sketchpad. Ang lapis naman ay inipit niya sa kaniyang mga labi. Hindi niya kami napansin dahil abala siya kay Chin at masyadong pokus sa paglalakad. Nakalugay rin kasi ang mahaba niyang buhok kaya natatakpan ang gilid ng kaniyang mukha sa bandang ito. Huli na nang mapansin niya kami ni Milagros. Nasa huling baitang na siya ng hagdan. Napatigil siya doon at hindi alam kung tutuloy pa ba o hindi na. I guess she planned to return to the garden to draw. But now, she was torn between going to the garden or going back upstairs. I felt Milagros stood up from her seat. “Huwag mong sabihing kabit mo ang babaeng iyan, Stavros? Hindi ka naman siguro g
Aviona’s POVAnong ibig niyang sabihin na may alam siya tungkol sa akin?Pilit kong inaalala kung nagkita o nagkasalamuha na ba kami dati. Pero wala talaga akong maalala.Tinatakot niya ba ako? Pero kung tinatakot niya nga ako, hindi ganoon ang sasabihin niya sa akin. Sa paraan ng pananalita niya ay parang alam niya na may lihim akong itinatago.Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking isipan ang binitawan niyang mga salita bago siya tuluyang umalis. Hindi ko mapigilang isipin kung ano kaya ang pumasok sa isip ni Stavros sa sinabi ng kaniyang madrasta. Lalo na dahil nahuli ko siyang nakatitig sa akin pagkatapos umalis ng matanda.Isa pa sa ipinagtataka ko ay ang klase ng relasyon na mayroon sila. Bakit ganoon ang pag-uusap nilang dalawa? Tinatawag lamang ni Stavros ang babae sa kaniyang pangalan.Muli na namang buma
Stavros’ POVNaglalakad na kami ni Aviona paakyat sa ikalawang palapag.Mag-iisang oras ata siyang umiyak nang umiyak bago namin napagpasyahang umakyat.Gaya ng dati, nagawa ko siyang pigilan dahil sa mga CCTV. Hindi kasi ako natutulog hangga’t hindi ko nakikitang tulog na siya. Pinanood ko siyang bumaba at pumunta sa kusina. Akala ko ay bumaba lang siya para uminom ng tubig o gatas tulad ng kaniyang nakasanayan.Ngunit napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa gulat nang makita ko siyang kumuha ng kutsilyo mula sa lalagyan. Nagmamadali akong bumaba noon. Naitulos pa ako sa aking kinatatayuan nang makita kong nakataas na ang kutsilyo at handa na siyang isaksak iyon sa kaniyang tiyan. Mabuti na lang at agad akong natauhan at nagawa kong pigilan siya.Parang lalabas ang puso ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin siya napigilang bulyawan da
“Mama, baka po may pagkain na po tayo. Ang sakit-sakit na po kasi ng tiyan ko. Kagabi pa po ako hindi kumakain,” tanong ko kay mama habang haplos-haplos ang tiyan kong humihilab.Tumungga siya sa bote ng alak na iniinom at saka ako sinamaan ng tingin. Dinuro niya pa ako. “Lumakad ka sa labas! Maghanap ka ng makakain sa basurahan!” galit na utos niya at saka muling bumalik sa pagsusugal.Pinagtinginan ako ng mga kasama niya sa sugalan.“Pakainin mo na iyong bata, Lourdes. Nakakaawa naman,” komento ng isang babae na kasama niya sa mesa.“Oo nga Lourdes. Tingnan mo oh. Namimilipit na sa sakit ng tiyan si Stavros,” ani pa ng isa.Narindi si mama sa kaniyang narinig kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis sa sugalan.“Halika nga ritong bata ka!” Piningot niya ang aking tainga at saka ako hinila pauwi sa