Share

Kabanata 22

last update Huling Na-update: 2022-03-28 08:05:51

Aviona’s POV

Can’t you stay for us?

Can’t you stay for the people you’ve just met but truly cared for you?

Paulit-ulit kong naririnig ito sa aking utak na dinaig pa ang sirang plaka.

Ilang araw na ang lumipas simula noong kumain kami ni Stavros sa hardin ng kaniyang mansyon. Pero hindi na nawala sa isip ko ang kaniyang sinabi. Hindi ko siya nagawang sagutin noon dahil nablangko ang aking utak at talagang nagulat ako sa kaniyang itinanong. Nakadagdag sa pagkalutang ko ang pagkadismayang nakita ko sa kaniyang mukha. Kaya nang makabawi ako ay iniwan ko siyang mag-isa sa hardin. Kaagad akong dumiretso sa kwarto noon at buong araw na nagkulong.

Dinalhan na lamang ako ni Manang Eba ng makakain para sa tanghalian at hapunan. Tinanong niya pa ako kung masama ba ang aking pakiramdam kaya ako nagkulong sa kwarto.

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 23

    Aviona’s POV“Aviona?”Naibalik ako sa realidad nang marinig ko ang pagtawag ni Stavros sa akin.Nakakunot ang kaniyang noo habang nakatingin sa akin. Binitawan niya na ang basong hawak at saka tumayo.Kinuyom ko ang aking mga kamao at napaatras.Lalong lumalim ang linya sa kaniyang noo. “What are you doing here?”Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. Hindi ko alam kung paano sasagot sa kaniya. Nagsisisi ako kung bakit pa ako bumaba. Sana ay tiniis ko na lang ang pagkauhaw ko at nanatili sa aking kwarto.“Are you okay?” paos niyang tanong. Ang pamumungay ng kaniyang mga mata ay gaya ng kay Tata Pedro. Nag-umpisa siyang humakbang papunta sa aking direksyon.Napapikit ako nang mariin para kalmahin ang sarili. Sa kabila ng masamang pakiramdam

    Huling Na-update : 2022-03-28
  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 24

    Stavros’ POVI looked at her pleadingly as I shook my head. “Don’t do this, baby.”It was a horror seeing her standing on that banister. I didn’t think that I’d be going to regret requesting for a balcony in this room.She wiped her tears and shook her head. “H-hayaan niyo na akong magpahinga,” she begged.No! I wouldn’t let her do that. I would be selfish once again.Parang may sariling utak ang aking mga paa na tumakbo patungo sa kaniya nang makita kong tumalikod siya sa amin.“Anak!” Napasigaw si Manang Eba nang magtangkang tumalon si Aviona.Kaagad kong niyakap ang kaniyang baywang at saka siya hinatak pababa.Hindi siya nagtagumpay.“I’m sorry, baby. I had to touch you.” Napau

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 25 (Unang Parte)

    Aviona’s POVAng sabi nila, hangga’t nabubuhay ka raw, may pag-asa. At habang nananatili kang humihinga sa mundong ibabaw, ibig sabihin n’on, hindi pa tapos ang misyon mo dito.Pero ang katanungan ko sa aking sarili ay nananatili pa ring walang kasagutan. Ano pa bang misyon ko sa mundong ito? Bakit humihinga pa rin ako. Misyon ko bang magdusa dahil sa pangyayaring kahit sa hinagap ko ay hindi ko hiniling?Iminulat ko ang aking mga mata. Bumungad sa aking paningin ang kisame. Pagod akong napabuntong-hininga. Muli kong sinariwa ang nangyari kagabi. Hindi ko alam kung bakit. Pero nakaramdam ako ng ibang klase ng takot kagabi matapos akong hilahin ni Stavros mula sa akmang pagtalon.Nayanig ang aking mundo nang mapagtantong kapag itinuloy ko iyon ay maaaring hindi na ako nagising pa ngayon umaga. Hindi ba’t iyon naman ang gusto ko noon pa man? Hin

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 25 (Huling Parte)

