Stavros’ POV
Napalingon ako sa sinabi niya. Nakita kong naglalakad pababa si Aviona karga-karga si Chin sa kaniyang mga kamay habang nakaipit sa kaniyang kili-kili ang kaniyang sketchpad. Ang lapis naman ay inipit niya sa kaniyang mga labi.
Hindi niya kami napansin dahil abala siya kay Chin at masyadong pokus sa paglalakad. Nakalugay rin kasi ang mahaba niyang buhok kaya natatakpan ang gilid ng kaniyang mukha sa bandang ito.
Huli na nang mapansin niya kami ni Milagros. Nasa huling baitang na siya ng hagdan. Napatigil siya doon at hindi alam kung tutuloy pa ba o hindi na.
I guess she planned to return to the garden to draw.
But now, she was torn between going to the garden or going back upstairs.
I felt Milagros stood up from her seat. “Huwag mong sabihing kabit mo ang babaeng iyan, Stavros? Hindi ka naman siguro g
Aviona’s POVAnong ibig niyang sabihin na may alam siya tungkol sa akin?Pilit kong inaalala kung nagkita o nagkasalamuha na ba kami dati. Pero wala talaga akong maalala.Tinatakot niya ba ako? Pero kung tinatakot niya nga ako, hindi ganoon ang sasabihin niya sa akin. Sa paraan ng pananalita niya ay parang alam niya na may lihim akong itinatago.Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking isipan ang binitawan niyang mga salita bago siya tuluyang umalis. Hindi ko mapigilang isipin kung ano kaya ang pumasok sa isip ni Stavros sa sinabi ng kaniyang madrasta. Lalo na dahil nahuli ko siyang nakatitig sa akin pagkatapos umalis ng matanda.Isa pa sa ipinagtataka ko ay ang klase ng relasyon na mayroon sila. Bakit ganoon ang pag-uusap nilang dalawa? Tinatawag lamang ni Stavros ang babae sa kaniyang pangalan.Muli na namang buma
Stavros’ POVNaglalakad na kami ni Aviona paakyat sa ikalawang palapag.Mag-iisang oras ata siyang umiyak nang umiyak bago namin napagpasyahang umakyat.Gaya ng dati, nagawa ko siyang pigilan dahil sa mga CCTV. Hindi kasi ako natutulog hangga’t hindi ko nakikitang tulog na siya. Pinanood ko siyang bumaba at pumunta sa kusina. Akala ko ay bumaba lang siya para uminom ng tubig o gatas tulad ng kaniyang nakasanayan.Ngunit napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa gulat nang makita ko siyang kumuha ng kutsilyo mula sa lalagyan. Nagmamadali akong bumaba noon. Naitulos pa ako sa aking kinatatayuan nang makita kong nakataas na ang kutsilyo at handa na siyang isaksak iyon sa kaniyang tiyan. Mabuti na lang at agad akong natauhan at nagawa kong pigilan siya.Parang lalabas ang puso ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin siya napigilang bulyawan da
“Mama, baka po may pagkain na po tayo. Ang sakit-sakit na po kasi ng tiyan ko. Kagabi pa po ako hindi kumakain,” tanong ko kay mama habang haplos-haplos ang tiyan kong humihilab.Tumungga siya sa bote ng alak na iniinom at saka ako sinamaan ng tingin. Dinuro niya pa ako. “Lumakad ka sa labas! Maghanap ka ng makakain sa basurahan!” galit na utos niya at saka muling bumalik sa pagsusugal.Pinagtinginan ako ng mga kasama niya sa sugalan.“Pakainin mo na iyong bata, Lourdes. Nakakaawa naman,” komento ng isang babae na kasama niya sa mesa.“Oo nga Lourdes. Tingnan mo oh. Namimilipit na sa sakit ng tiyan si Stavros,” ani pa ng isa.Narindi si mama sa kaniyang narinig kaya wala siyang nagawa kundi ang umalis sa sugalan.“Halika nga ritong bata ka!” Piningot niya ang aking tainga at saka ako hinila pauwi sa
A tear escaped from my eyes after reminiscing that scene in my head. I was only seven years old when that happened. l didn’t know how it happened but I still woke up after that incident.Nagising ako noon sa ospital. At umiiyak si mama sa aking tabi.Nang magising ako ay niyakap niya ako agad at mas lalong umiyak. Paulit-ulit pa siyang humingi ng tawad sa akin.Masayang-masaya ako noon dahil bumalik na sa dati si mama.Naging mabait ulit siya sa akin at alagang-alaga niya ulit ako. Tumigil siya sa pagsusugal at pag-iinom. Nagpokus na lang siya sa pag-aasikaso sa akin at sa paglalabada.Hindi na rin ako gaya ng dati dahil lagi na akong busog bago pumasok sa eskwela. At lagi pa akong may baong sampung piso pang-recess namin.I really thought that everything was fine then. But those good things didn’t last long.“Oh ano,
