Aviona's POV
Malalim na ang gabi ngunit hindi ko pa rin magawang makatulog dahil paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang nagtulak sa akin upang mapunta sa sitwasyon na kinaroroonan ko ngayon.
“Ngayon lang ako hihiling sayo. Madali lang naman ang gagawin mo. Magpapakasal ka lang naman kay Stavros Bienvenelo. Kapag naging asawa mo na siya, magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Napakalaking isda ni Stavros sa industriyang ito. Makikinabang ka rin naman sa mga ito,” may halong inis na pakiusap sa akin ni daddy.
Nanatili lang akong nakayuko. Ayaw kong magsalita dahil wala rin namang magiging saysay. Kilala ko siya. Wala siyang pinapakinggan. Kahit si mommy ay walang magawa kundi ang hayaan siya sa mga desisyon niya sa buhay.
“Roberto, bakit ba kasi kailangan pang magpakasal para makuha mo ang nais mo para sa negosyo mo? Hindi ba pwedeng idaan na lang sa usapan o kontrata ang lahat? Pwede naman tayong makipag-partner sa mga Bienvenelo,” sabat ni mommy habang himas-himas niya ang aking balikat.
“Wala ka talagang alam sa negosyo, Rosita. Kapag nakipag-partner lang ako kay Stavros, kailangan ko pang maglabas ng pera para makapasok sa kumpanya niya. Kapag natuloy ang kasal, hindi ko na kailangang maglabas pa ng pera dahil siya na mismo ang magbibigay sa akin ng pera,” sagot niya sa aniyang asawa.
Nagulat ako dahil bigla na siyang napunta sa tabi ko. Napaatras ako kahit nasa dulo na ako ng sofa. Hindi ko naiwasang mapakapit nang mahigpit sa kamay ni mommy.
Mukhang naramdaman ni mommy ang pagkataranta ko kung kaya ay lumipat siya ng pwesto at pumagitna sa aming dalawa ni daddy.
Umismid si daddy. “Palibhasa ini-spoil mo ang babaeng ‘yan. Ayaw mong paglalabas-labasin. Tignan mo na. Takot na takot makipaghalubilo sa mga tao,” saad niya at saka bumaling sa akin. “Ikaw naman, sumunod ka sa gusto kong mangyari. Kahit ito na lamang ang bayad mo sa dalawang taong pagkupkop namin sayo—”
“Roberto, ano ba—”
“Dahil kung hindi ka pa papayag na magpakasal kay Stavros, sisiguraduhin kong ibabalik kita sa lungga na pinanggalingan mo,” wika niya bago umalis sa sala.
Sa mga narinig ay nakaramdam na naman ako ng takot sa mga maaaring mangyari kung sakali mang tatanggi ako sa nakatakdang kasal. Ayaw ko nang bumalik pa sa impyernong iyon.
Natigil ako sa pagbabalik-tanaw nang makaramdam ako ng uhaw.
Bumaling ako sa aking bedside table para sana kumuha ng tubig ngunit naubos ko na pala ang laman ng pitsel. Wala akong nagawa kundi ang kunin ang pitsel at baso at bumaba sa kusina para uminom.
Nang makarating ako sa kusina ay hindi na ako nag-abala pang buksan ang main bulb. Sapat na kasi ang dim lights para makita ko ang aking pakay. Nasa kalagitnaan pa lamang ako ng pag-inom nang makarinig ako ng pagpatay ng makina ng sasakyan.
Gabing-gabi na. Ngayon pa lang siya nakauwi?
Hihintayin ko na lamang siyang makaakyat bago ako umakyat.
Sa loob ng tatlong linggo naming pagiging kasal ay bilang lang sa mga daliri kung gaano kami kadalas magkakitaan sa loob ng mansyon. Na siya namang ipinagpapasalamat ko nang lubos. Kung maaari nga ay huwag na sana kaming magkatagpo kahit kailan.
Masyado siyang nakakatakot. Hindi ko makalimutan ang talim ng kaniyang tingin. Hindi ko iyon magawang salubungin dahil para akong hinahatulan sa tuwing napapatingin ako sa mga iyon. Kakaibang kaba at takot ang nararamdaman ko tuwing nakakahalubilo ko siya. At ang pinakakinakatakutan ko sa kaniya ay ang kaniyang galit.
Ayoko nang makita pa ulit na magalit siya.
Ilang minuto na ang lumipas ngunit wala pa ring pumapasok na Stavros sa loob ng mansyon.
Baka naman nakatulog na siya sa kotse.
