Share

Kabanata 19

Stavros’ POV

Palingon-lingon si Aviona sa paligid.

Sa tingin ko ay hinahanap niya ang nakalarong tuta kanina.

Naalala ko kung paano ko siya sinundan sa kaniyang paggagala kaninang madaling araw. Noong nagising kasi siya ay eksaktong kagagaling ko lang sa banyo noon para umihi. Kitang-kita ko kung paano siya takot na takot na nagising sa kaniyang pagtulog. Hanggang sa lumabas siya ng kaniyang kwarto sa tulong ng CCTV na naka-install sa kaniyang kwarto.

Doon na ako nagpasyang lumabas para sundan siya. Ginawa ko ang lahat para hindi niya maramdaman ang aking presensya. Pinanatili ko ang malayo ngunit sapat na distansya sa pagitan naming dalawa para mabantayan siya.

Kaagad akong naalarma nang makita ko siyang napatigil sa tapat ng kusina. Ang nasa isip ko kanina ay mabuti na lamang at sakto ang aking paggising. Dahil baka maisipan na naman niyang maglaslas o di kaya’y higit pa roon ang kaniyang gawin.

I was waiting for her to walk towards the kitchen. But I saw how her eyes went to the windows.

She stared outside the windows for seconds before she walked towards the door. She was extra careful with her movements like I was. She successfully went outside the door. Her eyes went straightly at the gate. Was she planning to escape?

Napailing ako nang makita kong nakatulog ang kapalit ni Mang Lando sa pagbabantay ng gate. Akala ko ay magigising ang guard nang buksan ni Aviona ang gate ngunit wala itong katinag-tinag sa pagtulog sa kaniyang upuan. Saka ko lamang nalaman kung bakit hindi ito nagigising. May dalawang bote ng alak na walang laman ang nakalagay sa sahig. Maybe I should fire him later, huh?

Tagumpay na nakalabas si Aviona sa gate.

Agad akong naglakad papalabas para sundan siya. Mabuti na lamang at hindi na niya naisipan na isarado pa ang gate kaya tahimik ko siyang nasundan.

Hinayaan ko siyang maglakad-lakad at maglibot sa village. Mabuti na lang at mahigpit ang security sa main gate ng village na ito kaya ligtas ang maglakad-lakad dito kahit malalim na ang gabi o kahit madaling araw na. Inaabangan ko kung pupunta ba siya sa main gate ng village.

Para siyang manghang-mangha sa nakikita. Hanggang sa maalala ko na simula ata noong naging mag-asawa kami ay hindi pa siya nakakalabas ng mansyon maliban sa harapan nito at bakuran.

Napangiti ako nang makita kong sabik niyang sinundan ang tuta na nakita. Nakarating sila sa children’s park. Muntik pa nga akong mahagip ng kaniyang mga mata. Buti ay nakapagtago ako agad sa likod ng isang bush. Nanatili lang ako doon buong oras na naglaro sila ng tuta.

Masaya ako para sa kaniya. Napakasarap niyang panoorin na buong-pusong nakangiti at walang pag-aalinlangan sa kaniyang mukha. Nakakakalma rin sa pandinig ang kaniyang mga tawa.

I stayed there watching her play with a puppy like a kid. Saka lang ako natauhan nang nakita ko ang pagsilip ng araw. Napagpasyahan ko nang lumabas sa aking kinaroroonan at magpakita kay Aviona.

It’s already time for breakfast, my wife.

Gusto kong pisilin ang kaniyang pisngi nang makita ko kung gaano siya hirap na hirap na magpaliwanag.

I wanted to hug her when she started to cry. But I didn’t want to scare her. So, I tried my best to comfort her with words. And maybe it worked. Because I could see a glimpse of peace in her face after.

A hope rose in my heart.

A space in her heart was still open.

I could gain her trust in time.

“Saan kayo nanggaling? Akala ko ay natutulog pa kayo sa kaniya-kaniya ninyong kwarto,” salubong ni Manang Eba sa amin nang makarating kami sa may sala.

“We just had a morning walk outside.” I was the one to answer.

“Ganoon ba? O siya. Maghahain na ako para makakain na kayo. Pumarito na kayo sa hapag,” aya niya.

Tiningnan ko si Aviona na nakatingin lang sa harapan niya. “Let’s go.”

Just like before, she sat two seats away from me. I just shrugged my thought.

Manang Eba finished preparing the food.

“Let’s eat.”

Hindi siya gumalaw sa kaniyang kinauupuan.

Hindi ko na iyon pinansin at nilagyan ng pagkain ang aking plato.

At tama nga ang nasa isip ko.

Nilagyan niya lang ang kaniyang plato ng pagkain nang matapos akong kumuha ng akin.

“Is that how you are taught?” Hindi ko mapigilang itanong.

Tumingin ito sa akin na may pagtataka. “H-ha?”

Napatikhim ako. “I mean, are you taught to get food for yourself when everyone finished getting theirs?”

“A-ah.” Napatango siya.

Tumahimik na ako nang sumagot siya at ipinagpatuloy na lang ang pagkain. Hanggang sa may pumasok na naman sa isip ko. “Anong mga gusto mong gawin? Like hobbies or your dreams in life?”

