Aviona’s POV
“Any minute ay dadating na sina Stavros, Avi. Tandaan mo ang mga bilin ko sayo, okay? Ininom mo na ba ang gamot mo?” tanong ni mommy habang kulong-kulong niya sa kaniyang mga palad ang aking mukha.
Marahan akong tumango. “Opo.”
Mahinhin siyang ngumiti. “Mabuti.”
“Aviona.” Isang malalim na tinig ang nagpalundag ng aking puso.
Si daddy. Seryoso ang mukha niya habang naglalakad palapit sa akin.
Nahigit ko ang aking paghinga.
Si mommy na kanina ay nasa aking tabi, ngayon ay nasa tabi na ni daddy.
“Aviona,” muli niyang tawag sa akin. Masyado siyang malapit sa akin.
Nagsimulang mamawis ang aking mga palad.
“After the ceremony today, you will now leave the house. You will stay with Stavros and will become his wife. Dapat alam mong simula ngayon ay mag-iiba na ang takbo ng buhay mo. Pagsisilbihan mo si Stavros bilang isang ulirang asawa dahil ‘yon ang magiging silbi mo sa kaniya,” aniya.
“Roberto.” Bakas sa boses ni mommy na nais niyang pigilin si daddy dahil hinawakan niya ang braso nito.
“Gagawin mo kung anong sasabihin niya. Kung gusto niyang ipagluto mo siya, gawin mo. At kung gusto niyang galawin ka, wala kang karapatang tumanggi dahil responsiblidad mong pasayahin siya sa kama.”
“Roberto! That’s enough!” galit na saway ni mommy.
Ngunit huli na ang lahat.
Pumintig ng malakas ang ugat ko sa ulo. Lumalabo rin ang paningin ko ngunit agad rin na bumabalik sa pagiging malinaw. Hanggang sa makarinig ako ng maliit na tinig sa bumubulong sa tainga ko.
‘Gagawin mo ang gusto ko! Kapag sinabi kong h***d, magh***d ka!’
‘Ngayon, h***d!’
‘Wala kang karapatang tumanggi dahil utang mo ang buhay mo sa akin! Kaya kapag gusto kitang galawin, gagalawin kita!’
‘Responsibilidad mong pasayahin ako sa kama dahil binuhay kita!’
“Avi, are you okay?” Balak akong hawakan ni mommy ngunit agad kong iniwas ang aking katawan sa kaniya.
Pagewang-gewang akong tumakbo palayo sa kanila. Halos matapilok na ako dahil sa hilo at labo ng aking paningin.
Nang makakita ako ng karatula ng CR ay agad ko iyong pinasok. Ini-lock ko ang pinto. Muntik pa akong masubsob kung di lang ako napakapit sa pasimano ng lababo.
Tinignan ko ang aking repleksyon sa salamin. Nanginginig ang mga talukap ko na tila nagpapahiwatig ng parating na delubyo.
Hindi.
Hindi ito pwedeng mangyari ngayon. Hindi ito maaari.
Bakit ba laging nangyayari 'to? Bakit ngayon pa?
Ang init. Sobrang init. Ang sikip ng suot kong gown. Gusto ko itong tanggalin.
Hindi ko mahabol ang aking hininga. Bakit 'di ako makahinga ng maayos?
Ramdam ko ang panginginig ng aking mga kamay. Lalo na ang lalong pagbilis ng tibok ng aking puso.
Bakit bumibilis nang bumibilis ito?
Bigla akong nilamig. Oo. Malamig. At ang bigat ng aking dibdib. Aatakihin ba ako sa puso?
Hindi ko alam kung saan ko ilalagay ang aking mga kamay. Kung sa dibdib ba para aluin ang bigat na nadarama nito o ang ikiskis ang mga ito sa aking balat upang maibsan ang lamig na aking nararamdaman. Ngunit may sarili atang utak ang aking mga kamay. Kusa itong kumuyom. Sinuntok ko ang aking dibdib ng ilang beses. Baka sakaling mabawasan ang bigat nito.
Ngunit habang lumilipas ang mga segundo, mas lalong sumasakit ang aking dibdib. Parang may mga dagang nagpapabalik-balik ng takbo dito. At ang kanilang mga kuko ay nag-iiwan ng mga kamot at sugat sa aking puso. Naninigas na rin ang aking mga kalamnan sanhi para ako ay mamanhid. Hindi ko na maramdaman ang aking mga paa.