Akmang lalabas na ako sa bukana ng kusina ngunit biglang bumukas ang pinto na siyang nagpaatras sa akin mula sa aking akmang paglabas. Nagtago ako sa gilid ngunit nanatiling nakasilip sa may pintuan.
“Let’s go upstairs,” rinig kong sambit ni Stavros.
Nanlaki ang mga mata ko nang makita kong may akbay-akbay siyang babae. Napalunok ako at saka tahimik na pinanood ang kanilang pag-akyat.
Hindi ko nakita nang maayos ang mukha ng babae. Ngunit nakasisiguro akong maganda ito. Maganda rin ang hubog ng kaniyang katawan. Litaw na litaw iyon sa suot niyang strapless na blouse na pinarisan niya ng mini skirt at boots.
Muli akong napainom ng tubig dahil sa nakita. Pinalipas ko muna ang ilang minuto bago napagpasyahang umakyat.
Papasok na sana ako sa aking kwarto nang makarinig ako ng mga halinghing na sinundan ng may kalakasang ungol.
Para akong napako sa aking kinatatayuan. Ramdam ko ang dahan-dahang pagkalat ng panginginig at takot sa aking katawan.
“Hindi… Hindi pwede…” pilit kong pagpapakalma sa aking sarili.
Ngunit sinundan pa iyon ng mas malakas na ungol.
Gusto kong gumalaw ngunit ayaw ng aking katawan. Kinuyom ko ang aking mga kamao. Nagsimula na naman sila. Narito na naman ang mga mahihinang tinig na bumubulong sa aking tainga.
Mariin kong ipinikit ang aking mga mata.
“Aaaahhh, ang sarap mo talagang bata ka,” paungol na sambit ni Tata Pedro habang siya ay nasa aking ibabaw.
Wala akong magawa kundi ang ibaling ang aking ulo upang hindi ko makita ang kaniyang mukha. At ang umiyak dahil wala akong kalaban-laban sa kaniya. Nakagapos ang aking mga kamay sa magkabilang poste ng aking kama.
“T-tama na po. P-parang awa n-niyo na po," pagmamakaawa ko sa kaniya.
Ngunit para siyang nauulol at nabibingi dahil abala siya sa pagpapakain sa tawag ng kaniyang laman.
“T-tata, tama na po. A-ayaw ko na po…” walang tigil kong pag-awat sa kaniya.
"Masarap ba? Masarap ba, anak?” baliw na tanong niya habang tuloy pa rin sa kababuyan niya.
“Tama na po… Tama na po…" iyak ko.
“What’s with your drama, Aviona?” narinig ko ang boses ni Stavros.
Lalo akong nanginig sa aking narinig. Kasabwat ba ni Tata Pedro si Stavros? Narito rin ba siya para babuyin ako?
“Naririnig mo ba siya, Aviona? Narito rin siya para babuyin ka,” bulong ni Tata Pedro sa aking tainga.
Biglang nag-iba ang lugar na kinaroroonan ko. Nasa mansyon na ako ni Stavros. Kasalukuyan akong nakaupo sa sahig. At basang-basa ang mukha ko ng luha.
"What are you crying for? Are you jealous because I fuck other woman when I'm already married with you?!"
Nagulantang ang aking buong pagkatao sa sigaw ni Stavros. Nakatayo siya sa aking harapan ngayon. At galit na galit ang kaniyang mga mata.
‘Bababuyin ka rin niya, anak,’ muling bulong ni Tata Pedro na sinundan ng kaniyang mala-demonyong halakhak.
Mas bumilis ang tibok ng aking puso nang hatakin ako ni Stavros papasok sa kaniyang kwarto. Nagpumiglas ako ngunit masyado siyang malakas.
Tagumpay niya akong naipasok sa kaniyang silid. Agad niya akong inihagis sa kaniyang higaan.
Kaagad akong umupo at gumapang paatras sa headboard ng kama habang siya naman ay madilim na nakatitig sa aking katawan.
“‘Wag, please,” luhaang pagmamakaawa ko sa kaniya.
Ngunit para siyang si Tata Pedro na walang pinapakinggan.
Lumundo ang kutson dahil sa pag-akyat niya rito. Dahan-dahan siyang gumapang papalapit sa akin.
“‘Wag kang lalapit!” pigil ko sa kaniya.
“Why? Isn’t this what you wanted?” nakangising tanong niya. Naglandas ang kaniyang mga mata sa h***d kong hita dahil sa paglilis ng suot kong pajama.