    Aviona's POVNapahinga siya nang malalim. “Eh kasi ganito po ‘yon. Nawalan po kasi ng anak si Manang Eba, limang taon na po ang nakakaraan. May depression po kasi iyong anak niya noon. Hindi ko po alam kung bakit. Pero ang sabi ni Manang Eba, dalawang taon na daw simula noong tinamaan ng depression iyong anak niya na iyon. Tapos hindi na po siguro kinaya kaya nagpakamatay po,” pagsiwalat niya.Natulala ako sa ikinwento niya.“Ang pinakamalala po doon, nakita mismo ni Manang Eba kung paano tumalon ang anak niya mula sa bubong ng bahay nila. Namatay po ang anak niya sa harapan niya mismo. Sising-sisi daw po siya dahil wala siyang nagawa para iligtas ang anak niya. Nag-iisang anak pa naman po niya iyon. Tapos ay matagal na po silang iniwan ng napangasawa niya. Siguro po kung nabubuhay pa ang anak niyang iyon, baka kasing edad niyo na rin po siya.” Saglit siyang tumigil. “

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 26

    Stavros’ POVI planned to lock up myself inside my room all day long. I was the one to avoid Aviona just like how I did before. But I still had Aviona on my watch, of course.Nakatulog ako habang binabantayan si Aviona kagabi. Naalimpungatan lang ako nang madaling araw dahil sa pananakit ng aking leeg at likod. Lumipat na rin ako noon sa aking kwarto para hindi na ako maabutan pa ni Aviona pagkagising niya.Maaga rin akong nag-almusal para hindi na niya ako maabutan pa sa baba. Nang makabalik ako sa aking kwarto ay naligo na ako at saka nag-umpisang abalahin ang sarili sa trabaho.I succeeded in diverting my attention away from Aviona. I had so many pending documents to review.Nanakit ang aking batok kaya napagpasyahan ko munang tumigil sa pagbabasa. Napasandal ako sa aking swivel chair. Tinanggal ko ang suot kong reading glass at saka pin

    Huling Na-update : 2022-03-29
  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 27

    Stavros’ POV Napalingon ako sa sinabi niya. Nakita kong naglalakad pababa si Aviona karga-karga si Chin sa kaniyang mga kamay habang nakaipit sa kaniyang kili-kili ang kaniyang sketchpad. Ang lapis naman ay inipit niya sa kaniyang mga labi. Hindi niya kami napansin dahil abala siya kay Chin at masyadong pokus sa paglalakad. Nakalugay rin kasi ang mahaba niyang buhok kaya natatakpan ang gilid ng kaniyang mukha sa bandang ito. Huli na nang mapansin niya kami ni Milagros. Nasa huling baitang na siya ng hagdan. Napatigil siya doon at hindi alam kung tutuloy pa ba o hindi na. I guess she planned to return to the garden to draw. But now, she was torn between going to the garden or going back upstairs. I felt Milagros stood up from her seat. “Huwag mong sabihing kabit mo ang babaeng iyan, Stavros? Hindi ka naman siguro g

    Huling Na-update : 2022-03-30
  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 28

    Aviona’s POVAnong ibig niyang sabihin na may alam siya tungkol sa akin?Pilit kong inaalala kung nagkita o nagkasalamuha na ba kami dati. Pero wala talaga akong maalala.Tinatakot niya ba ako? Pero kung tinatakot niya nga ako, hindi ganoon ang sasabihin niya sa akin. Sa paraan ng pananalita niya ay parang alam niya na may lihim akong itinatago.Hanggang ngayon ay naglalaro pa rin sa aking isipan ang binitawan niyang mga salita bago siya tuluyang umalis. Hindi ko mapigilang isipin kung ano kaya ang pumasok sa isip ni Stavros sa sinabi ng kaniyang madrasta. Lalo na dahil nahuli ko siyang nakatitig sa akin pagkatapos umalis ng matanda.Isa pa sa ipinagtataka ko ay ang klase ng relasyon na mayroon sila. Bakit ganoon ang pag-uusap nilang dalawa? Tinatawag lamang ni Stavros ang babae sa kaniyang pangalan.Muli na namang buma

    Huling Na-update : 2022-03-30
  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Unang Parte)