Napapikit ako. Pagmulat ko ay nakatayo na ako sa harap ng pinto ng CR. Nakatingin sa sarili ko habang inaatake sa kabilang sulok ng silid. Para akong isang kaluluwa na pinapanood ang aking katawan. Gayunpaman ay nararamdaman ko pa rin ang nararamdaman ng aking katawan.
Napahawak ako sa aking dibdib. Malabong mangyari ito. "Hindi 'to totoo… Hindi 'to totoo…" hingal kong sabi sa aking sarili. Pumikit akong muli. At nang muli akong magmulat, nakabalik na ako sa aking katawan.
Nakaramdam ako ng pagkahilo. Pakiramdam ko ay magkakasakit ako. Lalagnatin ba ako? Kailangan ko ng gamot kung gan'on. Nasaan ang aking gamot?
Nanginginig kong inapuhap ang aking pouch para kalkalin ang banig ng tabletas na lagi kong iniinom. Kailangan ko nito. Kailangan ko nito para kumalma.
Aligaga kong binuksan ang tatlong tabletas at sinubo saka nilunok. Nahirapan pa ako sa paglunok dahil may kalakihan ang mga ito.
Magiging okay na ako. Magiging okay na ako. Nakainom na ako ng gamot. Magiging maayos na ang aking pakiramdam.
Ngunit akala ko lang iyon. Dahil ngayon, parang mas lumala ang sama ng pakiramdam ko. Dumoble—hindi. Naging triple pa ito sa aking naramdaman kanina.
Na-overdose ba ako? Siguro nga.
"Ah!" Tinakpan ko ang aking mga tainga. Bakit ang ingay? Bakit ang lakas ng tunog ng patak ng tubig? Bakit rinig na rinig ko ang mabilis na tibok ng aking puso? Pati ang mga paglakad ng mga taong nasa labas ng silid ay aking naririnig. At nakakabingi ang mga ito. Ang sakit sa tainga. Parang may lalabas na dugo mula sa mga ito.
Napasabunot ako sa’king buhok. Pakiramdam ko ay sasabog ang ulo ko dahil sa mga nangyayari. Oo. Sasabog na ang ulo ko. Nababaliw na ba ako? Siguro nga nababaliw na ako.
Sana ay may tumulong sakin.
Hindi. Ayoko. Pagtatawanan lang nila ako. Aakalain nilang nababaliw na ako. At ang pinakamalala, sasaktan nila ako. Sasaktan lang nila ako.
Hindi ko naramdaman na nawala na ang higpit ng aking kapit sa pasimano. Napaupo ako sa sahig at napasandal sa malamig na pader na aking katabi. Ilang beses kong inuntog ang ulo ko. Isa. Dalawa. Tatlo. Hanggang sa hindi ko na mabilang pa. Sa una ay mahina lang. Hanggang sa lumakas.
Ang ingay. Ang sakit at bigat ng aking dibdib. Hindi ako makahinga. Namamanhid ang aking buong katawan. Sasabog na ang ulo ko.
Mamamatay na ba ako? Oo. Mamamatay na ako.
Wala sa sariling napangiti ako sa naisip ko. Mamamatay na ako. Makakapagpahinga na ako sa wakas. Hindi ko na mararanasan pa ulit ang mga ito. Sa wakas. Lilisan na ko sa mundo.
"Avi? Avi? Are you there?" Kasabay nito ay ang sunod-sunod na katok mula sa kabilang bahagi ng pinto na gumising sa akin.
Sinampal ako ng katotohanan. Hindi pa ako mamamatay. Inaaatake lang ako. Inatake lang ako ulit.
"Avi, please. Try to take a hold of yourself. Drink your meds. You can't ruin this day, Avi. Please," malambing at may pagmamakaawang suyo ng nasa kabilang dako.
Kilala ko ito. Siya ang mommy ko. At ngayong araw ang aking kasal.
Hindi pa rin bumabalik sa normal ang pakiramdam ko. Kailangan kong kumalma. Ngunit masyado akong nanlalambot. Parang wala ng buhay ang aking katawan. Pero kahit gan'on, pinilit ko pa ring kumilos upang pakalmahin ang aking sarili.
"Walang mangyayaring masama… Walang mangyayaring masama," alo ko sa sarili ko.