“Nagkakamali ka! Huwag kang lalapit sa akin. Parang awa mo na!” Pinipilit kong tatagan ang aking loob ngunit hindi iyon naging sapat. Dahil sa loob ko ay kinakain na ako ng takot at pagkasuklam.
“Asawa kita. Kaya gagalawin kita kung kailan ko gusto.”
‘Gagalawin kita hangga’t gusto ko.’ Iyan din ang mga salitang palaging sinasabi ni Tata Pedro sa akin.
Ipinikit ko nang mariin ang aking mga mata upang labanan ang tinig na bumubulong ngunit nangibabaw na sa aking pandinig ang boses ni Tata Pedro.
‘Masasarapan ka rin naman, anak.’
‘Responsibilidad mong pasayahin ako, anak.’
‘Kapag sinabi kong h***d, h***d!’
‘Ang sarap mo talaga, anak!’
Nang imulat ko ang aking mata ay muli ko na namang nasilayan ang mukha ng demonyong si Tata Pedro. Nakangisi na naman siya at unti-unting lumapit sa akin.
“Tata Pedro… tama na po…” pagod na bulong ko.
Stavros’ POV“Tata Pedro… tama na po.”Para akong binuhusan ng malamig ng tubig sa aking narinig. Para akong nagising mula sa isang bangungot.What the fuck just happened to me? When did I ever forced a woman to have sex with me?Lalo akong natauhan nang makita ko ang kaawa-awang itsura ni Aviona. Sira na ang suot niyang t-shirt kaya nakalantad na ang kaniyang dibdib na tanging bra lamang ang nagkukubli. Nakababa na rin hanggang sa kaniyang binti ang kaniyang pajama.Nang dumako ang aking mga mata sa kaniyang mukha ay gusto ko nang suntukin ang aking sarili. Punong-puno ng takot ang kaniyang mga mata. Basang-basa ng luha ang kaniyang mukha. At paulit-ulit niyang sinasamsabit ang mga katagang, “Tama na po.”Kaagad akong tumayo at kumuha ng roba. Bumalik ako at isinuot sa kaniya ito.&ld
Aviona’s POVSa mundong aking ginagalawan ngayon, maaari akong maihalintulad sa isang may sinding kandila. Unti-unting natutunaw at nauubos. Hindi alam kung gaano katagal ngunit siguradong nauubusan na ng oras.Alam kong lahat ng buhay, bagay at pangyayari sa mundo ay may katapusan. Kalabisan na ba kung hihilingin ko sa Maylikha na tapusin na ang aking paglalakbay?Dahil para saan pa ang pagpapatuloy? Gayong bago pa ako magsimula ay may pumigil na sa akin na tuklasin ang kabutihan at kagandahan ng mundo.Pagod kong iminulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang magarang kisame ng aking kwarto. Narito na naman ako. Sa isang hawla na kung saan ako mismo ang namiling ikulong ang aking sarili.Bakit ba hindi pa ako namamatay? Ano pa ba ang ganap ko sa mundo? Ano pa bang kalupitan ang kailangan kong danasin bago Niya mapagpasyahang ba
Aviona’s POV“Kain lang nang kain, iha.” Natapos nang gamutin at balutin ng benda ni Manang Eba ang aking sugat. Kaagad niya akong pinakain nang matapos. Nagpresinta akong kumain nang mag-isa ngunit nagpumilit siyang subuan ako. Ang katwiran niya ay hindi raw ako makakakain nang maayos dahil sa aking sugat. “Lagi kitang hinihintay na bumaba upang mabantayan ka naming kumain. Ang kaso naman ay madalang ka lamang na lumabas sa kwarto mong ito.” Muli siyang sumalok ng pagkain gamit ang kutsara saka isinubo sa akin. Nilunok ko muna ang pagkain sa aking bibig bago nagsalita. “Pasensya na po kayo. Hindi po kasi ako sanay na humarap sa mga tao,” pag-amin ko.“Naiintindihan ko naman. Ang sa akin lang, kung may problema ka, magsabi ka sa amin. At kung wala man kaming maibigay na adbays, kahit papaano naman ay may napagsabihan ka. May nakinig sa iyo. Tulad nga ng napanood ko sa tibi, malaking gaan sa pakiramdam ang paglalabas at pagsas
