“I was so young back then to understand what was liver cancer, stage four. What I just understood was that my mother’s life was at stake. And I needed to find a big money for her operation so she can be saved.” Namamalat na ang aking boses. “Alam kong hindi sapat ang kikitain ko kahit iba’t ibang trabaho pa ang pasukin ko. Kailangan na namin ng malaking halaga agad-agad dahil masyado nang malala ang sakit ni mama. Gusto ring tumulong nila Aling Delia pero kulang pa rin ang pera.” Napapikit ako. “That was when I decided to find the man, I loathed the most.”
Nagising ako dahil sa pagsuklay na nararamdaman ko sa aking buhok. Pupungas-pungas kong iminulat ang aking mga mata saka bumangon mula sa pagkakayuko. Sa una ay malabo pa ang aking paningin. Ngunit nang tumagal ay luminaw rin iyon.
Bumungad sa aking paningin si mama na nakaupo at nakatingin sa akin. Umiiyak siya habang nakangiting nakatingin
“Huwag niyo po akong iiwan, mama ha?”Napatingin sa akin si mama dahil sa aking biglaang pagtanong. Ngunit napaiwas siya agad ng tingin. “O-oo naman, a-anak.”Parang kinurot ang puso ko sa isinagot niya.Nagsisinungaling si mama.“Kailangan niyo na pong magpalakas, mama. Sa susunod na linggo na po ang graduation namin,” paalala ko sa kaniya.Ibinalik niya ang tingin sa akin. Ilang beses na bumuka ang kaniyang bibig na parang may gustong sabihin. Pero sa huli ay pinili na lang niyang bumuntong-hininga. “P-paano kung hindi makapunta si mama sa graduation mo, anak? M-magagalit ka ba sa’kin?” alanganing tanong niya. Nag-aalalang inabangan niya ang aking sagot.Umiling ako at nginitian ko siya. “Hindi po, mama,” sagot ko.Para siyang nakahinga nang maluwag.
Sinalubong kami ng dalawang babaeng sa tingin ko ay mga katulong sa mansyon.“Pasok po kayo,” magalang na sabi ng isang babae.Sinundan namin sila ni Mang Nestor.Palingon-lingon pa si Mang Nestor at hindi maitatago sa kaniya mukha ang pagkamangha. Habang ako naman ay nakatingin lang sa likuran ng dalawang babaeng nasa harapan namin.Nakarating kami sa isang malawak na sala. Mayroon doong de-kutson na mahabang upuan. Hindi kagaya ng sa amin na gawa lang sa kahoy.“Maupo po muna kayo. Pababa na po si Don Steban,” sabi ng isa pang babae.Umupo na kami ni Mang Nestor sa malambot na upuan.Maya-maya pa ay bumalik ang isang babae dala ang isang tray ng juice at cake. “Magmeryenda po muna kayo habang naghihintay,” aniya saka inilapag sa maliit na mesang babasagin ang pagkain.Hindi sana a
“True to his words, my father helped us pay the bills in the hospital. He had already prepared the money for the incoming operation. The operation was already scheduled, too. I was so happy back then because finally, my mother would be saved from her liver cancer. But that was just my thought.”“Anak, masaya ka ba na ma-ooperahan na sa wakas ang mama mo?” tanong ni mama sa akin habang sinusuklay niya ang aking bagong gupit na buhok.Ipinalibot ko ang aking mga braso sa baywang ni mama at saka siya tinanguan. “Sobrang saya ko po, mama!” masiglang sagot ko.Natawa si mama sa aking reaksyon. Pinaharap niya ako sa kaniya. “Kaso pasensya ka na, anak. Hindi makakadalo si mama sa graduation mo bukas,” malungkot na paghingi ng tawad ni mama.Tama siya. Graduation ko na bukas. At bukas na rin ang kaniyang operasyon. Pero wala akong naramdamang lungkot o tampo. S