I want to learn everything about her as long as possible.

Napatigil siya sa pagsubo at muling tumingin sa akin. Pero hindi niya ata kayang makipagtitigan nang matagal dahil agad niya ring ibinalik sa kaniyang pagkain ang kaniyang tingin. “M-mahilig akong gumihit… a-at magpinta… noong bata pa ako,” ilang na sagot niya.

Napatango ako.

So, she liked arts.

“Sir Stavros.” Dumating si Magda mula sa sala.

“What?”

“May tumawag po sa telepono,” aniya.

“Can’t you see we’re eating?” Medyo irita kong tanong.

“S-sabihin ko raw po na s-siya si Sir Denillon, sir,” kinakabahang sagot niya.

That caught my attention. I nodded at Magda to dismiss her. I took a glance at Aviona who was focusing on eating her food. “Excuse me, Aviona. I just need to pick that important call.”

Tiningnan niya ako. “S-sige.”

It’s been more than a week since I called Denillon about my request. And this was the first time he called me back.

He better had something worth hearing to tell.

“Denillon,” I called him.

“Stavros,” he called me back. “Long time, no talk, bro.”

“Why did you call?” agad na tanong ko.

“Can we meet?” tanong niya pabalik.

I looked at the dining room and saw Aviona staring at me. I withdrew my gaze at her. “I’m sorry, bro. Can you just come to my house instead?”

Natawa ito. “Can’t leave your wife, eh?” asar niya.

Napaismid ako. “I’ll wait for you here.” Ibinaba ko na ang tawag at bumalik sa hapagkainan. Napansin kong ubos na ang laman ng plato ni Aviona. “Eat more.”

Umiling siya. “B-busog na ako. S-salamat.”

Hindi siya umalis sa hapag kahit tapos na siyang kumain.

I smiled mentally. But I finished my food immediately because she seemed to be uncomfortable and seemed not to know what she would do to busy herself. “You can leave the table now,” I announced.

Ilang siyang tumango at saka lumabas ng dining room.

Ako naman ay umakyat sa kwarto para kunin ang aking laptop at dokumentong kailangang basahin at pirmahan. Bumaba ako at nagtungo sa hardin sa likod ng bahay. I didn’t like working in my room whenever I was working at home. I liked to smell the fresh air outside than the air from the air conditioner.

Nang makarating ako doon ay bahagya akong nagulat nang makita ko si Aviona na nasa hardin. Nakatitig siya sa mga rosas na naroon ngayon.

Tumikhim ako para kunin ang kaniyang atensyon.

Taranta niyang binitawan ang hawak na rosas at saka napalingon sa akin. “A-ahm…” Hindi niya na naman alam ang kaniyang sasabihin.

“Can I work here?” tanong ko saka ko inginuso ang mesa na nasa gilid.

Napakagat siya sa kaniyang labi. “I-ikaw ang bahala,” napapayukong sagot niya.

Napangiti ako. “Thanks.” Lumapit ako sa mesa at inilapag ang mga gamit doon. “You can continue peeking at the flowers.”

“Ah o-oo. S-salamat.” Agad niya akong tinalikuran at hinarap ang mga bulaklak.

Sinimulan ko na ang aking trabaho. Paminsan-minsan ay napapasulyap ako sa kaniya. At kita ko ang pagkailang sa kaniyang mga galaw. Pero nang lumipas ang mga sandali at muli ko siyang tiningnan ay masigla na siyang nagdidilig ng mga pananim.

Hindi ko namalayan na napatigil na ako sa pagbabasa ng mga dokumento at nanood na lang sa kaniya.

Masayang-masaya kasi siyang nagdidilig ng mga halaman. Naririnig ko pa nga na kinakausap niya ang mga ito.

Which I found it cute.

Naagaw na lang ang aking atensyon nang dumating si Magda. “Sir Stavros, dumating na po si Sir Denillon.”

Tinanguan ko siya. Napatingin ako kay Aviona na ngayon ay inirorolyo na ang hose na ginamit sa pagdidilig. “Aviona,” pagtawag ko sa kaniyang atensyon.

Napalingon ito sa akin na bahagyang nakakunot ang noo. “B-bakit?”

“I’ll just talk to a friend,” paalam ko. Muntik ko nang hindi mapigilan na mapahalakhak nang mas kumunot ang kaniyang noo.

“O-okay,” sagot niya at parang nahihiwagaan kung bakit ako nagpaalam sa kaniya.

Nakangiting iniwan ko na siya doon at pumasok sa loob. Naabutan ko si Denillon na nakaupo sa sofa sa sala. “Denillon.”

Nilingon ako nito at saka ngumiti. He stood up to give me a manly hug. “Kumusta na, p’re? Blooming ka ah,” asar niya.

Pabiro ko siyang sinuntok sa braso. “Gago!”

Tinawanan lang ako nito.

“Maupo ka.” Imunuwestra ko sa kaniya ang upuan. “So, how’s my request?”

Mula sa mapang-asar na mukha ay naging seryoso ito. “Pinuntahan ko ang bahay-ampunan na pinagmulan ng napangasawa mo.”

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status