Share

Kabanata 29 (Ika-sampung Parte)

Halos madapa na ako sa pagtakbo papunta sa kwarto ni mama sa ospital. Hindi ko na nagawang patapusin ang graduation dahil sa natanggap na balita ni Aling Delia.

Pati si Koi ay piniling sumama sa akin kaysa maiwan sa eskwelahan.

“Stavros, hinay-hinay lang,” saway ni Aling Delia dahil hingal na siyang humahabol sa akin.

Hindi ko siya pinansin at mas lalong binilisan ang pagtakbo. May nabangga pa nga akong nurse dahil sa pagmamadali. “Sorry po!” hingi ko ng paumanhin saka ipinagpatuloy ang pagtakbo.

Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto ni mama. Nagmamadali akong pumasok para tingnan kung naroon si mama. Ngunit bakante ang kaniyang higaan.

Siguro ay hindi pa tapos ang kaniyang operasyon. Tama. Ang sabi ng doktor, aabutin ng ilang oras ang pag-oopera sa kaniya.

“Stavros,” hingal na tawag ni Aling Delia. Kasunod niyang pumasok

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
nkakaiyak nman ang chapter na ito,umiiyak ako habang binabasa ko tong chapter na to.........
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status