Share

Kabanata 29 (Ikapitong Parte)

“Huwag niyo po akong iiwan, mama ha?”

Napatingin sa akin si mama dahil sa aking biglaang pagtanong. Ngunit napaiwas siya agad ng tingin. “O-oo naman, a-anak.”

Parang kinurot ang puso ko sa isinagot niya.

Nagsisinungaling si mama.

“Kailangan niyo na pong magpalakas, mama. Sa susunod na linggo na po ang graduation namin,” paalala ko sa kaniya.

Ibinalik niya ang tingin sa akin. Ilang beses na bumuka ang kaniyang bibig na parang may gustong sabihin. Pero sa huli ay pinili na lang niyang bumuntong-hininga. “P-paano kung hindi makapunta si mama sa graduation mo, anak? M-magagalit ka ba sa’kin?” alanganing tanong niya. Nag-aalalang inabangan niya ang aking sagot.

Umiling ako at nginitian ko siya. “Hindi po, mama,” sagot ko.

Para siyang nakahinga nang maluwag.

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status