    Stavros’ POVNaglalakad na kami ni Aviona paakyat sa ikalawang palapag.Mag-iisang oras ata siyang umiyak nang umiyak bago namin napagpasyahang umakyat.Gaya ng dati, nagawa ko siyang pigilan dahil sa mga CCTV. Hindi kasi ako natutulog hangga’t hindi ko nakikitang tulog na siya. Pinanood ko siyang bumaba at pumunta sa kusina. Akala ko ay bumaba lang siya para uminom ng tubig o gatas tulad ng kaniyang nakasanayan.Ngunit napabalikwas ako sa pagkakaupo dahil sa gulat nang makita ko siyang kumuha ng kutsilyo mula sa lalagyan. Nagmamadali akong bumaba noon. Naitulos pa ako sa aking kinatatayuan nang makita kong nakataas na ang kutsilyo at handa na siyang isaksak iyon sa kaniyang tiyan. Mabuti na lang at agad akong natauhan at nagawa kong pigilan siya.Parang lalabas ang puso ko sa mga oras na iyon. Hindi ko rin siya napigilang bulyawan da

    Huling Na-update : 2022-03-30

Pinakabagong kabanata

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 30 (Huling Parte)

    "Is Aviona awake already?" naalala kong itanong kay Manang Eba."Ang alam ko ay oo. Sabi nila Magda ay nasa hardin siyang muli," sagot ni Manang Eba na abala sa pagpupunas ng lababo."Did she already eat?""Hindi pa, Ser Stabros. Hindi pa siya pumupunta sa hapagkainan. Baka dumiretso na naman iyon sa hardin para magdilig ng halaman o gumuhit," sagot niya."Oh." Napatango ako sa kaniyang sagot. "Do we still have fresh milk?"Humarap sa akin si Manang Eba at ngumisi. "Oo. Nariyan sa fridge."Kaagad kong inubos ang aking kape at saka nagtungo para kumuha ng tray.Mabuti na lamang at may naluto nang agahan si Manang Eba. Kaya ay naglagay na lamang ako sa plato ng pagkain at naglagay ng gatas sa baso."Para kay Aviona ba 'yan, Ser Stabros?" singit ni Manang Eba nang matapos ako sa paglalagay ng gatas.Napakamot ako sa aking kilay at tipid na napangiti. "Yeah."Narinig ko ang impit na sigaw ni Manang Eba. "Iba ka na talaga, ser!" kantyaw niya.Natatawa akong napailing sa kaniya.Kung dati a

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 30 (Ika-unang Parte)

    "Magandang umaga, Ser Stabros!" bati ni Manang Eba nang makita niya akong papasok sa kusina. "Magandang umaga rin, Manang Eba," bati ko pabalik."Kape?" alok niya sa 'kin. Tumango ako sa kaniya. "Yes, please," sagot ko saka umupo sa high chair. Nangalumbaba ako sa bar counter at tamad na pinanood si Manang Eba sa pagtimpla ng aking kape. Napapapikit-pikit pa ako. At muntik nang masubsob sa counter kung hindi lang ako nagulat sa biglaang pagharap ni Manang Eba. Nagtungo siya sa aking harapan at saka inilapag ang tasa ng kape sa bar counter. "Kape niyo po, ser. Mukhang napuyat po kayo ah," pansin niya. Tipid akong ngumiti at tumango. "Medyo lang, Manang Eba," pagsisinungaling ko. Alas kuwatro na ng madaling araw ako nakabalik sa aking silid. Tandang-tanda ko pa kung paanong nagtapos ang aming usapan ni Aviona. Narinig kong tumikhim si Aviona. Para kasing nabuhol ang dila ko nang matapos niyang sabihin ang napakahalagang katagang iyon sa akin. "A-ahm... M-matutulog na ako, S-Sta

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labingpitong Parte)