Halos madapa na ako sa pagtakbo papunta sa kwarto ni mama sa ospital. Hindi ko na nagawang patapusin ang graduation dahil sa natanggap na balita ni Aling Delia.Pati si Koi ay piniling sumama sa akin kaysa maiwan sa eskwelahan.“Stavros, hinay-hinay lang,” saway ni Aling Delia dahil hingal na siyang humahabol sa akin.Hindi ko siya pinansin at mas lalong binilisan ang pagtakbo. May nabangga pa nga akong nurse dahil sa pagmamadali. “Sorry po!” hingi ko ng paumanhin saka ipinagpatuloy ang pagtakbo.Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto ni mama. Nagmamadali akong pumasok para tingnan kung naroon si mama. Ngunit bakante ang kaniyang higaan.Siguro ay hindi pa tapos ang kaniyang operasyon. Tama. Ang sabi ng doktor, aabutin ng ilang oras ang pag-oopera sa kaniya.“Stavros,” hingal na tawag ni Aling Delia. Kasunod niyang pumasok
“Stavros.”Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Aling Delia sa aking kanang balikat. Napapikit ako nang mariin. Sa kaniyang ginawa ay muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata.“Palagi lang kaming narito, anak,” pakikiramay niya sa aking nararamdaman.Ilang beses akong pumikit upang pigilin ang aking luha hanggang sa naramdaman ko ang pangangatal ng aking mga labi. “Sa-salamat—” Napalunok ako dahil sa pagkabasag ng aking boses. Huminga ako nang malalim bago muling magsalita. Ngayon, sa mas maayos na bigkas. “S-salamat po, Aling Delia.”Kakatapos lang na mailibing ni mama. Tatlong araw lamang ang kaniyang naging burol dahil wala namang ibang kamag-anak na hinintay. Sa loob ng ilang araw na iyon ay wala akong tulog na maayos. Kung hindi pa ako pipilitin ni Aling Delia para matulog ay hindi pa ako aalis mula sa tabi ng kabaong ni mama.Sa loob ng tatlong araw na iyon, si Aling Delia lamang ang nagawa kong kausapin. Naroon si Don Steban, sinusubukan akong kausapin, ngunit hindi ko
“I stood firm with my decision of not living with my father. At the age of 13, I already lived with myself. Aling Delia would always ask me to stay with them instead. But I would always refuse them because I didn’t want to leave my mother’s house.” Ipinikit ko ang aking mga mata. “Pero ang pinakarason nang pagtira ko roon ay dahil nararamdaman ko pa rin ang presensya ni mama.”Napasinghap ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga sa pagkukwento.Nanatili pa ring tahimik lang si Aviona sa kabilang dako.“I strived hard to survive. I worked and study at the same time. Kahit anong trabaho basta marangal ay pinapasok ko. Ipinagpatuloy ko ang pagsama kina Aling Delia tuwing Sabado at Linggo. At kapag naman sa madaling araw bago ako pumasok sa eskwela, pumupunta ako sa palengke para maging kargador. Pagkauwi ko naman sa hapon galing sa paaralan, babalik ulit ako roon para tulungan sina Aling Delia sa pagliligpit ng mga kagamitan.”Binuksan ko ang aking mga mata at tumi
"Ayos ka lang ba, Stavros? Kanina ka pa nananamlay ah. Ano ba kasing napag-usapan niyo ni Mrs. Purita?" nag-aalalang tanong ni Koi sa akin habang naglalakad na kami pauwi. Tipid akong napangiti at saka umiling. "Wala lang, Koi. Tungkol lang doon sa pinakiusap niya sa akin noong isang araw," malamyang palusot ko. "Eh bakit ka biglang nanlambot? Okay ka pa naman kanina ah," pagpupumilit niya. Umiling ako sa kaniya. "Wala lang. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko. Napasama ata pagbababad ko sa initan kanina. Mukhang hindi na ako makakatulong kina Aling Delia." Napakamot ako sa aking batok. "Nako! Ayos lang 'yon. Sasabihin ko na lang kina nanay. Saka kailangan mo ring magpahinga. Halos hindi ka na nagpapahinga sa kakaaral at kakatrabaho simula nawala si Aling Lourdes," saad niya. Napangiti ako nang mapait sa saad niya. Tumigil ako sa paglalakad nang mapatapat na kami sa daan pauwi sa kanila. Humarap sa akin si Koi at saka ako nginitian. Tinapik niya ang aking balikat at saka sina
"May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko