Stavros’ POV
“Mr. Bienvenelo, ready na po ang lahat. Kayo na lamang po ang hinihintay sa board room,” ani Dominic pagkapasok sa aking opisina.
Sa narinig ay tumalima na ako at tumayo. Isinuot ko ang aking coat at saka hinigpitan ang aking necktie.
Si Dominic naman ay nakatayo lamang sa harapan ng aking mesa, hinihintay akong makapag-ayos.
Nang makuntento ako ay lumakad na ako palabas ng aking opisina.
Nanatiling nakabuntot si Dominic sa akin.
“Do I have any appointment after this?” This was a hell week. Kung hindi ako uma-attend ng mga meetings ay natatambakan naman ako ng mga papel na nangangailangan ng final review at pirma ko. Minsan ay kumikirot na ang ulo ko sa dami nang kailangang gawin. May ipinapatayo na kasing bagong hotel sa katabing syudad. Kaya ganoon na lamang kaabala ang lahat ng empleyado ko sa main branch ng Crown Legacy Hotels.
“Wala na po para ngayong hapon. Pero may engagement party po kayong dapat daluhan mamayang alas otso ng gabi,” sagot niya pagkatapos tumingin sa kaniyang planner.
“Is that the engagement between Gonzales and Arturo?”
“Yes, Mr. Bienvenelo.”
“Okay.”
Nakarating na kami sa pintuan ng board room. Bago ko tuluyang pihitin ang seradora ay muli kong tinawag si Dominic. “Is there something odd that you notice about her today?” patungkol ko kay Aviona.
It had been a week since Aviona’s incident happened. The doctor that tend her wounds that day told me that I should look for her more often because she was suicidal. Kaya magmula noon ay pinakabitan ko ng CCTVs ang buong palibot ng bahay. So far, hindi na nasundan pa ang ganoong pangyayari. Although hindi kami nagkakasalamuha ay nalalaman ko naman na naging palalabas na rin siya ng kaniyang silid kaysa dati.
And Dominic was the one to monitor her whenever I am busy with my work.
Aviona became close to all the maids in the house, especially to Manang Eba. Hindi pa man siya gaanong palasalita, kahit papaano naman ay nag-improve ang kaniyang communication skills dahil kay Manang Eba.
I was not also sure kung napatawad niya na baa ko dahil ako na mismo ang umiiwas na magkaroon kami ng interaksyon. Ayokong takutin pa siya dahil sa aking presensya.
“Wala naman po, Mr. Bienvenelo. Katulad pa rin ng dati na lalabas tuwing kakain na at magpapahangin sa hardin o di kaya’y makikipagkwentuhan kina Manang Eba. Tapos ay matutulog pagdating ng ala una ng hapon.”
Tumango ako sa kaniyang sinabi. “Good.”
The meeting started immediately the moment that I sat on my seat.
Umikot ang meeting sa kung ano-anong mga pagbabago sa ipinapatayong hotel, kung magkanong budget ang nakalaan sa project, kung anong target date, at kung sino-sino ang mga bagong sponsors ng project. Sa kabutihang-palad, kaunti na lang ang bubunuin para sa target budget para rito.
Nasa kalagitnaan na kami ng presentasyon ng Finance Department nang biglang lumapit si Dominic sa akin.
“Mr. Bienvenelo,” tarantang bulong niya.
Kinunutan ko siya ng noo. Saglit pa akong tumingin sa nagpepresinta bago ko siya binalingan. “Why?”
“Si Mrs. Bienvenelo po.”
Bigla akong kinabahan sa tono ng kaniyang pagsasalita. “Why? What happened?” Nawala na ang aking atensyon sa nasa harapan.
This was the first time that he came to me because of Aviona. I was sure there’s something that had happened.
Kaagad na ibinigay sa akin ni Dominic ang tablet na nakakonekta sa CCTVs na nakakabit sa bahay. Ni-rewind niya ito sa parte na dapat kong makita.
Noong una ay wala namang kakaibang nangyari. Ngunit makalipas ang isang saglit ay nangyari na ang dahilan ng pagkataranta ni Dominic.
Aviona sat inside the tub full of water then sliced her neck using the toothbrush that she broke.
Napatayo ako sa sobrang gulat. Hindi ko alam pero nakaramdam ako ng takot at pag-aalala para sa aking asawa.
Nagsitinginan ang lahat ng tao sa loob ng silid sa akin.
Itinago ko ang aking naging unang reaksyon at ipinormal ang aking itsura saka tumikhim. “Meeting adjourned,” anunsyo ko.
Bumakas ang pagtataka sa kanilang pagmumukha. Ngunit wala na akong panahon na intindihin pa ang kanilang saloobin.
Nauna na akong lumabas kaysa sa kanila. Malalaking hakbang kong tinungo ang palabas ng building. Hindi pa rin nawawala ang negatibong mga emosyon sa aking loob. “Give me my phone.”
Nang maiabot ni Dominic ang cellphone ko ay agad kong hinanap ang numero ni Manang Eba at tinawagan. “Manang, check on Aviona. She did it again. She’s in her bathroom.”
“Ano?!” nabigla niyang sigaw.
“Please hurry, Manang. I’m already on my way. I’ll call an ambulance. Check on her immediately, please. She’s in her bathroom.”
“Yes, ser.” Narinig ko pang nagkakagulo na sila sa kabilang linya bago ko ito naibaba.
“Send an ambulance to my place, Dominic. And cancel all my appointments for today. I need to go,” nagmamadaling bilin ko sa kaniya. Eksakto dahil nakarating na kami sa parking lot noon.
Kaagad kong pinakarurot ang aking kotse pauwi. Napakurot ako sa pagitan ng aking kilay. “What have you done, Aviona? Why did you do that?” I asked the wind. Hindi ko alam kung ano at paano tumatakbo ang isip niya pero alam kong mahirap ang kaniyang pinagdadaanan. If only I could read her mind so I would know how I can help her.
Para bang ang bagal ng oras dahil sa sobrang pag-aalala. Hindi ko na nga naigarahe ang kotse at hinayaan na lamang sa harapan ng gate.
Nang makarating ako sa silid ni Aviona ay naroon lang sila Manang Eba sa labas ng banyo. Kaagad na umakyat ang dugo ko sa nakita.
What the hell were they waiting for?!
“Manang! I told you to rescue her! Bakit nariyan lang kayo sa harapan ng banyo?!”
Tarantang napalingon sila sa akin. Kaagad na lumapit sa akin si Manang Eba. “E-eh kasi ser, wala pong susi ang mga banyo ng bahay. Hindi po namin mabuksan dahil naka-lock sa loob.” Nakasalikop ang kaniyang mga palad na parang nagdadasal.
Hindi ko na siya pinagtuunan ng pansin dahil baka masigawan ko silang lahat muli. Kaagad akong lumapit sa pintuan. Malakas ko iyong kinatok. “Aviona?! Baby?! Answer if you’re awake please!”
Nang wala akong nahita at tinadyakan ko na ang pinto.
Oh, God! Please spare my wife. Please save her.
Ilang beses ko itong pinagtatadyakan pero wala talaga. “Get me a crowbar!”
Kaagad na tumalima ang isang katulong. Habang naghihintay ay wala pa rin akong tigil sa pagtadyak sa pinto. “Aviona, hold on please?!”
“Ito na po, ser.” Ibinigay ni Jessa sa akin ang bareta.
“Lumayo kayo,” utos ko.
Buong pwersa kong sinira ang seradora ng pinto.
Nang magtagumpay ay kaagad kong binuksan ang pinto para lamang makita ang kalunos-lunos na itsura na Aviona.
“Susmaryosep, anak!”
Tinakbo ko ang distansya at iniahon si Aviona sa bathtub na kulay pula na ang tubig. Inalis ko ang buhok na nakaharang sa kaniyang mukha. Lalong namutla ang kaniyang mga labi.
Ang bilis ng tibok ng puso. Ngayon na lang ako ulit nakaramdam ng takot na ganito. Takot na maiwan ng isang taong malapit sa akin kahit na hindo ko pa naman gaanong kakilala si Aviona. “Aviona? Can you hear me?” Sinipat ko ang pulso niya. At halos hindi na iyon pumintig! Inilapit ko ang aking tainga sa kaniyang bibig.
Nabunutan ako ng tinik nang marinig kong humihinga pa naman siya.
“S-ser, nariyan na po ang ambulansya.”
Nilingon ko sina Manang Eba na naiiyak na sa sitwasyon ni Aviona. Muli kong binalingan si Aviona na animo’y natutulog lang sa aking mga bisig. Hinalikan ko ang kaniyang tuktok saka hinaplos ang kaniyang pisngi. “Hold on, baby. The ambulance is already here.”
Stavros’ POVI had my fingers crossed. I was sitting on the bench outside the emergency room. I also stood up from time to time to peak at the door of the ER, expecting that the door would open anytime soon.Masyado akong nag-aalala sa kalagayan ni Aviona. Masyadong madami ang nawalang dugo sa kaniya. I still hoped that she’s going to be fine.Ako lang mag-isa ang sumama sa ospital. Gusto mang sumama ni Manang Eba ay sinabihan ko siyang maiwan na muna upang maghanda ng gagamitin ni Aviona habang naririto pa siya sa ospital. Mamaya rin ay susunod na iyon.Naagaw ng aking atensyon ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi ko ito pinansin noong una. Wala na sana akong balak pang sagutin ito. Ngunit muli itong tumunog.Napipilitan kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone at saka iyon sinagot. “What?”“H
Stavros’ POV The silence was deafening. I was here, sitting in the corner, away from my wife.It had been an hour since Aviona was transferred in this private room.She was there, lying and sleeping soundly on the hospital bed. Her face was serene. She looked so peaceful. You wouldn’t think that she was going through something hard, something deep.Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumatok dito. Maya-maya pa ay dahan-dahan itong bumukas. Pumasok mula roon si Manang Eba.“Ser Stabros…” bati niya saka bahagyang yumukod.Tinanguan ko siya at saka itinuro ang bedside table.Hindi siya agad na kumilos. Tumingin ito sa kinahihigaan ni Aviona. Tinitigan niya ito. Ilang sandali lamang ay nasaksihan ko kung paano niya pasimpleng pinunasan ang ilalim ng kaniyang mga mata.&n
Aviona’s POV“Nagpakasal sila. At sa huli ay nagkaroon sila ng mga anak. Namuhay silang magkasama at masayang-masaya.” Isinara ni Sister Janet ang librong hawak niya. “At d’yan nagtatapos ang kwento natin para sa araw na ito.”Ang ganda ng kwento! Kwento iyon ng isang prinsesang naligaw at napahamak sa isang syudad tapos ay iniligtas ng isang ordinaryong lalaki. Nahulog iyong lalaki sa prinsesa kaya’t ginawa niya ang lahat para mapasagot ang prinsesa kahit na pinahirapan siya ng amang hari nito.“Oh, nariyan na pala ang Tata Pedro niyo!” nakangiting sabi ni Sister Janet na nakatingin sa aming likuran.Napukaw ang atensyon ko dahil sa sinabi ni Sister Janet. Agad kaming napalingon at nakita namin si Tata Pedro na may hawak-hawak na mga supot ng tsokolate.“Tata Pedro!” excited namin
Aviona’s POV“Nako kung nakita mo lang ang reaksyon ni Ser Stabros noong dumating siyang hindi pa namin nabubuksan ang pinto ng banyo mo. Para siyang magbubuga ng apoy anumang oras. At noong hindi niya kayang buksan iyong pinto sa pagtadyak, nagpakuha siya ng bareta kay Jessa. Sinira niya kaya ang pinto ng banyo mo para lang mailigtas ka,” masiglang kwento ni Manang Eba na may kasama pang mga aksyon.Lihim akong napabuntong-hininga.“At saka kung nag-alala kami ng mga kasambahay nang makita namin ang kalagayan mo noon, mas grabeng pag-aalala ang naramdaman ni Ser Stabros para sayo,” naging malumanay ang boses na dugtong niya.Tipid ko siyang nginitian. Hindi ko magawang maniwala sa kaniyang ikinuwento. Napakaimposibleng mag-alala si Stavros sa akin ng ganoon. Sa hinuha ko ay sinosobrahan lamang ni Manang Eba ang kaniyan