Stavros’ POV“Mr. Bienvenelo, ready na po ang lahat. Kayo na lamang po ang hinihintay sa board room,” ani Dominic pagkapasok sa aking opisina.Sa narinig ay tumalima na ako at tumayo. Isinuot ko ang aking coat at saka hinigpitan ang aking necktie.Si Dominic naman ay nakatayo lamang sa harapan ng aking mesa, hinihintay akong makapag-ayos.Nang makuntento ako ay lumakad na ako palabas ng aking opisina.Nanatiling nakabuntot si Dominic sa akin.“Do I have any appointment after this?” This was a hell week. Kung hindi ako uma-attend ng mga meetings ay natatambakan naman ako ng mga papel na nangangailangan ng final review at pirma ko. Minsan ay kumikirot na ang ulo ko sa dami nang kailangang gawin. May ipinapatayo na kasing bagong hotel sa katabing syudad. Kaya ganoon na lamang kaabala ang lahat ng em
Stavros’ POVI had my fingers crossed. I was sitting on the bench outside the emergency room. I also stood up from time to time to peak at the door of the ER, expecting that the door would open anytime soon.Masyado akong nag-aalala sa kalagayan ni Aviona. Masyadong madami ang nawalang dugo sa kaniya. I still hoped that she’s going to be fine.Ako lang mag-isa ang sumama sa ospital. Gusto mang sumama ni Manang Eba ay sinabihan ko siyang maiwan na muna upang maghanda ng gagamitin ni Aviona habang naririto pa siya sa ospital. Mamaya rin ay susunod na iyon.Naagaw ng aking atensyon ang pagtunog ng aking cellphone. Hindi ko ito pinansin noong una. Wala na sana akong balak pang sagutin ito. Ngunit muli itong tumunog.Napipilitan kong kinuha sa aking bulsa ang cellphone at saka iyon sinagot. “What?”“H
Stavros’ POV The silence was deafening. I was here, sitting in the corner, away from my wife.It had been an hour since Aviona was transferred in this private room.She was there, lying and sleeping soundly on the hospital bed. Her face was serene. She looked so peaceful. You wouldn’t think that she was going through something hard, something deep.Napalingon ako sa pinto nang marinig kong may kumatok dito. Maya-maya pa ay dahan-dahan itong bumukas. Pumasok mula roon si Manang Eba.“Ser Stabros…” bati niya saka bahagyang yumukod.Tinanguan ko siya at saka itinuro ang bedside table.Hindi siya agad na kumilos. Tumingin ito sa kinahihigaan ni Aviona. Tinitigan niya ito. Ilang sandali lamang ay nasaksihan ko kung paano niya pasimpleng pinunasan ang ilalim ng kaniyang mga mata.&n
Aviona’s POV“Nagpakasal sila. At sa huli ay nagkaroon sila ng mga anak. Namuhay silang magkasama at masayang-masaya.” Isinara ni Sister Janet ang librong hawak niya. “At d’yan nagtatapos ang kwento natin para sa araw na ito.”Ang ganda ng kwento! Kwento iyon ng isang prinsesang naligaw at napahamak sa isang syudad tapos ay iniligtas ng isang ordinaryong lalaki. Nahulog iyong lalaki sa prinsesa kaya’t ginawa niya ang lahat para mapasagot ang prinsesa kahit na pinahirapan siya ng amang hari nito.“Oh, nariyan na pala ang Tata Pedro niyo!” nakangiting sabi ni Sister Janet na nakatingin sa aming likuran.Napukaw ang atensyon ko dahil sa sinabi ni Sister Janet. Agad kaming napalingon at nakita namin si Tata Pedro na may hawak-hawak na mga supot ng tsokolate.“Tata Pedro!” excited namin
Aviona’s POV“Nako kung nakita mo lang ang reaksyon ni Ser Stabros noong dumating siyang hindi pa namin nabubuksan ang pinto ng banyo mo. Para siyang magbubuga ng apoy anumang oras. At noong hindi niya kayang buksan iyong pinto sa pagtadyak, nagpakuha siya ng bareta kay Jessa. Sinira niya kaya ang pinto ng banyo mo para lang mailigtas ka,” masiglang kwento ni Manang Eba na may kasama pang mga aksyon.Lihim akong napabuntong-hininga.“At saka kung nag-alala kami ng mga kasambahay nang makita namin ang kalagayan mo noon, mas grabeng pag-aalala ang naramdaman ni Ser Stabros para sayo,” naging malumanay ang boses na dugtong niya.Tipid ko siyang nginitian. Hindi ko magawang maniwala sa kaniyang ikinuwento. Napakaimposibleng mag-alala si Stavros sa akin ng ganoon. Sa hinuha ko ay sinosobrahan lamang ni Manang Eba ang kaniyan