    "Bago tuluyang malagutan ng hininga si papa, nagawa niya pa ring humingi ng tawad sa akin sa huling pagkakaon." Napalunok ako. "And that's when I realized the consequences of not listening to someone's explanation. Madaming oras ang nasayang dahil sa pagpapadala ko sa aking galit." Natahimik ako saglit. At humugot muna ng panibagong lakas para magsalita. Nanghihina na kasi ako sa sobrang bigat ng emosyon na nailabas ko sa pagkukwento. "But you know what? Minsan, napapatanong pa rin talaga ako sa Diyos. Kung bakit palagi niyang binabawi sa 'kin ang mga taong minamahal ko. Una, si mama. Tapos noong napatawad ko na si papa, saka Niya siya binawi sa akin." Totoo naman. Dumating ako sa punto ng buhay ko na nalugmok ako dahil parehas ng mga magulang ko ang nawala sa akin. Hindi na ako nakabalik pa sa probinsya ni mama kahit na wala na si papa. Kaya sa mansyon ako nagluksa noon. Umabot ako sa hindi pagkain at buong magdamag na pagkukulong sa kuwarto. Walang lumabas na mga luha. Pero sobr

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labing-anim na Parte)

    "P-po?" gulantang kong tanong. Nginitian niya lamang ako sa aking reaksyon. "P-pero, bakit po ako? Nariyan naman po ang asawa niyo." Bakit niya ipagkakatiwala sa akin ang isang napakaimportante at napakalaking trabaho? Nahihibang na ba siya? O baka naman dala ng kaniyang unti-unting panghihina? Nanghihina siyang napahalakhak. "Bakit hindi ikaw? Ikaw lamang ang nag-iisa kong anak. Kaya ikaw dapat ang susunod na mamahala n'on," sagot niya. "P-pero po--" "Gusto ko munang magpahinga, Stavros. Huwag na huwag mong sasabihin kay Milagros ang tungkol sa bagay na ito," huling bilin niya bago niya ako palabasin ng kwarto. Matapos ang usapan na iyon, ipinagsawalang-bahala ko na lamang iyon. Baka kasi ay naapektuhan lang siya ng mga iniinom niyang gamot. Hanggang sa isang gabi, balak ko sanang bumaba para uminom ng tubig nang marinig ko ang malakas na boses ng asawa ni Don Steban mula sa kanilang kwarto. Napatigil ako sa akmang pagbaba at pinakinggan ang kanilang usapan. Masama man

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labinglimang Parte)

    "That night, I wasn't able to sleep well because of the thoughts that were running inside my head. Pansamantala kong nakalimutan ang pagkadismaya ko sa eskwelahan. And was just thinking about my dad." Napabuntong-hininga ako. "I didn't know that I was able to feel that way for him after all the grudges that I was holding. Milagros told me that if I've made up my mind and chose to stay with them, then I'd just contact her for her to send someone to fetch me. "And after one night of thinking and weighing everything, I've decided to accept the offer. But I told her that I needed to finish my graduation ceremony first before leaving our bario. Milagros really did send someone to fetch me. I was able to bid goodbye to Koi and his family before leaving," patuloy ko. "Naging malungkot sila sa aking pag-alis. Ngunit ipinangako ko naman na babalik din ako sa aming probinsiya kapag natapos na ang lahat. Pero hindi ko alam na hindi na pala ako muling makakabalik pa sa bayang sinilangan ko." Nak

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labing-apat na Parte)

    "May dapat tayong pag-usapan," tipid niyang sagot. Nanatili pa akong nakatanga. "Pasok po muna kayo," aya ko nang ako ay matauhan. Binuksan ko ang pinto at saka siya iginiyang pumasok. Tahimik siyang sumunod at inilibot ang kaniyang paningin sa kabuuan ng aming bahay. "Pagpasensyahan niyo na po ang maliit naming bahay," ani ko. Akala ko ay mandidiri siya, ngunit kataka-takang nanahimik lamang siya at tiningnan ako nang diretso. "Upo po muna kayo. Gusto niyo po ba ng kape o tubig?" tanong ko. "Hindi na kailangan," sagot niya. Pinagkrus niya ang kaniyang mga paa at pinagsalikop ang kaniyang mga palad sa ipinatong sa kaniyang tuhod. "Ang pangalan mo ay Stavros, tama ba ako?" Tumango ako. Halatang-halata sa kaniyang mukha na nagtitiis lamang siya na ako ay kausapin. Hindi na naman ako nagtataka. Bakit nga ba naman siya hindi magkakaganoon kung ang kaharap niya ay ang bunga ng pagtataksil ng kaniyang asawa? "Ano po bang sadya niyo sa pagpunta rito?" diretsang tanong ko

