A tear escaped from my eyes after reminiscing that scene in my head. I was only seven years old when that happened. l didn’t know how it happened but I still woke up after that incident.
Nagising ako noon sa ospital. At umiiyak si mama sa aking tabi.
Nang magising ako ay niyakap niya ako agad at mas lalong umiyak. Paulit-ulit pa siyang humingi ng tawad sa akin.
Masayang-masaya ako noon dahil bumalik na sa dati si mama.
Naging mabait ulit siya sa akin at alagang-alaga niya ulit ako. Tumigil siya sa pagsusugal at pag-iinom. Nagpokus na lang siya sa pag-aasikaso sa akin at sa paglalabada.
Hindi na rin ako gaya ng dati dahil lagi na akong busog bago pumasok sa eskwela. At lagi pa akong may baong sampung piso pang-recess namin.
I really thought that everything was fine then. But those good things didn’t last long.
“Oh ano,
I felt how my body started to shake because of the emotions that were triggered as I remember my past.“My mother became abusive again after that time. But it was worse than before,” I told. “Dahil kahit halos mamatay na ako sa parusa niya sa tuwing may nagawa akong hindi niya nagustuhan, wala na siyang pakialam. Kahit nga may sakit ako ay wala pa rin akong takas sa kaniya.” I faked a laugh. “Dumating iyong oras na buong araw na wala si mama sa bahay. Simula umaga hanggang hatinggabi ay nasa pasugalan siya. Wala siyang iniiwang pagkain o kahit pambili man lang bago umalis. Hindi pumasok sa isip niya na baka kumalam ang sikmura ng anak niya habang wala siya.”Napasinghap ako. “That time, I was thinking if my mother really sees me as his son.” I smiled bitterly. “Natuto akong kumayod sa murang edad dahil mas lumala pa si mama. Pagkauwi niya galing sa pasugalan ay nagwawala siya kapag walang
I wiped the tears that fell from my eyes. This recollection that I was doing was giving me a roller coaster ride. It awakened the emotions in my childhood that I buried after my mother died.“Simula noon ay hindi na ako bumalik pa kina Aling Delia. Pero kahit ganoon ay hindi siya tumigil sa pagbibigay ng pagkain sa akin. Naikwento ko kasi ang dahilan kay Koi kung bakit hindi na ako tumulong pa kay Aling Delia. Nalaman iyon ni Aling Delia kaya gumawa siya ng paraan para mabigyan ako ng pagkain nang hindi nahuhuli ni mama.“Ibinibigay niya kay Koi ang pagkain ko para sa umagahan at tanghalian kapag may pasok. Pagkatapos naman ng eskwela ay kaagad kaming uuwi sa bahay nila Koi para makakain ako ng aking panghapunan. At kapag weekends naman, pumupuslit si Koi sa amin para dalhan ako ng pagkain.” I smiled as I remembered the family who had helped me before. “Napakalaking tulong ng pamilya ni Koi sa akin para manatili akong
“I was so young back then to understand what was liver cancer, stage four. What I just understood was that my mother’s life was at stake. And I needed to find a big money for her operation so she can be saved.” Namamalat na ang aking boses. “Alam kong hindi sapat ang kikitain ko kahit iba’t ibang trabaho pa ang pasukin ko. Kailangan na namin ng malaking halaga agad-agad dahil masyado nang malala ang sakit ni mama. Gusto ring tumulong nila Aling Delia pero kulang pa rin ang pera.” Napapikit ako. “That was when I decided to find the man, I loathed the most.”Nagising ako dahil sa pagsuklay na nararamdaman ko sa aking buhok. Pupungas-pungas kong iminulat ang aking mga mata saka bumangon mula sa pagkakayuko. Sa una ay malabo pa ang aking paningin. Ngunit nang tumagal ay luminaw rin iyon.Bumungad sa aking paningin si mama na nakaupo at nakatingin sa akin. Umiiyak siya habang nakangiting nakatingin
“Huwag niyo po akong iiwan, mama ha?”Napatingin sa akin si mama dahil sa aking biglaang pagtanong. Ngunit napaiwas siya agad ng tingin. “O-oo naman, a-anak.”Parang kinurot ang puso ko sa isinagot niya.Nagsisinungaling si mama.“Kailangan niyo na pong magpalakas, mama. Sa susunod na linggo na po ang graduation namin,” paalala ko sa kaniya.Ibinalik niya ang tingin sa akin. Ilang beses na bumuka ang kaniyang bibig na parang may gustong sabihin. Pero sa huli ay pinili na lang niyang bumuntong-hininga. “P-paano kung hindi makapunta si mama sa graduation mo, anak? M-magagalit ka ba sa’kin?” alanganing tanong niya. Nag-aalalang inabangan niya ang aking sagot.Umiling ako at nginitian ko siya. “Hindi po, mama,” sagot ko.Para siyang nakahinga nang maluwag.