I felt how my body started to shake because of the emotions that were triggered as I remember my past.“My mother became abusive again after that time. But it was worse than before,” I told. “Dahil kahit halos mamatay na ako sa parusa niya sa tuwing may nagawa akong hindi niya nagustuhan, wala na siyang pakialam. Kahit nga may sakit ako ay wala pa rin akong takas sa kaniya.” I faked a laugh. “Dumating iyong oras na buong araw na wala si mama sa bahay. Simula umaga hanggang hatinggabi ay nasa pasugalan siya. Wala siyang iniiwang pagkain o kahit pambili man lang bago umalis. Hindi pumasok sa isip niya na baka kumalam ang sikmura ng anak niya habang wala siya.”Napasinghap ako. “That time, I was thinking if my mother really sees me as his son.” I smiled bitterly. “Natuto akong kumayod sa murang edad dahil mas lumala pa si mama. Pagkauwi niya galing sa pasugalan ay nagwawala siya kapag walang
I wiped the tears that fell from my eyes. This recollection that I was doing was giving me a roller coaster ride. It awakened the emotions in my childhood that I buried after my mother died.“Simula noon ay hindi na ako bumalik pa kina Aling Delia. Pero kahit ganoon ay hindi siya tumigil sa pagbibigay ng pagkain sa akin. Naikwento ko kasi ang dahilan kay Koi kung bakit hindi na ako tumulong pa kay Aling Delia. Nalaman iyon ni Aling Delia kaya gumawa siya ng paraan para mabigyan ako ng pagkain nang hindi nahuhuli ni mama.“Ibinibigay niya kay Koi ang pagkain ko para sa umagahan at tanghalian kapag may pasok. Pagkatapos naman ng eskwela ay kaagad kaming uuwi sa bahay nila Koi para makakain ako ng aking panghapunan. At kapag weekends naman, pumupuslit si Koi sa amin para dalhan ako ng pagkain.” I smiled as I remembered the family who had helped me before. “Napakalaking tulong ng pamilya ni Koi sa akin para manatili akong
“I was so young back then to understand what was liver cancer, stage four. What I just understood was that my mother’s life was at stake. And I needed to find a big money for her operation so she can be saved.” Namamalat na ang aking boses. “Alam kong hindi sapat ang kikitain ko kahit iba’t ibang trabaho pa ang pasukin ko. Kailangan na namin ng malaking halaga agad-agad dahil masyado nang malala ang sakit ni mama. Gusto ring tumulong nila Aling Delia pero kulang pa rin ang pera.” Napapikit ako. “That was when I decided to find the man, I loathed the most.”Nagising ako dahil sa pagsuklay na nararamdaman ko sa aking buhok. Pupungas-pungas kong iminulat ang aking mga mata saka bumangon mula sa pagkakayuko. Sa una ay malabo pa ang aking paningin. Ngunit nang tumagal ay luminaw rin iyon.Bumungad sa aking paningin si mama na nakaupo at nakatingin sa akin. Umiiyak siya habang nakangiting nakatingin
“Huwag niyo po akong iiwan, mama ha?”Napatingin sa akin si mama dahil sa aking biglaang pagtanong. Ngunit napaiwas siya agad ng tingin. “O-oo naman, a-anak.”Parang kinurot ang puso ko sa isinagot niya.Nagsisinungaling si mama.“Kailangan niyo na pong magpalakas, mama. Sa susunod na linggo na po ang graduation namin,” paalala ko sa kaniya.Ibinalik niya ang tingin sa akin. Ilang beses na bumuka ang kaniyang bibig na parang may gustong sabihin. Pero sa huli ay pinili na lang niyang bumuntong-hininga. “P-paano kung hindi makapunta si mama sa graduation mo, anak? M-magagalit ka ba sa’kin?” alanganing tanong niya. Nag-aalalang inabangan niya ang aking sagot.Umiling ako at nginitian ko siya. “Hindi po, mama,” sagot ko.Para siyang nakahinga nang maluwag.