Stavros’ POV Tahimik naming binabaybay ang daan pauwi.Aviona just got discharged a while ago. She had been staying there for three days exactly. Actually, she could already go home a day after the day she was brought in the hospital. But I asked Dr. Cruz to let her stay for another two days to check if her wound was truly fine.Walang umiimik sa aming tatlo. Kami lamang nila Manang Eba at Aviona sa loob ng sasakyan. Ako ang nagmamaneho habang nasa likuran naman silang dalawa.Napatingin ako sa front mirror para tingnan si Aviona. Nahuli ko siyang nakatingin sa akin ngunit agad niyang ibinaling sa may bintana ang kaniyang mga mata nang mahuli ko siya.Napangiti ako sa kaniyang reaksyon.I could say that something about us had improved.Hindi na kasi siya nagwawala sa tuwing nakikita niya ako. Hindi
Aviona’s POV“Mahal na mahal ka ng Tata Pedro, Ana.”“Ikaw kaya ang pinakapaborito ko sa lahat! At ikaw din ang pinakamaganda rito.”“Ang ganda mo talaga, anak.”“Akin ka lang, Ana. Akin lang ang katawan mo!” Nasundan iyon ng isang kahila-hilakbot na halakhak.Para akong nakaahon mula sa pagkalunod. Hingal na hingal akong napabangon sa aking kama. Napahawak ako sa aking dibdib. Ang sakit nito. Parang may pumipiga rito. Ang isa kong kamay ay naglakbay sa aking pisngi. Humihikbing pinahid ko ang luhang umagos sa aking pisngi. Pinagsamang luha, pawis, at sipon ang bumasa sa aking mukha.Nagising na naman ako mula sa isang bangungot. Napaatras at napasandal ako sa headboard ng kama. Niyakap ko ang aking mga binti habang walang tigil na humahagulgol. Sa tuwing nagigising ako mu
Aviona’s POVNanigas ako sa aking kinatatayuan nang salubungin ko ang seryosong mukha ni Stavros habang siya ay nakapamulsa lang na nakatitig din sa akin.Ilang sandali kaming nagsukatan ng tingin.“What are you doing here?” pagputol niya sa katahimikang namamagitan sa amin.Wala sa oras na napalunok ako dahil sa klase ng tingin na ipinupukol niya sa akin. Galit ba siya dahil lumabas ako sa kaniyang mansyon? Napakagat ako sa aking pang-ibabang labi. “A-ahm…” Hindi ko alam kung paano magsisimulang magpaliwanag. Ayaw kong magkamali dahil baka saktan niya ako.Sa kaniyang itsura ngayon ay hindi malabong ganoon ang mangyari. Ganitong tingin din kasi ang natatanggap ko mula kay Tata Pedro noon bago niya ako umpisahang saktan.“I’m waiting, Aviona,” muling salita niya.&
Stavros’ POVPalingon-lingon si Aviona sa paligid.Sa tingin ko ay hinahanap niya ang nakalarong tuta kanina.Naalala ko kung paano ko siya sinundan sa kaniyang paggagala kaninang madaling araw. Noong nagising kasi siya ay eksaktong kagagaling ko lang sa banyo noon para umihi. Kitang-kita ko kung paano siya takot na takot na nagising sa kaniyang pagtulog. Hanggang sa lumabas siya ng kaniyang kwarto sa tulong ng CCTV na naka-install sa kaniyang kwarto.Doon na ako nagpasyang lumabas para sundan siya. Ginawa ko ang lahat para hindi niya maramdaman ang aking presensya. Pinanatili ko ang malayo ngunit sapat na distansya sa pagitan naming dalawa para mabantayan siya.Kaagad akong naalarma nang makita ko siyang napatigil sa tapat ng kusina. Ang nasa isip ko kanina ay mabuti na lamang at sakto ang aking paggising. Dahil baka maisipan na naman niya