Sinalubong kami ng dalawang babaeng sa tingin ko ay mga katulong sa mansyon.“Pasok po kayo,” magalang na sabi ng isang babae.Sinundan namin sila ni Mang Nestor.Palingon-lingon pa si Mang Nestor at hindi maitatago sa kaniya mukha ang pagkamangha. Habang ako naman ay nakatingin lang sa likuran ng dalawang babaeng nasa harapan namin.Nakarating kami sa isang malawak na sala. Mayroon doong de-kutson na mahabang upuan. Hindi kagaya ng sa amin na gawa lang sa kahoy.“Maupo po muna kayo. Pababa na po si Don Steban,” sabi ng isa pang babae.Umupo na kami ni Mang Nestor sa malambot na upuan.Maya-maya pa ay bumalik ang isang babae dala ang isang tray ng juice at cake. “Magmeryenda po muna kayo habang naghihintay,” aniya saka inilapag sa maliit na mesang babasagin ang pagkain.Hindi sana a
“True to his words, my father helped us pay the bills in the hospital. He had already prepared the money for the incoming operation. The operation was already scheduled, too. I was so happy back then because finally, my mother would be saved from her liver cancer. But that was just my thought.”“Anak, masaya ka ba na ma-ooperahan na sa wakas ang mama mo?” tanong ni mama sa akin habang sinusuklay niya ang aking bagong gupit na buhok.Ipinalibot ko ang aking mga braso sa baywang ni mama at saka siya tinanguan. “Sobrang saya ko po, mama!” masiglang sagot ko.Natawa si mama sa aking reaksyon. Pinaharap niya ako sa kaniya. “Kaso pasensya ka na, anak. Hindi makakadalo si mama sa graduation mo bukas,” malungkot na paghingi ng tawad ni mama.Tama siya. Graduation ko na bukas. At bukas na rin ang kaniyang operasyon. Pero wala akong naramdamang lungkot o tampo. S
Halos madapa na ako sa pagtakbo papunta sa kwarto ni mama sa ospital. Hindi ko na nagawang patapusin ang graduation dahil sa natanggap na balita ni Aling Delia.Pati si Koi ay piniling sumama sa akin kaysa maiwan sa eskwelahan.“Stavros, hinay-hinay lang,” saway ni Aling Delia dahil hingal na siyang humahabol sa akin.Hindi ko siya pinansin at mas lalong binilisan ang pagtakbo. May nabangga pa nga akong nurse dahil sa pagmamadali. “Sorry po!” hingi ko ng paumanhin saka ipinagpatuloy ang pagtakbo.Binuksan ko kaagad ang pinto ng kwarto ni mama. Nagmamadali akong pumasok para tingnan kung naroon si mama. Ngunit bakante ang kaniyang higaan.Siguro ay hindi pa tapos ang kaniyang operasyon. Tama. Ang sabi ng doktor, aabutin ng ilang oras ang pag-oopera sa kaniya.“Stavros,” hingal na tawag ni Aling Delia. Kasunod niyang pumasok
“Stavros.”Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Aling Delia sa aking kanang balikat. Napapikit ako nang mariin. Sa kaniyang ginawa ay muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata.“Palagi lang kaming narito, anak,” pakikiramay niya sa aking nararamdaman.Ilang beses akong pumikit upang pigilin ang aking luha hanggang sa naramdaman ko ang pangangatal ng aking mga labi. “Sa-salamat—” Napalunok ako dahil sa pagkabasag ng aking boses. Huminga ako nang malalim bago muling magsalita. Ngayon, sa mas maayos na bigkas. “S-salamat po, Aling Delia.”Kakatapos lang na mailibing ni mama. Tatlong araw lamang ang kaniyang naging burol dahil wala namang ibang kamag-anak na hinintay. Sa loob ng ilang araw na iyon ay wala akong tulog na maayos. Kung hindi pa ako pipilitin ni Aling Delia para matulog ay hindi pa ako aalis mula sa tabi ng kabaong ni mama.Sa loob ng tatlong araw na iyon, si Aling Delia lamang ang nagawa kong kausapin. Naroon si Don Steban, sinusubukan akong kausapin, ngunit hindi ko