Ikinuyom ko ang aking mga kamay at pinilit na huminga ng malalim sa marahang paraan. Sinuklay-suklay ko rin ang aking buhok dahil bahagya itong nagdadala ng kaginhawaan sa aking pakiramdam.
Kumalma ka, Avi. Kumalma ka. Walang mangyayaring masama sayo. Walang mananakit sayo.
Ilang minuto pa ang aking ginugol bago ko tagumpay na napakalma ang aking sarili. Nang masiguro kong kalmado na talaga ako ay kumapit ako sa pasimano ng lababo para kumuha ng suporta upang makatayo. Nanghihina pa rin ang aking mga binti. Pero hindi na katulad kanina na hindi ko maramdaman ang mga ito.
Nang sa tingin ko ay kaya ko nang tumayo mag-isa, inangat ko ang aking mukha at tinitigan ito sa salamin. Basang-basa ng luha ang aking mukha. Mabuti na lamang at waterproof ang ginamit na make-up sa akin. May kumalat man ay kaunti lamang kaya naman ay kaya kong gawan ng paraan.
Inayos ko muna ang aking suot na gown bago nagsimulang ayusin ang kolorete sa aking mukha.
"Avi? Lumabas ka na riyan, please? Kanina pa naghihintay sayo si Stavros," muling tawag ni Mommy.
Napatigil ako sa paglagay ng face powder at napapikit ng mariin. Bumalik sa aking alaala ang dahilan kung bakit narito ako ngayon. Kung paano ako napunta sa sitwasyong ito. Kung bakit naging responsibilidad kong magpakasal sa isang Stavros Bienvenelo, sa isang negosyanteng handang gawin lahat para lamang lumago ang kaniyang negosyo.
Stavros’ POV“Are you really sure she’s coming?” I asked Anthony impatiently, who was busy scrolling through his cellphone.Hindi siya agad na sumagot sa akin. Maya-maya pa ay pinatay niya ang kaniyang cellphone saka tamad na lumingon sa akin “Are you really that excited to get married, Stav?” he teased me.This man. I glared at him. “Don’t start with me, Anthony. That Aviona’s taking so long.” I glanced at my wrist watch. “She’s already 20 minutes late. I still have a business meeting to attend to.”Anthony was surprised. He stood up from his seat while looking at me with his wide eyes. “What the hell, Stavros?” he exclaimed. “It&
Stavros’ POV“So where do you plan to hold your honeymoon, Stavros?” walang-prenong tanong ni Mr. Sarrosa na dahilan para muntik ko nang maibuga ang iniinom kong wine.“Roberto! You’re stepping on their privacy! Kung saan nila gustong mag-honeymoon ay silang mag-asawa na ang bahalang mag-usap tungkol doon,” saway ni Mrs. Sarrosa.Pinunasan ko ang aking bibig gamit ang table napkin bago nagpasyang magsalita. “With all due respect, sir, I want you to step out of our marriage affairs. I agree with your wife’s words. You will get the benefit that I promised to you for letting me marry your daughter in exchange of minding your own business,” walang hiya-hiya kong sagot.T
Stavros’ POV“Aviona…” Himbing na himbing pa rin siya sa kaniyang kinauupuan. Ganoon ba siya kapagod at naging tulog-mantika na siya? “Aviona, wake up. We’re here.”We just arrived at my mansion’s garage.Ilang beses ko pa siyang tinawag ngunit hindi pa rin talaga siya magising. Kaya naman wala akong ibang pagpipilian kundi ang muling lumapit sa kaniya.Hindi ko talaga maiwasan na mapatitig sa kaniyang mukha. Sa itsura niya ay parang wala siyang problema o isipin na pinagdaraanan. Para siyang isinilang para lamang magpalaganap ng kabutihan sa mundo.Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mga labi niyang bahagyang nakaawang. Naalala ko tuloy ang pinagsaluhan naming halik kanina. It was just a quick one. But it was enough for me to feel how soft her lips were.I was awakene
Stavros’ POV“So, it means that Aviona’s adopted?” I blurted out.“Yup,” Anthony answered from the other line.I received the file of Aviona Sarrosa from Anthony this morning. I asked him to send it because that woman’s attitude was bothering the hell out of me.Konti na lang ay iisipin kong takas siya sa isang mental facility.“Wala ba silang tunay na anak?” patungkol ko sa mag-asawang Sarrosa.“They don’t have any. Kaya nag-ampon na lang sila,” diretsong sagot niya.Napasandal ako sa aking swivel chair. “Sigurado ka bang hinalungkat mo ang medical records ni Avionna?”Saglit na natahimik si Anthony. “Oo, bro. Bakit? May napansin ka bang kakaiba sa kaniya?” takang tanong niya. 