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labingtatlong Parte)

    "Ayos ka lang ba, Stavros? Kanina ka pa nananamlay ah. Ano ba kasing napag-usapan niyo ni Mrs. Purita?" nag-aalalang tanong ni Koi sa akin habang naglalakad na kami pauwi. Tipid akong napangiti at saka umiling. "Wala lang, Koi. Tungkol lang doon sa pinakiusap niya sa akin noong isang araw," malamyang palusot ko. "Eh bakit ka biglang nanlambot? Okay ka pa naman kanina ah," pagpupumilit niya. Umiling ako sa kaniya. "Wala lang. Bigla lang sumama ang pakiramdam ko. Napasama ata pagbababad ko sa initan kanina. Mukhang hindi na ako makakatulong kina Aling Delia." Napakamot ako sa aking batok. "Nako! Ayos lang 'yon. Sasabihin ko na lang kina nanay. Saka kailangan mo ring magpahinga. Halos hindi ka na nagpapahinga sa kakaaral at kakatrabaho simula nawala si Aling Lourdes," saad niya. Napangiti ako nang mapait sa saad niya. Tumigil ako sa paglalakad nang mapatapat na kami sa daan pauwi sa kanila. Humarap sa akin si Koi at saka ako nginitian. Tinapik niya ang aking balikat at saka sina

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labingdalawang Parte)

    “I stood firm with my decision of not living with my father. At the age of 13, I already lived with myself. Aling Delia would always ask me to stay with them instead. But I would always refuse them because I didn’t want to leave my mother’s house.” Ipinikit ko ang aking mga mata. “Pero ang pinakarason nang pagtira ko roon ay dahil nararamdaman ko pa rin ang presensya ni mama.”Napasinghap ako ng hangin dahil pakiramdam ko ay mauubusan na ako ng hininga sa pagkukwento.Nanatili pa ring tahimik lang si Aviona sa kabilang dako.“I strived hard to survive. I worked and study at the same time. Kahit anong trabaho basta marangal ay pinapasok ko. Ipinagpatuloy ko ang pagsama kina Aling Delia tuwing Sabado at Linggo. At kapag naman sa madaling araw bago ako pumasok sa eskwela, pumupunta ako sa palengke para maging kargador. Pagkauwi ko naman sa hapon galing sa paaralan, babalik ulit ako roon para tulungan sina Aling Delia sa pagliligpit ng mga kagamitan.”Binuksan ko ang aking mga mata at tumi

  • Ang Lihim ni Mrs. Bienvenelo   Kabanata 29 (Ika-labing-isang Parte)

    “Stavros.”Naramdaman ko ang paglapat ng palad ni Aling Delia sa aking kanang balikat. Napapikit ako nang mariin. Sa kaniyang ginawa ay muli na namang namuo ang luha sa aking mga mata.“Palagi lang kaming narito, anak,” pakikiramay niya sa aking nararamdaman.Ilang beses akong pumikit upang pigilin ang aking luha hanggang sa naramdaman ko ang pangangatal ng aking mga labi. “Sa-salamat—” Napalunok ako dahil sa pagkabasag ng aking boses. Huminga ako nang malalim bago muling magsalita. Ngayon, sa mas maayos na bigkas. “S-salamat po, Aling Delia.”Kakatapos lang na mailibing ni mama. Tatlong araw lamang ang kaniyang naging burol dahil wala namang ibang kamag-anak na hinintay. Sa loob ng ilang araw na iyon ay wala akong tulog na maayos. Kung hindi pa ako pipilitin ni Aling Delia para matulog ay hindi pa ako aalis mula sa tabi ng kabaong ni mama.Sa loob ng tatlong araw na iyon, si Aling Delia lamang ang nagawa kong kausapin. Naroon si Don Steban, sinusubukan akong kausapin, ngunit hindi ko

DMCA.com Protection Status