Share

Kabanata 18

Aviona’s POV

Nanigas ako sa aking kinatatayuan nang salubungin ko ang seryosong mukha ni Stavros habang siya ay nakapamulsa lang na nakatitig din sa akin.

Ilang sandali kaming nagsukatan ng tingin.

“What are you doing here?” pagputol niya sa katahimikang namamagitan sa amin.

Wala sa oras na napalunok ako dahil sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Galit ba siya dahil lumabas ako sa kaniyang mansyon? Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. “A-ahm…” Hindi ko alam kung paano magsisimulang magpaliwanag. Ayaw kong magkamali dahil baka saktan niya ako.

Sa kaniyang itsura ngayon ay hindi malabong ganoon ang mangyari. Ganitong tingin din kasi ang natatanggap ko mula kay Tata Pedro noon bago niya ako umpisahang saktan.

“I’m waiting, Aviona,” muling salita niya.

Ang kanina’y nagtatalon sa saya kong puso ay pinamahayan ng takot at kaba ngayon. Napayuko ako at napatitig sa bermuda. Nakurot ko ang likod ng aking palad. “L-lumabas lang ako p-para magpahangin.” Ang haba ng naiisip kong paliwanag ngunit iyon lang ang namutawing mga kataga sa aking bibig.

Narinig ko ang kaniyang pagbuntong-hininga.

Ang akala ko ay lalapit siya sa akin para sampalin ako o sabunutan.

“I’m not mad, wife. I’m just worried,” tila nahihirapan niyang saad.

Napasinghap ako sa kaniyang sinabi. Napaangat ang tingin ko sa kaniya. “H-hindi ka galit?” paninigurado ko. Baka kasi ay nabibingi ako.

Totoong hindi ko na siya nakitang nagalit sa akin simula noong maglaslas ako. Ngunit hindi ko alam kung dahil lang ba iyon sa hindi namin pagkikita.

Pero ngayon, lumabas ako nang madaling araw. Dapat ay galit siya sa akin gaya ng kapag nagagalit sina Tata Pedro ay Sister Janet kapag may nagawa akong hindi nila nagustuhan. Pero siya, hindi niya ako sinigawan o pinagalitan man lamang.

“Hindi ako galit. Hindi ko lang nagustuhan na lumabas ka nang madaling araw nang hindi nagpapaalam sa kahit kanino sa bahay,” sagot niya. Naglakad siya papalapit sa akin.

Awtomatikong napaatras ako. Sasaktan niya na ba ako? Nagkunwari lang ba siyang hindi galit tapos bigla niya akong sasaktan?

Nagkamali ako dahil dumaan lang siya sa aking tabi. Nakahinga man ako nang maluwag ay naroon pa rin ang kaba.

“Come here, Aviona.”

Dahan-dahan kong pinihit ang aking katawan paharap sa kaniya.

Nakaupo siya ngayon sa duyan.

“Come.” Nakatinging sabi niya.

Hindi ako agad na nakagalaw sa aking kinatatayuan. Ngunit nang makapag-ipon ako ng lakas ay nagawa kong maglakad patungo sa malapit sa kaniya, isang metro ang layo.

Tiningnan niya ang isang duyan sa kabilang dulo. “Sit there.”

Tatlong duyan kasi bale ang mayroon dito.

Kaagad ko siyang sinunod. Matapos kong umupo ay muli kaming binalot ng katahimikan. Minasahe ko ang aking palad para doon matuon ang aking atensyon.

“Did you have a nightmare?” malumanay na tanong niya.

Napatigil ako sa pagmasahe at napatitig na lang sa aking mga palad.

“Did you have a bad dream, Aviona?” pag-uulit niya.

Muling napakagat ako sa aking pang-ibabang labi at saka dahan-dahang napatango.

Akala ko ay hindi niya iyon nakita dahil hindi na siya nagsalitang ulit noon.

“Are you alright?”

Nangilid ang luha sa aking mga mata sa kaniyang sinabi. Parang may yumakap sa aking nanlalamig na puso.

Siya ang unang taong nagtanong sa akin kung ayos lang ba ako mula sa mahabang panahon.

Hindi ko namalayan na napahagulgol na pala ako ako. Dahil ang totoo ay hindi ako ayos. Hindi ako okay. Nasasaktan at nahihirapan pa rin ako hanggang ngayon. Nakawala nga ako sa hawla na ginawa ni Tata Pedro pero hindi pa rin ako nakawala sa nakaraan na siya ang sumira. Walang isang araw na hindi ko siya naisip at naalala. Kahit pinipilit kong kalimutan siya ay hindi ko magawa. Dahil parte na siya ng buhay ko. Napakalaki ang parte niya sa buhay ko na pati sa aking pagtulog ay wala akong takas sa kaniya.

Siguro nga ay tama ang sabi niya sa aking panaginip kanina.

Hindi ko siya matatakasan. Kahit gaano kalayo, kahit sa dulo pa ng mundo ako pumunta, masusundan at masusundan pa rin ako ng bangungot na ginawa niya.

Madalas nga ay gusto ko na lang na mamahinga na lamang. Lagi kong pinagdarasal na sana bawiin na lamang ng Maylikha ang pinahiram niyang buhay sa akin. Kung hindi naman ay ako na mismo ang gumagawa ng paraan.

Ang sabi kasi nila, sa kaharian Niya, wala nang sakit. Wala nang takot. Puro kayapayapaan at walang hanggang kasiyahan lamang.

Kaso lang ay hindi naman ako nagtagumpay ni minsan. Nagtataka nga ako kung bakit pa ako ipinanganak gayong itinapon lang din naman ako ng tunay kong mga magulang. May kumupkop nga sa akin ngunit pagkatao ko naman ang naging kabayaran. Sana namatay na lang ako bago pa ako magkamalay sa mundo.

Tinatanong ko Siya lagi kung ano pa bang dahilan at hindi Niya pa binabawi ang hiningang ipinahiram Niya sa akin. Pero nanatili Siyang tahimik at walang sagot.

Bumuhos ang iba’t ibang emosyon kasabay ang pag-agos ng aking luha. Naroon ang galit at poot, lungkot at hinanakit, at ang walang katapusang takot. Takot na ipinanganak lang ako para mamuhay sa hirap at hinagpis.

“I’m no professional. And I don’t know if this can help. But I want you to always remember that I’m just here by your side,” alo ni Stavros sa gitna ng aking pagtangis.

Gusto kong maniwala sa kaniya. May parte naman talaga sa akin na naniniwala sa kaniya. Ngunit mas malaking parte ang may ayaw. “S-sasaktan mo lang din ako.” Nasabi ko sa kaniya ang ibinubulong ng malaking parte ng aking utak. Ito ang dahilan kung bakit hindi ko magawang maniwala at magtiwala sa kaniya. Dahil natatakot ako na baka saktan niya lang ako sa huli.

Napabuntong-hininga siya. “Alam kong mahirap ang pinagdaraanan mo, Aviona. At alam kong ang pinakamahirap para sayo ngayon ay ang magtiwala. Pero sana mayroon pa ring puwang sa puso na bukas para sa ibang tao. Handang-handa akong tulungan ka sa laban mo. Hindi ko sinasabing pagkatiwalaan mo ako agad. I know that it will take time. What I want to say is please don’t close your door for other people who are willing to help you in your pain and burdens. Not all of the people around you are the same as the demons who have wrecked you in your past.”

Napatingin ako sa kaniya.

Nakatingin din siya sa akin. “Maaaring nagkamali ako pero hinding-hindi ko na uulitin iyon. At hinding-hindi ako magiging katulad ng lalaking iniisip mo.”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status