Stavros' POV"So, kasal ka na pala talaga?" Ismael Braganza asked. He was the heir of Katalina, the biggest wine company in the world. He was one of my friends and business partners."Yeah," I answered and showed them my wedding ring.It was Saturday night. And I called these men for a night out. I was exhausted so I needed this break. And I could already feel the spirit of the alcohol in my body since it was already hours since we started drinking."Tapang mo naman, dre. Nagagawa mong makipaglandian kahit suot-suot mo ang ebidensya na hindi ka na binata," komento ni Zachary Montemayor, ang nagmamay-ari ng Montemayor Holdings, ang nangunguna sa larangan ng investment properties gaya ng subdivisions at condo units.Sumimsim ako sa aking baso at ngumisi. Naramdaman ko ang lalong paglingkis ni Rica sa aking braso. Binalingan ko siya ng tingin. "Do you mind if I'm al
Aviona's POVMalalim na ang gabi ngunit hindi ko pa rin magawang makatulog dahil paulit-ulit na naglalaro sa isip ko ang nagtulak sa akin upang mapunta sa sitwasyon na kinaroroonan ko ngayon.“Ngayon lang ako hihiling sayo. Madali lang naman ang gagawin mo. Magpapakasal ka lang naman kay Stavros Bienvenelo. Kapag naging asawa mo na siya, magagawa mo na ang lahat ng gusto mo. Napakalaking isda ni Stavros sa industriyang ito. Makikinabang ka rin naman sa mga ito,” may halong inis na pakiusap sa akin ni daddy.Nanatili lang akong nakayuko. Ayaw kong magsalita dahil wala rin namang magiging saysay. Kilala ko siya. Wala siyang pinapakinggan. Kahit si mommy ay walang magawa kundi ang hayaan siya sa mga desisyon niya sa buhay.“Roberto, bakit ba kasi kailangan pang magpakasal para makuha mo ang nais mo para sa negosyo mo? Hindi ba pwedeng idaan na lang sa usapan o kontrata
Stavros’ POV“Tata Pedro… tama na po.”Para akong binuhusan ng malamig ng tubig sa aking narinig. Para akong nagising mula sa isang bangungot.What the fuck just happened to me? When did I ever forced a woman to have sex with me?Lalo akong natauhan nang makita ko ang kaawa-awang itsura ni Aviona. Sira na ang suot niyang t-shirt kaya nakalantad na ang kaniyang dibdib na tanging bra lamang ang nagkukubli. Nakababa na rin hanggang sa kaniyang binti ang kaniyang pajama.Nang dumako ang aking mga mata sa kaniyang mukha ay gusto ko nang suntukin ang aking sarili. Punong-puno ng takot ang kaniyang mga mata. Basang-basa ng luha ang kaniyang mukha. At paulit-ulit niyang sinasamsabit ang mga katagang, “Tama na po.”Kaagad akong tumayo at kumuha ng roba. Bumalik ako at isinuot sa kaniya ito.&ld
Aviona’s POVSa mundong aking ginagalawan ngayon, maaari akong maihalintulad sa isang may sinding kandila. Unti-unting natutunaw at nauubos. Hindi alam kung gaano katagal ngunit siguradong nauubusan na ng oras.Alam kong lahat ng buhay, bagay at pangyayari sa mundo ay may katapusan. Kalabisan na ba kung hihilingin ko sa Maylikha na tapusin na ang aking paglalakbay?Dahil para saan pa ang pagpapatuloy? Gayong bago pa ako magsimula ay may pumigil na sa akin na tuklasin ang kabutihan at kagandahan ng mundo.Pagod kong iminulat ang aking mga mata. Agad na bumungad sa akin ang magarang kisame ng aking kwarto. Narito na naman ako. Sa isang hawla na kung saan ako mismo ang namiling ikulong ang aking sarili.Bakit ba hindi pa ako namamatay? Ano pa ba ang ganap ko sa mundo? Ano pa bang kalupitan ang kailangan kong danasin bago Niya mapagpasyahang ba